My Phenomenal Bodyguard

By Brittledollyrose

19.1K 2.8K 284

PHENOMENAL, known through the senses rather than through thought or intuition. -extraordinary or ang pagiging... More

My Phenomenal Bodyguard
CHAPTER 1 First Meet
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 5O

CHAPTER 28

253 48 0
By Brittledollyrose

"ACERDEL........" Malakas kong sigaw mula rito sa likod ng bahay.

"Bakit?" Medyo pasigaw niya ring sigaw. Pasulpot itong lumabas sa pintoan na nagkokonekta sa loob at sa labas ng bahay. Topless itong humarap sa akin at may daladala rin siyang isang bowl na may kung anong laman na pagkain.

May iilang pawis pa ito sa nuo at katawan. Siya kasi ang naglinis sa loob ng bahay.

Muling dumapo ang mata ko sa matitipuno at pawisan nitong katawan. Nangingintab at nagmukhang mas kaakit-akit ang tanawing iyon. Malinaw kong nakikita at napagmamasdan ang anim niyang tinapay na nakadikit sa tiyanan nito. Nate-temp tuloy akong hawakan ang mga 'yon. Nakakapaglaway bagang.

Geezz ano ba 'tong nga naiisip ko.

Pasimple kong ipinilig ang ulo ko at iniiwas ang paningin sa magandang tanawing iyon. At nagkonwaring hindi ako naaapektohan.

Pinilit kong maging normal at maingat na bumuntong hininga bago nagsalita na parang bata.


"Pagod na ako." Nakanguso kong makaawa rito.


"Talaga lang huh?" Nakangisi nitong paninigurado.


"Oo"

"Nakakadalawang damit ka pa nga." Sabi nito habang may natatawang tingin na ipinukol sa akin. Napatingin naman ako sa tinitignan niya. Ang hirap kayang maglaba, nakakapagod, masakit sa pwet at balakang, at mahapdi rin sa kamay.

Now, I had realized something. Ganito rin siguro ang nararamdaman nila Yaya Minda at Manang Teni kapag naglalaba sila. Kahit naman kasi na may madami kaming washing machine ay may iilan din daw kasing mga damit na hindi kailangan ipaikot lang basta basta sa washing machine. May edad na rin sila, e ako nga na mas batabata pa sa kanila nararamdaman ko na nga kaagad ang pagkabagot at pagkapagod.

"Ayoko nang maglaba. Isusumbong talaga kita kay daddy." Pananakot ko rito pero hindi man lang siya natinag. Nakangisi itong lumapit sa kinaroroonan ko at naupo sa harapan ko.


"Sige lang. Magsumbong ka." Sabi niya na may paghahamong tono.


Sinusubokan niya ba ako? Bwesit! Tang*na! Bakit ba ako nagpapatalo sa kaniya. Bahay kaya namin 'to.

"Bakit mo ba 'to ginagawa sa akin?" I asked tiredly.

Pagod na talaga ako maglaba. Kanina pa ako rito simula nong matapos kaming mag-agahan. Akala ko pa naman nagbibiro lang siya. Diba siya 'yong umaakyat ng ligaw sa akin bakit ako itong gumagawa ng gawaing bahay?

He shrugged sexily. Putik o!


"Sino ka ba sa tingin mo, huh?" May pagkairita kong tanong rito habang iniiwasan na ibaba ang tingin at atensyon pababa sa kaniyang nakahubad na katawan.

"Your bodyguard......" Sagot nito "as well as your suitor." Dagdag nitong sagot at pilyong ngumiti.

"That's the point your just my bodyguard pero kung umasta ka parang ikaw pa 'yong amo sa atin. Suitor?" Sarkastiko akong tumawa. "Ikaw lang ang kilala kong aakyat ng ligaw na imbes ikaw itong gumawa ng gawaing bahay ay ang nililigawan mo pa ang gumagawa. Your unbelievable." Mataray kong sabi at matiim itong tinitigan na kasalukoyan ng nakangisi.


"Kung makapagsalita ka parang ang dami mo ng nalaba, e dalawang piraso pa nga lang 'yan ng damit..........and damn. What did you do to my black shirt bakit nagkaganiyan ang kulay niyan. Akin ba 'yan?" Napatingin ako sa tinutukoy niya. Pinakatitigan ko ang kulay itim na t-shirt na nag-iba na ang kulay sa ngayon...naging kulay brown-orange na ito. Halos magkanda butas butas na rin ang itsura.


"A-amh....yeah that's yours. I put that hot liquid thing to your shirt that's why it change the color." Inosente kong sabi.


"Zaitel. Shit." Frustrated nitong mura.

"Bakit ka ba nagmumura? Ayaw mo ba sa bagong kulay ng damit mo? Kahit ano namang isuot mo gwapo ka pa rin namang tignan." Wala sa prenong pag-amin ko ng katotohanan na nagbigay kislap sa dalawa niyang mga mata. Para iyong mga bituin na kumikislap sa kalangitan.

"It's chlorine, Zaitel. Sa mga mantsa lang 'yan nilalagay, sa mga puting damit at hindi sa dekoloris." Kalmado nitong sabi habang may di kapani-paniwalang tumitig sa akin.


"Bakit mo pa kasi ako pinalaba kahit alam mo namang wala akong ka alam alam." Sumbat ko rito.


"Maglalaba ka at tataposin mo 'yan sa ayaw o sa gusto mo." Sabi niya ikinakulo ng dugo ko.

God. Nakaka bwesit na ang nilalang na 'to. Sisipain ko na talaga 'to.

He even address his self being my suitor. Ang dapat na ginagawa niya saakin ngayon ay sinusuyo at hindi pinapahirapan.

Narinig ko itong tumikhim kaya lumingon ako sa kaniya. Malalaking mata at halos manigas ako sa kinauupoan ko ng mamalayan kong ilang dangkal na lang ay magkakalapit na ang mga labi naming dalawa sa sobrang lapit. Napatitig ako sa kulay kayumanggi nitong mga mata pababa sa mapupulang labi nito. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng pusoko na parang nanggaling ako sa pagtakbo ng ilang daang kilometro para magharumintado ng ganito itong puso ko. Halos hindi rin ako makahinga sa sobrang lapit niya. Binasa niya ang kaniyang pang-ibabang labi gamit ang kaniyang dila. Parang ayoko nang iiwas pa ang aking paningin sa tanawin na 'yon.

Napaigtad ako ng biglang itong magsalita na nagpabalik ng mga mata ko sa mga mata niya. 


"Someone told me that if a girl or woman stare at the mans mouth she want to claim his lips." Sabi nito na ikinaiwas ng dalawa kong mga mata sa kaniyang mukha at luminhon na lang sa kung saan. Ramdam ko ang mabango at mainit nitong hininga na tumatama sa balat nang leeg ko na ikinatayo ng mga balahibo ko sa katawan.


Ramdam ko din ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi kaya bahagya akong yumoko at itinuon ang buong atensyon sa pagkukusot ng labahan para itago ang pamumula non.

I heard him chuckled bago ito tumayo and ask me.

"What do you want for lunch?" He asked using his manly voice.

I cleared my throat first before answering him.


"Adobo. Kahit anong klaseng adobo." Sabi ko




.......

6:45pm

"Acerdel I'm still hungry." Reklamo ko kay Acerdel na katabi ko lang na nakaupo sa sofa dito sa sala.


Hindi kapani-paniwala niya akong binalingan ng tingin.


"Seriously? Katatapos lang nating kumain nagugutom ka pa rin." Nagtataka niyang sabi.


"Sa nagugutom pa nga ako." Reklamo ko habang nakahawak sa tiyan kong gutom pa rin.


"Ano bang nandiyan sa tiyan mo at gutom ka pa rin. May bakunawa ka bang tinatago sa loob." Sabi nito na ikinayoko ko.


"Oo patay gutom na ako. Masarap kayang kumain lalo na kung alam mong hindi ka tumataba. 'Food is life' ika nga nila." Puno ng sarkastiko kong sabi.

Narinig ko itong bumuntong hininga ata maingat iyong binuga.

"What do you want to eat? Ipagluluto kita." Kalmadong sabi niya na ikinaangat ng ulo ko. Umaliwas ang mukha ko sa pagkasabik.

"Huwag mo na akong lutoan." Tanggi ko sa alok niya na ikinakunot ng kaniyang makinis na nuo sa pagtataka.



"Gusto kong kumain ng fast food." Sabi ko.

"Anong fast food ba ang gusto mong kainin?"  Kapagkuway tanong niya at saka tumayo sa kinauupoan.


"Burger, foot long, fries and ice cream, sana hehehe." Sabi ko habang may kislap sa matang tinitigan siya.


Mahina itong napabuntong hininga bago nagsalita.




"Okay. Ibibili kita." Sabi nito na ikinasaya ng puso ko sa tuwa. Nagke-crave talaga ako nang fast food.

Naglakad ito patungong second floor at narinig kong may bumukas sara na pinto mukhang may kukunin ata siya sa kaniyang kwarto.

Ilang sandaling paghihintay ay bumaba na ito na may suot na itim na jacket at may bitbit na susi sa kanang kamay, susi niya sa kaniyang sariling kotse.

"Maghintay ka lang rito sa loob. Huwag kang lalabas hanggat hin.............." I cut him off.

"Pwede bang sumama na lang ako?" Pakiusap ko rito habang malapad na nakangisi.


"Okay." Maikli nitong sagot.


Excited akong napatayo sa pagkakaupo ng sabihin niya 'yon.



"Talaga? Pwede akong sumama?" Paninigurado ko.

"You hear it clearly. So, yeah!"

"Sabi mo 'yan ha. Atsaka libre mo na rin." May pilyong ngiti kong sabi habang itinaas baba ang dalawang kilay.

"Hmm" he hummed as an answer.
"Tara na" aya nito at nagsimula ng maglakad papuntang pintoan.

"Teka lang!" Pasigaw kong pigil sa kaniya na ikinahinto niya sa paglalakad at kunot nuo akong binalingan ng tingin.

Patakbo akong lumapit sa kaniya at imwenestra ang sariling kamay patungo sa kaniyang kanang kamay na may hawak na susi.

"Maglakad na lang tayo." Suhestiyon ko at kinuha mula sa kamay niya ang kaniyang susi na ikinataka lalo ng kaniyang mukha.



May panunuri niyang tinititigan ang mukha ko. Matiim at parang hinahalukay ang sagot sa mga tanong sa kaniyang isipan na pamamagitan ng pagtitig sa mga mata ko.


Mahina akong napatikhim ng masilayan ko sa kaniyang pagmumukha ang pagngisi ng mapupula niyang labi.

"Great. Are you planning something?" He asked wearing his naughty smile. Nate-tense ako sa paraan ng pagtitig niya.

"Huh! N-no. Bakit mo naman nasabi?" Nagtataka kong tanong. Wala naman akong plano. Atsaka feel ko lang talagang maglakad ngayon.


"I like that." Napapantastikohang komento nito habang may mahinang tawang kumakawala.


Nagtataka ko siyang tinitigan. Ano ba 'yang pinagsasabi niya. He's acting weird again.


"Ano ba 'yang iniisip mo?" Takha kong tanong habang magkasalubong ang mgakilay.



"Nothing. I'm just wondering kung bakit gusto mong maglakad kung pwede namang magkotse na lang tayo." He said, giving me again his naughty smile.


"Ano namang ikinapagtataka no'n?" Nagtataka ko pa ring tanong. Minsan talaga hindi ko talaga nage-gets 'yong mga gusto niyang iparating.

He shrugged slightly.

"Ang sabihin mo gusto mo lang akong masolo, honey." Nakangiti nitong sabi na ikinalaki ng mga mata ko sa gulat at pagtataka.

Napangiwi ako ng marinig ko na naman 'yong 'honey' sa bibig niya. And, what is he talking about? Bibili na nga lang ng fast food kung ano-ano pa ang iniisip.

"Should I call this a date? Or what?" Sabi habang nag-iisip kung ano ang gusto niyang itawag.


"Stop thinking Acerdel. This is not a date period, loko ka bibili lang tayo ng pagkain kung ano-ano na ang iniisip mo. Atsaka, maglalakad tayo kasi malapit lang naman ang bibilhan natin, diyan lang sa unahan....." Sabay nguso ko sa kung saang direksyon ang papunta sa isang fastfood "hindi pa nga tayo makakalabas ng village. Diyan tayo bibili sa 'Beau food hub'." May pagkainis kong sabi at inunahan siyang makalabas ng bahay. Kung ano-ano ang sinasabi.

Ang lapit lang naman kasi nong food hub pwede lang naman lakarin bakit kailangan pa niyang gumamit ng kotse.


"Hey! Zaitel wait." Rinig kong tawag nito sa pangalan ko ng makalabas ako ng gate pero pinili ko na lang hindi siya lingunin alam ko naman kasing nakasunod lang siya.

Ilang sandali ay tumabi ito sa tabi ko.

"Wear this jacket." Sabi niya at inilagay sa likod ko ang suot niyang jacket kanina. Medyo malamig nga simoy ng hangin ngayon. Naka t-shirt na manipis lang din kasi ako.


"Huwag na." Tanggi ko rito at iminwestrang tanggalin ang kaniyang jacket sa likod ko pero inunahan niya akong pigilan sa pagkakatanggal niyon gamit ang magkabila niyang braso at kamay.

Pasimple ko siyang nilingon sa tabi ko, damn he look so handsome from this sight kahit na medyo madilim dito sa labas dahil ang nagsisilbing ilaw lang ay ang mga street lights at mga ilaw na nanggagaling sa ibang mga mansyon na nadadaanan namin. He's not looking at me.

"Huwag kang maarte hindi lang naman ikaw ang inaalala ko, baka kung ano din kasing mangyari sa baby natin sa loob ng tiyan mo. Ayokong lamigin siya." Sabi niya at dahan dahang lumingon paharap sa akin kaya medyo umiwas ako ng tingin.


Nahihiya ako sa kaniyang tinuran. Pinaalala niya lang 'yong umagang nagising akong katabi siya na inakala kong ni-rape niya ako. I won't unsay that I felt embarrassed for him and for myself from that scenario.

"Ano ba 'yang baby na pinagsasabi mo?" Maang-maangan kong tanong rito. "At tigilan mo ng ang kakatawag sa akin ng honey, naiirita ko." Pagkokonwari ko rito. When the fact that his endearment 'honey' word gaves me the most strange feeling inside my body. It all means to me.

A strange feeling that i never felt before. I don't know, maybe, I was just irritated by his presence or much worst I was in denial by this feeling of mine.

"Why? I love calling you that way, Zaitel. You can't stop me" Seryoso nitong sabi.

I heaved a sighed. Inunahan ko siyang maglakad. Hindi na rin kasi nagiging komportable sa tabi niya, para akong kinakapos ng hininga sa di ko malamang ka-dahilanan.



Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally โฃ๏ธ Cover credit...
178K 13.9K 35
Her marriage was fixed which was an arranged marriage but she moved to London to pursue her career and dreams and after that, she would marry. But in...
255K 14.9K 16
"แ€˜แ€ฑแ€ธแ€แ€ผแ€ถแ€€แ€œแ€ฌแ€•แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€แ€šแ€บ แ€„แ€œแ€ปแ€พแ€„แ€บแ€œแ€พแ€ฏแ€•แ€บแ€žแ€ฝแ€ฌแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ทแ€แ€ฒแ€ท.... แ€™แ€Ÿแ€ฏแ€แ€บแ€›แ€•แ€ซแ€˜แ€ฐแ€ธแ€—แ€ปแ€ฌ...... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บ แ€”แ€พแ€œแ€ฏแ€ถแ€ธแ€žแ€ฌแ€ธแ€€ แ€žแ€ฐแ€ทแ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€œแ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€ฝแ€ฑแ€€แ€ปแ€แ€ฌแ€•แ€ซ.... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€›แ€„แ€บแ€แ€ฏแ€”แ€บแ€žแ€ถแ€แ€ฝแ€ฑแ€€...
737K 39K 21
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐€๐ง๐ข๐ค๐š ๐‘๐š๐ข ๐ฑ ๐Š๐š๐›๐ข๐ซ ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ...