A Silence In The Chaos

By AnastasiaCaly

2.5K 225 81

Ysabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She... More

Author's Note
Simula
Silence 1: Parcel
Silence 2: Apartment Owner
Silence 3: Cat
Silence 4: His Services
Silence 5: Thank You
Silence 6: Nothing More
Silence 7: We're Not Friends
Silence 8: Reflect
Silence 9: Binibini
Silence 10: Mayor
Silence 11: Alleged
Silence 12: Nowhere
Silence 13: Label
Silence 15: Victim
Silence 16: Goodbye Forever
Silence 17: Get over
Silence 18: Aasa
Silence 19: Run To Him
Silence 20: Peace
Silence 21: Patawad
Silence 22: Justice
Silence 23:Your Partner
Wakas

Silence 14: Beautiful On You

66 9 1
By AnastasiaCaly

Silence Fourteen

Hiwa hiwalay kami ng mga sinakyang jeep. Imposible namang magkasya kami sa iisa lang, maliban na lang kung talagang walang pasahero. Iyon nga lang ay halos punuan din ang jeep.

"Chat niyo nga sila Gascon, naubusan ako load e," napakamot sa ulo si Ralph. "Sinolo nanaman noon si Sarah! Kaya tayo natatagalan eh."

Hinampas ni Vincent si Ralph habang humahalakhak.

"Chill ka nga! Di ka lang makatagal ng hindi mo nakikita si Gascon eh. Daig mo pa yung jowa," pangangantyaw ni Vincent.

"Bakit? Jowa niya na ba si Sarah? Wala siyang sinasabi sa akin ah!"

"Ulol! Nawalay lang ako sandali, ako na ang pinaguusapan niyo!" sigaw ng isang boses mula sa malayo na panigurado ay nanggaling kay Gascon.

Sa gilid ko'y yumakap si April sa aking bewang. Inangat ko ang aking braso upang hindi siya mahirapan sa posisyon. My heart skipped a beat of the the little gesture. Pakiramdam ko, importante ako sa isang tao. Napapansin nila ako.

Ramdam ko ang pag iling ni April. "Isang taon mo pang pagtitiisan yang sila Vincent ma'am"

I chuckled softly. I really don't mind their loud personality. Nakakaoverwhelm lamang paminsan dahil hindi naman yan ang nature ko, pero nakakatuwa pa rin sila.

"Kayo ba ni sir Noah, ma'am?" tanong muli ni April.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"April," may halong ibig sabihin ang aking boses.

Nagpeace sign si April.

"Curious na curious lang kami ma'am. Nagulat talaga kami nung hinatid ka ni sir Noah. First time namin nakita around Langkaan si sir. Halos lahat ng teacher nakakasalubong namin sa daan o sa mall, si sir lang hindi."

Tumawa ako.

"Dahil lang don?" nagtaas ako ng kilay.

"Hindi sa ganon, ma'am" panandalian munang natigil sa pagsasalita si April dahil tinawag kami nila Lauren.

"Ma'am pasok na po tayo, kompleto na tayo."

Tumango ako at nagpahuli na pumasok dahil ako ang pinakamatanda sa amin. Nakakahiya naman kung nangunguna pa ako.

"Oh magtago kayo ng pang ambag sa imagine ha!" ani Gascon.

Umiling si Ralph.

"Hindi na kailangan. Si ma'am na ang bahala riyan!" anunsyo niya.

Nagsibaling sa akin ang mga studyante ko. They smiled expectantly at me. Nag angat ang gilid ng aking labi kasabay ng aking pagtango.

"Sige. Sagot ko yung imagine," I give in. Plano ko rin naman talagang ilibre sila dahil ako naman sa aming lahat ang sumusweldo. At hindi naman magandang tignan na sila pa ang manlilibre sa akin kahit kaya ko.

"Yes!" naghigh five si Gascon at si Ralph habang ang iba naman ay nangingiti.

Ang una namin na pinuntahan ay quantum. Matagal din daw na nawala ito. Ngayon lang naibalik ulit.

"Bili kayo token," naglabas ng bente si Lauren. Ang iba nama'y naglabas din ng bente sa iba naman ay singkwenta. Kumuha ako ng isang daan sa aking pitaka upang mas marami silang malaro.

Nang hugutin ko ng isang daan ay iniabot ko ito sa kanila.

"Wala kang barya ma'am? Magkano dito sa isang daan yung gagastusin namin?"

Kumunot ang aking noo sabay pag iling ko.

"Lahat na yan. Para mas marami kayong token," Inilgay ko na sa kamay ni Lauren ang isang daan upang hindi niya na maibalik sa akin.

"Thank you ma'am! The best talaga kayo!" galak na galak ang kanyang boses.

Nang makabili sila ng token ay pinaghati hatian nila yon. Hindi na ako nakihati dahil hindi rin naman ako mahilig maglaro sa mga arcades. Hindi ko nga alam kung kailan ako huling nakapasok sa ganitong lugar.

"Punuan pre! Hintayin ko muna matapos yung iba," si Vincent na kababalik lamang galing doon sa may basketball. "Galing nung isa pre sunod sunod yung shoot."

"Sa dance central muna tayo! Walang nagamit oh," turo ni Sarah doon sa may malaking screen na nakapwesto sa tabi ng entrance.

"Oo nga pala. Tatalunin ko pa si Vincent. This is my redemption!" ani Gascon.

"Subukan mo lang nang subukan, mapapahiya ka lang at lagi kang talo," hagalpak ni Ralph. "Tanggapin mo na lang pre. Talagang matigas ang katawan mo."

"Nagkataon lang yon!" depensa ni Gascon at sinampahan ang likod ni Ralph at sinakal ang leeg ng kaibigan.

Wala akong nakikitang remote kaya hindi ko alam kung paano nila pagaganahin ang laro. Bakit ba naman kase naglalagay ang mga may ari rito ng laro ng wala manlang controls.

"Hinihingi pa ba yung remote nito?" tanong ko.

Sarah shook her head. "Hindi po ma'am. Magpapasok lang po ng token tapos parang yung kamay niyo po yung magsisilbing controls. Kapag iniswipe niyo ng left magleleft pag right up and down ganon din po."

Pinamulahan ako ng pisngi dahil hindi ko alam ang mga bagay na ito.

"Si ma'am si ma'am," dinig kong bulungan nila Vincent.

Bago ko pa maitanong sa kanila kung ano ang meron ay hinila na nila ako papunta roon sa harap ng screen .

I panicked .

"H-hala ayoko ayoko," sinubukan kong bumalik sa aking pwesto kanina ngunit ipinirmi nila ako sa kinatatayuan ko ngayon.

"Ma'am isa lang, promise! Ibawi mo naman ako kay Vincent," turo ni Gascon kay Vincent na nakatayo sa tabi ko.

Ipinaikot ko ang aking paningin sa buong Quantum. Paano kung mamaya habang sumasayaw ako ay makuha ko ang atensyon nila. Lahat sila titingin. Pagkatapos ay hindi ko pa alam ang itsura ko habang sumasayaw. Paano kung tawanan nila ako? Paano kung hindi naman kaaya aya yung pagsayaw ko? Ayaw ko ng ganoon. Masyadong maraming atensyon. Mas gusto kong manood kaysa ako ang pinapanood.

But then, kaya nga ako sumama sa kanila ay para makabonding sila. Kung hindi naman ako makikisama sa kanila ay para saan pa itong pagpunta ko?

Napalunok ako sa iniisip.

"N-nahihiya kase ako," mahigpit ang hawak ko sa aking bag.

"Hindi yan ma'am. Pag tumingin yang mga yan dito, sisitahin namin," sambit ni Lauren.

"Hindi rin ako magaling sumayaw," pangungumbinsi ko.

Nagthumbs up sa akin si April.

"Ayos lang yan ma'am katuwaan lang. Saka isipin mo na lang, ma'am, si Gascon nga na ubod ng tigas ng katawan ay pwede sumayaw, kayo pa kaya."

Dahan dahan kong inalis ang aking bag at ipinahawak kay Lauren. Ipinunas ko ang aking kamay sa damit dahil lamig na lamig ito.

Nang iinsert ni April ang token ay ginamit namin ang kamay namin upang pumili ng kanta at level of difficulty.

Ang dancer na napili ko yung babaeng nakablack leather jumpsuit at may curly orange na buhok. I think Aubrey was her name.

Nagkatinginan kami ni Vincent. He sent me a goodluck bago nagsimula ang dance battle. Mukha namang seryosong seryoso siya rito sa game na ito.

Nagsimula nang tumunog ang kantang "You Make Me Feel".

Madali pa ang unang mga steps. Ngunit nang dumating ang chorus ay bumilis ito. I didn't realize that I was going all out because I was trying to keep up.

Sa gilid ng mata ko'y ramdam ko ang pag ngisi ni Vincent dahil sa laban namin.

"Marunong naman kayo ma'am," nakapagkomento pa siya habang nasa gitna ng pagsasayaw.

Nang makarating na sa bridge ay nasanay na ako sa dance routine. Nakabisado ko na ang pattern nito. I even started laughing a little.

"Woooh!!! Adviser namin yan!"

Nakatutok na sa akin ang cellphone ni Sarah. Sumenyas ako na ibaba nila iyon at sandaling nadistract at di nakasunod sa sayaw ngunit nakabalik din agad.

"April, ibaba niyo yan!" saway ko sa nahihiyang boses.

Nang matapos ang sayaw ay hingal na hingal ako dahil ilang taon din akong hindi sumasayaw. Hindi naman ako aktibo kahit mass demo sa school namin. Palagi lang akong nasa may pinakalikod.

Naghigh five sa akin si Vincent.

"Nice game, ma'am," nang tumingin kami sa may screen ay may ilang points na lamang sa akin si Vincent ngunit malapit naman nang magkapantay.

"Salamat. Galing mo ah," puri ko sa kanya.

Tinuruan naman ng boys ang mga girls doon sa may basketball dahil nagkataon na bakante na iyon. Ako naman ay sumusubok lang na magshoot paminsan kung ibibigay lang nila sa akin ang bola.

"Hina pare, wala ka pa sa isang daan," pang aasar ni Ralph.

"Si Sarah naman kase sala shumoot," sambit ni Gascon. Nag by partner kase silang anim.

Nang magpangalawang round ang boys ay hindi na sumali sila Lauren. Binuksan na lang niya ang kanyang facebook at naglive video.

"Go Vincent!" pagchicheer niya.

"Yieee!" kantyaw ni Ralph at Gascon. "Kayo ha, nagkakampi lang sa basketball ah."

"Ewan ko sa inyo! Matalo sana kayo!" inis na sambit ni Lauren dahil sa pamimikon ng dalawa.

Finront camera ni lauren ang live at itinapat sa aming mga girls ang kanyang live. Umakbay siya sa amin.

"Kasama nga pala namin adviser namin! Hanap kayo gantong adviser," pagyayabang ni Lauren.

Nababasa ko rin ang mga comments na dumaraan sa kanyang live. Naroon pa nga si Thelma at nanonood.

"Galing mo sumayaw, ma'am!" komento ni Thelma sa live ni Lauren.

Sa namimilog na mata ay bumaling ako kanila Sarah.

"Nakalive kayo kanina?" tanong ko.

Tumango sila April at napasapo naman ako sa noo. Kung ganon makikita iyon ng faculty.

"Ma'am picture tayo," tawag sa amin ni Sarah.

Nagselfie kami ng mga girls, hawak pa rin ni Lauren ang cellphone dahil nakalive siya. Ang mga boys naman ay tinapos ang basketball na forty seconds na lang ang natitira.

"Guys don tayo sa may racing! Daytona yon dati, favorite ko yon eh !" pag aaya ni Lauren.

"You suck at driving, Lauren. Paano mo nasabing favorite mo? Umiirit ka lang naman kapag nababangga ka," pang aasar ni Vincent.

Umirap lamang si Lauren.

"Eh syempre natural kong reaksyon yon. Saka kaya nga laro lang diba? Kailangan ba marunong ako magdrive? Di ko naman kayo inayang magdrive sa daan."

Dahil lima lang ang spot para sa car racing ay hindi na kami sumali ni April sa kanilang apat. Nanonood lamang kami. Lumakad pa ako para isa isang tignan silang lima.

Natigil ako sa tapat ni Ralph dahil pumapangalawa na siya. Nakaramdam ako ng excitement sa pag iisip na maaari niyang maipanalo ang laro.

"Sinong nauuna?" mas lalo akong nanood.

"Hindi ko kilala ma'am eh. Hindi lang po kaming lima ang nagkakarera meron pa po yang iba. Nasa game po mismo," he managed to reply kahit na tutok na tutok sa kanyang nilalaro.

"Kaya mong maunahan?" mas natutuwa kong sabi ngayon.

Tumango si Ralph. "Unahan ba naten, ma'am?"

I nodded.

"Yon naman talaga yung goal nung game diba?"

Mas tinapakan pa ni Ralph ang kung anuman ang nasa may paahan para mas pabilisin ang kanyang sasakyan. Ngunit kahit alam kong todo na ang pagtapak niya ay mukhang mas nauuna pa rin iyong isa.

"Bakit ganon?" kumunot ang aking noo dahil nalilito. "Wala naman talaga yatang ipinapapapanalo ang larong yan eh."

"G na G ka diyan ma'am," hagalpak nila Gascon.

Kahit hindi naman ako ang naglalaro ay tutok na tutok ako sa nangyayari. May mga pagkakataon na muntik nang maunahan ni Ralph ang kalaban ngunit hindi talaga siya nagiging ahead.

Sa gitna ng pagsubaybay ko ay nakaramdam ako ng kakaiba sa aking paligid. Parang may matang nakamasid. Natural lang naman na may makakakita sa amin dahil maraming tao rito. But this felt different.

Lumingon ako sa kaliwa at kanan upang hanapin ang sinumang umaaligid ngunit wala.

"Kainis naman oh, second lang! Bulok talaga to eh. Nananadya," tumayo si Ralph mula sa kinauupuan ngunit hindi ko na nabigyan ng atensyon.

"Kaya nga. Kahit ako todo na yung tapak ko sa gas wala pa rin," ani Vincent.

Pumunta kami ng department store. Magwiwindow shopping daw sila. Siguro ay mayayaman sila. Parang marami silang perang panggasta. O sadyang mahilig lang akong magtipid kaya hindi ko naiisip na gawin ang mga ito.

Pinakikiramdaman ko ang paligid dahil ramdam ko pa rin ang kakaibang presensya.

Hindi ko na natiis pa. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at nagtext kay Thelma.

Ako:

Thelma, parang may sumusunod sa akin. Napaparanoid lang naman siguro ako, di ba?

Nagtagal ang ilang minutong paghihintay ko at hindi pa rin sumagot si Thelma. Siguro'y masyadong nag enjoy kasama ang faculty. Ayaw niya pang sumama kanina.

"Mga anak niyo po, ma'am?" turo ng isang sales lady sa mga studyante ko.

Ngumiti ako't umiling.

"Anak lang sa school. Studyante ko sila."

Sa dami ng pinuntahan namin sa department store ay tig isa lamang ng binili si Sarah at Lauren habang ang iba'y walang bitbit.

Napagdesisyunan namin na sa McDo na lang kakain.

"Humanap na kayo ng upuan, kami na oorder," utos ni Lauren sa mga boys. Hawak ko naman ang mga pera na ibinigay nila pambili ng sarili nilang order.

Sinaulo ko sa aking isip ang mga order nila at kung paano sasabihin. Kung masyado akong mahihiya ay baka naman mainis sila sa akin. Kaya ko naman sigurong gawin ang simpleng ganito lang.

"Ala king, chicken with rice, chicken with spaghetti..." ibinulong ko sa sarili ang mga order nila.

"Ako na po ma'am," naglahad ng kamay si Lauren sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa pera at umiling.

"H-hindi ayos lang. Kaya ko naman," mahina kong sabi.

The offer is tempting, but I want to do things for once. I don't want to feel like I always have to depend on others.

In the end, we got out order. Medyo kinakabahan pa ako't nahihiya but I still managed to do it.

Mabuti na lang at chineck din kami ni Vincent dahil saktong dumating ang order at medyo marami ang tray. At least mayroong isa pang magbibitbit.

Habang kumakain kami ay tumunog ang cellphone ko. Inasahan kong si Thelma yon ngunit pangalan ni Noah ang lumabas sa aking phone.

Noah:

Where are you?

Tumikhim ako at tinignan ang mga studyanteng abala sa pag kain. Mabuti naman at hindi na sila nang uusisa pa.

Ako:

McDo sa SM.

Pinatay ko kaagad ang phone pagkatapos magreply upang hindi na sila magkaroon ng pagkakataong makita ang conversation na yon.

"Imagine tayo next ah! Anong oras na ba? Hanggang six thirty lang ako eh,"ani April.

"Alas singko pa lang. Pwede pa isang oras," sagot ni Sarah.

Nang makarating kami sa imagine ay ako nga ang nagbayad ng token para sa karaoke. Maliit lamang ang silid kaya halos siksikan kaming pito.

"Oh game na game na. Sino unang kakanta. Gandahan niyo ah, wag kayo magsasayang ng token."

"Putek naman, Ralph, ano yan?! Lupang hinirang?" iritadong sabi ni Sarah.

Nagtawanan kaming lima kay Ralph at Sarah.

"Eh ito lang ang alam ko eh!"

"Ito maganda," pinili nila ang love the way you lie. Luma na itong kanta pero marami ang mahilig dito dahil sa rap part .

Sa part ni Rihanna ay si April lang ang kumakanta ngunit sa rap part ay nagsabay sabay na ang lahat. Kinuhanan ko sila ng video gamit ang aking cellphone dahil ang saya nilang tignan.

Nang mapagod sila ay sumalampak sila sa sahig, mas komportable raw sila sa sahig.

"Grabe ang saya," tumatawa pa rin hangggang ngayon si Lauren na halos mapaos na dahil pasigaw kumanta.

"Sa sunod uli ah," sabi ni Gascon. "Ma'am sama ka ulit."

"Oo nga, ma'am," segunda ng iba.

"Talaga? Parang boring naman akong kasama," I gave them a small smile.

"Nahihiya ka pa lang sa amin, ma'am. Pero ayos naman po kayong kasama. Kayo pa nga lang po yung sumama sa amin eh. Ewan ko ba parang ang hirap iapproach ng ibang teachers," komento ni Ralph.

"Hindi naman. Hindi niyo lang sila nakakasama sa labas ng school," sagot ko.

"Wag niyo na ipagtanggol ma'am. Talagang masusungit teacher sa Southville. Tignan niyo ma'am ginagawa sa inyo," ani Ralph.

Tumango si April. "Oo nga ma'am. Sa amin ka na lang dumikit, mga wala yatang jowa yang mga teacher eh, parang laging biyernes santo. Nakakabad vibes sila."

"Pero mababait naman sila sir Allen," pagtatanggol ko sa mga kaibigan.

"Oo naman ma'am. Favorite din namin yon eh. Sana nga di umalis si sir sa Southville. Di na kami makaimagine ng iba pang science teacher."

Nang makalabas kami sa imagine ay napakataas pa rin ng energy nila habang ako ay medyo nakaramdam na ng pagod.

Natigil sa paglalakad si Sarah at kumunot ang noo.

"Si sir Noah ba yon?" turo niya kaya napalingon din ako. Naroon siya sa may glass steel railing at naghihintay.

Lumakad kami sa kanyang direksyon. Mukhang naramdaman niya ang presensya namin dahil bigla siyang tumingin sa kanan kung nasaan kami. Lumakad siya upang sumalubong sa amin.

"You're here," I said softly as I approached him.

"I promised I'll pick you up," aniya.

Ngumuso ako. "You didn't. Wala kang sinabing ganon. Nag offer ka lang."

"It's the same thing," he replied.

Bago pa ako makasagot sa kanya ay inunahan niya na ako.

"And I have something to buy."

"Ano?"

"Paint."

Nagsalubong ang kilay ko. "Para saan?"

"My apartment. Sabi mo white would be better. Magpipintura ko sa sabado," Noah said.

Naghiwahiwalay kami ng mga studyante ko. Yumakap sila sa akin at nagpasalamat bago sila umuwi. Natuwa naman ako na gusto pa nila muli akong isama sa susunod.

"Did you have fun?" tanong ni Noah.

I nodded and smiled.

"Oo, masaya kasama yung mga bata. Ang kukulit!"

The side of his lip tipped up.

"Mukha ngang nag enjoy ka. I saw you dance," he chuckled.

Kinagat ko ang aking labi dahil sa hiya.

"Happy looks good on you," Noah said. "You look beautiful when you're happy." 

Continue Reading

You'll Also Like

174K 8.4K 44
"I will heal someone I wanted to heal. So shut the fuck up and die!" A healer who don't heal everyone. A healer should be weak but why she's acting s...
231 64 12
LOVE MANIFESTO SERIES 5 [COMPLETED] Hindi ba talaga pwedeng mahalin tayo pabalik ng mga taong minamahal natin? *** Matagal nang tanggap ni Angel Tan...
184K 716 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.