Bawat Daan (Puhon Series #1)

By pawsbypages

4.1K 500 52

PUHON SERIES #1. Celestine Lim never wanted to be in a long-term relationship during her college years, not u... More

Bawat Daan
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue
Love, Bri
Special Chapter

Chapter Twenty-Five

53 10 0
By pawsbypages

#BD25 — Whatever Happens

I wasn't able to sleep peacefully because of him. I don't actually regret giving him a soft kiss last night to make him feel at ease.

After eating our breakfast, we started packing our stuff and putting them back in our van before we push through our travel agendas. Nagpaalam na rin kami sa lola ni Astrid na Mayora pala rito kaya pala siya kilala noong matandang babae kahapon. Noong una ay ayaw pa kami paalisin dito ni lola, mas makabubuti raw para sa amin kung dito na lang kami sa kaniyang bahay manatili para sa buong bakasyon na ito.

"Sayang talaga 'yung offer ng lola mo, Astrid," sambit ko. "Maybe next time? Gusto ko rin kasi bumisita sa Tierra de Lago."

Tumango naman si Astrid. "Sa susunod na lang ulit. Tama lang din na umalis na muna tayo doon, masyado kasing mahaba ang buhok mo!" Sabi niya.

Dahil nga sa gulong nangyari sa court after the basketball game, napagpasiyahan naming lahat na sundin na ang planong sa Tierra de Lago kami magpapalipas ng bakasyon. Sa susunod na araw pa sana kami aalis kaso hindi na rin namin pinatagal ba at baka magkasalubong na naman iyong mga tropa ni Ralph at sina Drake kung dito kami sa Siniloan mamamalagi.

"Which branch ba, Fourth?" Tanong ni Audrey kay Fourthsky na nakaupo sa tabing upuan niya.

Si Kazuo naman ang nagmamaneho ngayon habang si Drake ulit ang nasa shotgun seat. Sina Astrid at Yuriko uli ang magkatabi habang ako ang mag-isa rito sa may bandang likuran ng van. Hindi naman dikit-dikit ang upuan dito dahil kakaibang van ito, puro lazy-boy ang upuan kaya hindi naman masyado lonely ang buhay ko rito sa likod.

"Main branch ng Tierra de Lago," maikling sagot ni Fourthsky habang nakahilig ang ulo sa bintana.

Hindi rin siguro sila nakatulog ng maayos kagabi tulad naming mga babae. Buong gabi ata ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung saan-saan. Nakita pa nga daw kami ni Yuriko kagabi sa gate, pinapatawag na raw kasi kami para sa hapunan at ang bumungad sa kanya ay kaming dalawa ni Drake na naghahalikan.

Gustong-gusto ko na lang magpalamon sa lupa kagabi habang kwinekwento niya iyon sa amin. Pilitin ko mang matulog na lang, hindi pa rin ako patatahimikin nina Audrey at Astrid.

Tulad nang inaasahan ko, pinaulanan nila akong dalawa ng mga tanong na kahit ako, e, hindi alam ang isasagot habang si Yuriko ay nakikitawa lang at hindi kalaunan ay nauna nang matulog.

"We're here!" Pa-sigaw na sabi ni Astrid habang tinatapik ako.

Kinusot ko muna ang aking mga mata bago ko lingunin ang mga staff ng Tierra de Lago na nakahilera sa labas ng van namin. Wala pa'ng bumababa sa aming pito rito, naka-park naman na ang van pero mukhang hindi pa nakaka-recover ang iba galing sa pagkakagising.

Tulala pa nga 'yung iba, e.

"Tara na? Gusto ko na maligo uli," sabi ko.

"Couple more minutes, please?" Sabi ni Audrey na tulala pa rin.

Ilang minuto rin kami naghintay bago kami tuluyang lumabas ng van. Agad naman nilang sinalubong si Fourthsky, ang kanilang boss. May mga pinagusapan pa sila noong isang head ng staff habang abala kami sa pagbababa ng mga bagahe galing sa van.

"Ma'am, kami na po riyan," hayag noong matandang lalaki na isa sa mga nakahilerang staff kanina.

"Thank you po," maikling sabi ko bago ko i-abot sa kanya ang ibang bagahe ko.

Habang nasa lobby kami ng resort nila Fourthsky, napansin ko bigla ang pagiging abala ni Drake sa kaniyang telopono. Nakakunot ang noo niya kaya nagsasalubong na naman ang dalawang makakapal niyang kilay.

Nilapitan ko siya para tanungin. "Hey, you okay?"

"Yes, I'm okay," maikling sagot niya.

"You're obviously not okay. What's up?"

He smirked. "You're initiating our conversation now, huh?"

"I'm asking if you're okay because you look problematic. Is there something wrong if I'm worried about you?" Pinagtaasan ko siya ng kilay bago ako humalukipkip.

"Well, you were avoiding me these past few weeks and now you're striking a conversation with me?" He tilted his head in order for him to pierce his eyes into mine properly.

"You're too OA, Cole. Just answer the damn question!" I exclaimed.

My heart's beating so fast which made me raise my voice at him at the last 5 words. His precious dark brown eyes pierced into mine, it sent shivers to my spine but there were no butterflies in my stomach.

It made me feel safe and secure just by looking at his eyes.

"I got a text message from dad but it's nothing to worry about," he answered.

"Okay then."

"Tinamaan ka ata sa halik ko, Ms. Lim?" He teased me.

"Weird ng tagalog accent mo," sabi ko. Inirapan ko na lang din siya at nagsimula nang mag martsa papalapit kina Yuriko na kinakausap na ngayon ni Fourthsky kasama ang iba pa naming kaibigan. Naririnig ko pa rin ang mga maliliit na tawa ni Drake sa likod ko pero hindi ko na iyon pinansin pa, ayaw ko namang magtalo pa kami rito.

"I asked them to prepare 2 executive cottages for us. Girls room and ours," saad ni Fourthsky.

"Aba! Mabait ka na pala? Akala ko pa naman sosolohin mo na si Audrey," panunuya ni Astrid.

Drake coughed. "Excuse me? The Kuya is here?"

Natawa naman kaming tatlo nina Yuriko at Astrid dahil sa sinabi ni Drake. He's too overprotective when it comes to us, that's why even though Fourthsky is his friend, too, he still doesn't want Audrey to stay in the same room with him, alone.

Pumasok na kami sa cottage na pinahanda ni Fourthsky para sa amin. It's big and really spacious. May couch pa and a nice view! There's also a 2 queen-sized bed at sina Astrid at Yuriko na raw ang magtatabi.

"May plinano na ba kayo na gagawin para sa araw na 'to?" Tanong ni Yuriko.

"Actually, we have!" Masayang sagot ni Audrey. "Of course, we'll swim first sa pool before we have our lunch then laro muna tayong billiards since we shouldn't move that much naman after eating, and then we'll try their jacuzzi tapos we can have a spa before our dinner pa!"

"I like that," nakangiting sabi ko habang tumatango-tango.

Maganda naman talaga ang plinano niya at mukhang mag-eenjoy din naman kaming lahat kaya ayos na 'yon. Lumabas na rin kami pagkatapos naming ayusin ang mga gamit sa kwarto. Bago kasi kami umalis sa bahay ng lola ni Astrid, napagdesisyunan naming maligo na muna pagkatapos magalmusal at nagsuot na rin ng swim-wear bago kami tumulak para hindi na hassle.

Nang matanaw na namin iyong mga lalaki na pare-parehas nang nag-aabang sa gilid ng pool para sa amin, tinakbo na namin agad ang distansya. Hinubad agad ni Fourthsky iyong black aviator niya habang tinititigan si Audrey na tinatakbo ang distansya nilang dalawa. Si Kazuo naman ay laglag panga habang pinapanood si Yuriko na hinahatak-hatak ni Astrid para takbuhin na rin ang distansya sa pagitan nila.

At si Drake? He's watching me intently with his seductive dark brown eyes that are so visible because of the sun. He's also playing with her bottom lip  using his fingers while eyeing me from head to toe. I smirked at him when I realized that he's probably amazed by how this swimwear fitted my body so well.

I'll tease the fuck out of you like how you teased me earlier, Drake Cole.

"Baka naman malusaw ako niyan?" Mapangasar na sabi ko sa kanya.

"You look stunning," he said.

I smirked and nodded. "Hot and sexy, too, I know that," mayabang na sabi ko.

"If you're planning to seduce me, Tash, then you better stop that shit right now."

"I'm not seducing you, Mr. Medina, we're still young for that."

"Oh, really?" He raised a brow. "Then why did you choose that swimsuit while verbally flirting with me? It's too fitted, baby."

"I know and it looks good on me, so, ano'ng problema?"

"If you didn't wear that to seduce me then why? Are you trying to make someone from this resort, steal you from me?" He asked. "It's fine with me if you just really wanna wear it. I will not stop you from wearing the clothes you wanna wear as long as you're not purposely wearing it to catch someone else's attention."

"Luh! Gusto ko lang talaga siya suotin 'tsaka ganito naman lahat ng swimsuit na dala ko. Sadyang maliit na pala talaga sa 'kin ito. Hindi ko na napansin," tumatawang sabi ko.

He nodded. "You can wear anything that you want," mayabang na sabi niya. "I can fight."

"Basagulero." Inirapan ko na siya at dahan-dahang inilublob ang sarili sa pool.

Sumunod din naman siya sa akin dahil siya na lang ang wala pa sa pool ngayon. Sa akin siya agad dumiretso pagkababa pa lang niya sa pool, may sari-sarili rin naman kaming pinagkakaabalahan kaya hindi na nila iyon napansin pa.

He wrapped his arms around my waist from the back and leaned her forehead on my shoulder, near the crook of my neck. "Is that the perfume that I gave you as a birthday gift?" He asked.

Gamit ko pa rin kasi iyong pabango na binigay niya sa akin noong grade 11 pa lang kami. Naubos na 'yung bigay niya mismo kaya bumili na lang uli ako ng isa pa. Mabango naman kasi siya at bagay din daw sa akin sabi ni Mommy.

"Yup. I bought a new one though," I answered.

"What hapoened to the one that I gave you?"

"Ubos na! Grade 11 pa tayo nun, 'no."

He nodded. "Tell me if you need a new one. I'll buy it for you," ma-awtoridad niyang sabi.

Tumango lang ako at tinawanan siya dahil sa inaasta niya ngayon. He's acting like a clingy baby with me kahit na nandirito rin ang iba naming kaibigan at baka makita pa nila kung paano ko kainin lahat ng binitawan kong salita noon.

Napanis ang ngiti sa aking labi nang matanaw ko ang isang lalaking nakatayo malapit sa pool at para bang nakatingin sa amin ni Drake. I wasn't able to recognize his face at first not until he removed his wayfarer and looked straight to my eyes.

"T-travis?" I muttered.

Inangat bigla ni Drake ang kaniyang ulo para sundan ang tingin ko. I felt the hand that he wrapped around my waist, clenched. I can also feel his muscles flexing as if he was mad or something. I tried to rub my hand on his arms to calm him a bit.

"Uy, Drake..." Bulong ko.

"Why are you here?" Tanong ni Drake kay Travis.

Medyo napalakas ang boses ni Drake kaya naman nagsilapit agad ang mga kaibigan namin. Pare-parehas din silang laglag ang panga at ilang beses pang napakurap maliban na lang kay Astrid na parang atatakahin sa puso at naubusan na ng dugo.

"Christmas vacation?" Patanong na sagot ni Travis bago hubarin ang kaniyang shirt para lumublob na rin dito sa pool.

"Travis..." Mahinang bulong ni Astrid.

"You're here alone while your friends brought their boyfriends with them? Where's yours, Astrid?" Travis asked Astrid habang naglalakad pababa sa hagdanan ng pool.

"Pinapunta niyo ba?" Tanong ni Yuriko.

"Hindi po," maikling sagot ni Kazuo

Hinigit agad siya ni Astrid pa-ahon ng pool. "Mag-uusap tayo."

"Bakit hindi na lang dito?" Sabi ni Travis habang pilit na binabawi ang kamay sa magkakahawak ni Astrid.

Sinamaan lang siya nang tingin ni Astrid at para siyang biglang tutang pinagalitan ng amo. Sumunod na siya kay Astrid at bumalik na uli kami sa sari-sariling mundo. Nakakunot pa rin ang noo ni Drake kaya sinubukan ko siyang biru-biruin pero pilit na ngiti lang ang ibinibigay niya sa akin.

"Ba't parang galit na galit ka kay Travis?" Mapangahas na tanong ko.

"He flirted with you, remember? What's worse is that he did it in front of me," iritadong sagot niya.

"You flirted with Astrid, too, 'di ba? Sa harap ko rin."

"We planned that to make you jealous, to make you reveal your true feelings for me while you're flirting with him for fun."

"Kind of?" Nagkibit-balikat ako. "Pero sinadya ko lang din na landiin siya sa harap mo para mainis ka."

"Yeah like having a one-night stand with him?" He rolled his eyes. "Is that the reason why you suddenly vanished after I introduced Astrid to you?"

My lips parted. "What the hell? Of course, no! Seryoso ka ba d'yan sa tanong mo, Drake?" I gave him a sarcastic laugh.

I'm not that type of girl who's into commitments but I've never done that before! Ibang no-strings-attached naman kasi 'yung akin! I make out with them, pure kissing lang! Momol! Not that sexual thing, oh my gosh!

"You looked at him when Astrid gave you that question. What do you want me to do? Be an asshole and make him kiss my knuckles?" He sighed. "I flirted with Astrid because you flirted with him, too."

"Selos ka?" Natatawang sabi ko habang binabasa siya ng tubig sa mukha.

Nagtaas siya ng isang kilay. "Who wouldn't get jealous of that, Tash?"

"Sungit mo naman!"

Tinawanan ko lang siya nang tinawanan. Halatang napipikon na, e! I flirted with a lot of guys back then but I made sure na hanggang doon lang at walang milagrong magaganap. I'm keeping my v-card for that someone na deserving, 'yung deserving talaga at hindi lang ang mga gano'n na bagay ang habol sa akin.

"Kuya! Your phone is ringing!" Sigaw ni Audrey na nasa kabilang dulo ng pool.

Agad namang umahon si Drake para saguting ang tawag na 'yon. His body's dripping wet while his muscles and his perfect 6 pack-abs are flexing along with his tightened jaw. He's drop dead gorgeous. Kahit sino ata'ng babaeng makakakita nito ay lalaglag talaga ang panga!

Binaba rin ni Drake agad iyong tawag sa telopono niya. Sinenyasan niya sina Kazuo at Fourthsky na umahon muna na siya namang sinunod noong dalawa. Mukhang may importante pa nga silang pinaguusapan dahil pare-parehas silang nakakunot ang noo at umiigting ang perpekto nilang panga.

"We have to go," mariin na sabi ni Drake sa amin.

"B-bakit?" Tanong ko habang dahan-dahang umaakyat sa hagdanan ng pool para umahon.

"Dad called. It's urgent," Drake said.

"Tawagin ko muna si Astrid, mauna na kayo," sabi ko.

Noong una ay ayaw pa pumayag ni Drake dahil alam niyang si Travis ang kausap ni Astrid pero kalaunan ay napapayag ko rin siya. Ginamitan ko lang ng kaonting Celestine Anastasia charms.

"Astrid!" Sigaw ko sa malayo.

Ayaw ko kasi silang lapitan dahil parang seryoso ang pinaguusapan nila at ayaw ko namang sumagap ng kahit na ano doon. Nilingon naman niya ako agad bago niya balingan uli si Travis na ngayon ay matalim ang titig sa kanya.

"We have to go now, Astrid," saad ko.

"O-oo... Tara na," sagot niya.

Nilakad na niya ang distansya naming dalawa at napatigil naman kami ng sabay sa paglalakad nang biglang isinigaw ni Travis ang pangalan ko.

"Tine!"

Hindi ko siya nilingon at sinimulan na uli ang paglalakad kaso tinakbo niya ang distansya sa pagitan namin. Marahan niyang hinigit ang palapulsuhan ko bago siya pumikit ng mariin.

"Whatever happens, just know that I'm really sorry for making things harder for you..." May bahid ang sakit sa pagkakasabi niya noon. "I made things harder for the both of you."

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka pero hinatak din ako agad ni Astrid papalayo kay Travis. I don't get it, ano'ng sinasabi niyang he made things harder for me? For the both of us? Si Astrid ba? Is he referring to the welcome home party Fourthsky threw for us? The flirting scenarios that happened? If yes then that's nothing to worry about!

Naligo lang kaming lahat ng mabilis kahit ang sabi ni Drake ay paguwi na lang daw namin iyon gawin. Hindi naman kami pumayag dahil alam naming matagal pa ang biyahe at bilang babae, hindi namin kaya tiisin ang lagkit ng tubig sa pool. I'm pretty sure he'll agree with that, too, but I guess Tito Jake's call was really urgent that's why hindi na niya iyon inuna pa.

Nang magkita-kita kami sa labas ng van, bagong ligo na rin silang tatlo. Hindi niya naman talaga matitiis 'yon, si Drake pa ba? Sobrang arte no'n sa katawan, daig pa nga ako, e!

Makalipas ang ilang oras na biyahe, napansin ko na ang pagbilis nang pagpapatakbo ni Drake sa van kaya diniretso ko na siya agad ng tanong. Kanina kasi ay maayos pa ang takbo niya at halatang kalmado pa pero habang tumatagal ay lalo siyang nagmamadali makauwi.

Lalong bumibilis ang patakbo niya na alam ko namang konektado sa nararamdaman niya.

"Ba't ba tayo nagmamadali?" Tanong ko sa kanila.

"Family emergency, Tash," maikling sagot ni Drake.

"Family emergency and I don't even have a clue on what the fuck is going on?" Audrey exclaimed out of frustration.

I understand where she's coming from, family emergency nga naman pero mukhang hindi pa niya alam ang tungkol doon. Hinawakan ni Fourthsky ang kamay niya at marahan itong hinimas-himas, para siguro pakalmahin si Audrey na mainit na naman ata ang ulo.

"Watch your words, Quinn," sabi ni Drake.

"Then tell me what the hell's going-" Naputol ang sasabihin ni Audrey dahil sa biglaang pagtunog ng telepono ko.

Mommy is calling...

[Anak? I'm sorry, I didn't mean to disturb your vacation...]

"It's okay, Mom, what is it po? May problema ba?" Nag-a-alalang tanong ko.

[I'll explain everything when you get here, okay? For now, please make sure Drake and Audrey are both okay, hmm?]

"O-of course, Mom. I will po." Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mapagtantong may bahid ng poot at sakit ang boses ng aking nanay sa kabilang linya ng telepono.

[I love you, Celestine, take care of yourself, too. Be home as soon as possible but please remind your friend to drive everyone home safely, okay? Go straight to your Tito Jake's house, doon na rin ako didiretso after ng meetings ko.]

"Okay po. Be safe, too, Mommy, I'll hang up now... I love you," maingat na sabi ko.

[I love you too, Anak. Mommy will always be here for you no matter what happens.]

Napahawak agad ako sa aking dibdib pagkatapos kong ibaba ang telepono. Biglang sumikip ang dibdib ko, ang hirap biglang huminga, ang hirap biglang kumalma. Pakiramdam ko ay may masamang nangyari sa bahay o sa pamilya nila Tito Jake kaya kami pinapauwi agad.

Hindi naman kasi nila kami i-istorbohin sa bakasyon na iyon kung hindi naman importante and based on my mom's voice, I know that she cried before giving me a call. It must be a really urgent and huge trouble for us.

I remained silent the whole trip. I chose to ignore Drake and Audrey regardless of how many times they've called my name to ask me what's wrong. I don't want to talk to anyone. I feel like I'm about to have another attack that I haven't felt in ages. It felt so cold and empty.

My mother's voice made my heart hurt so bad. I just want to go home as soon as I can to give him a hug and assure her that no matter what the circumstances are, I will always be by her side. I can't let lose my mother, too. I can't. I will protect her at all costs just like what she did to me the day that I was born into this world.

Sinundo na lang kami ni Mang Kulas sa mansiyon nila Kazuo sa Las Pinas dahil pagod na rin kaming lahat sa biyahe at hindi na nila kakayanin pa kaming ihatid lahat. Hindi ko na rin natanong kung papaano uuwi 'yung iba sa amin dahil hanggang sa pagsakay sa kotse ay wala pa rin akong imik.

"We're here na, Celest, please say something..." Ma-ingat na sabi ni Audrey sa akin habang marahan na hinihimas ang kamay ko. "I know that you have a hidden thunder inside you whenever you are silent, Celest, please? Don't keep it all inside."


.

Continue Reading

You'll Also Like

134K 3.8K 58
After Euphoria Series #1: Goodbye Lullaby If we're gonna list down all the things that Dionne Villegas hates, broken promises would be on top of the...
102K 2.4K 43
Liana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She w...
239 54 8
Prequel to Memories of Hong Kong, For Your Eyes Only Agathon's Diary |an epistolary|
26K 557 39
QUERENCIA SERIES #1 Aerielle Quinn Cervantes is a lovely woman whose heart is already set on her dreams of becoming a successful Architect. She wishe...