Every Little Piece Of Me

By ljmxdxnx

275K 5.1K 532

She loved him when he's not capable of loving her, but still, she gave every little piece of herself to him... More

Warning
Dedication
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 41

4.7K 95 7
By ljmxdxnx

HINDI KO magawang sagutin si Kiko sa tanong niya sa akin. Umiwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Mama!" tawag sa akin ni Ajani ni tila ba nagagalit na siya sa hindi ko pagpansin sa kaniya. Doon ako natauhan. Yumuko ako at sinapo ang mukha ng anak ko.

"Later, hmm?" nanginginig ang boses kong kausap siya. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa anak ko na nasa harapan na niya ang kaniyang ama. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Kiko na wala akong balak ipaalam sa kaniya na mayroon siyang anak sa akin.

"Ma——"

I quickly kissed my son's forehead. "Punta ka muna saglit kay Father. Huwag kang lalabas hanggang hindi kita tinatawag, okay?" nagmamadali kong saad sa anak ko.

The good thing about Ajani was that, he would immediately do what I say. Sumusunod siya sa utos ko.

Tumango si Ajani pero nagulat ako nang naglakad siya papunta kay Kiko at nagmano ito bago tumalikod sa amin at pumusok sa simbahan.

Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na pag-aralan ang reaksyon ni Kiko. Nakatayo lang siya. Ang kamay niyang hinawakan ni Ajani kaniya ay kumuyom kaunti at napansin ko ang mabilis niyang paghinga, pati na rin ang kaniyang mga mata na tila ba luluha na naman.

Tinitignan niya lang ang likod ng papalayong anak namin. Nang makapasok na si Ajani sa  simbahan ay doon tumulo ang mga luha niya.

Tinignan niya ako at hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang mag-iwas ng tingin sa kaniya.

"He's my son, right?" he asked me once again.  His voice cracked. Teardrops fell from his eyes.

"Hindi," mabilis at madiin na saad ko sa kaniya. Anak ko lang siya. "Hindi mo siya anak, Kiko," saad ko sa kaniya.

Tumingala siya at alam kong nagpipigil siya ng mga luha niya pero hindi siya nagtagumpay. Nakita ko kung papaano dumaloy ang nga luha sa kaniyang mga mata.

Nang magbaba siya ng tingin at nagtama ulit ang mga mata namin, nakita ko ang sakit sa mga mata niya.

Pakiramdam ko ay tila piniga ang puso ko doon. He looked at me like he was a helpless child. Lost, full of pain, unable to reach and get something that he liked.

"Tini. . . anak ko s-siya," mahinang saad niya sa akin. Umiling-iling lang siya habang tinitignan ako. Tila ba hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Tila hindi siya makapaniwala s naririnig niya mula sa akin. "Anak ko siya," pag-uulit pa niya.

"Anak ko lang siya, Kiko," tinignan ko siya ng diretso sa mata. I took a deep breath ang was about to walk out when he pulled me.

"Tini, nag-uusap tayo," madiin niyang saad sa akin.

"Bitawan mo'ko. Sinabi ko na sa'yo hindi mo siya anak." Iwinaksi ko ang kamay ko para mabitawan niya ako. Nagmamadali niyang hinuli ang mga kamay ko at itinapat iyon sa dibdib niya.

"Tini. . . " mahinang saad niya. Tila ba hirap na hirap na saad niya sa akin. "Alam kong anak ko siya. . . anak ko siya!" pagpupumilit niya. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan. Ganoon din ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.

Umiling ako sa kaniya. Hindi ko hahayaan na kunin niya ang anak ko sa akin kung sakali mang gusto niyang kunin si Ajani. Gagawin ko ang lahat para huwag niyang makuha si Ajani sa akin.

Si Ajani na lamang ang mayroon sa akin. Mamamatay ako kapag kinuha pa niya ang anak ko sa akin.

"Hindi mo siya anak——"

"Anak ko siya!" pagpupumilit niya. Tila ba nanghihinang lumuhod siya sa harapan ko. "Anak ko siya. . . anak ko siya!" tila ba nanghihina na saad niya.

Nakatayo lang ako at pinanonood ang pagtaas baba ng kaniyang balikat. Indikasyon na umiiyak nga talaga siya para sa anak namin.

Pero may parte sa akin na natatakot na sabihin sa kaniya na anak niya nga si Ajani. Hindi nga ito ang reaksyon na inaasahan ko mula sa kaniya. Hindi ko inaasahan na magmakaawa siya sa akin na sabihin na anak niya si Ajani.

Sa totoo lang ay naaawa ako sa lagay niya ngayon pero may parte talaga sa akin na natatakot na ipaalam sa kaniyang kaniya nga si Ajani.

I shook my head and took a deep breath. "Hindi mo siya anak, Kiko," saad kong muli. This time, my voice was firmer and stronger. "He's not yours. . . sa akin lang ang anak ko."

Nagtaas siya ng tingin sa akin. At alam ko ang pagsusumamo niya. Tila ba natalo siya sa sagot. Tila ba hindi niya kinaya ang kaniyang narinig.

Halos halikan niya ang paa ko dahil naramdaman kong tumama na ang noo niya sa sapatos ko. Dinig na dinig ko ang mga hikbi niya at kinailangan kong kagatin ang labi ko ng napakariin para lang huwag maiyak.

"Tini. . . " nanginginig ang boses niyang saad sa akin. "Baby. . . anak natin siya. . . anak natin siya. Alam ko iyon."

"Sinabi ko na sa'yo. . . h-hindi mo siya anak," pagpupumilit ko sa kaniya. "Wala kang anak sa akin, Kiko. Malinaw sa kontrata natin na ayaw mong magkaanak sa akin. Malinaw na malinawa iyon. Kaya bakit mo inaako ang anak ko?!"

Matatawag na ba akong makasarili kung sabihin kong ayaw ko munang ibigay at ipakilala si Ajani sa kaniya? Alam ko naman na hindi niya lang ako minahal noon kaya siya umalis. Tanggap ko na iyon.

Pero kung sakali bang nalaman niyang buntis ako noon kay Ajani. . . ako ba ang pipiliin niya?

"Bitawan mo'ko, Kiko," madiin na saad ko sa kaniya. Nakayakap na kasi siya sa paa ko at nakasubsob pa rin ang mukha niya sa may sapatos ko.

"Please. . . please, Tini. . . gusto kong mayakap man kang ang anak natin. Alam kong sa akin siya. Alam kong anak ko siya. Alam ko. . ." pagmamakaawa niya sa akin. "Please. . . please let me hold my son, Tini. Let me kiss him. Let me love him."

Pakiramdam ko ay nanigas ako dahil doon. Hindi ko inaasahan ang mga sinasabi niya ngayon. Hindi ko akalain na gusto niyang mahalin ang anak namin.

"Para ano? para kunin siya sa akin?"Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita.

"Hindi, Tini. . . mamahalin ko siya. Hindi ko siya ilalayo sa'yo. . . please. Hayaan mo akong mahalin ang anak natin. Hayaan mo akong makilala niya bilang ama niya. Nagmamakaawa ako sa'yo. Alam kong nasaktan kita. Alam kong nawasak kita. . . pero huwag mo namang ipagkait ang anak ko sa akin. Hi di ko kaya, Tini. . . hayaan mo akong mayakap ang anak ko."

Pinilit kong tanggalin ang yakap niya sa mga paa ko at walang sabi-sabing tumakbo papunta sa gawi ng anak ko.

Iniwan ko siyang humahagulgol habang nakaluhod at nagmamakaawa na bigyan ko siya ng pagkakataon na mahalin ang anak niya.

Pagpasok ko sa simbahan ay nakita ko ang anak kong masayang kumakain ng celery. Nasa tabi niya si Father Marlon at may hawak hawak itong isang basong tubig.

Mabilis na naglakad ako papunta sa anak ko at niyakap siya ng mahigpit. Doon pa lamang tumulo ang mga luha kong kanina ko ko pinipigilan.

I cried silently while hugging and kissing my son's head. Pakiramdam ko ngayong yakap ko ang anak ko, parang nawawala ang sakit sa dibdib ko.

"Mama?" tanong sa akin ni Ajani nang mapansin niyang umiiyak na ako. Kumalas siya sa yakap niya sa akin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang maliliit niyang kamay.

Nagmamadali ko ring pinunasan ang mga luha ko at pinilit ang sarili ko na ngumiti ng malapad para makita niyang hindi ako nasasaktan sa mga nangyayari sa akin. . . sa amin ng kaniyang ama.

"Tini." Inabutan ako ni Father Marlon ng isang basong tubig kaya naman kinuha ko iyon. Pero hindi ko iyon ininom. Nakatingin lang ako sa tubig at tila nanginginig pa ang kamay ko dahil sa paggalaw ng tubig na laman nito. "Nakita ko iyon. . ." paunang saad niya sa akin. "Bakit ayaw mong ipaalam sa kaniya?"

Tinignan ko ang anak kong tila ba hinihintay ang kung ano mang sasabihin ko. Tila ba nakikinig siya sa usapan namin ni Father Marlon.

Ngumiti ako sa anak ko at hinalikan ang kaniyang noo. "Punta ka na muna sa room natin, anak." Utos ko kay Ajani.

Tumango naman siya at naglakad na. Nang hindi ko na siya makita ay doon na naman tumulo ang mga luha ko.

Hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko kapag nalaman na ni Kiko na may anak siya sa akin.

Nasasaktan din naman ako. Nasasaktan akong nasasaktan siya. . . pero mali bang itago ko ang anak ko?

Mali bang angkinin ko na lamang si Ajani? Natatakot kasi akong baka magaya lang sa akin ang anak ko. Iyong nagmamakaawa na sana mahalin din siya.

Pero sa reaksyon ni Kiko kanina. . . tila ba nagkamali ako. Hindi ko akalain na magmakaawa siya. Hindi ko akalain na gusto niyang akuin ang anak namin.

At higit sa lahat ay hindi ko inaasahan na magmamakaawa siya para mahalin ang anak namin.

Tinignan ko si Father Marlon. Nginitian niya ako at pinunasan ang mga luha ko. "Alam kong nasaktan ka niya at alam kong nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon. . ." mahina niyang saad sa akin. "Pero. . . mali na itanggi mo ang anak mo sa kaniya. Hindi ka lang nagsinungaling, Tini. . . nakasakit ka rin. "

Hindi ako nagsalita dahil doon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pakiramdam ko ay tila isinampal sa akin ni Father Marlon ang katotohanan.

"Makasarili na ba ako Father?" nanginginig na tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko. " Hindi ko sinasabing makasarili ka, Tini. . . kilala kita. Hindi ka makasarili. Alam kong inililigtas mo lang ang anak mo at ang sarili mo sa darating na sakit. . . pero handa niyang mahalin ang anak ninyo. Nakita ko sa mga reaksyon niya na mahal niya ang anak ninyo. At ang ganoong reaksyon. Alam kong hindi niya kayang saktan si Ajani. . . Tsaka ka lang magiging makasarili kung ipinilit mong ilayo ang anak ninyo kahit alam mong mali na ang iniisip mo."

Huminga ako nang malalim. Doon ko napagtantong mali nga ang ginawa ko kanina. Siguro bukas o sa mga susunod na araw ay kakausapin ko si Kiko.

Ngumiti si Father Marlon nang mapansin niyang nakapag-isip isip na ako. Tumango siya at tsaka niya tinapik muli ang balikat ko. "Huwag kang magpakain sa takot at lungkot, Tini. Mahal ko kayo ng anak mo. . . para ko na kayong pamilya. Ayaw kong nasasaktan kayo. Ang payo ko lamang ay. . . huwag kang magpakain sa takot."

Tumango ako dahil doon. Tumayo na siya at iniwan ako. Naiwan akong nakatulala. Napatingin ako sa labas ng simbahan at napansin kong paisa-isang tumutulo ang ulan.

Ngumiti ako ng mapait. Palagi na lamang umuulan kapag nasasaktan o nahihirapan ako. Tila ba ito ang pakikiramay ng langit sa akin.

Nang tumayo ako ay nakita ko sa bintana na nakaluhod pa rin si Kiko kahit umuulan. Tila ba hinahalikan na niya ang lupa at ang mga balikat niya ay gumagalaw pa rin. Indikasyon na umiiyak pa rin siya.

Totoong hindi ko na siya mahal. . . pero may parte sa akin na gusto siyang lapitan ngayon. May parte sa akin na gusto ko siyang patayuin para umalis sa pwesto niya.

A teardrop fell from my eyes while watching him. Papalakas nang papalakas ang pagbugso ng ulan kaya naman nanginginig ang buong katawan kong naglakad papunta sa kaniya.

Nagulat ako nang hinabol ako ni Ajani. May dala siyang payong.

"Mama!" lusong niya sa ulan.

"Mabasa ka, anak!" sigaw ko pero hindi niya ako pinakinggan. Mabilis na pumunta siya sa gawi ni kiko at binuksan ang payong para payungan si Kiko.

Dahan-dahan ay umagat ang ulo ni Kiko para tignan kung sino ang nagpapayong sa kaniya.

Kahit basa na ng ulan ang mukha niya, alam kong umiiyak siyang tinitignan si Ajani.

Tinignan niya ako na tila ba kumukuha siya ng permiso sa akin na yakapin ang anak namin.

I nodded my head at him. Umayos siya ng luhod at dahan dahan ay niyayakap ang anak namin. Doon na siya humagulgol ng iyak.

He hugged Ajani tightly while saying sorry.

Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad habang yakap ang anak namin. Dahan dahan ay lumuhod ako para tignan ang anak ko pero nagulat ako nang yakapin niya rin ako.

Nabitawan ni Ajani ang payong na hawak niya pero hindi na ininda ni Kiko iyon. Hinalikan niya ang mga noo namin ng anak ko.

"I'm sorry," he whispered. "I'm really really sorry," pag-uulit niya sa amin. "Babawi ako. Babawi ako."

Ipinikit ko ang mga mata ko at alam kong tumulo na rin ang mga luha ko pero alam kong hindi niya nakikita iyon dahil nakatingin siya kay Ajani.

Pakiramdam ko ay may humaplos sa dibdib ko dahil doon.

Kumalas si Ajani dahil sa higpit ng yakap ni Kiko.

Tumakbo si Ajani papunta sa likod ko. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Kiko kaya dahan dahan ay hinawakan ko ang kamay ng anak ko at hinila papunta sa harap ni Kiko.

"Ajani. . . " saad ko. Huminga ako ng malalim dahil alam kong magugulat ang anak ko sa sasabihin ko. "Palagi mong tinatanong ang papa mo hindi ba?"

malakas pa rin ang ulan pero nakita kong tumango ang anak ko. I smiled weakly.






"Nasa harapan mo na ang papa mo, anak."



___________________________________________________________________________________________________:)
Hi . Thank u for the love and support. Stay safe.
Ps- please bear with my errors.

Continue Reading

You'll Also Like

423K 7.2K 86
Rea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client ei...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
954K 13.9K 49
[ Hurricane Cousin's : Garret Sean ] "You're right. Doing this revenge is not good. I got hurt when I saw her tears. Damn, I'm playing with fire..."...
969K 33.3K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.