Bawat Daan (Puhon Series #1)

由 pawsbypages

4.1K 500 52

PUHON SERIES #1. Celestine Lim never wanted to be in a long-term relationship during her college years, not u... 更多

Bawat Daan
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue
Love, Bri
Special Chapter

Chapter Twenty-Two

61 12 1
由 pawsbypages

#BD22 — Girl Talk

Tulad nang inutos ni Kazuo, pinaghandaan nga kami ni Manang ng makakain at extrang damit para makapagpalit kami ngayong gabi. Mayroon naman kaming dalang damit sa van pero bilang lang rin kasi iyon at puro swimwear pa.

Ang plano kasi nila ay doon na mismo kami mamimili ng damit dahil may mga magagandang ukay-ukay daw doon. Magdala na lang din daw kami ng mga swimwear para masulit ang bakasyon sabi ni Astrid. Taga-rito rin pala kasi siya kaya hindi naging mahirap ang pag biyahe namin patungong Laguna.

"Salamat sa damit!" Pagpapasalamat ko kay Kazuo dahil sa pinahiram niyang damit.

Pang-babae nga itong damit na pinahiram niya sa amin, e, kaya paniguradong hindi ito sa kanya. Hindi na ako nagabala pang magtanong. Hindi na rin naman kasi importante, ang mahalaga ay nakaligo kami ng maayos pagkatapos ng Paskuhan na iyon.

"Kaninong shirt 'to, Kazuo?" Tanong ni Astrid habang inaayos ang shirt na suot niya.

Binaling ko ang tingin ko kay Kazuo na ngayon ay nakatitig lang kay Yuriko, para bang naghihintay ng sagot. I knew it. Wala naman kasing kapatid si Kazuo kaya sigurado akong hindi ito galing sa kung sino man sa pamilya nila.

These might be Yuriko's clothes!

He fake coughed. "Old friend."

Nginitian siya ni Astrid na para bang nangangasar at gustong pikunin si Kazuo. Inilingan na lang siya ni Kazuo bago maglakad patungo sa dining area nila para kumain. Inuna muna kasi namin ang pagligo kaysa kumain. Tutal ay nagluluto pa naman din sina Manang kanina.

"I have an extra shirt that you can borrow, why did you accept that?" Biglaang tanong ni Drake galing sa likuran ko.

"Magkukulang ang damit mo. 'Tsaka, ayos naman 'to ah. Wala namang problema rito sa soot ko," sagot ko.

"I know but my clothes would look better on you."

"Stop messing around, Drake Cole."

Pagkatapos naming kumain, nagpahinga na rin muna kami saglit. Si Drake na raw muna ang mag mamaneho paakyat ng Laguna dahil wala pa raw tulog si Kazuo. Galing pa daw kasi siya sa meeting kasama ang tatay niya bago dumiretso sa UST kanina.

"How many hours 'yung biyahe, Kuya?" Tanong ni Audrey habang kinakalikot ang phone niya.

"3 to 4 hours, Quinn," tipid na sagot ni Drake habang hinihintay kaming makasakay lahat. "Why? Miss him?"

Binato ni Audrey ang Kuya niya ng neck pillow. "Annoying!"

Tinawanan ko na lang silang dalawa habang inaayos ang mga pagkain na pinadala ni Manang sa amin. Ayaw niya kasi kaming paalisin hangga't hindi namin inilalagay sa van iyong mga chips, biscuits, at pati na rin iyong niluto niyang buttered shrimp kanina.

"Las Pinas City is kind of big rin pala, 'no?" Saad ni Audrey.

"Dito ka nag highschool, Yuri?" Tanong ko kay Yuriko habang pinagmamasdan ang mga malalaking eskwelahan na nadadaanan namin.

Tumawa bigla ng malakas si Astrid. "Hindi lang kamo siya! Pati si Kazuo!"

Natawa na rin kami ni Audrey nang biglang takpan ni Yuriko ang bibig ni Astrid. Namumutla na nga si Yuriko sa sobrang hiya, e! Para bang ayaw niya nang ibalik ang mga pangyayari sa nakaraan. Tinitigan niya lang ng masama si Astrid bago umayos uli ng upo.

"Daldal mo, Collins!" Iritang sabi ni Yuriko habang hinahampas ng unan si Astrid.

"Kalmahan mo, teh! Nagbibiro lang, e!"

"Magpatugtog ka na lang nga, Kazuo! Hindi na ako makatulog, e," utos ko kay Kazuo na tahimik lang nakaupo sa shotgun seat.

Sinunod naman niya ang inutos ko. Kumalma na rin sina Astrid at Yuriko sa likod at mukhang abala na rin sa pagmamasid sa bintana.

"Let's stay at your mansion next time, Kazu!" Audrey requested. "Of course, with the whole tropa baka iba isipin no'ng isa d'yan."

Napailing na lang ako dahil kanina pa nila inaasar si Yuriko na kanina pa rin namumutla at parang nawawalan ng dugo kahit na pulang-pula naman ang pisngi niya.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na naman pala ako sa biyahe. Si Drake pa rin ang nagmamaneho at ako lang pala ang nakatulog sa aming lahat dito. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil ang sabi ko pa kanina ay hindi ako makatulog uli.

"Saan na tayo?" Tanong ko.

"Pansol pa lang," maikling sagot ni Kazuo.

"Maraming resort dito, isa na rin sa pagmamay-ari nila Fourth dito iyong madadaanan nating malaking resot na may soccer field," ani ni Astrid.

"We'll drop by doon, right? For us to ask if Sky's there?" Audrey asked.

Pumalakpak naman kaming dalawa ni Astrid para asarin si Audrey. "May sariling nickname na! Umaasenso ka, Addie!" Kantyaw namin.

"Shut up." Inirapan na naman niya ako.

Nang itinigil ni Drake ang van sa tapat ng resort gate, biglang may lumapit sa amin na guard. Halos na sa anim na guard ang lumapit sa amin sa hindi ko alam na dahilan. Pero nang maalala ko na kotse nga pala ito ng pamilya nila Takeshi na family of politicians, napagtanto kong baka dahil sa plate number ng sasakyan o baka may sticker kaya nila kami nilapitan.

Tinanguan ni Kazuo ang guard na kumatok kanina sa bintana niya. "Andito ba si Fourthsky Ramirez?"

"Ah, Sir, bawal po kasi sabihin ang mga gano'ng bagay po..." Kabadong sagot noong guard.

"Kazuo Takeshi," seryosong sabi ni Kazuo.

"S-sir Takeshi!" Nanlaki ang mata ng guard. "Ah, pasok po muna kayo. Tatawagin ko lang po ang manager," nakangiting sabi noong babaeng guard.

May golden pass ka na pala agad pag isang Kazuo Takeshi ang kasama mo! Grabe nga naman! Bigatin na 'tong lalakeng bilang na bilang lang ang salitang lumalabas sa bibig pwera na lang pag tungkol kay Yuriko!

"Good Evening, Sir Takeshi," nakangiting bati noong manager ata ng resort na 'to.

"Si Fourthsky?"

"Wala po siya rito, Sir, nagpadala lang po siya ng tauhan noong nakaraan para i-check po itong resort."

"Sige, salamat." Nginitian siya ng tipid ni Kazuo.

"Baka po na sa Pagsanjan, Sir! Ingat po kayo."

Tinanguan lang siya ni Kazuo bago isarang muli ang bintana. Ganoon na ganoon ang naging gawain namin kada-bayan ng Laguna. Talagang ini-isa-isa namin ang mga business nila sa buong siyudad para lang hanapin siya. Hindi pa rin kasi matawagan ang telopono niya kaya hindi namin siya diretsong matanong.

At isa pa, mahirap talagang hanapin ang taong ayaw naman magpahanap.

Grabe pa rin ang traffic kahit na madaling araw naman kami bumiyahe kaya halos ilang oras din ang inabot namin bago kami mapadpad sa Pagsanjan, Laguna. Malapit na rin ang pagsikat ng araw kaya napagpasiyahan kong wag muna matulog uli para doon.

"Astrid, you're from here rin, 'di ba?" Tanong ko habang tinitiklop iyong kumot na gamit ko kanina.

She nodded and responded to my question, "Oo, mother side. Pero sa dulo pa iyong amin. Sa Siniloan."

Nakita kong ipinasok ni Drake ang van namin sa isang malaki at mukhang mamahaling hotel dito. Hindi ito kasing laki ng mga hotel sa Manila pero malaki na rin ito kung ikukumpara sa mga nadaanan naming hotel kanina.

"He's here," bungad ni Drake.

"H-how did you say so? Did you see him na?" Nauutal na tanong ni Audrey.

Drake shook his head. "No but that is his car." Tinuro niya ang itim na BMW Sedan ni Fourthsky na nakaparada sa tapat ng isang malaki na villa.

"Tara na ba?" Tanong ko.

"Si Audrey na lang muna. Katukin mo na," nakangising sagot ni Yuriko.

Audrey's eyes widened and her jaw suddenly dropped. "Why me? Ayaw ko! Si Astrid na lang!" Pagtanggi niya.

"Ikaw na! Baka sumama lang lalo loob no'n pag ako ang bumungad sa kanya pagbukas ng pinto." Pilit na tinutulak ni Astrid si Audrey palabas ng van.

Wala na rin naman siyang nagawa dahil pinagkakaisahan na namin siya. Hinintay na lang namin siyang makabalik bago kami bumaba ng van. Wala na rin naman kaming ibang ginawa kung 'di ang pagkalikot sa aming sari-sariling telopono.

"Tash," malambing na boses ang ginamit ni Drake para tawagin ako.

Pagkababa kasi ng kapatid niya, agad siyang lumipat dito sa likod para tabihan ako. Hindi ko naman siya pinalayo pa dahil ayaw ko nang magkaroon pa ng away dito. We should all enjoy this vacation. Ngayon na lang rin naman kami nakumpleto ng ganito pagkatapos nang lahat-lahat.

"Hmm?"

"Let's watch the sunrise? Let's take a picture, too."

"Ah, wala namang kukuha. Panoorin na lang natin."

Biglang umubo si Yuriko. "Ehem-ehem. Andito naman kami, anong walang kukuha?" She asked sarcastically. "Lumabas na kayo doon, dali!"

Sinamaan ko siya nang tingin pero kalaunan ay sumunod rin. Habang pinapanood namin ni Drake ang pagsikat ng araw, tuloy-tuloy lang rin ang tunog ng phone na hawak ni Yuriko. Kanina pa niya kami kinukunan at mukhang nag-eenjoy naman siya sa ginagawa niya kaya hindi ko na sinita pa.

"At the right time..." Bulong ni Drake.

Nilingon ko siya. "At the right time."

Tahimik lang siyang nakatingala sa langit habang ang buong atensyon ko ay nakatuon lang sa kanya.

"We shouldn't rush things, Drake. Yes, you've been in love with me for years already and I've been denying the fact that I'm in love with you, too, for years... pero hindi pa rin ata tama ang mga nangyari."

Hindi tama dahil may nasaktan tayong iba. May nasaktan tayong, malapit mismo sa ating dalawa. I want her to heal first, I want us to heal first, and I want to focus on myself, too.

Dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako'ng hayaan kang makapasok sa buhay ko nang buong-buo kahit na gustong-gusto na kitang angkinin.

The sleepless nights, the uncertain days, and the gloomy afternoons.

I know I lost a part of myself because of what happened. You and Audrey are already a big part of my life and seeing you both in pain because of me broke my heart. I had a hard time coping up with the pain that I got from being so insensitive.

Kung hindi lang sana ako naging manhid... Baka naagapan ko pa ang mga bagay na iyon.

"It's not your fault, Tash."

Nangilid ang luha ko nang mapansing, basang-basa na naman niya ang tumatakbo sa utak ko kahit na hindi siya nakatingin sa aking mga mata. He really knows me so damn well.

Tumingala ako sa langit bago magsalitang muli. "We are both still in pain. Everything's just too blurry and unclear. I don't want to lose you again. I don't want to rush things just for the sake of having you in an instant," mapait kong sabi. "If it's us then it's us... We should take our time and heal first from everything."

He smiled, painfully. "I told you, I'll wait until you're ready," aniya.

I shook my head. "We'll wait until we are both ready, Drake. I know you're not okay, too... because the two women in the world that you love the most, are both in pain."

"I'm glad you know that you're one of that two most loved women of Drake Cole," he chuckled.

"Hindi naman sa pagmamayabang, 'no, pero mahaba kasi talaga ang buhok ko," tumatawang sabi ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit habang marahan na hinahamplos ang likod ng ulo ko. "Don't push me away, hmm? I'll wait for us to happen but please don't push me away from you... I can't live with that," masakit na sabi niya.

"I'm sorry... I'm just too confused and scared to face you kasi ayaw kong makasakit uli ng ibang tao... Natatakot pa rin ako na baka masaktan kita kasi hanggang ngayon takot pa rin ako'ng sumugal ng buong-buo."

"You still haven't even given me your yes but a lot of people around us are already hurt." He drew a deep breathe. "What more if there's officially an us? You'll leave me again for that? You'll stay away from me?" He asked. "And again, I'll wait until you're finally ready to welcome me with arms wide open, baby."

Tumingala ako para mas matignan siya nang mabutiz "Ibang kaso naman kasi 'yung kay Audrey. Kung hindi naman si Audrey at tulad lang ni Kelsey ang masasaktan, edi masaktan siya. Kasalanan naman niya kung bakit siya nasasaktan, e! Matagal naman na kayong tapos!"

He laughed making his adam's apple visible. "You sound like a really mad and jealous girlfriend, baby."

"Binatawan mo ako. Umalis ka na d'yan at baka masapak pa kita."

"See?!" He continued laughing. "You're so cute, Anastasia." Pinisil niya ang ilong ko bago iyon galaw-galawin.

Napagpasiyahan na rin namin na bumalik sa van dahil naroon na pala sina Audrey at Fourthsky. Mukhang nakapagusap na rin ang dalawa dahil parehas na silang nakangiti habang nakikipagkwentuhan sa aming mga kaibigan.

"May pa-walk out ka pa kasing nalalaman!" Kantyaw ni Astrid.

"Nagkaproblema lang." Umiiling-iling si Fourthsky habang naka-akbay kay Audrey.

"Remove your dirty arm off of her, Ramirez," masungit na sabi ni Drake habang naglalakad kami papalapit sa kanya.

Siniko ko siya para suwayin. "Problema mo ba?" Tanong ko. "Hayaan mo nga silang dalawa! Ilang buwan din silang hindi nagkita."

"We didn't see each other for months either ," masungit na naman na sagot niya.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Napagusapan na natin 'yan, Medina."

Bumusangot ang mukha niya at nanahimik na sa tabi ko habang nakahalukipkip.

"Under ka pala, tol?" Mapangasar na tanong ni Kazuo.

Inilingan ko na lang silang tatlong lalaki at hinayaan nang magusap-usap. Hindi na muna namin ibinaba ang mga dala naming bagahe dahil ang sabi naman ni Fourthsky ay lulubos-lubusin na namin ang bakasyon kaya ipapasyal niya kami rito sa Laguna.

Habang abala sa paguusap-usap sina Fourthsky, Drake, at Kazuo, mas minabuti naman naming mga babae ang pagpapahinga sa loob ng villa na halatang para sa mga exclusive guests nila. The living room of his villa is huge as well as the kitchen area. May two rooms rin ang villa niya kaya sa second room na lang kami humiga.

Pinagkasiya namin ang sarili namin sa queen size bed sa kwarto na ito. Hindi naman gaano kasikip ang kama na ito para sa amin dahil mapayat naman sina Audrey at Yuriko kaya halos kami lang ni Astrid ang kumakain ng malaking espasyo rito.

We both have a thick and curvy body pero hindi kami kasing-slim nina Yuriko at Audrey na parang tambay sa gym. Namana ko lang kasi ang katawan ko na 'to kay Mommy. Hindi naman ako mahilig mag gym dahil puro musika nga ang pinagtutuunan ko nang pansin noon maliban sa sayaw na ginagawa ko lang rin kapag kailangan na kailangan talaga.

Malakas rin naman ako kumain pero hindi nadadagdagan ang timbang ng katawan ko at hindi rin naman nawawala ang curves ko kaya hinahayaan ko na lang. Sumasama-sama rin naman kasi ako kina Audrey at Drake sa states tuwing nag-g-gym sila.

Nakatingala kaming lahat sa kisame nang biglang nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Yuriko.

"Problemado ka?" Tanong ko.

"H-hindi naman..." Sagot niya.

"You're bluffing," singit ni Audrey.

"Spill it, Yuri," ani ko.

"Masama pa rin kasi ang loob ko kay Kazuo pero nung marinig ko ang side niya?" She paused. "Bigla akong naguluhan." Hinilamos ni Yuriko ang dalawa niyang kamay sa kaniyang mukha.

"Mukha naman kayong okay, ah? Nagpapansinan naman kayo 'di tulad nitong si Celestine saka Drake," sabi ni Astrid.

"Oo, nagpapansinan pero hindi naman ibig sabihin no'n ay ayos na uli kaming dalawa. Tulad ni Celest, ayaw ko rin madaliin ang sarili ko. Nasaktan niya ako at nasaktan ko siya, ayaw ko nang dagdagan pa ang mga masasakit na bagay na 'yon. Ayaw kong magpadalos-dalos," Yuriko responded.

"I feel you, Sis," madramang sabi ko.

"You know what, Celest?" Audrey raised a brow. " Yuriko's case is different from yours. Very different because I was the one that got hurt before and I am here, telling you that I'm finally okay with no sugarcoat or whatsoever but you still can't be with him for some reasons that I don't know about," litanya ni Audrey.

"Edi inaamin mo nga na nasaktan kita! Nasaktan ka namin! Tss," birong sabi ko.

Audrey rolled her eyes. "Yes, but that was before! You're just scared to risk it! You're scared to commit even though you've given Kuya his chance na to court you! You were so used at settling para sa mga no-strings-attached, flings, and shit na 'yan! You're just using me as a reason to cover that up!" Giit ni Audrey.

Umupo na ako para harapin at hampasin siya ng unan. "Gaga 'to! Sakit mo magsalita, ah!"

"Masakit kasi totoo?" Tanong ni Yuriko.

"Natatakot kang masaktan uli? Natatakot kang mag commit? Natatakot kang magmadali kasi baka matulad uli sa ex mo?" Dire-diretsong tanong ni Astrid.

Hinampas ko silang tatlo ng unan. "Alam niyo, para kayong hindi tropa!" Singhal ko. "Oo na nga, 'di ba?! Natatakot nga ako! Hindi pa ako ready kaya ayaw ko munang mag madali!"

Tinawanan lang nila akong tatlong habang sinasanggi ang hampas ng unan ko sa kanila. Kung hindi lang napamahal sa akin ang tatlong babaeng ito ay baka friniendship over ko na sila. Grabe kung manakit! Tagos sa buto!

"We love you kahit takot ka sa commitment," sabi ni Astrid bago ako yakapin.

My lipes parted in shock. "Wow, ha! Ikaw rin naman takot sa commitment! Sige nga, sino iyong nakita kong kausap mo kagabi sa Paskuhan?!" Mapangasar na tanong ko.

"Wala, friend lang!" Sagot niya.

Niyakap nila akong tatlo ng mahigpit.

"Gets namin kung bakit ayaw mo munang magmadali, Celest, nagbibiro lang kami pero naiintindihan ka namin..." Yuriko smiled. "Kung ano ang sa tingin mo ang tamang gawin, susuportahan ka namin," makahulugang sabi niya.

"I know you're hurt din because of the sudden revelation of my old love for you but trust me, I'm doing good now!" Audrey smiled widely. "I'm genuinely happy with the circle of friends that I have and of course, him, duh?" Sabi niya.

"Pero noong lasing ka sabi mo I'm so fucking happy for the both of you!," pang-ga-gaya ko sa sinabi niya.

"Because I'm really happy for the both of you! I didn't plan on revealing it pa sa 'yo since super tagal na nga'ng done no'n pero sinabi ko pa rin kaya I was so mad at myself for being selfish," ani ni Audrey habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.

Astrid nodded. "Sinabi niya para wala nang matira na pain from the past... So she could finally let go of the past... For her and for Fourth."

Kumunot ang noo ko. "Alam mo, Astrid?" Tanong ko.

Astrid laughed. "Tanga! Malamang kami ni Yuriko kasama niya no'ng gabing iyon!" Sagot niya.

May point naman ang mga sinabi nila tutal sila rin naman talaga ang kasama ni Audrey noong gabing iyon.

"At the right time..." I took a dee breath. "Kapag okay na kaming dalawa, kapag okay na ang lahat, kapag handa na akong sumugal ng buong-buo at kapag sigurado na akong okay na si Audrey," tumatango-tangong sabi ko.

"You're so kulit, Celest!" Iritang sabi ni Audrey. I already told you na I'm okay naa ako!" She frowned. "You don't believe in me na?"

I laughed. "Of course, I believe in you! Pero sabi mo kasi noong gabing iyon panalo ka na, Kuya, she chose you chu-chu-chu." Ginaya ko ang boses niya at dinagdagan pa ng mapangasar na tono.

"I was hurt but not that much na compared to the night that I overhead Fourth and Kuya Drake talking!" Pikon na sagot ni Audrey.

Humagalpak na ako sa tawa dahil halatang-halata na frustrated na siya dahil sa pamimikon ko habang nakikisabay sa tawanan sina Astrid at Yuriko sa akin. Naniniwala naman na ako sa sinabi niya kagabi. Totoo rin namang natatakot akong mag commit at sumugal ng buong-buo dahil hindi pa ako handang masaktan uli dahil lang sa pagibig at hindi ko na uli kayang makasakit dahil lang sa pagibig.

Binigyan ko ng pagkakataon si Drake na ligawan ako at patunayan sa 'kin na totoo nga ang nararamdamanan niya. Hinayaan ko siya at hindi naman niya ako binigo. Napatunayaan niya talaga at damang-dama ko iyon. Hindi ko na rin tinatakbuhan ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

I'm in love with you, too, Drake Cole Medina.

Ngunit sa ilang buwan naming pagsasam-; sa ilang buwan niyang panliligaw sa akin; akala ko magiging maganda na ang takbo ng relasyon naming dalawa. Akala ko handa na uli akong sumugal ng buong-buo para sa pagmamahal. Pero nang marinig ko lahat ng saloobin ni Audrey, parang bumalik lahat ng takot ko.

Lahat ng takot na pinaghirapan kong alisin.

When I looked at Audrey's eyes that night, her eyes were bloodshot. I knew she was so hurt because of the fact that I can't reciprocate her love for me. She's in pain because of love and I don't want to see myself in that same situation because of love.

Ayaw kong masaktan siya dahil lang sa takot kong sumugal ulit ng buong-buo.

I'm scared because I don't want to see him in pain.


<3

继续阅读

You'll Also Like

102K 2.4K 43
Liana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She w...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
239 54 8
Prequel to Memories of Hong Kong, For Your Eyes Only Agathon's Diary |an epistolary|
5K 1.4K 44
She woke up from the deep but uncomfortable sleep. The moment everybody's been waiting for, As the brilliant sun flashes through her gentle face. Her...