Bawat Daan (Puhon Series #1)

By pawsbypages

4.1K 500 52

PUHON SERIES #1. Celestine Lim never wanted to be in a long-term relationship during her college years, not u... More

Bawat Daan
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue
Love, Bri
Special Chapter

Chapter Twenty-One

67 10 1
By pawsbypages

#BD21 — Paskuhan

Paskuhan na.

Isa itong annual tradition na rito sa University of Santo Tomas. May mga tutugtog na sikat na banda at marami rin daw estudyante ang pumupunta para makinood. Ang sabi pa nga ni Mitch sa akin ay pwede ko raw imbitahan ang mga kaibigan ko kahit na hindi sila taga rito. Kung may kaibigan daw kasi ang isang outsider na thomasian, iyon na daw mismo ang ticket papasok. One is to one nga lang daw kaya kung marami raw sa kaibigan ko ang pupunta, sila na raw ang bahala roon tutal wala rin naman daw silang isasama pa'ng iba.

[Sis! Ano? Ready ka na ba?] Tanong ni Gabbi sa kabilang linya.

"Still preparing pa," hinihingal na sagot ko.

Nagmamadali ako ngayon dahil si Gabbi ang susundo sa akin papuntang school. Si Astrid daw kasi ay susunod na lang dahil wala si Fourthsky na madalas siyang isinasabay. Si Audrey at Drake naman ang magkasamang pupunta at si Mitch naman ay susunduin daw ni Fronz.

[Dapat date night natin 'tong tatlo, e! Kaso ito namang si Mitch kung kailan tinigil niyo na ni Drake ang relasyon niyo 'tsaka naman siya nakipagmabutihan kay Fronz!]

"Wala kaming relasyon ni Drake, Gabbi," deklara ko. "Nanligaw lang siya at childhood friends kami, 'yon lang."

[Alam mo, Celest, hindi mo na ako maloloko! Ilang buwan na tayo'ng magkasama, 'no! Even without that label, I know you're in love with him and he's in love with you, too! Ngayon ka nga lang ata namin makakasama ng walang Drake sa paligid tapos si Mitch naman ang mayro'n!]

"Hayaan mo na si Mitch, masaya naman siya do'n." Sinara ko na ang pintuan ng condo at nagsimula nang maglakad papunta sa elevator. "Pababa na ako, saan ka na ba banda?"

[Paliko na sa condo niyo. Buhay nga naman, may utang kayong girls night sa'kin!]

"Oo na paguwi namin galing Laguna, girls night natin agad."

Nang makarating na kami sa school, natanaw ko agad ang mga kaibigan kong naghihintay sa gate 14 sa may Lacson banda. Sa sobrang tangkad nina Kazuo at Drake, hindi na naging mahirap para sa 'kin ang hanapin sila.

"Tara na?" Nakangiting tanong ko sa kanila.

Ayaw ko namang ipahalata na problemado ako ngayon. Na hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang puso ko dahil sa naging usapan namin ni Drake. Kaya pinilit ko ang aking sariling maging presentable at mag mukhang masaya pa rin. Sumunod rin naman sila agad sa amin papasok ng university.

Abala sa sarili nilang mundo sina Kazuo at Drake habang si Mitch naman ay abala kay Fronz. Kaming apat lang lang talaga nina Astrid, Gabbi at Yuriko ang nagpapansinan dito dahil abala pa iyong apat.

"Loyal daw sa poging polsci student, e, sa archi student din naman pala babagsak!" Natatawang sabi ni Gabbi na pinaparinggan si Mitch na si Fronz pa rin ang kausap hanggang ngayon.

Nakitawa na lang din ako sa kanila. Tulad nang inaasahan ko, hindi na nga kami ulit nagusap pa pagkatapos ng gabing iyon at kung inaakala kong kakausapin niya ako ngayon dahil Paskuhan naman... nagkakamali ako.

Habang kumakanta ang banda sa stage at abala naman kami sa pagsabay sa kanila, kinuha ko na ang telopono ko sa bulsa para kumuha ng video at litrato para sa Instagram story ko. Para sa memories. Para sa unang Paskuhan sana nating dalawa.

"You asked Kuya raw to stop courting you na?"

Halos mapatalon ako sa biglaang pagsulpot ni Audrey sa tabi ko na kanina ay malayo naman ang kinatatayuan sa 'kin. Nanatili pa ang tingin ko sa kanya ng ilang segundo bago ko ito bawiin.

I scratched the side of my head. "Uh... Yes," kabadong sagot ko.

"If I'm the reason why you did that then please reconsider your decisions. I don't want to see you both in pain. I'm already okay with it—I already moved on from it," she assured me while slightly tapping my shoulder. "I cried that night because I'm so scared to hurt Fourth. I'm not yet done healing but I'm pretty sure that the love I have for you will only remain as a sister love, nothing more. So, don't hurt yourself, and don't hurt my Kuya."

"You're not okay, Addie. Makakapaghintay naman ang mga bagay na gano'n."

Audrey stifled a laugh. "I heard Kuya and Fourth talked the night you caught your ex cheating on you," she said and a crease appeared on my forehead. "Fourth decided to stay for the night at our house for Drake, doon sila uminom. I heard everything and from that day onwards, I started to move on from you."

"Addie..."

"When I met Fourth that night at the welcome home party on his house, I felt my heart finally beat for someone once again and it was no longer for you that's why I felt relieved." She smiled at me. "But I know it's wrong to be with someone while I'm still not done fixing myself, that's why I decided to tell him everything. It's all sunshine and rainbows whenever I'm with him, not until that night at Yuri's house."

"The night you confessed your love for me?"

She chuckled. "The night I confessed my old love for you, Celest. I wanted to free myself from everything that was holding me back to be genuinely happy. I'm starting to love Fourth's company, I'm starting to... like him." She sighed. "That's why I drank every liquor left at Yuri's house. It was not because I'm hurt seeing you and kuya happy—maybe a little but the real reason was because I was so mad at myself... because I can't find the right time to admit it to you—or maybe admitting it wasn't just part of my plan. I don't want to be selfish but then sinabi ko pa rin."

"Bakit mo ba kasi balak pa'ng itago? I thought we're best friends?"

She shrugged and said, "Because I know you'll do this to my kuya. I know you'll ask him to stop. I don't want to see my kuya in pain, Celest, but I needed to do that to finally let go every pain from the past and to start living in the present."

Umiling ako. "You're bluffing, Addie," I accused her. "Sinasabi mo lang 'to para hayaan ko si Drake na ligawan ako kahit na hindi ka naman talaga okay do'n."

Her lips parted. "What the hell?" She exclaimed. "We're freaking going to Laguna after this event, Celest! I want to surprise Fourth and I want to say sorry to him personally! Kapal mo na ah."

"Bitchy," natatawang sabi ko.

"3 years ago pa 'yong feelings ko for you, 'no! I was just scared to tell you about it because I know how your mind works." She rolled her eyes.

"Thank you." Nginitian ko siya ng tipid. "For clearing everything up."

"No problem." She smiled back. "I just want you and kuya to be happy. Don't worry about me, hmm? Sisters by blood, remember? I'm happy now," masayang sabi niya habang nakahilig ang ulo sa aking balikat.

Para akong binunutan ng tinik sa mga sinabi niya kahit na may parte pa rin sa 'kin na hindi kayang paniwalaan ang lahat ng iyon. Siguro'y nag-ooverthink lang talaga ako pero kita ko naman sa mga mata niya na totoo nga iyon at walang halong pagsisinungaling. She wants me to be happy. She wants Drake to be happy. She wants us to be happy.

But is she really happy with her decision?

Am I really happy with my decision?

Tahan, pwede pa bang malaman?

Laman ng iyong isipan

Para walang maling akala

Bakit naman ganito pa ang tugtugan dito? Parang kanina lang ay masaya pa ang mga tinutugtog nila, ah? Nananadya ka na naman ba tadhana? Pwede bang awat muna? Hindi naman porque malakas akong tao, e, hindi na ako nasasaktan.

Parang kay bilis ng iyong pag-alis

Teka lang, teka lang, teka lang muna

Sa'n nagkamali? Pwede bang bumawi?

Teka lang, teka lang, teka lang muna

Masyado pang maaga

Siniko ako bigla ni Astrid. "Baka daw pwede pa'ng bumawi."

Pinanliitan ko siya ng mata dahil katabi niya lang si Drake at alam kong narinig niya ang sinabi ni Astrid. Gusto ko siyang biglang hilahin papalayo rito dahil sa kahihiyan. Bigla-bigla ba namang nang-aasar ng ganoon! Halata naman na hindi na kami nag-uusap ni Drake, e! Hindi nga kami naglalapit!

Masyado pang maaga

Para mawala ka

Masyado ba akong naniwala sa iyong pinangako

Na minahal kita higit pa sa sarili ko? Diyos ko

"Masyado pa raw maaga, Sis," ani Gabbi na nakatayo sa harap ko.

Marahan kong tinulak ang ulo niya para mapaharap ulit siya sa kung na saan ang stage at hindi sa 'kin na panigurado'y namumula na naman ang pisnge. Ramdam ko na naman tuloy ang talim at diin ng mga mata ni Drake, kahit sa stage pa ako nakatingin ngayon ay kitang-kita ko pa rin ang pagkunot ng noo niya at ang mga matang puno ng kung ano-anong emosyon.

Ang tagal naman matapos nitong event na ito. Parang noong mga nakaraang buwan lang ay excited pa ako para rito dahil first time ko ito pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa condo, hindi ko na ata kaya pa'ng magtagal dito. Para na akong malalagutan ng hininga. Naninikip na ang dibdib ko habang pilit na iniiwasan ang mga mata ni Drake na kanina pa sa 'kin nakatitig.

Matang magkakilala

Sa unang pagtagpo

Paano dahan-dahang

Sinuyo ang puso?

At dahil itong kanta naman na pang-may-jowa ang tumugtog, kinantyawan na namin sina Yuriko at Kazuo pati na rin sina Mitch at Fronz. Ayon kay Mitch, wala naman daw label ang relasyon nila ni Fronz. Masaya naman daw sila sa gano'n kaya wala naman daw kaso sa kanya at saka nagkakamabutihan lang naman daw.

Ako nga ata ang may kasalanan kung bakit kuntento siya ngayon sa no-lable-relationship nila ni Fronz, e. Based on experience, masaya rin naman kasi talaga 'yong mga ganoon. No commitments, no issues, and no drama. Masyado na kasing marami ang problema ko noon sa states kaya hindi talaga ako jumojowa.

May-iilan naman akong binigyan ng label pero lahat ng iyon ay nagloko lang kaya mas minabuti ko muna'ng bumalik na lang sa dating gawi. Kaso nga lang, paguwi namin dito sa Pilipinas ay nagbago naman bigla ang pananaw ko. Noong mga unang linggo ay ayos pa, puro party lang ang inaatupag ko at ang pagsasaya tuwing may party.

But because of him... My world turned upside down. I suddenly want a long-term relationship with him. I want us to achieve our dreams together. I want us to operate on a patient together. I want us to be successful together.

Pero hindi lahat ng gusto natin ay para sa 'tin.

"Loyal daw sa poging polsci, woohoo!" Kantyaw ni Gabbi.

"Architecture student naman pala ang nais!" Kantyaw ni Yuriko.

I laughed at them. "Parang ikaw!" Kantyaw ko kay Yuriko.

"Ano ba kayo! Parang walang mga bebe!" Pikon na reklamo ni Mitch na hanggang ngayon ay grabe pa rin ang dikit kay Fronz na nakikitawa lang kasama si Kazuo at...

Where's Drake?

Why is he not with Kazuo and Fronz?

Nanigas bigla ang mga tuhod ko at nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang malaki niyang palad na dumadausdos sa aking bewang.

"Let's go love birds!" Sambit ni Audrey habang nakangiti. "I love you both!"

Kay tagal ko nang nag-iisa

And'yan ka lang pala

He kissed the side of my head and said, "Don't be so uptight. Bring back the old carefree Anastasia that I know," malambing na sabi niya habang niyayakap ako galing sa likod. "Even just for tonight, Anastaisa."

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako, naubos ata ang lahat ng lakas ko. Pinagmasdan ko na lang sina Fronz at Mitch na kinukuhaan ng litrato ni Astrid na nakabusangot na ang mukha.

"Okay na!" Iritang sabi ni Astrid na siya namang tinawanan nina Mitch at Gabbi.

"Hayaan mo, Astrid. Balang araw ikaw naman," Mapangasar na singit ni Kazuo.

"Saglit! Sila Celestine pa pala!" Kinuha ni Astrid ang phone ko sa 'king kamay.

Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya habang itong ugok naman na nakayakap pa rin sa likod ko ay tumatawa ng mahina. Umiling-iling ako pero hindi iyon pinansin ni Astrid. Ang sabi pa nga nila Yuriko ay wag na daw ako maginarte dahil minsan lang rin naman ito.

"Papayag ako basta sina Yuri at Kazuo ang sunod!" Masungit na sabi ko.

Astrid laugh and winked at Yuriko. "Oo! Ako na ang bahala!"

Mahiwaga

Pipiliin ka sa araw-araw

Mahiwaga

Ang nadarama sa 'yo'y malinaw

"Ikaw lang ang pipiliin sa araw-araw, Tash," bulong ni Drake sa aking tenga habang nakangiti ako sa camera.

Pulang-pula na siguro ang pisnge ko dahil sa mga kaganapan na ito.

"Ikaw lang din naman ang pipiliin sa araw-araw, Cole," mahinang sabi ko.

Yumuko siya ng konti para maging magkalebel ang mukha namin. "Come again?"

"W-wala."

He smirked. "Why are you stuttering?"

"Ang lapit ng mukha mo, e!"

He laughed and said, "It's not like we have never been this close, Tash! I kissed you that night, baby, and you kissed me back," mapanuya niyang sabi.

"Lumayo ka nga muna." Pilit konf nilalayo ang mukha ko sa kanya ngunit mahigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin at pilit niya ring nilalapit ang mukha niya.

"I didn't bother you the whole finals week, Tash, don't you miss me?"

"Napagusapan na natin 'to, Drake Cole."

He slowly nodded his head and said, "And you and my sister talked about it either."

"Inutusan mo ang kapatid mo, 'no?" Kinalas ko ang pagkakayakap ko sa kanya at hinarap siya.

He laughed. "What? No! I already told her that we're okay and I'm okay with your decision as long as you'll come home to me but she insisted!"

Bago ibalik ni Astrid ang telepono ko sa'kin, binulungan niya muna ako. "Make it work."

"Make yours work, too, Astrid," mapangasar na bulong ko.

Astrid immediately frowned. "Alam mo, mapanakit ka na ha! Kitang wala nga akong hinaharot ngayon!"

Nagkibit-balikat na lang ako habang tinatawanan siya. "Balang araw."

Pagkatapos naming lahat kumuha ng litrato sa may malaking christmas tree at sa grandstand, napagpasiyahan na naming umalis na dahil dadaan pa uli kami sa condo para kunin ang gamit ko. Hindi naman kasi sila ang sumundo sakin kaya hindi ko muna dinala iyon.

Hindi na sumama sina Mitchy, Gabbi at Fronz sa amin kahit na inanyayahan naman sila sumama nina Astrid at Audrey. Pare-parehas daw kasi silang may family vaccation para sa pasko. Habang kaming anim naman ay ilalaan ang bakasyon na 'to para hanapin ang nawawala naming kaibigan.

"Van pala ang dinala niyo?" Nagtatakang tanong ko dahil isang malaking executive sprinter van na kasya ang sampung tao. Pinatunog na ni Kazuo ang van bago kami pagbuksan ng pinto. Isa-isa na silang pumasok doon at nagsiupuan na sa mga pwestong gusto nila. Nagtataka pa rin ako kung bakit hindi na lang nila dinala ang sari-sarili nilang kotse dahil mukhang mamahalin pa itong van na 'to at executive pa!

"Mas masaya kasi kung sama-sama na lang tayo," sagot ni Astrid. "Malayo-layo rin kasi ang biyahe."

Tama nga naman. Mas masaya nga ang ganitong sama-sama kami ngunit parang sobrang mahal naman ata ng binayad nila rito para rentahan. Pwede naman na iyong mga kotse nila Kazuo at Drake mismo.

"Who will drive?" Tanong ni Audrey na nakaupo sa tabing upuan ko.

"Ako," tipid na sagot ni Kazuo na umikot na para sumakay sa driver's seat.

"Who will seat sa shotgun?" Tanong uli ni Audrey.

"Me," Drake responded. "I'll switch places with Kazu later in case he gets tired from driving," dagdag niya habang inaayos ang mga bagahe namin sa loob ng sasakyan.

"Bakit 'di mo na lang sinama ang driver niyo, Kaz?" Tanong ni Yuriko na nakaupo sa likod ko, sa gilid ni Astrid.

Kazuo shrugged. "Kaya ko naman kayo ipagdrive. Andito rin naman si Drake para pumalit," mataman na sagot ni Kazuo habang ang tingin niya ay diretso lang kay Yuriko sa pamamagitan ng rear mirror.

Habang na sa biyahe, biglang tumunog ang phone ko at panigurado'y si Mommy ito. Wala naman siguro akong nakalimutan sa condo kanina kaya bakit niya ako tinatawagan? Ang akala ko nga ay nasa meeting pa siya dahil nakabalik na ako galing Paskuhan pero wala pa rin siya sa condo.

"Hello, Mommy?"

[Anak, naka-alis na ba kayo?]

"Opo. Why, Mom?"

[N-nothing, Anak. Mag-ingat kayo. Sabihan mo si Drake at Kazuo na magingat sa pagmamaneho.]

"Are you sure, Mom? What's wrong?" Mahinang tanong ko dahil natutulog sina Yuriko at Audrey, ayaw ko naman silang ma-istorbo pa.

[Nothing's wrong, Celestine. Enjoy your vacation, Anak! Be home before the 24th. We'll have a family dinner.]

"Okay. Ingat ka po. I love you, Mom, I'll hang up na po," dismayadong sabi ko.

[I love you too, Anak.]

Pagkababa ko pa lang ng telopono ay agad na akong pinaulanan ni Drake ng tanong. Kasalukuyan siya'ng nakatagilid nang upo para makita ako ng maayos. Sa may likod naman ako ni Kazuo nakaupo kaya sigurado akong tanaw niya pa rin naman ako kahit hindi na siya tumagilid pa ng upo.

"Seatbelt, Drake," suway ko sa kanya.

"Anong bilin ni Tita sa'yo?"

"Mag ingat daw kayo ni Kazuo sa pagmamaneho."

"That's all?" He raised a brow. "You look disappointed," malambing na tanong niya.

"Wala lang ito. 'Yung boses lang kasi ni Mommy parang may problema na ayaw niya sa 'king sabihin."

"Hmm... Maybe about work? Don't stress yourself too much. We're going on a vacation, at least loosen up and enjoy, Tash."

Tumango-tango na lang ako para matigil na siya sa pagtatanong. Mukhang malayo-layo pa naman kami kaya napagpasiyahan ko munang umidlip. anong oras na rin kasi at tulog na rin naman sina Yuriko at Audrey habang si Audrey naman ay abala sa pinapanood niya.

Na-alipungatan ako nang maramdaman ko ang pagpatong ng isang makapal at furry type na kumot sa 'kin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang bumungad sa akin ay si Astrid na inaayos ang pagkakakumot sa akin.

"Uy..." I murmured.

She smiled. "Utos ni boss Drake."

Nilipat ko ang tingin ko kay Drake na ngayon ay matalim na naman ang tingin sa akin. Nginitian ko na lang siya ng tipid bago ako mag pasalamat.

"Thank you," sabi ko.

"Para sa akin ba 'yan o sa baby mo?" Tanong ni Astrid.

Umiling na lang ako. "Siraulo."

Hindi na ako nakabalik pa sa tulog dahil tinigil na rin ni Kazuo ang van sa tapat ng isang malaking mansyon.

"Kaninong bahay 'to?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang malaking gate ng mansyon galing sa bintana ng van.

"Sino pa ba? Malamang sa only son ni Ambassador Takeshi!" Nakangiting sabi ni Astrid.

Anak ng ambassador 'tong si Kazuo? Alam ko naman na anak siya ng isang politician pero hindi ko naman inaasahan na ambassador pa pala! Ang taas ng posisyon ng ama niya habang siya'y walang balak sumunod man lang sa yapak ng kaniyang tatay?

Nagising na rin sina Audrey at Yuriko. Medyo nagtagal pa kami ng ilang minuto rito sa van bago lapitan at katukin ang bintana ng driver's seat.

"A-ay... Sir Kazuo! Ikaw po pala 'yan..." Kabadong sabi noong guard.

"Nasa bahay ba si papa?" Tanong ni Kazuo.

"Wala ho, Sir." Umiling iyong guard. "Hindi pa rin po nakakabalik ang papa mo galing sa Japan."

"Sige, salamat."

Pinagbuksan din nila ng gate ang Sir Kazuo nila. Habang tinatahak ni Kazuo ang daan papuntang garaje, nagtanong na agad si Yuriko kung bakit kami naririto. Halata sa mukha niya ang kaba at takot. Si Drake naman ang sumasagot sa mga tanong niya dahil si Kazuo ay kanina pa walang imik.

Ayon kay Drake, dito raw muna kami mag s-stop over bago uli bumyahe patungong Laguna. Ang balak daw kasi nila ay mag bayan-bayan dahil hindi rin sila sigurado kung saan ba sa Laguna namamalagi si Fourthsky.

Marami raw kasi iyong ari-arian sa Laguna lalo na't nagiisang lalaking taga-pagmana si Fourthsky at ang ate naman niya ay sa ibang bansa na nakatira. Kaya mas mabuti raw siguro kung iisa-isahin namin ang mga branch ng business nila sa buong siyudad ng Laguna para mas mahanap siya ng mabilis kesa sa may Antipolo pa dumaan.

Habang nagpapahinga kami sa napakalaking sofa nila Kazuo, bigla naman niyang tinawag iyong isa sa pinakamatandang kasambahay ata nila na mukhang iyon pa ang nagpalaki sa kanya.

"Manang, pa-handa na lang po ng pagkain 'tsaka extra po'ng damit para sa mga kaibigan ko," magalang na utos ni Kazuo.

"O sige, mag pahinga muna kayo riyan," nakangiting sabi ni Manang. "Halika, Rei! Ang tagal din nating hindi nagkita, apo!"

Nginitian siya ng tipid ni Yuriko, halatang kabado ito na may halong takot. "O-opo nga, Manang, ilang taon na rin po iyon."

"Manang, hayaan niyo na po muna siya magpahinga," suway ni Kazuo kay Manang.

"Ikaw naman, Zuo, hanggang ngayon ang damot mo pa rin pagdating kay Rei!"

Hinilot ni Kazuo ang sentido niya. "Dadalhin ko naman siya uli rito sa susunod, sige na po, Manang."


<3

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 204 50
VESTIBULUM ARCU SERIES no. 3 Gwen Cortez, a beautiful, fierce and talented college student stopped believing in the power of love after her heartbrea...
102K 2.4K 43
Liana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She w...
111K 3.2K 55
Band, study, music, and passion; that's how Axel describes his life ever since he was young. Banda muna bago ang lahat. Music or nothing. It was fun...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...