The Nerdy Rebound Girl

By purplenayi

12.8M 179K 11.2K

[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibiga... More

Published in Print Under Summit/Pop Fiction
The Nerdy Rebound Girl
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Epilogue
Special Chapter # 1
Special Chapter #2
Nayi's Note

Chapter Five

292K 4.2K 296
By purplenayi

"Tita!" salubong ni Gelai saken.

Nandito kami ngayon ni Maico sa probinsya para bayaran ang pagkakasanla ng bahay at lupa namin. Nagpumilit lang naman siyang sumama kahit na sabi ko ako na lang. Gusto niya raw kasing makilala ang pamilya ko.

"Hi Gelai!! kamusta naman ang paborito kong pamangkin?"

"Ok naman po ako Tita. Tinuruan po ako ni Tita Anna na magsulat ng pangalan ko! Gusto niyo po makita?" ani Gelai. Si Anna yung kapitbahay namin dito. Kababata ko siya at guro ang propesyon na napili niya.

"Talaga? Sige nga ipakita mo nga saken."

"Sige po! Tara po! Ahhh..." napatingin siya bigla sa likuran ko. "Sino po siya?"

Oo nga pala nakalimutan kong kasama ko si Maico. Kakababa niya lang ng kotse. Tumingin ako kay Maico at sumenyas na lumapit siya.

"Gelai, siya si Tito Maico." sabi ko sabay turo kay Maico.

Ngumiti siya at lumapit kay Maico.

"Hello po Tito Maico! Ikaw po ba ang boypren ni Tita Jacky ko?" tanong niya.

Nakita ko ang pagkaaliw sa mata ni Maico saka siya nag-squat sa harap ni Gelai para maging magkapantay ang taas nilang dalawa.

"Oo ako nga ang boyfriend niya. Ikaw pala si Gelai. Maganda ka rin tulad ni Tita Jacky ah!" iniabot niya yung hawak niyang pasalubong. "Heto oh, pasalubong namin para sayo."

"Yey! Salamat po!" tuwang tuwang kuha ng bata sa binigay ni Maico at yumakap pa siya.

"Oh nandito ka pala apo." narinig kong sabi ni Lola mula sa likuran.

Humarap ako sa kanya at nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan.

"Lola! Baket naman po lumabas pa kayo? Dapat po nagpapahinga na lang kayo eh." sabi ko sabay lapit sa kanya at hinawakan siya para alalayan.

"'Ku ikaw na bata ka! Ano namang wag ka ngang masyadong mag-alala jan. Kaya ko naman ah. Parang di ako gumagaling kapag nasa higaan ako maghapon. Lalo akong nanghihina." Napatingin siya sa likuran ko. "May kasama ka pala. Aba'y ka-guwapo naman ng batang ito."

"Magandang umaga po." ani Maico.

Hawak niya yung kamay ni Gelai habang palapit sa amin.

"Ako po si Maico." nakangiting sabi niya.

"Kasintahan ka ba nitong aking apo?" tanong ni Lola.

"Opo."

Napailing na lang ako. Seryoso talaga siya. Buong linggo niya akong sinusundo sa opisina. Tinutukso na nga ako ng mga kasamahan ko. Madalas pati siya sa condo. Isang araw lang siyang hindi nakapunta. May meeting daw kasi siya pagkahatid niya sa akin.

________

"Malaking isda yang nabingwit mo ah." bulong ni Kuya sa akin.

Nakabalik na kami ni Maico galing sa pinagsanglaan ni Kuya.

"Ano bang pinagsasasabi mo jan Kuya?"

"Yang boyfriend mo. Mukhang sobrang yaman ah. Ano bang pinakain mo jan?"

Tinignan ko lang siya ng masama. Sabi niya kasi dati sa hitsura kong 'to walang magatatangkang manligaw sa akin.

"Alam mo ngayon talaga naniniwala na ako kung gaano ka katalino." si Kuya.

Lumayo na lang ako sa kanya. Alam ko ang gusto niyang tukuyin. Na mapagkakaperahan si Maico. Ganun talaga si Kuya. Kahit noon. Halos ibenta niya nga ako dati dun sa matangdang mayaman sa kabilang baryo.

Akala ko pa man din nagbago na siya nung magkaanak siya. Di pa rin pala.

"Tara na Maico." yaya ko.

"Maaga pa ah." aniya.

"Masama kasi pakiramdam ko eh. Gusto ko na sana umuwi." sabi ko.

"Ganun ba? Ayos ka lang?" lumapit siya sa akin at sinuri kung mainit ako.

"Oo. Gusto ko na lang sana talaga makauwi." sagot ko.

"Osige."

Di naman talaga masama ang pakiramdam ko. Ayoko lang na may kung ano pang sabihin si Kuya. Baka pati si Maico kausapin niya pa.

________

"Ang tahimik mo yata. Sobrang sama ba talaga ng pakiramdam mo? Gusto mo dalhin na kita sa doktor?" nakakunot ang noong tanong niya.

Lumingon ako sa kanya. Kita ang paga-alala sa mga mata niya.

"Ayos lang ako. Ipapahinga ko lang ito."

"Sigurado ka ha? Oo nga pala papasok na si Gelai sa pasukan di ba? Balak ko sanang padalhan siya para sa tuition niya."

"Di mo na obligasyon yun Maico. Hayaan mong si Kuya ang magpaaral sa anak niya. O ako na lang."

"Pero ang sabi ng Kuya mo hirap siyang makahanap ng ipangtutustos sa pag-aaral ni Gelai. Kinukulang na ang kinikita niya sa pang araw-araw na gastos pa lang nila. Kaya napagdesisyunan ko na pag-aralin na lang yung bata."

So, naka-usap pala siya ni Kuya. Ibang klase talaga. Di na nahiya. Kulang daw ang kinikita niya? Saan? Sa panaginip? Ako ang nagpapadala ng panggastos nila sa araw-araw kasi ayaw niyang maghanap ng matinong trabaho. Wala naman nang kinikita ang gulayan.

"Wag mong masyadong isipin yun. Sa sandaling oras kasi napalapit naman saken yung bata kaya gusto ko talagang gawin 'to. Kahit di ka pumayag gagawin ko pa rin." si Maico.

Di na lang ako umimik.

"Oo nga pala, sa Lunes isasama kita sa dinner meeting ko ha?"

"Baket naman? Wala naman akong kinalaman sa meeting niyo?" tanong ko.

"Gusto ka kasing makilala nung investor. Nabanggit kasi kita nung huling meeting namin at gusto ka raw makilala makilala."

"Ok sige."

Napatingin ako kay Maico nang mapansin kong hindi papunta sa condo ko yung tinatahak niyang daan.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa condo ko." nakangiti niya pang sagot.

"Pero gusto ko nang umuwi at magpahinga."

"Dun ka na lang muna magpahinga. Di kasi ako mapapakali pag wala ka sa tabi ko at alam kong masama ang pakiramdam mo. Di naman ako pwede sa condo mo kasi may kailangan akong tapusin na trabaho."

Nakaharap lang siya sa daan habang nagsasalita siya. May trabaho pala siyang kailangan tapusin tapos nagpumilit pa rin na samahan ako.

"Kita mo ikaw, ayaw mo pang umuwi kanina eh may naiwan ka palang trabaho."

Ngumiti lang siya saken bilang sagot.

"Sabi ko naman kasi sayo di mo na ako kailangang samahan eh." sabi ko sa kanya.

"Magtatampo na ako niyan." seryosong sabi niya.

Napalingon ako sa kanya. Parang may konting inis akong nakita sa expression niya pero saglit lang yun.

"Baket naman?"

"Para kasing ayaw mo akong ipakilala sa pamilya mo eh. Samantalang ako gustong-gusto ko silang makilala. Kung nandito lang ang pamilya ko sa Pilipinas dinala na kita sa kanila." seryoso pa ring sabi niya.

"Di naman sa ganun. Baka kasi naaabala kita. Tulad niyan, may kailangan ka palang tapusin..."

Di ko na natapos ang sinasabi ko nang putulin niya yun at biglang magsalita.

"Di ka nakakaabala. Gusto ko ang ginagawa ko ok?" may galit na sa tono niya.

Natahimik ako dahil dun. Ngayon lang kasi siya nagsalita saken ng ganun. Kadalasan kasi mabiro siya.

"S-sorry." nasabi ko maya-maya.

Itinigil niya yung sasakyan at iginilid sa daan. Humarap siya sa akin at inabot yung kaliwang kamay ko.

"No. Di ka dapat mag-sorry. Ako dapat. Sorry Beauty kung mejo napataas yung boses ko. Pakiramdam ko kasi ikinahihiya mo ako sa pamilya mo kaya mejo sumama ang loob ko."

Seryoso siya? Siya pa talaga ang ikakahiya ko? Eh talo ko pa ata ang nanalo sa Lotto eh!

Napangiti ako sa mga sinabi niya. Akala ko kasi puno siya ng tiwala sa sarili niya tapos bigla niyang sasabihin yung ganun.

"Sino bang nagsabing ikinahihiya kita sa pamilya ko? Maswerte nga ako kasi ikaw ang boyfriend ko." seryosong sagot ko.

Unti-unting lumapad yung ngiti niya.

"Sa wakas sinabi mo rin." aniya.

"Ang alin?" nagtatakang tanong ko.

"Na boyfriend mo ako."  nakangiti pa ring sabi niya saka pinaandar ulit yung sasakyan.

to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

129K 7.6K 25
C O M P L E T E D --- Trigger Warning: Mention of suicide, mental illness, depression, anxiety, and panic attacks. If you find these topics triggeri...
10.1M 162K 41
PART 2 OF Practicing My First Real Kiss. May first kiss na ba kayo? AKO? HINDI KO ALAM! Pero, considered bang first kiss kahit 'NAKALIMUTAN' mo na? ...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
110K 2.7K 23
After two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what...