FOR REAL : In Beijing

By mababymanhid

8K 127 16

[BOOK 2 of HUSBAND & WIFE, for REAL?] 4 years ago "My Client wants a divorce Mr. Hawkins." Sabi ng Abogado ni... More

💍 1
💍2
💍3
💍4
💍 5
💍 6
💍 7
💍 8
💍 9
💍 10
💍11
💍 12
💍 13
💍14
💍15
💍16
💍 17
💍 18
💍19
💍20
💍22
💍23
💍24
💍25
💍26
💍27
💍 28
💍29
Epilogue

💍21

245 4 0
By mababymanhid

Spencer's POV




Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay natutulog. Nakatagilid parin ako ngayon na nakahiga dahil sabi ni Tita di pa fully healed ang sugat ko sa likod. Nakaupo siya sa habang ang ulo niya ay nakapatong sa hospital bed.













Magang-maga naman ang mata niya sa  kakaiyak kanina. 









*flashback









Taiwan







Andito ako ngayon sa Taiwan dahil may madalian lang akong business dito. Dahil maaga naman natapos ang business ay nagdecide akong maglibot-libot muna.











Naka jacket with hood at nakashades ako ngayon.












Sa paglalakad ko ay nakita ko yung coffee shop.











Pumasok ako roon at napangiti naman ako na makita yung puwesto kung saan ako umupo noong andito ako. Yung panahon na hinahanap ko si Raven. 4 years ago.












Umupo ako at tumingin-tingin sa dumadaan.









*Phone Ring








I check it on and....









Sos, reminder lang pala na ngayong gabi ang flight ko back to Beijing.







Kamusta na kaya ang Sports Event?








Ang saya-saya ng mga tao roon sa Beijing for sure.








Speaking of Reminder.









I open my reminder app notes and here it is.










Nakita ko naman address ni Raven dito sa Taiwan.








I automatically stand and walk out the coffee shop.










Agad agad akong pumara ng taxi at sinabi sa kanya ang address.










Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaki at mataas na gate.











Ito yung address na binigay ng investigator  sa akin na pinakiusapan ko noon.








Andito na rin naman ako sa Taiwan, chance ko na tong makabisita sa kanila.










Nag door bell ako at mamaya lang ay may isang matandang babae na lumabas.










"Good afternoon Madam." bati ko. Nakatingin lang siya sa akin.








Na para bang kinikilatis niya ang hitsura ko.











"I'm---" hindi na ako nakapag pakilala ng bigla niyang buksan ang gate at hinila agad ako papasok ng mansion.











"Upo ka Hijo. Sandali lang ha" umupo naman ako ng makarating kami sa sala.









Umalis siya at maya maya lang ay bumalik na siya na may dalang juice.









"Thank you" uminom ako ng konti at umupo rin siya sa may tabi ko.









"Ikaw ba ang dating asawa ni Raven?" tanong niya sa akin.









"Oho" sabi ko, kilala niya ako?








"Ikaw nga, namumukhaan kasi kita eh." Nakangiti siya sa akin.








"Po?" Nung mag asawa kami ni Raven ay wala siya sa kasal at andito lang siya sa Taiwan nagstay. Ngayon ko lang siya nakita pero lagi siyang kinukuwento ni Raven sa akin dati.











"Nung naglinis kasi kami ni Raven sa kuwarto niya. May nakita akong picture na nasa drawer niya. Picture niyong dalawa."












"Ganun po ba, nakilala ko na rin po kayo ngayon, sa wakas." sabi ko. Ngumiti siya.











"Bakit ka pala andito Hijo?"  Andito ako kahit alam ko na si Raven ay nasa Beijing. Pagpupunta naman ako dito at andito siya. Di ako eh we-welcome non.












"May madaliang business lang po ako dito. Ngayong gabi na nga po ang flight ko pabalik sa Beijing."









"Oo pala, magkasama pala kayo sa event. Ayos lang naman ba kayong dalawa?" May pag alala sa mukha niya.










"Di naman po kami awkward sa isat-isa. Tiyaka po, pinipigilan ko lang po ang sarili ko na makagawa ng action."








"Action?" Kumunot ang noo niya.








"Ay heheh wag niyo pong pag isipan ng masama ang sinabi ko. Unang kita ko po kasi kanya ulit. Sa tagal po naming hiwalay na. At ngayon makita ko ulit siya."









"Pareho niyo miss ang isat-isa." biglang sabi ni Manang. Nagulat naman ako pero di ko medyo pinahalata.












"Alam mo Hijo, mahal ka ni Raven. Lalo na nung kasal na kayo at ikaw lang ang andiyan para sa kanya. Ikaw lang ang pamilya niya. Lalo nat doon kayo sa Pilipinas nakatira. Nasaktan lang siya kasi wala ka nung kailangan ka niya."










"Naiintidihan ko po siya. Sorry po." sabay yuko.










"Ramdam ko na hindi ka pa niya napapatawad. Pero wala naman kayong magagawa kung wala kayong gagawin." Tumango ako.











"She....won't talk to me.... kung kami lang at personal ang usapan. Mukhang malabo po eh."












"Hindi kita masisisi pero pareho kayong may mali " sabi niya. Napatingin ako sa kay Manang.










"May kasalanan rin Raven. Sa sobrang sakit para sa kanya yung biglaang pagkamatay ng Yeye niya. Sobrang emosyonal siya noon at yun mas pinairal niya ang emosyon niyang yun." napabuntong hininga ako.












"Nung nag divorce na kayo. Simula noon ay nanatili lang siya rito sa loob nv mansion. Di siya lumalabas at dito lang siya nagtatrabaho. Tanging pinagka katiwalaang empleyado lang niya ang nasa company niya. Tatlong taon rin siya rito sa mansion nagkulong."










"Ngayon po ba. Okey na siya?"












"Matagal-tagal rin siyang nakamove-on sa Yeye niya. Pero minsan andoon siya sa likod ng mansion. Kinakausap ang Yeye niya."







"Di ko po maintindihan" sabi ko.









"Dito lang sa likod ng mansion namin nilibing ang Yeye niya."








"Sa Likod po? R-rito?" di makapaniwalang tanong ko.








"Oo."









"Maaari po ba akong pumunta kay Yeye?" ngumiti naman si Manang at tumayo.











"Halika." kaya tumayo na rin ako at sumusunod lang ako sa kanya.












Hanggang sa nakalabas na kami ng mansion at andito kami sa isang garden.










Naglakad kami patungo sa may green house at pagkarating namin roon ay pumasok kami.











Punong puno ito ng mga bulaklak sa paligid.











Napatingin ako sa pinakagitna.











Lumapit ako at nakaukit ang pangalan ni Yeye sa bato.









"Bilin kasi ng Yeye niya sa amin na wag siyang ilibing kung saang madaming tao."










"Bakit po?"









"Nilibing ang Yeye niya kung saan nakalibing rin ang mga magulang ni Raven. Kaso napaisip naman kami na may bilin pala ang Yeye niya sa amin. Na wag siyang eh libing sa publikong cementery. Nakalimutan namin yun. Kaya nilipat namin ang Yeye niya rito."








"Ayaw kasi ng Yeye niya na mapahamak si Raven. Alam mo na mga media o kung sinong di mabuting tao. Ayaw naman namin na pati sa langit mag alala si Yeye niya. Nung burol nga ay kami kami lang talaga ang tao rito. Si Raven, ako at si Manong Driver niya." Napayuko naman ako. Kailangan na kailangan pala talaga ako ni Raven noon.













"O sha Hijo, Maiwan muna kita rito. Alam mo naman siguro ang pabalik sa loob?" Tumango naman ako at umalis na siya.










Umupo ako sa green grass at nag bow.










"Duibuqi Yeye" hinging tawad ko sa harap ng libingan ni Yeye.









"Sorry Yeye, I'm so sorry if hurt Raven. I hurt her feelings." wala akong magawa kundi humingi lang talaga ng sorry.











Hanggang sa nakabalik na ako sa Beijing at nakita ko na naman siya. Di ko mapigilan ang sarili ko. Gustong-gusto ko talaga siyang yakapin kaso nagpipigil lang ako.

Continue Reading

You'll Also Like

125K 2.2K 33
This is a collaboration between me and Aivan Reigh Vivero (@iamaivanreigh). Hope you guys like this story. :)
179K 9.8K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
126K 1.4K 6
He's the typical campus crush. Normal nalang iyon sakanilang magkakapatid, Ang pag-agawan at pinagpapantasyahan ng mga babae. Hindi naiiba sa mga kap...
6.9M 25K 44
"I love you James kahit paulit ulit mo akong pinapaiyak, kahit ang sakit sakit na." Steffie. Highest rank achieved #1 In Romance