Epilogue

231 2 0
                                    

Nagbabasa si Raven ng baby book habang nakaupo sa sofa roon sa sala nila.  Nakakalong sa isang bisig niya ang baby nila ni Spencer.

Nagbabasa lang siya hanggang sa mapatingin sa anak niya na mahimbing ang tulog. Eksakto naman sa pagdating ni Spencer galing sa trabaho.

Napatingin si Raven sa kanya sabay senyas na wag maingay. Nag okay sign naman si Spencer at dahan dahan na lumapit sa mag ina habang hinuhubad ang suit nito. Pinatong niya ang suit at pinatong sa isang sofa at dahan dahan na lumapit kay Raven.

"Hi, Hon" sabay halik sa noo ni Raven.

"Kakatulog lang." sabi ni Raven. Tumango naman si Spencer at hinaplos ng dahan dahan ang ulo ng anak niya.

"Daddy's home" mahinang sabi nito at dahan dahan na humalik sa noo ng anak. Ngumiti naman si Raven na nakatingin kay Spencer.

"Are yoou hungry? Anong gusto mong kainin?" mahinang tanong ni Spencer.

"Kahit ano nalang Hon."

"Okey, magluluto ako o gusto mo deliver?"

"Luto mo" nakangiting sabi ni Raven. Tumango naman si Spencer.

"Magbibihis lang muna ako"

"Okey, ilipat ko lang si baby sa kuwarto niya." mahinang sabi ni Raven.

Naglakad na silang dalawa paakyat ng hagdanan habang nakahawak si Spencer sa beywang ni Raven. Pagkarating nila sa taas ay pumunta si Raven sa nursery room at si Spencer sa master bedroom nila.

Nagbihis na siya tsaka bumaba para magluto. Si Raven naman ay dahan dahan na hiniga ang anak sa crib nito.

Maya maya lang ay pumasok sa loob ng nursery room si Spencer at yumakap mula sa likod ng asawa.

"Himbing na himbing ba ang tulog?" tanong ni Spencer. Tumango naman si Raven.

"Kain na tayo Hon." sabi ni Spencer.

Bumaba na ang mag-asawa at pumunta sa dining area. Umupo na sila at kumain na habang nagkukuwentuhan tungkol sa trabaho ni Spencer at kamusta si Raven dito sa bahay.

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta sila sa sala at roon umupo sa sofa. Magkatabi sila habang ang isang kamay ni Spencer at nakapatong sa headrest na parang nakaakbay kay Raven.

"Do you need a nanny?" tanong ni Spencer. Umiling naman si Raven.

"Hindi ko naman kailangan Hon."

"Nanny lang para may naglaba and---"

Umiling si Raven. "Gusto ko yung kagaya ni Veatrice. Hindi naman sa gaya-gaya ako o ano pero parang na-a-amaze lang ako sa kanya. Kahit ni isang katulong wala siya ha pero imagine mother of two na siya.  Tsaka, lahat nagagawa niya. House chores, pag aalaga ng baby nila ni Lance and a toddler too. Pag asikaso pa ng asawa niya. Wow! She is really a super woman." nakangiting sabi ni Raven.

Ngumiti naman si Spencer habang nakatingin sa asawa. "And so are you Hon."

"Really?"

Spencer nod. " I love you Hon." sabay kiss nito sa noo. Ngumiti si Raven.

"I love you too Hon." sabay halik ni Raven kay Spencer.

"Oo pala Hon, nagbakasyon sina Captain and he just leave a message. Pag uwi raw nila ay may meeting raw kaming mga Lions."

Kumunot ang noo ni Raven. "Meeting? May business kayong Lions, Hon?"

Nagkibit-balikat si Spencer. "I don't know Hon. Walang sinabi si Captain."

Natigilan sila ng tumunog ang baby monitor. Umiiyak ang anak nila.

"Ako na Hon." sabay ni Spencer at tumayo na si Spencer tsaka madaling umakyat sa taas.

Pumasok siya sa nursery room and lumapit sa crib ng anak. Kinuha niya ito and hinihili sa bisig niya pero umiiyak pa rin ito.

Lumabas siya sa nursery room at bumaba tsaka tumabi kay Raven.

"Bakit?" tanong ni Raven sa anak na umiiyak sa bising ni Spencer.

"Ayaw tumahan"

"Akin na Hon." nilipat naman ni Spencer sa bisig ni Raven ang anak.

"Shhhhh, it's okey." hinalikan ni Raven ang noo ng anak. Nakatingin lang si Spencer sa asawa na nakangiti ng tumahimik ang anak nila sa pag iyak.

"Saiyo lang pala tatahan Hon." nakangiting sabi ni Spencer. Ngumiti naman si Raven at hinalikan sa pisngi ang asawa.








---








Spencer and Raven's son name is,

" Spencer Hawkins Jr. "
















♥️♥️♥️





Thank you sa pagbabasa ng story nina Spencer and Raven. Thank you rin sa support and lovelots po.




Mababymanhid

FOR REAL : In BeijingWhere stories live. Discover now