Bawat Daan (Puhon Series #1)

By pawsbypages

4.1K 500 52

PUHON SERIES #1. Celestine Lim never wanted to be in a long-term relationship during her college years, not u... More

Bawat Daan
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue
Love, Bri
Special Chapter

Chapter Twenty

65 11 0
By pawsbypages

#BD20 — First Time

Isang buwan na rin ang nakalipas simula noong gabing iyon. Ni isa sa amin ay walang balak mag-aya para lumabas o tumambay kina Yuriko. Ni isa sa amin ay walang balak magtipa ng mensahe sa groupchat naming nabubulok na para mangamusta o ano man.

At higit sa lahat, walang may alam sa amin kung nasaan si Fourthsky.

Simula noong nag walk out siya kina Yuriko, nakapatay na ang telopono niya at hindi na namin matawagan pa. Gusto ko sana siyang kamustahin. Bilang kaibigan ay nag-aalala rin ako pero kahit na ilang tawag pa ang gawin namin o ilang tanong pa sa mga kaibigan niya ay wala talaga kaming makuhang impormasyon.

Walang pinagsabihan si Fourthsky.

"Koby!" Pa-sigaw kong tawag kay Koby na sumasayaw sa dance floor.

Siya na lang kasi ang natitirang pag-asa namin nina Astrid, Yuriko at Kazuo para mahanap si Fourthsky. Ang sabi kasi ni Kazuo ay narito raw sa Manila iyong pinsan ni Fourthsky.

Hindi ko nga inaasahan na si Koby 'yon dahil noong nagkita kami rito sa Xylo para sunduin si Drake, hindi ko naman masyadong tinignan ang mukha niya at ang sabi niya'y kaibigan lang siya ni Drake.

Dahil abala rin ako kay Drake na nakahilig na ang ulo sa sandalan ng kanyang inuupan na couch at doon sa ex niyang si Kelsey, hindi ko na siya inusisa pa noong araw na 'yon.

"Drake's girl!" Lasing na sabi ni Koby habang tinuturo-turo ako.

I forced a smile. "May kailangan akong itanong!" Sa sobrang ingay dito ay para na naman akong nakikipagsigawan sa kanto. Lumapit pa siya ng bahagya sa 'kin para marinig ang aking itatanong. Ang tenga niya ngayon ay nasa gilid ng pisnge ko, tama lang para marinig niya ako ng maayos.

"Alam mo ba kung nasaan ang pinsan mo?" Tanong ko.

"Hmm..." Bulong niya bago siya umiling. "Hindi, e."

"C'mon, Koby! Wag mo nang itago sa 'kin, nasaan nga si Fourth?"

"Hindi ko talaga alam! Wala naman siyang binanggit sa 'kin, e."

"Hindi ba kayo magkasama sa bahay?"

"No. I'm staying at my condo, Dude!"

Magtatanong pa sana ako nang biglang may humatak sa braso ko. Muntik na akong matalisod dahil sa biglaang pagkakahatak sa akin. Nilingon ko ito nang magkasalubong ang kilay ko at ang bumungad sa 'kin ay isang hipon.

Kelsey Herrera.

"The hell?!" Iritadong tanong ko.

She smirked. "Look who's here! Ano? Pagkatapos mo kay Drake, sa pinsan ka naman ng kaibigan niya?"

Nagtiim-bagang ako dahil sa mga walang katotohanan na sinasabi niya. Nilingon kong muli si Koby kaso wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Naroon na siya sa may banda nila Kazuo, mukhang may pinaguusapan.

"How dare you treat Drake like that, huh?" Galit na tanong ni Kelsey, hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko.

Pinilit konf bawiin ang braso ko sa pagkakahawak niya kahit na masakit iyon sa parte ko. Ngumisi na lamang ako at umiling dahil sa ka-cheap-an na ginagawa niya ngayon.

"That's none of your business, so stop sticking your nose to where it does not belong to," mariin kong sabi bago ko siya talikuran.

Natigilan ako sa paglalakad ng bigla niyang hablutin ang buhok ko. "You bitch! You think I'll give up Drake to you just like that, huh?!"

"Tangina... Ano ba!"

"What did you expect, huh? Susuyuin ka ni Drake? Nagpapakipot ka? Guess what? He won't wait for you anymore so if I were you? Better know your place and stop bothering Drake!" Hindi pa rin niya binibitawan ang buhok ko.

"Tanginang 'to! Problema mo ba?!" Pilit ko pa ring binabawi ang buhok ko sa pagkakahawak niya rito.

Dumalo agad sa akin sina Kazuo at Astrid nang pagkaguluhan na kami ng mga tao. Lahat ng tao sa dance floor pati na rin sa mga couch ay nakatuon na ang atensyon sa aming dalawa ni Kelsey.

"Celestine!" Sigaw ni Astrid habang tinatakbo ang distansya naming dalawa.

Tinulak ni Astrid si Kelsey para mabitawan niya ang buhok ko. "Tangina mo ka, Kelsey Herrera!"

"Astrid," mahinang sabi ko. "Calm down... Tara na," pagpipigil ko sa kanya habang hawak-hawak ang dalawang braso niya.

Gusto pa ata niya sugurin si Kelsey pero hindi siya maka-alpas sa 'kin. Tinulungan na rin ako ni Kazuo sa pagpigil kay Astrid, ang sabi niya'y mauuna na raw muna sila sa sasakyan at hihintayin na lang nila ako roon.

Yumuko ako para maging mag-ka-level ang mukha naming dalawa ni Kelsey na hanggang ngayon ay nasa sahig pa rin. Ni isa sa mga kaibigan niya na kaibigan din ni Koby ay hindi man lang siya nilapitan para tulungan.

"Tulungan niyo si Kelsey!" Sigaw noong isang babae sa lamesa nilang magkakaibigan.

"Ayaw ko! Ikaw na lang!"

"Mas ayaw ko, 'no! Si Lim 'yan, e!"

"Ano naman kung si Lim 'yan? Kaibigan pa rin natin si Kelsey! Tulungan mo na!"

"Tanga ka ba? Hindi mo ba 'yan kilala? Nagtitimpi lang 'yan si Lim kaya ganyan!"

"Kawawa naman kasi si Kelsey..."

"Mas kawawa tayo pag tayo ang pinagbuntungan ng galit niyan ni Celestine."

Ngumisi ako dahil sa pinaguusapan noong dalawang kaibigan ni Kelsey.

Scared of me? As they should be.

"Stay the fuck away from me, hmm?" Mariin kong sabi kay Kelsey. "Baka makalimutan kong naging magkaibigan din tayong dalawa."

Masama pa rin ang titig niya sa 'kin. "Then stay away from him, too!"

I laughed, sarcastically and asked, "Alam mo kung ano ang pagkakaiba nating dalawa? Hmm?" Pinanliitan ko siya ng mata.

"Drake will come running back to me, Lim," banta niya. "Just like the old times."

I smirked. "Ikaw kasi," tinuro-turo ko siya. "Pilit mo'ng pinagsisiksikan ang sarili mo sa kanya... Hindi ba't matagal na kayong tapos?"

Umiling ako habang pinagmamasdan ang mga mata niyang puno ng galit.

"Hindi ko kasi pinagpipilitan ang sarili ko sa tanong may mahal ng iba." Tumayo na ako uli para umalis na sa loob ng Xylo.

Paglingon ko pa lang ay dibdib na agad ng isang makisig, matangkad at mabangong lalake ang bumungad sa 'kin. Nang i-angat ko ang aking ulo para makita kung sino iyon ay halos manlambot ang tuhod ko nang magtama ang tingin naming dalawa, "D-drake..."

Pinadausdos niya ang kaniyang kamay sa aking bewang bago ako hatakin ng marahan papalabas ng Xylo.

"S-sandali... Ba't ka nandito?"

Hindi pa rin niya ako pinapansin at tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya papalabas at nang makalabas na kami, patuloy pa rin niya akong pinipilit maglakad papalapit sa kotse niya.

"We'll talk, Tash."

Sinandal niya ako sa gilid ng kaniyang kotse bago ako ikulong roon gamit ang dalawang kamay niyang nakatungkod sa salamin sa likod ko. Ramdam ko ang bawat paghinga niya sa aking noo habang ang dibdib naman niyang napakatigas ang nasa tapat ng mga mata ko.

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Gusto ko siyang itulak papalayo pero hindi ko rin ma-i-tanggi na dahil sa ginawa niyang ito... pakiramdam ko ay nakauwi na ako.

Kakaiba 'yung kaginhawaan na nararamdaman ko ngayon habang dinadama ang kaniyang hininga sa aking ulo.

"D-drake, marami pa akong kailangan gawin..."

He sighed and said, "Let's just stay like this for a while."

"Hahanapin pa namin si Fourth, 'tsaka na lang tayo uli magusap." Tinulak ko ang kaniyang dibdib ngunit parang nawala lahat ng lakas ko ng yakapin niya ako.

Unti-unti niyang binaon ang kaniyang mukha sa aking leeg. "You've been avoiding me for a month now, Tash."

"Kailangan ko lang ng oras para makapagisip-isip,"mahinang sagot ko.

"And I gave it to you." His eyes are bloodshot. "Isn't it enough? If yes then I'll give you more time, baby, just... just please come home to me, hmm?"

"I will, Drake... At the right time, okay? Let's not rush things."

"No..." Namamaos ang boses niya, inangat niya ang kaniyang ulo para tignan ang aking mga mata. "You'll leave me," he stated. "Because you think that... that is the best decision to do," he added.

Kahit anong klaseng pagtatago ang gawin ko, hindi ko pa rin talaga kayang magsinungaling kapag si Drake ang kausap ko. Masyado siyang magaling sa pagbabasa ng utak ko. Kahit sa simpleng titig niya lang ay alam kong kitang-kita niya na kung ano ang totoo.

Nagiwas ako nang tingin dahil abot langit na ang tahip ng aking dibdib. Natatakot akong bumigay ngayon makalipas ang ilang araw ko'ng pagpupursigi na layuan siya.

"Let's go home," aya ko.

Nang lumuwag ang pagkakayakap niya sa 'kin ay kinuha ko agad ang pagkakataon na 'yon para kumalawa at unahan siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Tahimik lang ang naging biyahe naming dalawa kahit na kanina ko pa siya nahuhuling nagnanakaw ng tingin sa 'kin.

Para bang naghahanap ng tyempo kung kailan siya pwedeng magsalita. Pinikit ko na lang ang aking mata habang abala siya sa pagmamaneho. Gustuhin ko ma'ng kunin ang telopono ko para maibsan ang kainipan, pinigilan ko na lang ang sarili ko.

Baka pagsimulan lang ng away namin ni Drake.

"Thanks for the ride," pagpapasalamat ko bago tuluyang isara ang pintuan ng Jeep niya.

Habang hinihintay sumara ang pintuan ng elevator na 'to, biglang may kamay na pumagitna doon upang matigil ang pagsara. It was Drake. He followed me, again. I have no choice but to move a little bit far from him.

"You gave me my chance, right? Isn't this unfair, Tash?"

"You can stop anytime you want."

"That's not what I meant, Anastasia." Humakbang siya papalapit sa'kin. "Please stop pushing me away because I'll always run back to you. You'll just get tired from running."

"That's not what your ex told me," sarkastikong sabi ko bago ko siya unahang maglakad papalabas ng elevator.

"What did she say?"

Nahulog ang susi ng condo ko sa sahig dahil sa pagkakabigla. "The same thing you told me."

"Uh-huh?"

"You'll always come running back to her and that I should just stay away from you because you don't have the patience to wait for the right time."

Hinila niya ako papalapit sa kanya. "Oh, really?" He asked, amusement was written all over his face.

Inirapan ko siya nang mapansin ang ngiting kanina pa niya pinipigilan lumabas. Tatalikod na sana ako para buksan ang pintuan nang higpitan pa niya lalo ang kapit niya sa aking bewang.

He smirked. "You sound like a jealous girlfriend, Tash."

Umiling ako. "Baliw ka na." Ginamit ko na lahat ng lakas ko para makawala sa kanya at buksan na ang pintuan.

"Sa 'yo, obviously," mayabang niyang sagot habang sinusundan ako papasok sa loob ng condo.

Sa totoo lang, natatangahan ako sa sarili ko dahil sa ginawa kong ito. Nagtiis ako ng halos isang buwan at mahigit para lang layuan siya. Ilang beses siyang nagpadala ng bulaklak at lunch sa akin sa school sa pamamagitan nina Yuriko at Kazuo pero hindi ko pa rin iyon kinukuha.

Ang sabi ko kay Yuriko ay itago na lang niya muna at dadaanan ko na lang pagkatapos ng prelims namin ngunit isang buwan na rin ang nakalipas nang matapos ang prelims pero hindi ko pa rin iyon dinadaanan.

Ilang beses rin niya akong hinintay sa labas ng building namin tuwing uwian at tuwing wala kaming klase, hindi ko nga alam kung saan niya nasasagap ang impormasyon tungkol doon.

Gusto ko man tanungin sina Gabbi at Mitch tungkol doon, ayaw ko namang maka-abala pa, panigurado'y u-usisain nila ako kaya mas pinabuti ko na lang hayaan sila kung sa kanilang sila nga ang koneksyon ni Drake rito.

Sa isang buwan o mahigit kong paglayo ko sa kanya, wala siyang mintis doon. Noong prelims ay puro bulaklak ang pinapadala niya dahil hindi siya maaaring tumakas sa klase. Buti na lang naisip pa niya iyon dahil baka layuan ko lang siya lalo pag nalaman kong pinapabayaan niya ang kaniyang pag-a-aral para lang puntahan ako.

Madalas rin siyang bumisita rito sa amin pero kahit ilang beses pa siyang kumatok dito sa condo, hindi ko pa rin siya pagbubuksan. Kaso si Mommy naman ang nagpapapasok sa kanya kaya nagkukulong na lang ako sa kwarto. Gabi-gabi na rin siyang nandito lalo na noong pinatigil ko siya sa paghihintay sa 'kin sa tapat ng building.

Pinag-uusap-usapan na rin kasi kami dahil kilala nga ang isang 'to. Ayaw ko rin naman na sayangin niya ang oras niya kakahintay sa akin sa school kaya pinagsabihan ko siya ng maayos noon. Pero dahil desidido siyang makapagusap kami, gabi-gabi siyang pumupunta rito sa amin.

"Maliligo muna ako bago ako matulog," paalam ko sa kanya. "Salamat uli sa paghatid."

Habang naliligo ay parang dinudurog na naman ang puso ko nang maalala lahat ng nangyari noong gabing iyon. They're both in pain because of me. As much as I want to keep Drake to myself, I want Audrey to heal first. I understand her sentiments, masakit nga naman makita ang taong mahal mo'ng masaya sa piling ng iba.

Time will heal all wounds naman, hindi ba?

Habang nagpapahinga na sa kama pagkatapos kong maligo, nakarinig ako ng yapak papaakyat at papalapit sa aking pinto. Hindi ko pinansin ang unang katok niya dahil baka ayain na naman niya akong makipagusap. Iniiwasan ko iyon dahil alam kong basang-basa na niya ako at baka makita pa niya sa mga mata ko ang totoo.

"Tash, I bought us dinner," aniya habang patuloy na kinakatok ang pintuan ko. "Tita Kath can't join us, she's still in a meeting with a client."

Pinagbuksan ko siya ng pinto dahil kumukulo na rin ang tiyan ko. Nakalimutan ko na kasing maghapunan dahil sa mga nangyari kanina sa Xylo. Nilagpasan ko lang siya at inunahan nang bumaba patungo sa dining area. Nakaayos na rin ang lahat sa hapag-kainan.

"Your favorites," nakangiting sabi niya habang nilalagyan ng tubig ang baso ko.

Tipid akong tumango at nagpasalamat, "Thank you."

Habang kumakain ng mashed potato at well-done steak, dama ko ang diin ng titig niya sa akin kaya nilingon ko rin siya at hindi nagpatinag sa mga mapupungay niyang mata. Hindi rin siya nagpatinag at lalo pa'ng nilalim ang tingin.

"I miss you," mahinang sabi niya habang namamaos pa ang malalim niyang boses. "So bad..."

Inalis ko na ang pagkakatitig ko sa kanya at nagmadali nang ubusin ang pagkain sa aking plato. Naghuhumerantado na ang puso ko rito dahil sa tatlong salitang iyon. Iba ang pagkakasabi niya noon kaya lalo pa'ng bumilis ang pagtibok ng puso ko.

He drew a deep breath. "Audrey wants us to, uh, go with her," hirap na hirap niyang sabi.

"A-audrey? Saan? Kailan?"

He nodded. "Laguna. She wants to find Fourth, for her to apologize personally."

"Nakapagusap na kayo?"

"Yes, baby, we're okay," he answered before he smiled. "Her problem that night wasn't just about us."

"What do you mean?" Tanong ko habang pinapanood siyang maghugas ng pinggan.

Ako na sana ang gagawa noon pero ayaw naman niyang pumayag, umupo na lang daw ako at hayaan siya.

"She's starting to like Fourth's company," he responded. "They've been together for months already."

"At malapit sa isa't isa," dagdag ko.

"But she knows that it's wrong to entertain someone while she's still not fully moved on. That's why she pushed him away—she kind of sold him to her friends. She wants to protect him."

"Kasalanan ko pa rin..."

He shook his head quickly and said, "It was my fault.I fell in love with the same person my sister loves," mataman niyang sabi habang na sa 'kin ang tingin. "But, I don't regret it."

"I'm sorry..." I bit my lip. "I know you hate seeing her cry..."

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "I hate seeing you cry, too."

"Na-iintindihan mo naman siguro kung bakit ako lumalayo, 'di ba? Kung bakit gusto ko munang tumigil..."

Kumunot ang noo niya at dumilim lalo ang tingin niya sa akin. "Stop from what?"

"Sa panliligaw, Drake... Itigil muna natin 'to," sambit ko.

His jaw dropped. "You don't have to worry about me and Audrey, Tash, we're okay!" May diin niyang sabi pero hindi pa rin niya tinataasan ang kaniyang boses.

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? You're not like that before, Drake, you always put your sister first! Hindi ka pumapayag na nasasaktan siya ng ganito!"

"The blame is not on you, Tash," he stated. "Audrey's in pain too because she's starting to like Fourth," he added.

"Pero ako pa rin ang dahilan kung bakit sila may problema, Drake! Kaya ayaw ko muna... Ayaw ko munang unahin ang pa'ng sariling kasiyahan ko lang... Gusto ko muna siya makitang maayos, Drake... Ayaw kong makita niya tayong masaya o naglalandian habang nahihirapan siya."

"You'll leave me for that?" His forehead creased. "You want me to stop courting you because you don't want my sister to finally see her own brother happy, Tash? You don't want her to see us happy?" He asked. "Is that what you want?"

I gulped. "Y-yes."

"Then, bullshit! My sister wouldn't like that idea, Tash! She'll get hurt even more because... because he wants us to be happy."

"We can be happy as friends! Masaya naman tayo no'n, ah?"

His lips parted. "Really? After everything that you've been through, you still can't put yourself first? Tinignan niya ako diretso sa aking mga mata.

"Hindi pa ito ang tamang oras para sa 'tin, Drake, hindi pa ngayon..." I shook my head. "Masyado pa'ng magulo ang lahat... Hindi pa ito ang tamang oras para unahin ko ang sarili ko."

"This is the first time that I chose my own happiness... This is the first time that I placed myself before anyone else, Tash... Don't do this to me..." Nangingilid na rin ang luha sa kanyang mga mata habang tuloy-tuloy naman ang buhos ng akin.

"Audrey wants us to be happy, yes. But that doesn't mean na she's okay with it! Gusto niya 'yon pero sa tingin mo ba madali iyon para sa kanya? Kapatid mo 'yun, Drake! Hindi naman natin kailangan magmadali, e... P-pwede naman na sa tamang oras na lang, 'di ba?"

Hinilamos niya sa mukha and kaniyang dalawang palad. "Pack your things, we'll go straight to Laguna after the Paskuhan event at your school."

"I'm sorry, baby," nangingig na sabi ko.

Unang beses ko siyang tinawag noon... Baka kasi huling pag-uusap na namin ito. Baka sa araw mismo ng Paskuhan ay hindi na kami magpansinan pa. Tatanggapin ko naman agad kung sakaling iyon nga ang mangyayari sa amin, mahirap naman talagang magpanggap na ayos lang ang lahat.

It's hard to talk to the person that was so close to being yours, casually.

Niyakap niya akong muli bago patakan ng halik ang aking ulo, noo, dulo ng ilong at bago niya patakan ng isang malalim na halik ang aking labi.

"I'll wait for that right time to come, Tash."


</3

Continue Reading

You'll Also Like

10.1K 321 56
Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. B...
74.1K 1.9K 43
WAR #2: IN THE MIDST OF THE WAR -- "In the midst of the war you came... and changed everything." -- [ completed ]
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
44.7K 1.4K 33
WAR#3: WHISPERS OF THE WAR -- "Listen to it, the whispers inside of me. The whispers of the war..." -- [ completed ]