The Runaway Dad #Wattys2017

By MoonLightFairy

432K 12.1K 1K

Paano namang hindi magra-runaway si Daddy kung mas girly pa siya kay Mommy?! - #TheRunawayDad Side story of M... More

The Runaway Dad
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
×××
Chapter 10
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13.5
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 23.5
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Sneak Peek
CHAPTER 28
Chapter 28.2
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Plugging Alert!
Chapter 32.2
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
MMB Alert!
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 43.2
Chapter 44
♥ CHASING THE DEVIL ♥
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 48.5
Chapter 49
Chapter 50
Final Chapter
EPILOGUE (Part I)
EPILOGUE (Part II)
Hevin and Drei's Story (Teaser)

Chapter 11

8.2K 239 14
By MoonLightFairy

Before I start the chapter, I’d just like to thank all the readers, mapasilent man o regular na nagkocomment. If not for you guys, there won’t be any Marvin or Helen; or even Dom and Andeng and such. Thank you guys to all the years na magkakakilala tayo or dun sa mga kakakilala ko palang. I love you all :* I started here as a dugyot writer LOL. And now that I have graduated and has a profession , I promise you na tuloy-tuloy pa din ang update ko. Thank you ulit guys!
That’s all, nobela na ‘to haha. Mwa! :*

Chapter 11

Marvin’s Point of View

Bakit kaya may mga bagay na hindi mo naman dapat pag-istressan eh naiistress ka pa rin?

Di niyo gets? Argh!

Bakit may mga tao na kanila lang dapat yung problema pero nadadamay ka sa problema nila?!

Nako naman!

Oh Helen! Helen! Helen!

Kailan ka ba maaalis sa aking sistema?!

Oy oy oy! Kung iniisip niyong inlababidabs ako kay Helen eh mahiya kayo sa mga balats niyo mga burgis kayo! Tss.

Ever since the world begun, charing, simula nang magkakilala kami niyang Helen na ‘yan eh puro problems na talaga ang tanging dala nya sa life ko. Yes problemS talaga with a capital “S”.

Naknampucha!

Hindi niya na nga ipinagpilitang nabuntis ko siya, pinag-alaga nya naman ako ng bagets nya. Ay life, why you so unfair to me? Huhuhu T>T

But wait, Kuwait…

May naisip lang ako.

Pinagpipilitan nga pala sa akin ni Helen noon na may nangyari “daw” sa amin at nabuntis ko nga daw siya “agad-agad”. (Kung ganun nga talaga ko kagaling. Ayy so eeewness!)
It has been ilang years na nga ba since that last conversation namin about that particular issue? Hmm…

I processed my memory.

Ayan, napapaenglish tuloy ako nang waley sa oras eh!

It has been five years since then…

Napadilat ako nang bonggang-bongga. O____O

Tumingin ako kay Hevin na kasalukuyang lumalamonation moment sa aming cutie little dining table sa aming cutie little dining room. Yes, may dining room naman kami ni Barney kahit papano. May class naman ang housey namin noh!
“Hevin?” tawag ko sa bulinggit.

“Yesh po?” sagot niya habang puno pa rin ng foods ang bibig. Di rin naman siya masyadong gutom?

Infairness sa batang ‘yan, simula nang sumalta dito, dumoble ang gastusin ko sa bahay. Buti nalang at hindi nagrereklamo ang housemate ko na si Barney. Cute naman daw kasi si Hevin at nawawala ang kanyang stress sa tuwing umuuwi sa bahay galing work dahil sa ka-cute-tan nito.

“How old are you na nga pala, little girl?” tanong ko sa patuloy pa rin na kumakaing si Hevin. Wala kaming pasok ngayon kaya kahit maghapon siyang lumamon dyan ay walang problema. Sa bulsa ko lang magkakaproblema :3

“Hindi nyo po ba tinitignan ang records ko sa school?”

Kusang napaangat ang isang kilay ko. Manang-mana talaga sa ina niya! Hindi nalang sumagot ng direct to the point. Dami-dami pang chuchu!

“Kelangan pa ba?” I snap. “I mean, wala na kasi akong time ireview ang mga docu nyo, bebe girl. So… how old are you na nga?”

Uminom muna siya ng tubig bago sumagot sabay tapat ng limang daliri niya sa akin, “Five po.”
Napahawak ako sa aking dibdib.

*bogsh!*

Nabangga ko pa yung basong ininuman ni Hevin.

++++++++++++++++

Helen’s Point of View

“Ano nang plano mo, Helen?” muli ay tanong sa akin ni Calvin habang nag-uusap kami sa opisina niya. Mabuti nalang at natyempuhan kong breaktime niya at wala siyang kausap na mga suppliers.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko tungkol sa problema namin ni Hevin at offer ni Marvin na tumira sa kanila hanggang sa maayos ang problema naming mag-ina, kaya naman napilitan na kong magpunta kay Calvin upang humingi ng advice.

“Calv, kaya nga ko nagpunta dito dahil naguguluhan ako’t para marinig din yung side mo, tas tatanungin mo din ako kung plano ko?”

He sighed.

“Len, kahit naman ano ang sabihin ko sayo, bandang huli yung kagustuhan mo pa rin ang dapat na masunod. Ikaw, kung ano ang sa tingin mong tama yun ang sundin mo,” payo na niya.

Magsasalita pa sana ako nang biglang kumatok at bumungad ang sekretarya niya.

“Coffee sir?” tanong ng maganda at sexy blonde na secretary ni Calvin.

Si Calvin na ‘ata ang Filipino version ni Christian Grey, haha!

“Yes Miss Jenie please,” then tumingin siya saken, “Ikaw Helen?”

“Green tea nalang.”

“One coffee and a green tea for us Miss Jenie,” si Calvin sa sekretarya niya.

“Copy, Sir.”

Nang maihatid ni Miss Jenie ang drinks namin at pinaalala kay Calvin ang meeting nya in an hour ay nagpatuloy kami sa pag-uusap.

“So ano ba ang dapat kong maging desisyon?” tanong ko pa rin. Ngayon lang ako naging ganito kakulit kay Calvin.

Sobrang naguguluhan talaga kasi ako.

“Ikaw nga bahala,” pagpupumilit niya pa rin.

“Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko!”

“Kapag ba sinabi kong huwag kang tumira kila Marvin, susunod ka!?”

Nabigla ako at hindi nakasagot agad.

“See?” hindi ka naman susunod saken kahit sabihin kong labag sa kalooban ko na patirahin ka sa ama ng anak mo, sa first love mo.

Nabigla ako.

“Paano mong--?”

“Oo Helen, alam kong si Marvin ang first love mo. Sorry, pero nabasa ko yung diary app mo sa cellphone accidentally nung pinasabay mo ito sa cellphone ko na ipagawa sa private technician namin,” paliwanag niya.

Naalala ko, matagal na nga pala yung cellphone na ‘yun. Halos ten years ko na rin iyong ginagamit at hanggang ngayon ay yun pa rin ang gamit ko. Nasa diary app nun nakarecord lahat ng nangyari at nangyayari sa buhay ko. Kumbaga yun ang modern diary ko for the long ten years. (Tamad kasi akong magsulat sa papel) Kapag nasisira naman o nagkakaproblema ang phone ko ay pinapagawa ko agad tulad na lamang nung sinasabi ngayon ni Calvin na pinasabay ko sa kanya iyon ng pagawa dahil busy ako sa pagtatrabaho noon.

Hindi ko naman naisip na maaunlock pala yun at mababasa niya ang laman nun. Tss, kung bakit ba naman kasi ako nanghihinayang na magbura ng mga laman nun! Lalo na yung mga entries ko na halos si Marvin lang lahat ang laman. Tss. Napaka-sentimental ko kasing tao.

“Sorry kung nainvade ko ang privacy mo, hindi ko dapat ginawa yun,” sincere na paghingi ng apology ni Calvin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para kay Calvin. Naaawa ako sa kanya, despite the fact na dapat akong mainis dahil pinakialaman niya ang cellphone ko. Alam kong nasaktan siya na malamang nagsinungaling ako sa kanya dahil pilit kong itinanggi sa kanya noon ang mga tanong niya kung minahal ko daw ba kahit katiting lang si Marvin.

“Sorry,” I just said instead.

“No, Helen. I’m the one who should be sorry. At para makabawi naman sayo, hahayaan kitang magdesisyon kung ano ang kagustuhan mo, kung ano ang makabubuti sa inyong mag-ina.”

Ano ba ang dapat kong maging desisyon?

Kung hindi ako papayag sa offer ni Marvin na tumira sa kanila kasama niya at ng anak ko, mase-save ko ang pride ko… pati na ang puso ko. Pero panigurado namang matagal o walang kasiguraduhang magkaayos kami ng anak ko. Kilala ko si Hevin, once na sumama ang loob niya at wala akong magawang magugustuhan niya, hindi talaga lalambot ang loob niya. Hindi rin manunumbalik ang samahan naming mag-ina kaagad.

Miss na miss ko na si Hevin, ilang araw palang kaming di magkasama ay sobrang nasasaktan na ko. Gabi-gabi ay umiiyak ako lalo na kapag naaalala ko ang hindi niya pagpansin sa akin sa tuwing dinadalaw ko siya tuwing umaga sa eskwelahan. Siguro nga masyado akong naging selfish kay Hevin.

Tama sina Mama at Papa, hindi ako dapat naging ganun kaobvious sa pagdadamot sa anak ko.

“Hindi naman kukunin sayo ni Marvin ang anak mo, bakit ka naman nagdamot ng ganyan? Kilala mo ‘yang anak mo, once na may hindi nagustuhan sayo, matagal bago mapalapit muli loob niya sayo,” sabi ni Mama saken noong minsang tumawag siya para kamustahin kaming mag-ina.

Hindi na rin ako naglihim pa at sinabi na sa kanya ang totoo.

“Pero Ma, baka naman pwedeng kayo na ni Papa ang umamo kay Hevin. Kayo na po ang sumundo sa kanya kina Marvin.”

“Magagawa namin ‘yun, oo. Pero paniguradong dito na niya sa Maynila gugustuhing tumira. Payag ka ba dun? Mas malayo siya sayo?”

Syempre hindi ako pumayag dun. Kaya naman naisip ko na ito nalang ang huling barahang hawak ko para magbalik sa akin si Hevin.
Kung papayag ako sa offer ni Marvin, malaki ang chance na mapalapit muli saken ang loob ng anak ko. At malamang saglit lang yun dahil madali namang hulihin ang loob ni Hevin lalo na kung gagawin ko ang kagustuhan niya at ipapakitang sincere talaga ako sa ginagawa ko.

Hindi na rin siguro magiging problema ang damdamin ko para kay Marvin dahil matagal ko nang naibaon sa lupa iyon. Matagal ko nang naturuan ang puso kong wag mahalin yung baklang yun. At siguro naman, wala ng chance para magbalik pa ‘yun.

Isa nalang ang magiging problema.

Paano ang mararamdaman ni Calvin?

Hindi man niya sabihin, siguradong masasaktan siya paglipat ko pansamantala kina Marvin. Mag-aalala siya na magkaayos kaming tatlo at tuluyan na kaming mapalayo sa kanya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong yun ang iniisip niya. Kahit sabihin ko rin sa kanyang imposibleng mangyari yun, hindi ko sya makukumbinsi at patuloy lang na maba-bother sa alalahanin na iyon.

“Huwag mo isipin ang nararamdaman o mararamdaman ko Helen, magdesisyon ka kung anong nararapat, kung ano ang tama, kung ano ang makabubuti para sa inyong mag-ina.”

Hindi na ko nakasagot after nun dahil muli nang pumasok sa office nya si Miss Jenie upang inotify siya about sa meeting nya na within five minutes nalang daw.

“Maiwan na muna kita Helen. You can stay there as long as you want, text mo nalang ako kung anuman. Sige ha, Bye.”

“No Calvin, aalis na rin ako.”

+++++++++++++++
Marvin’s Point of View

“So you mean hindi mo totoong dad si Calvin?” pagkumpirma ko kay Hevin sa sinabi niya.

Simula kasi kanina nang tinanong ko siya kung ilang taon na siya ay nagtuloy-tuloy na ng kwento ang loka.

“Yes po!”

Kasalukuyan ko ngayong tinitirintas ang buhok niya. Kulay fink na ribbon ang gusto ng chorvang bata, parang ako, maganda ang taste sa kulay hihi!

“So kung hindi si Fafa Calvin ang pudra mo, sino ang tunay mong father dear?”

Nagkibit-balikat lang ang bagets, “Don’t know po.”

Naawa naman ako bigla sa kanya. Yan talagang Helen na ‘yan, kung kani-kanino nagpapabuntis. Di na inisip ang magiging kinabukasan ng bata. Mabuti nalang at nandyan ang mabait na si Fafa Calvin para akuin silang mag-ina.

Naku! Kundi lang ba ko shokla at nangangarap din ng magandang future kasama ng isang gwapong porendyer eh ako na umako sa kanila. Kahit papano naman ay friendshipidity kami niyang si Helen.

Pero syempre kawawa naman ang beauty ko kung magpapakulong nalang ako sa pagiging mabait ko, kaya mas pinili kong tanggihan si Helen kahit mabigat sa loob ko nang slight.

“Ni minsan di mo pa nakikita dad mo?”

“Di pa po?”

“Gusto mo ba siyang makilala in person?”

“Yes po.”

“Galit ka ba sa kanya?”

Umiling siya, “Hindi po.”

Mabait na bata. “Love mo pa rin siya kahit na inabandon nya kayong magmudra?”

“Hindi naman po siguro sinasadya ni Daddy na iwan kami ni Mommy.”
I patted her head. Mabuti nalang at naturuan pa rin siya ni Helen ng mabuting asal.

“MAAAAAARS! MAY BISITA KA!”

Ay pesteng bunganga naman nito ni Barney, makabasag eardrums!
“Sino ‘yan?!”

“I like it!” irit ni Hevin pagkakita niya ng sarili niya sa salamin, “Thanks Papa Marvin!”

Hinalikan at niyakap pa ko ng bagets. Nasasanay na rin ako sa tawag niyang iyon sa akin. Kahit anong kontra ko naman ay hindi siya magpapaawat so why bother pa na mag-aksaya ng saliva, diva?

“Ay wait! For the final touch!”

Kinuha ko yung binili ko kahapon sa tiangge na powerpuff girls na bag para sa kanya. Wala pang sahod kaya tipid-tipid muna. Tiangge-tiangge lang pag may time hihi!

“MAAAARS!” baklang dinosaur na di makapaghintay.

Sinuot ko yung bag sa tuwang-tuwang si Hevin. Masayang-masaya na siya sa mga simpleng bagay na ginagawa at binibili ko sa kanya.

“ANO MARS, BINGI NA TAYO?!”

“OO NA, PABABA NA ATATERS KA. SINO BA YAN?”

“SI HELEN, MARENG. YUNG MUDER NI HEVIN!”
---

A/N: Hello kay Jenie Lyn Vergara! ;)

P.S. di ko po mahanap san yung dedic. Bakit nagbago format saken ni watty? T.T

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...