The Merciless Stud (Hot Trans...

By itsmoodymind

1.4M 57.3K 37.3K

WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57

Chapter 19

20.7K 923 515
By itsmoodymind

Wala akong nagawa kung hindi ang pag-masdan ang pag-papasok ni Tyson ng mga gamit niya sakaniyang Raptor. Suplado at busangot ang mukha niya habang ginagawa iyon. He still hasn't changed to casual clothes, yet his damp jersey top and shorts look so damn good. May puting face towel na naka-yakap mula sa likod ng leeg niya at ang buhok niyang clean cut ay mamasa-masa.

Pinapanood ko siya habang si Claire ay naka-tayo sa may likuran ko at may kausap na namang kakilala. After she took her things from Ron's car, the latter left without a word. Naiwan kaming dalawa ritong nag-hihintay sa Kuya ko. Ang taong walang modong tinawagan siya ay aburido at wala pa yatang balak ayain kaming ihatid man lang since halos magta-tatlumpong minuto nang wala pa si Kuya.

Hindi naman sa nagiging kumpyansa ako dahil may slight changes na sakaniya patungo sa akin at aasa na akong may maii-aalok siyang maganda sa akin o sa amin ni Claire. Pero wala ba talagang bahid ng ka gentleman itong higante na ito! Jusko! Well, I still live for him. Period.

He smashed the back door of his truck and our eyes met. Tumaas ang kilay niya. I looked away. I'm not mad at him or trying to appear dismayed. I just can't seem to think straight especially that Kuya's been informed about this. Before Claire and I took off, we planned to not tell Apollo about this, of course. Pero sinira iyon ng magaling na lalaking ito!

"Claire." I heard his deep baritone. I did not look at him. Iginala ko ang tingin ko sa malawak at walang tao nang court ngayon.

"Ty? You're going na?" Ani Claire. She did not leave from where she is standing. Good, because if she does, and go to Tyson and pay him attention, I'll follow. Hehe.

"Not yet. Apollo's in gate one na. We'll leave together." Ani Tyson. Hindi ko napigilan at naibalik ko rin ang tingin sakaniya. His blank expression for Claire turned menacing and dark again when he caught me looking at him. I perfectly know he has always been intense but I feel like it's more than that when it comes to me. And there could only be two possible reasons; annoyance or interest. At ilusyonadang tunay na talaga ako kung aangkinin kong ang nauna ang tugma!

May bikig na umusbong sa lalamunan ko nang lumapit siya sa akin. Hindi pa man tuluyang nakakalapit ng lubosan ay naaamoy ko na ulit siya. How I want to just bury my face in his chest even when he's straight out of the gym or a basketball game! Ang bango! Wala atang body odor ito!

"You free this saturday?" His low baritone sent chaos to me. Napamaang ako at napa-tingala sakaniya. Hindi malaman kung uunahin bang pag-nasaan siya o sagutin ang tanong niya. Ano raw? Free this saturday? Gagalawin niya na ba ako? Aba'y oo! Free na free! Super negotiable!

"Uh, yes..." A soft voice came out. Tang ina! Ang lakas maka Dwayne! Very not same same ka riyan, Apple!

"Cool. Watch my game, then." Aniya. Hindi ko napigilang mapa-nganga. Did he just formally invited me to his game? Talaga? Hindi na iyong tipong lagi nalang akong gatecrasher? Inimbitahan niya ako! Shutanghon!

He saw my reaction and a timid smirk formed in his mouth. As if telling me how ridiculous I am and he finds it pathetic. Talaga naman, oh! Lahat ng galaw at reaction niya'y offensive!

"Really? Where? W-what time?" I almost choked on my own saliva. Umayos siya ng tindig at ipinasok ang kanang kamay niya sa loob ng bulsa ng jersey shorts niya. The act made his biceps flexed and the remaining sweat on his skin shined alongside his attractive tattoos. Jusko! Naiimagine kong ganoon iyon kapag kinakarga niya ako upang ayusin ang posisyon ko sa kama niya! Eme!

"I'll give it to Claire. She's coming with you." He said. He then licked his lower lip. Kitang-kita ko ang papatubong bigote niya sa ilalim ng baba niya. Nanlambot ako ng tuluyan. Anakan mo'ko please! Promise, hindi ako papa-losyang!

"What? Sabihin mo nalang sa'kin." I pouted. His right eyebrow creased and I caught him looking at my lips. He sneered.

"Tss. You'll get too excited. Baka 'di ka pa makatulog." He confidently said. Tang ina, ang angas at ang hambog! Talagang akala niya patay na patay talaga ako sakaniya! Hah! Truthfully naman hihi.

"I won't!"

"Nandiyan na Kuya mo." Balewala niya sa daing ko at tinalikuran na ako. Nakarinig din naman ako ng ugong ng paparating na sasakyan mula sa likod kaya mas lalo akong na-inis.

Nanatili akong naka-simangot na nanonood kay Tyson na pabalik na sa sasakyan niya. Naalala kong sasabay siya sa aming aalis dito. Ugh! He's enjoying making me feel like this!

"Sige na, Tyson!" Pilit ko pa. Oh my gosh. I still can't believe I now get to converse with him like this! And more so, call him like this!

"Go home, Missy miss." He said when he opened his car door. And I was not insane when I caught him playfully rolled his eyes as if emphasizing his sarcasm on what he said. Putang ina!!! Ang puson ko! Kinikiliti! Lalabasan ata ako nang hindi jinajabol!

Tulala na lamang akong napa-titig sa salamin ng sasakyan niya habang naririnig ko na ang boses ni Apollo.

"Tara na, Aps! Uulan na." Aniya. I can't get over it! Gusto kong katukin ang bintana niya at kurutin ang mukha niyang busangot! Kainis! Dumagdag pa ang ideyang sobrang tinted ng windows niya at kung ano na siguro ang ekspresyon niya ngayon!

Inis akong tumalikod at nag-lakad na palapit sa sasakyan ni Kuya. Nasa loob na si Claire at katabi ni Kuya. Pumasok akong busangot ang mukha.

Agad lumingon sa'kin si Claire at pinanlakihan ako ng mga mata.

"Umayos ka." Aniya. I kept a straight face while she's warning me to act properly since Kuya's around now and we don't want to be caught.

Pagkatapos ay ngumisi siya bigla at tila kinikikig.

"Narinig ko 'yon! Make kwento later. Mwaps!" She whispered and then poured all her attention to Apollo now. I rolled my eyes. Make kwento kwento mong mukha mo!

Umandar ang sasakyan at huminto sa gilid ng pick up ni Tyson. Magka-salungat ang posisyon ng dalawang sasakyan dahil mula sa likod dumaan si Kuya habang sa harap naman ang kay Tyson.

Sabay na nag-babaan ang dalawang bintana nilang dalawa. I saw Tyson's poker face again. Nakuu! Ang hilig mang-bitin! Hindi na lang sabihin kung saan at anong oras! Idadaan pa kay Claire the chararat. Daming pa tense! Hindi na nakuntento sa mga tuhod kong laging nanginginig sa tensyon kapag nariyan siya!

"Bro." Si Kuya at nakipat-apir kay Tyson. Ka-lebel lamang ang dalawang sasakyan kaya ganoon. Tyson nodded firmly.

"You go first, bro." Ani Tyson. I rolled my eyes, thankful that he can't see me from here. Tumango si Kuya at tumawa kahit wala namang nakakatawa. Hindi ko gets ang mga lalaki talaga!

Nagpaharurot na nga si Kuya at ilang segundo lamang, kahit nahuli, ay nakaabot si Tyson. Labis ang pagpipigil kong hindi lumingon-lingon sa likod dahil baka mahalata ni Kuya. At mas lalo pa nang napansin niya na ako.

"Really? You'll spend the remaining hours of your day watching a game out of school? Sinong pinapa-gandahan mo roon, ha?" Ayan na naman ang usiserang Apollo! Inirapan ko siya.

"Pake mo ba!" Depensa ko kunwari.

"Eh hindi naman talaga kami manonood. Tatambay lang sana kina Ron. Kaso malapit lang iyong court atsaka manonood din si Ron e'di go!" Paliwanag at palusot ni Claire. Go, bitch! Give him lies!

"What? Ron? Vasquez? You two went with him?" Kuya roared. Nabigla ako. Nata-meme rin si Claire.

"Gagu naman, Claire. Dinala mo pa kapatid ko! Eh adik iyon, eh!"

"Kilala ko naman si Ron! That was before naman, Apollo. He's safe now." Si Claire na parang natakot yata. Hindi ko alam na ganun iyon pero he was kind and modest! Kuya is being so judgmental. And.. and, wait. Tyson? He knew it all this time? The fuck?!

"You can't say that, Claire. God! Kaya pala tumawag si Tyson. Nalaman ko lang na si Ron pala kasama niyo baka kanina pa kayo naka-uwi!"

"You're overreacting na naman, Kuya." Singit ko na. Inis niya akong tiningnan mula sa rear view mirror.

"Oh, you don't know shit, Apple! Iyang pagka-lakwatsera mo, ah! Huwag mong hintaying isumbong kita kay Daddy."

Tumahimik na lamang kami ni Claire buong byahe pauwi. Nang naihatid namin si Claire ay hindi naman na nag-talak pa si Apollo kaya laking pasalamat ko. Ang hirap e-defend kung bakit talaga ako pumunta roon! Buti na lang din at natakpan iyon nang isyu niya kay Ron. Adik ba talaga iyon? Well, if Kuya reacted this way, baka totoo nga. At si Tyson. Na sobraang diin ang pagpapa-uwi sa akin.

Ang tagal kong natulog nang gabing iyon. Hindi maalis sa isip ko ang invitation ni Tyson at kung saan ba talaga iyon. Basta't game na naman. Atsaka, iyong rason kung bakit naging mariin siya sa pagpapa-uwi sa amin. I feel like everything is gradually taking me to the peak of this craziness. And it sure is a roller coaster ride for me!

Dumagdag si Claire sa puyat ko dahil nag-kwentuhan pa nga kami sa mga nangyari. She shared something about Ron Vasquez and how he got involved in a drug raid before. I feel sorry for him though because he really was a kind person .

"Hindi ko talaga inexpect ang improvement, Aps! He's now inviting you! Tang ina ka, sa tagal naming acquaintances ni Tyson never pa akong ininvite niyan sa parties! Laging nakikisabay lang ako sa mga friends of friends namin!" Parang uod na binudburan ng asin si Claire habang nagfe-FaceTime kami. I rolled my eyes in attempt to suppress my feelings. Dahil 'nyeta kinikilig din ako!

"True ba?" I nonchalantly said.

"Bakla ka! Kunwari ka pang no big deal sa'yo! Aminin mo naloka ka!" Tumawa siya. Nahawa rin ako kalaunan kaya nagtawanan kami. Panget talaga neto!

"'Di bale, update agad kita kapag in-inform na ako ni Tyson!"

Napa-taas ang kilay ko.

"Do you have his number?"

"Nope. And he has no social media just in case napansin mo or you were wondering. Basta, it's either ipapasabi niya kina Jerro or kapag nagkasalubong kami." Aniya.

I tried searching for his social media accounts that night and there were no legitimate accounts nga. That brute!

Lumipas ang mga araw at panibagong suliranin ulit sa acads. I'm so stoked for the coming Saturday that the days passed by swiftly I could almost forget Jenna's instructions. Lalo pa noong nakarating na nga ang impormasyon kay Claire patungkol sa sabado.

"Airsoft game pala! Sa Quezon City. 9 in the morning! Keri?" Nae-excite si Claire habang nag-hihintay kami sa orders namin. Nasa Greenbelt kami ngayon dahil nagpa-sama akong bumili ng hormones doon sa trusted seller ko na may physical shop dito. May two hours vacant kasi kami dahil may religious ganap eme eme iyong school. At sakto namang paubos na rin ang mga anting anting kong pang-laban sa mga sumpa ni Adan kaya flight agad kami rito.

"Oo naman! Shuta, muntik ko na makalimutan may iba pa pala siyang sports." Sabi ko habang tumitingala sa kisame ng restaurant, iniisip kung anong magandang suotin sa sabado.

"Ay naku, madami, Bakla! Kita mo katawan nun, batak na batak!" Ani Claire. Tumigil kami sandali nang dumating ang food namin. We thanked the waitress and then we're back to business.

"Wala pa rin bang girlfriend? Baka mapaaway ako." I said, worriedly and anxiously. Namilog ang mga mata ni Claire habang humihigop sa straw niya.

"Oh, speaking of! Wala! As in, wala! Nakaka-intriga na! Usap-usapan na iyan sa circle nila at namin!" Aniya. My heart swelled at the thought of Tyson not getting involved with a woman because he's preoccupied with me as of the moment. Charooot! Baliw na kung baliw, dedma!

"Baka hindi lang nasasagap ng mga antenna niyo?" Sabi ko. Humagalpak siya.

"Oh, girl. Tyson is Tyson. Lahat makakaalam kahit pa itago niya!"

Tumango na lamang ako at na-isip na totoo naman. At dapat naman din akong matuwa dahil walang sagabal sa pang-lalandi ko. It's just giving me so much anxiety. It's like it's impossible for a notorious playboy like him to be vacant this long.

Dumating ang sabado at napag-desisyunan kong mag-suot ng nude romper shorts at two white strap sandals. My bob cut hair is in lazy curls. I sprayed a good amount of vanilla perfume on my body and I was set to go.

I had it all planned Friday night kaya handang handa na ako kinabukasan ng umaga. I decided to step up the game. Na-isip kong nakaka-umay iyong palagi na lang tubig ang naio-offer ko kay Tyson. At dahil tugma naman sa setting ng laro niya kaya ipinag-luto ko na rin siya ng lunch. I don't know how to cook so I opted for an Adobo.

Inalalayan ako ni Nang Lupe kaya confident akong masarap iyon. It was all neat and prepared in a pink lunch box. Natawa ako. Wala akong ibang lunch box kaya iyon na lang. At ano bang mali kung pink ang lalagyan ng pagkain niya? Colors do not have gender! Period.

Hinatid kami ng driver nina Claire sa Quezon, kung saan mage-airsoft si Tyson. When we got there, I thought it's gonna be the same picture like the one in Tagaytay but this time it's more of a city-like venue. Nasa loob lamang ng tila metal factory ngunit malaki rin ang espasyo. May mga obstacles pa rin na hugis tao at may mga transparent shields.

"He's there!" Turo ni Claire kay Tyson na nag-lalagay na ng mga bala sa magasin ng baril niya. He looked our way when he heard Claire's voice.

I confidently smiled at him.

"Good luck." I mouthed. His jaw clenched and looked away. I saw him say something to a guy beside him. And the guy, looked at us, then nodded at what Tyson said, and then approached us with a warm smile.

"Good morning! This way, Ma'am." Sabi nito sa akin at sinamahan kami sa mga upuan. Kami lang yata ang taong nanonood dahil sobrang tahimik ng paligid. Maaga pa rin naman kung sabagay. Limang lalaki ang kasama ni Tyson sa field at namukhaan ko ang isa roon.

"Si Jerro iyan, 'diba?" Sabi ko sabay turo. Tumango si Claire.

"Yes, he's playing, too." Aniya.

Nag-simula ang laro at hindi ko naman naintindihan ulit bukod sa putok-putokan lang ng baril. Tyson, as always, looked so good while shooting his enemies. Kahit naka-gray long sleeves ay kitang-kita pa rin ang biyak ng mga muscles niya sa braso. At mas lalo pa akong nanginginig sa tuwing dadaing siya kapag muntik nang matamaan ng kalaban.

"Ow!" He roared. Nag-tindigan ang mga balahibo ko sa katawan at napapikit na lamang. Pag-dilat ko'y ang tumatawang mukha ni Claire ang bumungad kaya nag-tawanan kaming dalawa.

Lunch came and their game ended well. Tyson's team won. Pero sobrang tight ng laban kaya alam kong medyo nahirapan siya dun. Magagaling ang mga kalaban niya.

Lumapit kami kina Tyson at Jerro na nag-uusap habang nag-huhubad ng vest at eye protector. When Tyson saw me, his eyes became heavily guarded in an instant. While, Jerro, showed me his white pearls.

"Hi, you two!" Ani Jerro. I don't know him personally but if he acts this way towards me then I don't see any reasons to be shy. Ako pa ba!

"Hi, Jerro." Sabi ko. His mouth formed an O.

"Oh, you know, huh! Must be Claire?" Aniya. I smiled.

"Yes."

"Come, let's eat." Singit ni Tyson. Napa-tingala ako sakaniya. Tapos na siyang mag-tanggal ng gamit at handa nang umalis. Damn, he looks so good today.

"Dun lang sa resto ng building, Bro. Gutom na ako!" Ani Jerro. Hindi kumibo si Tyson at nauna nang lumabas. Hinila ako ni Claire palabas at sumunod kaming tatlo sa damuhong nauna.

May iilang kasama nila kaninang nag-laro ang sumama sa amin ngunit nasa katabing lamesa sila naupo. Magkatabi si Jerro at Tyson sa harap namin ni Claire. Kaharap ko si Tyson at kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo niya habang nag-babasa ng menu.

"Bakla ka, ibigay mo na boba!" Bulong ni Claire. Nanginig ang mga kamay ko habang nilalabas mula sa tote bag kong puti ang maliit kong pink na lunch box. Malandi ako pero tang ina bakit ko ba naisip ito! Jusko!

"U-uh, Ty. I made you lunch." I stuttered. I heard Jerro gasped and then laughed at me in awe. He looked genuinely surprised so I was not offended.

Inilagay ko sa lamesa ang lunch box. Tumigil si Tyson sa pag-babasa at napa-titig doon. And then he stared at me dangerously. Parang natatae akong ngumiti sakaniya. Sheeet. Nakakahiya!

"Damn, man. That's so cool!" Conyong tinig ni Jerro. Umigting ang panga ni Tyson at nag-tawag ng waiter. My heart sank at that.

"I'll have this, please." Aniya. Nahihiya, umiwas ako ng tingin at nanginginig ang mga kamay na kinuha ang menu sa harap ko. I looked at Claire who's also trying to show a fake smile at the two men.

"Anong sa'yo, Claire? Eto sa'kin." Sabay turo ko sa kung ano. Hindi na ako makapag-pokus. Just when I thought my embarrassing moments with him are over, and this fucking happened!

"Oo iyan na rin ang akin." Sabi niya. After giving out our orders, the waiter left, and my poor lunch box was left unnoticed and unappreciated.

"What's that, uh, hmm.."

"Apple." Sabi ko kay Jerro. He grinned mischievously and nodded.

"Ano iyan, Apple?" Sabay nguso sa lunch box. Napa-sulyap ako kay Tyson na naka-iwas lang ng tingin at tila may pinapanood sa labas ng resto.

"Uhm, it's Adobo. Specialty ko." Pang-eme eme ko sakaniya. He seemed so amused that I found him silly and cute, eventually. Conyo boys may seem so annoying at times but they are genuine people.

"Really? Patikim, ah. Ty ordered another food, eh." Sabi ni Jerro at akmang aabutin ang lunch box. Ngunit ang malaki at matigas na kamay ni Tyson ay humarang at mabilis na hinila ang lunch box papalapit sakaniya.

"Bro? I swear you just ordered something!" Natatawang sabi ni Jerro at tila 'di pa makapaniwala. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko habang tulala sa aburido na namang si Tyson Matheus.

"Who said I won't eat it? Sa'kin binigay, Jerro." Mariing sabi niya. Naramdaman ko ang pamimisil ni Claire sa tuhod ko sa ilalim ng mesa. Gustong-gusto ko nang mag-wala sa sobrang kilig ngunit hindi pwede. Akala ko echapwera ang Adobonism ni akes! Pasok pala sa banga!

Dumating ang order namin kalaunan. And it was very magical to me when I saw how Tyson's eyes lit up as soon as he tasted the Adobo. He tried to mask it up with a suplado look but I, the only one, who caught his reaction will never be fooled and will instead forever be dignified because of it. Nasarapan siya!!! Ipinag-damot niya!!! Sheeet! Naiiyak ako.

Isang buwan ang lumipas at mas naging madalas ang pag-pupunta ko sa mga laro ni Tyson. Jerro said he also do Taekwondo, Polo and Hiking sometimes. Pero so far, dalawang laro pa lamang niya ako hinahayaang makakita.

"Go, Tyson! Go!" I cheered. Balik Blue Eagle Gym kami ngayon. Isang pustahang laro sa pagitan ng Business Ad at Engineering kaya medyo maingay at may iilang nanonood.

Kumunot ang noo ni Tyson at binigyan ako ng mabilis na sulyap. Natawa ako.

"Ang ingay mo, huy! Nadi-distract!" Saway sa'kin ng isang babae mula sa supporters ng mga taga Business.

"Pakyu!" Sabi ko sabay irap. Nag-singhapan sila kaya natatawa ko na lang na dinedma.

"Tyson, shoot the ball now! Go get them!" Sigaw ko ulit. Ako lang ang pa-salitang sumisigaw dahil ang iba'y tumitili lang. Sa mga nagdaang araw, at sa paulit ulit kong ginagawa ito, nasanay na rin akong hindi na mahiya pa. I mean, I am not the only one who's crazily infatuated with Tyson. Majority of the girls here are! But what makes it only different is I am a trans woman and they think that I should be inferior to them. And that my attraction and adoration to a man like Tyson is awkward unlike anybody else's. And that's wrong and a big no for me! Because if all the other girls can flirt, then I can too!  What difference does it have when a cis and a trans woman get attracted to the same guy? None. It all boils down when either the other wins or both of them lose. Period.

Nag-hiyawan kami nang naagaw kay Tyson ang bola. Tumalon talon ako at inis na nag-boo sa kalaban.

"Hey, Miss. Do you mind if I ask for some water?" Biglang may nag-salita sa gilid ko. Napa-tingin ako at nakitang player pala ng Business Ad. Pina-upo nga lang kanina dahil maraming violations. Hingal na hingal ito at may bitbit na empty tumbler.

"Ha?" Lutang kong sabi. Dinuro niya ang malaki kong violet tumbler. Hindi pa iyon napapapangalahatian ni Tyson dahil may Gatorade din siya dito.

Napa-tingin ulit ako sa lalaki at nakaramdam ng awa nang hingal na hingal pa rin ito. Marami pa naman ang tubig kaya siguro okay lang.

"Sure. Uh, wait."

Kinuha ko ang tumbler at binuksan. Binuksan niya rin ang kaniya at akmang ibubuhos ko na ang tubig roon ay biglang nagsitapunan ang lahat. Nalaglag ang tumbler ko dahilan upang mabasa ang sahig ng court. At ang lalaki'y napaatras dahil sa kung anumang tumama sakaniya. What the hell?

Umawang ang labi ko nang makarinig ng pito ng referee. Papalapit rin si Tyson na namumula ang mukha. Binalik ko ang tingin sa lalaki sa harap ko at napansin na may bola sa paanan niya. Bola ang tumama sakaniya? Kaya nag-siliparan ang mga tumblers namin?

"Break!" Sigaw ng isang player.

"The hell, Pare?" Bungad ng lalaki kay Tyson nang nakalapit ito.

"Ano? Problema ka? Hanap ka ng tubig mo. Ulol!" Pasigaw na sabi ni Tyson. Naalarma agad ako at pumagitna sakanila.

"Ty!"

"Edi sayo na, gagu! Init ng ulo mo kanina pa!" Sinipa ng lalaki ang bola sa may paanan niya at bumalik iyon sa gitna ng court. Tyson remained firm and dangerous as he watched the guy walked away. Jusko! Ano bang meron sa mga lalaki at ang init ng dugo!

"That was uncalled for, Tyson!" I managed to say despite the threatening silence from him. And when he turned his head to me, I almost lost my balance because of the intensity of his raging eyes.

"You don't get to help just about anyone here!"He roared. Napa-nganga ako sa gulat at takot. Jusko mahabagin!

"Your help was uncalled for!"

"It was! Marami naman iyong tubig—"

He did not let me finish at nilampasan ako. My heart was beating crazily as a thought formulated inside my head. What is he even mad for? The help? The water? Tama iyong lalaki na kanina pa mainit ang ulo niya sa laro but that's him! Always!

And now he's acting petty just because I want to give some of his water to another player. Huminga ako ng malalim at sumunod sakaniya. He was drinking from his Gatorade.

Hindi pwedeng ganito na mainit na nga ang ulo niya'y sasabayan ko pa. I still am calm. I have to give way. And understand.

"I'm sorry." Mahinang sabi ko. Pinunasan niya ang labi niya matapos uminom. His dark eyes pierced through me. I shivered.

"Huwag mong subukan ang init ng ulo ko." He said in his deep baritone. Now calm like the ocean, yet terrifying and unpredictable.

"Huwag, Apple."

Continue Reading

You'll Also Like

10.8K 376 7
He was my greatest chase. He keeps me in a pace where I found myself so lost in the momentum, in a strange velocity. Why can't I see the finish line...
2.8K 342 16
TAGLISH | FANTASY | SHORT Jethan's really excited about his wife having their first baby. But the peaceful plot crumbles when Jethan, on his way back...
1.3K 60 10
Collection of my Feature (News or Science) stories since my high school years and my one shot stories. May purong Tagalog at pure English. Meron ding...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...