My Husband is Gay

By Jejelobsss

98.3K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Prologue

6.1K 199 24
By Jejelobsss

“Sweetie, pwede ka bang umuwi na dito?” malambing na sabi ni mama sa kabilang linya.

Kakaalis ko lang ngayon sa isang pet shop kasama ang mga bodyguards ko. Kakarating ko lang kasi dito sa Manila pero namasyal muna ako bago pumunta sa bahay. At ang last na pinuntahan ko ay ang isang pet shop para bumili ng poodle.

“Opo, uuwi na. Antayin niyo na lang po ako.” sagot ko.

“Ok, bye sweetie. I love you too and I miss you.”

“I love you too and I miss you too. Bye, mama.” pinatay ko na ang tawag.

Umayos ako ng pagkakaupo at nakangiting tiningnan ang poodle na binili ko.

“Señorita, saan po tayo?” tanong ni Mang Celio, isa sa mga driver ko.

Tumingin ako sa kanya, “Saan po ba yung bahay namin?” nakangiting tanong ko.

Natawa naman siya at umiling iling na nag drive. Sumandal muna ako sa inuupuan ko. Pagod na pagod ako sa araw na ito kaya hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

“Señorita, nandito na po tayo.”

Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. Nag-inat inat muna ako ng braso bago lumabas. Napanganga naman ako ng makita ko kung gaano kaganda ang bahay namin at kung gaano kalaki. Malaki ang bahay namin dun sa Isla kung saan ako pinanganak pero ang isang ito ay sobrang laki. Mansion ang tawag dito eh.

“Mang Celio, sigurado kang bahay namin ito?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa malaking pintuan ng bahay.

Natawa naman siya. Napansin ko na dala dala niya ang poodle na binili ko. Napangiti naman ako.

“Ito po ang mansion niyo sa Manila. Mas malaki ito kaysa sa kinalakihan niyo po.”

Napatango tango naman ako. May mga maid naman na kumuha ng mga gamit ko at pinag buksan kami ng dalawang butler ng pinto. 

Napanganga ako sa ganda ng loob! Kulay ginto ang mga dingding at ang kintab ng sahig, parang salamin na. Napatingin naman ako sa malaking litrato. Napangiti ako ng makilala ko kung sino ang mga yun.

Ako at si mama at papa. Kuha iyun sa Isla na kinalakihan ko.

“Sweetie!”

Napatingin ako kay mama na tumatakbo papalapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit na ikinatawa ko.

“Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinihintay.” sabi niya.

Napakamot naman ako ng ulo, “Namasyal lang ako at bumili ng poodle, ma.” ipinakita ko sa kanya ang hawak ni Mang Celio.

Napabungisngis naman siya ng makita iyun, “Ipaligo ko muna sa yaya mo.”

Tinawag niya ang yaya ko at ibinigay ang poodle sa kanya. Inalalayan naman niya akong pumunta sa dining area. Pagkapasok namin ay may isang babae na kasing edad lang ni mama pero bakas pa rin ang kagandahan niya. At nandun din si papa habang may kausap na lalake na kasing edad niya lang ata. Napatingin ako sa lalakeng nakatalikod sa akin at pinaglalaruan niya yung hawak niya.

“My daughter is here!” masayang anunsyo ni mama.

Napatingin naman sila sa akin at napangiti ng malapad.

“Princess!” masayang sabi ni papa.

“Pa! I miss you!” masayang sabi ko at tumakbo sa kanya para yakapin siya ng mahigpit.

Daddy's girl ako kaya miss na miss ko na talaga siya. Ilang weeks din kasi silang hindi bumisita sa Isla.

“I miss you too, Princess.” hinalikan ni papa ang noo ko at napangiti ako.

“Have a seat.” naupo naman ako sa harap ng lalake na ngayon ay kitang kita ko na.

Napakurap kurap naman ako ng magtagpo ang mga mata namin. Ngayon lang ako nakakita ng isang napakagwapong lalake! Para siyang diyos, kahit hindi naman siya diyos dahil tao siya. Maputi siya, may kakapalan ang kilay na mas lalong ikinagwapo niya. Manipis at mapula ang labi niya, mas mapula pa sa labi ko. At napakaperpekto ang tangos ng ilong niya. Nakaka-insecure ang lalakeng ito.

Tumaas ang isang kilay niya dahil titig na titig ako sa kanya. Ginaya ko ang pag taas ng kilay niya pero hindi ko kaya, dalawang kilay ang naitataas ko. Paano kaya niya nagagawa iyun?

“Btw princess, she’s your Tita Camella and your Tito Wayne.” pagpapakilala ni papa.

Napangiti naman ako at kumaway sakanila. Sila yata yung magulang ng lalakeng kaharap ko.

“Hi po. Ki-gwapo naman ng anak niyo.” nakangiting sabi ko.

Natawa naman silang dalawa samantalang yung lalake ay umikot lang ang mata. Paano kaya niya yun napapa-ikot? Eh ako nga hirap na hirap na sa pag taas ng kilay.

“He is Cameron Aywayne Del Vecho, my son.” pagpapakilala ni Tito Wayne.

Ang ganda naman pala ng pangalan niya.

“Hi, Ay-Ay.” kumaway ako sakanya na ikinakunot ng noo niya.

“Ay-Ay?” tumaas ang kilay niya.

Ngumiti naman ako, “Nickname mo. Ako nagbigay niyan kaya ako lang dapat ang tumawag niyan sayo.”

“Whatever.” umikot na naman ang mga mata niya.

Napanguso na lang ako. Ang sungit niya.

“Bagay na bagay kayo.” masayang sabi ni mama.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya, “Ma, tao po kami hindi po kami bagay. Kailangan pa kami naging bagay sa paningin mo?”

Natawa naman sila na ikinakunot ko na lang ng noo.

“Dad, straight to the point please? May gagawin pa ako.” sabi ni Ay-Ay.

Napatango naman ako. Oo nga pala, bakit pala sila nandito? Tumikhim si Tito at ngumiti sa akin.

“Ikaw at ang anak ko...ay ikakasal.”

“Ah ikakasal–WHAT?!” sabay naming sigaw ni Ay-Ay.

Nagkatinginan kami at nanlalaki ang mga mata namin. Ano daw? Nablanko ata utak ko.

“Yes, sweetie. Sorry kung ngayon lang namin sinabi.” paghingi ng paumanhin ni mama.

Napatingin ako kay mama, “Ma, sabi ni yaya bata pa daw ako!” nakasimangot kung sigaw sa kanya.

“I know, sweetie. Pero kayong dalawa ay kailangan ng ikasal sa lalong madaling panahon.” hinaplos niya ang braso ko.

“Dad!” sigaw ni Ay-Ay, mukhang galit na siya.

“Ipinagkasundo kayo ng mga lolo niyo! Kaya wala kayong magagawa! At ikaw!” sigaw niya at tinuro ang anak niya, “Nararapat lang sayo ang ikasal sakanya para maging lalake ka na!”

Nagtaka naman akong napatingin kay Tito, “Lalake naman siya Tito ah.”

Napailing si Tita, “No, my son is a gay.”

“Ha?”

“My son is a gay.” pag uulit nito.

“Po?” tanong ko ulit.

Napangiti siya, “Ang anak ko ay isang bakla.”

“Tinagalog niyo lang po eh.” napasimangot ako sa kanya.

Natawa naman siya. Napatingin ako kay papa na nagtatanong.

“Lalake si Aywayne pero ang ugali niya tulad ng mga babae. Binabae ba.” natawa silang lahat maliban lang kay Ay-Ay na inis na inis na.

“Ah so pwede ba akong maging linalake, pa?” nakangiting tanong ko.

Napatigil sila at nagtatakang napatingin sa akin.

“What?”

Napanguso ako, “Yung babae na ang mga galawan at ugali ay panglalake. Linalake yun.”

Biglang namutla si papa at napahawak pa sa noo. Nataranta si mama at dali daling lumapit si mama at tita kay papa. Napakagat naman ako ng labi. Ano yung sinabi ko?

“Joke lang pa, ito naman.” kinakabahan akong tumawa.

Uminom siya ng tubig at napabuntung hiningang tumingin sa akin.

“Btw, next week na ang kasal niyo. So, be ready ok? Atsaka wala kaming magagawa dahil ayun kay atty. ay hindi makukuha ng pamilya niyo at namin kung hindi magpapakasal ang mga panganay naming anak.” paliwanag ni Tito.

Napatingin naman ako kay Ay-Ay. Napalunok ako dahil ang sama ng tingin niya sa akin. Parang ang taray taray nga niyang bakla.

“Ano pa nga bang magagawa ko?” sambit niya at biglang umalis.

Napabuntung hininga naman sila Tita at Tito pero ngumiti din sa akin.

“Ano din po bang magagawa ko?” nakangusong tanong ko na ikinatawa nilang apat.

Kanina pa nila ako pinag tatawanan eh.

“I like you na iha.” tumatawang sabi ni Tita.

Napakunot ang noo ko, “Ano? Tita, may binabae na po kayo. Wag na kayong maging linalake. Grabi naman yang pamilya niyo.”

Natawa sila lalo na ikinasimangot ko. Mga baliw.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 112K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
Finding Islam By ﷽

Teen Fiction

422K 35.5K 92
-- Life works in mysterious ways. King Patterson never really thought about life in depth. He did not care much for his future. He did not plan. Ther...
72.9K 1.6K 38
What if the virginity you are keeping has been taken away by a gay man and your life has turned upside down because of what happened that night, what...