The Fame Game

By UnidentifiedBlueStar

8.4K 330 125

[On-going] Kyra, a highschool student who fell inlove with her English Teacher and his Twitter Crush. Who wil... More

Prologue - Start
Level One - Final
Level Two - Burst
Level Three - Former's Comeback
Level Four - First Day
Level Five - Substitute
Level Six - Smile
Level Seven - 5ever
Level Nine - "Wag muna, please.."
Level Ten - Her Teacher's Confession
Level Eleven - Dark Clinic
Level Twelve - Nabugbog na Saging
Level Thirteen - Ingenuous
Level Fourteen - Acceptance
Level Fifteen - Triangulum
Level Sixteen - Impenetrability
Level Seventeen - Hope vs. Wish
Level Eighteen - Spelling Contest
Level Nineteen - Friendzoned
Level Twenty - His thoughts
Level Twenty One - Lalaine
Level Twenty Two - Byul
Level Twenty Three - Why now?
Level Twenty Four - All I wanted
Level Twenty Five - Beles beles

Level Eight - Spell Badtrip

271 11 7
By UnidentifiedBlueStar

- L E V E L  E I G H T -

Thursday. Nasa classroom na ako, katabi ko si Althea dahil kinukwento ko sakanya yung nakita ko sa twitter kahapon. Si Ma'am AC pa naman ang nasa table kaya okay lang. 

"Talaga? Finollow ka niya sa twitter? Isang malaking weh yan!" sabi ni Althea.

"Ganyan-ganyan rin ang reaksyon ko kaya kahapon.. Hindi nga rin ako makapaniwala eh."

"Eh hindi naman kapani-paniwala eh.. Hindi ko kasi dala si Galaxy kaya hindi ko mapapakita sa'yo"

"Tsk! Sayang.. pero kung totoo man yan ah, taray mo Be! Pero diba hindi ka nga niya pinapansin?"

"Yun nga eh, Pero okay lang.. Sikat na kasi siya.. Syempre.."

"Hindi rason yun, Kai. Pero maiba tayo.. Nakita ko sa facebook yung bagong upload niyang picture ah."

"Ni Hyunsu? Hindi ko nakita eh.. Natulog agad ako.. Anong picture?"

"Tsk! Sabi na nga ba eh, pero shemay be ah! Ang hot lang nahiya si Anne Curtis. May nunal rin!"

"Naman eh.. Gusto ko na tuloy umuwi. Waaaaa! Hyunnie my love!"

"Ms. Ona and Ms. Presincula, tapos na ba kayo mag-usap?" mahinhin pero halatang galit na sabi ni Sir Melvin samin. Napalunok ako ng laway. Sht. Badtrip si Sir. 

"Sorry Sir.." Bumalik na kami sa upuan ni Althea.

 Ni-refresh lang ni Sir yung past lesson. Yung iba, siyempre hindi na natandaan. Maraming napatayo buti na lang hindi pa ako natatawag. Nakalimutan ko pa man rin. 

Pagkatapos maglesson ni Sir, nagpaspelling naman siya. Halatang badtrip diba?

1. Wry

2. Staphylococci

3. Prestidigitation

4. Xylem

5. Brunneous

6. Coax

7. Pterodactyl

8. Sesquipedalian

9. Synagogue

10. Xanthosis

Yan ung mga pina-spell. Grabe si Sir, Science teacher nga siya. Pero okay lang, sisiw yan! Walking Dictionary nga diba?

Pina-exchange na kami ni Sir ng papers. Dahil si Adrianne ang katabi ko, siya ang ka-exchange ko. Ako naman ang nag-check ng sakanya.

Walanjo. Pterodactyl lang ang nasagot niya. Hahaha. Ang meanie ko.

"So, who got a perfect score? Dalhin sa akin, wag muna ibabalik sa owner ang paper." sabi ni Sir Melvin na kasalukuyang nakatayo sa harap ng table. 

Tinignan ko yung mga classmate ko, walang tumatayo. 

"Kailangan ko pa bang magsimula sa mababa, Nine meron ba?"

"Wait po, Sir!" sigaw ni Adrianne at lumapit siya kay Sir. 

"Okay, Ms. Ona got perfect score, Who got nine?" Yun lang yun?! Tsk! Ano ba yan. Wala lang naman palakpak?! Badtrip naman ‘to si Sir! Dinadamay ako sa pagiging badtrip niya. 

*TOK! TOK!*

Napapadalas na ang pagkatok ng kung sino tuwing time ni Sir Melvin ah. Lumapit si Sir sa Pintuan at binuksan. Pumasok ang isang hindi katandaang babae na kung tatantsahin nasa 54 na taong gulang na, si Ma’am Fuentes pala.

Pagpasok ni Ma'am Fuentes nag greet muna kami. Syempre pag-bigay galang. 

"Good Morning rin sainyo, Sorry to interrupt pero kailangan ko na rin kasi i-announce 'to. 2 weeks from now magkakaroon ng contest. Eh late na tayo masabihan kaya medyo kailangan na nating maghabol ng training dun. Tamang-tama naman na English time niyo daw. So, Dahil ang IV-Premiere hindi pwede dahil malapit na ang Graduation nila, ang II-Premiere naman hindi rin dahil may Play sila..  So, sino ang gusto niyong maging representative? Wala na kasi tayong time para magpatest pa."

Nagtaas ng kamay si Althea, "Ma'am, tanong lang po. Ano po ba yung contest?" 

"Ahh, Spelling contest siya. Sino ba pinakamagaling niyo dito?"

Tumayo naman si Adrianne, "Ma'am si Kai po! Naka-perfect nga po siya ngayon ngayon lang po sa spelling namin eh." 

"Ms. Ona?" tumango naman si Adrianne. "Okay, payag ba kayo III-Premiere?"

"Opo Ma'am!" sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko habang ako nakatungo lang. 

"It's final, Ms. Ona will be our representative sa Spelling Contest and Sir Melvin will be her Coach since wala naman siyang advisory then English teacher niyo rin naman siya." nakita ko naman na nabigla si Sir Melvin sa announcement ni Ma'am Fuentes. 

"Okay, Goodbye.. Ay, by the way, Sir Melvin and Ms. Ona, please see me at my office after class, Okay? That's all." Tumango lang ako bilang response. Si sir naman nasa state of shock pa. 

Pagkaalis ni Ma'am Fuentes, siya naman saktong pagpatak ng 8am, it means chemistry na. Umalis na rin si Sir Melvin nun, so si Ma’am Jane na. Grabeee! Nakakaantok buti nalang nakasurvive ako sa 60 minutes na mala Lola Basyang na period.

"Class Dismissed."

Atlast. Ang sarap talaga pakinggan ng salitang yon. Haha! 

Pagkatapos ng Chemistry siyempre Recess. As usual, nasa Cafeteria kami. Taya ngayon si Althea kaya siya ang bibili ng recess ko. Pagdating niya umupo siya sa harap ko. 

“Be, hindi ka pa rin ba ready sabihin sa akin?” panimula ko kay Althea habang kinukuha sa tray yung kwek-kwek at mogu-mogu ko. 

“Natatakot kasi ako eh.. Mamaya pagtawanan mo ako..” nahihiyang sabi ni Althea habang iniikot sa tinidor yung spaghetti niya. 

“Nge?! Yun lang ang rason mo?! Baliw ka. Bakit naman kita pagtatawanan, aber?!” 

“Eh.. kasi.. basta.. Pero maiba tayo, ang galing mo talaga Be. Paano mo naperfect yung Spelling kanina?” 

“Ikaw ah, chume-change topic ka. Eh, wala ka bang bilib sa bestfriend mo?” 

“Be, nararamdaman mo ba yung hangin? Haha! Joke lang.” sabay hawak sa magkabilang braso niya.

“Ehh be naman eh, magiging busy na ako.. Nakakainis..” 

“Oo nga eh, magiging busy ka na kasama si Sir..” 

“Nakakatakot kaya si Sir kanina. Nakooo naman!” 

“Haha! Bahala ka, Ang galing mo kasi eh.” 

So yun, kumain nalang kami ng tahimik. Pag kain, galit-galit muna.  Nung nagbell, syempre pumasok na kami ng Room. Ang boring.. Napagalitan pa nga ako ni Sir Ray na teacher namin sa AP eh, hindi daw ako interesado sa subject niya. Eh nakakaantok namang tunay eh.. Noong TLE naman, feeling ko tinatamad rin si Ma’am AC, paano pinabasa lang sa amin yung book. Tapos nag proceed na sa Val Ed, pinagusapan lang namin yung about sa Sched ng January-March. 

So last week pala ng January ang Semi-finals?! Omy. E diba kasunod nun Contest na? Bakit pumayag pa yung mga admin na sumali pa ako sa contest?

Grabe lang, February 14, JS Promenade na namin then Last week ng February, Fieldtrip. Buti nalang walang exam during February kasi sa school, February is the busiest month. Minsan pag nasa mood ang school may sportsfest rin. Tamad kasi ang mga admin kaya minsan lang. 

Then March naman, Medyo bawi dahil maaga ang end of the class. Okay na yun. 

“Be, sabay ako sayo umuwi ah. Kahit hanggang gate lang.” sabi ko kay Althea na kasalukuyang nag-aayos ng bag niya. 

“Hep! Nakalimutan mo na ba na pupunta ka pa kay Ma’am Fuentes?” 

“Oo nga pala. Tsk! O sige, hanggang office nalang? Pretty please?” 

“Okidoki!” 

Naglalakad kami sa hallway ni Althea ng makasalubong namin si Spencer. Uh-oh.. 

“Kyra.. Pwede ko ba makausap bestfriend mo?” nahihiyang tanong ni Spencer. Paano ko nalaman? Nagkakamot ng batok eh. Tumingin ako kay Althea na nasa tabi ko, Nakayuko naman ang babaita.

Iniwan ko muna si Althea saglit, inakbayan ko si Spencer. “Oy Spencer Bautista, Anong ginawa mo sa Bestfriend ko? Umiiyak siya kagabi sa akin.. Gusto mo balatan kita ng buhay?” bulong ko sakanya ng makalayo kami ng konti kay Althea.

“H-huh?! Wala akong ginagawa sa kanya.. Gusto ko lang naman siya makausap eh.. Hindi na kasi siya nagtext kagabi..” 

“Ah.. Ikaw pala ang katext niya kagabi? Tsk! Papayagan kitang kausapin siya..” nakita ko naman na unti-unti na nagfoform ang smile sa labi niya ng.. “Pero! Pag tumawag na naman yan sa akin mamaya at umiiyak, lelechonin kita!” 

“P-pangako..” Tsk! Mukhang natatakot pa sa akin. Bwahahahaha

“Osige, puntahan mo na don at aalis na ako. Pag nalaman ko lang na dalawa na bukas yan. Puputulin ko yang ano mo!” at umalis na ako. Sa totoo lang, kilala ko naman yan si Spencer. Classmate ko siya noong First year at Second Year. Ewan ko lang kung bakit napunta siya sa Deuxieme, eh mas matalino naman siya kaysa kay Alex. Tsk!

--

  ♪“La la la la.. La la la la la~

I like your smile..

 I like your vibe..

 I like your style.. 

But that’s not why I love you..” ♪

Napakanta ako habang naglalakad sa hallway. Naalala ko si Hyunsu. 

Mahal ko na nga ba talaga siya? Hayy..

Ang gulo ko.. 

Bakit? Bakit ko siya Mahal?

Hindi ko rin alam.. 

Bakit nga ba?

Pero kailangan ba may rason? Hindi naman kailangan diba?

Hindi ko napansin nalagpasan ko na pala yung office ni Ma’am Fuentes. 

Kumatok ako pero walang nagbubukas. Kaya pumasok na lang ako, wala rin namang tao. Nasaan na kaya si Ma’am Fuentes? 

Umupo muna ako sa sofa sa office. Grabe ang lamig dito sa loob. Hindi kagaya ng ibang school, walang cabinet na puro trophies, medals at merits na bunga ng mga pagkapanalo sa mga patimpalak. Hindi kasi nasali ang school sa mga tournaments at contests. Kaya nakakagulat na pinasali nila ako. Masiyadong focus ang school sa academics kaya kahit sportsfest, Once in a pink moon mangyari. 

Hindi nagtagal nagbukas rin ang pintuan, niluwa ng pintuan si Ma’am Fuentes. 

“Oh, andito ka na pala Ms. Ona. Sorry ah, Kanina ka pa ba nandito?” sabi ni Ma’am Fuentes na naglalakad papuntang desk niya.

“Hindi po Ma’am, Okay lang naman po.”

“Mayroon kasi bagong empleyado.. Well, hindi naman siya empleyado.. Saglit lang siya dito dahil Graduating siya, for experience lang ba.” Ah, bagong teacher siguro ng Pre-school.

“Ah.. Ano po ba ang pag-uusapan Ma’am?”

“Wala pa si Sir Melvin eh.. Hintayi—“ napatigil si Ma’am magsalita ng bumukas ang pintuan. “Oh, andyan na pala siya eh. Umupo kayong dalawa sa harap ko.” Utos ni Ma’am, sumunod naman kami.

“Ganito kasi yan, siguro nagtataka kayo kung bakit pumayag pa ako na sumali sa contest na yan. It’s because if nanalo tayo, sila na ang bahala sa place ng JS natin. It means, hindi na tayo dyan sa quadrangle magdadaos ng JS, para rin naman sainyo yun. Diba?” tumango ako. Naalala ko yung Semi-finals.. 

“Ma’am, question po.” tumango lang si Ma’am. “Hm.. Paano po pala yung Semi-Finals?”

“About dun, manalo o matalo, exempted ka na. Syempre, dadalhin mo ang pangalan ng school, May tiwala akong dalawa sainyo.” Na-pressure ako bigla. Kailangan ko manalo dito, first time ng school sumali. Kaya ko ‘to. Aja!

“Oo nga pala, Tuwing free time at uwian ang training ah, Tsaka tuwing saturday rin, may contact naman ako ng Mother mo, Ipapaalam nalang kita. Then pwede niyo gamiting ang library anytime. Wala na ba kayong tanong? Ikaw, Sir?” 

“W-wala po Ma’am..” sagot ni Sir. Ang tahimik talaga ni Sir. Sobrang taciturn. Hindi kaya napapanis na laway nito ni Sir?

“Wala na rin po akong tanong Ma’am.” Dahil wala na dapat pag-usapan, nagpaalam at lumabas na kami ng office. 

Tinignan ko yung relo ko, 4:30 na. Uwian na rin pala ng teachers. Alam niyo naman na siguro kung bakit ko alam pati yun. 

Naglalakad na ako ng madaanan ko yung clinic. Bukas yung ilaw? Anong oras na may estudyante pa rin? 

Nevermind na nga lang. Mamaya mumu pa yung nasa loob eh. Naglakad na ulit ako palabas ng school papuntang sakayan ng Jeep baka hinahanap na rin ako ni mama. 

Grabeee lang. Bakit ganon? 10 minutes na akong nakatayo dito pero walang jeep? Shems. Sakit na ng paa ako. 

Nakita kong sumakay na sila Ma'am AC at iba pang teachers. Tinignan ko yung relo ko, almost 5'oclock na. Nagugutom na akoooooo!

Sa kabilang kalye kung saan sumasakay ung ibang teachers, nakita ko naman ang isang lalakeng naka-puti. Si Hyunsu ba yun? Bakit galing siya sa school? O sadyang gutom lang ako? Tinitignan ko mismo yung itsura ng lalake pero nahihilo na ako. 

Nang mahimasmasan na ako, pasakay na yung lalaki. Shemay! Si Hyunsu ba talaga iyon?! O nababaliw na talaga ako? 

Grabe.. Nagugutom na talaga ako. Kung ano ano na nakikita ko. 

Makauwi na nga lang..

---

Baka sa Level 10 or basta malapit na, magkakaroon po ng pagkakataon na magsalita ang isang tauhan dito, hindi lang si Kai.. Guess who! :)  

Yun, salamat sa mga nagbabasa! Sana po mag-vote kayo o mag-comment kung hindi niyo po nagustuhan, kung ano po ang opinyon niyo, kung boring, kung nakakatae, kung nakakaiyak.. Mga ganon po. Maraming salamat po ulit~! 

Dedicated sa kanya kasi naalala ko yung one-shot nyang Ang Spelling Bee(external link). Salamat RickRick! :) 

So far, pinakamahabang update. 4 pages! =)) 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...