Bawat Daan (Puhon Series #1)

By pawsbypages

4.1K 501 52

PUHON SERIES #1. Celestine Lim never wanted to be in a long-term relationship during her college years, not u... More

Bawat Daan
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue
Love, Bri
Special Chapter

Chapter Eighteen

69 13 2
By pawsbypages

#BD18 — Study Date

Tinakbo ko agad ang distansya naming dalawa para yakapin siya ng mahigpit. "Yra!"

"Surprise, bitch!"

"Kailan ka dumating? Sino'ng kasama mo? Bakit hindi mo ako sinabihan!" Sunod-sunod na sabi ko, hindi pa rin siya pinapakawalan sa pagkakayakap ko.

Drake fake coughed. "Let's take our seats."

"Ikaw ata ang may utang na-kwento sa 'kin," sabat ni Ophyra.

Nang maka-upo na kaming lahat, nagsimula na rin si Mommy sa pagdarasal bago magsimulang kumain. Mom cooked a lot of dishes for us tonight and I'm pretty sure it's because she knows that Ophyra will come home tonight, too.

"So, ano na nga?" Ophyra narrowed her eyes. "Kayo na?" Tanong niya.

Umiling ako agad. "Hindi pa."

"Ah! So may chance? Nililigawan ka na?"

Hindi naman gaano kalaki at kahaba ang dining table namin dito sa condo kaya tiyak ako'ng naririnig nina Mommy at Audrey ang pinaguusapan namin ni Ophyra. Sinipa ko nang mahina ang kaniyang paa dahil sa pagkakabigla.

Silang dalawa ni Mommy ang nakaupo sa magkabilang dulo ng lamesa namin habang ako naman at si Drake ang nasa harap ni Audrey. Hindi ko rin kasi alam kung bakit may bakanteng upuan sa tabi ni Audrey at kung bakit hindi na lang doon umupo si Ophyra.

"There's still no kami, Yra, I'm still courting her." Drake smoled. "But I'm willing to wait," sabi niya.

"Tita, may alam po kayo rito?" Dismayadong tanong ni Ophyra kay Mommy.

My Mom chuckled. "Yes, hija."

"S-so ako lang ang hindi nakakaalam? Celestine naman, e!" Angal ni Ophyra na parang batang hindi pinayagan makipaglaro.

I laughed. "Ano ka ba! Naging abala lang rin kasi ako sa school, 'no. 'Tsaka, if you're following us naman sa Instagram then you'd probably know na agad." Sabi ko.

"I deactivated my social media accounts..." Mahinang sabi niya.

My face screamed confusion. "Why? Sobrang active mo sa social life, ah? Same old problems?" I asked.

She smirked. "Same old, same old."

Natigil bigla ang usapan namin dahil may biglang nagdoor bell. Ako na dapat ang kukuha no'n pero inunahan na ako ni Drake tumayo. Siya na raw ang magbubukas ng pinto, ituloy ko na lang daw ang pagkain ko dahil ang konti-konti ko raw kumain ngayon kahit na busog pa naman ako dahil sa kinain ko na chicken kanina.

"G-good evening po," bati ng hindi pamilyar na boses sa'min na nang-ga-galing sa may living room.

Nang pumasok na sila sa dining area, napatayo agad si Ophyra para salubungin iyong bagong dating na lalake. Matangkad ito, katamtaman lang ang kutis, medyo mahaba ang buhok at nakapusod ito dahilan para makita naming undercut niya, hindi gaano ka-tulis ang panga pero grabe ang tulis ng ilong, makisig at naka-simpleng shorts at polo shirt lang ito.

"Chase!" Bati ni Ophyra.

Chase opened his arms to welcome Ophyra. Mabilis ang yakapan na ginawa no'ng dalawa dahil hinila na siya ni Ophyra para umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi lang ni Audrey.

"Good Evening, Ma'am," bati ni Chase kay Mommy na nakangiti lang habang pinagmamasdan si Ophyra na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Chase.

"Good Evening, hijo," bati ni Mommy.

"Irene... Not too much, please? Kumain na kasi ako, susunduin lang sana kita," bulong ni Chase kay Ophyra.

Tumango lang si Ophyra bago uminom ng tubig at ngumiti sa'min, "By the way, this is Chase Lopez, my best friend and Chase this is Tita Katherine, Celestine's mother... This is Audrey, Our best friend, too, and this is Drake... Audrey's brother and Celestine's suitor."

"Nice to meet you," nakangiting bati ko habang inaabot ang kamay na nilahad ni Chase.

Tinapik ni Drake iyong kamay ni Chase bago niya ito kamayan, "Drake Medina."

"Audrey Medina," bati ni Audrey.

"Kumain na muna kayo, Chase, bago kayo umalis ni Yra," utos ni Mommy. "Grabe naman 'yang daddy mo, Yra, wala ka pa nga'ng halos dalawang oras dito, pinapasundo ka na agad!" Natatawang dagdag niya.

"Kilala niyo naman po si Dad, Tita, ayaw no'n na hindi kami sabay-sabay naghahapunan," tumatawang sabi ni Ophyra.

"Siya ba ang sumundo sa'yo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

She nodded, "Yes, it was Dad's idea though."

Tumango na lang rin ako at hindi na nagabalang magtanong pa uli tutal ay abala rin naman sila Mommy at Audrey sa pakikipagusap kina Ophyra at Chase. Hindi naman na siguro nila ako kailangan para i-entertain ang bisita.

"You done?" Tanong ni Drake jabang hinihimas ang likod ko.

"Yup, I'm full. Ikaw?"

"Yes, baby. Drink more water," utos niya na agad ko rin namang sinunod.

Umuwi na rin sina Chase at Ophyra pagkatapos namin kumain ng dinner. Hinihintay na rin daw kasi sila nina Tito at Tita para sa family dinner nila. Na-kwento rin ni Ophyra sa'min ang tungkol sa pagbalik nila rito sa Pilipinas.

Ayon sa kanya, dito raw kasi na-assign 'yung isa sa pinaka-malaking project ng daddy niya. Isa raw iyong agency building na pinapatayo rito at ang gusto raw ni Tito ay maging hands on sa proyektong ito kahit marami naman silang tauhan na engineer galing sa kompanya nila.

Galing sa family of Engineers at Architects si Ophyra kaya ang kurso rin na kinuha niya ay Civil Engineer. Ang buong akala ko ay sa ibang bansa na sila maninirahan, hindi ko nga mabilang ilang beses kaming nagiyakan noong nagdesisyon kaming dito sa Pilipinas mag kolehiyo habang siya ay mananatili sa America dahil nandoon ang pamilya niya at naroon na rin ang company nila.

Nang ibigay daw kasi kay Tito iyong project, agad din daw siyang pumayag sa offer ng magulang niya na umuwi muna rito sa Pilipinas habang ginagawa pa iyon. Ang sabi niya ay inaasikaso na rin daw ng magulang niya 'yung mga kailangan niya para makapagaral muna sa University of the Philippines, pansamantala.

"Tita Kath, una na po ako," paalam ni Drake kay Mommy.

Niyakap siya ni Mommy, "Mag ingat ka sa pagmamaneho, Anak."

"Yes po, Tita, thank you for the dinner po... I'll pick her up tomorrow morning po uli," aniya.

Tumango lang si Mommy bago ako ngitian. Hindi ko na siya pinansin pa dahil alam ko naman na aasarin lang niya ako tungkol sa kung ano'ng mayro'n sa'min ni Drake ngayon.

Imbes na ihatid pa si Drake sa parking lot, hinatid ko na lang siya sa may elevator ng floor namin. That is what he wants, hanggang elevator ko na lang daw siya ihatid dahil gabi na at hindi siya mapapanatag hanggat wala ako sa loob ng condo unit namin bago siya umuwi.

Dumausdos na naman ang mainit at malaki niyang palad sa bewang ko, "I'll see you tomorrow, hmm?"

"Wala naman tayong pasok bukas ah? Sabado bukas," sagot ko.

"Uh-huh but we'll have a date tomorrow," malanding sabi niya habang nakangiti at kitang-kita ko na naman ang dalawang malalim niyang dimples.

I wrapped my arms around his neck, "Alright. Good Night, drive safe, and thank you for today... Wag ka na mag-selos do'n, hmm?"

"Tss..."

He kissed the tip of my nose before entering the elevator in front of us. He smiled and waved at me before the elevator door closed. I walked slowly back to our unit while my right hand was still on my chest for support, I can feel my heart beating so fast for him.

"Wake up, Celestine Anastasia," bungad ni Mommy.

"Hmm?"

"Drake's here," aniya.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa sinabi ni Mommy. Drake's already here at ni toothbrush ay hindi ko pa nagagawa! I don't even know what time is it na!

I checked my phone bago ako dumiretso sa bathroom, mukhang hindi nag alarm ang phone ko dahil pass 8am na pala. Binilisan ko na lang ang pagligo at nagsuot ng simpleng gray sweatpants at 'yong white hoodie na binili ko noon sa mall kasabay no'ng kay Audrey.

Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta ngayon at kung ano'ng klaseng date ba iyon kaya ayos na rin siguro 'tong suot ko. Pagkalabas ko pa lang ng kwarto ay siya agad ang bumungad sa'kin. He's wearing a simple black sweatpants and his white hoodie na binili namin sa mall noon.

"Couple outfit?" Tanong ni Mommy.

Umiling ako agad, "H-hindi ko po alam na ganito rin ang isusuot niya..."

"I didn't expect you to wear that either," sabat ni Drake na nakangiting aso na naman.

"I'll change," sabi ko.

"No," mariin niyang sabi bago magmano kay Mommy, "We'll go ahead po, Tita."

"Mag ingat kayong dalawa," ani Mommy.

Nang mapagtantong hindi naman kami sa coffee shop around Mall of Asia pupunta na lagi naming pinagtatambayan, nilingon ko na siya para mag tanong.

"Where are we going?" I asked.

"Tagaytay," maikling sagot niya.

"And for what? Kailangan ko pa mag aral, Drake, hindi tayo pwedeng magpagabi."

"That's the exact reason why I'm taking you to Tagaytay."

"Study date?"

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko. Pinagsiklop niya ang aming mga daliri bago niya halikan ang likod nito, "Yes, baby girl."

"Baliw ka! Hindi ko dala laptop ko at ang mga kailangan ko para makapag-aral!" Iritadong sabi ko.

He glanced at me and the side of his lips rose, "I brought everything that you might need."

At nang tingnan ko ang mga gamit sa likod, napatunayan ko nga na totoo ang sinasabi niya. Dinala niya lahat ng kailangan ko, laptop and ipad pati ang mga charger ko. Dinala pa nga niya 'yung neck pillow ko na nakasabit lang naman sa study chair ko sa kwarto!

"We're still miles away from the coffee shop," aniya habang kinokontrol ang manibela gamit ang isang kamay lang niya.

"Prelims niyo rin ba?" Tanong ko.

"Yes, baby," maikling sagot niya.

"Tiis lang, para naman sa pangarap, e."

"We'll be in the same operating room soon, Tash, right?"

"Hmm... Sure but I should be the lead surgeon."

He laughed, "The confidence, Miss Ma'am."

"Aba! Bakit? Aangal ka ba? Akala ko pa naman dalawa tayo'ng mag-o-pera sa pasyente sa future... Ayaw mo naman pala."

"What? I didn't say that! I'd love to operate on a patient with you, Tash!" Bigo niyang sabi.

Humagikgik ako habang pinagmamasdan ang dalawang makakapal na kilay niya na nakasalubong na naman dahil sa mga sinabi ko.

Damn cute, baby.

Kinuha niya uli ang kaliwang kamay ko para pagsiklupin ang kamay naming dalawa habang nagmamaneho siya. Hinahalik-halikan niya ang likod ng kamay ko habang pinagmamasdan ko ang mga gusali at puno na nadadaanan namin. Maulan-ulan rin rito sa bandang Silang, Cavite kaya tama lang talaga ang suot naming dalawa.

"We're here, baby girl," aniya gamit ang malanding boses niya.

Umiling na lang ako bago kalasin ang seatbelt ko kaso nga lang, e, pinigilan niya iyon. Siya na mismo ang nagalis ng seatbelt ko bago patakan ng halik ang dulo ng ilong ko. He caught me off guard which made me anxious.

Binilisan ko na ang paglabas sa kanyang sasakyan dala-dala ang mga gamit ko. Narinig ko pa ang mga kantyaw niya sa'kin pero 'di ko na siya nilingong pang muli. Nagdirediretso lang ako papasok sa Starbucks na 'to. Doon ako pumwesto sa may overlooking area, hindi airconditioned pero mas gusto ko ito.

Inayos ko na ang mga gamit ko sa lamesa, hindi ko na rin inabala ang sarili ko sa paghahanap kung nasaan ba si Drake ngayon. Alam ko naman na hindi ako no'n iiwan ng mag isa rito. Nariyan lang 'yon sa tabi-tabi.

"You're blushing, Tash," panunuya niya habang nilalapag ang mga drinks na binili niya.

"Stop messing around, Drake Cole," banta ko sa kanya.

Tumawa lang siya at umiling dahil sa naging reaksyon ko. Hindi ko na siya pinansin pang muli, naging abala rin naman kaming dalawa sa sandamakmak na anatomy at physiology notes na binabasa namin.

At dahil punong-puno na rin ng libro, handouts at highlighters ang lamesa namin, napagpasiyahan naming lumipat sa mas malaking lamesa. Kung kanina ay magkaharap lang kaming dalawa, halos malula naman ako sa laki ng espasyo sa pwesto namin dahil sa sobrang lapit niya.

Sa tabi ko siya mismo umupo, nakasanayan ko na rin naman ang ganitong ugali niya. 'Yung gusto niyang lagi lang ako'ng malapit sa kanya. Physical touch ata ang love language nito, e.

"Ang hirap!" Pagangal ko habang minamasahe ang sentido ko.

He massaged my back with his left hand while doing his own work. Hinihimas-himas din niya ang likod ko paminsan-minsan lalo na pag nararamdaman niyang hirap na hirap na ako sa binabasa ko.

He's bringing me too much comfort. With him, everything is just so comfortable. I feel so relaxed... I feel so safe... and I feel so at home.

"You can do it, Doctora," makahulugang sabi niya habang patuloy na hinihimas ang likod ko. "Para sa pangarap, right?"

Tinignan ko siya gamit ang mga mata kong punong-puno ng saya at pagmamahal na galing sa kanya. This man never failed to make me feel loved and appreciated.

This man never failed to push me to do better.

"Para sa pangarap," nakangiting sabi ko sa kanya.

Lumipas ang ilang oras namin sa coffee shop na ito na puro pagbabasa, pag-a-analyze at pag-h-highlight ng kung ano-ano lang ang ginawa namin.

Hindi rin kami masyadong nagkwentuhan sa date na 'to, kumpara sa ibang dates namin na halos lahat ata ng chismis na nasasagap niya ay chinichika niya rin sa'kin.

We're both focused on our own work for today. Pero kahit na sobrang abala kami sa sari-sarili naming gawain, kinakamusta ko pa rin siya paminsan-minsan tulad ng ginagawa niya sa'kin.

"Drake... Pahinga muna tayo? Kanina ka pa d'yan, e, 'di ka pa nagpapahinga..." Nagaalalang sabi ko.

Huling kain kasi namin ay 'yung pasta na inorder niya for lunch. Ang sabi ko sa kanya ay wag na kaming magpagabi pero dahil nagustuhan ko rin naman ang ambiance dito at ang pakiramdam ng pagaaral kasama ang taong mahal ko... hindi ko na muna siya inayang umuwi.

Ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat, "Nagpapahinga na ako."

Pinilit ko ang sarili kong hindi gumawa ng kahit na ano'ng klase ng galaw dahil kay Drake na nakasandal pa rin sa balikat ko habang nakapikit. Marahan kong pinadausdos ang daliri ko sa kanyang buhok.

"Hmm?" He muttered.

"Let's eat dinner? It's already a quarter to 8."

"My baby's hungry?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Drake..."

"C'mon, Tash, don't be so uptight... Don't torture yourself. I know you're in love with me, too."

"Y-yes and we should grab our lunch na," pagwawala ko sa usapan.

"You're cute."

"I know," taas noo kong sabi. "Please order for me, Thank you."

Tatayo na sana siya nang biglang mag ring ang telopono ko, sabay kaming napatingin doon.

'Kazuo is calling...'

"S-si Kazuo..." Bulong ko.

Magsasalita na sana siya nang biglang nag ring rin ang telopono niya. Kinuha niya iyon bago niya ibalik ang kaniyang tingin sa'kin.

'Astrid is calling...'

"Let's answer these calls. Baka importante," aniya.

[Celest?]

"Oh? Kazuo? What's up?"

[Kasama mo ba si Drake?]

Nilingon ko si Drake na abala rin sa kausap niyang si Astrid, "Uh... Oo, why? Ano ba'ng mayro'n?"

[Audrey's drunk at ayaw niyang magpapigil... Pati si Fourth, Celest, hindi niya pinapakinggan...]

"N-nasaan kayo? Bakit ganitong oras? 'Tsaka dapat ay nagaaral tayong lahat, 'di ba?"

[Roof deck kina Rei. Hindi naman kami nag party sa club, Celest. Ipapaliwanag ko pagdating niyo rito. Dalian niyo.]

Binaba ko na agad ang tawag niya para iligpit ang mga gamit ko. Pwede naman ako'ng mag aral sa bahay, ang importante ay makauwi kami sa lalong madaling panahon dahil pakiramdam ko'y may malalang pinagdadaanan si Audrey.

"I'm sorry, Tash, but Audrey needs me right now... We have to go," bigong sabi ni Drake.

"I know... She needs me, too," sabi ko.

Mabilis ang pagpapatakbo niya sa kanyang sasakyan. Wala pa nga ang halos 20 minutes sa biyahe namin simula starbucks patungong Silang, Cavite.

Umiigting na naman ang panga niya at kanina pa lumalabas ang mga ugat niya sa kamay dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak sa manibela.

"Breathe, Drake... Kahit na gano'n ang background ni Fourth ay sigurado naman ako'ng hindi siya ang dahilan kung bakit naglalasing si Audrey ngayon," litanya ko.

His brows furrowed, "If it's not him, then who? Who do you suggest, baby?"

Hindi niya pa rin ako pinagtataasan ng boses kahit na alam kong galit na galit siya ngayon kay Fourth. Sa totoo lang, hindi rin ako sigurado kung ano ba talaga ang dahilan ng paglalasing ni Audrey ngayon.

Sa tingin ko kasi ay tungkol iyon kay Tito Jake ngunit dahil nagkakamabutihan na sila ni Fourth... Hindi ko rin maalis sa isipan ko na baka nga... baka siya nga ang dahilan.

Pero hindi, e, kina Kazuo at Yuriko na rin mismo nang galing... Ngayon lang nila nakita si Fourth na nagkaganito dahil lang sa isang babae... kay Audrey lang siya tumino ng ganito.

"Maybe something related to Tito, again?"

"Astrid gave me every detail that I needed to hear before storming all the way from Tagaytay to Rei's place just to pick my drunk sister up."

"And what exactly did she tell you?"

"Audrey shouted at him, she wanted him to leave but Fourth was too determined to stay beside her. Audrey, then, started to call Fourth's past girls through his own phone."

"Past girls, huh? Past na pala, e, so ano'ng problema mo doon?"

"Ang sabi ni Astrid, pinigilan daw ni Fourth si Audrey sa pagtawag kaya lalong nagalit kapatid ko. Audrey decided to call her friends to tell them that Fourth is single and willing to bring them to heaven, goodness!" Hinampas niya 'yung manibela.

"Bakit naman gagawin ni Audrey, 'yon? Nagkakamabutihan sila, 'di ba?"

"He's cheating on my sister," mariin niyang sabi. "I can't wait to punch the shit out of him."


<3

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 1.4K 44
She woke up from the deep but uncomfortable sleep. The moment everybody's been waiting for, As the brilliant sun flashes through her gentle face. Her...
74.4K 1.9K 43
WAR #2: IN THE MIDST OF THE WAR -- "In the midst of the war you came... and changed everything." -- [ completed ]
7.2K 330 33
JIRAANAN SERIES #2 In this Wealthy Family, Jacques is the first grandchild and carried most of the family and social pressure. His life changed when...