Missing the Wildwaves [Provin...

By hixlow

5.2K 211 13

"Whenever we are close to each other, there is something like a butterfly I feel in my stomach" Like the soun... More

Missing the Wildwaves
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
28
29
Epilogue
Special Chapter
🤍
Author's Note

27

120 5 0
By hixlow

Kinabukasan, pag bukas ni Ethan ng pinto ng kwarto ay hindi namin sinasadyang marinig ang usapan sa ibaba. "Pag bigyan niyo na ako. Gusto kong maka-usap si Lahari." Pag mamakaawa ni mama.

"Ate, intindihin mo muna ang kalagayan ng anak mo. Buhay na buhay pa yung mga ginawa mo sakaniya... sakanila ni Levi noon." Tita Lia replied while shaking her head a bit.

When I felt Ethan holding my hand I smiled a little. "I'm here, just hold my hand." He whispered kaya walang pag aalinlangan ko iyong hinawakan ng mahigpit.

"Ngayon lang, Lia. Ngayon lang. Kahit... saglit lang," sabi muli ng mama ko, ako iyung nasasaktan dahil sa pag mamakaawa niya.

Nanghihina kong isinara ang pinto bago mag tungo sa kama at umupo doon. Tinabihan naman ako ni Ethan bago niya ako yakapin. Parang may kung anong bumato sa puso ko dahil sa naramdamang sakit.

"E-Ethan," naiiyak na tawag ko sa lalaki.

"Shhh... I'm here. I'm here, mahal. You can lean on me. Just cry all you want." Sabi niya bago haplusin ang likod ko.

Wala akong nagawa kung hindi ang yumakap sakaniya at umiyak. It hurts. Ang sakit-sakit sa dibdib. Ang mama ko... yung mama ko nag mamakaawa na makausap ako.

"E-Ethan... yung mama ko, n-nag mamakaawa siyang maka-usap ako. Ang sakit-sakit dito," humahagulgol na sabi ko bago ituro ang dibdib kung nasaan ang parteng puso, "a-ang hirap, hindi ako sanay na m-makita siyang mag maka-awa. Kasi, dati sana'y ako na ako ang g-gumagawa nun, eh. Ako yung nag mamakaawa dati, pero wala siyang p-pake." I tried to laugh at that part but my tears just flowed again.

"It's okay, ilabas mo lang lahat. Umiyak ka lang," he whispered.

"Nasasaktan ako. K-Kasi, hindi ko kayang makita na nag mamakaawa si mama. Pero si mama, a-ayos lang sakaniya iyun." Saglit akong tumigil para punasan ang mga luha, "ayos lang s-sakaniya na mag makaawa ako. S-Sabi pa nga niya noon, 'kahit umiyak ka ng dugo, iiwan at iiwan ko kayo ng kapatid mo'. Thirteen lang ako noon... pero n-naranasan ko ng abandonahin ng sarili kong pamilya."

Umiyak lang ako ng umiyak kay Ethan. Nilabas ko lahat ng sakit. Nang huminahon ako kakaiyak ay niyakap ako ni Ethan.

"I'm so proud of you," sabi niya na ikinangiti ko.

"Ethan, hindi ko alam ang gagawin ko." Pag-amin ko, naguguluhan ako. May parte sakin na gusto ko ding kausapin ang mama ko pero may parte pa sakin na ayaw kasi natatakot.

"Kung ano ang tama Lahari, iyon ang gawin mo. Pero wag mong biglain ang sarili mo," he said then smile. "Gusto mo ba siyang kausapin?" He asked gently.

Umiling ako bago yumuko at pinag laruan ang daliri, "n-natatakot ako, Ethan. B-Baka saktan niya ulit ako," nanginginig na sabi ko.

"Kausapin mo siya kapag ready kana. Maiintindihan niya iyon, okay?" Tumango ako sa sinabi niya, "pero huwag mo patagalin, kasi hindi umaatras ang oras."

Muli akong nahiga sa kama nang mag paalam si Ethan na bababa saglit para kumuha ng pagkain. Ipinag pahinga niya nalang muna ako dahil daw baka napagod ako kakaiyak.

While alone in the room I smiled bitterly as I remembered what had happened before.

"M-Ma, b-bakit po hindi na u-umuuwi si papa dito satin?" Tanong ko kay mama habang naglalaba ito.

"Bakit? Gusto mo ba na andito ang babaero mong ama?" Malumanay na sagot niya.

"B-Babaero po?" Naguguluhang saad ko, si papa babaero?

"Oo, iyang babaero mong ama pumatol sa malandi kong kaibigan!" Napa-atras ako nang tumaas ang boses niya, natatakot ako.

"Ikaw at ang kapatid mo ang malas sa buhay ko! Sana hindi ko nalang kayo ipinanganak! Wala kayong mga kwenta, sinabayan pa ng magaling mong ama." Turan niya bago hilahin ang mahaba kong buhok.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko dahil sa sakit, "m-ma nasasaktan po ako." Iyak ko dahil ang sakit ng paraan ng pag hila niya sa buhok ko

Marahas niyang tinggal ang pag kakasabunot niya sa buhok ko kaya halos mapaupo ako, "mag impake-impake kana, Lahari. Doon nalang kayo sa lola niyo. Nakakasawa kayo. Gusto ko nalang mag punta ng ibang bansa at makapag palamig ng ulo. Makakahanap pa ako ng matinong asawa."

Lalo akong naiyak dahil doon, "i-iiwan mo po kami? M-Ma, t-two years old palang si Levi. H-Hindi ko po siya kayang alagaan mag i-isa."

"Kaya nga doon kayo sa lola niya diba!? Hindi nakakaintindi! Bobo talaga!"

Sunod-sunod na namang tumulo ang mga luha ko sa naalala. Mahina kong hinampas-hampas ang dibdib dahil hindi ako makahinga sa sobrang sikip.

"Hey! Sabi ko naman sayo wag kana muna mag-isip ng kung ano-ano, eh." Saad ni Ethan pagpasok bago ilapag ang tray sa side table at tumabi sakin, "tahan na. Bahala ka, papangit baby natin, kasi umiiyak mommy niya." Dagdag niya bago ngumisi.

Napailing nalang ako bago ipalibot ang braso sa bewang niya. "Samahan mo ako bukas, mag pa check-up sa OB." Sabi ko bago sumiksik palapit sa dibdib niya.

Maingat niyang sinuklay-suklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. "Hmmm, don't need to remind me. Iyan talaga ang commitment natin tomorrow morning." Sabi niya bago halikan ang ulo ko.

I smiled.

"Saba'y nalang tayo kumain sakanila," saad ko na kinakunot ng noo ni Ethan.

"Sure ka?" Ethan assured so I nodded.

Nang makababa ng hagdan ay kaagad kong naamoy ang mabangong ulam, "hmmm, bango ahh mukhang masarap!" Sabi ko bago maupo sa bakanteng silya, tumabi sakin si Ethan bago ako sandukan ng kanin.

"Of course, best recipe ng mama mo iyan." Sabi ni tito Liam, maingat akong lumingon kay mama na naka-yuko lang. Hinintay ko siyang mag angat ng tingin bago bigyan ng isang ingiti.

Dahil sa sobrang sarap ng caldereta na luto ni mama... ng mama ko ay naparami ang kain ko. Nag luto pa siya ng egg stick na sobrang paborito namin ni Levi dati.

Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan ko siyang nag liligpit ng mga pinag kainan. Parang... bumalik kami sa dati.

"Mi, aalis ako, ah. May meeting kami kasama ng mga iba pang engineer." Paalam ni Ethan pagpasok ko sa kwarto, nakaligo na siya at naka-bihis na din.

"Saan kayo mag m-meeting?" I asked, lumapit siya sakin bago ako hagkan sa noo.

"Sa Shakey's," saad niya bago mag kibit-balikat, "anong gusto mo, t-take out ako. Pasalubong."

Umupo muna ako sa kama bago sumagot, "hawaiian delight." I simply said, then he nodded.

Nang maka-alis na siya ay naligo na muna ako bago patuyuin ang buhok at natulog. Nagising nalang ako nang kumatok si Levi sa pinto bago pumasok.

"Bakit?" I asked, ngiting-ngiti kasi.

He shrugged, "wala naman. Nakausap ko si mama, ate, ang gaan dito." Ngiti niya bago ituro ang dibdib.

I nodded, "good for you." Simpleng saad ko, nakakainggit kasi okay na siya, samantalang ako may bigat padin na dinadala.

"Eh, ikaw ba? Hindi mo pa kakausapin?" He asked.

"Hindi pa ako handa," simpleng saad ko na kinatango niya.

Saglit pa kaming nag kwentuhan bago maisipan na bumaba para mag meryenda. Sakto naman dahil nakita kong sama-sama sila sa baba na kumakain ng banana cue , halo-halo, at mga street foods, may soft drinks pa!

"Akala ko ba, no more soft drinks na?" Saad ko bago manguha ng stick ng banana cue.

"Ngayon lang naman, nurse. Namiss namin uminom, eh." Tita Ali said then grinned.

Napailing nalang ako bago kumuha ng tubig at maupo sa tabi ni mama. She carefully poured coke into her glass before drinking. Patagong kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang namumuong ngiti sa labi, nang mapigilan ay walang pasabi kong kinuha ang baso ni mama bago iyon inuman.

Gulat na tumingin siya sakin habang ang iba ay busy sa kwentuhan. Ngumiti lang ako, hahawakan ko na sana ang kamay niya para hilahin patungo sa garden nang pumasok si Ethan na ang daming dalang box ng pagkain.

Agad na tumayo si Levi para tulungan ang kuya bago ilapag sa lamesa ang mga pagkain. "Anong meron, bakit ang dami mong binili?" Taas kilay kong tanong bago buksan ang hawaiian delight.

Umiling si Ethan bago ako lapitan at halikan sa noo bago din maupo sa tabi ko. "Celebrate," he shrugged.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, "celebrate?" Tanong ko, anong i-cecelebrate?

"Pregnant ka, mag kaka-baby na tayo. Tapos na-promote ako bilang head ng department namin... thankful na din kasi hindi kana nag hahanap ng strawberry taho." Mahabang turan niya na umani ng tawanan dahil sa huling sinabi.

Mabilis akong yumakap sakaniya, "congratulations, engineer!" Bati ko bago tumingin kay Levi, "hindi mo babatiin ang, papa kuya Ethan mo?" Naka ngisi kong tanong sa kapatid.

Lalo kaming nag tawanan dahil sa itsura ni Levi na parang masusuka. "Oh, bakit parang hindi mo tanggap?" Taas kilay ni Ethan.

"Oo nga Levi hahahaha. Sabihin mo nga ulit yung 'papa kuya Ethan'." Kantiyaw ni tito Liam.

"Ewww, tito." Saad ng kapatid ko.

"Ang kapal mo, feel na feel mo ngang tawagin si Ethan ng ganun dati!" Singhal naman ni tita Lia at tumawa pa.

Nang tignan ko si mama ay nakangiti lang ito habang nakatingin sa baso niya na wala ng laman.

Lumapit ako kay Ethan bago bumulong. "Kausapin ko lang si mama," saad ko. Tumango siya bago ngumiti at bumalik sa pakikipag tawanan sa mga kasama namin.

Kumuha muna ako ng pizza bago hawakan ang kamay ni mama at tumungo sa garden. "Ma, tumingin ka sakin." Saad ko at ngumuso, nag kunyaring nag tatampo.

"A-Ano... u-uhmm---" putol-putol na saad niya, hindi alam ang sasabihin.

Iiling-iling naman akong tumabi sakaniya bago humiga sa lap niya, "mag kwento ka mama, gusto kong malaman ang mga nangyare sayo sa ibang bansa."

Matagal bago siya mag reak sa sinabi ko, mabagal niyang hinaplos-haplos ang aking buhok bago mag salita.

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 206K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...
584 187 19
It was a nightmare for Attorney. Ceridwen to fall in love with Ace Sebastian Montemor who betrayed her, the womanizer doctor who fell inlove with her...
674K 59.9K 35
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
14.6M 390K 29
I watched his full lips turn up into a smirk and in that moment my heart stopped beating, my mind stopped thinking. Instinctively, I leaned in to clo...