Embracing the Night Skies

By notyourangelx

4.9K 382 1K

El Cielo Series #2 ✔️ Genesis taught herself how to stand alone and survive on her own; because to her, life... More

Embracing the Night Skies
Dedication
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Note

15

72 7 2
By notyourangelx

Chapter 15
Sunshine

TW: Abuse

No matter how many times I try to deny it to myself, I know that Ethan was right.  I was careless... really careless for a reason. Alam kong gusto kong malunod. It was 50/50. Half intentional, half unintentional. Ang nasa isip ko lang ng mga oras na iyon ay sana tangayin na lang ako ng alon. I wouldn't care if I would survive or not.

Right. Now that I'm pondering my actions, I realized that it was actually an attempt.

The glass door creaked when I pushed it.
Ang hirap nitong itulak, parang may nakadikit sa sahig. Sa loob ng souvenir shop ay naghanap ako ng pwedeng baunin pauwi. My eyes darted at those pile of wooden music boxes. Agad akong nabighani nito dahil ito 'yung nakikita ko sa Facebook. Mas marami pala ritong stock saka mura.

I walked towards that aisle and examined each box. Sa bawat music box ay nakapinta ang title ng kanta. Kinuha ko ang isang may naka calligraphy na "You are my sunshine", I wanted to hear the sound if it's working well.

Kinalikot ko ang wind up music box. The sweet lullaby somehow brought nostalgia in my system. Sa utak ko ay sinabayan ko ang pag-hum dito. Slowly my lips curled up. I'm going to buy this for him. He's kind of a sentimental person. Magugustuhan niya ito.

"You make me happy when skies are grey." I sang quietly. Patuloy kong inikot ang knob kaya umulit na mula sa simula ang melody ng kanta.

"Gusto mo 'yan? Bilhin ko na." Auntie Fatima nonchalantly stated. Nasa likod ko pala siya.

"Ako na, Auntie. May pagbibigyan po ako." Binigay ko sa kaniya iyon kasama ang tatlong keychain na para kina Alice, Aria, at Lalhaine.

"Genesis, okay ka lang ba? Nag-eenjoy ka pa ba?" The concern laced in Auntie's voice made me want to pretend more. "Pagpasensyahan mo na ang uncle mo ah. Kung kailangan mo ng kausap pwede ka magsabi sa akin."

Ang dami nilang nagpapaalala niyan. Pero hindi ko alam kung bakit ang hirap magsabi. Marahil ay hindi ko alam kung saan magsisimula. You can't blame me. People love to dismiss me when it's my turn to express my feelings.

"Opo, Auntie." I scratched my not-so-itchy hair. "Na carried away lang ako kanina, hindi ko alam na nandoon na pala ako sa malalim."

"Mahirap kapag kinikimkim ang problema, 'nak," Out of context niyang sabi. Hinaplos niya ang buhok ko. "Alam kong hirap ka magsabi kaya hihintayin kong maging handa ka."

At least... may isa sa pamilya ko na sinusubukan alamin ang nararamdaman ko.

Binuksan ko ang bintana ng kwarto ni Mommy. Sinilip ko ang buwan at mga bituin sa langit. What a beautiful sight of the night sky. Despite being dark, the undeniable beauty still remains. Pangatlong gabi ko na rito at so far, matapos ng insidenteng iyon sa beach ay nakapag muni-muni ako.

I rested my chin on both palms. Kung dito kaya ako tumira? Ganito kaya ang masasaksihan ko gabi-gabi? It's peaceful. I could only hear the chant of crickets outside. Ang tunog ng nahuhulog na mga dahon pati na rin ang tahol ng ilang aso ang naririnig kong ingay. Walang sigawan, walang away.

Sasaya na kaya ako kapag iniwan namin si Daddy? What would life bring if he's not in our lives?

I was in the middle of my deep thoughts when my phone rang. Bumalik ako sa kama para kunin ang cellphone. A smile automatically crept on my face when I saw his name.

Kung dito kaya ako titira, mananatili pa rin ba siyang kaibigan ko?

Bigla akong natauhan kaya marahan kong sinampal ang kanang pisngi.

"Naloka na..." Hinimas ko ang pisngi dahil nagising ako sa katotohanan.

"Ha?"

"Ha?" Sagot ko pabalik. Oh shit! Napindot ko pala ang answer! "Ah! Haha! Hello."

"Hindi ka nag reply sa dm ko." May halong pagkadismaya sa tono niya. I bit my lower lip. Na i-imagine ko siyang nakanguso ngayon.

"Busy ako, hindi ako masyadong nakakabukas ng phone ngayon. Panay ang gala namin." Pinagpatuloy ko na ang pagsusulat sa notebook ko.

"Okay na lang din pala. That's nice. You should enjoy." Mukhang nakabawi na siya. "Ano'ng ginagawa mo ngayon?"

"Wala, nagsusulat lang ng kung ano-ano. Sinusubukan kong... gumawa ng tula." Binaling ko ang atensyon ko ro'n sa page ng notebook ko na panay ang bura. I was fixing the first line.

"Talaga? Parinig!"

"Huwag na! Nakakahiya. Pangit."

"Hmm okay. Pabasa mo na lang sa akin kapag tapos mo na."

"Okay," Ibibigay ko rin naman sa kanya kaya para saan pa kung mag-inarte ako 'di ba? "Anong nangyari sa date n'yo ni Misty? Hindi mo ako kinuwentuhan." I draw small circles while waiting for his answer.

Gusto ko malaman kung ano ang mararamdaman ko. I want to learn how heavy it feels if ever he is with someone else. Para alam ko ang capacity ko.

"Casual lang, wala namang kakaiba. Date."

"Ang corny mo naman magkwento. Wala man lang details!" I retorted.

"Sinabi ko na sa 'yo. Pang one time lang 'to." He explained calmly. "Saka... may gusto akong iba..." he almost said in a whisper.

"Care to share?" I bit my index finger. Naramdaman ko ang paglundag ng puso ko. Sa pinaghalong sakit na may gusto siyang iba at sa tuwa na hindi si Misty iyon.

Nakakatanga pala 'to.

"Next time, kapag ready na ako." Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Oh, okay." I said casually, kahit ang totoo ay pinipiga na ang puso ko. "So... see you on Saturday? Sasama ka ba? Mag ba-bar kami ni Aria."

"Bar?" May bahid ng pagtataka sa kanyang boses. "Kayo lang?"

"Kung sasama ka, tatlo na tayo. First time ko sa gano'n kaya sama ka na!"

He sighed. Tila ba naramdamam ko ang init ng hininga niya sa batok ko. Napahawak tuloy ako roon.

"Sige, sasama ako."

Tinakpan ko ang screen ng phone ko. "Yes!" I mouthed. Namula ang pisngi ko nang makita ko ang hitsura sa salamin ng tukador.

Screw you, Gen. Make sure that your intentions are for platonic purposes only! Shuta ka. Halatang halata ka!

"Thank you!"

"Malakas ka sa akin e." humalakhak siya. "Goodnight, Gen. See you on Saturday."

"Goodnight."

Ipinasok ko na sa drawer ang cellphone. I transferred the poem to a scented paper. Pumili ako ng isang magandang ballpen para ro'n. I wrote it in cursive for the aesthetic vibe.

I hope you find a place where you would always feel safe

A place where loneliness is not addictive

A place where the tranquility you desire lives

May you find a person who truly deserves you

A person that won't leave after giving you a taste of euphoria

Someone you can call your home

—Genesis

Wala akong maisip na title kaya hindi ko na lang nilagyan. Hindi mga magkaka-rhyme iyan pero bahala na. Hindi naman talaga ako pang gan'to. Sana magustuhan niya.

"Putangina alak pa!" Hiyaw ng mga tao kasabay ng pagtalon nang mag beat drop.

Sinabayan namin sila nina Kael sa pagtalon. This type of Saturday night only happens once in a while. Kailangan ko sulitin. Kailangan ko maging masaya. May the alcohol drown all of my unsaid thoughts.

Hindi lang ako maka-focus dahil iniisip ko si Aria na sumama ro'n sa kakakilala niyanglalaki. May ilang babae rin sa grupo nila. Pareho naman kaming alam ang limits namin kaya hinahayaan ko lang siya. She has a high alcohol tolerance. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala.

"Doon tayo?" Kael blocked my sight of the view. Nang tumango ako hinatak niya ang kamay ko papunta roon sa gawi ni Aria.

Para kaming chaperone ni Aria na pasimple siyang binabantayan. Pasimple ko ring sinasabayan ang pag-shot niya. Nakatatlong sunod-sunod na siya kaya hindi ko namalayang ganoon na rin pala ang ginagawa ko sa vodka.

"Genesis, can I tell you a lie?" Kael called. Sinasabayan ng boses niya ang lakas ng musika kaya medyo naging mahina ito sa pandinig ko.

I hooked my arms around his neck. Inilapit ko ang sarili ko sa kanya para marinig siya ng ayos. I noticed how he stiffened but I did not care. May tama na rin ata ako dahil pakiramdam ko ay inuugoy niya ako.

"Hindi ko narinig, paki-ulit."

"Ngayong gabi, pwede ba ako magsinungaling?"

"I thought you value honesty? You don't like liars?" I don't know what has gotten into him.

"Mas madali sabihin..."

"Okay." I nodded and hanged on tight para malinaw ang sasabihin niya sa pandinig ko. Bahala na siya naiintriga na ako.

"I don't like you."

Humagikhik ako sa sinabi niya. Umaalon ang paningin ko kaya napayakap na lang ako para masuportahan ang bigat ko. Pagsisisihan ko lahat ng maaring gawin at masabi ko ngayong gabi pero bahala na. The influence of the alcohol was too much. It is slowly taking over my system.

"'Wag mo akong nire-reverse psychology! Siyempre gusto mo 'ko kasi kaibigan mo ako. Hindi mo naman ako sasamahan kung hindi 'di ba?" I smiled.

Hinawi ko ang kaunting porsyento ng bangs niya. The different colors of the light illuminated his face. My drop of sunshine is so handsome. I traced his brows, nose, and my fingers landed on his lips.

"Can I do something stupid?" I cupped his cheeks. Hindi siya sumagot. He only held onto my waist so I won't fall. Ramdam ko ang init na dumadaloy sa buong katawan ko, kapag hindi siya gumalaw... shit. My eyes remained at those lips.

I am so close to have a taste of it. Nalapatan na 'yon ng labi ko noon kaya alam ko ang pakiramdam. But now, I want more... just one taste, kung mapagbibigyan.

I didn't think twice and closed the short distance between us. Iniwas niya mukha niya kaya sa gilid ng labi lang dumaplis ang halik ko.

"Huwag dito Genesis, tipsy ka. Kiss me when you're sober... Don't consider it stupid." Ngumisi si Kael. "Huwag mong kakalimutan."

Biglang bumalik ang ulirat ko sa kislap ng mata niya. Siya naman ang naghawi ng buhok ko. Inilagay niya lahat ng iyon sa likod ko para hindi ako mainitan. Bahagya ko siyang tinulak dahil sa kahihiyan. Sa katangahan ko ay muntik pa akong matisod pabaligtad kaya inalalayan niya muli ako para tumayo.

Shit. Shit. Shit!

Medyo lumayo kami kay Aria. Doon kami sa hindi masyadong maingay. Pawala na nang pawala ang tunog. Sa may bandang aircon kami napunta.

"You need some air. Nakarami ka na. Gusto mo ba mag Mc. Do?"

Tumango ako.

"Okay, huwag kang aalis diyan. Susunduin ko lang si Aria."

Kapwa kami natigilan nang lingunin namin ang gawi ni Aria. She's already making out with the guy! Mukhang hindi naman siya lasing pero... akala ko... may boyfriend siya?

"Wow," Kael gulped. Halatang hindi siya makapaniwala sa nakita. Ako rin naman. "Aabalahin ko ba sila?" nag-aalangang tanong niya.

"Ako na, puntahan ko." tinapik ko ang balikat niya. Pero bago pa ako makaalis ay hinatak niya ang braso ko. I glared at him. "Bakit?"

"Suot mo 'to," Ipinatong niya sa balikat ko ang black leather jacket niya. Hindi ako nakakilos. I pressed my lips together when he literally put my arms in each sleeve. Para akong lumulutang na hindi ko maipaliwanag. "Go."

"Aria!" I grabbed her arm. "Alis na tayo."

She looked at me, emotionless. 'Yon na talaga ang signal ko na kailangan namin magpatanggal ng tama kasi miski siya ay nakarami na. Hindi kami baby, pumunta kami rito sa bar at responsibilidad namin ang mga sarili namin kahit pa kasama namin si Kael.

"Aria, you're friend here is interesting. Pakilala mo naman ako." siniko ng isang lalaki si Aria. Bumaling ito sa akin. "Hi miss, I am Jake. Can I have your number?"

Namilog ang mata ko kay Aria ngayon. Bakit hindi siya naimik? She could've shut this person out. Alam niyang hindi ako komportable.

Umiling ako. "No, I have a boyfriend."

Umawang labi ni Aria sa naging sagot ko. Hinatak ko na siya ng walang pasintabi dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon! Hindi ko mabasa ang laman ng isip niya.

Aria eyed me. Nakita kong nagtagal ang tingin niya sa suot kong jacket. "So taken ka na pala ha? Bakit hindi ko alam 'yan?" she scoffed.

"Kasi hindi naman totoo, at kailangan na natin umalis. Na-enjoy na natin ang gabi. Okay na." Inalalayan ko siya para hindi siya matumba.

"Nililigawan ka na ba niya?"

"Hindi," inis na sagot ko.

"Chill, why are you so defensive? Maayos naman akong nagtatanong." May bahid na rin ng pagkairita ang boses niya.

"Kasi lahat kayo 'yon 'yung iniisip! Nakakairita na. Bakit ba hindi n'yo na lang kami hayaan mag-decide kung ano kami?" I frustratedly ran my fingers through my hair. "Magkaibigan lang kami no'ng tao!"

"Gusto mo ba siya?" tanong niya sa maliit na boses.

I didn't answer—I still can't give a definite answer. Kasi nililinaw ko pa ito sa isipan ko.

"Right." Nag-iwas siya ng tingin at nauna nang maglakad.

Doon kami kumain sa labas ng Mc. Do. Presko, dinig ang ingay ng ka-Maynilaan. Baka kasi kapag sa aircon pa ay makatulog lang ako dahil dinadalaw na rin ako ng antok. Mcchicken sandwich at sprite ang in-order nila para sa akin. Pumagitna ako sa kanilang dalawa. Kung sa school lang 'to, uupo ako rito sa bilog na table.

Akala ko ay magtatalo pa kami ni Aria. Nagkaroon kami ng tensyon kanina kaya ngayon hindi ako sigurado kung ayos lang ba kami. Ayokong mag-sorry. Wala naman akong kasalanan. Hindi ko tuloy alam kung ano ang plano. Sa akin pa naman siya matutulog ngayon.

Saka ano naman kung sakaling gusto ko nga si Kael? Alam naman niyang mabait ang pinsan niya. Ako nga wala akong 'say' kung kanino siya makipag-chukchakan e. Kasi kahit kaibigan niya ako, alam kong may boundaries siya. Alangan namang itali ko siya sa palda ko.

"Bakit may mga taong sinasaktan ang mga taong mahal nila?" Tanong ko nang dumapo ang mata ko sa ang isang babaeng umiiyak. They are on the other side of the road and she was reaching for the guy's hand.

Bongga 'di ba? Sa kalsada pa ang break up. Kung ako 'yung babae, hindi ako maghahabol. I would never let anyone ruin my pride like that.

"It's either they love them too much or they don't love them at all." Aria answered lazily.

Napatingin kami ni Kael sa kanya.

"If they love them too much, why hurt them?" Sa akin naman sila tumingin. I rolled my eyes. "Tinutukoy ko kasi 'yong mag-jowa..." nginuso ko ang dalawa na hindi pa rin tapos sa break up nila. Bakit ba kasi kailangan sa public place gawin?

"Hindi natin alam ang kwento," Kael said meaningfully. "Lahat naman tayo makakasakit, sa iba't ibang paraan nga lang."

"So agree ka diyan sa ginagawa no'ng lalaki?" Pinaningkitan ko siya ng mata. Alam ko namang hindi siya sang ayon, gusto ko lang malaman side niya.

"Hindi, pero ang akin lang huwag muna natin sila husgahan." Nag-kibit balikat siya. "But personally, hindi ko gagawin 'yan. Kahit naman gaano kasama ginawa sa 'yo no'ng tao, minahal mo pa rin naman 'yon. Saka pakiramdam ko, masasaktan ko lang din ang sarili ko kapag ginawa ko 'yan. You wouldn't want to see the person you love to be in so much pain..."

Nakatingin na kaming tatlo ro'n sa babaeng nakaluhod na at nagmamakaawa sa boyfriend niya. But in the end, he shoved her hand away. Naglakad siya ng diretso at hindi na nilingon pa ang nobya. Bakit kaya sila umabot sa ganiyang punto?

"Agree." Aria said.

Bumuntong hinga ako. I wonder what goes on in my father's mind every time he hurts my mom. Sa tuwing marahas na dumadapo ang kamay niya sa pisngi ng nanay ko, nasasaktan din kaya siya? Does it hurt him more than it hurts her? Kasi iyon ang katwiran ng karamihan sa kanila.

Love comes with hurt. Love comes with suffering and sacrifices, and that includes pain. Funny how they imprinted that in our minds.

But the real question is, how long can you endure the pain that has been the price of loving?

"What's with the deep sigh?" Tanong ni Aria.

Wow, bati na pala kami.

"Wala, inaantok lang ako. Idlip lang ako, magkwentuhan lang kayo." I cross my arms over my chest habang naka dekwatro. Itinukod ko ang siko sa isang braso. I held my forehead by the tips of my finger.

I stayed in that position for a while dahil babagsak na talaga ako sa pagod.

"Gen," naramdaman kong may kamay na yumugyog sa balikat ko. Nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko ang maaliwalas na mukha ni Kael. "Uwi na tayo. Pagod?" he gently asked.

"Ang sakit ng paa ko." I moved my foot in circular motion. Kakatiis-ganda ko 'to e!

"Pasan kita, malapit na lang naman." Kael squatted and tapped his back.

Kumurap ako ng dalawang beses. He wants me to do—what?

Shit malala! Pagod na ako kumbinsihin ang sarili ko na platonic ang lahat ng 'to!

Pero masakit na rin kasi  'yung paa ko...

"Bitawan mo na ako kapag hindi mo na kaya. Mabigat ako." Nag-set na agad ako ng disclaimer. Kahit may pag-aalinlangan pa, tumayo na ako para pumasan sa kanya.

Lord, sana po hindi ako gano'n kabigat nakakahiya.

Tumingin si Aria sa aming dalawa. Nang magtama ang tingin namin ay nag-iwas na naman siya ng tingin. Nalimutan ko, masama pa rin pala loob niya sa akin.

He carried me carefully as if anytime I'm going to fall. Tumayo siya ng tuwid saka nagsimulang maglakad. Sinandal ko ang mukha ko sa likod niya. I draped my arms around his neck, siyempre maluwag lang. Sinusubukan ko maging komportable sa pwesto ko dahil naiilang ako na hawak niya ang parehong legs ko.

Lumingon ako sa gawi ni Aria. Both of her hands were in her jean's pockets.

"You know what? Life is shitty but at least I have you both." I said when I finally relaxed. Amoy na amoy ko ang pabango ni Kael. He still smelled fresh kahit na ang dami na naming ginawa ngayong gabi.

"Naks, nasali pa ako ah." Pang-aasar ni Aria.

"Ayaw mo ba? E 'di huwag." Umirap ako. Hindi talaga ako biniyayaan ng mahabang pasensya. "Oh ikaw, bakit nangingiti ka?" Puna ko kay Kael.

"Wala, may naalala lang ako."

"Care to share?" I adjusted my head to see his reaction.

"Ayoko, sa akin lang 'yon." He bit the insides of his cheeks.

Umakyat ang dugo ko sa buong mukha nang may maalala. Ang kalat ko pala kanina! Sigurado ako na 'yun 'yung ngingiti ng lalaking 'to!

"Hindi mo talaga i-she-share?"

"Hindi." He firmly said, there's still a ghost of a smile on his lips.

"Ngiti ka nang ngiti diyan tapos hindi mo ikukwento. 'Pag ngumiti ka pa crush mo 'ko." Pinindot ko ang pisngi niya. At sa isang pagpindot ko na 'yon ay kumawala na ang isang ngiti sa labi niya.

Ang saya niya huh?

"Hay, sabi na e, crush mo 'ko e. Pero kung sabagay, sino ba namang hindi? Minsan nga kapag nakatingin ako sa salamin na-i-in love na ako e." Pinaypayan ko ang sarili.

"Genesis nakakahiya!" Sinita ako ni Aria.

"Bakit? 'Di mo ba ako naging crush? Sabi mo naging girl crush mo ako kasi ang ganda ko. Yie." I teased her. Ang saya asarin ni Aria tungkol do'n. The look on her face? Priceless! "Ang hirap talaga maging maganda, shocks."

Kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni Aria kaya lalo akong naaliw.

"Sigurado ka na bang wala kang tama?" Seryosong tanong ni Kael. But with his tone, I know that it's not just his concern speaking. Nakita ko iyon sa ngisi niya.

Alam kong gusto niya na maalala ko 'yong nangyari kanina. Which I clearly remember! Gusto ko na lang lumubog sa lupa!

"I'm sober."

Tumigil siya sa paglalakad. Nilingon niya ako, na tila sinusubukan kung hanggang saan ang kaya ko masabi.

"Bakit?" I arched a brow.

Umiling lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. He somehow looked disappointed which made me feel guilty. I tightened the hug and rested my face on his nape.

Sorry Kael, sorry. To pretend not to remember anything and to lie about my feelings is easier than having a heartbreak. I don't want to break your heart. You're too good, too pure, and I would never deserve you.

What I did tonight is to protect us from the possible pain...

Umamin na siya.

He likes me.

Kael likes me too.

We spent our days like the usual, as if he did not confess weeks ago. He treated me the same. Ganoon siya kabait.

Tonight is one of those nights that we eat out dahil hindi pa kami makatulog. Hindi ko na tinignan kung anong oras na basta alam ko ay madaling araw na.

"Uhm, nalimutan ko ibigay... sa dami ng ginagawa ko." Inabot ko 'yung music box sa kanya.

I saw how Kael's face lit up. Nangunot lang ang noo niya nang mahulog ang isang pink na papel sa sahig. He picked it up and curiously eyed it. He flipped it with his fingers to read the words I wrote wholeheartedly.

"Ginawan mo ako ng tula?" it wasn't a question, it was a statement. The way his brow shot up ay parang hinuhuli ako nito magsabi... umamin, rather.

"Yup, practice lang. 'Wag mo husgahan ang writing skills ko ha, hindi ako pang ganiyan."

"Read it to me." Parang bata na saad niya. Inaabot niya sa akin 'yong papel.

"Wala ka bang mata? Kaya mo na 'yan."

"Dali na," Kinuha niya ang kamay ko sabay lapag sa palad ko ng papel.

Napairap na lang ako dahil alam kong hindi naman kami matatapos kapag hindi ko siya pinagbigyan. He looks like he was enjoying it kaya hindi ko mabasag ang trip niya.

I cleared my throat. "I hope you find a place where you would always feel safe," ginagapangan na agad ako ng hiya. "Ayoko na, kaya mo na kasi 'yan!" pagmamaktol ko.

"Bilis na..." Para siyang tuta na nagpapa-cute.

I rolled my eyes once again. "A place where loneliness is not addictive. A place where the tranquility you desire lives. May you find a person who deserves you. A person that won't leave after giving you a taste of euphoria..." Natigil ako dahil sa titig niya. He looked so amused. Lumunok ako at nagpatuloy. "Someone you can call your home."

Inabot ko na 'yung papel sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Happy?"

"More than happy..." He gave me a genuine smile and head pat. "Thank you, Gen. Ang ganda."

I was enveloped with warmth. I knew that he would like it... Masaya ako na nagustuhan niya.

Bumaba ang tingin niya sa kanyang tsinelas. Mukhang malalim ang iniisip. Nang ibaling niya ang tingin niya sa akin ay naramdaman kong bumilis ang pintig ng puso ko.

"Genesis akala ko mas madali magsinungaling pero hindi pala," he started his statements with those words. Kinakabahan na ako sa karugtong pero wala akong magawa kundi maghintay. "Gusto kita, Gen... at kung papayagan mo, gusto ko sanang manligaw."

I could almost hear my heart jumping and dancing, wanting to escape my rib cage. Dahil iyon sa dalawang bagay: Una, dahil sa mga salita ni Kael. At pangalawa, dahil sa pamilyar na bulto ng lalaki mula sa malayo. In his blue uniform, my father is resting his back against the police mobile as he was talking to someone.

Nang tumingin siya sa gawi namin ay agad akong umiwas ng tingin at tumalikod. Hinatak ko si Kael palapit sa akin, inaaya nang umalis.

"Gen?"

"Ligaw lang naman... 'di ba?" Nag-aalangang tanong ko. Ayoko siyang saktan ngayong gabi. Bahala na. Patatagalin ko na muna.

"Oo."

"Sige." I reluctantly replied. I swallowed hard as I felt his arms on my shoulder. Hindi naman siguro kami nakita ni Daddy 'di ba?

Bahala na. Bahala na. Bahala na.

Aasa na lang talaga ako sa bahala na.

'Yon 'yung mali ko.

"Anong akala mo? Maloloko mo uli ako Geneva?" Daddy's voice thundered.

Tumulo ang luha ko. Sa pangatlong araw na iniiwasan ko si Kael, ito 'yong nangyayari. Gusto ko sisihin si Mommy. Kasalanan niya kung bakit pati ako nadadamay sa galit ni Daddy.

"Wala akong alam sa sinasabi mo! Wala ka nang ibang ginawa kundi pagbintangan ako."

Narinig ko ang pagbagsak ng kung ano. "Gagawin mo pa akong tanga! E nahuli ko kayo ng lalaki mo! Tapos 'yung pera nasaan? Baka pinatago mo pa sa malandi mong anak!"

Parang paulit-ulit na pinagpipiraso 'yong puso ko. The way he insulted me... parang ang dali-dali lang. Ang baba ng tingin niya sa akin.

I typed a text message to Kael. Kung hindi na ako makakalabas ng buhay dito, at least hindi ko siya iniwan sa ere.

Ako:
I'm sorry.

I sent that right away. Nag-isip pa ako ng pwedeng iduktong.

Ako:
Sorry kung tingin mo ang paasa ko. Maiintindihan ko kung galit ka sa 'kin, pero sana pwede pa tayo maging magkaibigan.

Sorry kasi pasuko na ako.

Pero hindi ko na napindot ang send dahil bigla na lang marahas na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Lahat ng gamit kong nakasabit doon ay naglaglagan. Belt, bags, posters, lahat ng iyon ay nahulog sa sahig.

"Daddy wala po sa akin 'yung pera." Agap ko agad. Hinaltak niya ako patayo mula sa aking kama.

Hindi siya sumasagot at kitang kita ko ang ugat niya sa may leeg. He's fuming mad... again.

"D-Daddy, nasasaktan na ako..." my voice was already shaking. Lalo niya lang hinigpitan ang hawak. I pressed my lips together to make myself shut up.

Hinigpitan ko ang kapit sa phone ko sa kaliwang kamay. I felt it vibrated pero hindi ko ito binigyang pansin. Nakarating na kami sa hagdan kaya sigurado akong gagamitin niya ako laban kay Mommy. I hate that I feel helpless.

Napasabunot si Mommy sa buhok niya. "Fabian naman, huwag mo nang idamay si Genesis! Wala nga sa kanya 'yong pera! Wala rin sa akin."

"Paano ako maniniwala rito! Pareho kayong sinungaling. Alam mo ba pinaggagawa nitong batang 'to ha?! Kasama boyfriend sa kalsada! Madaling araw!"

"Hindi ko siya boyfriend! Wala rin sa 'kin 'yung pera." I broke down in tears. Bakit ba ayaw niyang maniwala sa akin.

Pilit niya akong pinaharap sa kanya. "Talaga Gen? Hindi mo syota 'yon? Kasama mo madaling araw, hindi mo syota?!"

"Hindi nga po..."

"Alam mong ayaw ko sa sinungaling, pareho kayo ng nanay mo." My eyes widened when he harshly let me go. Na out of balance ako nang itulak niya ako. Hindi ko naitapak ang paa ko sa sunod na baitang sa likod ko.

"Fabian!" Mommy hysterically yelled.

May narinig akong tumunog nang itukod ko ang mga palad ko sa sahig. Napakislot ako napapikit sa sakit nang maramdaman ko ang pumapalong sakit ng daliri ko. Nagpakawala ako ng isang hikbi nang makita na ang sitwasyon ng gitnang daliri ko sa kaliwang kamay. Nabitawan ko ang cellphone ko kaya gumapang ako para kunin 'yon. May missed call na galing kay Kael.

"Fabian, tignan mo 'yung ginawa mo sa anak mo." Tumakbo si Mommy sa harap ko para tignan ang kalagayan ko. She looked at Daddy angrily. Her eyes were bloodshot. Kung normal na away lang 'to ay magiging proud na sana ako sa kanya.

"Pareho kayong sinungaling! Mamatay ka na!" Sigaw niya sa akin. Nagdabog siya papunta sa kwarto nila at malakas na binalibag ang pinto.

"Sana nga!" I yelled back nang mawala na siya sa paningin namin. And there the realization hit me, he pushed me. Daddy pushed me down the stairs.

"Nak, halika na. Punta tayong ospital."
Sinubukan akong aluin ni Mommy pero hinablot ko ang kamay ko. Panay ang iling ko.

"Bitawan mo 'ko..." Kinuha ko ang phone ko saka hinang hina na dumiretso sa pinto. I'm going to leave my apartment. Susundan nila ako roon. I need to find a place somewhere. I'm going to leave this place.

"Gen!"

"Huwag mo akong lalapitan!" I cried as I run for my life.

Hapon pa lang kaya panay ang tinginan ng mga kapitbahay sa akin. Hindi ko magalaw ang kaliwang kamay ko kaya buti na lang nakahanap agad ako ng masasakyang tricycle.

"Kuya special na po," sabi ko sa nanginginig na boses. Buti na lang at may pera ako sa likod ng phone. Walang tigil ang luha ko sabay nang pag-ring ng phone.

Pagbaba ko sa apartment ay laking gulat ko sa nag-aabang sa akin. Nasa tapat si Kael ng apartment, naghihintay. Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok. He looked stress while typing something on his phone.

Gustong gusto ko yumakap sa kanya at magsumbong pero tinikom ko ang bibig ko. I got my keys out of my pocket and walked towards my apartment.

"Gen," He called my name calmly. Kahit nag-aalala siya ay hindi siya nag-panic. "Anong nangyari, Gen?"

Tumakas na naman ang hikbi mula sa bibig ko. Sa sobrang taranta ko ay nahulog ko ang susi. Siya ang pumulot no'n at nagbukas ng gate ko.

"Mag-usap tayo, Genesis." Aniya nang makarating kami sa loob.

Hindi ko siya nililingon. Nanginginig ang kaliwang kamay ko kaya ang kanan ko ang ginamit ko para kunin ang bag. I took random clothes and underwear. I should get out of here.

"Gen!" Hinatak niya ang kaliwang kamay ko kaya lalo iyong sumakit. Bumitaw siya, I saw how apologetic he was. "Sorry, anong nangyayari? Nag-aalala ako sa 'yo!"

"Ah!" The shooting pain was still there. Nabitawan ko ang phone kaya nahulog iyon sa sahig. Hinawakan ko ang kamay ko. I slowly massaged it to alleviate the pain.

Sabay kaming napatingin ni Kael sa phone ko na nakabaligtad. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita kong nanatili ang tingin niya sa blade na kasamang nahulog ng ilang gamit ko.

Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.1M 29.8K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
56.3K 2K 45
Cassia Farrise Alvedrez dreamt of being a lawyer eversince. Hindi sila ganoon kayaman para maka-afford ng law school, but she's a strong believer of...
12.7K 458 39
Everything about Isabelle and Gavin's relationship has been planned. The wedding, the baby names, the future. Both of them are working so hard in mak...