Bawat Daan (Puhon Series #1)

By pawsbypages

4.1K 501 52

PUHON SERIES #1. Celestine Lim never wanted to be in a long-term relationship during her college years, not u... More

Bawat Daan
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue
Love, Bri
Special Chapter

Chapter Seventeen

75 11 0
By pawsbypages

#BD17 — Sit properly, Anastasia

Wala rin naman masyadong ganap sa buhay ko. Normal school days lang. Hinahatid at sinusundo pa rin ako ni Drake at ang balita ko pa nga, e, si Fourthsky na rin ang sumusundo kay Audrey—hindi na raw si Mang Kulas ang gumagaw no'n.

Tuwing uwian, inaaya ako ni Drake umalis para panoorin ulit ang paglubog ng araw. Madalas niya akong hinihintay sa labas ng building namin.

Lagi rin siyang may dalang bulaklak kada sundo sa 'kin, halos mapuno na nga ang kwarto ko dahil sa mga bulaklak na binibigay niya. Hindi naman kasi kasama sa option ko ang itapon iyon, mas gugustuhin ko silang i-preserve at itago.

Madals kaming tumambay ni Drake sa may seaside tuwing may free time kaming dalawa. Hindi ko naman 'yon matanggihan dahil sa sobrang pagmamahal ko sa tanawing 'yon at onti-onti na akong nasasanay sa presensya niya. Gumagaan na rin naman ang loob ko sa kanya.

Natututunan ko na kung paano mabuhay sa kasalukuyan.

Lumipas ang ilang buwan ko sa UST na puro lang ako aral, kain, at pagtambay sa kung saan-saan kasama si Drake at ang barkada. Malaki ang tiwala ng nanay ko kay Drake at mukhang gusto rin naman niyang bigyan ko 'yon ng pagkakataong ligawan ako at ipakita sa 'kin na totoo ang nararamdaman niya at seryoso siya doon kaya hindi naman niya ako pinapagalitan kung halos araw-araw na lang kaming umaalis.

Hatid-sundo ako ni Drake sa school dahil tulad ng sabi ko kanina, tumatambay pa kami sa Mall of Asia para panoorin ang paglubog ng araw habang umiinom ng kape. Minsan ay kina Yuriko rin kami tumatambay—gustuhin man niyang iwasan si Kazuo pero nasa iisang circle of friends lang kami kaya wala talaga siyang ibang choice kung hindi harapin ang dapat harapin.

May mga araw din na abala kaming lahat sa sari-sarili naming buhay. Ang madalas na nakakasama ko sa mga araw na iyon ay ang mga kaibigan ko rito sa UST at tuwing walang pasok si Drake, pinupuntahan niya ako sa school para sumabay sa amin kumain ng mga kaibigan ko.

Mas naging maayos din kasi ang relasyon namin nina Mitch at Gabbi. Silang dalawa ang madalas kong kasama kumain o tumambay kung saan-saan. Mukhang sanay na rin naman sila sa presensya ni Drake tuwing sumasama siya sa'min kumain.

Nakakasalubong ko rin si Kazuo paminsan-minsan dahil sa kagustuhan niyang bumalik si Yuriko sa kanya. Isang buwan na ang nakakalipas pero mukhang wala pa ring magandang nangyayari sa kanilang dalawa. Nagkakausap naman sila at nagkakasama ngunit hanggang dun pa lamang.

Wala pa'ng comeback na nagaganap.

Mas naging close rin kasi kami ni Yuriko sa loob ng ilang buwan na 'yon. Madami kaming napagkakasunduang bagay tulad na lang ng pangaasar sa mga kaibigan namin. Nalaman ko rin sa kanya na close na pala sila ni Fourthsky noon pa man at kumakanta rin pala siya kaso nga lang, e, hindi niya raw iyon pinaparinig sa iba.

Magaan ang loob sa 'kin ni Yuriko at gano'n din naman ang nararamdaman ko para sa kanya. Nagpaturo rin nga ako kung papaano ba magluto noong absent ang prof namin sa Ethics. Sabi ko nga sa kanya, e, kina Audrey na lang kami magluto pero tinanggihan niya naman 'yon.

"Celest! Sasama ka ba?" Tanong ni Mitch.

Inaaya na naman kasi nila ako ni Gabbi kumain sa Muhan sa may P. Noval. Biyernes naman daw ngayon at deserve namin kumain ng samgyupsal bago kami magaral para sa prelims.

"Hindi ako pwede..." I forced a smile. "May usapan kami ni Yuri, e," pagtanggi ko sa kanila.

"Isama mo na lang si Yuri, Celest! Sige na," pagpupumilit ni Gabbi.

Magkaibigan na rin kasi sila ni Yuriko dahil sa'kin. Palakaibigan rin naman si Yuriko kaya wala namang problema kaso mukhang busy ata siya ngayon at ang iba niyang groupmates sa PURPCOM nila. Bahala na, sasabihan ko pa rin siya baka sakaling gusto niya sumunod sa amin.

"Oo na!" I sighed. "Sasama na 'ko. Libre niyo ba?" Natatawang tanong ko.

"Libre ni Fronz!" Ani Mitch.

"A-ano? Sasama si Fronz?" Nagtatakang tanong ko. "E-edi... Sasama rin si Kazuo?"

Hindi ko pwede isama si Yuriko kung sasama si Kazuo! Jusko! Baka may mangyaring masama, maiipit pa ako sa gitna...

Shet naman!

"Not sure, e." Gabbi shrugged. "But Fronz will join us daw since gagawa na raw sila ng plates at gusto muna nilang mag chill," paliwanag niya habang hinahatak ako palabas ng building namin.

Binuksan ko ang phone ko 'tsaka tinipa ang password nito habang naglalakad. Kailangan ko silang dalawa tawagan para sabihan na baka magkita sila ngayon kung parehas silang sasama sa amin.

Kung hindi naman labag sa kalooban nila ang pagkikita ngayon, edi walang problema.

"Hello, Yuri?"

[Celest! What's up?]

"Tara kain tayo? Muhan sa may P. Noval lang daw."

[Uh... Kasama ko pa groupmates ko, e, patapos pa lang kasi kami rito pero susubukan ko sumunod. Sino-sino kayo?]

"E, ayun nga, Yuri... Kasama daw si Fronz... baka pati si Kazuo," maingat na sabi ko habang sinisiko si Mitch na kanina pa pala tumigil sa paglalakad dahil kay Fronz at Kazuo na naglalakad papunta sa amin.

[Oh... Uhm... Wait lang, Cel, ha?]

[Tapusin na natin 'to, Sam!] Sigaw nung isa sa mga ka-groupmates ni Yuri.

[Yuri! Aalis ka na? 'Di pa tayo tapos, e!] Sigaw naman ni Sam na kaibigan rin ata ni Yuri.

[Hello, Celest? Tara? Palabas na ako ng building namin. Saan na kayo?]

"Uh... Naglalakad kami nina Mitch, Gabbi, Fronz at Kazu papuntang carpark. Intayin ka ba namin?"

[Oo. Maguusap kami ni Kazuo.]

"Okay." Binaba ko muna ang telopono ko bago magpakawala ng isang mabigat na singhal.

Patuloy lang kaming naglakad papuntang carpark. May kukunin lang daw si Fronz sa ka-grupo niya na kumakain sa may Pancake House. Si Mitch at Gabbi naman ay parehong abala sa sari-sarili nilang phone. Kaya wala rin akong ibang makausap kung hindi si Kazuo na kanina pa walang imik.

"Okay na kayo?" Diretsong tanong ko.

Nilingon niya ako habang nakakunot ang kaniyang noo. "Hindi."

"Sabi niya maguusap daw kayo mamaya kaya siya sasama sa 'tin," sabi ko.

"Oo. May kasalanan ako, e," aniya.

Pinilig ko ang ulo ko. "Ano na naman ang ginawa mo, Takeshi? Ginalit mo na naman ba?"

"Ganyan na ba kasama ang tingin mo sa 'kin?" Nag martsa na siya papalayo sa akin.

"Hoy!" Sigaw ko. "Teka nga! Pinagsasasabi mo jan, aber?! Nagtatanong lang naman ako, e!" Tinakbo ko ang distansya naming dalawa.

"Alam ko naman na madalas mo nang nakakasama si Rei, Celest," he blurted. "At alam niya rin na may masamang nangyari sa 'kin kaya hindi ko siya nasamahan noon... Kaya niya gustong makipagusap."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano nalaman ni Yuriko ang tungkol doon? Ni hindi ko nga alam ang totoong nangyari dahil hindi naman kwinento sa 'kun ni Kazuo ang tungkol doon.

At ano daw? Gustong makipagusap ni Yuriko sa kanya dahil doon? Fuck.

Lumunok ako bago ko siya hatakin paharap sa 'kin. "Look. Naging close kami ni Yuriko at nagpapatulong ako sa kanya kaya madalas ko siyang  nakakasama at isa pa, wala akong kinalaman sa past mo, Kazu, labas ako diyan!"

"Alam ko. Sinasabi ko lang naman sa 'yo ang rason kung bakit siya sasama sa 'tin ngayon. Prepare yourself." Tinalikuran na niya ako para salubungin si Fronz na may dala-dalang papel.

Masama ba ang loob niya sa 'kin dahil hindi ko siya sinabihan tungkol sa pagiging malapit ko kay Yuriko? O masama ang loob niya dahil mas malapit na ako kay Yuriko kaysa sa kanya? At bakit naman sasama ang loob niya sa 'kin, e, siya 'tong lumalayo!

Sino ba kasi 'yung nagkwento kay Yuriko tungkol sa rason ni Kazuo kung bakit hindi niya kayang samahan si Yuriko noong mga panahong kailangan na kailangan siya nito?

"Celestine!" Sigaw ni Yuriko habang tinatakbo ang distansya naming dalawa. "Kazuo..."

Sinalubong ko siya ng yakap bago ko siya hatakin papalayo. Nang marinig ni Kazuo ang tawag sa kanya ni Yuriko, nagpaiwan na siya. Nauna na kasing maglakad sina Fronz, Mitch at Gabbi, naiwan na kaming tatlo rito sa kanina pa naming kinatatayuan ni Kazuo.

"Mag kokotse pa ba tayo?" Tanong ni Gabbi sa amin.

Nagkibit-balikat na lang ako dahil wala naman akong dalang sasakyan at pwede naman atang lakarin na lang iyon. Hindi rin naman kasi kalayuan.

"Pwede naman natin lakarin, 'di ba?" Tanong ni Yuriko. "D'yan lang naman 'yun, sa may tapat lang."

"May klase pa ba kayo mamaya?" Tanong ni Fronz sa aming lahat pero ang mata niya ay sa akin lang nakatingin.

"Hmm, wala na," sagot ni Mitch.

"Wala na rin sa amin ni Fronz," Ani Kazuo. "Ikaw, Rei?"

Umiling si Yuriko, "W-wala na rin."

"Ayun naman pala! Magkotse na tayo para diretso uwi na rin after kumain," aya ni Fronz.

"Tawagan ko lang driver namin," sabi ni Mitch.

"W-wag na," pagpigil ni Fronz. "Ako na lang maghahatid sa inyo ni Gabbi."

Tumawa ako ng mahina. "Para-paraan ka rin, e! Trip ka niyan ni Fronz, Mitch!" Sabi ko.

"Naunahan lang ako sa 'yo..." Mahinang sabi ni Fronz pero tama lang ang pagkakahina no'n para marinig namin nina Yuriko at Kazuo.

"Yari ka kay Drake, Fronz," nakangising sabi ni Yuriko habang umiiling.

Mukhang hindi naman narinig nila Gabbi at Mitch ang pinaguusapan namin ngayon dahil may kalayuan ang distansya nila sa amin. Tinatawagan na kasi nila 'yung mga drivers na dapat susundo sa kanila para sabihan na si Fronz na ang maghahatid sa kanila pauwi.

"I-ikaw... Rei?" Nagdadalawang-isip na tanong ni Kazuo habang iniikot-ikot ang susi ng kotse niya sa kanyang daliri.

"Hmm?" Yuriko muttered.

I scratched the tip of my nose trying to stop myself from laughing because of the awkward aura these two gave us.

Damn this lovers.

Pwede naman kasing diretsuhin na lang ni Kazuo na gusto niya ihatid pauwi si Yuriko, kailangan pa talaga i-daan sa ganito?

I sighed. "Alam niyo, tara na, ginugutom na ako," singit ko.

Binuksan naman agad ni Kazuo ang pintuan sa shotgun seat para kay Yuriko na hindi pa rin pumapasok doon. Binuksan rin ni Kazuo ang pintuan sa likod para sa 'kin, hindi ko na hinintay si Yuriko makapasok para naman ma-realize niya na siya talaga ang pinapaupo namin sa harapan.

"Unli 'to, 'di ba?" Tanong ni Gabbi kay Mitch.

Mitch nodded. "Oo, sis, bait ni Fronz ngayon, e!" Aniya.

Himala, dahil hindi sa magkabilang dulo ng lamesa umupo sina Yuriko at Kazuo. Hindi namin sila kasama sa table na 'to dahil may paguusapan daw sila. Sa tingin ko naman ay alam na rin nina Gabbi at Mitch kung sino iyong tinutukoy ko noon kaya ko nasabing off limits na si Kazuo.

Hinubad ko muna 'yung plastic gloves sa kamay ko nang mag ring ang telopono ko. Tumatawag kasi si Drake, siguro ay tapos na ang klase nito at nagbabalak ng punatahan ako.

"Hello?"

[Hey, baby...] Bati niya using his seductive, dark, and raspy voice.

"Hmm?"

[Where are you? I'm on my way, Tash.]

"Nasa Muhan kami sa may P. Noval. Susunod ka?"

[Yes, baby girl. Wait for me.]

"Tigil-tigilan mo 'yang kaka-baby girl mo, Drake Cole."

[Hmm? What do you want me to call you then? Love? Babe? Name it, baby.]

"Landi mo, Cole, kumakain ako dalian mo na lang d'yan."

[I'll be there in a few minutes. It's traffic—don't miss me too much.] He chuckled.

"Kumakain ako, Drake Cole, umayos ka at baka maibato ko pa 'to sa'yo."

Ilang minuto lang rin ang pagitan sa pagbaba ko sa'king telopono at sa pagdating niya. Hindi naman daw siya nagugutom kaya hindi ko na siya inorderan pa. Sa harap ko siya umupo kaya katabi niya si Fronz na kanina pa masama ang tingin kay Drake na hinaharot ako.

"PDA," panunuya ni Mitch.

"Omsim," sagot ni Fronz.

"Baka kayo talaga ang para sa isa't isa?" Mapangasar na sabi ko sa kanilang dalawa.

May tatlong manok pa na natira sa plato ko, hindi pwedeng magtira rito dahil against 'yun sa rules ng management nila. Busog na kasi ako at hindi ko na ata kaya pa'ng kainin 'to.

I pouted. "Busog na ako."

"Cute," nakangiting sabi ni Drake, lumalabas na naman ang dalawang dimples niya.

"Gusto mo ba?" Tinuro ko 'yung manok. "Busog na kasi ako, e," sambit ko.

He smirked. "If you'll be the one to feed me then sure."

Ayaw ko nang makipagtalo pa sa kanya, kinuha ko 'yung natitirang manok sa plato ko at saka ko ito sinubo sa kanya. Nang makita iyon ng mga kaibigan namin, agad na naman nila kaming kinantyawan pati na rin sina Kazuo at Yuriko na nasa kabilang table.

Sinamaan ko lang sila ng tingin habang si Drake naman ay tumatawa pa habang nakikipag-apir kay Kazuo. Ang magkakaibigan nga naman na 'to, jusko!

"Wait for me, Tash, I'll pay for your food," utos ni Drake.

"Libre na ni Fronz 'yan," sabi ko.

Umigting ang panga niya. "Okay then."

"Fronz! Thank you sa libre! Sa uulitin, pre!" Nakangiting sabi ko kay Fronz bago tuluyang lumabas ng restaurant.

Habang nagmamaneho si Drake, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagscroll sa social media accounts ko. Kanina pa siya nagpapakawala ng mga malalalim na buntong-hininga pero hindi ko pa rin siya binibigyang pansin. Alam ko naman na nagseselos 'to, ang sarap lang niya talagang pagselosin.

Biruin mo, the Drake Cole Medina, was a known player tapos grabe pala magselos? Poging-pogi 'to sa sarili niya, e! Ang taas-taas ng confidence niya dahil kayang-kaya niya kumuha ng sampung babae sa isang tingin niya lang pero pagdating sa 'kin, kulang na lang ay itago ako sa loob ng t-shirt niya para hindi ako makita ng ibang lalake maliban sa mga kaibigan niya na kaibigan ko rin.

Hinablot niya bigla ang phone ko. "Don't use your phone when you're with me."

"What the hell, Drake?"

"What was that?" He asked.

"What?" I creased my forehead. "Sinasabi mo d'yan?" Natatawang tanong ko.

"Muhan," he snapped. "I don't like the way he's looking at you. I'm not dumb, Tash, that guy likes you!"

"Kung gusto niya nga ako... Anong problema doon?" Natatawang sabi ko.

Without hesitation, he glanced at me before he increases the speed of his car's acceleration. Now, he's jealous and fuming mad, Celestine Anastasia, great job.

"Drake, slow down!" I complained.

"Sit properly, Anastasia," he demanded.

"Drake, I swear... Isusumbong kita kay Mommy!" I threatened him.

He looked amused. "Uh-huh? Answer me first, baby girl, what was that?"

I cursed. "Wala naman talaga 'yun, e! Magkaibigan lang kami, Drake, 'yun lang!" I defensively said.

He then slowly drives back to the normal speed limit. "That's where we started, too, Celestine Anastasia."

"Nagseselos ka ba, Mr. Medina?" I laughed.

He glanced at me before he stopped his car abruptly when the light turned red. He removed his seatbelt before leaning towards me. He rested his chin on my shoulder, I can even feel his heavy breath on my ear.

I tilted my head, facing him. There's only an inch left between my lips and his. He closed his eyes before kissing the tip of my nose and said, "You're mine... Do you get that? You're mine."

I obediently nodded. "D-drake... Mom's waiting for us at home na..." I whispered.

"We'll be there on time, baby girl," he said.

Tulad ng sabi niya, hindi kami na late sa dinner na hinanda ni Mommy para sa amin. Nakauwi na kasi siya rito dalawang buwan na ang nakakalipas. Kami nila Drake at Audrey ang sumundo sa kanya sa airport, sa condo na rin kami dumiretso pagkatapos namin siya sunduin.

Simula nang umuwi si Mommy, hindi na ako kila Tito Jake tumitira. Sinamahan ko na si Mommy dito sa condo namin around Bonifacio Global City. Ayaw pa nga pumayag ni Tito Jake na humiwalay na kami ni Mommy sa kanila, marami naman daw kasing kwarto sa kanila.

Of course, my mom won't allow that. Hindi porque okay na sila nina Tito Jake at Tita Tamara ay hahayaan na lang niya na tumira kami sa isang bubong. Bilang babae raw, alam niyang hindi magiging komportable si Tita Tamara sa gano'ng sitwasyon na ang dating minahal ng asawa niya ay nakatira sa pamamahay nila.

"Mommy! We're home!" Sigaw ko habang nilalapag ang bag ko sa sofa.

"You're on time, Anak!" Mommy smiled. "Halika na kayo, kumain na tayo," anyaya niya.

Halos mapatalon ako sa sobrang tuwa nang silipin ko kung sino-sino ang nasa hapag-kainan namin. She's here! I can't believe this! She's really here! I thought she'll stay there for good but then she's really here... smiling at me!

"Surprise!"


<3

Continue Reading

You'll Also Like

980K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
62.2K 3.2K 43
Faces of Love Series #2 Faith Reviyre Austria, part of one of the most influential and powerful clan in the Philippines. She is like a living princes...
2.8K 457 38
Love's When Series #1 An Acosta daughter, Ayezza Nathalie Acosta, is a plain timid girl from a wealthy household. She has everything she desires and...
6.3K 150 40
Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, umaasa siya sa crush niya kahit hindi siya...