Campus Queen

By PrinsesaFever

2.3M 63.5K 9.8K

Book two. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Authors Note
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Till next time! :)
Special Chapter 1
Announcement
BOOK THREE

Chapter 15

28.6K 859 219
By PrinsesaFever

Natuwa naman ako sa comments niyo sa previous chap. Hindi naman halatang galit na galit kayo kay Blake, 'no? Hahaha! Enjoy this chappie, please. :)

Kinabukasan ay nagising ako ng mugtong mugto ang mata. Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong 7:30am na pala. 9am pa ang start ng programme ng EU mamaya. 2nd day na nga pala ngayon kaya kami ang sasayaw! Shit. Papasok pa ba ako?

Kinapa ko ang cellphone ko at binuksan iyon. Namilog ang mata ko sa nakita kong messages. 150 messages iyon at may 90 missed calls ako. Puro ang barkada ang laman ng dalawang 'yun.

From: Ara Ramos

- Kylie, where are you?

From: Ethan Sorosa

- Kylie... Answer your goddamn phone!

From: Kinah Kiara Molinas

- Kylie Michelle! Asan ka ba?! Nagaalala na kami sayo!

From: Ian Yu

- I told you.. hays. Where are you? Hindi namin kayo mahanap ni Blake.

At 'yung iba ay ganun din. Halos nagaalala sila saakin. Pero isang text lang ang nakaagaw ng atensyon ko.

From: Dominic Nicole Gamboa

- Hindi ako magiging bias. You two are my friends, but try to talk again. Yung kalmado na kayong dalawa. Para malinawan kayo, Kylie, ang dami nyo ng nadanas. Diyan pa ba kayo susuko? Oo, malaking problema talaga 'yan. Pero why not try to talk? Baka nadala lang kayo ng emotions niyo. You guys know that we care for you both. Talk to him. Okay? Pumasok ka bukas, please.

Nang mabasa ko iyon ay nilagay ko ang palad ko sa noo ko. Haaaaaaaaaay! What now?!

Nagscan pa ko ng texts. Hinahanap kung may text siya doon pero wala. Chineck ko muna ang twitter ko. At punyeta, napakagandang bungad ang nakita ko!

- Yesterday's pic with him. Thank you, Blake. Had a great date with you! Goodmorning! :) xoxo -

Halos mabato ko na ang cellphone ko sa tweet na 'yun ni Liz. Wow ha?! Ang sweet nila sa picture!

Tumayo ako at naghanda na. Papasok ako. But, I'm sorry Doms. Hindi kita susundin. Especially ngayong nakita ko 'yung picture na 'yun na sobrang saya nila?! Ha! 'Wag na.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang SSG Tshirt namin at nagsuot na din ng pants at sinuot ko na ang Jordan 3 ko at nagayos ng mukha at kinuha ang backpack ko at bumaba. Nakita ko doon si Kuya at Ate na masayang kumakain.

"Goodmorning, baby." Bati saakin ni Kuya.

"Morning, Kuya." Sabi ko at umupo sa tabi ni Ate.

Napansin kong nakapangalis sila kaya napakunot ang noo ko.

"San kayo pupunta? Ang aga pa ah,"

Ngumiti si Ate. "Sa EU, sis. Papanoorin ka namin. Tsaka, gusto nila Daddy na videohan namin ang performance niyo mamaya para daw mapanood nila mamaya pagdating nila."

Tumango na lang ako. Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako.

"Sabay sabay na ba tayo?" Tanong ko sakanila.

"Yup. Let's go," Aya ni Kuya at kinuha ang susi sa kamay ko.

"Kuya! Ako na magd-drive!"

"No. Wala ka pang license,"

"Pero nakakapagdrive naman ako kahit wala akong license ah? Hindi naman ako hinuhuli!"

Inakbayan ako ni Ate. "Hindi ka lang kasi nat-tyempuhan. Pero kapag natyempuhan ka nako. Hello jail kana lang."

Nang makarating kami sa garahe ay huminto ako sa tapat ng kotse ko.

"Pero--"

"No but's, baka ibangga mo pa 'tong sasakyan mo. Lalo na't brokehn hearted ka pa? Nah." Sabi ni Kuya at sumakay.

Napanganga naman ako doon. What the? Shiz.

Tinulak na ako ni Ate papasok kaya pumasok na ako sa sasakyan at nakasimangot na tumingin sa bintana nang bigla kong maalala ang nakita ko kahapon sa rooftop. Blake and Liz... kissing. Haha!

Bigla na lang akong hinarap ni Ate at pinunasan ang luha ko.

"Stop crying. Kagabi ka pa umiiyak,"

"I can't.." Sabi ko at umiyak lalo.

"Shh, sis, hush." Aniya at niyakap ako.

Ilang minuto din kaming ganun ng humiwalay na siya.

"That's why we'll go to EU. Sasamahan ka namin,"

"Ate, you don't need to do that. Kaya ko naman. And for sure, hindi ko siya makikita dahil magiging busy ako dahil isa ako sa officers remember?"

"Kahit na," Sagot niya.

Hindi na ako kumibo. Tumingin na lang ako ulit sa bintana. Maya maya ay nakarating din kami sa EU. Bumaba kami ng sasakyan at maglalakad na sana ako papasok ng hinila ako ni Kuya.

"Wait there, missy. Sasabayan ka namin. We'll just wait for Kaitleen. May aayusin lang daw siya sa dress niya,"

Tumango na lang ako at sumandal sa hood ng kotse ko. How I miss driving my baby.

Maya maya ay lumabas na din si Ate.

"Tara na!" Aniya at hinila kami ni Kuya.

Nakarating kami sa theatre. Yup, may ganto kami. Hindi nagamit ng mga Elementary 'to kahapon dahil inaayos kami at ang mga college lang ang makakagamit.

Umupo na sila Kuya sa harapan at ako naman ay nagpaalam na pupuntahan muna sila Max.

Pumunta ako sa gitna ng theatre dahil nandun sila.

"Kylie!" Tawag sakin ni Andy ng makita niya ako.

"Ayos kana ba?" Tanong sakin ni Paulo.

Ngumiti ako ng bahagya sakanila. "Oo." I lied.

"Tara, dito ka sa tabi ko." Yaya sakin ni Annie.

Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang laptop na nasa harap namin ngayon.

"So mamaya, may mga performance tayo diba? May mga aasikaso naman dito kaya kahit iwan natin 'to walang mangyayaring masama," Sabi ni Max.

Nang nagsimula na ang open remarks galing sa principal namin ay umupo na kami sa mga assigned seats namin. Hiwa-hiwalay kaming officers dahil nasa kanya kanyang section seats kami.

Umupo na ako sa assigned seat ko. Kahilera ko ang mga kaklase ko. 'Yung iba ay nasa harap o likod namin. Umupo ako sa tabi ni Doms dahil doon ako naka-assign.

Nagsimula na ang performance ng mga Freshmen 6 na section sila kaya medyo matagal lalo na't may remix pa. Nang mag Sophomore na ay hagalpakan kami sa Section 4 dahil may comedy 'yung sayaw nila. Sampung section sila. At pagkatapos noon ay nagkaron ng break ulit.

30 minutes lang din ito kaya bumaba na kami nila Jai.

"Kylie! What happened to you yesterday?" Ngayon nila ako niraratrat ng tanong dahil kanina ay aliw na aliw sila sa panonood.

Ngumiti ako ng tipid at hindi na lang nagsalita.

"Nagalala kami sayo. Ano bang nangyari?" Tanong ni Ara at umupo na nang makarating kami sa Cafeteria.

"Nangyari ang sinabi ni Ian," Sagot ko at yumuko.

"Sinabihan ka niya? Bakit?" - Kinah

"I... I saw him and Liz kissing."

Nakita kong nagulat sila sa sinabi ko.

"WHAT?!" Sabay sabay na tanong nila.

"Y-yeah," Sagot ko.

Shit. 'Wag kang iiyak, Kylie. 'Wag.

"Omygod. Kylie," Sabi sakin ni Ericka at niyakap ako.

Wala na. Nag breakdown na ako. Umiyak nanaman ako.

Patuloy lang ang pagcomfort nila saakin. Ang sakit. Sobra.

"Ano ba, pre? Lumapit ka! 'Wag kang duwag!" Naririnig kong may bumubulong sa likod namin.

"Lumapit kana. Ang hirap mong pakiusapan!"

"Bilisan mo. Nasaktan mo siya ng sobra,"

"Okay. Okay!" Nang marinig ko ang boses n 'yun ay otomatikong kumalas ako sa yakap at pinunasan ang luha ko.

Isang kurap ko lang ay nasa harap ko na agad si Blake.

"Baby,"

Napatawa ako ng mapait. How come he can still call me "baby"?

Tinignan ko siya mata sa mata.

"I... I..."

"You what?" Malamig kong tanong sakaniya.

"I'm sorry," Aniya at yumuko.

Sorry? Ha!

"Sorry? Sorry for what?" Nagmamaang-maangan kong tanong.

"I'm sorry for what happened yesterday,"

Ngumiti ako. Isang plastik na ngiti.

"Ayos lang 'yun. Sabi mo nga, kaya mong gawin ang mga ginagawa ko. Kaya ayos lang. Para kwits diba?"

Hahawakan niya na sana ang kamay ko ng bigla akong tumayo.

"Guys, una na ko ha? Baka hinahanap na ako nila Max," Sabi ko at naglakad na.

Pero bago ko pa man malampasan sila Ian nakita ko silang malungkot na nakatingin sakin. Ngumiti lang ako at tuluyan ng umalis.

Hindi ako dumiretsong theatre. Dumiretso ako sa CR ng girls. Nagkulong ako sa isang cubicle at doon umiyak ng umiyak nang biglang may pumasok. Mukhang marami sila. Nasa apat o tatlo.

"Omg! Hahaha! Girls, nakita niyo ba? Si Kylie parang batang inagawan ng laruan dahil iyak ng iyak," Sabi ng isang pamilyar na boses.

"I saw it. Hahaha! Kawawa naman siya."

At nagtawanan silang magbabarkada.

"Hay, ang campus queen ngayon ay isang campus queen na broken hearted. I pity her,"

Sa galit ko ay tumayo ako at pinahidan ang luha ko. Inayos ko ang buhok ko at lumabas. Nagkunwari akong nakita sila Liz na nakatutok sa salamin ngayon at nagm-make up. Mga pok pok. Tss.

"Ohh, hi guys," Bati ko sakanila at ngumiti.

Nakita ko namang napasimangot sila except kay Liz na ngumisi at humarap sakin.

"Hello our beloved campus queen. So, how's your heart?" Mapang-asar niyang tanong sakin.

"My heart? Uh, still inside my body. Tumitibok pa din naman. Bakit?" Tanong ko at ngumisi.

Nakita ko namang nainis siya sa sagot ko.

"How dare you answer Liz like that?!" Inis saking sabi ng isang kasama ni Liz.

"Oh bakit? Anong mali?"

"Ughh!" Sa inis nila ay sinugod nila ako pero biglang bumukas ang pinto at isa isang pumasok ang mga kaibigan ko.

"Ky-- what the hell?!" Sabi nila at hinatak palayo sakin sila Liz na sinabunutan ako kanina.

"Don't touch me!" Inis na sigaw ni Liz at tinanggal ang pagkakahawak ni Aran sakaniya.

Tinignan siya ng masama ni Ara. Uh oh.

"Damn you, bitch!" Galit na sigaw ni Ara at pinagsasampal si Liz.

"Ahh!" Sigaw ni Liz kaya hinatak naman siya ng mga kaibigan niya. Ako naman ay hinatak si Ara.

"Ara! Stop it." Saway ko kay Ara.

"No! That bitch deserves my slap! Sino siya para saktan ka?!" Aniya at nagpupumiglas sa hawak namin nila Doms.

"Ara!" Sigaw ko sakaniya.

Napatingin naman siya saakin.

"Please, calm down."

Huminga naman siya ng malalim at tumingin ulit kila Liz.

"Umalis na kayo hangga't nac-control ko pa ang sarili kong sapakin kayo isa isa," Malumanay nyang sabi kila Liz.

Pero hindi pa din sila umaalis. Magsasalita pa sana si Liz ng biglang sumigaw si Ara.

"AALIS KAYO O TATADYAKAN KO KAYO PALABAS?!" Galit niyang sigaw kaya nagtakbuhan sila Liz palabas.

Sumandal ako sa sink at yumuko.

"Kylie, are you okay?" Tanong sakin ni Jai.

"I'm fine," Sagot ko at tumingin sa gilid ko.

"I think you're not okay." Sabi ni Ericka.

"I'm fine. Tara na." Sabi ko.

Lumabas na kami pagkatapos kong ayusin ang buhok ko. Pagkalabas namin ay biglang hinawakan ni Jai braso ko.

"Aray!" Angal ko.

Napatingin samin sila Kinah.

"Anyareh?" Tanong nila.

Napatingin ako sa braso ko na may kalmot. Shit! Nakalmutan pala ako ng babaeng 'yun!

"Anong nangyari?"

Napatingin ako sa nagsalita.

"Nakalmot siya," Sagot ni Ericka.

"Nino?" Tanong ni Ian.

"Ni Liz," Sagot ko at tumingin kay Blake.

Lumapit siya sakin at akmang hahawakan ang braso ko pero lumayo ako.

"Tara na. 5 minutes na lang mags-start na ulit ang programme." Sabi ko at naglakad na papuntang theatre.

Pagkadating ko dun ay hinanap ko agad sila Max. Nagusap kami saglit para sa magiging games at umupo na din kami.

Nagsimula ng magperform ang mga 3rd year. Apat na section lang sila kay mabilis.

Pang apat na ang nagp-perform ngayon kaya pumunta na kami sa backstage.

"Okay, you can do this, copernicus, okay?" Sabi samin ng Adviser namin.

Tumango kami at pumwesto na.

"And now, our 4th year students! Let's all give around of applause for Section 1- Copernicus!" Sabi ng emcee.

Lumabas na kami at pununta na sa mga pwesto namin. Nagsimula ng tumugtog at sumayaw na kami. Nilibot ko ang paningin ko at napako ang tingin ko sa dalawang taong magkatabi ngayon at sobrang sweet.

Nanikip ang dibdib ko. Bakit?

Nagb-blur na ang mata ko. Please, luha, 'wag muna ngayon.

"KAPATID KO 'YAN! WOOH!" Naagaw ng atensyon ko ang sumigaw na 'yun.

Si Kuya pala. Ngumiti ako at ngumiti din siya saakin ng tumingin ako sakaniya.

Nang matapos kaming sumayaw ay nagpalakpakan ang mga tao.

"WOOH! KYLIE FOR THE WIN!"

Napatingin ako sa sumigaw nun at sila Ian pala. Napangiti ako at umupo na sa upuan namin.

Sila Blake na ang susunod kaya pumwesto na sila sa stage.

Sakaniya lang ako nakatingin sa buong performance nila. Nagpalakpakan ang mga tao ng biglang namatay ang mga ilaw.

Ako lang ata ang namukod tanging sumigaw. Dahil lahat ay tahimik.

Biglang tumutok ang spot light sakin.

"What the?" Bulong ko.

Maya maya ay may nagsalita. Pamilyar na boses. At alam ko kung kanino 'yun.

"Baby, I'm really really sorry. Oo nagkamali ako. Sobra. At pinagsisisihan ko 'yun. I know masyadong below the belt ang mga sinabi ko. Pero please, patawarin mo ko. Nadala lang ako ng galit ko. Baby, ikaw lang. Kahit mahalikan pa ko ng ibang babae ikaw lang talaga. I'm sorry for what I did yesterday. I'm sorru because I kissed another girl. I'm sorry... can you forgive me?" At pagkasabi ng 'me' ay tumutok ang isa pang spot light kay Blake.

Lumapit sakin si Gerald at binigyan ako ng mic.

"Sabihin mo lang sakin kung sinasaktan kana niyan ng sobra ah? Aagawin kita mula sakanya," Sabi ni Gerald at ngumiti saakin.

Tumawa na lang ako.

Tumingin ulit ako kay Blake na ngayon ay nasa stage.

Huminga ako ng malalim at tinutok ang mic sa bibig ko.

"Oo, pinapatawad na kita." Sabi ko sakaniya.

Bumukas na ang ilaw at nakita kong 'yung ibang tao dito ay nakatutok ang mga cellphone saamin. Vinivideohan nila kami!

Tumakbo papalit sakin si Blake at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you. Thank you. And I'm sorry again." Aniya.

Niyakap ko naman siya pabalik.

"Bakit kanina ang sweet niyo ni Liz?"

Kumalas siya at tinignan ako.

"Kasama 'yun sa plano ko," Sagot niya at kinindatan ako. "Effective naman ang pagseselos mo." Aniya at humalakhak.

"HOY, BLAKE! 'WAG MO NA ULIT GAGAGUHIN 'YANG KAPATID KO! YARI KANA SAKIN KAPAG NANGYARI ULIT 'YUN! PAPATAPOS NA KITA SA MARS KAPAG INULT MO PA!" Sigaw ni Kuya kaya nagtawanan ang lahat.

"OPO! PROMISE HINDI NA." Sigaw pabalik ni Blake at binalingan ako.

Nilapit niya ang mukha niya sakin at tinignan ako sa mata.

"I love you," Aniya.

"I love you too," Sagot ko.

Hinalikan niya ako pagkasagot ko. Halik na naramdaman ko ang mga paru-paro sa tyan ko at halik na punong puno ng pagmamahal.

Ays ba? Hihihi :"> sa mga galit kay Blake dyan! Ayan, bawi na daw sya! XD
Follow me:
@PrinsesaFever

Continue Reading

You'll Also Like

15.6K 1K 44
A hidden University that has different rules. A University that has different way to handle students. A man named Khiant Lyle was enrolled in this Un...
Scribbled Mails By 🦋

General Fiction

2.3K 200 85
Welcome to Friendly Finder! Looking for a friend? We've got you covered. --- An Epistolary Collaboration asyhiea & closemyeyes
511K 14.9K 48
PUBLISHED BOOK under LIFEBOOKS - P185.00 Available at National Book Stores, BookSale, Pandayan, Expression, Lazada and Shopee ...
69.5K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023