The World Could Die (Change S...

Par chasmicsoul

436K 9.1K 1.7K

Taylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight f... Plus

About The Story
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 28

6.2K 144 6
Par chasmicsoul

"Sabihan mo ako kung ano'ng result."

Inabot sa 'kin ni Lian 'yung brown paper bag na may lamang pregnancy test. Nakaupo lang ako sa couch niya mula kaninang bumili siya. Para akong batang pinagalitan, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon ko sa kung ano mang resulta nito.

Umiling ako. "Ayoko,"

Umupo si Lian sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Hindi pwedeng hindi mo alamin. I'm sure kung ano mang maging resulta, nandiyan lang si Luke para sa 'yo."

Tumango ako at tumayo. Ayaw kong magpaka-plastik, ayaw ko pa ng anak. Kaka-graduate ko lang, kakasimula pa lang ng buhay ko.

Ayaw ko pa.

Pero paano? We've had one unprotected sex, noong lasing siya. Iyon lang.

Huminga ako nang malalim bago pumunta sa CR. Kailangan namin tanggapin ang consequences ng actions namin.

I blinked twice, thrice. Hindi ko alam... para akong hihimatayin.

"Ano?" tanong ni Lian paglabas ko. Napatakip ako sa bibig ko at sunod-sunod na ang luha ko. Kinuha sa 'kin ni Lian 'yung tatlong pregnancy test na hawak ko na puro positive. Nang makita niya ay mabilis niya akong niyakap.

"Anong gagawin ko?" tanong ko, humihikbi. Patuloy lang si Lian sa paghaplos sa likuran ko dahil mukhang hindi rin niya alam ang gagawin.

Bumitiw si Lian sa pagkakayap sa 'kin. "Gusto mo tawagan ko si Luke?"

I shook my head. "Ayaw ko... paano kung ayaw niya?"

"Hindi niya pwedeng ayawan yan. Gago siya kung ganoon!" paghy-hysterical ni Lian. Kinuha niya ang phone niya sa table niya. Ako naman, tahimik akong umupo sa couch niya.

"Ako na ang magsasabi kay Luke, huwag mo nang tawagan." bilin ko dahil mukhang may tatawagan siya. Patuloy pa rin ako sa pagpunas ng luha ko. Nangangatog ang mga tuhod ko kahit nakaupo naman ako.

Paano ba 'to? Isang buwan na lang ay aalis na si Luke. Ako? Nagre-review pa lang ako, hindi pa nga ako pasado ng board exam. Ano na lang ang sasabihin sa 'kin ng pamilya ko? Sigurado akong...

"Elly?" Napalingon ako sa tumawag sa 'kin at nakita ko si Nat na kakapasok lang ng office ni Lian. Mukhang nagmamadali siyang pumunta rito dahil naka-uniform na siya na pang-nurse. 9:00 AM pa lang at sigurado akong may pasok pa siya mamaya.

"Nat," Nagpunas ako ng luha, tumayo ako at nagmamadaling yumakap sa kaniya. "Nat, ayoko," I sobbed.

"Sshh," Nat caressed my back. "It's okay. May kilala akong OB, we'll take good care of your baby."

Since hapon pa lang ay bukas pa raw ang OB na kilala ni Nat. Nanginginig ako habang nasa taxi kami. Katabi ko silang dalawa pero hindi pa rin mabawasan ang kaba ko. Hindi biro ito. Mayroon ng bata sa tiyan ko, magiging magulang na ako. Kaya ko na ba?

"Tawagan namin si Luke?" tanong ni Nat. Mabilis akong umiling, alam kong maraming iniisip sa ngayon si Luke dahil kahit bakasyon ay nandoon siya sa work na sinasabi niya.

"Sigurado ka ba?" Lian asked. Tipid lang akong tumango.

Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa clinic ng OB gyne na kilala ni Nat. Hindi ko pa kasi maproseso pero alam kong kailangan ko 'tong i-confirm o kung totoo nga, kailangan kong malaman kung ano-ano ang mga kailangan kong gawin para mapanatiling safe 'tong baby.

"You are 6 weeks pregnant, Miss Esquivel."

Napahawak ako sa noo ko. Totoo na. Wala nang atrasan, wala ng pwedeng gawin para ibalik ang mga nangyari. At hindi ko 'to ipapalaglag, wala sa isip ko na ipalaglag 'to, alam kong nabigla ako pero hindi ko kayang patayin ang sarili kong anak.

"You need to extra take care of yourself, bawas stress dahil mahina ang resistensya mo, misis." sabi sa 'kin ng doktor. Tahimik akong tumatango sa lahat ng bilin niya sa 'kin.

"Pero review mo, 'di ba?" tanong ni Lian sa 'kin bago lumingon sa doktor. "Paano po 'yon, Doc?"

"I suggest, you can rest muna. Your stress can affect the formation of the baby."

Napapikit ako.

Si Nat ang naglilista ng mga kailangan at ng mga dapat kong gawin at hindi dapat gawin. Siya rin ang kumakausap sa doktor. Pinipilit ko pa rin kasi iproseso ang mga nangyayari. Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin kay Luke.

"Hindi ako titigil sa review." sabi ko habang nandito kami sa taxi at pauwi na.

"What? But the doctor said⎯"

"Kaya ko, Nat." pagputol ko kay Nat. "Sanay ako sa mga heavy activities."

"But it's different now. You're pregnant. I suggest, pag-usapan niyo 'yan ni Luke. Ayokong makialam, I'm just concern, Elly." Nat said calmly.

Hinatid nila ako sa condo. Nasa loob ng bag ko ang mga pregnancy test ko kanina. Hahanap pa ako ng tamang timing para sabihin kay Luke itong sitwasyon namin ngayon.

Mahigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko habang nasa elevator ako. Nang nandito na ako sa floor ng condo ni Luke ay napabuntong-hinga ako, pero laking gulat ko nang makita ko si Celine pagbukas ng elevator.

"Hi, Elly," tawag niya sa 'kin.

"Hello." maikiling bati ko bago lumabas ng pinto. Palakad na sana ako pero biglang nagsalita si Celine kaya napatingin ako sa kaniya.

"Nag-enjoy ako." Ngumisi pa siya. Hindi na ako nakasagot dahil sumara na ang elevator.

Hindi ko alam kung dahil ba sa pagbubuntis ko pero naiiyak na kaagad ako. Anong ginawa nila ni Luke? Bakit daw siya nag-enjoy?

Punas ako nang punas ng luha hanggang sa makarating ako sa tapat ng condo. Bubuksan ko na sana 'yung pinto pero naka-lock at dahil sa katangahan ko, naiwan ko pa pala ang susi kaya hindi ko mahanap sa bag ko.

I knocked on the door. Nang walang nagbubukas ay kumatok ulit ako ng tatlong beses.

"May nakalimutan ka ba⎯" Napahinto si Luke nang makita ako. Bahagya akong nagulat nang makita ko siyang walang damit, tanging pantalon lang ang suot niya. "Bal," bati niya.

He's about to hug me but I immediately went inside and ignored him. Dumiretso ako sa kwarto para kumuha ng damit pagkatapos ay nagpunta ako sa CR para maglinis ng katawan.

"Elly," Luke knocked on the door. "Elly! Okay ka lang?" sigaw ni Luke dahil halos isang oras na ako rito. Nakatulala lang ako habang tumutulo sa buong katawan ko ang tubig mula sa shower. Hindi ko maiwasang hindi mag-isip. Galing dito si Celine, pagbukas ko ay walang damit si Luke at tinanong pa niya kung may nakalimutan.

Nang matapos ako ay nagbihis na ako. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Luke na nakaupo sa lapag sa gilid ng pinto. Mabilis siyang tumayo nang makita ako pero hindi ko siya pinansin, lumakad ako papunta sa kwarto.

"Mahal," pagtawag niya habang sinusundan ako. Tahimik lang akong lumalakad papunta sa kwarto. Ayoko munang isipin, gusto ko na lang magpahinga. Kailangan namin ni baby magpahinga.

Nasa loob na ako ng kwarto at pahiga na sana sa kama nang bigla akong yakapin ni Luke mula sa likuran. "Elly," bulong niya. "Usap tayo?"

Humarap ako sa kaniya. "Pagod ako ngayon, Luke," mahinang sagot ko bago tuluyang humiga sa kama. Ipinikit ko na ang mata ko at kinalma ang sarili.

I hope tomorrow is a better day.

Nang magising ako ay wala na si Luke sa tabi ko. Bumangon na ako kahit parang ang bigat ng pakiramdam ko. Kailangan kong pumasok sa review center. Kailangan ko pa ring maging CPA. Ayokong sayangin ni Luke ang binabayad niya para sa review ko.

"Good morning, Elly!" bati ni Luke nang makita ako. Napataas ang kilay ko sa kaniya. Naghahanda na siya ng almusal namin. "Kain ka na." He smiled.

Tahimik akong lumapit sa dining table at umupo. Wala ako sa mood magsalita. Gusto ko humiga maghapon pero kailangang bumangon.

Umupo na rin si Luke at pinaglagay na ako ng gatas sa baso. "Wala akong gagawin ngayon, hahatid kita tapos mamaya pagkauwi mo, kain tayo sa labas?"

Umiling ako.

"Busy ka ba? Mahirap ba 'yung review mo? May mga kailangan ka ba?"

Umiling ulit ako.

"Dito na lang tayo kumain pagkauwi mo, pagluluto kita ng favorite mong meatballs." His voice sounded hopeful. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko sa mata niya ang lungkot. Tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya. Ayaw ko ng ganito kami.

"Yes!" mahinang bulong niya sa sarili. "Susunduin na lang kita mamaya." Tumango na lang ulit ako at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Text mo ako kapag may kailangan ka," sabi ni Luke nang nandito na kami sa tapat ng review center. Tumango ako sa kaniya bago lumabas ng kotse.

Lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa review. Para akong hinang-hina. Nang makalabas ako ay nakita ko na si Luke na nakatayo sa labas ng kotse niya. Nakatingin siya sa kawalan at mukhang may malalim na iniisip.

"Tara na?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniya. Bahagya siyang nagulat sa 'kin pero nawala rin kaagad 'yon at napalitan ng... pag-aalala?

"Uwi na tayo." hindi mapakaling sabi niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hanggang sa pagpasok niya ay para siyang natatarantang ewan.

"Okay ka lang?" tanong ko dahil halos hindi na niya mailagay 'yung susi sa susian.

"Ah, oo," sagot niya at saglit na pumikit, pinapakalma ang sarili. Hindi na lang ako nagtanong dahil pinaandar na niya ang sasakyan.

Buong byahe ay walang nagsasalita sa amin hanggang sa pag-akyat namin sa elevator. Akala ko ay ganoon pa rin hanggang makarating kami sa condo pero pagpasok na pagpasok namin ay niyakap kaagad ako ni Luke.

"Bakit?" tanong ko.

Kumawala si Luke sa yakap sa 'kin at bumuntong hininga. Nagpunas siya ng luha bago mayroong kinuhang kung ano sa bulsa niya. Napaawang ang labi ko nang makita ko ang pregnancy test. Hindi ko ba 'to nadala? Nasa bag ko 'to, nagtanggal ako ng ilang gamit kaninang umaga pero hindi ko naman alam na pati pala ito ay natanggal ko.

"Uh, ano.." Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko!

"Buntis ka, Elly?" tanong ni Luke kasabay ng panibagong pagbagsak ng luha niya.

Napakagat ako sa kuko ko at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Unti-unti akong tumango kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Napaatras si Luke at nagpunas ng luha gamit ang likod ng kamay niya. "Fuck," he cursed.

I wiped my tears but another bunch of tears fell. Ayaw ba niya? Okay lang naman. Pwede ko naman 'to buhayin mag-isa kasi alam ko naman na marami pa siyang gustong marating.

"Ahm, nakita ko kahapon si Celine." ngarag ang boses na panimula ko. Napatingin sa akin si Luke. "Alam ko na siya iyong akala mong kumatok kahapon." Dahan-dahan akong yumuko. Kita ko pa sa lapag ang pagbagsak ng mga luha ko. "Kung... kung ayaw mo sa 'min ni baby at gusto mo nang bumalik sa kaniya⎯"

But my words were cut off when I suddenly felt his embrace. It's been a while since he hugged me like this. Iyong tipong parang ayaw niya akong pakawalan. It was so nice. It somehow calmed the raging waves that is disturbing the inner peace of mine.

"Ayaw mo ba sa 'min ni baby?" umiiyak na tanong ko.

Mabilis na umiling si Luke at hinawakan ang dalawang pisngi ko. His eyes were now red. "Kailan mo pa nalaman?"

"Kahapon."

"Bakit hindi mo agad sinabi?"

I sobbed. "Baka kasi ayaw mo."

Muli akong niyakap ni Luke. "Paano ko magiging ayaw? Magkaka-pamilya na tayo, Elly." He sighed. "Magiging tatay na ako." Parang hindi siya makapaniwala.

"Pero marami ka pang gustong marating. Alam ko na marami ka pang pangarap."

Umiling si Luke. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinalikan. "It's nothing compared to the dream in front of me."

"Luke,"

"Finally, we can have our own complete and whole family." He wiped another tears. "Magiging buo na 'yung pamilya ko... natin."

I pouted while these stupid tears keep on falling. "Akala ko ayaw mo, eh."

Luke chuckled and wiped my tears using the back of his index finger. "Wala akong ayaw pagdating sa 'yo." He then gave me a soft kiss. "Thank you, Elly."

As planned, Luke and I had dinner together. Pinagluto niya ako ng favorite kong meatballs. Inexplain din niya na si Celine daw ang nagdala ng mga kailangan niya para sa pag-alis niya dahil pinadala raw ng Mommy niya. Natapunan daw siya ng juice bago umalis si Celine kaya nakahubad siya nang buksan ang pinto.

"Sa susunod, huwag kang magbubukas ng pinto nang nakahubad!" singhal ko habang nakahiga sa kama. Inaayos niya 'yung mga damit niya sa damitan. Hinihiwalay na niya 'yung ibang dadalhin niya.

Luke chuckled. Umupo siya sa tabi ko at bahagyang kinurot ang pisngi ko. "Ang possessive naman ng misis ko."

Napairap ako. "Misis ka r'yan,"

Natawa siya ulit bago bumalik sa ginagawa niya. Pinapanood ko lang siyang mag-ayos ng damit, ayaw niya akong patulungin dahil baka raw ma-stress ako. Napaka-OA! Magtutupi lang, eh.

Humiga si Luke sa tabi ko nang matapos na siya sa ginagawa niya. Pinaunan niya ako sa braso niya. "May mga kailangan ka bang bilhin? Bakit kasi hindi mo ako sinama sa doktor." pagtatampo pa niya.

Natawa ako. "Next time, sasama na kita."

"Aba, dapat lang!" energetic na sagot niya. "May mga gamot na ba na kailangang bilhin? Kailangan na nating mag-grocery para mga healthy food na lang ang makain mo. Kailangan din nating malaman 'yung mga vitamins na iinumin mo. Bawal ka na rin magpuyat." sunod-sunod na bilin niya."Ilang buwan kaya malalaman kung babae o lalaki?" bulong niya sa sarili niya.

Bahagya akong natawa. "Kalma, hindi pa nga yata nafo-form si baby eh."

Luke gently hugged me. "Ah, basta! Excited ako." He kissed the side of my head. "Good night, mommy." he whispered.

I smiled to myself. "Good night."

And that night, I let myself sleep peacefully beside Luke's comfort.

-

Totoo ngang excited si Luke dahil pagkalabas na pagkalabas ko sa review center ay nandoon na siya sa labas at naghihintay. Tinext niya ako na mag-g'grocery raw kami ngayon.

"What if next year ko na lang ituloy ang apprenticeship ko?" tanong ni Luke habang nasa sasakyan kami.

Napatingin ako sa kaniya. "Huh? Bakit?"

"Parang hindi ko kayo kayang iwan nang ganito." seryosong sabi niya. "Iyong sa review mo ba? Ano ba sabi ng doktor? Okay lang daw ba?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Kaya ko naman."

Tumango-tango siya. "I trust you. Alam ko namang hindi ka gagawa ng kahit na anong makakasama sa inyo ni baby."

I nodded. "Kaya naman namin. Babalik ka naman kaagad. One year lang 'yon."

He sighed. "Kung ako lang ang papapiliin, ayaw kong umalis, Elly."

I looked at him. "Okay lang kami. Babalikan mo naman kami, eh." I smiled. "At saka, sigurado naman ako na hindi ako papabayaan ng mga kaibigan ko."

Alam na alam ko na ngayon na nandiyan sila, sa nangyari noong isang araw, mas napanatag ako na hindi ako mag-isa. Kung paano nila ako samahan para masigurong ligtas kami ni baby.

"Hindi ko na itutuloy ang Master's ko sa Spain. Pagkatapos ng isang taon, babalik na ako."

"'Di ba, pangarap mo 'yon?" I asked.

"Sabi naman sa 'yo, kayo ang pangarap ko." Bahagya niyang hinaplos ang tiyan ko. Napangiti na lang ako.

Luke is so precise in what am I going to eat. Puro gulay ang kinukuha niya kahit hindi naman ako mahilig doon. Bumili rin siya ng mga tinapay at mas dinamihan ang gatas.

"Kailan next na appointment mo sa OB? Sama ako, 'di ba?" excited na tanong niya habang kumukuha ng kape niya.

"Next week pa," sagot ko.

He smiled. "Excited na ako."

Napangiti ako habang pinapanood siyang mapatingin sa mga gatas pang-baby. Nakapatong ang kamay niya sa push-cart dahil siya ang nagtutulak. Hindi ko ine-expect ang ganitong reaksyon niya.

I walked towards him and held his hand. "Thank you."

Bahagya siya nagulat pero inakbyan niya ako nang makarecover na siya. "Saan, hmm?" he asked and then kissed the side of my head.

"For loving me and our baby."

He smiled. "Thank you... kasi dumating kayo."

I bit the side of my cheeks. Tumango ako sa kaniya. He kissed the side of my head once more before we continue walking. Nakaakbay na siya sa 'kin at dalawa kaming tulak-tulak ang push-cart.

Hindi ko pa nakakausap si Addie at Calynn. Hindi ko alam kung alam na nila pero nagpatawag ng meeting si Lian ngayon kaya hinatid ako ni Luke sa bake shop ni Lian.

"Tawagan mo ako pagkatapos niyo, ah." Luke said. Nandito na kami sa tapat ng bake shop ni Lian.

I nodded. "Thank you," huling sabi ko bago bumaba ng sasakyan.

Bandang alas-otso na, before 10:00 ay kailangan ko nang umuwi para hindi ako masiyadong mapagod. Pagpasok ko sa bake shop ay nakita ko na sila sa isang table na nakaupo kaya lumapit ako.

"Hello," bati ko sa kanila. Tumabi ako kay Lian at katabi niya naman si Calynn. Nasa tapat namin sina Nat at Addie.

"What's that ba kasi?" tanong ni Calynn sabay turo sa box na nasa gitna ng table.

"Secret nga, ayan na si Elly." Lian replied.

"May pa-secret pa kayo! Ang papangit niyo talaga." paghy-hysterical ni Addie. "Game na, buksan na 'yan!"

"Excited naman kasi, eh." bulong ni Nat. "Lian, buksan mo na nga."

Tumingin sa akin si Lian at ngumiti. Binuksan niya ang box at inilabas ang isang cake. Mayroong design na baby sa gitna at may nakasulat na 'congratulations'.

"Kanino 'yan? Sino buntis?!" sigaw kaagad ni Addie.

"Sshh," Tinakpan ni Nat ang bibig niya. "Huwag kang mag-eskandalo, hindi lang tayo ang tao."

"Lian, you're pregnant?" tanong ni Calynn.

"Baliw! Hindi ako." Lian looked at me, encouraging me to talk.

I gulped. "Umh," Napatingin sila sa 'kin. "Magiging Ninang na kayo." nahihiyang sabi ko.

"OMG!" sigaw ni Calynn. Napailing si Nat dahil bigla siyang tumayo. "Congratulations! I'm so happy for you. Finally, 'di ba? You will have your own family now."

Napatingin sa 'kin si Addie. "Totoo ba, Elly? Baka prank 'to, ah!"

"Oo nga," I chuckled. "Ninang kayong lahat, pwede ba 'yon?"

Tumayo si Addie, lumapit siya sa 'kin at yumakap. "Congrats, mahal! Aba, dapat lang Ninang kami, magtatampo kami kapag hindi." sabi niya bago bumalik sa upuan niya.

"Ang saya!" Calynn gracefully said. "First baby siya ng squad natin kaya sure akong spoiled 'yan." She chuckled.

Natutuwa ako na kahit kaagano nila ka-close sina Lian at Nat, hindi pa rin nila sinabi at hinintay nila na ako magsabi. I just appreciate the respect they have for me.

It's almost 10:00 PM. Kanina ko pa tinext si Luke kaya hinihintay ko na lang siya. Sobrang excited ng mga kaibigan ko, sabihin daw kaagad kung babae o lalaki, ang dami rin nilang bilin sa akin.

Nang makita ko si Luke na pumasok sa bake shop ay ngumiti siya sa 'kin. I smiled back at him. Lumapit siya sa 'kin kaya tumayo na ako.

"Una na 'ko," paalam ko sa mga kaibigan ko na kumakain ng cupcake.

"Take care! Congrats, Luke!" Calynn said.

"Ingatan mo 'yan, ah." Pabirong dinuro ni Addie si Luke. "Kapag may nangyaring masama sa mga baby namin, mapapatay kita."

Natawa si Luke at tumango. "Opo."

Inakbayan ako ni Luke at nagpaalam na siya sa iba ko pang kaibigan. Lumabas na kami at sumakay ng sasakyan para makauwi na.

I thought being pregnant by the age of 23 would be so hard... but having all these, my friends and Luke?

It's the best thing that ever happened to me... my baby.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

30.6K 616 21
Andrea Romano a girl that gets abused by her stepfather on a daily basis and the boss of all assassins underground fighters and hackers at only fift...
1.3K 119 22
Jing He, crown prince of the Nine Heavens, has to descend to the mortal realm to weather a human life full of vicissitudes. Each event carefully craf...
1.7M 95.5K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
651K 13.3K 44
Natalia Eunice Verdadero doesn't know how to love. She's always focus on proving herself to her parents. She's never been in love in her entire life...