Cuties But Losers

By pandan05

399 37 388

Ano kayang mangyayari kung magsama sama ang mga lalaking talunan at mga babaeng may iba't ibang taglay na kat... More

Prologue
Characters
Chapter 1: Section 11
Chapter 2: The Transferees
Chapter 4: Self Introduction (2)
Chapter 5: Self Introduction (3)

Chapter 3: Self Introduction (1)

53 6 33
By pandan05

Section 11 Classroom on the multimedia

Tao's POV

Tumayo ang babaeng aakalain mong gift wrapper dahil sa napakalaking ribbon na nakadikit sa blouse ng kanyang uniform. "Fine. Lemme do it first." sabi nito at pumunta na sa gitna.

Kunwari itong umubo saka hinawi ang kanyang buhok sa mukha at inilagay sa kanyang tenga. "Actually, hindi ko naman kailangang magpakilala sa inyo, 'cause I'm pretty sure that I'm pretty and you already know me. Pretty right, right?" mukhang proud na sabi nito

Yung totoo, san banda ang pretty dun?

"Ang gulo ng sinabi nya." bulong ko sa katabi kong si Kai

"Puro pretty nga lang din ang narinig ko sa kanya eh." sabat naman nya sa akin. "Sabihin mo nga, nagagandahan ka ba sa kanya?" seryosong tanong nito

Nawala ang ngiti ng babae ng makitang walang nag-react sa kanyang sinabi. "Oh my pretty gosh" disappointed na sabi nito saka napasapo sa kanyang noo. "Seriously? you don't know me?"

"Hindi ka nga rin kagandahan eh. Actually, nadala ka lang ng napakalaking ribbon na nakatungtong jan sa leeg mo" prangkang pahayag ni Baekhyun sa kanya. "Magkaliwanagan nga tayo, hindi ka ba nabibigatan jan? o nasasakal? mag-ingat ka, baka magkastiff neck ka nyan"

Umubo muna si Chen na para bang may TB bago umusog sa kanyang katabi kaya ito naman ay napangiwi sa kanya. "Alam mo, mukha syang saleslady sa SM na nagbebenta ng mga tela sa laki ng ribbon nya."

"What the!" reaction ng babae ng marinig ang sinabi ng mga kaklase namin. "Oh my pretty gosh!" maarteng sabi nito bago sumeryoso ang mukha. "Seriously, you'll regret this later!"

"Tsk. Dalian mo. Andami mo pang drama sa buhay. Wag ka nalang kayang magpakilala sa amin." bagot na sabat ng babaeng colorful ang buhok. "Nawawalan na kami ng gana eh"

"Ang gulo mo ateng, sino ka nga ba?" tanong naman ng babaeng matangkad na may bangs mula sa kanyang likod

"Fine!" sabat ng babaeng malaki ang ribbon. Inayos nya muna ang kanyang ribbon at napakaiksing palda bago tumayo ng matuwid. "I'm the one and only heiress of the Hwang Company." pawelcoming remarks nya pero kami ay nakapoker face parin na nakatingin sa kanya. "Hello? what's with that faces? hindi ba kayo naniniwala?"

Walang reaction ang iba sa tanong nya at buti naman yung iba ay honest na tumango sa kanya.

"Weh? di nga? ikaw? mayaman? eh tama nga ata yung sinabi ni BeChen na saleslady ka lang sa SM eh." basag ni Sehun sa katahimikan. "Alam mo, ba't di mo nalang kaya sabihin kung kelan ang sale? nang makabili ako ng human size teddy bear para sa bebe girl ko" pagpapatuloy nito na sa huli ay kinilig naman.

"Omo! are you insane!? I am the only daughter of the Hwang Family and the only successor of the Hwang dynasty! why would I be a sales... ew! so cheap! I've never imagined myself to be something like that!"

"Hay nako. Andami mo pang satsat. Pangalan mo lang naman ang gusto naming malaman, binigay mo naman pang royal family na background. Hindi mo ba alam na pwede kang makasuhan ng Estafa nyan?" bagot ding tugon ni Taeyeon habang nakapangalumbaba na ngayon.

"Kapag hindi mo pa sinabi pangalan mo, lilipad tong hawak ko sa pagmumukha mo." banat ng katabi ni Chen. Naku mukhang siga nga ito sa kanto.

Kinabahan naman ata ang babae kaya muli itong umayos ng tayo. "Hwang Miyoung. May name is Hwang Miyoung. But since I've been transferred in this shabby place. Just call me Tiffany. Nakakahiya kasi sa iba kapag nalaman nilang ang isang napakayamang katulad ko ay babagsak lang sa isang lugar na kagaya nito. No no no.."

"Saka isa pa, kung totoong mayaman ka, dapat doon ka ilalagay sa mga kilalang section! hindi dito sa Section 11. sus! maniwala ako sayo haha!" sabay tawa ng Vice President. Yun lang natigil din ito dahil sa muli nitong pag-ubo. Yung Tiffany naman ngayon ang napangiwi sa kanya

"Ahm guys.." sabat ni Kyungsoo kaya nalipat ang tingin namin sa kanya. "Sabi ng katabi ko, totoo ang lahat ng mga sinabi nya."

Lahat kami ay napanganga sa narinig namin mula sa kanya. Hindi naman sa kapanipaniwala iyang si Kyungsoo pero bakit parang totoo yung sinabi nya?

Totoo? mayaman sya?

Nagtaka naman ang lahat ng lapitan nung Tiffany si Luhan at basta basta nalang itong sinampal. "You out-dated countryman! how dare you stalk me!?"

Hindi naman kaagad nakareact si Luhan dahil siguro sa sobrang gulat nito sa pangyayari.

"Kapag nalaman ko pang sino-stalk mo ako, I will surely take a legal action." muling sabi nito

"Kasuhan mo ng criminal harassment ganun!" muling sabat nung Taeyeon sa kanya. "Pero I doubt kung 18 years old na yan haha" saka ito bahagyang tumawa.

"If you---"

Hindi na nya natapos ang kanyang sinasabi ng magsalita ang babaeng maliit na nakakatakot. "STOP" panimula nito bago tumingin sa Tiffany. "Baka nakakalimutan mo andami pang magpapakilala." saka nya ito nilapitan. "One more talk and I'll crush your face."

Napalunok nalang yung Tiffany bago inirapan yung babaeng nakakatakot saka bumalik sa kanyang upuan.

"Bakit nya naman sinampal si Luhan? kakakilala pa nga lang nila." hindi namin alam kung sino ba itong kausap ni Kyungsoo. Nakaharap sa blackboard eh.

"Ang sabihin mo, bakit ako yung sinampal at hindi ikaw." seryoso pero mangiyak ngiyak na sabat ni Luhan sa kanya habang hawak hawak ang kanyang pisngi.

Nakakaawa naman si Luhan.

Napatingin ang lahat kay Lay ng tumaas ito ng kamay. "Maaari ba naming malaman kung bakit ka inilipat dito sa amin?" nahihiya at careful nitong tanong. On point yung sinabi nya na syang nakapagpa-interesado sa buong Section 11.

Yun nga lang, hindi ko ine-expect na chismoso din pala si Lay.

"Tsk. Pinaalala mo pa." inis nitong sabi bago sumandal sa kanyang upuan saka nag-cross arms and legs. "Well, let's say, ahmm.. If I want to be the heiress of our family, I need to make sacrifices."

"At ano naman iyon?" tanong ni Sehun sa kanya

Agad naman syang napanganga sa tanong ng isa. "What do you mean ano yun? duh! Ito yun!" mejo pasigaw nitong sabi. "If I want to be the heiress of the Hwang Family, I need to be here for a year! gosh! screw you for being so dumb!" sigaw pa nito kaya bahagyang napatawa si Yoona bago binelatan yung best friend nya

Sunod na tumayo ay yung babaeng sinasabing Japanese. Maglalakad na sana ito ng biglang magsalita itong katabi ko kaya agad syang napahinto. "Wag ka ng magpakilala, okay na kami dun sa sinabi mo kanina"

Bakas sa mukha nung babae na wala syang naintindihan kaya hindi nya alam ang gagawin. Magsasalita na sana ito ng maunahan sya ni Xiumin. "Sakini jiko shokai o arigatogozaimashita. Watashitachi wa yoi to omoimasu, kare wa itta desu." (Salamat sa pakilala mo kanina. Okay na kami dun. Yun nga pala sabi nya)

"Hai! wakarimashita"(Sige, naiintindihan ko) sabat naman sa kanya nung Yuri

"Sumimasen" muling sabi ni Xiumin bago bahagyang nagbow

Nahiya naman yung babae at agad na umiling iling habang nakasenyas pa ang kanyang mga kamay. "Iie, iie.. dajoubu desu. Arigatou gozaimashita" (Hindi, hindi.. okay lang. Salamat) saka din ito nagbow at tumingin sa ibang mga babaeng hindi pa nakakakilala sa kanya. "Kwon Yuri desu. Yoroshiku Onegai Shimasu!" muli ay nagbow na naman ito sa kanila at umupo na rin sa kanyang upuan.

"Hindi ba sumasakit likod nya sa kakabow?" tanong ko sa katabi kong si Kai

Ngumiti naman ito. "Mabentahan nga to ng Anlene balang araw."

Muli ay humarap si Luhan sa kanyang likod habang hawak hawak pa rin ang kanyang pisngi. "Alam nyo hindi na talaga ako naniniwala sa mga sinasabi ni Xiumin"

"Alam mo ako rin." pagsang ayon ni Yoona sa kanya

"Oo nga, parang mali talaga." dugtong din ni Sehun.

Yung tipong bulungan nila na rinig ng lahat. Ako nalang ang nahihiya para sa kanila.

"Wag kayong mag-alala, tama yung sinabi nya" sabat nung Sunny saka inilipat ang tingin kay Xiumin. Tiningnan nya ito saka binigyan ng smirk.

"Hey, how come you've been transferred in this Section?" baling ni Tiffany kay Yuri. Curious din pala sya.

"I'm an exchange student from Japan." sagot naman nito saka ngumiti.

"Kung ako sayo, bumalik ka nalang sa pinanggalingan mo dahil panigurado, hindi ka magtatagal dito." walang ganang payo ni Baekhyun sa kanya bago hinipan ang kanyang kuko kaya nagsitalksikan ang ang mga nakiskis nitong kuko. "Isa pa hindi ka din naman kagandahan."

"Wag mong sayangin ang buhay mo dito." seryoso namang payo ni Kyungsoo

Nagtaka naman yung Yuri pero wala ng nag-explain sa kanya kaya tumahimik nalang ito.

"Taeyeon Kim nga pala." pakilala nito sa ibang mga babae habang nakaupo lang.

Napangiwi naman si Baekhyun at akmang babatuhin na sana ng pusher nyang hawak ng mapatingin si Taeyeon sa gawi nya kaya kunwari nalang itong humarap kay Suho. Si Suho naman ay nakatingin sa salamin habang nagsusuklay ng kanyang buhok.

Huminga muna ng malalim si Taeyeon bago muling nagsalita. "Alam kong gusto nyong malaman kung bakit ako napunta dito kaya sasabihin ko na."

"Wag na. Wala kaming pakialam." muling sabat ni Baekhyun habang nakatuon lang sa kanyang pagkiskis sa kanyang kuko.

"Nakapatay ako."

Lahat ay napatigil sa kanilang mga ginagawa at yung iba naman ay napatingin sa kanya at hindi makagalaw. Maski si Baekhyun ay napalunok na rin.

"Ng aso." dugtong ni Taeyeon kaya lahat ay parang nakahinga ng maluwag saka ngumisi. "Kaya ako itinapon dito."

"Jusko naman Taeyeon! wag kang magbiro ng ganyan! wag mo ng dagdagan pa ang mamatay tao dito sa Section natin!" relieved na sabi ni Kai kaya sa kanya naman napatingin ang lahat ngayon

"Kim Jongin!" agad na saway ng kanyang kambal.

Tumingin naman ito sa amin na parang nagtataka pero agad din itong napatakip ng bibig ng marealize ang kanyang sinabi. Hinay hinay itong tumingin sa likod ni Yoona.

Si Chanyeol ay nakatingin lang din sa kanya at ilang sandali pa ay inilipat ang tingin sa bintana na para bang walang pakialam sa sinabi nya.

Itong katabi ko naman ay iniuntog ang kanyang ulo sa arm chair. Patay kang bata ka.

"Everybody calls me Jessica." sabi naman ng babaeng nakakatakot saka nag-cross arm. Sya yung nagpaalis kay Kris sa kanyang upuan kanina. "Jessica Jung.." umirap muna sya sa lahat bago muling nagsalita. "I want something new and be invisible to everyone. So you may say, I like this section."

Muling natahimik ang paligid kaya tumayo yung babaeng matangkad na may bangs. Pumunta sya sa gitna at ngumiti na halatang pilit lang. "Sawadee! Sooyoung Choi nga pala. Same as that Sushi girl, I'm also an exchange student from Thailand. And on top of that, I will be the student nurse at the clinic." pakilala naman nya. "Pag may nangyari sa inyo at pumunta kayo sa clinic.." nakangiting sabi nya pero nagulat kami ng bigla nyang hinampas ang teachers table gamit ng kanyang kamay bago kami pinandilatan. "Ako na mismo ang babali sa mga buto nyo"

Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng takot dahil sa sinabi nya. Hindi lang pala ako, si Lay din. At syempre higit sa lahat si Chen.

"Ba.. bakit ikaw ang magiging nurse? nandoon naman ang school doctor at school nurse ah! bakit sila kukuha ng student nurse?" tanong nito

Hinarap sya ng Sooyoung. "May seminar abroad yung bobong doctor at nanganak naman yung makating nurse kaya ako yung pumalit." paliwanag nito bago tumayo ng tuwid. "Any objections?"

"Ano ka ba. Wala no. Haha! ikaw talaga Sooyoung-shi" feeling close na sagot ni Chen sa kanya

"Excuse me.." sabat nito saka pinandilatan sya ng mata. "I'm 70% Thai."

Mejo natakot naman yung sakitin kong kaklase. "Ah hehe. Peace" saka nya ito binigyan ng peace sign.

Inirapan naman sya nito bago bumalik sa kanyang upuan.

Sunod na tumayo ay yung katabi ni Chen na mukhang siga sa kanto. Pumunta sya sa may pintuan. Akala na naman namin ay lalabas sya, yun pala ay humarap sya sa amin at sumandal dito. Tumingin muna sya sa basurahan na katabi ng pintuan bago inihulog ang kanyang kinakaing chewing gum. Muli ay ibinalik nya ang tingin sa lahat. "Hyoyeon Kim. Yun lang." pagkatapos ng kanyang sinabi ay agad din syang bumalik sa kanyang upuan na nasa tabi ni Chen. At dahil nasa kanya pa rin ang tingin ng lahat ay nagkamot ito ng ulo. "Tsk! hay naku! Okay, lahat ng school napasukan ko na. At ito nalang ang panghuli. Kung maki-kick out man ako dito, hindi na ako makakapag-aral pa. At iyon nga ang wish ko, so sana tulungan nyo akong mafull-fill iyon. Thank you" saka ito ngumiti at sumaludo sa amin.

Wala na din namang nagtanong sa kanya kaya tumayo naman yung Sunny at pumagitna. "Sunny Lee" tipid nyang sabi.

"Ang init naman ng pangalan mo" walang ganang sabi ni Luhan saka napabuntong hininga. Bigla ata syang natress sa sampal na kanyang natanggap.

"The Sun is the star at the center of the Solar System. It is a nearly perfect ball of hot plasma, heated to incandescence by nuclear fusion reactions in its core, radiating the energy mainly as visible light, ultraviolet light, and infrared radiation. It is by far the most important source of energy for life on Earth." nagulantang na naman ang lahat sa biglang speech nya.

"Reporter ba yan o ano?" bulong na naman sa akin ni Kai

"Di ko mahulaan kung saan sya ipinaglihi eh." sabat ko naman sa kanya at agad ko namang narinig ang pagbuntong hininga ni Kris mula sa likod namin. Sabihin lang kasi nya kung gusto din nyang makisali sa chismisan--este sa bulungan namin ni Kai, iwe.welcome din naman namin sya eh.

Muli kaming napatingin dun sa Sunny nung muling magsalita ito. "Therefore the sun's temperature is 10,000 degrees F."

Yung iba ay napanganga nalang sa sinabi nya. Hindi ko alam kung saan, kung dahil ba sa pagiging matalino nya, o dahil sa bakit iyan ang mga pinagsasabi nya.

"How about it's core?" rinig naming tanong ni Xiumin sa kanya

"27 million degrees" mabilis namang sabat nito. "And the surface?"

"10 million degrees" mabilis ding sagot ni Xiumin.

Matapos ng sagutan nila ay nagkatitigan silang dalawa. At silang dalawa lang ang tanging nakakaalam kung ano ang ibig sabihin nun.

"Yung tipong pangalan mo lang ang kailangan namin, yung literal na araw naman yung inexplain mo." ismid na sabi ni Baekhyun. "Ba't di mo nalang kami yayaing magfieldtrip dun, no?"

"Saka bakit ganyan ang question and answer nyo ni Xiumin? Yung totoo? titira ba kayo sa Sun?" tanong ni Chen sa kanya saka na naman ito umubo

"Lahat na ng paaralan natalo ko" sagot ni Sunny sa tanong ni Vice. "Well, pwera nalang dito." saka na naman ito tumingin kay Xiumin

Kumunot ang noo ni Yoona. "Quiz Bee lang naman ang sinasalihan mo, bakit mo pa kailangang lumipat dito?"

Muling nagsmirk si Sunny. "May isa pa akong talunang tatalunin dito."

"Ang sabihin mo, nadisqualified ka sa isang IQ Contest kaya ka itinapon dito" inosente namang sabat ni Kyungsoo sa kanya

Continue Reading

You'll Also Like

101K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
40.8K 630 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
375K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...