Unintentional

By Majstinx

9K 194 17

The Monteros Kwatro Hanggang kailan nga ba magtatago si Maria mula sa isang lalaking nagpakulong sa kaniyang... More

Unintentional
Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23

Kabanata 13

294 9 0
By Majstinx


Nang makaalis sa underground parking lot ay nagulat siya ng hilahin siya ni Ion papasok sa isang salaming pintuan.

May crew na naghihintay doon.

Napaawang ng bahagya ang bibig ni Maria ng makita ang kanilang pinasukan. Isa itong malaking hotel. Kapag tumingin ka sa itaas na bahagi nito ay matatagpuan ang isang malaking salamin na bubong, kitang kita niya ang papakulimlim na kalangitan. Napakataas ng bubong. Sa tingin niya ay mataas pa ang bubong nito kaysa sa mga malls na ipinatayo ng kaniyang ama.

Elegante at modernong-moderno ang dating ng hotel na ito. Kung tutuusin ay daig na daig pa nito ang structure ng seven star Dubai Hotel. Talaga namang mapapanganga ka sa designs ng establishment na ito.

Hawak-hawak ni Ion ang kaniyang kaliwang kamay habang hila-hila siya nito papunta sa receptionist.

Kinausap nito ang receptionist habang siya naman ay abala sa pagkamangha sa paligid. Naagaw ng kaniyang pansin ang isang malaking fountain di kalayuan sa kanila.

Gawa din iyon sa salamin kaya naman kitang-kita niya ang nasa ilalim ng tubig nito.

"Oh my- is that.." bulong niya bago napatakip ng bibig.

"What's that, baby." Tawag pansin sa kaniya ni Ion kaya naman nilingon niya ito.

"Is that diamonds that I'm seeing?" Gulat na tanong niya kay Ion bago bumaling ang tingin sa fountain.

Napangiti naman si Ion bago tumango.

Dali-dali na lumapit si Maria sa fountain at tinignang maigi ang fountain. Puro diamonds ang nakikita niyang nakapailalim sa tubig ng fountain.

"You haven't seen something like this, Maria?" Tanong nito.

Napatango-tango naman siya habang abala parin sa pagkamangha ang kaniyang mga mata sa mga diamanteng nakikita.

"Usually in ordinary places like malls, parks and church, people use coins to wish but here, we use diamonds." Tila normal na bagay kung sabihin iyon ni Ion.

"Who in the world would use diamonds just to fucking wish on this fountain? I mean, I could be a Billionaire once I collect all of these diamonds." Napapailing na sabi niya.

"Baby, this is a Galdreon owned establishment. In Galdreon, it's not important if you are a millionaire or billionare or even the richest human in the world, you just need powerful connections and influence to be part of the diez familias." Sagot nito.

"Diez Familias?" Tanong niya.

Hinawakan nitong muli ang kaniyang kamay.

"Diez Familias consists of ten clans with powerful connections. If your family is part of it, lower ranks must obey your family. Tanging ang mga parte lamang ng organisasyon ang maaring magsagawa ng ganoong bagay." Paliwanag nito.

"Huh? What kind of rule is that? Edi kapag inutusan ko ang pamilyang may mas mababang rank sa pamilya namin na pumatay, susundin nila?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

Natawa si Ion.

"Nope, not like that. Ang napiling pinuno lang ng pamilya niyo ang maaaring mag utos sa mas nakabababang pamilya, maaring kang magbigay ng utos pero kailangan munang aprubahan iyon ng pinuno ng pamilya ninyo. Hindi rin posible ang pag uutos na pumatay. May mga limitasyon pagdating sa pag uutos. Tulad ng batas ng isang bansa, mayroon ding batas ang Galdreon. Oras na may nilabag ka o may hindi sinunod, ang tao o pamilyang mas mataas ng isang ranggo ang magpapataw sa pamilya niyo ng parusa." Pahayag ni Ion bago siya hinila papunta sa elevator.

Kunwari'y tumango-tango si Maria kahit na sa totoo lang ay wala siyang naintindihan sa mga sinabi ni Ion.

Masyado pala talagang malawak ang Galdreon. Akala niya ay sapat na ang alam niya sa organisasyon na iyon, hindi pala.

"Kabilang ba ang pamilya niyo sa Diez Familias?" Tanong ni Maria habang umaandar ang elevator. Nanatiling hawak-hawak pa rin ni Ion ang kaniyang kamay.

"No." Sagot nito.

"Edi lower rank kayo ganon?" Tanong niya ulit.

"Hindi rin." Anito habang ngingiti-ngiti.

"Hmm, saling pusa ganon?"

Natawa si Ion kaya naman napakunot ng noo si Maria.

"Kung sinasabi mo na kasi kung ano nga, hindi sana ako hula ng hula dito." Pikon na sabi niya.

"Relax, baby. Ang dali naman uminit ng ulo mo." Natatawang sabi nito.

"Ano nga kasi?" Inis na tanong niyang muli.

"We maintain the peace and safety of the organization, Maria. Ibig sabihin, kami ang taga parusa, taga patay at taga libing ng mga sumisira sa organisasyon. Binabayaran din kami ng ilang bansa para puksain ang mga drug dealers at notorious gangs sa nasasakupan nila." Sagot nito.

Bumukas ang elevator. Hinila siya palabas ni Ion papunta sa isang malaking pintuan.

"Ay teka nga, saan ba tayo pupunta? Kung saan-saan mo ako pinagdadadala baka hinahanap na ko ni papa." Aniya.

Humigpit ang hawak ni Ion sa kaniyang kamay bago siya nito ipinasok sa malaking pintuan.

Bumungad sa kaniya ang isang penthouse. It was also in modern style, kaya lang ay more on dark colors ang paligid.

Binitawan ni Ion ang kaniyang kamay bago hinubad ang suot nitong suit. Niluwagan ang kurbata bago naupo sa malaking sofa.

"Tulog muna tayo. Bukas ka nalang umuwi." Anito bago kinuha ang kaniyang kamay at hinila siya paupo sa kandungan nito.

Napaawang ang bibig ni Maria at tatayo na sana ngunit hindi siya hinayaan ng binata.

"Siraulo ka ba ha, bitiwan mo ako. Lagot ako kay papa kapag hindi ako umuwi. Tiyak na hihingin nanaman niya ang tulong ni Sauron para hanapin ako." Aniya at saka napagod sa kakapiglas sa binata.

"You don't need to worry about that. Hindi ka nila mahahanap dito. Tago ang lugar na 'to kaya imposibleng mahanap ka ni Sauron dito." Bulong nito sa kaniyang tainga.

"Kahit na, mag aalala sakin si papa lalo na at ikaw ang kasama ko. Iisipin non na hindi na niya ako makikita kahit na kailan dahil dinispatya na ko ng vice commander ng Galdreon." Aniya.

Ion chuckled.

"Maria, I would never do that to you. Mamamatay muna si Ian bago ko maisip ang ganoong bagay." Natatawang sagot nito sa kaniya bago paulit-ulit na hinahalikan ang kaniyang balikat.

"Ian? Sino naman iyon?"

"Kakambal ko, na sa tingin ko ay hindi namin tunay na kapatid dahil napulot lang nila mom at dad." Sagot pa nito.

"Tingin nga itsura, tignan ko lang kung magkamukha kayo." Aniya.

"No." Mabilis na tutol ni Ion. "Hindi kami magkamukha dahil napulot nga lang siya. "

Natawa si Maria.

"Siraulo ka. Gusto ko lang naman siyang makita. Titignan ko kung sinong mas lamang ang itsura." Aniya dito habang humahagikgik.

"Tinatanong pa ba 'yan? Malamang lamang na lamang ako. Walang explanation, basta lamang ako sa lahat ng bagay." Nagmamalaking sabi nito. Hinawi nito ang kaniyang buhok upang mahalikan siya sa leeg.

Gamit ang palad ay hinawi niya ang mukha nito papalayo sa kaniya.

"Nililibang mo lang ako e, uuwi na ko." Aniya bago umambang tatayo ngunit hinila siya pabalik ni Ion.

Inilagay nito ang isang braso sa likod ng kaniyang tuhod at ang isa naman ay sa likod niya, mahinang napasinghap siya ng buhatin siya nito ng pabridal style bago ipinasok sa isang kwarto.

"Wag ka na umuwi, nasa tamang edad ka na para makipag live in." Anito bago natatawang ibinaba siya sa kama.

"Ion, baliw ka! Hindi pwede hoy!" Aniya at umambang aalis sa kama ngunit pumaibabaw na sa kaniya si Ion.

Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay bago ito itinaas sa kaniyang ulunan upang hindi siya makapiglas.

Mariin siya nitong hinalikan sa labi. Hindi na makapiglas pa si Maria dahil nadala na siya ng mga mapanukso nitong halik.

Bumaba ang isa nitong kamay sa kaniyang legs bago pumasok sa loob ng kaniyang dress ang palad nito. Marahang hinaplos-haplos nito ang kaniyang balat hanggang sa makarating ito sa kaniyang dibdib.

Bumaba ang halik ni Ion sa kaniyang leeg kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon upang makapag salita.

"Hoy sabi mo tulog lang!" Aniya sa natatawang tono.

Ramdam niya ang pagngiti ni Ion sa kaniyang leeg bago nagkalat ang basang halik nito sa kaniyang dibdib.

_*_

Continue Reading

You'll Also Like

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...