THE TEN MILLION BID (Volume 0...

By IAMROMME

29.8K 1.5K 197

Shun never dared to dream of having a family of his own, but that dream became a reality. Despite not sharing... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
SPECIAL CHAPTER: DEMONYO
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 01
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 02
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 03
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 04
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 05
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 06
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 07
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 08
SPECIAL CHAPTER: COFFEE DATE
SPECIAL CHAPTER: AWAKE
SPECIAL CHAPTER: JEALOUS MAN
SPECIAL CHAPTER: VISIT
SPECIAL CHAPTER: THE MISSION
SPECIAL CHAPTER: HELLISH MEMORIES
SPECIAL CHAPTER: ASULA
SPECIAL CHAPTER: THE FAKE DEATH OF ARMANDO
SPECIAL CHAPTER: THAT WEIRD GIRL
SPECIAL CHAPTER: JOWA.
SPECIAL CHAPTER: CRISPIN'S POV
SPECIAL CHAPTER: THAT TWO GUYS.

25

391 23 2
By IAMROMME

Pareho-parehong focus ang paningin namin ngayon sa palabas. Nasa interesting part na kami ng palabas na pinapanood namin. Ang mga bata ay nakatulog na at kaming matatanda na lang ang naiwan at nanonood. Kanina pa sila nakatulog baka pa kami manood ng movie kaya hindi nila nakita ang mga madudugong pangyayari sa movie. Hindi rin naman namin panonoorin iyon kung gising pa sila.

Squid Game. Iyon ang title ng pinapanood namin ngayon. Sikat na movie na kalalabas lang sa Netflix. Si Hikari ang nag-suggest na panoorin namin iyon. Tungkol siya sa mga pambatang laro pero ang thrilling part is kapag natalo ka, buhay mo yung magiging kapalit. Ang mga manlalaro ay mga taong baon sa utang at mga nangangailangan talaga ng pera. As of now ay nasa episode six na kami.

"I guess that Sang-woo and Ali will pass this game. They build a strong team together." Saad ni Crimson at sumang-ayon naman ako. Sang-woo is smart while Ali is strong.

"The two girls will pass too. They're kinda cool tandem." Saad naman ni Phoenix. Sumang-ayon din ako dahil maski ako ay nakikita ang pagka-cool nilang dalawa.

Pero nung marinig na namin na sabihin na ang kapares nila ang siyang makakalaban nila, lahat kami natahimik. Alam kasi namin na in the end of the game ay may isang mamamatay sa kanila. Agad naman akong nakaramdam ng lungkot para sa players. Mahahalaga pa naman sa iba sa kanila ang mga kapares nila lalo na iyong isa na asawa niya ang pares niya. Agad naman akong lumapit kay Phoenix at agad naman ako nitong niyakap habang parehong nasa palabas pa rin ang paningin.

Parang gusto kung maiyak dahil sa sunod na mga nangyari. Lalo na sa importanteng mga charac. Habang patagal ng patagal ay mas lalo akong nalulungkot dahil parang alam ko na kung sino ang mamamatay sa kanila. Humigpit naman ang kapit ko sa kamay ni Phoenix pero hinagod lang nito ang likod ko na tila ba pinapagaan ang pakiramdaman ko.

Sa huli ng episode ay tuluyan akong nalungkot. Si Ali, Ji Yeong at ang matanda ang namatay sa mga importanteng team na sinusubaybayan ko talaga. Nalulungkot ako para kay Ali dahil ang bait niya. Kagaya na lang ng ginawa niya sa unang epidose... tinulungan niya ang bida kaya ito nakaligtas sa unang laro. Ang dami niyang ginawang mabuti kaso masyado siyang nagtiwala. Ang babae naman... Nalulungkot din ako para sa kaniya dahil sa pinagdaanan niya at sa ginawa niya, nagpatalo siya kaya nanalo si Sae Byeok. At lalong-lalo pa akong nalungkot sa matanda. Alam niya pa lang niloloko siya nung bida pero nagpatuloy pa rin siya sa pakikipaglaro at ibinigay niya pa talaga ang panghuling marbles niya sa bidang lalaki na Gganbu niya.

Nagpatuloy lang ang panonood namin hanggang sa mga sumunod pang episode. Naiinis ako bigla kay Sang-woo. Simula talaga noong una ay hindi ko na siya gusto eh.

"Player 240, eliminated. Player 199, eliminated. Player 1, eliminated."

Napanguso na lang dahil parang gusto na talagang maiyak nang marinig iyon.

Sa mga huling epidose ay unti-unti silang nalagas hanggang sa tatlo na lang sila ang natira. Si Sang-woo, Sae Byeok at Gi-hun.

Mas lalo pa akong nalungkot dahil namatay rin si Sae Byeok. Hihingi na sana ng tulong ang bida para iligtas ang buhay niya kaso sinasaksak siya ni Sang-woo.

Sa huli ay si Gi-hun ang nanalo at nakuha niya ang pera pero halos hindi niya rin iyon ginamit. Tapos in the end ay malalaman na lang namin na ang matanda pala ang may pakana ng lahat. Para akong nabudol dahil akala ko talaga ay patay na siya.

"So it's his fault, huh?"

"Hindi na oo" Agad na sagot ko kay Hotaru. "Tama naman kasi siya. Wala siyang may pinilit na maglaro. Kagustuhan ng mga players 'yon. Saka binigyan na sila ng pagkakataon, diba? Pero pinili nilang bumalik at maglaro. Nasa mga players ang desisyon pero pinili nilang magpatuloy. Pero oo, may kasalanan din siya. Kasi sa kagustuhan ng mag seek ng 'fun' eh ginawa niya ang squid game. Iyong laro na maraming buhay ang kinuha." Dagdag ko pa at napatango-
tango naman sila bilang pagsang-ayon.

Nang matapos manood ay agad na kaming nagpaalam ni Phoenix doon sa iba na aakyat na muna para dalhin ang mga bata sa kwarto para doon matulog.

Matapos kung maihiga ang mga bata sa kama ay agad naman akong lumapit kay Phoenix saka yumakap.

"You crying, honey?" Tanong nito pero nanatili lang akong nakayakap sa kaniya. Naramdaman ko namang hinagod nito ang likod ko dahilan para gumaan naman kaagad ang pakiramdaman ko. Pero nanatili pa rin akong nakayakap hanggang sa tuluyan na talaga akong maging okay.

"You can stop hugging me now, Phoenix." Saad ko at nagtaas ng tingin sa kaniya.

"I want to kiss you..." Saad nito habang nakatingin sa mga mata ko at bumaba papunta sa labi ko. Bago ko pa namalayan ay hinahalikan na pala ako nito at buong puso ko naman iyong tinugon. Pero bigla na lang nag-init ang katawan ko nang magsimulang bumaba ang labi nito papunta sa tenga at leeg ko.

"P-Phoenix... Baka magising ang mga bata." Saad ko dahilan para tumigil naman ito.

"Then we should continue somewhere else." Saad nito at hinila ako papalabas sa kwarto at pumasok sa katabing kwarto. Agad naman nitong inangkin ulit ang labi ko. "Honey?"

Napamulat naman ako at tumingin sa kaniya. "Yes?" Tanong ko naman habang nakatingin lang sa gwapo niyang mukha.

"I love you." Saad nito at hinalikan ako sa noo. Napangiti na lang ako saka hinalikan siya sa labi.

"You love me that much?"

"Yeah. Seeing your sad face make my heart ache. I don't want to see you sad, honey." Saad nito habang hinahaplos ang pisngi ko at niyakap ako.

"I'm sorry. Nadala lang ako sa movie. But I'm fine now. Thanks to you." Nakangiting saad ko at hinalikan pa ulit siya pero nagulat na lang ako nang bigla ako nitong buhatin. Mabuti na lang at nakayakap kaagad ako sa kaniya.

"Phoenix---"

Natigil ako sa pagsasalita nang angkinin na naman nito ulit ang labi ko habang papunta sa kama na nasa loob ng kwarto at inihiga ako doon. "You're mine now." Saad nito habang nakatingin sa kabuuan ko.

"I'm always yours, Phoenix." Nakangiting saad ko. Bigla namang naging maamo ang mukha nito at nahiga rin sa tabi ko at niyakap ako.

"Damn! Kinikilig ata ako, honey." Saad nito habang nakabaon pa rin ang mukha sa leeg ko. Mahina naman akong natawa at niyakap din siya.

Pero maya-maya ay naramdaman ko na ang dila nito sa leeg. "Nix."

"Yes, honey?" Agad ako nitong hinarap saka ngumiti.

"How old are you now?" Tanong ko sa kaniya.

"Why do you ask, honey? Do I look old?" Napapangusong tanong nito kaya umiling naman ako at tinitigan ang mukha nito. "I'm 38 years old rightnow."

"But why you look like 25, hm?" Tanong ko naman sa kaniya kaya natawa naman ito.

"Ang asawa ko talaga masyadong magaling sa pambobola. Napapaniwala na lang ako." Tumawa naman ako dahil sa sinabi nito pero maya-maya ay tumahan na rin ako.

"Anong nambobola? Totoo yung sinasabi ko." Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya hinampas ko naman ang braso nito. "Totoo nga."

"Edi mas gwapo pa ako doon sa lalaking doctor pumupunta sa café?" Tanong nito at agad ko namang nakilala ang tinutukoy niya.

"Oo naman." Agad na sagot ko.

"Mas gwapo pa sa pumunta dito ng nakaraan?" Tanong niya pa ulit.

"Bakit ayaw mong sabihin ang pangalan nila?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

"Pangit ng mga pangalan nila." Mas lalo naman akong natawa sa naging sagot nito.

"Edi sayo lang maganda, gano'n?"

"Oo naman. Bakit? Nagagandahan ka ba sa mga pangalan nila, huh? Nagagandahan ka ba?"

"Ano naman kapag sabihin kung oo?"

"Shun." Nakangusong saad nito kaya nayakap ko na lang siya habang natatawa pa rin.

"Oo na. Oo na. Sayo na ang pinakamaganda. Ikaw na gwapo. Masaya ka na ba?" Tanong ko sa kaniya kaya agad namang nagbago ang reaksiyon nito. Ngiting-ngiti at tumango pa. "Aminin mo, nagseselos ka ba sa mga lalaking 'yon?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo. They're  looking at you like they will going to steal you away from me." Seryusong sagot nito.

"I think they're straight as a fucking arrow, Nix. They will never like their same gender." Sagot ko habang sinusuklay ang buhok niya.

"I'm also fucking straight back then but meeting you changed me like baam! I'm inlove with this pretty guy."

"Do you... regret falling inlove with me, Nix?"

"Nope. Kahit isang beses hindi ako nagsisi na ikaw yung minahal ko." Hinalikan pa nito ako sa noo saka bigla namang sumeryuso ulit ang mukha niya. "Back to the topic. Hindi malayong hindi sila magkagusto sayo. You're pretty, handsome, kind, sweet, cute, humble, sexy, good at cooking, husband material---"

"Pero may asawa na ako. Hindi na nila ako maaagaw sa kaniya." Putol ko sa mga sinasabi niya. Natigilan naman ito at agad din na ngumiti ng sobrang lapad.

"Tama. Tama." Sang-ayon nito kaya natawa na lang ako.

"Matulog na muna tayo. Enough of the talk. I'm sleepy." Sabi ko at inihiga ang ulo sa balikat niya habang nakayakap pa rin.

"Okay. Let's sleep then." Narinig ko pang saad nito at hinalikan ako sa noo.

Ipinikit ko na ang mata ko habang nanatiling nakayakap sa kaniya. Hindi ko na alam kung ilan ang oras akong nakatulog pagkatapos basta nagising na lang ako nang gisingin ako ni Phoenix para maghaponan na kami.

Tiningnan muna namin ang mga bata at nagbabasa ang mga ito ng libro. Kinuha ko naman si Arabelle habang ang dalawang bata naman ay agad na humawak sa daliri ni Phoenix. Bumaba na kami at nakita kung nakahanda na ang hapagkainan. Mas lalong lumamig ang temperatura dahil umuulan.

Sinubuan ko naman si Arabelle ng kanin dahil panay ang agaw nito sa kutsara ko. Isa at mahigit sa kalahating taon na si Arabelle pero sobrang taba niya talaga. Panay ang pakain ng pakain ni Phoenix at nung kambal eh. Pinisil ko naman ang pisngi nito kaya humagikhik naman ito na ikinangiti ko naman.

Tumayo naman ito sa mga hita ko saka itinuro ang tubig kaya kinuha ko naman iyon at pinainom siya. Agad itong pumalakpak matapos uminom.

"Sir Shun do you want to visit the café tomorrow?" Tanong ni Hikari sa akin nang matapos na kaming kumain at ngayon ay naghuhugas na ng mga plato.

"Yeah. I already miss the café. Gusto ko rin kamustahin ang mga tauhan namin doon kung ayos lang ba sila." Sagot ko naman at ibinigay kay Fero ang pinggan. Siya ang nagpupunas ng pinggan at naglalagay sa may lagayan ng mga iyon.

"Can I go with you, Sir Shun?" Tanong nito ulit.

"Isasama ko kayong apat bukas." Nakita ko naman ang pagkatuwa nito dahil sa sinabi ko.

Matapos na maghugas ay nagpaalam naman ako sa dalawa at hinanap na ang mga mag-ama ko. Wala sila sa living room kaya napakunot naman ang noo ko at balak sanang pumunta sa second floor nang makasalubong ko naman si Hotaru. "Hey, nakita mo ba sila Phoenix at ang mga bata?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah. They are in the library." Sagot nito kaya napakunot naman ng noo ko.

"Anong ginagawa nila doon?" Tanong ko pa ulit.

"Isaac already finished reading the book that you gave. He wants a new book to read so Phoenix take them in the library." Napatango-tango naman ako saka ngumiti.

"Salamat. Pupuntahan ko muna sila." Paalam ko at balak na sanang umalis ng pigilan na lang nito bigla ang kamay ko. "May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Nothing. You just have some bubbles in your arm. I just wiped it off."

"Oh... Hindi ko na namalayan. Thanks again." Saad ko pa saka tuluyan ng nagpaalam sa kaniya at dumeritso na sa library para puntahan ang mga bata at si Phoenix. Nakita ko naman na nagbabasa si Crispin at Basilio sa magkatabing upuan habang si Phoenix naman ay binabasahan si Arabelle na mukhang interesado at tuwang-tuwa naman sa pakikinig. Bigla namang nagtaas ng tingin si Phoenix at nakita ako kaya agad naman ako nitong tinawag kaya lumapit naman ako sa kanila.

Continue Reading

You'll Also Like

373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
4.6K 124 10
Muling nating patatagin ang ating mga pananampalataya bilang Katoliko. At gawing salamin ang kwento ng binatang si Hudas na biniyayaan ng nakakamangh...
19.4K 1K 20
Si Bryne, isang Basketball player, ay may matinding paghanga Kay Cecile ngunit hindi niya ito nagawang kausapin o makasama. Isang araw, nalaman niyan...