Bawat Daan (Puhon Series #1)

By pawsbypages

4.1K 500 52

PUHON SERIES #1. Celestine Lim never wanted to be in a long-term relationship during her college years, not u... More

Bawat Daan
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue
Love, Bri
Special Chapter

Chapter Twelve

76 11 1
By pawsbypages

#BD12 — Ferris Wheel

Nabasag bigla ang katahimikan at lahat kami'y napatingin sa kanya. "No." Ani ni Audrey.

Nilapag niya sa lamesa 'yung basong kanina pa niya hawak. Kumunot ang noo ni Drake sa sinabi ng kapatid niya. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari at kung bakit ayaw pumayag ni Audrey sa gusto ng kuya niya kaya nanahimik nalang ako. Si Fourthsky lang ang mukhang may alam dahil bakas sa mukha niya ang pagaalala.

Tumikhim si Audrey bago magsalita ulit. "We will all watch it together naman later so why don't we just wait for it din together?"

Wala pa ring may gustong bumasag sa katahimikan. Tanging si Audrey lang ang nagsasalita. Nanatili lang ang tingin ni Kazuo sa basong nasa tapat niya habang ang titig naman namin nina Fourthsky, Drake, at Astrid ay na kay Audrey. Lumunok ako nang mapagtantong baka kailangan ako ni Audrey ngayon kaya ayaw niya ako paalisin.

Binaling ko ang ulo ko kay Drake na nakatingin pa rin sa kapatid niya. Inilapit ko ng bahagya ang labi ko sa tenga niya para bumulong. "Saan ba dapat tayo? 'Tsaka anong meron?"

Bigla niya akong nilingon kaya naman napadikit ang labi ko sa pisnge niya. Marahan ko siyang tinulak dahil sa pagkakabigla ko sa nangyari. Narinig ko ang kantyaw nina Fourthsky at Kazuo kay Astrid na masama ang timpla ng mukha dahil sa aksidenteng paghalik ko sa pisnge ni Drake.

Umismid at bumuntong-hininga si Audrey kaya naman biglang bumalik ang kaluluwa ko na lumipad ata kanina. Sinamaan ko lang ng tingin si Drake na hanggang ngayon, e, nakangisi pa rin ng parang aso.

Nakakairita talaga ang kapal ng mukha nitong lalakeng 'to. Sinamaan ko sila ng tingin bago ko ito ilipat kay Audrey. Gusto ko rin sanang humingi ng tawad kay Astrid dahil sa nangyari kasi kahit naman wala silang label, mali pa rin na may ganoong nangyari.

"Fine. Let's go," nakangisi pa ring sabi ni Drake bago damputin ang wallet, phone, at susi ng kotse niya sa lamesa. "MOA."

"Ayun oh!" Fourthsky clapped his hands. "Akala ko si Celest na lang ang isasama mo dun, e! Tropa mo rin naman kami, tss," natatawang sabi niya.

"Astrid... We'll talk," mahinang sabi ni Drake kay Astrid. "Later."

Ipinulupot ko ang dalawang kamay ko sa kaliwang braso ni Audrey. Siguro nagseselos 'to sa kuya niya kasi siya na ang madalas kong kasama. Siya pa rin naman ang best friend ko, e.

Siya lang talaga.

"Nagtatampo ka ba?" Malambing na tanong ko kay Audrey.

Umiling ito. "No."

"Weh?" I raised a brow. "Asus, Addie! Nagseselos ka 'no?" Panunuya ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Drake.

"Kapal mo!" Iritadong sagot niya. "Go ride with your best friend. I'll ride with Fourth."

Hindi raw nagseselos pero iba naman ang pinapakita ng mga galaw niya?

Nako, Audrey Medina!

Dahil sa inaasta niya, mas napatunayan ko lang sa sarili ko na nagseselos nga talaga siya dahil mas nakakasama ko na si Drake kaysa sa kanya na halos araw-araw kong kasama noon sa states.

"Drey..." Fourthsky looked at Audrey with uncertainty written all over his face. "Sa 'kin ka ba sasabay?" Maingat na tanong niya kay Audrey.

"Yes," nakangiting sagot ni Audrey. "Let's go?"

Inalalayan ni Fourthsky sa paglalakad si Audrey papunta sa kanyang kotse na nasa tabi lang ng Raptor ni Kazuo. Hindi ko natanong kung kanino ako sasabay pero mukhang kay Kazuo na naman. For sure, Astrid will ride with Drake. Baka nga magtalo pa 'yung dalawa dahil sa nangyaring hindi ko naman sinasadya.

"Tara na, Kazu!" Aya ko kay Kazuo na abala sa kanyang phone habang nakatayo sa gilid ng Raptor niya. Inangat niya ang tingin sa 'kin bago itago ang phone niyang kanina pa niya hindi mabitawan. Binuksan ko na agad ang pintuan sa shotgun seat, hindi ko na siya inintay gawin pa 'yun. Sinuot ko na ang seatbelt ko bago i-connect ang phone ko sa bluetooth ng car niya.

"Kanina ka pa abala sa phone mo, ah?" Umayos ako ng upo. "Stinalk mo, 'no?" Pangangasar ko sa kanya.

Alam ko naman na kaya siya abala sa phone niya kanina ay dahil sa accounts ni Yuriko na sinend ko sa kanya. Siguro stinalk niya 'yun hanggang sa pinakadulo.

This man is whipped!

Grabe ang kamandag mo, Yuriko Rei.

Sinamaan niya ako ng tingin bago ibalik ang tingin sa daan."Naka-private."

Ayun naman pala! Kaya masama rin ang timpla ng mukha nitong isang ito. Naka-private naman pala ang accounts at paniguradong wala siyang nakita! Sa sobrang lakas ng tawa ko halos maubusan na naman ako ng hininga. Binuksan ko ang phone ko bago ko tinipa ang password nito. Ipapahiram ko na lang muna sa kanya ang account ko para naman may marating siya sa kaka-stalk kay Yuriko.

If I'm Yuriko, I'll find this creepy pero mag best friends naman sila noon pa at mukhang nagkaro'n rin ng something kaya okay lang rin siguro 'to. Pero dahil nagmamaneho siya, ako na lang ang humawak sa phone ko at tuwing may nakikita akong picture ni Yuriko, e, binabaling ko 'to sa kanya.

"Celest, stop." Tinulak niya ng bahagya ang phone ko.

"Ano? Miss mo na? Ganda 'no?" Matapang na tanong ko sa kanya.

Suminghal siya. "Lagi naman."

He really loves her, grabe. I hope she gives him a second chance. To prove na he's no longer the same Kazuo before. Kahit naman putol-putol ang kwento niya, alam kong may rason siya kung bakit wala siya sa tabi ni Yuriko nung mga panahon na 'yon. The love he has for her is strong as hell.

Hindi ito puppy love lang.

"Nagmahal ka na ba?" He asked out of nowhere.

Nabigla ako sa tanong niya. Ni hindi ko nga alam kung may sagot ba ako dun. Hindi ko naman kasi alam kung totoong love ba 'yung naramdaman ko noon. I had a few boyfriends back in high school. I don't actually count them as boyfriends or exes since below 18 years old naman.

I don't really know.

Damn.

Was it really love? Or was it just an infatuation?

I was young and dumb. I loved their company, pero siguro hanggang doon lang. I've been with a lot of guys before pero hindi naman seryosong relasyon ang mga iyon. Sumasang-ayon naman sila sa no-strings-attached na relationship kaya pare-pareho lang kami.

Except for this guy na I dated when I was in my last year in junior high. Grade 10 to be exact. He's nice and good looking but I really have this weird taste when it comes to guys. Madalas ako dinadali ng mga bad boy na 'yan. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang taste ko sa lalake. Feeling ko ata ako si bob the builder na pwedeng patinuin o ayusin ang isang taong dadaan lang naman sa buhay ko. Toxic, I know.

It broke my heart.

Kung love ang paguusapan, sigurado akong siya lang 'yung sineryoso at minahal ko talaga noon. Kaso wala , e. Kahit anong pagseseryoso ang gawin mo, pag hindi kuntento sa 'yo, hindi kuntento sa 'yo.

He cheated and it made me feel worthless.

Sobrang down ko noong mga panahon na 'yun. My father died when I was in senior high, grade 11. Heart attack. Tumigil ang takbo ng mundo ko. Nanlambot ang dalawang tuhod ko at bumigat ang dibdib ko. That's when my mom decided to set an appointment with a psychiatrist. I thought okay na ako after years that's why I said yes to him. I thought he's not that typical bad boy na hindi na marunong magseryoso.

Ang tanga ko para maniwala na magbabago siya. He cheated and made me go back to square one. I loved him. Oo, minahal ko nga ata. Hindi naman ako masasaktan kung hindi ko mahal, 'di ba? And because of what that cheater did—Drake and Audrey got mad. Really mad.

"Isang beses," tipid na sagot ko kay Kazuo.

Tumango-tango siya. "Anong nangyari?"

"Cheater." Uminom na lang ako ng konti sa drinks na dinala ko galing Pop Up.

"Binugbog ni Drake, 'no?" He asked. "Hindi naman papayag 'yun ng gano'n lang. Lalo na pag dating sa 'yo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nahalata niya iyon kaya nagsalita siya ulit. "S-sa inyo ni Audrey."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "W-what do you mean?"

"Manhid ka," maikling sagot niya.

Manhid ako? Saan? Hindi ko makuha ang nais niyang iparating. Protective si Drake sa'min ni Audrey dahil kuya na talaga ang turing namin sa kanya noon pa lang kahit months lang naman ang tanda niya. Saan banda ako naging manhid?

Unless...

No. Hindi pwede 'yun—hindi naman siguro tama 'yung iniisip ko, hindi ba?

"U-uh..." I gulped. "Bilisan mo na lang mag drive..." May pag-aalinlangan sa pagsambit ko sa bawat salitang 'yon.

Sinunod naman niya ang gusto ko. Binilisan niya talaga ang pagmamaneho. Kung saan-saan siya sumingit at nag-overtake na rin siya sa ilang kotse para lang makaraos. Tumawag na rin sila Fourthsky at Drake sa kanya para sabihan kung saan kami magkikita-kita.

Nauna na raw sila Drake doon. Sa totoo lang, wala naman ng bago sa balitang iyon. Mabilis talagang magpatakbo ng sasakyan si Drake lalo na kung wala ito sa mood o kung galit siya. Malalaman mo talaga na may mali o may galit siyang nararamdaman pag sobrang bilis ng pagpapatakbo niya. Hindi ko alam kung napansin din ng iba iyon, pero isa 'yun sa napansin ko sa halos araw-araw naming pagalis.

Nang marating na namin ang sinasabing lugar ni Drake, naabutan namin silang dalawa ni Astrid na mukhang may seryosong pinaguusapan. Tumatango-tango lang si Astrid sa sinasabi ni Drake. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting kirot sa puso nang maabutan silang gano'n.

Wala pa si Audrey at Fourthsky dito, siguro'y nasa parking pa ang mga 'yon. Medyo may kalayuan rin ang pwesto namin ni Kazuo kina Astrid at Drake na hanggang ngayon, e, naguusap pa rin. Nakatingin lang sa malayo si Drake habang nakikinig sa mga sinasabi ni Astrid sa kanya.

Alam ko naman na they don't really have a label. Hindi ko lang maiwasan ang sarili ko lingunin sila. Pakiramdam ko ay may masamang nangyayari sa relasyon nilang dalawa dahil sa mukha nilang parehas. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa nangyayari sa kanila dahil sa hindi inaasahang halik sa pisnge kanina.

Pero kahit gano'n nga ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin kayang itanggi na kumikirot ang puso ko habang tinitignan silang dakawa. Kahit na iniisip kong kasalanan ko ang pagtatalo nila—nasasaktan pa rin ako. Kasi alam ko na sa kabila ng lahat ng ito at kahit pagbalig-baligtarin ko man ang mundo... may nararamdaman talaga ako para sa kanya.

"Naguguluhan ka?" Biglaang tanong ni Kazuo habang ang tingin niya ay nakatuon kina Audrey at Fourthsky na naglalakad na papalapit sa'min.

"Naguguluhan saan?" Tinuon ko na rin ang tingin ko kina Audrey at Fourthsky. "The hell are you trying to say?" I laughed.

"Sa nararamdaman mo." Kazuo shrugged. "Nakasulat sa mukha mo—ang dali mong basahin," aniya.

"H-hindi ko alam..."

"Mahal mo?" Tanong niya.

"Oo namanz Syempre mahal ko; abay kaming lumaki, e, pero mali..." Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Parang kuya ko na rin kasi talaga 'yun," wala sa tamang pagiisip na sagot ko sa kanya.

"Si Drake nga?" He raised his right brow up. "Ah."

Ang tanga ko naman! Hindi naman niya tinatanong kung sino pero mukhang nadulas na ata ako. At bakit naman 'yun lumabas sa bibig ko? Ano ba 'tong nararamdaman mo, Celestine Anastasia?

"Wala naman akong binanggit na pangalan pero dahil sa unexpected explanation mo... Mukhang siya nga," he added.

Kumalabog ng sobrang bilis ang dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Nanatili na lang ang tingin ko sa mga mata niyang mapanuri at para bang binabasa ang lahat ng nasa isip ko.

He smirked. "That's okay, Celestine. Pwede mo naman akong sabihan tuwing may problema ka o kahit wala man. Tulad na lang nang pagkwento ko sa 'yo tungkol sa mga problema ko." Marahan niyang tinapik ang balikat ko bago lapitan si Fourthsky.

"Ferris Wheel tayo!" Aya ni Astrid.

Mabilis namang sumangayon sina Fourthsky at Kazuo. Walang umiimik sa'min nina Audrey at Drake, pareho lang silang sa 'kin nakatingin. Naghihintay ata sila sa sagot ko kung sasama ba ako sa Ferris Wheel o hindi. Nagkibit-balikat na lang ako bilang sagot.

"Papayag 'yan si Celest," mayabang na sagot ni Kazuo habang nakangisi.

Ang sarap mong kutusan, Kazuo Takeshi! Alam ko ang gusto mong mangyari at kung kasama lang natin si Yuriko ngayon, aba, kabahan ka na! Gagantihan talaga kita! Pasalamat siya hindi pa gaano ka-close ng barkada 'yung chef niya. Kung kasama lang namin si Yuriko ngayon, hindi ako papayag na hindi sila magkasama sa ferris wheel.

"Kay Kazuo muna ako sasama. Pag uusapan namin 'yung chef niya!" Humahagikgik na sabi ni Astrid.

"I'll go with Fourth," walang emosyong sabi ni Audrey habang ang tingin ay sa 'kin parin nakatuon.

Shit.

I'm doomed.

Si Drake ang makakasama ko sa Ferris Wheel. Parang ayaw ko na lang sumakay. Simula nang makaramdam ako ng pagbabago sa pakikitungo niya sa 'kin at dahil sa sinabi ni Kazuo, masyado na akong hindi mapakali pag siya ang kasama ko. Kung ano-ano kasi ang pinapasok ni Kazuo sa utak ko. Sobrang nakakasira pala talaga ng ulo magkaroon ng feelings para sa kababata mo na para mo na ring kuya.

"Okay then," ani Drake. "My treat."

"Naks! Drake's treat, pre!" Natatawang sabi ni Fourth habang ang kamay ay naka-akbay na sa balikat ni Audrey. "Umaasenso!"

"Remove your dirty ass arm, Fourth," mariin niyang sabi habang tinuturo ang kamay ni Fourthsky na nasa balikat ni Audrey.

"OA mo, Kuya." Inirapan ni Audrey si Drake bago mag martsa papunta sa bilihan ng tickets.

Pumila na rin kami agad habang bumibili pa lang ng tickets 'yung magkapatid para hindi na kami gabihin pa rito. Gusto ko kasi talaga mapanood ng live si Just Hush mamaya.

Tahimik lang kaming dalawa habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas. Ni isa sa'min, e, walang balak sirain ang katahimikan. Gusto ko siyang tanungin ng diretso pero hindi ko alam kung tama ba iyon.

Baka mamaya, assumera lang pala ako.

Baka mamaya, one sided lang pala ito.

No, Celestine. Kailangan mo ng sagot para malinawan ka na rin. Hanggang kailangan mo ba balak itago ang totoong nararamdaman mo? Fuck. Drake ano ba 'tong ginagawa mo? Hindi ba tapos ka na sa ganito, Celestine?

Tapos ka na rito, e...

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Back in 9th grade, I saw him with his new girl. He's treating her like a real queen. Pinanganak siyang gentleman, oo, alam ko 'yun. Pero 'yung pagtratong ginawa niya noon para sa half american half filipina niyang girlfriend noon? Ibang-iba.

Nakaramdam ako ng kirot sa 'king puso noong mga panahon na 'yun. Hindi ko pala siya kayang makitang masaya sa ibang babae. Hindi ko kayang makita siyang may ibang prinoprotektahan, may inaalagan, at may minamahal na babae maliban sa'min ni Audrey.

Noong una, wala naman talaga akong pakielam sa mga naging kalandian niya dahil mayro'n din naman ako kaya hindi ko siya masyadong napapansin noon. Kaso habang tumatagal, habang nilalayo ko ang sarili ko sa kanya, habang nilalaan ko sa ibang bagay ang atensyon kong dati rati'y na sa kanya—dahan-dahan akong natauhan.

Ang tagal ko rin 'tong tinatakbuhan. I even dated that cheater back in senior high just to prove myself na nalilito lang ako. Na na-iinggit lang ako dahil si Drake may girlfriend na at ako... Heto, stuck pa rin dahil sa lintek na trauma na 'to.

But what happened? Hangga't tinatakbuhan ko ang totoong nararamdaman ko para sa kanya, mas lalo lang lumalala ang lahat.

The man I dated before, cheated. Pinalala lang niya 'yung sakit na nararamdaman ko, 'yung takot, 'yung trauma. I lost myself. I lost everything. I lost my father and I lost myself in the process of running from my unexpected love for Drake Cole Medina. Yes, the man that I grew up with and the man who stood beside me while I'm pushing everyone away.

"Do you like me, Drake?" Matapang na tanong ko.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa dagat na nasa ilalim lang namin. Kung saang lupalop ko man nakuha ang lakas ng loob ko para itanong iyon sa kanya ay hindi ko na rin alam. Gusto ko na lang talaga tumalon dito para lumayo at iwasan ang sagot niya.

Ramdam ko ang diin ng titig niya sa 'kin. "What if I do?"

"Baliw ka na ba?" Nilingon ko ito dahil sa tanong niyang nagpabilis na naman sa pintig ng puso ko. "S-stop messing around, Drake Cole."

Pinilit kong tumawa kahit halatang peke lang 'yon. Hindi ito pwede. Hindi pwedeng magustuhan niya ako. Both of our parents are high school friends. We both grew up together. Hindi ito maari dahil sabay-sabay kaming lumaki at natatakot akong mapunta sa wala ang lahat.

"I... I do, Tash," he whispered before he put his stare back to his shoes. "I like—no. I'm in love with you... "

Napalunok na lang ako at nagpakawala na naman ng pekeng tawa. "Syempre mahal mo 'ko, para mo na rin akong kapatid, e!"

Fuck. I don't know what to do. Tama ba 'tong ginagawa ko? Malamang mahal mo 'ko, Drake. Kapatid na ang turing mo sa 'kin, e. Ang gulo-gulo na naman ng mundo ko. Lagi nalang bang ganito? 'Yung ako iyung nahihirapan. Naiipit. Naguguluhan.

"The love I have for you is different from the love that I have for Audrey, Tash." Inangat niya ang tingin niya kaya nagtama ang mata naming dalawa. "It's different. I know it's different because I've been in love with you for so long."

His eyes burned with love, pain, and hope.

I don't know what to say. I don't know what to do and what to feel. The man that I grew up with—the man that I treated as my own brother—the only guy best friend that I have from the very start... confessed his love for me at the top of this Ferris Wheel with a sunset view which made everything perfect.

He knows how much I love sunsets. He planned this. He planned everything. I closed my eyes. I can no longer prevent my tears from falling. I can't explain how happy and scared I am right now. Ang buong akala ko, e, one-sided love lang 'to at umaasa lang ako na gano'n rin ang nararamdaman niya sa 'kin pero mali ako.

"Hey..." Marahab niyang hinaplos ang buhok ko. "Shh.. Don't cry, Tash," malambing niyang sabi habang pinupunasan ang pisnge kong basa na ng luha.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. His eyes are pierced into mine. "I'm scared, Drake."

Natatakot ako na baka naguguluhan lang siya sa nararamdaman niya para sa 'kin. Na baka infatuation lang ang nararamdaman niya. Natatakot akong masira lahat ng mayro'n kami, lahat ng binuo namin simula pagkabata, lahat-lahat. Natatakot akong sumugal uli.

Kasi ang sakit-sakit.

Ang sakit sumugal ulit tapos talo na naman ako sa huli.

Natatakot ako na baka nararamdaman niya lang 'to dahil hindi sila maayos ni Astrid ngayon. What if Astrid runs back to him? What if magka-ayos sila? Ayaw kong maging panakip-butas. What if maging kami bago niya ma-realize na hindi pala totoong pagmamahal ang meron siya para sa 'kin?

Will he cheat on me too?

Maiiwan ba ako uling mag-isa?

"I'm here, Tash. I'll protect you at all costs, hmm?" Mahinang sabi niya bago niya hawakan ang dalawang kamay ko. "Please give me a chance to prove my love for you... please give me a chance to love you, Tash." Ipinatong niya ang kaniyang noo sa kamay naming dalawa bago ito patakan ng halik.

"I don't know what to say, Drake..." I drew a deep breath. "Why? I mean... " Lumunok ako bago magpakawala ng isang malalaim na buntong-hininga. "I don't wanna rush things. Alam mo namang ayaw ko pa sa commitment... 'di ba?"

"I know, baby." He kissed the top of my head. "We'll take things slow, okay? I'll court you," aniya.

"H-hindi ba dapat tinatanong mo muna ako kung pwede ka ba manligaw?" I asked in frustration.

He smirked. "I already asked permission to Tita Katherine and your father, Tash," he said. "And you don't have to act like you don't feel the same way about me."

Kinuha ko pabalik ang kamay kong kanina pa niya hawak-hawak. "Kapal ng mukha mo!"

"C'mon, I know you, Anastasia," he laughed. "The eyes never lie, remember?"

Iniripan ko lang siya bago ako humalukipkip at sumandal para matignan siya ng mas maayos. "This is weird. I always call you kuya kaya 'tsaka excuse me! Wala akong gusto sa 'yo okay?"

"That's what I thought," nagkibit-balikat ito habang ang ngiting aso niya'y hindi pa rin nawawala.


<3

Continue Reading

You'll Also Like

44.7K 1.4K 33
WAR#3: WHISPERS OF THE WAR -- "Listen to it, the whispers inside of me. The whispers of the war..." -- [ completed ]
5K 1.4K 44
She woke up from the deep but uncomfortable sleep. The moment everybody's been waiting for, As the brilliant sun flashes through her gentle face. Her...
7.2K 330 33
JIRAANAN SERIES #2 In this Wealthy Family, Jacques is the first grandchild and carried most of the family and social pressure. His life changed when...
102K 2.4K 43
Liana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She w...