Simoun: The Aggressive Man Ch...

By xxakanexx

4.3M 136K 26.1K

Simoun Paul Azul is lost. Buong buhay niya ay may hinahanap siyang isang parte ng buhay niya na bubuo sa kan... More

Simoun Paul
Prologue: She knew
Challenge # 2
Challenge # 3
Challenge # 4
Challenge # 5
Challenge # 6
Challenge # 7
Challenge # 8
Challenge # 9
Challenge # 10
Challenge # 11
Challenge # 12
Challenge # 13
Challenge # 14
Challenge # 15
Challenge # 16
Challenge # 17
Challenge # 18
Challenge # 19
Challenge # 20
Challenge # 21
Challenge # 22
Challenge # 23
Challenge # 24
Challenge # 25
Challenge # 26
Challenge # 27
Challenge # 28
Challenge # 29
Epilogue: Challenge # 30

Challenge # 1

195K 4.5K 872
By xxakanexx

Three years ago...

"Pre, hindi pa ba tayo aalis?"

Tiningnan ko lamang si Axel John. Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakatayo sa gilid ng punong iyon habang nakatitig sa nangyayaring libing sa harapan ko. I had been to my mother's funeral. I remember that moment and it was sad but I guess that this funeral was sadder than my mom's.

I was wearing a pair of dark shades. Direkta akong nakatingin sa mga nangyayari. My heart throbs with pain and I don't know why. I can't explain it. Wala akong karapatang magpunta sa lugar na ito ngunit heto ako at naghihintay na umalis ang lahat para makalapit ako sa babaeng itinuring kong kaibigan sa loob ng mga panahong nag-iisa ako.

It was actually very unexpected. Hindi ko inasahan na darating kami sa punto na pati ako ay magiging mabait sa kanya. Hindi ko nga lang masyadong ipinapakita sa kanya na gusto ko siya. My mom was right, Lukas Consunji did marry a wonderful woman and I hated the fact that I couldn't hate her --- even if I want too . But most of all, I hated the fact that I won't be able to taste her sinigang sa miso, talk to and laugh with her.

Apollo Consunji was a very kind hearted person. Iyong dapat na kinamumuhian niya ako pero mas pinipili niya akong kilalanin at pakitaan ng kabutihan ay isang patunay na napakabuti ng kanyang puso.

Nagtagal pa ang mga tao sa libing na iyon. I was just waiting. I needed to be near her grave and pay her my last respect. Inilagaan niya ako noon. Naging magkaibigan kami, hindi ko man madalas ipakita sa kanya pero minahal ko si Apollo Consunji.

Later that day, isa-isa nang nag-alisan ang mga tao sa paligid niya. Siniguro ko munang walang tao sa paligid bago ko nilapitan ang puntod ni Apollo. Axel John was behind me and he was whistling the song Unchained Melody. Hindi ko na siya nilingon. Nagdiretso ako sa puntod niya. The smell of cement was still fresh. Huminga ako nang malalim at saka lumingon kay Axel. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. Hinihingi ko ang bulaklak na dala ko kanina. I smirked at him and looked at Apollo's grave again.

I kneeled in front of the grave. Hinaplos ko ang harapan ng puntod niya. Napapailing ako habang nakatingin sa portrait niya na nakalagay sa ibabaw ng puntod.

"Hey... its me." Wika ko na para bang naririnig niya ako. I'm sure gonna miss the little things she does for me. Lukas' wife was a charming lady. Naalala ko sa tuwing tatawagan niya ako ay sasabihin ko ang nga katagang binitiwan ko ngayon. Inilapag ko sa tabi ng larawan niya ang bulaklak na dala ko tapos ay naupo lang ako doon.

"I'm gonna miss your warmth, Sunshine Lady." Mahinang bulong ko. Alam kong tulad na lamang si Apollo ngayon ni Mom ---kahit na anong tawag ko sa kanya ay hindi naman siya sasagot. I really feel sad about her leaving this world.

"Azul, it's time." Narinig ko si Axel. Muli kong hinaplos ang puntod ni Apollo bago ako tumalikod. I whispered to her and ask her to hug my mom for me. Magkasama na sila ngayon. Dalawa na silang guardian angel ko.

Sumakay ako sa sasakyan ni Axel. Tahimik lang ako hanggang sa dumating kami sa bahay ni King David. He was having a party and that it's exactly what I needed right now - isang distraksyon.

Nang dumating kami doon ay puno na ng tao. I was looking for a bottle of beer at nang makuha ko iyon ay umalis din ko agad. Alam kong kailangan kong libangin ang sarili ko dahil ayokong maisip si Apollo pero doon pa rin ako bumagsak.

My mind should be in the party. My mind should be fucking girls. My mind should have bad things right now but all I could think about was Apollo and how I am not going to talk to her anymore.

Lumabas ako ng garden at dumiretso sa pool. Doon nakita ko si Arruba na nakaupo sa gilid ng pool habang may hawak na glass of wine. Nasa mismong tubig ang mga paa niya. I joined her.

"You're late." Nakangiting wika niya sa akin. I sat beside her. I am now barefooted like her. Napangiti lang ako. Arru was wearing a green tube dress. Bagay na bagay sa kanya ang kulay na iyon. I stayed quiet for a while because I was admiring her beauty.

"Saan ka galing?"

Hindi ako kumibo. Bahagya pa akong nagulat nang hawakan niya ang kamay ko.

"At a funeral."

"I see." Natahimik kami pareho. Binalingan niya akong muli pagkatapos ay nagsalita siya.

"I thought you hated her..."

"I hate the fact that my mom set her happiness aside for her, I hate her husband and I hate her for trying to tell Lukas about me. But you see, Arru? I like her and I hate her at the same time. I hate the fact that I won't talk to her anymore. " Naikuyom ko ang palad ko. Hindi ko maintindihan kung paano pero may kung ano talaga kay Apollo na napamahal sa akin. Hindi ko siya tinuring na ina kundi bilang isang matalik na kaibigan.

Naaalala ko ang mga panahon na dadalawin niya ako o pupuntahan ko siya. We would dance --- as if I was dancing with Olivia. She would tell me about him and her kids and it breaks my heart to hear about Lukas Consunji and how much he loved all his children. Then Apollo would say that Lukas would love me too. Pero hindi na ako kikibo. Ayokong pag-usapan si Lukas Consunji. Mas may pakialam ako sa kanya kaysa sa asawa niya. She told me that if she knew my mom, she would have been friends with her. Iyon din ang tingin ko, magkakasundo sila. She would joke about my mom and her loving the same guy. Tatawa siya tapos ay pipisilin niya ang kamay ko.

Arru held my hand.

"Mahal mo siya, Azul. Just like how you love mom..." Makahulugang wika niya. I just shook my head. Arruba just held my hand. Sumandal siya sa balikat ko. We stayed like that for a long while, nakita ko na lang na nakapikit na siya kaya binuhat ko at ipinasok sa silid ni King David. Matapos iyon ay hinagkan ko siya sa labi at saka ako umalis.

I went to prison to visit the driver who killed Apollo. Nagbihis ako bilang isa sa mga jail guards at nakihalubilo sa iba. Nagmasid muna ako pagkatapos noon ay saka ko hinanap ang lalaki. I found him playing cards with the other inmates. Tinawag ko siya at dinala sa bartolina. Pumasok kami pareho doon. I lit the flashlight.

"Boss anong at---"

Hindi ko na tinapos ang sinasabi niya. Inilabas ko ang kwarenta y singko at ipinutok iyon sa kanya. Dalawa sa ulo, isa sa puso.

I killed the man who killed Apollo Consunji and it felt so damn good....

-------------

Nakatingin ako sa basketball game na nagaganap sa harapan ko. Mainit na mainit ang paligid sa loob ng covered court na iyon. Namumutaktak ang pawis ko, halo-halo na ang amoy na kahit iwasan ko ay sumusunod sa akin, para batukan ako para lang sabihin na oy, mabaho ako!!!

Napapikit pa ako habang nakatayo sa gitna ng napakaraming tao. Kundi lang dahil sa kapatid ko ay hindi ako manunuod ng liga sa lugar namin. Mahal na mahal kasi ni Jay-R ang bola, kaya siguro pati siya ay utak bola na rin. Bumabagsak siya sa eskwela dahil sa kakalaro ng basketball at hindi ko iyon gusto ngunit wala akong magagawa kundi ang suportahan ang bunso kong kapatid.

Napamulat ako nang tumawag ng time out ang grupo ng kapatid ko. Agad akong tumakbo papunta sa kanya upang magpaalam. Kailangan ko na kasing umalis kung hindi ay masisira ang schedule ko para sa araw na ito. Nang makalapit ako sa kanya ay kaagad ko siyang tinawag para sabihin na aalis ako. Nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha pero kahit iyon ay hindi naman sapat para hindi ako umalis. I need to follow my schedule. I need to be organized.

"Ate Leira naman, minsan lang naman itong game!"

Sinimangutan ko siya at saka tumalikod. Kailangan ko nang pumasok sa trabaho. Masyado nang nasira ang schedule ko dahil sa game na ito.

I like things around me neat and clean. Gusto ko lahat ay nasa lugar, lahat nang makakapareho ay magkasama, lahat ay maayos. Ayoko nang magulo, nalilito ako and I have a belief that if I have a schedule, everything will fall in to its own places and I was right.

Noong high school ako, napakagulo ng buhay ko na halos dumating sa punto na muntik na akong hindi makatapos ng pag-aaral pero dahil may pangarap ako, sinimulan kong ayusin ang dapat kong ayusin.

I was sixteen when I started making my schedules. Araw-araw iyon ang sinusunod kong palno. Nagbabago ang schedule ko kapag nagbabago din ang setting ng buhay ko. Halimbawa, noong college ako ay binabago ko ng schedule ko every sem, ina-adapt ko iyon sa ibibigay sa aking class schedule, kapag nag-iba, uulitin ko ang schedule ko.

Nagbago na naman iyon noong nagtapos ako ng college, nagkatrabaho na kasi ako agad ---- at mula noong first day of work ko hanggang ngayon ay hindi na nababago ang schedule ko...

6:00 - 7:00 - Waking up/Grooming time

7:00-7:20 - Breakfast

7:20 -8:00 - Transpo time

8:00 - 10:30 - Official work hours. (Includes, talking to officemates, saying hi to Ate Lerma of depot, making silay to my boss, chika with the receptionists, paper works, checking the available rooms of the hotel, making client calls etc.)

10:30 - 11:00 - Hotel inspection.

11:00 - 12:00 - Lunch time. Retouch. Power nap.

12:00 - 4:00 - Paper works again..

4:00 - 4:20 -Going home

4:20- 5:00 - Nap time.

5:00 - 8:00 - House chores. Dinner time. Kwentuhan with the family.

8:00 - 6:00 am - Sleep.

Ganoon lamang ang laman ng schedule ko. There's no room for any surprise events. Gusto ko ganyan lang ang buhay ko at kapag hindi nasusunod ang schedule ko, naloloka talaga ako. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko kapag nasira ang pinakiingatan kong mga plano. Hindi naman habambuhay ay naka-schedule nang ganyan ang buhay ko, sa oras na mag-asawa ako, gagawa ako nang bagong schedule na kasama na ang pakikipag-interact ko sa asawa ko.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit kapag sinasabi ko sa tao at ipinapakita ko ang mga schedule ko ay pinagtatawanan nila ako. Hindi naman masama ang ginagawa ko. I just want an organized life and I have that because of my schedule.

Nakarating ako sa hotel na pinagtatrabahuhan ko. Everything is going according to my schedule. I greeted the guard, halos lahat naman ay binabati ko. I came across this man who has his hand inside his coat. Binati ko siya ng good morning at noong palampas na ako sa kanya ay bigla niya akong hinatak at saka ipinalupot ang braso niya sa leeg ko.

"Get me the President or I will kill his innocent woman!"

Namutla ako. Kinabahan at kasabay noon ay nakadama ako ng pagkainis. Dying today is so not included in my schedule!

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 72.1K 22
Lost and found. Finders keepers. Missing Person. Wanted. Nagpatuloy ang buhay para kay Axel John. Pilit niyang kinakalimutan ang nawawala. Kung iisi...
5.2M 111K 39
Betrayal, complicated love affair, love square... Paano kung ang mga taong involve sa love square na yan ay ang sariling mong tatay na mahal na maha...
Corazón Perdido By Cher

General Fiction

112K 5K 23
Alpha Series 2: Book 1
11.7K 554 34
Virago, salitang nanganghulugan ng isang babaeng malakas, matapang, at maikukumpara sa isang mandirigma. Isang babae na nagpapakita ng kakaiba at kah...