ViceRylle: Pansamantala

By nickstah

205K 5.8K 513

What would you do when you accidentally fall for your best friend? Kaya mo kayang ipaglaban ang totoong nara... More

Introduction
Story Of My Life
Boys Night Out
"I need you now.."
Someone Special
Tampo Moments
Lucky I'm In Love With My Best Friend
Now Playing: Tamang Panahon
Coffee Date
Dedma-zoned
Emergency
Seenzoned
Ang Pagtatagpo
Akin Ka Na Lang
Feb-ibig
Just A Friend
Wag Kang Bibitiw, Bakla.
One Night... Stand?
Happy Birthday
Vice, Surprise.
Probinsyano
Under The Stars
This Is It Pansit
Reality
Chances
Ang Nakaraan
Darkness
Revelations
Diary

Deal or No Deal?

5.6K 167 18
By nickstah

The morning after umamin ni Karylle ay ibang-iba naman ang aura niya. She looks happier compared sa mga nakaraang araw. Last day na nila ng pamilya niya sa Boracay kaya naman gusto niyang ienjoy ang huling araw nila doon. 

"Can't help but feel so free right now! Thank you Lord!!" ito ang mga unang salitang binitawan niya sa paggising niya. Agad naman niyang tiningnan ang kanyang cellphone para icheck kung nakapagmessage ba si Vice, pero wala naman. Kaya naman siya nalang ang unang nagmessage..

Karylle Tatlonghari: 

Good morning from Boracay! Last day na:D Sorry kagabi!! I wasn't able to send you a message na ah? Because of something.. Hihi. Good news!! I was able to talk to Mama last night. And yes, I told her everything. I'll tell you more about it pag uwi mo so please umuwi ka na! Missing youuuuu :(

Pagkatapos niyang bumangon ay nag-ayos na siya para kumain na ng almusal kasama ang pamilya dahil sa nagtext na rin ang Mommy niya. Pagdating sa resto ay nakita niyang naroon parin si Yael pero hindi niya ito pinansin. Naintindihan narin ng nanay niya kung bakit hindi sila nagkikibuan kaya hinayaan na lang niya.

"Good morning K.. Dito ka na sa tabi ko." pagoffer naman ni Yael pero inirapan lang siya ni Karylle. Nakita din ito ng mga kapatid niya kaya naisip nilang may away na naman na namamagitan sa dalawa.

Pag upo sa tabi ng Mommy niya ay nagbesa na siya dito. "Thank you ulit kagabi, Ma.." ngumiti nalang ang ina niya at niyaya na itong kumain.

At exactly two in the afternoon ay umalis na sila ng Boracay. Dumating naman sila ng Maynila ng gabi. It was a very long day, kaya si Karylle naman ay mabilis ding umakyat ng kwarto para makapagpahinga. Although masama naman ang loob niya kay Vice, pero iniisip na lang niya nag magkaiba ang oras nila kaya siguro hindi ito nakapagreply kaagad.

Three days have passed, at ganon pa rin. Wala pa ring Vice na nagreply sa kanya. Naseenzoned lamang siya. Tinabi na lang niya ang kanyang telepono.

"Ano ba naman 'to.. Kung kailan ba naman nagsisimula na yung panliligaw, dun siya biglang mawawala.." she went to sleep with tears. 

In the middle of the night, masyado namang nabobother si Karylle. Bigla na lang siya nagising..

.

.

.

.

.

.

"Vice?!" 

"Hi.." bumangon naman siya at biglang niyakap ng napakahigpit si Vice. 

Si Vice ay nasa mismong kwarto ng bahay nila na may dalang pasalubong na chocolates. It was already 1 am, pero nakapasok pa rin siya. Hindi mapigilan ni Vice ang mapangiti sa pagyakap sa kanya ni Karylle kaya pati siya ay napayakap na rin. "Wait..." sabi ni K.

"How come hindi mo ko sinagot sa FB? Naseenzoned mo lang ako."

Napakamot naman si Vice sa batok niya dahil sa narinig. "Ah? Anong seenzoned?"

"Haay! Yung nagsend ako ng message sa'yo tapos binasa mo lang at di ka nagreply." 

Natawa na lang siya at muli na lang niyakap si Karylle. "Hello? Sobrang busy kaya ako sa pagiimpake para makauwi. At pano kita imemessage kung nasa ere ako! Karel naman!" 

"You didn't even tell me na uuwi ka na!" 

"O eh hindi na surprise yan kung sasabihin ko! Bruha!" Karylle just laughed it off and pinched Vice sa mga pisngi niya. "I missed you.." 

Vice winked and smiled. "I missed you too.." 

Sa sobrang higpit ng yakapan ay napahiga naman sila. Nasa ibabaw si Vice at napatingin naman siya sa mga mata ni Karylle. Unti-unting naglalapit ang kanilang mga mukha, hangga't sa..

"Ops.. The next time you kiss me, make sure na tayo na." nanlaki naman mga mata ni Vice at natawa naman siya ng malakas. 

Humiga nalang siya at sinabing "Assuming. Kukunin ko lang naman yung dumi sa mukha mo. Wag ka nga.. Ayan o!" 

Nang nakuha niya ito ay hinampas naman siya ni Karylle. "Ikaw Karylle ah.. Bet na bet ah!" he was surprised when she gave him a backhug at sinabing. "Jose Marie pagod lang yan. Matulog ka muna.."

"Matutulog lang tayo, K? Sure ka? Ayaw mong...Ano?'

"Baliw. Goodnight Vice.."

"Goodnight bebelabs.."

"Ang jeje.."

"Ang arte!" 

At doon na muna nagpalipas ng gabi si Vice.

-----------------------------------

"Good morning bebelabs.."

"Eww! Vice that is so disgusting. Stop that!" bumangon naman si Karylle at tinali na ang kanyang buhok. "Let's go downstairs na. I'm sure magugulat si Mama na nandito ka.."

"She knows. Siya pa ba." si Karylle naman ay napalingon nang marinig niya ito. Litong-lito na siya sa kung paano nakausap ni Vice ang ina niya.

"Huh? Paano?"

"Secret!! Tara na!" naunahan pa siya ni Vice sa pagbaba dahil sa excited na naman itong matikman ang luto ng ina ni K. Saktong pagdating niya ng kusina ay naroon nga ito.

"Good morning Tita!!" lumapit na siya dito at niyakap ito. "Namiss ko po kayo!!" 

She laughed while hugging him back. "Ako ba namiss mo, o itong niluto ko?"

"Syempre yung niluto.. Charot! Syempre kayo po! Ano ba!" biglang bawi naman ni Vice.

Si Karylle naman ay nasa likuran lang na nakatitig sa kulitan ng dalawa. Kumuha na agad siya ng upuan dahil sa gutom na rin daw siya. Naaliw naman sa pagkwento si Vice tungkol sa kanyang maiksing bakasyon sa Amerika at masaya naman sila ni Karylle para sa kanya. 

"Nako po sobrang nag enjoy po talaga ako.. Unang beses ko talaga sumakay ng eroplano." pagyayabang nito habang ngumunguya. "At! Nung nasa airport ako sobrang di ko alam ang gagawin grabe!" 

"So ano naman yung mga pinuntahan niyo doon sa New York?" 

"Ay nako po unang hinanap ko talaga si Mareng Liberty. Tapos dinala din ako sa Times Square.. tapos ewan! Basta ang dami po kasi naming pinuntahan. Hingal na hingal nga ako kakalakad." 

Hindi rin nagpatalo ang mag-ina sa pagkwento din ng kanilang experience sa Boracay. Napuno ng tawanan ang kanilang pag-uusap hangga't sa naalala naman ni Zsazsa ang tungkol sa sinabi sa kanya ng anak.

"I really had no idea until she told me about it.. I felt bad nga eh. Matagal mo na rin ba 'tong alam Vice?" napalingon naman si Vice kay Karylle na nakayuko lamang.

He cleared his throat bago siya sumagot. "Ah.. Eh opo. Hindi ko na po sinabi sa'yo kasi gusto ko pong kay K mismo manggaling.." 

"Hmm.. Sa bagay. Okay. Sige guys i'll go ahead ah? I need to bring this pa upstairs." sabay turo niya naman sa isang bag na puno ng pasalubong. "Just call me when you need something. Ubusin mo na yung kinakain mo Vice. Haha." 

"Haha! Opo.. Sige po, Tita.." 

Nagkatitigan naman ang dalawa hangga't sa naisipan ni Karylle na umakyat sila sa Balcony para makapag-usap pa tungkol sa kanilang dalawa.

Karylle's POV 

Sitting here beside him wants me to say everything that I want to say. Oo kahit medyo matagal na yung nangyaring pagtanong niya kung pwede niya akong ligawan. Pero ayaw pa rin mawala sa isip ko yung pagdududa ko sa kanya.

I love Vice. As best friend ko. Hindi ko alam kung kaya ko ba talaga siyang mahalin na mas higit pa dun.. Come on, Karylle. Give him a chance.. Just a little chance to prove na worth it siya.

"Karylle, okay ka lang ba?" napatingin ako sa kanya. Ngumiti nalang ako na parang wala akong iniisip na malalim. 

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito. "K, kilala kita. Sa mukha mong yan alam kong may problema.. Tungkol ba saan? Sa atin ba?" Shit. Nahuli na naman ako nito. Bakit ba kasi ang talino nitong baklang best friend ko?

----------------------------

"Vice kasi..."

"Natatakot ka? Natatakot ka na pag sinagot mo ako, baka kung ano sasabihin sa'yo ng tao?"

Natahimik naman si Karylle sa sinabi sa kanya kaya napaisip na naman siya ulit. Si Vice naman ay napapailing nalang. Napatayo siya at napatingin sa malayo habang nagsasalita.

"Ang pag-ibig, hindi importante dyan ang kasarian eh.."

"Vice, alam ko naman yun eh."

Hinarap niya si Karylle at halata sa mukha niya ang pagkadismaya. "Alam mo naman pala bakit nagdududa ka?"

 


Kinagat nalang niya ang kanyang mga labi dahil sa wala siyang maisagot kay Vice. Nakita naman siya nito kaya bumalik nalang siya sa upuan at niyakap nalang si K. "I'm sorry.. Kung hindi mo kaya hindi kita pipilitin Karylle. Okay na sakin yung hanggang magkaibigan na lang tayo."

"Hindi Vice.." tiningnan niya ito maigi sa kanyang mga mata. "I know it'll be hard naman talaga for the both of us, but if kailangan kong masaktan ng paulit-ulit titiisin ko yun.. Para sa'yo." 

"So ibig sabihin ba pumapayag ka na talaga? As in official na? Pwede na talaga ako manligaw?" 

Napaisip naman ulit si Karylle bago sumagot ng.. "Yes.."

"Yes!!" nagsimulang magtalon-talon si Vice at tawang-tawa naman si K dito.

"But wait lang.."

"Ay.. Akala ko okay na."

Umupo naman muli si Vice at nakinig. "Let's make a deal."

"Ano naman yun?" 

"Pwede bang for now, tayo lang muna makakaalam tungkol dito?" at first ay medyo nadisappoint naman si Vice dahil sa kagustuhan niyang maging proud manliligaw ni Karylle. Nakuha naman siya sa ngiti ni K kaya naman pumayag nalang siya kaagad.

He promised her one thing. 

"I wont disappoint you, Karylle. Pangako." 

-----------------------------

Pag-uwi ni Vice sa dorm niya ay wala na siyang naabutan doon. Nagsiuwian na rin kasi sina IC na mga kasamahan niya sa kanilang mga probinsya para mag bakasayon. Tanging sumalubong lang sa kanya ay isang bouquet ng mga bulaklak na malapit ng malanta.

Nagtaka naman siya kung kanito ito galing kaya kinuha niya na rin ang sulat na nakasabit dito.

"No matter how far you may be, you'll always remain close to my heart. - K"

"K? Karylle?" 

Tinabi ni Vice ang mga bulaklak at kinuha ang cellphone niya.. Tinawagan niya naman si Karylle at mabilis din itong sumagot.

"Vice?"

"'tong pa flowers mo ha.. Nag abala ka pa. Para kang sira. Haha!"

Natahimik naman si Karylle sa kabilang linya..

"A-anong flowers? Wala akong binigay na flowers..."

"Ha? Eh kanino galing to? K daw eh.." 

Suddenly, Karylle dropped the call.

Author's POV

Haba ng hair viceral. Sinong K kaya ang nagbigay ng bulaklak? Gagalet na naman si Karel!!!

Continue Reading

You'll Also Like

309K 10K 50
Paano kung isa kang highschool student? at nagkaroon ka ng asawa? na Teacher mo papala and ang malala mas kikay pa siya sayo?
140K 3.2K 58
this story is all about sa 5 mag kakaibigan na mahuhulog sa iisang girl. masisira kaya ang friendship nila dahil lang sa nahulog sila sa iisang girl...
35.1K 669 29
~ Giliw nagpapahiwatig na sa'yo ang damdamin kong napagtanto na gusto kita After playing collegiate volleyball in the UAAP for UST, Caitlin takes th...
11.9K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...