'Son-in Law who surpasses the...

By NonockMejino

4.1K 975 68

Biyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang... More

TINITINGALA NG LHAT
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER XXX
CHAPTER XXXI
CHAPTER XXXII
CHAPTER XXXIII
CHAPTER XXXIV
CHAPTER XXXV
CHAPTER XXXVI
CHAPTER XXXVII
CHAPTER XXXVIII
CHAPTER XXXIX
CHAPTER XL
CHAPTER XLI
CHAPTER XLII
CHAPTER XLIV
CHAPTER XLV
CHAPTER XLVI
CHAPTER XLVII
CHAPTER XLVIII
CHAPTER XLIX
CHAPTER L
CHAPTER LI
CHAPTER LII
CHAPTER LIII
CHAPTER LIV
CHAPTER LV
CHAPTER LVI
CHAPTER LVII
CHAPTER LVIII
CHAPTER LIX
CHAPTER LX
CHAPTER LXI
CHAPTER LXII
CHAPTER LXIII
CHAPTER LXIV
CHAPTER LXV
CHAPTER LXVI
CHAPTER LXVII

CHAPTER XLIII

47 17 2
By NonockMejino


KABANATA 43

Mukhang magmula nga sa Universe Pill ang hindi maipaliwanag niyang lakas.

Habang mas parami nang parami ang nababasa niya sa libro ay mas pamangha nang pamangha ang kaniyang nararamdaman sa mga nilalaman nito!

Maraming mga uri ng elixir ang nakacore sa librong ito. Halimbawa, ang Divine Power Pill ay may kakayahang palakasin nang husto ang sinumang iinom nito at narito rin ang Light Spirit Pill na magpapagaan sa katawan ng isang tao na parang isang balahibo.

Pero ngayon lang narinig ni Nonack ang pangalan ng mga Pills na iyon at sa napakamisteryoso nitong mga epekto.

Isang halimbawa lang nito ay ang Soul Piercing Pill na ipinapainom sa kalaban at sinasamahan ng training ayon sa pamamaraan ng pagpapalakas dito na may epekto na kumontrol sa kaniyang mga kalaban.

"Talaga! Ganoon iyon kalakas?"

Nang mabasa niya ang tungkol sa   Soul Piercing Pill, napansin ni Nonack ang sangkap na kinakailangan para gawin ang pill na ito at nagulat nang mabasa ang ilan sa mga ito.

"Heaven Spiritual Water... Rootless Stone?"

"Ano ang mga bagay na ito? Mayroon ba talagang mga ganito sa mundo?"

Naguluhan dito si Nonack.

Nagtingin tingin pa si Nonack ng ibang mga Pills at napansin na ang mga sangkap na kinakailangan ng mga pills na iyon masyadong pambihira  na umabot sa punto na kung saan ngayon pa lang niya naririnig ang tungkol sa ilan sa mga ito.

Pero nakikita si Nonack ng isang namumukod tanging pill na mayroong mga sangkap na madali niyang mahahanap.

Ang pangalan ng elixir na ito ay ang Golden Pill.

Hindi pangkaraniwan ang epektong ibinibigay ng Golden Pill na tumutulong sa mga nagsasanay na makalampas sa bottleneck ng kanilang pagpapalakas.

Sinabi ni Faye kanina na maraming tao ang naistuck sa huling bahagi ng kanilang pagpapalakas. Kaya siguradong mapapadali ang pagtawid ng mga taong ito sa sandaling inumin nila ang Golden Pill, hindi ba?

"Kung ganoon, maaari kong gawin ang pill na ito para ibenta sa mga taong nagpapalakas sa kanilang mga sarili. Siguradong kikita ako rito nang malaki!"

Hindi mahirap hanapin ang mga materyalis na kinakailangan para sa paggawa ng Golden Pill. Ang asin at puting suka na kinakailangan nito ay madaling makikita sa kusina ng bahay ni Faye.

Tumingin si Nonack sa mga nakapasong halaman na nakasabit sa bintana ng bahay ni Faye para maghanap ng cacti at dahon ng peony at agad na natuwa sa kaniyang nakita.

Matapos ipunin ang lahat ng sangkap, agad na nagpunta si Nonack sa kusina.

Ayon sa libro, ang pinakamabisang paraan sa paggawa ng pill ay ang paggamit ng isang pill furnace o isang palayok na ginagamit sa paggawa ng mga Chinese Medicine.

Hinayaan na niya ang tungkol sa pill furnace dahil wala naman  nito sa bahay ni Faye.

Matapos maghanap sa kusina, nakikita si Nonack ng isang palayok na gawa sa putik. Nang maihanda na niya ang lahat, sinimulan na ni Nonack ang paggawa sa Golden Pill.

Umaabot ng tatlong oras ang paggawa sa Golden Pill. Hindi na pinanood ni Nonack ang pagkulo ng palayok sa kusina kaya agad siyang bumalik sa sala  para simulang basahin ang "The Geomancy of Yin and Yang".

Napakaganda librong ito kaya agad nitong nahatak si Nonack.

Ilang taon na rin ang nakalilipas mula noong maenganyo si Nonack na magbasa ng isang libro, agad siyang naimmerse sa sobrang ganda ng nilalaman nito.

Sinubukang sanayin ni Nonack ang mga teorya nito habang binabasa ang libro. Tiningnan niya rin ang layout ng kuwarto ni Faye at ang kapaligiran sa lugar kung saan nakatayo ang tirahan nito bago simulang magbigay ng opinyon sa mga ito.

Maganda ang layout ng  bahay ni faye kaya naging maganda ang Feng Shui sa lugar na ito.

Hindi niya namamalayang lumipas na ang tatlong  oras.

Nagmamadaling itinabi ni Nonack ang libro at bumalik sa kusina.

Binuksan niya ang palayok at nakita ang isang kulay brown na pill ang nabuo sa loob nito. Nakaramdam siya ng matinding thrill matapos itong makita.

Agad niyang ibinalik ang lahat ng kaniyang ginamit sa dati nitong mga kinalalagyan at bumalik sa sala dala ang Golden Pill.

Pasikat na ang araw at dahan dahan nang nagliwanag ang kalangitan. Nagising na rin ang nakatulog sa sofa na si Faye.

"Sinamahan mo ako rito?

Nasurpresa si Faye nang makita niya si Nonack sa loob ng kaniyang bahay.

Nakangiti namang sumagot si Nonack ng. "Masyado ka pang nanghihina. Ano na lang ang mangyayari kung may pumasok na magnanakaw sa bahay mo sa sandaling iwanan kita rito?"

Hindi naman sumagot dito si Faye habang makikita sa kaniyang mukha ang bahagyang hindi nito pagkatuwa sa nangyari. Dapat niyang malaman na mayroong limit ang puwedeng maging trato ng isang lalaki at babae sa isa't isa." Umupo siya sa sofa habang iniisip ang tungkol dito.

Dito na biglang nanlaki ang mga mata ni Nonack "Ok ka na ngayon?"

"Hindi ba't sinabi niya na umaabot sa 12 oras ang epwkto ng Weak Bones Elixir?"

"Para iyon sa ordinaryong mga tao,"  sabi ni Faye. "Isa akong cultivator kaya hindi naging kapareho ang epekto nito sa akin. Nang malaman kong nakainom ako ng isang Weak Bones Elixir, nagawa kong tanggalin ang karamihan sa mga epekto nito sa pamamagitan ng pagkontrol sa aking internal energy."

Pero mukhang nadedepress pa rin ako ang itsura ni Faye sa mga sandaling ito.

Naistuck na siya sa ikalimang level ng Master at hindi na nagawa pang makatawid sa domain ng isang Master General.

Magagawa niya sanang tanggalin ang epekto nito sa loob ng dalawang oras kung isa lang siyang Master General. Pero sa halip ay inabot pa rin siya ng anim na oras para tanggalin ito.

"Wow! Inakala kong matatagalan la pa bago makarwcover." Nasusurpresang sinabi ni Nonack.

Malapit namang ngumiti rito si Faye "Wala lang iyon. Mas mabilis ko sana itong magagawa kung makakatawid lang ako sa domain ng Master General."

Narinig ni Nonack kaya nakangiti niyang itinanong na. "Ano bang mahirap sa pagtawid ngga domain ng pagpapalaka"

Natigilan dito si Faye bago nakangiting sumagot ng "Anong mahirap? Alam mo ba kung gaano na ako katagal na naistuck sa ikalimang level ng Master? Dalawang taon! Hindi kasing dali ng iniisip mo ang pagpapalakas. Kaya huwag ka nang magsabi ng kahit na ano kung wala ka namang alam tungkol dito!"

Naiiritang ikinaway ni Faye ang kaniyang kamay at sinabing "Ayoko nang makipag-usap sa iyo. Umaga na rin kaya dapat ka nang umalis.

Nakangiting tiningnan ni Nonack si Faye at ipinakita rito ang Golden Pill. "Mayroon akong isang pill dito. Hindi ko alam kung makakatulong ba ito sa iyo o hindi."

"Isang Pill?"

Nagulat nang husto si Faye habang nakatitig sa Golden Pill na hawak ni Nonack.

"Anong klase ng pill ito?" Nacucurious na itinanong ni Faye.

Gusto na sanang sabihin ni Nonack na isa itong Golden Pill, pero unang beses pa lang niya nakagawa ng pill na ito kaya hindi a niya alam kung tatalab ba ito o hindi, kaya sinabi niyang "Hindi ko alam. Ibinigay lang sa akin iyan ng kaibigan ko."

Hindi na nakapagsalita sa kaniyang narinig si Faye.

"Hindi mo manlang alam kung ano ba ang isang ito pero gusto mo pa rin itong ipainom sa akin?"

Kahit nagkaroon ng ilang mga pag aalinlangan si Faye, ininom pa rin niya ang pill na ibinigay sa kaniya ni Nonack.

Tiningnan siya maigi ni Nonack nang may kaunting pag-asa sa kaniyang mga mata.

Isang minute na ang  nakalilipas, dito na nagtanong si Nonack ng, "Anong nararamdaman mo ngayon?"

Iniling ni Faye ang kaniyang ulo at sinabing "Wala akong nararamdaman na kahit ano."

"Buwisit."

Mura ni Nonack.

Isang Golden Pill na tumutulong sa mga cultivators na makalampas sa bottleneck na bahagi ng kanilang pagpapalakas? Kasinungalingan.

Pinalakas ni Faye ang loob ni Norman nang makita niya ang kahihiyang nararamdaman nito sa kaniyang mukha. "Mabuti na lang malakas at malusog ang aking katawan. Pero kung sa ibang tao mo ito ipapainom, siguradong magkakasakit agad ang mga iyon. Kaya huwag ka nang magpainom nang kung ano ano sa kahit na sino sa susunod."

Matapos niyang sabihin ito, nakatanggap si Faye ng tawag mula sa presinto, kinakailangan na niyang pumasok sa trabaho.

Hindi na maaari pang manatili rito si Nonack kaya agad na siyang nagpaalam kay Faye at umalis.

Nang makalabas ang minamaneho niyang sasakyan sa residential area bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Chen.

"Nasaan ka ba?" Sabi ng nagpapanic at nababagabag na si Chen. " Mayroon nangyari sa bahay."

Biglang naramdaman ni Nonack na mayroon mali kaya agad siyang nagtanong ng " anong problema?"

" Bigla nalang nawala ang kaibigan ni Daddy sa ibang bansa na si Tony. Kinuha na ni Daddy ang lahat ng pera at kung ano pa sa pamilya natin... Hayan mo na, huwag mo na lang pansinin ang mga sinabi kong ito sa iyo, Bye." Biglang ibinaba nang naiiritang si Chen ang tawag bago pa man siya matapos sa pagsasalita.

Hindi rin alam ni Chen sa kaniyang sarili kung bakit niya nagawang tawagan si Nonack.

Kahit na nagawa niyang makahanap ng trabaho at magkaroon ng mas mataas na motibasyon kaysa dito, paano pa rin magagawang tumulong ni Nonack aa ganito kalaking mga problema?

Iniling ni Chen ang kaniyang ulo, agad siyang sumugod sa villa ng pamilya Perez.

Ibinaba ni Chen ang tawag pero hindi ito dinamdam ni Nonack. Iniling lang niya ang kaniyang ulo at ngumiti.

At pagkatapos ay inisip niya si Roberto na kumuha sa buong yaman ng pamilya Perez para iinvest.

Mahahalata namang hindi mapagkakatiwalaan ang Tony na iyon, at sigurado ring scam lang ang mga sinabi nito kay Roberto.

Kasalukuyang nakafocus lamang sa pera ang lahat ng mga miyembro ng pamilya Perez, kaya oras na para matutunan naman nilang maghirap.

Pero anak ni Roberto si Chen. Kaya siguradong madadamay ito sa ginawang problema ng kaniyang ama.

Napabuntong hininga na lang si Nonack.

Huminga nang malalim si Nonack habang iniisip ang tungkol dito.

"Asawa pa rin kita kaya tutulungan kita sa problemang kinakaharap mo sa ngayon."

At pagkatapos magdesisyon, hinanap ni Nonack ang numero ng isang tao sa kaniyang contact list at tinawagan ito.

"Mr. Wayne."

Nagtunog magalang ang tao sa kabilang linya ng tawag.

" May gusto akong ipagawa sa iyo ngayon, Lil P." Sabi ni Nonack.

Paul James ang tunay na pangalan ni Lil P. Siya ang Ceo ng Dragon Tech. Mukhang siya nga ang Presidente nito pero ang tunay na boss ng kanilang kumpanya ay si Nonack.

Limang taon na ng nakalilipas nang mag invest at itayo ni Nonack ang Dragon Tech, dito na niya hinayaan si Paul na hawakan ang kumpanya para sa kaniya.

Sa loob ng limang taon, agad na lumaki ang Dragon Tech mula sa pagiging isang maliit na kumpanya papunta sa isa sa mga nangungunang kumpanya sa industriya.

Walang kahit na sino ang may alam tungkol dito, maging ang pamilya Wayne.

"Magsabi lang po kayo. Mr. Wayne," Walang pag aalinlangan sagot ni Paul.

Gaya nina Samson at Jerry, maging si Paul ay nagsimula sa wala. Kung hindi lang nakita ni Nonack ang kaniyang potensyal, isa pa rin siya sigurong general staff ng isang maliit na kumpanya hanggang ngayon.

Nagbuntong hininga si Nonack at sinabing "Magpapunta ka ng tao sa tirahan ng mga Perez sa Donghai City. Gawin mo ito ngayundin."

Matapos ang ilang minuto umiling si Paul sa kaniyang sarili. "Naiintindihan ko po Mr. Wayne. Gagawin ko po ito ngayundin."

Sa villa ng pamilya Perez.

Kasalukuyang nagtitipon ang nagkakagulong pamilya Perez sa hall ng villa habang nakaupo naman ang may bagsak na mukhang si Grandma Perez sa isang bahagi ng hall

Naroroon din ngayon ang nagpapanik na si Roberto na kasalukuyang puno ng kahihiyan sa mga nangyari..

Continue Reading

You'll Also Like

84.8K 2.2K 32
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
291K 9.7K 71
A 16 year teen girl , who have little syndrome . The 7 mafia kings . What happens when they meet ? Will she be able to get their hearts bloomed for...
402K 5.5K 28
Emmett loves to be a rebel. He skips school to hang out, drink, and smoke with his two friends when suddenly he and his best friend are cornered and...