Dandelion Nights

Door sachtych

10.4K 274 69

Wala ng ideyang pumapasok sa utak ni Crysaline Lopez para sa mga librong isinusulat niya at unti-unti na rin... Meer

Hedone
Blurb
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 11

297 12 8
Door sachtych

After 3 years...

Hindi ko maiwasang mapangiti ng malawak habang nakatingin sa gilid ng stage. Rinig ko ang tilian ng mga fans habang kumakaway sa akin.

Agad ko naman silang binigyan ng matamis na ngiti at kinawayan lahat. Lalong lumakas tuloy ang hiyawan nila kaya hinatak na ako ng editor ko paalis ng gilid ng stage.

"Ang kulit mo talaga, Crysaline! Sabi ng bawal ka sumilip doon eh. Tignan mo nga iyang itsura mo, hindi ka pa tapos make-upan tapos makasilip ka doon akala mo artists ka?" sita sa akin ng editor kong si Ms. Siana kaya napanguso ako.

"Sorry na. Cutie kasi nila eh. Gusto ko lang naman sila batiin." sabi ko sa kanya habang sumusunod sa kanya papasok ng dressing room.

"Bente sais ka na! My gosh! Act like your age! Ilang beses ka na bang umaakto na parang isip-bata. Sinabi ko rin sa'yo noong nakaraan na huwag kang lalabas ng hindi kasama iyong bodyguard mo pero hindi ka pa rin nakinig. Muntik ka na tuloy dumugin ng mga fans mo." patuloy niyang litanya hanggang makaupo na ako sa harap ng dresser.

Napanguso ako. Alam ko naman na mali ko iyon pero anong magagawa ko? Gusto ko lang naman mag-shopping. Ang tagal-tagal ko na hindi nakakalabas tapos isang araw lang, bawal pa rin. Hindi ko rin naman in-expect na ganoon ka-big deal sa mga tao sa Pilipinas ngayon ang isang tulad ko.

Parang dati lang kulang na lang maglupasay ako sa bahay ng mga magulang ko tapos biglang ganito?

Masaya ako sa mga naging achievements ko sa loob ng tatlong taon na nakalipas. Nanalo ako sa in-offer sa akin ni Ms. Siana noon na contest. Simula noon, naging malaki lalo pagbabago ang nangyari sa buhay ko.Nagising na lang ako, madami na akong projects na nakukuha pati na rin sa pagsusulat umayos ang takbo ng buhay ko.

May mga napanalunan akong mga awards sa mga librong isinusulat ko. Marami rin imibtasyon na maging speaker sa mga university or college. Dati natutulog lang ako sa mga talk sa school, ngayon ako na ang nagsasalita sa harapan ng entablado.

Dahil nga sa kahiligan ko rin sa pagda-drawing, ako na ang gumagawa ng sarili kong book covers at kung minsan naman ay gumagawa rin ako ng mga comics online kapag may oras.

Sa pagiging bida-ba ko tumatanggap din ako ng ibang offer sa mga music labels para sa mag-cover ng songs or kapag need nila ng featured artist sa album ng ibang artists.

Dahil nagawa ko nga pagsabay-sabayin lahat ng gusto kong gawin sa buhay ko, nabayaran na rin namin ang mga utang ng pamilya namin. Nakapag-pundar ako ng mga ari-arian para sa pamilya ko pati na rin hanap buhay.

Nakakapag-donate na rin ako ng malaki sa mga orphanage at home for the agent na pangarap ko noong gawin simula bata pa lang ako. Hindi kasi ako makatulong noon dahil kahit kami nga kapos sa pera.

Naging maayos ang takbo ng buhay ko at masasabi kong kuntento na ako sa lahat ng meron ako ngayon. Syempre hindi ko pa rin naman maiwasang malungkot kapag naiisip kong NBSB pa rin ako hanggang ngayon. Chos.

"Ang cute mo talaga, Ms. Crysaline." sabi ng stylist ko kaya hindi ko maiwasang mapahagikgik.

"Uy, thank you. Alam ko naman 'yun. Matagal na." sabi ko sa kanya at pareho kaming natawa.

Nang matapos niya akong ayusan ay pinasuot na niya sa akin ang isang hapit na lilac dress na may katamtamang laki ng ribbon sa bandang likod.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa salamin. Sa wakas. Kahit hindi na nadagdagan ang height ko, nabawasan naman ang timbang ko. Naging firm din ang katawan ko.

Kung dati sobrang insecure ko sa katawan ko, stretch marks, nunal at kung ano-ano pa, ngayon natuto na akong mahalin sila kahit papaano. Natatakpan naman eh. Atsaka isa pa, normal lang naman ang mga ganoong bagay.

"Ms. Crysaline, stand by na po." sabi ng isang staff.

Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat sa bawat 'Good luck' nila.

Habang papalapit ako sa stage ay hindi ko maiwasang kabahan pa rin sa harap ng maraming tao. Hindi na ata mawawala ang ganito. Kaya ko to.

Nang lumabas na ako sa stage ay mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa auditorium na iyon kaya napangiti ako. Hindi ko inakala na darating ang araw na mangyayari 'to. Parang noong tatlong taon ang nakakaraan, may identity at career crisis ako pero ngayon iba na.

Lahat ng gusto kong gawin sa buhay ko, nagagawa ko na. Madami na rin akong napapasayang tao. Marami na rin akong natutulungan.

"Good Afternoon, Lilacs!" sigaw ko kaya lalong lumakas ang tilian nila.

Naging maganda ang takbo ng programa at kumanta rin ako bilang parte ng segment ng book signing event ko ngayon.

"Maraming maraming salamat sa lahat ng pumunta ngayon sa event na 'to. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya tuwing sasagi sa isip ko na madaming nakaka-appreciate at nagmamahal sa mga sinusulat ko. Hindi ko maa-achieve ang lahat ng ito kung hindi dahil sa suporta ninyong lahat. Sana maging isang inspirasyon sa inyo ang bagong libro ko."

"Sa lahat ng mga taong katulad ng character ko na may pinagdadaan at hirap bumangon mag-isa. Para sa mga taong umaasa na may magiging karamay sa lahat ng pinagdaraanan niyo. Lahat ng iyon ay matatagpuan niyo sa katauhan ng character kong si Lilian. Sana mahalin niyo rin siya at maging silbing inspirasyon para pahalagahan ang mental health niyo pati na rin ang mga tao sa paligid niyo. Salamat muli sa inyo lahat! Mahal na mahal ko kayo!" mahabang mensahe ko at nagsipalakpakan sila.

Pinaupo na ako sa mahabang lamesa at pinapila na ang mga fans ng maayos para sa pagpapa-pirma ng libro. Parang roller coaster ride pa ang emosyon ko dail nakakaiyak minsan na yung mga ginagawa o sinusulat ko ay naging inspirasyon sa kanila.

Natapos ang event at nagsimula na din magsi-pulasan ang mga tao sa loob ng auditorium. Nag-paalam din ako sa mga staff sandali na lalabas lang ako papunta sa garden na nakita ko kanina sa likod ng auditorium.

Nang makalabas na ako kasama ng dalawang bodyguard ko ay sinenyasan ko silang doon na lang sila sa hindi kalayuan at papasok ako sa isang maliit na pavilion doon. Napakamot na lang sila ng ulo at sinunod ang gusto ko.

Nakakita ako roon ng mga sunflower kaya nagmamadali akong lumapit doon at tinitigan ang mga iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang tagal ko ng hindi nakakakita ng madaming sunflower. Dati kasi sa may UP ko lang nakikita ang mga ganito kadaming sunflower.

"Crysaline." napakunot ang noo ko nang may tumawag sa akin kaya napalingon ako sa likod ko.

Halos mapanganga ako nang makita ang isang pamilyar na tao. Hindi man ako nagkaroon noon ng pagkakataon na ma-meet siya in person, alam kong siya itong nasa harapan ko.

"Charles." mahinang usal ko habang nakatingala sa kanya.

Ang daya. Naka-heels na ako pero ang layo pa rin ng agwat ng height ko sa kanya. Ipinilig ko ang ulo ko at alanganin na ngumiti sa kanya.

"Kumusta?" tanong niya pero napadako ang tingin ko sa librong hawak niya.

Dreaming of You.

Ang librong isinulat ko na base sa kanya ang bidang lalaki.

"A-ayos lang naman ako. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa aking ng matamis at hindi ko mapagkakailang naging apektado ako ng dahil roon.

I guess, hindi na talaga siya maaalis sa sistema ko kahit anong gawin ko. Sino bang hindi? Siya lang naman ang nakilala kong may pinakamalapit sa ideal type ko. Sa kanya lang naman ako nagin sobrang vulnerable noon.

"Ayos lang din. Heto, kaka-graduate lang last year. Nagta-trabaho na ako sa isang airline company." sagot niya at namayani sa pagitan namin ang katahimikan habang nakatitig sa isa't isa.

Masaya ako para sa kanya. Sa wakas at natupad niya rin ang pangarap niya na maging isang piloto. Hindi ko akalain na makikita ko siya ng biglaan na lang sa harapan ko kaya wala akong maapuhap na kahit anong salita. Isa pa ang awkward ng pagcut-off namin ng communication.

"Ah ano, nice meeting you again. Madami pa akong dapat tapusin eh, una na ako sa'yo." sabi ko at alanganin na ngumiti sa kanya.

Bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at tinanong ako sa isang bagay na alam kong hindi ko masasagot. Tanong na hindi ko kailanman inasahan.

"Kung tatanungin ba kita ngayon, may pag-asa pa ba ako?" tanong niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

Napalunok ako ng ilang beses at natitigan ko ang singkit niyang mga mata na animo'y tumatagos sa pagkatao ko.

"Pasensya na pare, mali ka ata ng pinopormahan ha. Nililigawan ko na itong babaeng gusto mong sulutin." napasubsob ako sa dibdib ng isang pamilyar na tao base na sa amoy pa lang ng polo niya.

"Makahatak ka naman, Nathan. Parang gago lang." mahinang sita ko sa kanya at kinurot siya sa tagiliran.

"Sige pare, una na kami ng nililigawan ko ha? Nice meeting you. Tara na, sweetie." maangas na sabi ni Nathan at mabilis akong hinapit sa beywang paalis sa lugar na iyon.

Hindi na lang ako lumingon kasi nahihiya rin ako sa kung ano man ang reaksyon ni Charles.

"Epal ka talaga." sabi ko sa kanya at sinimangutan siya.

"Bakit? Lagi ko naman ginagawa iyon tuwing may umaaligid sa'yo ha? Para saan pa at best friend mo ako, diba? Sa liit mong 'yan lagi na lang matatangkad nakapalibot sa'yo. Madali ka maki-kidnap niyan." asar niya kaya kinurot ko siya ng mariin sa tagiliran.

"Leche ka talaga kahit kailan. Kung saan-saan ka na lang palagi sumusulpot. Atsaka kilala ko yung tao na 'yun tapos makiki-epal ka bigla." sabi ko sa kanya at tiningala siya.

Nakakainis. Isa pa 'tong gunggong na 'to. 6'3 din ang height kaya nagmumukha ako lalong maliit kapag kasama ko siya. Badtrip.

Yumuko siya sa akin kaya bigla kaming huminto sa paglalakad. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at tila ba naging seryoso.

Nakaramdam naman ako ng kaba dahil bihira lang siya maging ganito. Si Nathan kasi iyong taong mabait at happy go lucky lang. Sa loob ng dalawang taon na naging ka-close ko siya, never siyang nagalit sa akin. Tampo oo pero halatang nag-iinarte lang kaya ngayon na nakikita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya, para bang hindi ko maiwasang mabahala.

"Bakit?" tanong ko sa kanya habang nakatingala. Inilapit naman niya ang mukha niya sa akin kaya mas lalo kong natitigan ang mukha niya.

Kung kasing rupok lang ako ng dati, panigurado nahulog na ako sa isang 'to. Kaso mas nananaig sa amin ang pagiging magkaibigan palagi kaya never ata kaming nahulog sa isa't isa.

"Siya ba iyong kinwento mo sa akin noon na nakaka-chat mo? Iyong may ibang girlfriend pala?" seryoso niyang tanong at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango.

Napatili ako nang bigla niya akong buhatin paangat kaya mabilis kong naikapit sa beywang niya ang mga hita ko.

"Nathan! Putek ka talaga kapag ako nakitaan sa ginagawa mo! Malilintikan ka talaga sa akin!" saway ko sa kanya. Gawain niya kasi 'to akala mo talaga sobrang gaan ko kahit 60 kilos ako.

Bigla siyang ngumisi at inilapit ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko naman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga mata niya.

Bakit ganito bigla ang nararamdaman ko? Akala ko ba hindi na ako marupok?

"Liligawan kita. Iyong totoo na. Baka kasi maagaw ka pa ng iba, mahirap na." sabi niya bago ako bigyan ng magaang halik sa noo.

"A-anong pinagsasabi mo riyan?! Siraulo ka na ba? Ibaba mo na nga ako!" kabado kong sita sa kanya pero ang walang modo, nagpatuloy lang sa paglalakad habang buhat ako.

"Seryoso ako, Crysaline. Ayokong ma-friendzoned habang buhay. Kaysa maging marupok ka na naman sa Charles na iyon, aabante na ako. 'Di hamak naman na mas pogi ako kaysa sa lalaking 'yon!" sabi niya na tila ba simpleng bagay lang ang pinagsasasabi niya.

"Hoy, Nathan. Huwag kang ganyan marupok ako." mahina na lang ang pagkakasabi ko sa sobrang hiya na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko pulang-pula na naman ang magkabilang pisngi ko kaysa sa blush on ko.

"Edi maging marupok ka sa akin. Sasaluhin naman kita, Crysaline Lopez." sabi niya at kinindatan pa ako.

Wala na. Finish na. Ang cutie talaga ni Nathan Rivas.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...