Idols (Suzy x Rosè)

By minminpenguinn

22.3K 601 544

"Would you dare to fall inlove with me?" More

Authors Note
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
Everything I do, I do it for you.
Everything I do, I do it for you.
Gone
Dead and Gone
I can feel the pain, can you?
commercial break

Roses and I

1K 23 25
By minminpenguinn






"Akiiiii!!!"


"Mommyyyyyyyy!!"


"Hello baby! Bat pawis na pawis ka na? Kaliligo mo lang 2hrs ago ha?"


"Hoy Suzy ang oa mo, pinawisan lang eh malamang naglaro eh!" Natatawang sabi ni Jieun sakin.


Sino ba naman ang hindi magrereact ng ganyan? Padating na yung Daddy niya tas ganyan pa itsura niya. Yun pa naman mas oa pa sakin. Parang magkadumi lang ng konti anak niya papaligo niya na agad.


"Bihis na dun dali, pauwi na si Daddy." After kong sabihin yun ay bigla naman siyang nagtatalon at tuwang tuwa. Nasabi ko na ba? Masyado siyang spoiled.


"Hello Aki!"


"Auntie Niniiiiiii!!!!" Masayang sabi niya na naman at patakbong pumunta kay Jennie. Nakita ko na halos madapa dapa na siya kakatakbo. Napahawak na lang ako sa sentido ko sa stress ko kay Aki. Habang si Jieun ay tumatawa lang na nakatingin sakin.


"Hello Auntie! Pupunta rin ba si Auntie Rosè at Autine Joohyun?" Magiliw na tanong niya at napangiti naman sakanya si Jennie habang hinahalikan siya sa pisngi.


"Oo naman! Nag promise sila sayo diba? Ang cute cute mo baby! Kuhang kuha mo kay Daddy yung cheeks mo." Masayang sabi nito habang tinitignan niya si Aki.


"Yes yes yes!!! I'll play with them!!"


"Ang bilis lumaki ni Aki no?" masayang sabi sakin ni Hyeri habang pinapanood namin si jieun at nini na nakikipag laro sakanya. "Oo nga eh, parang kailan lang. Ngayon ang laki na niya." Nakangiting sabi ko habang inaalala ko yung mga araw na pinanganak ko si Aki.


"Ikaw kasi eh, pabebe ka pa. Oh edi sana walang Aki ngayon!" Natatawang sabi niya at inirapan ko naman siya.


"Oo nga no? Pero kamusta na kaya siya?" mapait na ngiting tanong ko sakanya at niyakap niya naman ako ng mahigpit.


"Okay lang yun. Pupunta nga dito diba? Para sa birthday ni Aki." Nakangiting sabi niya at sumunod na siya kila Jieun na nakipaglaro rin kay Aki.


"Yeah, the best ex pa rin nga siya." Nakangiting sabi ko sa sarili ko at umakyat na ko para kumuha ng pampalit ni Aki na damit.































Lets take a tour! 3years ago....



"Naka pack up ka na?"


"Yes. See you next month?" nakangiting sabi ko kay Jieun at natawa naman siya sakin.


"Ewan ko sayo ang gaga mo!" natatawang sabi nito at nagkatawanan naman kami. Lumapit samin si Soohyun at niyakap niya kami parehas.


Nasa set pa rin kami. Eto na yung huling shooting ko. Mabuti na lang at dinaanan ako nila Jieun dito.


"Aalis ka na ba? Wait lang kumain muna tayo nagpa deliver ako ng chicken!"


"Ha? Mahuhuli ako sa flight ko dun na ko kakain."


"Sige na! Eto matagal ka rin mawawala eh. Saglit lang naman yun paparating na rin yun." Di mapakali sabi niya at nakita ko na kinuha niya yung phone niya at umalis na siya. Nagtatakang napatingin naman ako kay Soohyun at ngumiti lang siya sakin.


"Alam mo? Gusto lang namin ni Jieun na sumaya ka. Yun lang, kasi deserve mo yun." Nakangiting sabi niya habang naka akbay sakin.


"Pano sasaya kung ayaw na nga sakin." Halos pabulong na sabi ko at nakita ko naman na tumawa siya ng malakas. Maya maya ay dumating yung Manager ko na tumatakbo.


"Wait, Suzy kailangan ka daw dun sa isang kwarto. May hindi pa daw kayo natatapos na shoot. Saglit lang naman yun."


"Ha? Anong hindi pa? Sabi ni Direk tapos na!"


"Hindi pa daw eh, saglit lang naman pagkatapos didiretso na tayo ng Airport." sabi nito at ngumiti naman si Soohyun na lumapit sakin. "Sige na, hihintayin ka na lang namin sa labas." sabi pa nito at naglakad na kami papunta sa kwarto.


"Dito na kami. Please be happy okay?" makahulugang sabi nito at dirediretso akong tinulak sa isang kwarto na nakapatay ang ilaw.


"HOY!! ANO BA YAN NGAYON PA KAYO MANANAKOT KUNG AYAW NIYO KO UMALIS PWEDE NIYO NAMAN SABIHIN BAT KAILANGAN NIYO PA KO I LOCK DITO HUHU!!!" inis na sabi ko habang kinakatok ko yung pinto. Maya maya ay biglang bumukas yung ilaw at nagulat ako ng makita ko siya sa harapan ko.......







































"Roje?"


"Hi?"


Plain na sabi niya habang nakayuko at yung kamah niya ay nasa likod niya. Hindi siya makatingin ng maayos sakin. Habang ako, nagpapalpitate ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo halo eh, pain? Sobrang pagkamiss sakanya? Ano baaaa! Naiiyak ako. Huhu!


"H-hello?"


Nahihiya na sabi ko sakanya. And yes, nagsimula na tumulo yung luha sa mga mata ko. Nakita ko naman na parang nataranta siya dahil dun at dali dali siyang lumapit sakin at niyakap ako.


Wait, Lord nananaginip lang ba ko? Baka nag hallucinate lang ako? Nasobrahan ba ko sa meds ko? O baka di pa ko gising? Ano baaaa.


Pero hindi, ramdam ko siya. Ramdam ko yung yakap niya. Yung yakap niya na ang tagal kong hinanap, yung yakap niya na nagpapawala ng pagod at sakit na nararamdaman ko. God, sobrang namiss ko siya. Sobrang namiss ko yung Roje ko.


"I'm sorry, kung naging napaka sama kong tao. Kung naging walang kwenta akong girlfriend. Kung hindi ako nakikinig sayo noon. I'm sorry kung pinagtabuyan kita. Sorry, hon. I'm sorry.." rinig kong sabi niya habang yakap niya ko. Ramdam ko yung panginginig ng katawan niya, maging yung boses niya.


Tinanggal ko yung pagkakayakap niya sakin at tinignan ko siya. Iyak siya ng iyak. Pinunasan ko yung mga luha niya sa mata at ngumiti ako sakanya.


"Wag ka ng umiyak. Ano ka ba, wag ka ng mag sorry. Okay na. Matagal na tayong tapos Rosè. Please, aalis na ko. Male-late ako sa flight ko."


"Suzy please, makinig ka sakin. I know ang tanga ko, I know napaka sama kong tao. But please, nagmamakaawa ako sayo. Bigyan mo sana ako ng chance. Chance na maitama to."


"Wala naman na tayong kailangan pang itama Rosè..."


"Welcome back."


"H-ha?" Kita kong gulat sa mukha niya.


"I said welcome back. Okay na. Tayo na ulit." Nakangiting sabi ko sakanya. Shet, feeling ko kung nakikita lang to ni Jieun baka inawardan na ko nun ng pinaka marupok na babae sa SoKor huhu.


"Ay, easy to get."


"Panalo ako Soohyun! Ikaw magbayad ng chicken natin." rinig kong nagsalita sa taas at nakita ko na nandun pala sila Soohyun at Jieun NANONOOD SAMIN!!!!!


"HOY!!! KAYO!! HINDI NIYO NA KAMI BINIGYAN NG PRIVACY!!!" inis na sigaw ko sakanila at nagtawanan naman sila kasama yung Manager ko sa taas.


"Duh, kailangan ng bantay no baka tumakas ka sayang naman effort namin." Natatawang sabi ni Jieun sakin at inirapan ko naman siya.


"Joke lang pala, di pa tayo no. Leche ka magdusa ka! Anong akala mo sakin easy to get!! Saka teka nga bat nandito ka, nagpaalam ka ba sa gf mo? Diba ikakasal na kayo?! Kailan ka pa naging two timer ha?!" Inis na sabi ko sakanya at takang napatingin naman siya sakin. Tumingin ako sa taas at nakita ko na nagmamadali lumabas si Jieun sa pintuan habang si Soohyun ay hinaharangan siya.


"What? Girlfriend? Sinong girlfriend? Anong ikakasal? Ako? Kailan pa? Suzy, wala akong naging girlfriend na iba bukod sayo." Pagpapaliwag niya sakin at nag blush naman ako sa sinabi niyang yon.


"Anong wala?! Eh anong tawag mo kay Joy aber?!"


"Joy? Hindi naging kami. May girlfriend na siya si Wendy. Anong kami? Kai-"


"YEYYYYY!! COMEBACK IZ REAL!!!!" nagulat na lang kami ng biglang bumukas yung pinto at may pumutok na party pooper. Si Lisa yung nagbukas. Kasunod niya sila Jennie at iba pa namin friends.


Nagkatinginan naman kaming lahat dahil biglang nanahimik sa kwarto.


"Oops? Mali ba ko ng pasok? Teka, sabi ni Jieun nagkabalikan na kayo eh?" Nagaalangan na sabi niya at sakto naman ay lumapit sakanya si Rosè.


"Parang nabalitaan ko na sinet up niyo ko. Ikaw ba yun?" seryosong tanong ni Rosè kay Lisa at nakita ko naman na biglang namutla si Lisa at napalunok siya dahil dun.


"T-teka teka! Magpapaliwanag ako!!"


"Hindi, hindi mo na kailangan magpaliwanag pa." Seryosong sabi ni Rosè at babatukan niya na sana si Lisa ng bigla itong tumakbo. Nakita ko naman na naghahabulan silang dalawa ngayon sa kwarto na kinatawa mg mga kaibigan namin.


Nakita ko si Jieun na nakangiti habang pinapanood si Lisa na hinahabol ni Roje. Ngumuso naman ako kay Soohyun at natatawang binatukan niya si Jieun. Hay nako, ilang taon na nakalipas si Lisa pa rin talaga.


"Congratulations Unnie!" Masayang sabi ni Jennie habang yakap yakap ako. Maging si Jisoo at lumapit na rin sakin.


"Ako may pakana nun. Hindi alam ni Rosè na sinabi namin na sila na ni Joy. Pero hindi pa rin ako magsosorry." Seryosong sabi ni Irene sakin at ngumiti naman ako sakanya. Lumapit siya sakin at niyakap niya ako. "Please be happy okay? Last niyo na yan." natatawang sabi niya at ngumiti rin ako sakanya.


After ako yakapin ni Joohyun ay nakita ko si Joy at Wendy sa may pintuan. Nagkangitian naman kami ni Irene at lumapit ako kay Joy.


"Thank you. Thank you, Joy." Sabi ko sakanya at niyakap niya naman ako. "Ano ka ba Unnie, wala yun. Saka kayo naman talaga ang para sa isat isa." Masayang sabi niya habang ako naiiyak pa rin.


"So kayo na?" tanong ko ng makita ko si Wendy na lumapit samin. "Yup, hehe. Cute cute netong baby ko eh. Behave pa diba?" masayang sabi ni Joy kay Wendy. Natawa naman si Seulgi sa gilid nila.


"Behave ka diyan. Kasama kaya yan nila Lisa at Seulgi umalis kasama sila Tz--"


"HMMMP!!!!"


"Ano ba Unnie! Di ako nakahinga don!!" Reklamo ni Yeri at bigla naman dumilim yung Awra ngayon.


"Anong sabi mo Yerim?" Walang buhay na sabi ni Joohyun sakanya.


"A-ah eh, wala. Wala diba? May sinabi ba ko? Teka lang, kukunin ko yung chicken na inorder. Teka lang" sabito nito at dire-diretsong lumabas na. "A-ako rin. May kukunin lang ako, sasama na ko sakanya." Nauutal na sabi ni Seulgi na dali dali tumakbo papunta kay Yeri.


"UNNIE!!! TULUNGAN MO KO!!" sigaw ni Lisa habang walang sawa siyang kinikiliti ni Rosè.


"Tumayo na kayo diyan. Kumain na tayo nagugutom na ko." Walang buhay na sabi ni Joohyun at dire-diretsong tumakbo si Lisa papunta sakanya. "Wag mo kong lapitan. Baka masakal lang kita" cold na sabi nito.


"Sige, kay IU na lang ako sasama."


"Okay lang, bukas mababalitaan na lang na sunog na kayong dalawa o kaya nasa drum kayo palutang lutang sa ilog."


Dahil dun ay nagtawanan lahat ng tao sa kwarto. Grabe! Wala talagang tatalo sa kasungitan ni Irene 😂


"Hon?"


"Hm?"


"I love you." Nakangiti niyang sabi sakin. Nakakamiss talaga tong ngiti ng chipmunk na to. Sino ba naman ang magsasawa sayo?


"I love you mo mukha mo! Matapos mo kong patayin sa kanta mo leche ka." sabi ko sakanya, pero pabebe lang ako. baka suyuin niya kasi


"Di ko naman sadya yun eh huhu. Sorry na."


"Di ka kasi nagtatanong hays."


"Pwede bang maging open na tayo sa isat isa ngayon? And please, walang iwanan. Wag mo na ko iwan ulit okay? Sabay natin haharapin yung mga problema na darating satin at ipangako natin sa isat isa na kahit kailan di na tayo maghihiwalay?"


"Wow naman Roje. Ang demanding mo ha! Pakasalan mo muna ko uy!!!" birong sabi ko sakanya habang tumatawa.


"Tara. Ngayon na ba?" sagot niya at napatingin naman ako sakanya.


"Seryoso ba?" pagtatanong ko. at ngumiti naman siya sakin sabay ayos ng buhok ko.


"Makasiguro lang ako na di ka na ulit aalis sakin." nakangiti niyang sabi at God. Mamamatay ako sa kilig kay Roje huhu! Ilang taon na yung nakalipas pero ganun pa rin yung kilig. Never nagbago huhu bat ganun naman Lord.


"Sige ha. Sabi mo yan" nakangiti kong sagot sakanila ay naputol lang yung paguusap namin ng sumigaw na naman si Jieun at hinihintay na daw kami.


"I love you, Park Chaeyoung!"


"I love you too, soon to be Mrs. Park"




Finale..









































































































Oops! Hindi pa 😂


@ Park's Mansion


"Don't let her go anak. Sobrang bait ni Suzy. Palagi siyang nandito kapag wala ka. Nakikipag bonding siya samin ng Daddy mo. Sinasamahan niya kami ni Alice mag shopping. Happy ako kasi finally nagkabalikan na kayo. Wag na matigas ang ulo mo okay?"


"I know Mom. Nanermon pa eh!" maktol ko sakanila at sinamaan naman ako ng tingin ni Mommy. Masayang tinignan ko siya na nakikipagusap sa mga kaibigan ko.


Akalain mo yun? After all these years hindi siya tumigil magmahal sakin. Nag effort siya ng malaki para sa pamilya ko. Napaka tanga kong tao dahil pinabayaan ko lang siya. Pero ayun, this time is real. Babawi ako sakanya, babawi ako sakanya habang nabubuhay ako.


So ang plano, hindi ko alam. Sabi ko lang dalhin nila dito si Suzy, kasi dito kami sa Garden magpapakasal. Actually, hindi niya to alam. Hindi niya pa nga ko binabalikan sabi niya ligawan ko siya. 3months ko na siya sinusuyo aba ayaw pa rin! Kaya yung Mommy ko hala sige pa rin ang sermon sakin hanggang ngayon.


"Chaeng!! Nandiyan na daw sila!!" sigaw ni Unnie sakin. Nagmamadali ako na binitawan ko yung kinakain ko at agad na lumabas. Pagkalapit ko sakanila at narinig ko na nagsisisihan pa si Hyeri, Lisa at Seulgi.


"Ikaw kasi eh! Sabi ko diba pag labas niya isasakay na lang natin bigla!" rinig kong sabi ni Hyeri.


"Eh diba nga nakita na nga kami ni Seulgi kaya saibang way siya dumaan! Bat ba di na lang kayo magpasalamat sakin!" reklamo ni Lisa sa dalawa. Magsasalita na sana ako ng biglang lumapit si Joohyun Unnie sakanya at binatukan siya.


"Ang galing mo rin baby no? Pinatulog mo si Suzy! Pano na sila ikakasal niyan?!"


"Edi ikasal na sila habang tulog pa tas fingerprint na lang niya gamitin sa pirma. Edi tapos! Wala na tayong problema!" Natatawang sabi ni Seulgi pero binawi niya rin yun at nag peace sign siya ng titigan siya ng masama ni Joohyun Unnie.


Dahil diyan ay lumapit na ko sakanila at binatukan ko silang tatlo. "Sino ba kasing may sabi sainyo na kidnapin niyo? Sabi ko diba isama niyo lang? Yayain niyo! Ano ba kayo! Pano kami ikakasal niyan?!" Inis na sabi ko sakanila at nagtawanan naman yung mga nasa likod namin.


"Ayusan na lang muna namin. Hindi naman tatakbo yan si Suzy" natatawang sabi ni Alice sakin. Inirapan ko naman siya dahil dun. "Hindi ikaw ang magbibihis sakanya no!" inis na sabi ko sakanya at nagtawanan naman silang lahat.


"Ano ba yan baby sis. Hanggang ngayon pinagseselosan mo ko? Hahaha!" Natatawang sabi niya pero inis na inirapan ko lang siya. Mabuti naman at dumating na si Jieun Unnie. Sakanya ko lang pwede ipagkatiwala tong baby ko. Binuhat nila Lisa si Suzy papasok ng bahay at dun na inayusan.


Syempre kakain muna ko ulit habang inaayusan siya. 😋































"Hoy Jieun! Ano tong soot ko?!" inis na sabi ko sakanya habang nakahiga ako dito sa kama. Pagtingin ko sa paligid ay nasa kwarto ako ni Roje.


"Gaga! Ikakasal ka na ayaw mo pa?!"


"Ha?!"


"Mag thank you ka sakin." Sabi nito at naalala ko yung nangyari kanina. Naglalakad ako palabas ng building ng biglang may nagtakip sa bibig ko at nakatulog na nga ko.


"Ikaw nagutos non?!" Iritang sabi ko sakanya at tumawa lang siya. "Sabi ko kay Lisa, yun ang last option niya."


"So nagusap kayo ni Lisa?" tanong ko sakanya habang nakangiti ng malaki. Nakita ko naman na namula lang siya at tumalikod na. Aasarin ko pa sana siya ng biglang kumatok si Hyeri.


"Tara na Unnie!!!"


"Isa ka pa! Ikaw rin may pasimuno neto eh! Ayoko bahala kayo diyan di ako lalabas." Pagiinarte ko, gusto ko lang naman na siya ang sumundo sakin no.


"Hala siya!"


"Parang tama yung suggestion ni Seulgi kanina." Nagiisip na sabi ni Jieun at sinamaan ko naman siya ng tingin.


"Hello Anak." nagulat ako ng makita ko yung parents ko na pumasok sa kwarto.


"Ma? Pa? Anong ginagawa niyo dito?" Pagtatanong ko sakanila at nakangiti naman sila na lumapit sakin.


"Kasal mo na eh, pu-pwede ba naman na wala kami?" pagtatanong nito sakin at niyakap ko naman sila ng mahigpit dahil dun. "Nakausap na namin si Chaeyoung, sinabi niya samin lahat. Noong una ay nagalit ako, pero naintindihan ko rin. Ganun naman talaga diba? Kailangan mo rin gumawa ng paraan para mag work kayo sa isat isa. Siguro nga this time ay totoo na anak. Masaya kami para sayo. Deserve mo yung happy ending. anak." Naluluhang sabi ni Papa at niyakap ko naman sila ng mahigpit.


"Oh tara na baka mahuli ka pa sa kasal niyo, nandun na sila sa baba naghihintay." masayang sabi ni Papa at niyakap ko sila sa huling pagkakataon kasama yung mga kaibigan ko na nag stick sa tabi ko hanggang dito.


"San ka nakakita na yung ikakasal din ang wedding singer?" Natatawang sabi ni Jieun sakin. "Sabi ko ikaw kakanta sa kasal ko eh!!" Inis na sabi ko sakanya at natawa naman siya lalo. "Ano ka ba, mas okay na si Chaeng para mamatay ka sa kilig." pagpapaliwanag nito at ng makarating kami sa baba ay parang unti unting bumabalik yung alaala ng unang beses ko siyang makita.


Habang naglalakad kami ni Papa ay hindi ko maiwasan maiyak. Sino ba naman kasi magaakala na makakatuluyan ko tong makulit na batang to diba? Parang kailan lang eh. Pagkadating namin sa harap niya ay di ko muna siya pinapansin. Pano ba naman kasi, pwede naman ako yayain magpakasal ng maayos di yung gaganyan ganyan pa.


"Galit ka ba?"


"Kita mo baka smile ako?!" sarcastic na tanong ko sakanya at napakamot naman siya ng ulo.


"Are you mixed?"


"Hindi!" pambabasag ko sakanya at nagtawanan naman lahat ng tao.


"Hon naman!"


"Hon mo your face! Hindi pa kita binabalikan ah?"


"Hon naman eh!!"


At nag tantrums na siya na parang bata. Natatawang tinitignan na lang siya ng mga magulang niya. Hay nako Roje kundi lang kita mahal.


"Osige. Bakit ako naging mixed?"


At ngumiti na siya dahil dun.


"Cause you look like half fine and half mine." masayang sabi niya at naghiyawan naman yung mga kaibigan niya. Ngumiti ako sakanya at hinawakan ko siya sa pisngi. Napaurong naman siya dahil sa ginawa ko. Its payback time honey.


"No hun, I'm not half. Coz' I'm pure yours."


diretsong sabi ko sakanya sabay kiss sa cheeks niya dahilan para mangamatis yun ng sobra. at nagsitwanan na yung mga kaibigan namin dahil don. kala mo ikaw lang ha?! Hahahahahha!


"Tama na nga landian!! Mga leche!" sigaw ni Jieun at nagtawanan naman tuloy lahat sakanya.































"So tapos ka na ba matulala diyan hon?" nakangiting sabi ng asawa ko, at hindi ko napansin na kanina pa pala siya nandito. Buhat niya na si Aki.


"Uy! Nandito ka na pala. Kamusta? Sorry, nakalimutan ko na bumaba. Nakita ko kasi tong picture natin nila Lisa. Nakakamiss rin pala. Ngayon lang tayo ulit makukumpleto." masayang sabi ko sakanya at nagpapakuha naman sakin si Aki.


"Yeyy! Auntie Rosè is coming!!" masayang sabi ni Aki. Rosè kasi tawag niya kay Lisa. Soul sister daw kasi sila ni Roje, at lagi rin na kwento ni Roje si Lisa sakanya na best buddy nga sila. Saka baby pa lang si Aki, napagkakamalan niya si Lisa si Rosè dahil same height at color ng hair sila.


"Its Auntie Lisa baby okay? Lets go down na, nandiyan na sila." Nakangiting sabi ni Rosè sa anak niya. Pagkababa namin ay nakita ko na lahat ng kaibigan namin. Masayang nagkamustahan kami at nagusap usap. Masaya silang lahat na makita si Aki.


"I'm so happy for you." Masayang sabi ni Dong Wook sakin habang pinapanood ko si Aki na nakikipaglaro sa mga tita niya.


"Me too! Masaya ko para sayo. And thank you, the best ka talaga!" masayang sabi ko sakanya.


"Hindi man bf pero ex no? Hahaha!" sabi niya at magsasalita pa sana ako ng tawagin siya ni Aki.


Habang tahimik ako na nanonood sakanilang lahat ay sakto naman ay may naramdaman akong yunakap sa bewang ko at pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.


"Tuwang tuwa sila kay Aki no?"


"Oo naman, soon magkakaron na rin yan ng kalaro."


"Kamukhang kamukha ko ba naman eh." Proud na sabi niya pa.


"Malamang eggcell mo gamit. Sino ba ineexpext mo magiging kamukha niyang anak natin Chaeng?!" Pagsusungit ko sakanya at nataranta naman siya. Tumawa naman sila Alice samin na pinapanood pala kami.


"Pero seryoso, Ang swerte ko sa mga kaibigan ko. Pero sa tingin ko mas swerte ako sayo" banat na sabi niya na naman sakin. Agad siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin at lumipat sa harapan ko.


"Hello Unnie. I'm Chaeng nga pala, pero Rosè talaga name ko. Pero ikaw na bahala kung ano gusto mo itawag sakin" nakangiting sabi niya at naalala ko na naman tuloy nung una kaming nagkita.


"Hello. I'm Suzy, pero wag mo na ko tawagin Unnie. Kahit Suzy na lang" nakangiting sagot ko sakanya at lumapit naman ako para yakapin siya ng mahigpit.


"And meet my baby boy, Arkin Chan-young Bae-Park."


"pumapatol ka ba sa single mom?" natatawang tanong ko sakanya at lalo naman siyang natawa sa sinabi ko.


"Kahit na ano pa yan, basta ikaw. Paulit ulit kitang mamahalin. Kahit ikaw pa si Taylor Swift." natatawang sabi niya at hinampas ko naman siya dahil dun.





















"I've lost people and found them again. The second time around, things just made more sense. Honestly, timing has a lot to do with everything. Sometimes, you aren't ready for each other yet. It took years for me to realize that she's the one for me. And now, I promise to cherish her forever and ever. I will love Suzy, until the end.."



"I love you, my Roje."


"I love you too forever... my Suzy"















"And Chaeng, buntis ako ulit."







"WHAAAAAAT?!!!!!!"


























Finale.




-

Thank you sa walang sawang paghihintay sa updates, kahit medyo nagkanda delay delay tayo. Hahaha! Sana nasiyahan kayo lol. At huwag na kayo umiyak may next pa kayo iiyakan okay? 😂 Ingat kayo! Mag chikahan na lang tayo sa Wall ko. Okay?

Continue Reading

You'll Also Like

22.3K 601 26
"Would you dare to fall inlove with me?"
43.5K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
7.8K 264 22
A Kingdom full of lies, and a kingdom full of lights, Be brave and survive, Talk to me and give me a high five! Call my name, but not by my nickname...
252K 7.3K 81
What will be the scenario of our complicated love relationship? Date Started: 3/31/18 Date Ended: 4/22/18