BestFriend ko, Mahal ko...(Co...

By MaeWoo31

4K 110 12

Ano na lang ang gagawin mo kung ikaw mismo ay nainlove sa bestfriend mo? Sasabihin mo ba sa kanya na mahal mo... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10-1
Chapter 10 - 2
Chapter 10- 3 Bear with Pain
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 12 - Confessions

96 8 0
By MaeWoo31

Chapter 12



Abby's P.O.V.



"Good morning mommy !" Bati ko kay mommy na naghahanda ng breakfast.



"Oh ang aga mo atang gumising ngayon? Tsaka nakapag-ready ka na din. Anong nakain mo anak? May sakit ka ba?"



"Mama naman eh, ang o.a. grabe. "



"Alam ko na, bati na kayo ni Gino nu? Susunduin ka na ba niya?"



"Ma, sana nga ganun pero hindi. Si Alden ang susundo sa akin."



"Oh talaga?! Pupunta dito si Alden?! Sandali at dadagdagan ko ng plato dito."



"Ma, do you like Alden?"



"What do you mean? Anak masyado na akong matanda para sa ganyan tsaka I don't wanna be a cougar no!"



"Wow Ma, ikaw na. Grabe naisip mo pa yun?"




"Eh ano ba kasing ibig mong sabihin?"



"Wala lang. I kinda have a crush on him... kasi." I can't believe I am actually saying this to my mom. Pero gusto ko lang sabihin sa kanya. Totoo naman kasi talagang crush ko si Alden. Kaya lang parang dun pa lang naman na level.


Pwede pa tong lumalim, alam ko... sana. Si Gino, I am trying to at least try to be happy at ituon sa iba ang feelings ko. Yesterday, Alden really made me happy. Kung sa'n sa'n niya ako pinasyal. Ni hindi nga ako gumastos dahil siya ang gumastos lahat. Pinilit ko talaga kaya lang ayaw bumigay eh.




"Anak to earth?"




"Yes ma?"



"Nakatunganga ka na jan, iniisip mo si Alden?!"



"Ma naman."



"I am happy that you are now smiling, again. Thankful ako kay Alden dahil dun. As long as you are happy, support lang ako. At siya ata ang kauna-unahang lalakeng shinare mo sa akin na may gusto ka. Nag-expect pa naman ako dati na sasabihin mong si—-"



"Ma'am, nanjan na po si Sir Alden."




"Wait ma, puntahan ko lang."



Muntik na. Buti na lang dumating. Lakas talaga tumyempo netong si Crush.

Dali-dali kong pinuntahan si Alden sa labas. 




"Good morning ! Masyado ba akong maaga?" Ngiting bati niya sa akin na talaga namang nakakatunaw.



"Ahh...No, you're on time. Tara pasok ka muna. Siguro naman babatiin mo si mommy di ba?"




"Of course. Nagdala pa nga ako ng fruits oh."



"Ang shweeeeeeettt talaga. Tara !"



Right now, I am really happy with Alden. Napapasaya niya ako. Pero di rin naman ibig sabihin na nakalimutan ko na si Gino. I still miss him. Pero sa ngayon, susulitin ko na'to. I can wait for him naman to say it, sana nga lang sa time na yun, siya pa rin ang laman.


Alden's making me happy, papano ko naman matatanggihan lahat ng pinapakita niya for me. Pero wala naman din siyang sinasabi kung bakit niya ginagawa lahat ng 'to para sa akin. Natatakot din akong malaman. I want us to stay just like this, sa ngayon.



"Ma, Alden's here."



"Tita, good morning po!" Lumapit si Alden kay mommy at nagmano pa. Ang bait. Si mommy naman, hinug siya. 



"Alam mo muntik na akong magtampo sa'yo, hindi mo ako dinadalaw dito."



"Kaya nga po I brought you fruits, pampalubag-loob po. I hope you like it."



"Sus, nagpapalakas ka sa akin ha!"



"Mommy!"



Tumingin sa akin si Alden na parang nagtatanong kung ano daw ibig sabihin ni mommy. Nginitian ko lang siya. Kinuha ni mommy yung fruits at inilapag sa mesa.



"Oh, sumabay ka na sa amin magbreakfast Alden."



"Naku, talagang sasabay naman po ako. Di nga po ako nagbreakfast para lang matikman ang luto niyo."



"Aba eh di maganda. Sandali at kukunin ko yung mga ulam. Maupo na kayo."



Umupo na kami ni Alden. 



"Grabe, nakaplano na pala talagang dito ka kakain?"



"Syempre naman. Malakas kaya sa akin mommy mo."



"Ang sabihin mo ikaw ang malakas kay mommy. Nagpahanda nga agad yan ng isa pang pinggan para sa'yo nung malaman niyang susunduin mo ako."



"Okay lang na ako na ang maging tagasundo at hatid mo, para may free food na ako, di ba?" Kumindat pa ang loko. Aseeees.



"Kapal ha!"



"Joke lang ano ka ba."



"Eto na ang pagkain. Chicken curry and pancit bihon !"



"Wow, ang sarap naman po neto. Upo na din po kayo tita."



Tumayo pa si Alden para alalayan si mommy na makaupo. Haaay, Alden bakit?



Kumain kami ng kumain. Muntik na nga namin makalimutan na may pasok pa pala kami ng 8:00 am. Kaya nung makita naming 7:40 na, nagmadali kaagad kaming magpaalam. As usual, kasama ni Alden yung driver niyang si manong chito. Medyo traffic kaya medyo late na nga. 8:08 na ng makarating kami. Nagmadali kaming umakyat, muntik pa nga akong madulas buti na lang nandyan ulit si Alden. Sabi ko sa kanya pumunta na din siya sa klase niya, kaya lang ang loko ayaw. Ihahatid niya na lang daw muna ako sa room ko. 



"Oh, nandito na ako, pumunta ka na sa klase mo." Ngumiti lang siya at lumapit sa pinto tsaka kumatok. Nagsitinginan naman ang mga kaklase ko sa amin pati na din si Ms. Castro na english teacher namin.



"Ms, Santana, you're here. And nandito din si Mr. Valdez."



"Sorry po at medyo na-traffic po kasi kaya nahuli 'tong si ms Santana. Pasok ka na, kita nalang tayo mamaya. Sige! Makinig ka ha! Cge po ms. Castro, sorry po ulit sa istorbo."



Ayun, kumindat pa siya bago umalis. Ang loko grabe, inistorbo niya pa talaga ang klase para sabihin yun, pwede namang ako nalang diba?



"Ms. Santana?"



"Ahh opo."



"Uuuuuuuyyyyyyy, ang sweet naman."



"Ang aga-aga, sa'n kayo nagdate?"



Hala sige, tuksuhin niyo pa ako. Tsk. Pati naman 'tong si Ms. Castro nakisabay pa sa tuksuhan ng mga kaklase ko. Palibhasa kasi walang lablayp. Pagka-upo ko, bumalik na sa pag lelecture si ms. Castro.



"Uy, ano yun?" tanong sa akin ni Cindy.



"Alin dun?"



"Si Alden. Ano, official na ba?"



"Hindi pa ah!"



"Hind PA?"



"Ms. Santana and ms. Barsta."



Ayan tuloy pinagalitan pa kami. 



"Di pa nakakapag-move on yang si Abby mam, kinikilig pa yan." - classmate 1



"Nakakaselos, si Alden pa ang nabingwit niya !" - classmate 2



"Uie Gino, okay ba yung si Alden ha?" - rinig kong tanong ni Steven.



"Di ko alam." - tipid na sagot ni Gino



"Oh siya siya, tama na yan. Mamaya niyo na pagtsismisan yang lhublayp ni ms Santana. Makinig na kayo."



Habang naglelecture, tumingin ako sa likod para tingnan si Gino. At boom, nagsalubong ang mga mata namin. Nang magsalubong ang mga mata namin... DUG DUG DUG DUG. Bumilis ang heart beat ko. Kaya ako ang unang umiwas ng tingin at muling humarap sa harapan.



"Okay ka lang?" mahinang tanong sa'kin ni Cindy.



Tumango lang ako. Grabe, ano yun? Nung tumingin siya sa akin parang ang lungkot-lungkot niya.



RECESS TIME.



"Haay salamat, kanina pa ako nagugutom. Tara canteen tayo Abby." - Cindy



"Wag mo ng istorbohin yan. May hinihintay pa ata eh." -Shiela



"Hinihintay ka diyan?" - ako



"Sa'n ba kasi kayo nagpuntang dalawa ni Alden ha? Ang aga-aga, kayo na agad ang magkasama?" - Karen



"Sa bahay namin."



"WHAT?!" - sabay na sigaw nila.



"Anong what ? Maka-what kayo diyan."



"Don't tell me dun siya nagpalipas ng gabi?!" - Shiela



"Oh no! May—-" - Cindy



"Dirty minds everywhere." Nagsitinginan kami sa taong nagsabi nun. Si Nikka, kasama si Gino.



"Abby, can we talk?" - Gino



Parang biglang umurong ang dila ko at di ako makapagsalita. Nanigas rin ako sa kinauupuan ko. Wait, si Alden. I need him. Parang di ako ready sa kung ano mang sabihin niya.



"Abby, tawag ka ni Alden sa labas." sigaw ng isa ko pang kaklase. Nagbagting ang tenga ko nung marinig ko ang pangalan ni Alden.



"Ahmm, timeout muna Gino ha? Pwede bang mamayang hapon na lang? Okay lang ba?"



"No. He wants to talk to you, right now. Bakit mamayain mo pa?" - Nikka



"Teka, ba't parang nagagalit ka kay Abby?" - Karen



"Guys guys, kalma." - Shiela



"Nikka, it's okay. Sige, mamaya Abby. Tara Nikka." Sabay hila ni Gino kay Nikka palabas.



"Anong problema nung isang yun? Ang init lagi ng dugo."  - Cindy



"Abby?" Yung boses niya na pag naririnig ko feeling ko safe ako. Tumingin ako kay Alden at di ko alam pero napayakap ako bigla sa kanya at umiyak. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin na nadun sa classroom, basta gusto kong umiyak.



"Okay lang Alden. I-comfort mo muna siya. Kami na ang mag-eexplain mamaya kay mam Ramirez." - Cindy



"Sige, salamat. Abby, tara."



Kinuha ni Alden ang right hand ko at hinila ako palabas. Dinala niya ako dito sa rooftop ng school. Pinalabas niya yung magnobya dito kanina na naglalampungan, ang hanep. Kaya ngayon, kami na lang dalawa ang nandito.



"Nasan na yung panyo ko?" 



Kinuha ko sa bulsa ko yung panyong binigay niya sa akin kahapon. At tsaka ako umiyak ulit. Niyakap niya ulit ako.



"Tahan na. Kanina ang saya-saya mo pa, tapos ngayong makikita kita ulit na bigla nalang umiiyak."



Tama siya, nasira na tuloy araw ko. Ang gv gv (Good Vibes) ko pa kanina.


Hinarap ako ni Alden at kinuha yung panyo tsaka siya na ang nagpunas ng mga luha ko.



"Magpapasko na malapit Abby, wag ka ng umiyak. Baka di ka pagbigyan ng regalo niyan ni Santa."



"Anong konek Alden... huhuhu. Kainis ka naman eh."



"Tahan na. Kulang nalang pigain ko tong panyo sa dami na ng luha mo. Hahaha!"



Tumingin ako sa kanya at ayun ang loko tumatawa nga. Napangiti na din ako.



"Uuy, ngumiti siya."



"Kasi naman po ang babaw ng joke mo grabe."



"Alin dun ang joke?"



"Wala."



Salamat sa korning joke ni Alden, napahinto na ako sa pag-iyak.



"Ano ba kasing nangyari? Nakita kong kinausap ka kanina nina Nikka at Gino ha?"



"Nakita mo naman pala ba't di ka lumapit dun?"



"Ayokong makisali. Akala ko nga sasama ka kay Gino kasi di ba nga, gusto niya ng makipag-usap sayo? Di ba yun naman ang hinihintay mong mangyari?"



"Yun na nga eh, ayoko pa siyang kausapin... parang biglang natatakot ako sa kung anong kahihinatnan ng pag-uusap namin."



"Why? Akala ko ba gusto mo ng maging okay ang lahat? I know how much you miss him... badly miss him... right?"



Tumingin ako kay Alden. Nag-iwas siya ng tingin sa akin.



"Ba't di ka makatingin sa akin? Gusto mo na ba talagang makipag-usap ako sa kanya?"



Bumalik ang tingin niya sa akin sabay ng ngiti. Yung ngiting may assurance, alam niyo yun. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko tsaka ako nagulat sa sunod na ginawa niya...

He kissed me... in my forehead. 



(Kindly listen to the song of Silent Sanctuary entitled "Sayo" sa gilid po)


*Minsan oo minsan hindi

minsan tama, minsan mali

umaabante, umaatras

kilos mong namimintas~*


When I felt his lips in my forehead, I feel safe talaga. Warmth. Napapikit din ako. After nun, mga 7 seconds ata, inalis niya na pero nakahawak pa din ang mga kamay niya sa pisngi ko.



"I don't wanna lie to you. Half a yes, and a half no."



"Huh?"



"Of course gusto kong maging okay kayo ng best friend mo... I mean best friend slash first love."



"Alden..."



"Ssshhhh. Di pa ako tapos. I hate seeing you sad Abby. I've seen you many times, crying over that same man. Gusto kong magkaroon ng closure sa inyong dalawa ni Gino. We'll never know kung ano'ng magiging outcome ng pag-uusap ninyo and natatakot ako sa kung anong mga possibilities pag nakapag-usap na kayo. Marami akong naiisip, tulad ng, maaaring maging kayo na, maging okay na, bumalik na sa lahat sa dati... pwede ring masira ang friendship niyo. Mga ganung bagay ang naiisip ko."



"Ba't naman?"



"Malay mo, sa pag-uusap niyong dalawa, mag-confess siya sa'yo. And I know what you feel too towards him. Pag nangyari yun, eh di perfect. Mutual kayo. At the same time, paniguradong pagbabawalan ka ng lumapit-lapit pa sa akin. And if that happens, I'll be afraid. Afraid to lose you."



Wait. Parang nabingi ako sa sinabi niya. Alden, I can see clearly in his eyes, how hurt he is.



"Sorry, mukhang mauuna pa ata akong mag-confess kay Gino. Okay lang ba?"



"Ahmmm... Alden..." Wala talagang gustong lumabas sa bunganga ko. Di ko alam ang sabihin. At the same time, bumilis ang tibok ng puso ko, ganito pala yung feeling. Nanlalamig ako sa kintatayuan ko at feeling ko yung maiinit na palad lang ni Alden sa pisngi ko ang nararamdaman ko.



"Sana after neto, di parin magbago yung relationship natin. Wag mo akong iwasan, at kung magbago man, okay lang. Maiintindihan ko, at after mong marinig ngayon yung sasabihin ko, di ibig sabihin nun kailangan ko ng sagot mo. I can wait Abby, always remember that. I'll always wait and I'll always be here for you. Kaya Abby Mikaela Santana, I want you to know that... I Like You..."



Ayun na nga... sinabi niya na sa akin yung kinatatakutan kong feelings niya for me. Oo, I was afraid, but at the same time, I feel relief and happy. And the answer to that why? Hindi ko din alam.



"Nakakatameme no?" Ngiti niya sa akin. "Woooohhh, first time ko to. Nakakahiya." Lumayo siya sa akin ng konti. "Pa'no, okay ka na? Ready ka ng makipag-usap mamaya kay Gino?"



Gusto kong magsalita pero nahihiya ako. 




"Dapat lang na maging ready ka Abby. I know you're a tough woman. You just have to think positively. Ok ? Tara?" Halatang nahihiya siya sa nangyari.



Hindi man lang niya hinintay na magsalita ako, tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo. Ayoko... I don't know why pero kusang kumilos ang katawan ko at tumakbo papalapit sa kanya at hinug siya sa likuran niya. Sounds corny and o.a. right? Anong magagawa ko, maski ako di alam ang reason kung bakit. But when I'm with Alden, I feel safe. Di ko na ata mabilang-bilang kung ilang beses ko ng sinabi yun.


Huminto siya at humarap sa akin. Tiningnan niya ako na may ngiti sa labi.



"You don't have to answer me right away. Ayokong mapressure ka."



Maglalakas loob na akong magsalita.



"Wait. Can you please hear me out ? I don't know what to say. Binigla mo naman ako agad. Di ko talaga alam. But one thing's for sure Alden, ayokong umiwas at humiwalay o maging malayo man lang sa'yo. I feel safer and relief whenever I am with you. At I know, that I also felt that before when I was with Gino. Pero kahit ganun, gusto ko nanjan ka lang sa tabi ko. Whatever happens. Kahit na selfish pakinggan. I don't wanna be unfair to you dahil alam ko din sa sarili ko na I do love Gino tapos aware ka din sa bagay na yun. Pero papano kung magbago yung lahat ng meron kami, ayokong masira yung friendship namin pag same nga yung feelings. Alam mo yun? Naguguluhan din ako sa situation namin."



"Wag mong pangunahan muna Abby. Hear him out."



"Alam ko. Kaya nga makikipag-usap ako sa kanya. Makikipag-usap na ako sa kanya. Kung ano man yung mangyari, I am asking you to please stay. Walang magbabago, I promise. Ang selfish ko na talaga pero yun ang gusto ko. Kung tutuusin, crush na nga kita eh."



Alam ko nung sinabi ko yun, pulang-pula na ngayo ang mukha ko. Kahiya.



"Mabuti nga may epekto pala ako sa'yo. Alam ko na dati pa nu, obvious ka nga masyado eh, hahahaha!"



Sinamaan ko siya ng tingin. 



"Ang hangin ha!"



"Bakit ikaw lang yung nakakafeel na malakas ang hangin?"



"Sira!"



Ayun, parehas kaming nagtawanan at nawala na nga yung awkwardness. Iba talaga pag si Alden.



"Basta, ano man ang mangyari, walang magbabago. Ok?"



"Okay."



"And thank you Alden for being too honest. Hahahaha!"



"Ayaw mo nun, honest ako. Basta kaya mo yan. I wish you luck para mamaya."



"Thanks."



"Tara?"



"Okay."



Sabay na kaming bumaba sa rooftop. Tulad ng kanina, hinatid niya ako ulit sa room namin. Di ko din alam kung anong tawag sa relationship namin, pero okay na na nandyan siya.




___________________________________________________________________

A/N:

Short update ulit. Still sana nagustuhan niyo tong update nato. Thank you ! ^___^

Continue Reading

You'll Also Like

82.2K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
78K 5K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
13.3K 811 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.8M 75.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...