Under the Moonlight (Agravant...

By jhelly_star

21.8K 749 75

[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to pl... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
WAKAS

KABANATA 16

443 17 1
By jhelly_star

Kabanata 16

I Can't

--

I didn’t go to Zairus the next day. I still can't believe it! Pagkatapos kong sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko, bigla ko nalang malalaman mula mismo sa kanya na aalis siya? Hindi ko kayang tanggapin 'yon!

Yes, I know it's his dream. Gusto niyang maging doctor. Pero kailangan ba talaga sa ibang bansa mag aral? Hindi ba pwedeng dito nalang? Pwede naman dito, ah? Bakit pa doon? Dahil mas maganda at mas malaki ang opportunity?

Gusto kong maiyak. Pero mas pinili kong hindi at manatiling galit! Ayokong pumunta sa kanila. Ayoko na ulit! Ayoko na siyang makita!

I stopped walking and my eyes widened when I saw Zairus outside our school, nakasakbit ang bag sa isang balikat at mukhang may hinihintay! Pinagtitinginan siya ng ibang students na lumalabas dahil bukod sa iba ang uniform, matangkad at gwapo rin. Agaw pansin.

What is he doing here? Why is he here? What the hell?

"What happened?" tanong ni Lorie na nasa tabi ko. Napansin niya siguro ang matalim kong tingin kay Zairus.

Hindi ako sumagot. Uwian na ngayon at sasabay siya sa akin dahil gagawa ulit kami ng scarpbook. Ako ang nagyaya sa kanya ngayon dahil ayaw ko talagang pumunta kina Zairus. Sa bahay namin kami gagawa at agad naman siyang pumayag.

"Well, I guess... mauna na muna ako?"

"No," agad kong pigil sa kanya. "Tuloy tayo. Let's go."

"Huh? Mukhang hinihintay ka, oh. Siya na ang pumunta sayo ngayon."

"Just shut up and let's go, Lorie."

She rolled her eyes. "Kung may problema kayo pag usapan niyo! Ayokong madamay kaya mauuna nalang ako."

"Lorie!" iritado ko siyang hinarap.

"What? Sa susunod nalang tayo gumawa ng scrapbook!" she smirked. "Sa talim ng tingin mo parang may LQ kayo kaya makipag usap ka nalang sa kanya! Ikaw na ang pinuntahan ngayon, oh!"

"I don't care. Pwede bang umalis nalang tayo?"

Umirap siya at nagpahila nalang sa akin, hindi na nagsalita. Malas at dadaan kami sa harap ni Zairus paglabas. Nasa labas kasi ulit ngayon ang sasakyan namin at wala sa parking lot dahil si Mina nauunang magpahatid sa school nina Luna! Kapag bumabalik hindi na pumapasok sa parking lot at naghihintay nalang dito sa labas!

Malakas ang kalabog ng puso ko habang papalapit kami pero ayokong makipag usap sa kanya ngayon. Kung gusto niyang umalis, umalis siya. Hindi ko siya pipigilan! Pero hinding hindi na ako makikipag kita sa kanya. I don't want to see him anymore!

Gusto kong manlumo. Did I mean it? Talaga bang ayaw ko na siyang makita?

"Johanna," si Zairus nang dumaan kami sa harapan niya.

Nilingon ko siya, iritado ang mga mata. Tumikhim si Lorie at unti unting tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya. Parang ayaw ko naman siyang bitawan!

Tumingin si Zairus kay Lorie pero agad ring binalik ang tingin sa akin.

"What?" I asked. "What are you doing here?"

"Mag usap tayo," mariin niyang sinabi.

"Ano pang pag uusapan natin? Pwede ba? I'm busy. My cousin and I are going to do something. Just go home," I said and pulled Lorie away.

"Johanna," hinawakan niya ang kabilang kamay ko para pigilan ako sa pag alis!

Muli akong napaharap sa kanya at ngayon iritado na talaga ako. "Ano ba?"

"Mag usap tayo. Pakinggan mo ako. Hindi pwedeng ganito nalang tayo pagkatapos ng lahat!" medyo nagulat ako sa pagtaas ng boses niya.

"Sige!" hinarap ko na siya nang tuluyan ngayon. "Mag usap tayo. Pag usapan natin kung kailan ka aalis at nang makapag paalam na ako ng maayos sayo," sarkastiko kong sinabi.

He sighed while staring at me. Narinig ko naman ang malalim na buntong hininga rin ni Lorie at ang tuluyan niyang pagkalas sa hawak ko.

"I'm leaving. See yah tom," kumaway siya at tuluyan nang umalis.

Humalukipkip ako at tumalikod kay Zairus para tumawid sa kabilang daan. Ayokong makipag usap sa kanya roon habang pinagtitinginan kami ng mga students. Alam nila ang tungkol sa amin at ang iba galit pa dahil isasali ko raw si Zairus sa mga lalaking pinaglaruan ko.

Sumunod sa akin si Zairus. Sinadya kong magtungo malapit sa SUV namin para maka alis na agad ako pagkatapos naming mag usap.

"Ano? Kailan ka aalis?" hinarap ko siya nang medyo komportable na sa lugar.

He sighed again. He walked closer to me but I stepped back once. Napansin niya 'yon. Tumigil siya sa paglapit at nagsusumamo ang mga matang tiningnan ako.

"Uuwi ako sa tuwing pasko at bagomg taon. Pwede tayong magkita--"

Nairita na naman ako dahil hindi pa rin nagbabago ang isip niya. He's still leaving!

"Okay. Uuwi ka tuwing holiday. Pero hindi na natin kailangang magkita. If you want, just make time with Tito Halton. No need to see me."

"Johanna..."

"What?" nagtaas ako ng isang kilay. "Did I say something wrong?"

"Hindi ko rin naman gustong malayo sayo pero kailangan kong mag aral, Johanna..."

"You can study here. There are so many opportunities here! Bakit kailangan pang sa ibang bansa?"

"Mas marami akong matututunan kung sa ibang bansa ako mag aaral. Mas marami rin ang opportunities doon. At pangarap ko 'yon. Pangarap kong maging doctor..." mahinahon niyang paliwanag.

Nangilid ang luha sa mga mata ko habang pinapakinggan siya. I know it's his dream, alright! Hindi ko lang matanggap... na aalis siya! Na iiwan niya ako!

"Hindi naman magbabago ang nararamdaman ko para sayo kapag nandoon na ako. Gusto kita. Mahal kita, Johanna. Kahit nasa malayo ako, mananatili ka pa rin sa puso ko. Hindi kita iiwan..."

How corny those words are... But I don't know why I'm crying.

And what did he say? Mahal?

Unti unting lumapit si Zairus habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Bahagya rin siyang yumuko para magpantay ang mga ulo namin. Hinaplos niya ang pisngi ko.

"I'll call you every day. I'll also text you every day," ngumiti siya. "Pero matagal pa naman 'yon. Sa isang taon pa. Magkakasama pa tayo nang matagal."

Umiling ako at pinunasan ang mga luha ko. Ayoko... Ayoko pa rin!

"Please, Johanna... Pangako babalik ako sayo. Gusto ko lang na suportahan mo ako dito. Of all people, you're the one I want to support me the most. I want you to stay by my side even when I'm far away... Mmm?"

Umiling ako at tinanggal ang mga kamay niya sa akin. Tinulak ko siya at umatras ako palayo sa kanya.

"No!" sigaw ko.

Tinignan niya ako.

"I don't understand why you have to leave! There are so many opportunities in Manila! You can be a doctor here! Matalino ka naman at maraming alam! Kaya bakit kailangan mo pang mag aral sa ibang bansa?"

Tumulo ang mga luha ko.

"If you want to leave and you don't care about my opinion, just leave! Kung hindi mo kailangan ng opinyon ko, wag mo nalang din akong pakialamanan! Don't come back here again if that's all you want to talk about!"

"Johanna!" hinabol niya ako nang mabilis akong naglakas patungong sasakyan.

"Wag mo na akong habulin! Umalis ka nalang! Pero wag kang umasa na maghihintay ako sayo!"

He grabbed my hand and I quickly slammed into his chest! Tinulak ko siya agad. Pero dahil sa panghihina at sa higpit ng hawak niya ay hindi ako makawala. Damn it! I hate crying like this! Bakit ba ako umiiyak nang dahil lang sa lalaki na 'to?!

"Let me go!" sigaw ko at tulak sa kanya.

Hindi niya ako binitawan. Niyakap niya lamang ako nang mahigpit na para bang mawawala ako kapag binitawan niya.

"Kung iiwan mo lang rin naman ako, just leave me now. So I have time to move on from you!"

"Hinding hindi ka magmo-move on sa akin..." mariin niyang sinabi, para bang utos.

"Let me go!"

Tinulak ko siya nang buong lakas at agad naman siyang napa atras. Hinawakan niya agad ako sa pulsuhan. Binawi ko 'yon pero hindi niya binitawan!

"I want to leave, Zairus! Let me go!"

"Uuwi ako dito kapag pasko hanggang bagong taon! We can meet and be together on those days! Kahit ako naman hindi ko gusto na iwan ka, Johanna! Pero gusto ko namang intindihin mo ako ngayon at suportahan. Sayo lang, Johanna. Sayong suporta lang ang kailangan ko!"

"No!" pumiyok ang boses ko at mas lalong bumuhos ang mga luha.

"Fine!" sigaw ni Zairus at lumapit sa akin. "Sasabihin ko sa mga professor ko na magba-back out na ako sa scholar na 'yon! Hindi na ako aalis!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at natigil ako sa pagpiglas. Doon ko lang rin nakita nang maayos ang mga mata niyang namumula at nanghihina. Yumuko siya at sinandal ang kanyang ulo sa balikat ko. Para akong naestatwa not only because of what he said, but also because of the tears in his eyes.

"Hindi na kita iiwan. Wag mo lang akong iwan..." napapaos niyang bulong.

My tears fell. I don’t know if I will be happy with his decision or not. Ito ang gusto ko pero bakit masakit? Bakit parang nilulukot ang puso ko?

Mahal niya daw ako. Gaano niya na ba ako kamahal para isuko ang pangarap niya nang ganito? Para lang sa akin? Para lang hindi ko siya iwan?

"Zairus..." namamaos ko ding pagtawag.

"Hindi na ako aalis..." ulit niya.

"Really?" tanong ko, dapat masaya pero hindi ko alam kung bakit patuloy akong umiiyak.

Naramdaman ko ang pagtango niya sa balikat ko. Mas lalo akong naiyak. Mabuti nalang walang tao sa paligid pero kung meron man, wala na akong pakialam. My heart is hurting so much.

"Para sa akin?" tanong ko ulit.

"Para sayo..."

"You said you love me. Ganoon mo ba ako kamahal?"

"Oo..." walang pag aalinlangan niyang sagot.

Tuluyan kong natakpan ang bibig ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako. It was his dream. I understand. I just can’t accept that he will leave me. I don't want him away. I don't want him to leave me. Siguradong mami-miss ko siya nang sobra at siguro... natatakot na rin na baka makahanap siya nang iba.

We don't have any label yet. I'm not his girlfriend and he's also not my boyfriend. Pero sinabi niya nang mahal niya ako. At... mahal ko rin siya. Para sa akin sapat na 'yon at alam kong sapat na rin 'yon para sa kanya. I'm just scared... of what might happen while we're away from each other.

Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako nakikipag commit sa mga lalaking nakikilala ko. Ayoko ng seryosong relationship lalo na at hindi ko naman talaga sila gusto. Kaya ngayong totoo na ang nararamdaman ko at unti unti nang nagiging seryoso ang lahat, naninibago ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Tama bang pinigilan ko siya sa pangarap niya? Pangarap niya yun, e. Pangarap niyang maging doctor at makapag aral sa ibang bansa. Bakit ko pipigilan? Mali ba ang ginagawa ko?

I covered my face with both hands. I am here now in my room. Leaning on the headboard and still crying. Hindi ko magawang maging masaya sa naging desisyon ni Zairus. Ito ang gusto kong mangyari kaya ako nagalit sa kanya pero bakit ngayon...

I don't know what to do... or even think.

Sinabi nga ni Zairus na ayaw niya na sa scholar. Wala na siya sa mga listahan ng mga students na aalis. Sinabi niya lahat sa akin 'yon. After that, our days went on and we went back to normal. Yun nga lang, minsan siya na ang pumupunta sa akin sa school at nilalabas ako. Kumakain kami sa kung saan saan at naglilibot sa mga gusto kong lugar.

I'm happy... but at the same time hurt. Pakiramdam ko sinisira ko ang kinabukasan niya... ang pangarap niya. Pero ayaw ko pa rin siyang umalis. Hindi ko... kaya. Hindi ko na kaya.

Ngumiti ako nang nakita si Zairus sa kanilang bahay, nakaupo sa table at nagbabasa ng libro. Usapan namin na ako naman ang pupunta sa kanya ngayon. Ayoko na siyang gumastos para sa akin. Gusto kong ipunin niya nalang ang pera niya para kapag may kailangang bilhin ay meron silang panggastos.

He smiled too when he saw me. Lumapit ako sa kanya.

"Dinala mo ang gitara mo..." puna niya nang nakita ang nakasakbit kong gitara sa balikat ko.

"Yup!" I smiled and sat down in front of him.

"Kamusta ang araw mo?" he asked.

"Mmm, maayos naman. Nalalapit na naman ang exam kaya kailangan ko na namang magbasa palagi ng notes. Pero bukas nalang!" tawa ko.

"Bakit?"

"Siguradong hindi na ako makakapag gitara kapag nagsimula na akong magreview. Mawawalan na ako ng oras kaya gagawin ko na 'tong opportunity para makapag gitara! Anong gusto mong kanta?"

"Mmm..." nag isip siya. "Payphone?"

"You know that song?" gulat kong tanong.

He chuckled. "Oo naman. Favorite na banda ni Papa 'yan kaya nagustuhan ko na rin."

"Okay! Sure!" nilabas ko ang gitara ko at pumwesto na.

Hanggang sa mga sumunod na araw, puro review na. Sabay kami palaging nagre-review sa bahay nila at maayos naman kami ni Zairus. Masaya pa rin. There's no awkward moments. Pero ako... hindi ko pa rin makalimutan ang pagsang ayon niya sa gusto ko. That he gave up his dream just for me.

Sinulyapan ko si Zairus habang seryoso kaming nagre-review. Malungkot ako na masaya. Malungkot ako para sa pangarap niya pero masaya rin dahil hindi na siya aalis.

Am I too selfish?

Too bad?

Too immature?

Maybe... I am. But I don't want him to leave me. I can't...

Continue Reading

You'll Also Like

19.3K 542 55
Sloth is the lack of any feeling about self or other, a mind-state that gives rise to boredom, rancor, apathy, and a passive inert or sluggish mentat...
5.6K 265 50
[COMPLETED] Solana Vanessa Ramos has a huge crush on this guy. Sa wakas, pagkatapos ng ilang taong pagtitimpi ay nagkaroon na rin siya ng lakas ng lo...
19.7K 467 48
[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...