A PROMISE TO KEEP [Completed]

By Aea_Aquinsin

1.8K 89 23

"Promises are made not to be broken, but to be fulfilled." More

Prologue
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9

Part 10 (Last Part)

247 10 5
By Aea_Aquinsin

Erik's POV:

"Huwag kang umiyak, ang pangit mo lalo."- isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa harapan ko. Kaya agad kong itinaas ang aking ulo upang makita kung sino ang ang nagsasalita.

"Ange- Angeline. Buhay ka? Angeline! "- mangiyak-ngiyak na sabi ko habang yakap ko siya. Damn! Panaginip lang ang lahat. She's alive!

Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik at hinarap niya ako sa kanya.

"Nais ko lang malaman mo Erik na masaya na ako. Masaya ako kasi dumating ka. " Ngumiti siya habang sinasabi niya iyon.

Umiyak ako ulit at niyakap siya.

"Erik-erik. Erik. " - isang tinig ng babae ang aking narinig na siyang dahilan upang magising ako.

Napamulat naman ako at nakita kong si Tita Brenda pala ang gumising sa akin.

Akala ko totoong buhay si Angge. Pero hindi pala.

"Erik, narinig kong minumutawi mo ang pangalan ni Angge. "- nagsalita si Tita habang nakatingin sa kabaong na nasa harapan namin.

Ang kabaong kung nasan si Angge. Pangatlong araw na ngayon ng lamay ni Angge at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.

"Tita, napanaginipan ko po si Angeline. " - humarap ako kay Tita Brenda pagkasabi ko non.

Mapait naman itong ngumiti, halata sa mga mata nito ang lungkot sa pagkawala ni Angge , "Alam mo Erik, when God gave me a daughter, ang saya saya ko. Because He blessed me a loving, caring and precious child at iyon ay si Angeline. Noong pinanganak ko siya, nalaman namin na may komplikasyon siya sa puso. Ginawa namin ang lahat para mapagamot siya, we avoid her from risks that can trigger her condition. Naging maayos naman, pero 2 years ago bigla ulit siyang sinumpong, nahihirapan siyang huminga. When I ask her kung anong nangyare sabi niya naligo siya ng ulan, pinagalitan ko siya kasi bawal siyang makaramdam ng pagod, bawal siyang makaramdam ng sobrang tuwa at bawal siyang makaramdam ng sobrang sakit. " - tumutulo ang luha ni Tita habang sinasabi niya iyon.

Saka ko lang naalala na ang araw na iyon ay kung kailan kami ay naghalikan sa gitna ng ulan.

"Tita I'm very sorry, kung alam ko lang Tita na may sakit siya. Sana di ko na siya pinayagan---" hindi pa ako nakatapos ay agad namang nagsalita si Tita Brenda at hinawakan ang kamay ko.

"No, you don't have to apologize. Sobra mong napasaya ang anak ko. A happiness na pati kami ay hindi namin naibigay sa kanya, kasi mas pinangungunahan kami ng takot. "-agad naman na sabi ni Tita .

"Noong kinunsulta namin si Angge sa isang hospital ang sabi nila lumala na ang kondisyon niya, na ka schedule na rin kung kailan siya papa operahan. Pero tumanggi si Angeline, ang sabi niya pagod na siya. She want us to let her go. Hanggang bumigay na nga ang puso niya. Tuluyan niya na kaming iniwan. "- mas lumakas pa ang mga hikbi ni Tita habang kini-kwento niya iyon.

Hindi ko na rin mapigilan ang luha ko , "Tita bakit hindi niyo ito sinabi sa akin? Bakit itinago niyo po ito sa akin? "

Ngunit sa halip na sagutin ako ay may inabot ito sa akin na parang isang scrapbook, "Habang naglilinis kami ni Yeng sa kwarto ni ANGELINE kahapon, nakita namin iyan. Sa tingin ko para sa iyo yan. "

Tinanggap ko ang scrapbook na ibinibigay ni Tita, at niyakap ako nito.

"Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa anak ko Erik. Maraming salamat. "
.
.
.
4 days after.

"Erik, mauna na kami. Papaiwan ka ba dito? " - boses iyon ni Yeng.

"Sige Yenggay, dito muna ako. Maaga pa naman. " -nakangiting sabi ko.

Umalis naman ito kasama sila Tita Brenda. Sina Mom and Dad ay hindi nakarating dahil nga sa trabaho sa states.

Nailibing na kasi Angeline , alam kong mahirap pero kailangan ko tong tanggapin.

Naka upo ako ngayon sa puntod ng babaeng sobrang mahal ko habang hawak ang isang gitara at scrapbook na ibinibigay ni Tita sakin kamakailan lang.

Simula nang ibinigay ito ni Tita sa akin ay hindi ko pa ito nabuksan at nabasa. I open the first page of the scrapbook at napanganga ako ng makita ko na puro pictures namin ni Angge ang nakalagay doon.

Sa aming dalawa, si Angeline ang may hilig sa pag take ng mga picture, sabi niya kasi pag ang bagay o moments hindi nakukunan ng larawan ay madali itong makalimutan.

I smiled as I remember her. Napahawak din ako sa mga litratong nakadikit sa scrapbook, ang saya namin doon.

Then I open another page, doon ay may isang mahabang letter na halatang si Angeline ang nagsulat.

I sighed heavily before I started to read.

"Ngiti ka na muna bago basahin ah."- napangiti naman ako non, at itinuloy ang pagbabasa.

"Di ko alam Erik, kung ano ang sasabihin ko . Ang dami kong gustong sabihin pero sisimulan ko sa pagpapasalamat. God knows how much grateful I am for having you in my life. Ang daming bagay ang nagawa ko because of you. Kasi simula palang , alam kong hindi normal ang buhay na meron ako. Maraming bawal sa akin, maraming bagay ang gusto kong gawin pero hindi pwede, para akong nakakulong pero wala namang rehas. Not until I met you, i feel so much freedom with you. Kahit na ang daot mo lagi. Nakakapikon ka na minsan, but that side of yours never fails to make me smile. Lagi mo akong pinapatawa, pinapatahan at pinapasaya. Naiinis nga ako sayo kasi bakit ba ang sweet mo ? E wala namang tayo di'ba? Saka ko lang na realized na mahal na pala kita. Eh sino bang hindi mahuhulog sayo? You are the man of my dreams. Kaso nga lang naramdaman ko noon na hindi ako ang gusto mo, selos na selos ako kay Trisha noong nalaman ko na siya ang gusto mo tapos nakita ko pa kayo na nagyakapan pagkatapos ng graduation. Tapos biglang nagsabi ka na ako pala gusto mo at hindi si Trisha, kaso huli na ang lahat. "  - doon ay tumulo ang luha nang muling naalala ko ang mga tagpong iyon.

"Alam ko na marami kang tanong diyan sa isip mo, at sorry kung hindi ko man masagot lahat ng iyan. Sorry kung itinago ko ang lahat sa iyo, I'm too coward to tell you dahil ayokong pati ikaw ay ma apektuhan. Naalala mo dati, noong nagka sprain ako dahil sa isang activity ng PE ay talagang nag quit ka pa sa basketball try out para lang samahan ako. Tas sabi mo na wala kang pake kahit ma disqualified ka pa sa try-out ang importante ay maisigurado mo na maayos ako. Doon na pumasok ang takot ko, kasi alam ko na handa kang mag sakripisyo para sa'kin. Kaya itinago ko ang tungkol sa sakit ko, ayokong umabot sa punto na pati pag aaral mo ay mapabayaan mo nang dahil sa'kin. Lalo na noong sinabi ng doctor na walang kasiguraduhan na mabubuhay ako atsaka napagod din talaga ako Erik. Kaya I'm very sorry, sorry kung naging duwag ako. Sinabihan ko sila Yeng at Mama na wag sabihin sa'yo. Hindi rin totoo na nagkabalikan kami ni Nick, noong araw na sinundo ako ni Nick ay iyon din ang araw na sinabi ko sa kanya na ikaw ang mahal ko. Minsan naiisip ko na siguro hindi talga nakisabay si tadhana sa atin no ? Alam ko na kapag nababasa mo ito ay wala na ako. Pero lagi mong tatandaan na lagi kang andito sa puso ko, sana andiyan rin ako sa puso mo. Hanggang kamatayan ko ay baon ko ang pagmamahal mo. Hanggang sa muli nating pagkikita Erik. "

Doon ay bumuhos na ang luha ko.

"Aaahhhh! " - sigaw na lamang ang tangi kong nagawa upang ilabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nang mailapag ko ang scrapbook ay napansin ko ang isang bagay na kumikinang habang nasisikatan ng araw.

Tinuyo ko na muna ang luha ko at kinuha ang bagay na iyon.

"K-kwintas." - isang kwintas na may pendant na hugis puso.

"Tanda iyan ng pagmamahal ko sa'yo. Hanggang sa susunod ko pang mga buhay, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. "

Yan ang huling letter na nakasulat doon sa scrapbook.

Ang dami kong tanong sa isip ko, bakit ang daya² ng tadhana?

Kung maibabalik ko lang ang mga araw, sana ay sinabi ko agad ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Hanggang sa muli nating pagkikita mahal kong, Angeline. " - sambit ko sa puntod ni Angeline.

---------------

"Lolo, bakit ka po umiiyak? " - pag uusisa naman ng apo kong si Angelique.

Agad ko namang pinunasan ang luha ko. Hanggang ngayon ay nasasaktan parin talaga ako .

"Wala apo, naalala ko lang si Angeline. Akala ko kasi dati hindi na ako muling magmamahal pa, pero dumating kayo sa'kin ng Mama Rosella mo. Kayo ang nagbigay ulit ng pag-asa sa akin. " - i said those lines as i cup my granddaughter's face.

"Po? " - naguguluhan pa nitong tanong.

Alam ko na wala siyang alam sa katotohanan, I Know this is the time to tell her.

"I adopted your Mom. Hindi ako totoong tatay ni Rosella. " - panimula ko.

Narinig ko naman ang paghikbi ni Angelique.

"Ibig pong sabihin, hindi ko po kayo Lolo? "

I caress her back.

"Shshshshhs, hindi ko man tunay na anak si Rosella mahal ko naman siya bilang tunay kong anak. Lalo na ikaw , mahal na mahal ka ng Lolo. " - sabi ko sa apo ko. Then i hug her.

Tumahan naman ito at niyakap ako pabalik.

"Mahal din po kita Lolo. "

"Kaya wag ka nang umiyak, birthday mo pa naman ngayon tapos iiyak iyak ka. " - nagliwanag naman ang mukha nito.

"Naalala mo po Lolo? "

"Syempre, bakit ko naman kakalimutan iyon? " -nakangiting sabi ko.

"Tsaka apo, may ibibigay ako sa'yo. " - ani ko at dinukot ang kwintas mula sa bulsa ko. Nakita ko na nagningning ang mga mata ni Angelique nang makita niya ang bagay na hawak ko.

"Di'ba yan po yong kwintas na bigay ni Lola Angeline sa'yo? " - magiliw na sabi nito.

Tumango naman ako at pinatalikod ko ito.

"Ngayon ibibigay ko iyan sa'yo, pagka ingatan mo iyan apo ha. Happy Birthday. " - at isinuot ko ang kwintas sa kanya.

"Pangako po Lolo. " - sabi niya habang hawak ang pendant ng kwintas.

Bigla namang may kumatok mula sa labas.

"Pa, andito na sila Tita Yeng. " - tinig iyon ni Fred, ang tatay ni Angelique.

"Sige anak, lalabas na kami. "

"Narinig mo iyon, nasa labas na si Rhodney Ace. " - agad na sabi ko kay Angelique.

Mabilis naman itong lumabas sa kwarto ko at tinungo ang sala upang puntahan ang kababata niyang si Rhodney Ace- ang apo nila Yeng.

Napangiti naman ako.

Hindi ko man nakasama si ANGELINE nang matagal, naiparamdam ko naman sa kanya kung gaano ko siya ka mahal. Siguro ganun nga, right love on right person but on a wrong time. Pero wala akong pinagsisihan, umaasa na lamang ako na sa susunod naming mga buhay ay kami parin ang itatadhana.

-----------------

Tapossss naaaa!! 🥺❤️
Gosh. Salamat po sa sumubaybay sa kwento ko na ito. Sana kahit papano ay nagustuhan niyo. HAHA. Alam kong bitin, one shot lang kasi talga to dapat . HAHA 😆

Anyway, sa lahat po ng sumuporta ng storyang ito noong sinusulat ko pa ito sa FB at ngayon na inilipat ko na sa Wattpad, maraming salamat po sa inyo! Kay Janein, kay April, labyuu ghorls and to all of my Angerik moots! 🥺

And to my Mars. Wuvyu! <33

See you on the next Angerik Au! Which is the "Heal With Love". Maybe next week, sisimulan ko na siyang ilipat dito!

Tsaka, chika lang din. Sabi ko kasi dati na may special chapter 'to, kaso tinamad ako. Kaya ayon. Kayo nalang bahala sa love story ni Angelique and Rhodney Ace! HAHAHHAAHAH.

CONTINUE LOVING AE. HAVE A GREAT LIFE! 💚

Continue Reading

You'll Also Like

61K 1.2K 46
*Completed* "Fake it till you make it?" A PR relationship with a heartbroken singer in the midst of a world tour sounds like the last thing Lando Nor...
1.9M 86.2K 194
"Oppa", she called. "Yes, princess", seven voices replied back. It's a book about pure sibling bond. I don't own anything except the storyline.
68.4K 1.6K 30
!Uploads daily! Max starts his first year at college. Everything goes well for him and his friends PJ and Bobby until he meets Bradley Uppercrust the...
1.1M 30.1K 37
After the passing of Abigail Bentley's mother, she is now the only one responsible for her family's well-being. Her father, often too drunk to stand...