'Son-in Law who surpasses the...

By NonockMejino

4.1K 975 68

Biyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang... More

TINITINGALA NG LHAT
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER XXX
CHAPTER XXXI
CHAPTER XXXII
CHAPTER XXXIII
CHAPTER XXXIV
CHAPTER XXXV
CHAPTER XXXVI
CHAPTER XXXVII
CHAPTER XXXVIII
CHAPTER XXXIX
CHAPTER XL
CHAPTER XLI
CHAPTER XLII
CHAPTER XLIII
CHAPTER XLIV
CHAPTER XLV
CHAPTER XLVI
CHAPTER XLVII
CHAPTER XLVIII
CHAPTER XLIX
CHAPTER L
CHAPTER LI
CHAPTER LII
CHAPTER LIII
CHAPTER LIV
CHAPTER LV
CHAPTER LVI
CHAPTER LVII
CHAPTER LVIII
CHAPTER LIX
CHAPTER LX
CHAPTER LXI
CHAPTER LXII
CHAPTER LXIII
CHAPTER LXIV
CHAPTER LXV
CHAPTER LXVI
CHAPTER LXVII

CHAPTER 16

59 14 1
By NonockMejino

KABANATA 16

Pagkatapos ng higit sa kalahating oras, naipakita na ng lahat ang kanilang mga regalo sa matanda. Kahit na hindi mamahalin ang ilan sa mga ito, hindi pa rin naman ito maituturing na mumurahin, dahil hindi bababa sa 200,000 dollars ang halaga ng karamihan sa mga ito.

Maaari nating sabihan na pansin pansin ang regalong ibinigay ni Chloe sa matanda.

Isa itong pares ng jadeite bracelets na mayroong flawless na kalidad. Hindi maipapaliwanag ng kahit na sino kung gaano ito kaganda sa kanilang paningin.

Agad itong nagustuhan ni Grandma Perez habang paulit ulit na binabati matapos makita ang regalo nito sa kaniya. Matapos tanggapin ang jadeite bracelets, sinabi ni Grandma Perez sa lahat na "Siya nga pala, si Chloe ang pinakamatanda sa mga batang miyembro ng Perez Family. Pero wala pa siyang boyfriend kaya kung sinuman sa inyo ang may gustong magpakasal sa kaniya, magsabi lang kayo sa akin. Hindi pa rin siyempre puwede ang matigas ang ulo at suwail sa akin. Sabagay, kung gusto niyo nga naman na maging asawa niya, patunayan niyo na isa kayong husband material para sa kaniya."

Agad na namula ang itsura ni Chloe matapos marinig ang mga sinabi ng matanda. Marami na rin sa mga bisita ang nakakaisip na magpropose sa kaniya.

Maganda si Chloe at mayroon ding mataas na estado sa pamilya Perez. Siguradong nasa level na ng pagkadiyosa ang kaniyang ganda kung ilalarawan ito ng kahit na sino.

Sa mga sandaling ito, nakaupo si Chloe sa tabi ni Nonack dahil nakaayos ang mga upuan para sa birthday party nang naaayon sa katayuang mayroon ang mga Perez sa kanilang pamilya. Siguradong itinuturing nang suwerte nang sinumang makakakita sa kaniya si Nonack matapos mapagitnaan ng dalawang mga  nagagandahang binibini, nakaupo ang asawa niyang si Chen sa kanan habang si Chloe naman ang katabi niya sa kaliwa.

Napatango na lang si Nonack sa kaniyang sarili nang ilabas at ibigay ni Chloe ang bracelet sa matanda kanina.

"Nakuha ng bracelet na ito ang interes ko." Bulong ni Nonack sa kaniyang sarili, "Ito ay ang Ice Green Lao Hang Imperial Jade. Maganda na ito para sa marunong tumingin."

Ice Green Lao Hang Imperial Jade ang pangalan ng isang pambihira at mamahaling jadeite. Natural na pampihikan ang kalidad ng pagkakagawa nito, translucent at napakadulas na texture na napasarap sa pakiramdam sa sandaling hawakan ito ng ating mga balat, at makukuha rin nito ang atensyon ng sinumang makakakita rito. Ang mga bracelet na ito ay mayroon halaga na hindi bababa sa 400,000 dollars sa merkado.

Nakaupo na si Chloe nang marinig niya ang bulong ni Nonack. Agad na kumunot ang kaniyang noo habang napapatingin dito.

Maituturing na nakatayo sa magkabilang dulo ng mundo sina Nonack at Chloe, si Chloe bilang isang natural na diyosa habang si Nonack na isang manugang na nakikitira lamang sa pamilya ng kaniyang napangasawa. Naisip ni Chloe na hindi niya pa ito nakakausap mula noong magpakasal ito kay Chen at maging parte ng pamilya Perez.

Pero hindi na nakapagpigil sa puntong ito si Chloe at mapatanong sa sobrang curiosity na bumabalot sa kaniyang isipan "Alam mo na isa  itong Ice Green Lao Hang Imperial Jade?

Nasurpresa rito si Chloe nang husto. Walang sinuman sa kanilang pamilya maliban kay Nonack ang nakakilala sa pinagmulan ng jadeite bracelets na kaniyang binigay.

Tumango naman si Nonack at nagtanong ng "Magkano mo nabili ang mga bracelet na iyan?"

"Six hundred thousand" sagot ni Chloe.

Iniling naman ni Nonack ang kaniyang ulo at sinabing. "Masyado na itong mahal. Nasa higit 400,000 dollars lang dapat ang presyo niyan sa merkado."

"Bakit?"

Dito na mas tumindi ang curiosity na bumabalot kay Chloe. Ibebenta ng isa sa mga close friend niya ang bracelet na ito sa kaniya at sinabing hindi na nito tutubuan ang presyong inooffer nito sa kaniya.

Mahina namang nagpaliwanag si Nonack, "May ilang mga bagay na dapat tayong malaman sa sandaling tumingin tayo sa isang imperial jade: ito ay ang purity, kulay, texture, at uniformity. Naging mataas ang score ng bracelet na ibinigay mo sa unang tatlong criteria, pero nagkaroon ito ng problema sa naging uniformity nito. Hindi naging pantay ang pagkakadistribute ng kulay nito, kaya maaaring magkaroon lang ito ng market price na nasa 450,000 dollars. Makakakuha ka rin nito sa halagang 400,000 kung kakilala mo ang nag-aalok nito. At kung lumampas na ito sa mga sinabi kong presyo, siguradong kumita nang malaki ang nagbenta nito sa iyo."

Napatitig nang husto si Chloe kay Nonack!

Maging ang isang eksperto ay hindi magsasabi nang ganito kasiguradong mga pahayag!

Isa lang talunan si Nonack sa mata ng lahat, pero alam niya pa rin ang tungkol sa mga ganitong klase ng bagay?

"Ito na po ang aking regalo, Grandma Perez!" Isang binatang nasa early twenties ang pumunta sa gitna.

Ang binatang ito ay ang pinakamatanda sa mga apo ng pamilya White na si Harry White.

Nagulat ang karamihan sa mga bisita nang buksan nito ang dala niyang box ng regalo.

Isa itong cheke!

1,314,520!

Kahit na makikita ang numerong ito sa Chinese Homonym na "I'll love you for the rest of my life" [1], hindi inaasahan ng lahat ang naisip niyang iregalo sa matanda, lalo na't lumalampas na sa isang milyon ang halaga nito!

"Grandma, gusto ko po sanang magpropose kay Chloe ngayong araw. Matagal ko na po siyang gusto." Malinaw na sinabi ni Harry.

Gasp! Agad na napatingin ang lahat sa nakaupong si Chloe!

Sa mga sandaling ito, kasalukuyang siyang nasa gitna ng usapan nila ni Nonack tungkol sa jadeite na kaniyang niregalo habang magkatabi ring nakaupo sa isang table.

Hindi na mapigilan pa ni Harry ang kaniyang sarili. Nagpropose
na siya ng kasal kay Chloe sa harap ng lahat pero hindi pa rin ito tumigil sa pakikipag-usap kay Nonack! Ok lang aa kaniya kung sa ibang tao ito nakikipag-usap, pero nagawang makipag-usap ni Chloe kay Nonack na nakilala sa pagiging talunan!

"Lumayo ka kay Chloe!" Tinuro ng galit na si Harry at sumigaw nang malakas.

Bahagyang napangiti naman dito si Nonack. Pero bago pa man siya makapagsalita, tumayo na si Chloe at sinabing. "Pag-iisipan ko pa po ang proposal na ito, Grandma."

Masyadong marami ang mga bisitang dumalo sa party ni Grandma Perez at hindi rin maaari na tanggihan ni Chloe nang direkta ang proposal ni Harry. Maaaring madiskarte nga ito lalo na sa pagnenegosyo, pero masyado pa rin makitid ang isip nito bukod sa hindi pagiging type ni Chloe.

Agad na naintindihan ng matanda si Chloe at nakangiting sinabi na, "maaari nating pag-usapan ang tungkol sa iyong proposal pagkatapos ng party na ito."

Tumitig nang husto ang mga namumulang mata ni Harry kay Nonack.

Maituturing ni Harry na love at first sight ang kaniyang naramdaman noong una niyang makita si Chloe.

Isang siyang tahimik na uri ng babaeng hindi halos makikitang nakikipag-usap sa mga lalaki. Kaya agad na nakaramdam nang galit si Harry nang makita itong masaya habang kinakausap si Nonack.

"Narito na po si Donald, Grandma!" Sabi ng isa sa mga bisita.

Agad na napatingin ang lahat sa pintuan ng hall.

Suot ng isang suit at may buhok na nakasuklay patalikod, makikita ang punong puno ng enerhiyang si Donald na pumapasok sa hall. Mayroon itong dala na isang mahabang box sa kaniyang kamay habang mabilis na lumalapit sa matanda.

"Donald," nakangiting bati ng matanda.

Mabilis na kumalat ang mga usap-usapan na naghanda si Donald ng isang kamanghamanghang regalo dahil gusto na nitong magpropose kay chen.

Kaya napatitig ang lahat sa box na kanyang dala, kanina pa sila nacucurious sa kung ano ba ang ibibigay nito. sinasabi rin na magugustuhan nang husto ni Grandma Perez ang dadalhin regalo ni Donald, kaya ng tanong ng lahat ay kung ano ba ang regalo niyang ito na nagbigay sa kanya ng matinding confidence na sabihin ito?

Bahagyang yumuko si Donald. Nagmukha itong glamoroso at swabe pero sa totoo lang, nasa dulo na talaga siya ng kaniyang career matapos alisin ng pamilya derby ang lahat ng kanyang negosyo at patalsikin sa hinahawakan niyang kumpanya.

Ginamit niya ang mga natitira niyang pera para bumili ng isang napakagandang suit at umattend sa Birthday party ni Grandma Perez. Walang na siyang inaasahan kundi magtagumpay sa pagkakataong ito.

"Grandma, may gusto po akong sabihin at gusto ko na po sana kayong direktahin tungkol dito."dahan dahang sabi ni Donald. "Noong una pa lang ay nainlove na po ako kay chen, pero nagpakasal ito sa isang talunan! Kahit tatlong taon na silang kasal, itinuturing pa ring biro ng buong Donghai City ang pagsasama nilang dalawa! Sapat na siguro ang lahat ng tiniis ni Chen sa loob ng tatlong taon na ito, hindi ko na rin siya  kayang makita na nahihirapan! Kaya kahit ano pa man ang mangyari ngayon araw, gusto ko sanang malaman ninyo ang aking nararamdaman."

Huminga nang malalim si Donald at sinabing. "Gusto kong pakasalan si Chen!"

Whoa!

Agad na uminit ang usapan ng lahat matapos nilang marinig ang sinabi ni Donald!

Hindi naman siya ganoon kadirekta hindi ba? Hindi man lang siya nagpakita ng kahit kaunting respeto kay Nonack!

Pero bakit nga ba kailangan pang irespeto ang isang basura na kagaya ni Nonack? Hindi naman natatakot dito ang lahat na bastusin siya.

" Nitong mga nakaraang taon, tangin si Chen lang ang naging laman ng isipan ko." Nagpatuloy sa pagsasalita si Donald " nakahanda akong ibigay ang lahat para sa kaniya kahit ang mga 30 million dollars assets na pinaghirapan ko ng maraming taon ay nagawa kong isakripisyo dahil sa walang hanggang pagmamahal ko kay Chen, ibinenta ko ang aking kumpanya para mabilhan siya ng orihinal na Worship of Crystal!"

Ano?!

Agad na napatingin ang lahat sa mga paa ni Chen sa sobrang gulat.

Isang pares ng napakarangya at napakagandang heels ang naging sentro ng atensyon ng lahat sa mga sandaling ito! Nahilo ang lahat sa sobrang ganda at pino ng pagkakagawa rito! Hinding hindi mapapantayan ang ganda ng mga heels na ito na talagang bumabagay sa isang napakaganda babae!

" Ito pala ang Worship of Crystal na nagkakahalaga ng 30 million. Grabe..."

" Oo, at 99 pares lang nito ang ginawa sa buong mundo. Kaya hindi pa rin sapat ang pera para mabili ang mga ito. Kailangan mo rin ng mga kuneksyon."

"Nakakinggit naman! Siguradong susuotin ko hanggang pagtulog ang ganiyan kagandang Worship of Crystal kung mayroon lang ako niyang..."

Hindi na natigil ang kuwentuhan ng mga babae tungkol sa Worship of Crystal. Ang sinumang babae na nagsasabing hindi sila naiinggit ay isang malaking sinungaling!

Sa loob ng isang sandali, kuminang ang mata ng mga kababaihan sa paligid ni Donald habang nakatitig sa kaniya.

Walang tigil namang tumango sina Samantha at Roberto. Masaya kung titingnan ang itsura ng mga ito habang nakatingin kay donald.

Agad namang napasimangot si Nonack. Mayroon bang mali sa Donald na iyan? Masyado nang makapal ang kaniyang mukha para sabihin na siya ang bumili ng mga heels na iyan. Nahihibang ba siya?

Sa puntong ito, muling nagbow si Donald at sinabing." Dahil birthday niyo po ngayong, Grandma, dapat lang na magbigay ako ng magandang regalo sa inyo matapos kong magpropose ng kasal kay chen. Tanggapin niyo po ito!"

Binuksan ni Donald ang dala niyang box habang nagsasalita sa harap ni Grandma!

Wow!

Sa loob ng isang iglap, agad na natigilan ang lahat ng bisita

" Ito... Ito ay ang.."

Natulala ang lahat! Maging ang matanda ay biglang napatayo at napalapit kay Donald!

Makikita ang isang scroll sa loob ng box!

Binuksan ito ni Donald at nagmamlaking sinabi na "Ang scroll na ito ay mula sa Ping'an Tie ni Wang Xizhi. Nabili ko ito sa napakamahal na halaga matapos magmakaawa sa isa sa aking mga kaibigan. Alam kong gusto niyo ng mga antiques, Grandma,kaya scroll na ito ay ang magiging simbolo ng napakataas kong pagtrspeto sa inyo."

Ano?!

Agad na napatayo maging si Nonack sa kaniyang kinauupuan.

Ang Ping'an Tie ni Wang Xizhi?

Ito rin ang Ping'an Tie na niregalo sa kaniya nina Samson noong muli silang magkita kita hindi ba?

Agad na maiisip ng Kahit na sinong makaalam sa totoong background ni Nonack na hindi siya magagawang bigyan ng peke nina Samson, Norman, at iba pang mga taong natulungan niya noon! Kaya kung nasa pag-aari ni Nonack ang orihinal na scroll, ang isang ito ay...

"Ito... Ito ay... hindi naman ako namamalikmata hindi ba?" Nakangangang lumapit ang kinikilalang ama ng pamilya White na si Ricky White!

Bilang kinikilalang ama ng pamilya White maituturing nang maalam si Ricky pagdating sa mga ganitong bagay, kaya natural din na mapakabog ang kaniyang dibdib matapos makita ang scroll na hawak ni Donald! Isa ito sa mga kaligrapiyamg ginawa ni Wang Xizhi na itinuring na Sage ng Kaligrapiya! Kaya ang ganitong klase ng kaniyang gawa ay siguradong magkakaroon ng halaga na hindi bababa sa 20 million dollars!

*****
Time    :    6 : 10 am
Date     :   10 - 06 - 21
Noted   :   Follow & Vote
*****

Continue Reading

You'll Also Like

210K 1.1K 196
Mature content
50.1K 1K 94
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...
56.7K 1.9K 69
I do not own any of the characters. Y/n are a supe. But not a famous one, that didn't work out. Now you are one of the sevens PAs. Maybe, briefly Th...
17.5K 1.5K 35
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.