Dark Dominant: Conquer You

Da ririmuruchan

1.5M 12.7K 2.2K

Dark Romance, Strong Sexual Content Not for kids This story is a sexual fantasy, if its not your type of stor... Altro

01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
34
35
36
37
38
38

31

28.7K 425 289
Da ririmuruchan

Naramdaman ko ang magaang kamay na humahaplos sa aking pisngi. Ang bigat ng mga mata ko at gusto ko pang ituloy ang aking pagtulog ngunit bigla kong naalala ang mga mga nangyari 

Si Jude? Pilit kong iminulat ang aking mga mata at agad kong natagpuan ang pamilyar na pares ng mga mata. Sobrang tagal nang huli ko itong matitigan at pakiramdam ko ngayon ay panatag ako, na may kakilala ako na pwede kong mahingan ng tulong.

"How are you? May masakit pa ba sayo?" sobrang baba ng boses niya at para akong dinuduyan.

Nakatitig lang ako sa kanya at nilibot ang aking tingin sa buong mukha niya. Mula sa bahagyang kulot niyang buhok na palagi kong hinahawakan na ngayon ay medyo may kahabaan na ang kanyang mga mata at matangos na ilong. Hindi ko alam ngunit biglang tumulo ang luha ko nang may ibang imaheng pilit na sumisiksik sa isip ko

"shhhh, please don't cry, I'm already here"

sobrang suyo ng kanyang pagkakasabi at pagpunas sa aking mga luha

"Jude" nanghihinang bulong ko. Nasa harap ko ngayon ang lalaking pinangakuan ko, ang lalaking pinangarap kong makasama hanggang pagtanda.

Kinuha niya ang aking mga kamay at dinala sa labi niya upang hagkan

"Yumi, tahan na hindi na kita hahayaang umalis ulit, if you really want to work it's okay I will support you. Ayoko nang maulit 'to halos mabaliw ako kakahanap sa iyo"

Wala sa sariling tumango ako sa kanya at kinalma ang sarili. Nanatili siya sa aking tabi at hinahaplos ang aking buhok. Naghihintay akong magtanong siya kung anong nangyari sa akin ngunit nanatili siyang tahimik.

"Jude, gusto kong umuwi kila nanay. Pwede mo ba akong matulungan? Pangako babayaran kita agad"

biglang nagbago ang kanyang ekspresyon at nag iwas ng tingin sa akin.

"B-bakit? May nangyari ba sa kanila?" pilit akong umupo upang mas maayos ko siyang makausap

"Kumain ka muna-"

"Sagutin mo ako, may nangyari ba sa kanila?" natatarantang putol ko sa kanya. Ang tagal na ng huling makausap ko sila noong nagkasakit si nanay. Si Lauro? May alam ba si Lauro?

Muling nanikip ang dibdib ko ng maalala si Lauro.

"Kumain ka muna, sasagutin ko ang lahat ng tanong mo kapag nakakain ka na" seryoso at pinal na sabi ni Jude sa akin.

Inalalayan niya akong pumunta sa kusina at biglang kumalam ang aking sikmura nang makita ang mga pagkain doon. Pinaghila ako nito ng upuan at nilagyan ng mga pagkain ang aking plato.

Nangasim lalo ang aking sikmura nang maamoy ang beef steak na nasa harap ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng tiyan at gusto kong sumuka kaya agad akong tumayo at tumakbo sa lababo upang sumuka ngunit hindi ko magawa

Agad kong naramdaman ang paghaplos ni Jude sa aking likod at pagsikop nito sa aking buhok

"Anong nangyayare? Mayumi?" nalilitong tanong ni Jude at di malaman kung anong uunahing gawin.

Yumuko ako sa lababo dahil sa sobrang panghihina

"Dadalhin kita sa ospital" pilit akong inaalalayan ni Jude ngunit hindi ako gumalaw. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga posibilidad na pumapasok sa isip ko.

"H-hindi na, nalipasan lang ako ng gutom"

"No. Pupunta tayong ospital para makasigurado, namumutla ka!"

Ayoko. Natatakot ako.

"Hindi ako nakakain kagabi kaya ganito magiging ayos din ako" 

Tumitig pa ito ng matagal sa akin bago tumango

"Pag hindi pa naging mabuti ang lagay mo dadalhin na talaga kita sa ospital" tumango ako sa kanyang sinabi at bumalik sa aking upuan. Pinilit kong kumain at iniwasan ang beef steak upang hindi na maulit ang naramdaman ko kanina.

Habang kumakain ako ay mayroong nag doorbell na agad pinuntahan ni Jude


"I ask someone to buy you clothes, pagkatapos mong kumain you can use the bathroom, I will wait for you in the sala"

binilisan ko ang aking kilos at agad na nagtungo sa banyo. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Maputla ang aking mukha at gulo gulo ang aking buhok. Muli kong naalala ang babaeng humagkan kay Lauro kagabi sa party.

Nanubig ang aking mata nang muli kong ikumpara ang sarili sa kagaya niyang mas mataas sa akin. Hindi na ako magugulat kung hindi ako hahanapin ni Lauro, mas nakakapag isip ako ngayong wala siya sa tabi ko at ayaw ko na din siyang makita pa. Gusto ko nalang umuwi sa pamilya ko at mamuhay ng tahimik sa probinsya.

Naligo na ako at nagbihis. Isang maong na pantalon at puting v-neck blouse ang suot ko. Itinaas ko ang manggas ng kaunti dahil lumalabas ang aking cleavage. Nang matapos mag ayos ay agad akong lumabas upang puntahan si Jude 

Nakita ko siyang nakaupo sa sala at tila may malalim na iniisip. Saglit ko siyang tinitigan bago nagpasyang lumapit sa kanya. Umupo ako sa harap niya at agad siyang tumingala at binigyan ako ng tipid na ngiti


"I miss you"

hindi ko inaasahan iyon, tila ba nagkaroon ng bara ang aking lalamunan at nahirapan akong magsalita. Malamlam ang kanyang maamong mata habang nakatingin sa akin nakaramdam ako ng kakaibang sakit at... pagkamuhi para sa aking sarili

"don't mind me, I just can't believe that you're here" 

hinilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha at huminga ng malalim

"Jude"

"It's okay"

nanubig ang aking mga mata kaya't ilang beses akong pumikit upang pigilan iyon. 

"Hinahanap kita dahil sa pamilya mo"

"Ano bang nangyare? pakiusap sabihin mo sa'kin" 

"Umalis na sila 'Yumi, Hindi ko alam kung bakit pero noong tinanong ko si Nanay ay lilipat na daw sila ng lugar"

Sobrang nabigla ako sa sinabi niya. Paanong aalis sila nanay? Iniwan nila ako?

"Tinanong ko kung pupuntahan ka nila dito sa Manila pero hindi nila ako sinasagot"

"H-hindi ko alam!" nagumpisang tumulo ang mga luha ko at hindi ko mapigilang humagulgol lumapit sa akin si Jude at niyakap ako

"U-uuwe ako! Jude tulungan mo a-ako, uuwi ako" humahagulgol kong sabi sa kanya kumapit ako sa kanyang damit upang mas makuha pa ang atensyon niya. Gusto kong umuwi, gusto kong kumpirmahin sa sarili ko kung totoong iniwan ako ng pamilya ko. Alam ko sa sarili kong hindi nila magagawa iyon.

Sinakop niya ng dalawang kamay ang aking mukha at pinaharap ako sa kanya

"Uuwi tayo, sasamahan kita sabay natin silang hahanapin"

paulit ulit akong tumango sa kanya habang tumutulo pa din ang aking mga luha. Punong puno ng problema ang isip ko at parang kahit anong oras ay bibigay na ako sa sobrang bigat nito. Pero kailangan kong maging malakas. Kailangan kong makita ang pamilya ko.


Hawak ang aking kamay ay sabay kaming lumabas ni Jude ng hotel. Inaalalayan niya ako hanggang sa makarating kami ng parking lot. Sa sobrang pag aalala ko sa aking pamilya ay hindi ko napipigilan ang pagtulo ng aking luha. Nasa harap na kami ng kanyang sasakyan ngunit tumigil siya at hinarap ako. Muli niyang kinulong ang aking mukha sa kanyang mga palad.

"I promise you, we will find them. Trust me 'Yumi" wala na akong mahihingan pa ng tulong at nagpapasalamat ako at nandito siya. Pumikit ako ng maramdaman ko ang kanyang labi sa aking noo. 


Ngunit ganon nalang ang pagsinghap ko ng makarinig ng malalakas na busina galing sa tatlong sasakyan. Bigla akong binundol ng kaba nang mabilis itong tumigil sa harap namin at lumabas ang pinaka huling taong gusto kong makita ngayon

"F*cking son of a b*tch!" 

Mabilis ang mga hakbang ni Lauro papalapit at para akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng mabilis nitong hinigit si Jude palayo sa akin dahilan upang matumba ito. Mabilis itong inundayan ni Lauro ng paulit ulit na suntok na siyang kinasigaw ko

"Wag! T-tama na!" hindi ko malaman kung paano ko siya aawatin

"Lauro!" tumakbo ako palapit sa kanila ngunit may tatlong lalaking humarang sa akin. Umiiyak ko silang tinulak ngunit nanatili silang nakatayo sa harapan ko

"Lauro pakiusap itigil mo na yan! Lauro!" sigaw ko sa kanya at walang impit ang pagtulo ng aking luha. Kitang kita ko ang paulit ulit na pagsuntok ni Lauro kay Jude at ang dugong dumadaloy sa mukha nito. Hindi ko alam kung paano ako nakalusot sa malalaking lalaking nakaharang sa akin. Agad akong tumakbo upang puntahan si Lauro niyakap ko ang kanyang bewang at hinawakan ang kanyang kamao na akmang isusuntok muli kay Jude

"L-lauro" 

Wala akong magawa. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakayapos sa bewang niya upang pigilan siya

"T-tama na mapapatay mo si Jude. Tama na p-pakiusap"

Tumayo siya ng tuwid at marahas na hinaklit ang braso kong nakayapos sa kanya. Humarap siya sa akin at parang gusto kong mahimatay sa takot.

Sobrang iba ang ekspresyong ibinibigay niya sa akin. Namumula ang kanyang mga mata sa sobrang galit at paulit ulit na umiigting ang kanyang panga sa sobrang pagpipigil

"That trash is Jude?"

Gamit ang aking isang kamay ay tinakpan ko ang aking mukha. Hindi ko na kaya. Sobra na ang lahat ng ito

"You better answer me right now or i swear to you Mayumi I'm gonna kill him in front of you!"

"O-oo siya si Jude! Siya ang kaibigan ko sa probinsya! pakiusap Lauro d-dalhin natin siya sa ospital"

"Friend huh" hinila ako nito papunta sa kanyang kotse at pilit akong pinapasakay

"A-ayoko. Pakawalan mo na ako Lauro" umiiyak kong sabi sa kanya ngunit parang wala siyang naririnig. Hinuli nito ang aking mga braso at napunta sa kanya ang aking tingin. Lumalabas ang ugat sa gilid ng kanyang noo at leeg.

"I'm so mad I want to kill that bastard. If you don't want me to kill him get in the car." Tinulak niya ako papasok ng sasakyan. Nilingon ko si Jude at nakita kong sinipa ito ng isang lalaking kasama ni Lauro


"Take care of that trash" sabi ni Lauro at sinara ang pinto ng sasakyan.


Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...