32

17.7K 243 34
                                    


Humawak ako ng mahigpit sa gilid ng aking upuan. Sobrang bilis ng pagmamaneho ni Lauro at hindi ko magawang magsalita upang patigilin siya. Sa gitna ng takot ay sinulyapan ko ang kanyang itsura, mahigpit ang kapit ng kanyang dalawang kamay sa manibela at tila doon binubuhos ang kanyang galit. 

Hindi ko napigilan ang isang hikbi dahil sa maaring mangyari pagdating namin sa kanyang tirahan.

Tinapunan niya ako ng malamig na tingin, nangingitim ang paligid ng kanyang mga mata na tila pagod na pagod ngunit bakas ang matinding galit doon.

Napaigtad ako ng malakas nitong suntukin ang manibela

"damn it" 

mahinang ani niya at naramdaman kong bumagal ang takbo ng kanyang sasakyan. Niyakap ko ang aking sarili at pumikit. Iniisip ko kung ano ang nangyare kay Jude at kung dinala ba siya sa ospital ng mga kasama ni Lauro.

Sobrang naguguluhan na ako sa lahat ng nangyayari sa akin at gusto ko nalang mapag isa. Naramdaman ko ang pagbagal ng takbo ng sasakyan kaya unti-unti akong dumilat at nilingon si Lauro

Diretso lang ang tingin niya sa daan at tila nag-iisip. Wala sa sarili akong napahawak sa aking tiyan. Alam ko, malakas ang kutob ko na mayroon kaming nabuo ni Lauro. Kinagat ko ang aking daliri nang maramdaman ko ang pag init ng aking mga mata.

Natanaw ko ang pamilyar na bahay na pinagdalhan niya sa akin noon. Di nagtagal ay tumigil ang sasakyan. Tahimik na lumabas si Lauro at umikot upang pagbuksan ako ng pintuan. Mabilis ang ginawa niyang paghawak sa aking kamay at hinila ako papasok, nagtataka kong inilibot ang aking mata dahil sa mga naka unipormeng lalaki na naglilibot sa paligid ng bahay

Diretso ang lakad ni Lauro at dinala niya ako sa loob ng kwarto.

"Take a bath and change you clothes Mayumi" Matalim na sabi niya sa akin at mabilis akong tinalikuran

Nagulat ako sa kanyang inakto at 'di ko inaasahang iiwan niya ako dito at hindi paparusahan. Naligo ako ulit at nagpalit ng damit, bumabagsak ang talukap ng aking mata at sobrang antok ang nararamdaman ko nahiga ako sa kama at dinala ng antok.




HINDI pamilyar ang paligid na bumungad sa akin kaya agad akong umupo. Napahawak ako sa aking ulo nang maalala kung nasaan ako, tumingin ako sa paligid upang hanapin si Lauro ngunit wala siya.

Napailing ako sa aking sarili, bakit niya pa ba ako kinuha kay Jude? Paano ang kasintahan niya? Gusto niya ba akong gamitin kahit na mayroon siyang kasintahan? Parang sasabog ang dibdib ko sa mga naiisip kong dahilan niya

Masakit. Paano kung mayroon talaga akong dinadala? Ayokong isilang siya na ganto lang ako, na ang cheap cheap ng mama niya sa mata ng mga tao. Diniin ko ang aking palad sa mga mata ko nang maramdaman ang paghapdi nito.

Bumukas ang pintuan at agad akong napatingala dahil sa gulat. Nagtama ang mata namin ni Lauro, ilang segundo siyang natigilan nang makita ako at agad naging blangko ang mukha. Umiwas siya ng tingin at nakita kong pinadaan niya ang kanyang dila sa loob ng kayang pisngi na tila nagtitimpi lang. Agad kong pinunasan ang aking luha. Galit siya? hindi ba dapat ako ang mas magalit sa aming dalawa?

"Namimiss mo na ang lalaki mo?" 

muli akong tumingala sa kanya, naglalakad siya palapit sa akin dala ang isang tray na may lamang pagkain.

"Lalaki? Sa pagkakaalam ko ikaw ang may ibang kasintahan sa ating dalawa?" 

Matalim siyang tumingin sa akin at nilapag sa harap ko ang tray

Dark Dominant: Conquer YouWhere stories live. Discover now