Bawat Daan (Puhon Series #1)

By pawsbypages

4.1K 500 52

PUHON SERIES #1. Celestine Lim never wanted to be in a long-term relationship during her college years, not u... More

Bawat Daan
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue
Love, Bri
Special Chapter

Chapter Eight

74 13 4
By pawsbypages

#BD8 — UST

Nagising na lang ako bigla sa alarm ng phone ko. Wala na naman siguro sa dalawang oras ang tulog ko. Ano pa nga ba ang bago dun, Celestine Anastasia?

Just like my normal routine sa states pag walang gumigising sa'kin, nag c-check muna ako ng notifications sa phone, minsan napapatambay rin sa TikTok kakanood ng mga mag jowang naglalandian.

Hindi ako bitter. Sadyang nakakadiri lang talaga minsan 'yung mga napapanood ko. Hindi ko kailangan ng jowa sa life ko. Hindi talaga.

"Putek na 'yan! Ang haharot! Aral muna, oy!" Patuloy lang ako sa pag s-scroll sa TikTok habang 'di pa naman 7:30 am ng umaga.

Hindi ko pala kasi naayos iyung clock ng phone ko kaya 'yung alarm ko naka 6:00 am pa rin. Napa-aga tuloy ang gising ko.

'Astrid Collins added you and 5 others to a group'

Seryoso pala talaga siya sa sinabi niyang gagawa siya ng groupchat. She's pretty, lalo na sa profile picture niya na parang kuha sa beach habang nagtatali siya ng buhok.

Bible Study
Active Now

Astrid:
Y'all awake na ba? Can't sleep eh

Fourthsky:
Di na 'ko nakatulog bobo ni Kazu
Coffee pa kasi bro

Typing...

Astrid:
What now, Kaz? Pa seen-seen na lang?

Kazuo:
Hindi ko kasalanan na umorder kayo ng kape.

Celestine:
Fourth wag ka iiyak ha

Seen by Fourthsky, Astrid, Kazuo

Fourthsky:
Akala ko we're friends na, Cel!
Sa'kin ka kumampi bibigyan kita papichulo lasallian pa

Celestine:
'YAN ANG GUSTO KO HAHAHGSAHA

Audrey:
Tf? What kind of gc name is that?
Fourth's the one who did that no? 🤨

Fourthsky:
Luh pag kagaguhan ako agad?
Si Astrid 'yan 'no! 😡

Astrid:
Paxenxia na p,,

Seen by Fourthsky, Astrid, Audrey, Kazuo

Inayos ko na ang pinag-higaan ko habang nag babardagulan pa silang tatlo sa groupchat. Kailangan ko na rin maligo at mag ayos pero mas okay siguro kung mag hahanap muna ako ng masusuot para 'di na 'ko mamoblema mamaya.

Pinulot ko na lang ang high-waist mom jeans at square neck crop top ko na color white sa closet ko at dumiretso na sa shower. Hindi ako sigurado kung handa na ba talaga ako maging first year nursing student sa yellow school. Bali-balita kasi na grabe raw mag bigay ng school works doon at grabe raw ang workload.

Sa loob ng 19 years, ngayon lang kami magkakahiwalay ni Audrey at Drake ng school. Wala namang kaso sa 'kin 'yun dahil madali lang naman sa 'kin ang makipag-kaibigan, ang inaalala ko lang ay si Audrey.

She's friendly, yes, that's true. But with that resting bitch face of her, baka isipin ng mga tao doon ay bitchy rin ang ugali niya. Well, Audrey's bitchy naman talaga but with her close friends lang, specifically, me.

I applied light makeup lang dahil sa school lang rin naman ang punta—hindi party. After applying my makeup, I straightened my hair, and of course, accessories. We can't forget about accessories, isa 'yun sa mga magpapaganda ng outfit.

"Hindi pa pasukan, Celestine Anastasia, kalmahan mo," sambit ko sa harapan ng salamin.

'Fourthsky Ramirez to Bible Study: omw kila drake'

Sasama pala sila? Akala ko kasi kami-kami lang nila Audrey at Kuya dahil late enrolee kaming tatlo. That's fine though, they could help us na rin siguro lalo na't hindi pa namin masyado kabisado ang pasikotsikot sa university.

Pababa pa lang ako ng hagdanan rinig ko na ang hagikgik ni Drake. Nandito na si Kazuo? Aga naman nito.

"Good Morning," nakangiting bati ko sa kanila.

Inangat nila pareho ang kanilang ulo para tignan ako, and they both gave me a half smile.

"Morning. Breakfast?" Kuya Drake asked.

"Intayin na natin sila. On the way na raw si Fourth," I replied.

"You're text mates now, huh?" His jaw tightened that made his perfect jawline visible.

"No, Kuya. We have a group chat kasi 'no, check mo kasi," I complained habang nagsasalin ng tubig sa baso. "Si Kazuo nga nakapagreply pa."

Kinuha rin ni Drake ang phone niya sa kanyang bulsa, siguro ay nagtataka na ito dahil sa nabanggit ko na group chat. Habang abala si Drake sa pag kalikot ng phone niya, si Kazuo naman ay dahan-dahang naglalakad papalapit sa'kin.

Why the hell are you walking towards me, Kazuo?

Kumunot ang noo ko nang tumigil siya sa harap ko. "Uhm?"

"Excuse me, kukuha ako ng tubig," aniya.

"A-ah, s-sorry naka-harang pala ako," nauutal kong sabi dito habang nilalapag na ang basong ininuman ko sa counter table.

Kukuha lang pala ng tubig, e! Ano ka ba naman Celestine Anastasia Lim! Nakakahiya, jusko, bakit naman kasi sa harap ko pa tumigil? Pwede namang sa medyo may kalayuan siya tumigil o ipatawag na lang niya si Nanay Marie para humingi ng tubig o pwede rin namang sa 'kin na lang niya i-utos.

Kinagat ko na lang ang labi ko sa kahihiyan at nag martsa na paalis sa may refregirator.

"Celestine," mahinang tawag ni Kazuo sa pangalan ko.

Nilingon ko ito habang kagat-kagat pa rin ang ibabang labi ko. "Hmm?"

"Samahan na kita sa UST. Hindi mo pa alam ang pasikot-sikot doon. Mahirap na, baka ano na naman ang mangyari."

"Ah, wag na. Baka sabunutan pa 'ko bigla ng mga nagkakagusto sa'yo do'n; dumami pa bigla haters ko," natatawang sabi ko.

Totoo naman kasi na kagwapuhan talaga 'tong si Kazuo Takeshi. Lalo na't may halong lahi ito. Singkit ang mga mata, matulis ang ilong, grabe rin ang panga niya kaso mas grabe ang panga ni kuya, at maputi rin siya. Mas maputi pa nga ata siya kumpara sa kutis ko.

Bagay na bagay sa kanya ang one sided haircut niya, as I've said, mukhang bad boy. His black round neck shirt fitted his body so well, hindi ako sigurado kung nag w-workout ba 'to pero dahil sa laki ng mga muscles niya? I can conclude that he is really working the shit out of his body.

"Bro!" Umalingawngaw ang boses ni Fourthsky na kakadating lang siguro.

Sinalubong ito ni Drake at iginapang pa ang kaniyang kamay sa baywang ni Astrid. Si Audrey na lang ang kulang at pwede na kaming kumain para makatulak na rin agad.

"Celestine," mahinang sambit ni Kazuo.

Shit!

Kausap ko nga pala si Kazuo!

Lumilipad nanaman ang isip mo, Celestine Anastasia.

"Sasamahan na kita mamaya at baka maligaw ka pa. Besides, ibang way din naman sila Drake at Audrey." He shrugged.

"Ah..."

"Astrid will go with Audrey sa Ateneo tutal tapos naman na kami sa lahat. Si Fourth sasamahan Kuya mo sa La Salle, may kukunin rin daw kasi si Fourth sa kaibigan niya, and you, you'll go with me," he demanded.

"Okay then," maikling sabi ko at naglakad na papunta sa lamesa kung saan naghihintay na pala ang aming mga kaibigan.

Matalim ang titig ni Audrey sa 'kin habang umiinom ng tubig. Si Astrid naman ay abala sa pakikipagharutan kay kuya, at si Fourthsky naman ay abala sa kanyang phone.

"Let's eat!" Umupo ako sa tabing upuan ni Audrey sa kanan niya at si Kazuo naman ang nasa kanan ko.

Tahimik lang kaming kumain, medyo nag madali na rin kami dahil iba daw ang traffic sa Manila. Nagtoothbrush muna ako sa kwarto ko nang mabilisan bago tuluyang umalis kasama si Kazuo.

"Audrey, I'll ask Mang Kulas to drop you off. Use my car, I'll go with Fourth," ma-awtoridad na sabi ni Drake sa kapatid niyang si Audrey.

Heto na naman tayo, kaming dalawa na naman uli ang magkasama sa iisang kotse. Pakiramdam ko ay sinisilaban na naman ako ng apoy sa sobrang init dito. Kung 'di ba naman kasi kami naghiwahiwalay ng university edi sana 'di si Kazuo ang kasama ko ngayon.

"Mainit ba?" He asked while his eyes are still focused on the road.

"Medyo pero okay lang naman. Naninibago lang siguro sa panahon dito," sagot ko.

"2 weeks ka na rito, naninibago ka pa rin? Lakasan ko na lang," aniya habang kinakalikot ang aircon ng kotse niya.

Nakakabingi ang katahimikan kaya agad ko na itong pinutol dahil umiinit lang lalo ang hangin sa loob ng kotse kung parehas lang kaming walang imik.

"I heard may hinihintay ka raw sa airport nung sinundo niyo kami. Girlfriend mo?" Diretsong tanong ko.

Umigting ang panga niya at nilingon ako nang mabilisan. "Walang kami."

Halatang nabigla siya sa tanong ko kaya naman kinagat ko na lang uli ang ibabang labi ko dahil sa takot na baka magalit siya sa'kin. Wala na naman kasing preno ang bibig ko, ipapahamak talaga ako nito, e.

"She left without even giving me her sweetest yes." A corner of his mouth lifted.

Parang kinurot ang dibdib ko sa sinabi niya kahit happy crush lang naman 'to. The way he said that word sweetest, halatang he's too whipped with that anonymous girl. She's lucky for having a man like Kazuo chasing after her. Damn.

Nawa'y lahat.

"Hindi ka pa sinasagot, umalis na? Anong katangahan naman ang ginawa mo?" Natatawang tanong ko.

Umiling lang siya habang nakangisi. Hindi ko alam saan ko nakuha ang kapal ng mukha ko para bitawan ang mga salitang 'yon. Dalawang linggo pa lang kaming magkakilala nito, baka isipin, e, feeling close ako masyado.

Ilang sandali lang rin ay nakita ko na ang isa sa pinaka-kilalang university sa bansang 'to.

University of Santo Tomas

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Kazuo. Ang ilang estudyante dito ay nakatingin pa sa'min, 'yung iba naman ay abala sa kani-kanilang buhay.

"I told you. Madaming magagalit pag nakita nilang kasama ko ang the one and only Kazuo Takeshi sa university na 'to," mapait na sabi ko.

"Hindi lahat ng tao rito kilala ako, Celestine," he answered straightforwardly without even stuttering.

Nagkibit-balikat na lang ako at sinundan na siyang maglakad. Ang laki ng university na 'to compared to my old school back in the states. Sa tingin ko, kung hindi ko sasabayan ang lakad ni Kazuo, e, maliligaw talaga ako dito. Ni hindi ko nga maalala kung saan niya ko dinadaan at kung ano ang tawag sa dinadaanan namin sa sobrang tahimik niya.

"This is the Plaza Mayor, future thomasian," nakangising sabi niya.

"Hala! Ayan 'yung nakikita ko sa instagram posts!" I giggled while pointing out the bold 'UST' letters sa gilid ng Plaza Mayor.

"Gusto mo bang mag picture? Kuhanan kita?" He asked.

Gustuhin ko man, Kazuo, nahihiya pa rin ako. Kung hindi siguro kita happy crush baka ayain pa kitang tayong dalawa ang mag picture dun. Kapal ko 'no?

"Wag na. Nakakahiya sa mga tao," nahihiyang pagtanggi ko.

"Tss. Tara na para maipasa mo na lahat ng kulang mo," aniya.

Konti lang rin naman ang kailangan kong ipasa dito dahil inasikaso na 'to ni Mommy at Tito Jake bago kami umuwi. Halos si Kazuo na rin nga ang nakipagusap sa registrar para sa'kin. Nakakatakot kasi ang itsura nung isa, parang mangangain ng tao. Sumakto naman na mabilis kausap si Kazuo at napapayag ko ito na siya na lang mag salita para sa'kin dahil halatang nagwagwapuhan rin sa kanya ang registrar kaya 'di niya ito tinatarayan.

Matapos ang ilang pagpasa ng requirements, mga photocopy ng files at kung ano-ano pa, hinigit na ni Kazuo ang palapulsuhan ko para bumalik sa 'UST' bold letters sa may Plaza Mayor.

"Hoy! Kazuo! Ano ba! Wag na nga kasi nakakahiya!" Reklamo ko dito habang pilit na binabawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Stop it, Celestine, masasaktan ka lang!" Iritadong sagot nito.

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng dumadaan at nakatambay malapit dito. Gusto ko na lang mag palamon sa lupa dahil sa kahihiyan. 'Yung iba nga ay nagbubulungan pa! Ikaw ba naman kasi higitin ng isang Kazuo Takeshi 2nd-year Architecture student na drummer ng banda at mukhang bad boy!

"Kazu, nakakahiya gago ka! Sasapakin talaga kita mamaya humanda ka!" Pagbabanta ko sa kanya.

Hinayaan ko na lang siyang hatakin ako dahil baka ano pa ang isipin ng mga tao kung magpupumiglas ako ulit. Habang naglalakad kami ay may lumapit sa kanyang lalaki, hindi gaano katangkaran o sadyang matangkad lang talaga si Kazuo at mukhang tropa niya rin ito.

"Takeshi! Enrolled ka na ha? Ba't ka andito? May kulang kang requirements?" Nagtatakang tanong ng kaniyang kaibigan habang dahan-dahan binababa ang tingin niya sa kamay kong hawak pa rin ni Kazu.

"Sinamahan ko lang kaibigan ko," he answered, kinamayan niya ang kaibigan niya.

"Uh, hi sa 'yo friend ni Takeshi," natatawang sabi nito at gumawa pa ng quotation mark sa hangin gamit ang kaniyang daliri habang sinasabi ang salitang 'friend'.

"Hi," tipid kong sabi habang nakangiti.

"Daniel Fronz Montefiore. Fronz for short," pag papakilala niya sa'kin. Inilahad niya rin ang kaniyang kamay na agad ko rin namang tinanggap.

"Celestine Lim," I answered.

Agad ko rin namang binawi ang kamay ko dahil humigpit lalo ang hawak ni Kazuo sa palapulsuhan ko. Nilingon ko ito at ang bumungad sa'kin ay ang kanyang panga na umiigting na naman.

"P're, nakita mo na ba siya? Nakasalubong ko kanina, e. College of Tourism and Hospitality Management daw sabi nila Andrew." Inakbayan ni Fronz si Kazuo. "Major in Culinary Entrepreneurship pa nga daw, e! Nagbabalik ang Chef mo, p're!" Bahagyang tinapik ni Fronz ang balikat ni Kazuo na matalim lang nakatingin sa sahig.

"She's a thomasian din pala?" Nagtatakang tanong ko.

"Half-half. Incoming thomasian lang, umuwi 'yun ng Japan, e. Nagbalik lang siguro para rito mag college," Fronz answered.

"Bakit ang daldal mo, p're?" Tanong ni Kazuo kay Fronz na halatang naiinis na. "Una na kami, p-picturan ko pa si Celestine doon," dagdag niya.

"Ako na ang kukuha para sa inyo! Nahiya ka pa, tol!" Nakangising alok nito.

Hindi na lang ako umimik at hinayaan ko pa rin siyang higitin ang kamay ko. Ayaw ko ng dagdagan ang init ng ulo ni Kasuo, lalo na't bumalik na pala 'yung 'chef' niya. Buhay nga naman, minsan na lang mag ka-happy crush, e. Nevermind, maikli ang buhay, madami pa'ng iba jan.

Thank you, Next.

"Uy, si Kazuo Takeshi 'yan diba?"

"Hala oo nga 'yan 'yung drummer ng The Unknown!"

"May girlfriend pala siya..."

Habang kinukuhaan kami ni Fronz ng litrato, rinig ko na ang bulungan ng mga babaeng nakatingin sa'min. Sa totoo lang, kay Kazuo lang naman sila nakatingin. At sigurado akong pinapatay na nila ako sa isipan nila.

"Tara na, pinagkamalan pa akong jowa mo. Yari tayo sa chef mo," kabadong sabi ko.

"Chill, Celestine," kalmadong sabi nito at tinuloy lang ang pag papagwapo sa litrato habang kinukuhaan pa rin kami ni Fronz.

"T-thank you, Fronz! Una na kami may practice pa kasi sa banda mamaya." Agad kong binaba ang braso ni Kazuo na naka-akbay sa 'king balikat.

Mamayang hapon pa naman talaga ang practice ng banda, gusto ko lang talaga umalis na sa Plaza Mayor dahil marami na ang nakatingin. Pakiramdam ko ay may hahablot na lang bigla sa buhok ko dahil akala nila girlfriend ako ng isang Kazuo Takeshi.

Sinapak ko na agad ang braso niya pagkasakay pa lang niya sa driver's seat. "Tarantado ka, Takeshi! Paano na 'ko papasok niyan! Baka mamaya hablutin na lang nila bigla ang buhok ko!"

Humagikgik ito kaya naman lalo lang akong nairita. Pinasadahan niya ng kamay ang kaniyang buhok bago binuksan ang makina ng kanyang kotse. Sumulyap ito sa'kin ng nakangisi.

"Gwapo mo na sana, e, hinayupak ka nga lang." Umirap ako sa kawalan dahil sa inis.

"Sungit," maikling sabi nito habang iniikot ang manibela gamit ang isang kamay.

Heto nanaman tayo sa pagikot ng manibela gamit ang isang kamay, lakas talaga ng tama ko sa mga taong gumagawa no'n. Pinagmasdan ko lang ang mga gusali habang tahimik siyang nag mamaneho. Wala akong balak makipagusap sa kanya ngayon, hindi ko alam anong klaseng demonyo ang sumapi sa kanya para gawin iyon!

Sigurado akong mas dumami na ang bilang ng mga babaeng gusto ako patayin. Noong sa states pa nga lang, e, parang kasalanan ko pa na childhood friend ko si Drake. Kasalanan ko bang magkaibigan na talaga ang mga magulang namin noon pa lang kaya pati ang mga anak nila ay magkakaibigan rin?

"Ano sa'yo?" Tanong ni Kazuo pero ang tingin niya ay nasa menu lang sa drive thru ng Starbucks.

"Cold brew coffee with milk. Thank you," walang emosyong sagot ko.

Sinulyapan niya uli ako pagkatapos sabihin sa staff ang order namin. "Galit ka ba?"

Inirapan ko lang ito at binalik na ulit ang tingin sa bintana kung saan nagpapaunahan ang mga butil ng ulan sa pagbaba sa salamin. Inabutan na kasi kami ng ulan sa daan, buti na lang hindi ako nagcommute dahil mabilis daw tumaas ang tubig dito.

Inabot niya sa 'kin ang order ko ng walang sinasabi. Agad niya rin namang inilagay sa drink holder ng sasakyan ang kaniya para makapag maneho na paalis. Nakakabingi nanaman ang katihimikan, ang malala pa roon ay matagal pa ang biyahe papunta sa bahay nila Kazuo. Ilang beses ko rin siyang nahuling sumusulyap sa 'kin pero iniirapan ko lang 'to.

"Maaga pa naman, Kazu, hanapin muna natin kaya 'yung chef mo?" Diretsong tanong ko.

Ano na naman kaya ang pumasok sa kokote ko at naisipan kong gawin iyon. Hindi ako martyr, jusko! It's just pure curiosity. Gusto ko lang malaman kung sino at kung ano ang itsura. Baka nga matulungan ko pa sila mag comeback, e, malay nila diba?

Pinaglaruan ko na lang ang mga daliri ko, kinakabahan ako, baka mamaya pababain na lang ako bigla ni Kazuo rito sa kalsada dahil wala na namang preno ang bunganga ko.

Lumunok ito at itinigil ang kotse sa gilid ng kalsada. Tinanggal niya ang kanyang seatbelt at saka ako hinarap, his eyes turned a shade darker while the he's licking his lower lip.

"Alam mo bang maliban sa kanya, ikaw lang ang may lakas ng loob kausapin ako ng ganiyan? May lakas ng loob sapakin ako at magalit sa'kin?" He questioned me without breaking our eye contact.

Umiikot na naman ang sikmura ko pero hindi ako pwedeng mag pahalata na naiilang ako sa kanya. Sa kapal ng mukha nito, baka isipin niyang gusto ko siya. His eyes... damn hindi ito kasing pungay ng mata ni Drake dahil singkit si Kazuo pero halatang kaya niyang kumuha ng sampung babae sa titig lang niya.

Hindi ako isa dun, manalangin tayo.

Hindi ka kasama dun, self.

"Bakit? Ano bang mayro'n sa 'yo na dapat katakutan ng mga babae kaya 'di ka nila makausap ng ganito?" Matapang na tanong ko.

His jaw dropped. "Tss."

Inabot niya ang kaniyang phone at nagtipa ng password nito bago ipakita sa 'kin ang isang litrato ng babaeng kasama niya. May flour sila sa mukha at buhok. They look like a kid who wants to bake a cake or cookie pero ended up messing the whole kitchen lang.

Halos mapasigaw na ako nang mamukhaan ko ang babaeng tinutukoy niya. "OMG!"

Kumunot ang noo niya at hindi inalis ang tingin sa 'kin, inaabangan niya ata ang susunod kong sasabihin pero parang may humihila sa dila ko para hindi na magsalita pa.

"I saw her na before! Small world," natatawang sabi ko.

"Really? Where?"

"Airport, I guess? Oh yeah... Rei, right?"

"Don't call her that. Ako lang tumatawag sa kanya niyan." Binalik na niya ang kaniyang phone sa kanyang bulsa at pinaandar na uli ang kotse.

"Seatbelt. That's the name na nakalagay sa power bank niya, e, hindi naman ako aware na bawal pala siya tawagin nun," I complained.

"Ngayon alam mo na... I gave her that power bank," aniya.

"Ah, so share mo lang? Edi kayo na! Walang respeto sa single, tss..." Reklamo ko at humalukipkip na lang. Ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa kalsada.

"Bitter mo. Single rin naman ako. 'Di nga ako sinagot, 'di ba? Nananadya ka ata, e." Umiling-iling ito.

Damn, cute.

Tinawanan na lang namin ang isa't isa, ilang sandali lang rin ay narating na namin ang bahay nila. Mas malaki ito kesa sa bahay nila Fourthsky pero mas malaki pa rin ang bahay nila Drake. Siguro ay tulad ni Fourthsky, hindi rin sila rito sa Manila naninirahan dahil kung dito man sila ay tiyak isang napaka-laking mansyon ang bubungad sa'kin.

Nakaparada na ang kotse ni Fourthsky sa garaje nila Kazuo, siguro ay kanina pa sila rito. Tumigil pa kasi kami sa gilid ng kalsada para mag usap at dumaan pa kami sa Shakey's para bumili ng makakain mamaya sa practice. Hassle daw kasi kung ipapadeliver pa, baka raw matagalan pa at mag maktol pa 'ko dahil maikli lang daw ang pasensya ko.

"What took you so long?"


<3

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 105 43
JIRAANAN SERIES #4 Some people are destined to be together. While others are meant-to-be soulmates and some are just madly inlove because of fate. V...
102K 2.4K 43
Liana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She w...
26K 557 39
QUERENCIA SERIES #1 Aerielle Quinn Cervantes is a lovely woman whose heart is already set on her dreams of becoming a successful Architect. She wishe...
134K 3.8K 58
After Euphoria Series #1: Goodbye Lullaby If we're gonna list down all the things that Dionne Villegas hates, broken promises would be on top of the...