Angelzy, You're Mine Forever...

By rhaime22

17.2K 977 323

Si Angelzy Joyce Onasna ay tatlumput tatlong taong gulang na independiyenteng babae, na nagtapos nang mag-isa... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
Kabanata 3
KABANATA 4 - The punishment
Kabanata 5 - The Confession
Kabanata 6 - House Of Hope
Kabanata 7 - Aidem's Challenge
Kabanata 8 - Bakit nga ba mahal kita
Kabanata 9 - Nasaktang damdamin
Kabanata 10 - Ang katungali
Kabanata 11- Ang hindi inaasahang kasal
Kabanata 12 - Bahay ni Angel o Condo ni Aidem
Kabanata 13 - Higit na sama ng loob.
Kabanata 14 - Biglang pagbabago.
Kabanata 15 - Tuluyang Pagbabago
Kabanata 16- Pagkainis
Kabanata 18 - So much hurt.
Kabanata 19 - Give up
Kabanata 20 - Paghimok na bakasiyon
Kabanata 21- Mansion of Villacorta
Kabanata 22 - Nais ni Aidem
Kabanata 23- Puting panyo
Kabanata 24 - Angel's liberated side.
Kabanata 25 - Words, so much hurt.
Kabanata 26 - The wedding dress
Kabanata 27 - Bonding moment
Kabanata 28 - Last night to remember
Kabanata 29 - The decision and phone call.
FINAL CHAPTER - A day to remember

Kabanata 17 - The brides bouquet

425 34 13
By rhaime22

WARNING: Expect wrong typo ang grammatical error ahead. Still under editing.
               *************

NAKATIPON na ang lahat ng bisita na magiging saksi sa kasalang Dylan at Rhaime sa pinaka grand hall ng hotel kung saan gaganapin ang proposal wedding muna.

        Madilim sa buong kapaligiran na tanging maliliit na bumbilyang kulay dilaw lamang ang nagsisilbing liwanag ng kabuuan. Tahimik ang lahat na nakakubli  sa pinaka sulok na bahagi ng lugar at hinihintay ang pagpasok ni Rhaime sa bulwagan.

        Bumukas ang monitor kung saan makikita ang isang video clip na hinanda nila sa proposal ni Dylan kay Rhaime. Sa pagbubukas niyon ay tanda na naroroon na si Rhaime. Nakatayo na ito sa pinaka gitna ng bulwagan at naka tingin na sa malaking monitor na iyon.

        Hindi man nila halos lahat nakikita ang reaksiyon ng mukha nito ay nakatitiyak sila na walang mapaglagyan ang saya nito lalo na ng marinig na ng lahat ang isang mensahe na nagmumula kay Dylan.

        Masaya si Angel para sa kaibigang si Dylan na naging sandalan din niya sa napaka habang panahon. Mga panahong pareho silang may dalang kabiguan sanhi ng unang pag-ibig. Nakatitiyak siyang pagkatapos ng araw na ito ay marami nang magbabago sa kanila.

        Nararamdaman niya na maging ang kaibigan si Mond ay nalalapit na rin ang pagpasok sa seryosong relasyon kay Sansky. Maaari ngang wala pang malinaw sa dalawa pero alam at nararamdaman nila pare-preho ang pagkaseryoso naman nito para sa kaibigan ni Rhaime na si Sansky.

        Lumiwanag sa buong paligid matapos ang speech ni Dylan at alukin na si Rhaime ng kasal habang nakaluhod si Dylann. at tulad ng inaasahan ng lahat hindi man sumagot ng yes sa pagtatanong ni Dylan si Rhaime ay sapat na ang kanilang nasaksihan lahat nang marubdob na naghalikan ang dalawa ng tumayo sa pakakaluhod si Dylan..

        Ang ngiti sa labi ni Angel ay hindi nawala kahit pa nagpalakpakan na ang lahat ng tao sa paligid at tanging nakapag papuknat sa mga ito. Kaya nagpasya na silang lapitan ang mga ito.

        Inalalayan pa siya ni Aidem dahil mahaba ang gown na suot niya. Agad kumunot ang kaniyang noo dahil sa ginawa nitong gesture sa kaniya ngayon. Kanina niya pa napapansin ang pagiging madikit nito sa kaniya simula pa kanina noong nakaipon na sila rito sa bulwagan.

        'Anong nakain ng hinayupak na palaka na ito ngayon at ganito maka-alalay sa kaniya,' aniya sa kaniyang isipan. Pero wala siyang panahon komprontahin ito ngayon sapagkat sapat na ang kaninang umaga na pagka-badtrip niya dahil sa ginawa nito sa kaniya sa may labas ng Hotel.

        Iginala niya ang paningin at nagbabaka sakali na makita ang Yvest na iyon sa paligid. Nanggigil siya sa aura ng mukha nito na naka ngiti sa kaniya ng makita niya ito sa di kalayuan kasama ng ibang mga bisita. Iba ang dating sa kaniya ng ngiti nito, parang dimonyitang simple.     

        Inirapan niya muna ang babae bago nagpatuloy na sa pagpunta kina Rhaime at Dylan. Agad pinunasan naman ng kapatid na si Ysmillien ang mga luha ng kaibigang si Rhaime nang tuluyan na silang makalapit dito.

        "Stop crying na best," wika nito kay Rhaime. "Humuhulas na ang make up mo loka ka. Remember may kasal pa?" muling dagdag na wika nito pa.

        "Ayos lamang iyan, uso naman ang retoch," ani naman ni Angel na ikinatawa nilang halos magkakaibigan. "By the way sorry nga pala roon sa bar ng una tayo magkakilala. Idea ni Dylan ang pagselosin ka talaga," muling wika ni Angel.

        "Na epektibo naman. Kasi roon natauhan ang Vien ko," ani Dylan. Sabay hinalikan pa nito si Rhaime sa bandang gilid ng noo.

        "Ibig sabihin ang lahat ng ito ay nakaplano mga walanghiya kayo," wika ni Rhaime.

        Nagtanguan ang mga ito kay Rhaime.

        "Si Dylan at si Angel ang nag plano ng lahat, nakipag-cooperate lang kami," ani naman ni Mond.

        "For now, kailangan ninyo munang maghiwalay para ma-retoch ang make up mo at maisuot na ang  bonggang belo mo na mahihiya sa iyo sa haba," ani Angel.

        Habang muling inaayos ang make up ni Rhaime maging ang mga kaibigan nito ay kasama na rin si Angel sa mga inaayusan.

        "Infairness mga bestie ang gagaling ninyo, nagawa ninyo akong pagkaisahan lahat. Kaya pala kakaiba mga kilos mo Sansky kaloka ka, may niluluto na pala kayo," sabi ni Rhaime.

        "Actually napasang-ayon lang talaga ako sa kanila," sagot naman ni Sansky, sabay turo nito kay Angel na tatawa-tawa.   

        "Yah," sang-ayon naman ni Angel kay Sansky. "Honestly this is all my plan. Saksi ako kung gaano ka minahal ng kaibigan ko na iyon. College days ng maging magkaibigan kami ni Dylan at hangang sa naging secretary nga niya ako. Saksi rin ako kung paano nadurog ang puso niya noong hiniwalayan mo dahil sa makating Catleiah na iyon at halos ayaw mo raw siyang bigyan ng chances," Bahagya huminto si Angel sa pagsasalita bago nagpatuloy.

        "Pakiramdam ko mababaliw na siya kapag hindi ako gumawa ng paraan. Kaya naisip ko na kausapin siya na ituloy niya pa rin ang naudlot ninyong kasal kahit sinasabi mo na hindi mo na siya mahal. Sinabi ko sa kaniya na by hook or by crook dapat matuloy ang kasal ninyo.

     "Kinausap niya ang parents mo para hingin ang basbas nila sa plano. Tapos ako kinausap ko si Sansky para humingi rin ng mga detalye para sa mga personal na gusto mo para matuloy pa rin ang wedding dream mo. Then si Ysmillen naman pinakausap ko sa kanya si Fammie para gumawa ng wedding gown mo," mahaba niyang paliwanag kay Rhaime.

        "Nagustuhan mo ba bestie ang  sorpresa namin sa iyo?" tanong ni Sansky sa kaniya. "See, lahat ng gusto mo sa dream wedding mo nagawa namin. Mula sa wedding gown mo, color motifs, flower and cakes. Except sa wedding place. Hindi namin puweding gawin farm wedding tulad ng gusto mo kasi tiyak makakahalata ka, kaya pag dating sa wedding place si Dylan na ang nag decide and oh the wedding song also is Dylan choice.

        "Tanging ang mga ito lang ang ambag na nagawa niya sa pag-aasikaso ng kasal, mas priority niya ang mga choice mo talaga. Ganoon ka kamahal ni Dylan bestie. You are so lucky."

    "Oo nga," sang-ayon naman ni Milien at Angel.
    "By the way mga bestie," ani millien "Ate Angel is my  older sister. Magkapatid kami sa Nanay."

    "Oh, talaga. Siya pala 'yung palagi mo kinunkwento sa amin na ate mo?" wika ni Rhaime.

    Tumango si Millien kay Rhaime. "Kaya nga nalaman ni Dylan na nagpunta ka ng Isla Sealandia dahil sinabi ni Ate. Actually, nalaman lang ni Ate na baka magkakilala tayo ng minsan mabangit nga ni Mond na nasabi nga nito ni Sansky kung saan ka pupunta kay Mond.

    "Then my Sister Angel called me if I knew you? I said yes. Kasi nagka-idea siya na magkakilala nga tayo dahil sa Isla Sealandia. See, small world di ba?"

    "You mean, sa mga panahon na nasa isla ako naroon din si Dylan?" tanong ni Rhaime sa kapatid niyang si Miellien.

    "Yup, sa tagal din ng inilagi niya roon nakuntento lang siyang tanawin ka sa malayo, pero nauna siyang umalis sa iyo dahil may dapat daw siyang alamin at  ayusin muna. Remember the USB? Sa kaniya galing iyon."

        Nakamasid lang sila ni Sansky sa pagkukwento ng kapatid niya rito kay Rhaime. Ang pagpunta ni Dylan sa isla ay isa rin sa ipinilit ni Angel na ipagawa kay Dylan na noong una ay ayaw ni Dylan gawin pero dahil mapilit siyang bestfriend na pasimuno ng lahat ay napapayag niya ito.

    "Talaga! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? At kaya pala ang lakas ng infact ng kantang iyon sa akin bruha ka rin gaya ni Sansky , eh," Wika ni Rhaime.

    "Ayaw niya eh," matipid na saad ni Miellien.

    "Hey ladies!" tawag ng wedding coordinator sa kanilang atensiyon.

    "The wedding is about to start so get ready," wika nito sa kanilang lahat.

        Pagkasabi sa kanila niyon ay lahat sila ay nagtungo na sa wedding venue. Maayos silang pinapila ng wedding Coordinator para sa paghahanda sa para sa paglalakad aisle.

        Nang sila na ni Aidem ang maglalakad ay ito mismo ang kumuha ng kamay ni Angel para ikawit iyon mismo sa mga braso nito at naglakad patungo sa unahan.

        "Hindi ako natutuwa sa inaakto mo ngayon, Palaka ha," wika ni Angel kay Aidem habang mabagal ang paglalakad nila patungo sa unahan.

        Hindi ko naman sinabi sa iyo na matuwa ka. But anyway, you look so Beautiful today," wika ni Aidem.

        "Huwag mo akong inuuto. Baka nakakalimutan mo kung ano mga pang-iinnis na ginawa mo sa akin."

        "Ofcourse not, and hindi kita iniinis. Pero kung para sa iyo pang-iinis iyon, well, it'sp up to you." Nakapaskil ang nakalolokong ngiti sa labi ng tiningnan ito saglit ni Angel kaya lalo siyang nainis.

    Dahil roon ay pabigla niyang hinila ang mga kamay na nakahawak sa braso nito tutal palapit na sila sa unahan. Sanhi ng inis at pikon na nadarama ni Angel para sa binata simula pa kahapon ay bahagya niya itong tinabig patulak bago ito tuluyang lumiko.

        Hindi naman iyon inaasahan ng binata na gagawin iyon sa kaniya ni Angel kaya muntikan na si Aidem mapatid sa sariling mga paa. Mabuti na lamang at agad niyang nabalanse   ang katawan.

        Pagdating sa puwesto ni Aidem kasama ang ibang grooms ay tinapunan niya nang isang masamang tingin si Angel na nakakainis na nakangiti pa sa kaniya at dinilaan pa siya.

        Samantala itong Angel naman ay lihim na nagdiriwang sa ginawa. 'Sayang hindi tuluyang napatid, Masuwerti ka pa rin hmmp!' ani Angel sa isipan.

        Tumunog ang wedding song na napili ni Dylan para sa paglakad sa Aisle ni Rhaime kaya kay Rhaime na napunta ang kaniyang atensiyon maging ang lahat ng nandoroon para saksihan ang kasalan Rhaime and Dylan.

        Habang pinagmamasdan niya si Rhaime na mababakas ang kaligayahan sa mukha nito at nakapaskil ang magandang ngiti sa labi ganoon rin si Dylan na ngayon ay lumuluha na habang buong pagmamahal na tinitingnan si Rhaime na unti-unti nang papalapit rito.

        Sumagi sa isipan niya ang naganap na kasalan sa kanila ni Aidem sa bahay ng Parents nito na biglaan lang naman at hindi totoo. Kay Erickson niya pinangarap na maikasal noon, pero ito rin ang dahilan kung bakit inayawan na rin niya ang kahit na anong idea ng kasal. Sino ang mag-aakala na mararanasan rin niya ang kasal sa ganoon paraan kay Aidem naman.

        Sa pag-uumpisa ng seremonya ng kasal ay halos lahat sila ay masayang sinaksihan iyon. Tumayo siya ng sila na n Aidem ang naka toka sa pagkakabit ng cord para sa ikinakasal. Inabot niya ang kabilang dulo ng tali kay Aidem dahil siya ang may hawak niyon.

        Pero hinablot rin nito ang kamay niya kaya bahagya siyang napalapit rito para lang sabihin nito na "Dont try me Angel, Huwag mong subukan ang ikli ng pasensiya ko sa mga ipipnapakita mo sa akin ngayon sa harap ng maraming tao."

        ''Aba't ang gagong ito. Tila ako pa ang may kasalanan kung bakit ako naiinis dito sahinayupak na 'to ngayon,' wika ni Angel sa kanyang isipan. Kaya marahas niyang hinila ang kamay na hawak nito sabay irap dito. At tsaka ikinabit na kay Rhaime ang cord. Mahina niyang binati ng congratulation si Rhaime bago tuluyan umalis para bumalik na sa puwesto.

        Nang matapos ang buong seemonya ng kasal at ianunsiyo na si Rhaime at Dylan ay ganap ng mag-asawa ay nagpalakpakan na ang lahat. Mas lalo pang lumakas ang palakpakan na iyon ng tuluyan maglapat na ang labi ng mga bagong kasal at aminado rin siya na may ilang segundo ang dumaan bago tuluyan maghiwalay ang mga labi ng mga ito kung hindi pa sumigaw si Aidem.

          "Woooohhh! Sabay pito pa nitong si Aidem. "Tama na 'yan nang iinggit ka na buds."
    Nag katawan ang lahat maging sila Dylan at Rhaime.

        "Baliw talaga 'tong palaka na ito," Wika ni Angel.

         Ang mga sumunod na pangyayari ay tila walang katapusan na picture taking After the wedding ceremony maging kahit sa reception. Nakuha na ngang mangawit ng bibig niya sa walang katapusan pagngiti sa mga picture na iyon.

        Nagulat pa siya ng inabot ni Rhaime sa kaniya ang Boquet flower nito imbes na ihagis.

        "Take this," ani Rhaime sa kaniya na nakangiti. Deserve mo rin ang ikasal sa lalaking minamahal mo. Marahil hindi man ngayon kungdi sa pagdating ng tamang panahon kapag ayos ng lahat."

        Nagugulumihanan man sa sinabi nito ay malugod pa rin naman niyang kinuha kay Rhaime ang boquet.
        "Thank you for everything, Angel," nakangiting wika ni Rhaime sa kaniya. Sabay niyakap pa siya nito.
        Nilapitan na rin sila ni Dylan at nakangiti rin at niyakap din siya ng mahigpit nito sabay bumulong. "Buds, You did great. Thank you."
        Nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya ay nakangiti niyang muli binati ang mga bagong kasal. 

             *** Rhaime22 ***

Author's note:
      Thank you for patiently waiting my update mga bhelabz. bawi na lang ako sa next update.... 

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
11.5K 212 19
WARNING: SPG | R-18 | Mature Content Inside ART OF TEMPTATION SERIES: Catching the CEO's Heir Ysa is one of the hottest secretaries in town, but she...
11K 218 35
Salient Forbearance Series
108K 2.2K 81
WARNING: MATURED CONTENT | R-18 Logan Castillejo has everything in life. Money. Power. An easy-going playboy who's dripping with sexiness and menace...