You are My Sunshine (Last, Vo...

بواسطة air-styper

1K 192 10

TAGALOG VERSION Ang mga genre ng nobelang ito ay Romantasy, Teenfiction, at Drama. Ito ay haka-haka lamang. T... المزيد

MENSAHE NG AWTOR
SEASON 5
KABANATA 49: "UUWI NA AKO PERO ANG PAG-IBIG KO AY MAIIWAN SA IYO"
KABANATA 51: "PAANO KUNG NAINLOVE NA TALAGA AKO SA IYO? ANG HIRAP MAGMOVE-ON"
KABANATA 52: "BAGONG TRABAHO, BAGONG KAIBIGAN NA MAPAGKAKATIWALAAN"
KABANATA 53: WAIT MO LANG, GAYA SA LOVE HINIHINTAY"
KABANATA 54: "MAHALIN ANG ATING INANG KALIKASAN KAGAYA SA TAONG MINAMAHAL NATIN"
KABANATA 55: "ANG PAG-IBIG AY WALANG PINIPILING ARAW"
KABANATA 56: "ANG PAGLALAYAG SA MGA DALAWANG ISLA NG PAG-IBIG"
KABANATA 57: "ANG RESULTA NG PAGSASANAY AT PAGKATAPOS AY PANDEMYA"
KABANATA 58: "ANG HULING LABAN"
KABANATA 59: "ANG BAHAGHARI AT ANG PAGWAWAKAS NG KASAMAAN"
KABANATA 60: "YOU ARE MY SUNSHINE"
EPILOGO
MGA IMPORMASYON NG NOBELA
LAST SPECIAL CHAPTER
HULING MENSAHE NG AWTOR

KABANATA 50: "TAGLAGAS NGAYON KAYA NAFALL AKO SA IYO"

5 0 0
بواسطة air-styper

KABANATA 50: "TAGLAGAS NGAYON KAYA NAFALL AKO SA IYO"

Part 1:

Dahil nga sa ginawang pagtawag ni Don Harris sa mga pulis ay kinaumagahan, agad nilang hinuli si Don Lance sa kanyang bahay.

Catab, Kulukulok Province, sa bahay nila Don Lance.

April 28, 2020

8:30 A.M.

"Tok... Tok... Tok..."

"Teka lang po," sabi ng nanay ni Don Lance habang nagluluto ng kanilang almusal.

Nang binuksan ni Donya Minda ang pinto ay nadatnan ang maraming pulis sa labas.

"Oh, sir. Ano ang kailangan po ninyo?"

"Nandito kami para hulihin ang inyong anak dahil sa kanyang ginawang trespassing at pagsira ng mga gamit ng pamilya Villalobos," sabi ng kasama ni Pulis Cesar na si Pulis Oftano.

"Ano?! Hindi! Paano naman niya magagawa iyon? Baka napagbintangan lang nila ang aking anak. Wala siyang ginawang kasalanan dahil palagi naman siyang nandito at saka pumupunta siya sa Sarngid para magtrabaho kasama ang kanyang tatay."

"You mean ma'am, kasama niyang nagtatrabaho ang kanyang tatay?"

"Oo."

Biglang nakisali sa usapan si Pulis Cesar.

"Ma'am, alam niyo ba na nakulong ang iyong asawa?"

"Hindi, bakit? Tsaka, matagal na iyon at nakalaya siya."

"Oh, ma'am, hindi ba kayo nanonood ng T.V. o nakikinig ng radio."

"Nanonood ako ng T.V. pero hindi ako nakikinig ng radio."

"Oh, ba't 'di niyo alam na nakulong nanaman ulit ang inyong asawa dahil sa pagiging druglord?"

"Ano!? Hindi totoo iyan, hindi po totoo iyan!"

"At ang isa pa ma'am, nakatakas siya kasama ang kanyang kasamahan sa paggawa at paggamit ng illegal na droga!"

"Hindi! Hindi totoo iyan!" sigaw nito sa kanila at saka unti-unting lumuha si Donya Minda.

Dahil nga sa ingay na iyon ay narinig ito ni Don Lance habang siya ay nanonood ng telebisyon.

"Inay, bakit po kayo sumisigaw diyan?"

Dahil dito ay lumapit si Don Lance sa kanyang nanay.

"Bakit po may pulis."

"Anak, may itatanong ako sa iyo, alam mo rin bang nakulong at nakatakas ng kulungan ang iyong tatay?"

Sa tanong nga ng kanyang nanay ay biglang napatahimik si Don Lance.

"Uhm, inay. Huwag na po kayong lumuha."

"Ano anak? Alam mo din ba?!" seryosong tanong nito.

"Uhm, opo inay. Matagal ko na pong alam na nakulong siya. Pero ayaw ko pong sabihin po sa inyo dahil ayaw ko po kayong masaktan ulit ni tatay."

"Alam mo ba anak, na mas lalo lang akong nasaktan dahil hindi mo agad sinabi sa akin. Naging kriminal ulit ang tatay mo. Alam mo na rin ba na matapos siyang makulong ay tumakas siya kasama raw ang kanyang mga kasamahan?"

"Ano?! Nakatakas po siya! Hindi po inay. Hindi ko po alam na siya ay nakatakaa sa bilangguan."

Nagpatuloy na umiyak si Donya Minda.

"Huhu, ang akala ko talaga ay nagbago na ang tatay mo, hindi pa pala."

"Inay, huwag na po kayong umiyak. Nalulungkot po ako kapag nakikita po kitang umiiyak."

"Ikaw din anak! May ginawa ka rin daw na masama!"

"Ano?!"

"Huwag ka nang tumakas pa, Don Lance. Hinuhuli ka namin dahil sa iyong pagtrespassing at destroying property sa mga pamilya Villalobos."

"Ano!? Wala po akong ginawang ganyan! Baka nagkakamali lang po sila."

Matapos ngang mawala kasi ang epekto ng kapangyarihan ni Don Lance ay wala na itong naalala tungkol sa pagkuha niya ng mga kwintas sa loob ng bahay ng mga pamilya Villalobos.

Part 2:

Dahil dito ay hinuli nila si Don Lance.

"Teka lang po, wala po akong ginawang ganon."

"Sumama kana sa amin Don Lance."

Ayaw ngang sumama ni Don Lance sa mga pulis.

"Anak, Don Lance. Kung may ginawa ka talagang masama, sumama ka na sa kanila. Hindi sa kinakampihan ko sila pero kung wala ka talagang kasalanan, sumama kana sa kanila anak. Sa presinto ka na magpaliwanag anak at susuportahan kita."

"Pero inay, wala talaga."

"Sasama rin ako sa kanya mamang pulis."

"Sige, ma'am."

Matapos iyon ay biglang naisip ni Don Lance ang tungkol sa pagkuha niya ng mga kwintas na hindi sa kanya."

Nang nahuli na nila si Don Lance ay tinawagan ulit sila ni Don Harris.

///Kriiingg!!!///

"Hello, Don Harris."

"Nahuli na niyo ba siya?"

"Oo, nahuli na namin siya. Pero ilalaban daw nila na wala silang kasalanan pagdating sa presinto."

"Hmm."

Bigla itong napansin ni Don Paulo.

"Itay sino po ang kausap niyo?"

"Ang mga pulis anak, nahuli na daw nila si Don Lance."

"Ano itay?"

Dahil sa pagdulas ng dila ni Don Harris ay nagulat din siya rito sa kanyang sarili.

"Aw! Ba't ko sinabi iyon!"

Biglang hinablot ni Don Paulo ang kanyang cellphone at agad niyang narinig na "Don Harris, sumama na sa amin si Don Lance pati ang kanyang nanay sa aming sasakyan."

"Mamang pulis, anak ito ni Don Harris na si Don Paulo. Mamaya pupunta kami diyan sa presinto kasama si tatay para makipag-usap sa kanila."

"Anak, ano ang plinaplano mong gawin?"

"Lalaban tayo itay. Para sa hustisyang pagkuha niya sa aming mga kwintas."

10:00 A.M.

Sa oras na ito ay nakapunta na sila sa loob ng Tarras precinct.

"Sige, upo po kayo dito Don Harris at ikaw binata. Dito rin kayo Donya Minda at ng anak mo," sabi ni Pulis Cesar.

Matapos silang umupo ay naging tahimik silang lahat.

"Sige, una na kayong magpaliwanag, Donya Minda."

"Ako nalang po ang magsasalita," sabi ni Don Lance.

"Oh sige binata."

"Walang galang na po sa inyo pero, wala po akong ginawang kalasanan, wala po akong naaalalang ginawa ko na ganyang kasama sa inyo."

"Anong wala!?"

"Itay, kalma lang."

"Mamaya na po kayo magreact, Don Harris. Nagsasalita pa po siya."

"Ay, sorry."

"Wala po akong ginawa sa inyong masama. Pero kung mayroon man, humihingi po ako ng paumanhin."

Agad ngang huminto sa pananalita si Don Lance.

"Sige, kayo naman ang magsasalita Don Harris."

"Itay ako na po ang tatapos sa usapang ito."

Inumpisahan ngang ipaliwanag lahat ni Don Paulo.

"Don Lance, tinatanggap namin ang iyong paumanhin."

"Don Paulo?"

"Itay, ipapaliwanag ko na lahat sa inyo para maliwanagan na ang inyong mga isipan. Si Don Lance ay totoong pumunta sa loob ng aming bahay at ginawa lahat ng iyon. Totoo iyon pero, nagawa niya iyon dahil kinontrol siya ni Pandemo gamit ang kanyang kapangyarihan. Pero noong, bumalik na ang dati niyang katauhan ay nakalimutan na niya ang kanyang mga ginawa sa oras na kinokontrol siya sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Pandemo.

"Huh? Totoo ba iyan binata?" tanong ni Pulis Cesar.

"Opo sir."

"Kung totoo iyan binata, may ebidensya ba kayo?" tanong ng nanay ni Don Lance.

"Meron po tita. Kahit tanungin niyo pa ang aking bunso, si tatay, si nanay at ng aking girlfriend. Napahamak pa ang bunso kong kapatid dahil sa ginawa niya."

"At, isa pa, nakaset ang aming mga CCTV noong nangyari ang bagay na sinasabi namin. Ito, panoorin ninyo," sabi ng tatay ni Don Paulo.

Pinanonood nga nila iyon at nagulat si Donya Minda at ng pulis sa kanilang nakita.

"Don Lance, anak. Paano mo nagawa iyan sa kanila?"

Uminahon lang po kayo tita. Nakontrol siya si Pandemo noon kaya ganyan siya kalakas."

"Uhm, binata, may pinagsamahan ba kayo ni Pandemo? Alam kong makapangyarihan talaga siya dahil sa nangyari noon."

"Wala po. Sir."

"Sinungaling ka Don Lance! May pinagsamahan kayo, kinuha niyo nga sa amin ang aking kwintas at ng kwintas ng aking mga kaibigan," sabi ni Don Paulo sa kanya.

"Ano, totoo ba iyon anak?!"

"Hmm..."

Napaisip tuloy si Don Lance sa isasagot niya.

"Anak, kung magsisinungaling ka sa akin, malulungkot talaga ako ng sobra."

Dahil dito ay hindi na kayang magsinungaling ni Don Lance.

"OO NA, KINUHA KO ANG KANILANG MGA KWINTAS DAHIL GUSTO KONG YUMAMAN LANG KAMI NI NANAY!"

"Pero anak, diba ang sabi ko sa iyo, kuntento na ako sa ating buhay."

"Pero ako inay, hindi ako kuntento, gusto ko pa kayong pasayahin pa lalo kaya ginawa ko iyon."

"Pero anak, napasaya mo ba ako ngayon sa ginawa mo? Hindi." malungkot na sinabi ng kanyang nanay.

Hindi na nakapagsalita si Don Lance.

"Mga pulis, ikulong niyo na ang aking anak. Umamin na siya sa kanyang ginawang kasalanan."

Ikinulong nga nila si Don Lance sa kanyang selda.

"Wait lang mamang pulis, makukulong na ako?"

"Ilang taon ka na ba binata?"

"18 po."

"Oh, 18 muna. Pwede ka nang makulong."

Naging malungkot nga si Don Lance.

Pagkatapos nito ay biglang may tinanong ni Don Lance sa kanyang nanay.

"Inay, hindi niyo na po ba ako mahal?"

Biglang lumingon ang nanay nito.

"Mahal na mahal kita anak pero sa ginawa mo... Mahal pa din kita anak!" dali-daling lumabas ang nanay ni Don Lance na umiiyak dahil sa hindi niya matanggap na pati ang anak nito ay makukulong sa bilangguan.

Sa loob ng Precinct.

"Itay, imbes na masaya ako dahil nakuha natin ang hustisya laban kay Don Lance, nag-alala ako sa nanay ni Don Lance."

"Hayaan na muna natin siya Don Paulo, makakamove-on din iyon at makakapiling muli ang kanyang anak kapag makalabas na siya dito. Soon. Pero ang problema, nakatakas ang ama nito. Sigurado mas bibigat ang kanyang kaso dahil sa ginawa niya."

"Oo nga itay eh."

Kinausap nga ni Don Paulo si Don Lance.

"Don Lance, maaari ka pang magbago at gumawa ng ibang paraan para yumaman kayo ng iyong nanay."

"Ano? Masaya na kayo dahil nakulong ako?"

"Hindi naman sa ganon, Don Lance. Sinasabi ko lang na meron pang paraan para magbago at para yumaman sa ibang paraan na hindi ka makakagawa ng kasalanan sa ibang tao. Sana magbago ka na ng tuluyan ni Don Lance at magawa mo ang bagay na iyon."

Nanahimik na lamang si Don Lance.

"Sige, Don Lance. Aalis na kami."

Pagkatapos ay umalis na sina Don Paulo at ng kanyang tatay sa presinto.

Ang naiisip na bagay ngayon ni Don Lance ay ang sinabi ni Don Paulo.

"Ano kaya kong magsisikap akong magtrabaho sa ibang paraan. Ano kaya kung pagkatapos akong makalaya dito ay maghahanap ako ng trabaho para yumaman kami ng aking nanay? Ayaw ko na ulit mangyari ang nangyari sa akin noon na panloloko sa akin ni Pandemo."

Dahil dito ay naisip nang magbago ni Don Lance. Iniisip na niyang pagkatapos niyang makalaya ay hindi nga muna siya babalik sa kanyang nanay kundi babalik siya matapos siyang makaipon ng maraming pera.

Sa kabilang banda ay nakauwi na si Donya Minda sa kanyang bahay na mag-isa.

"Hays, nandito nanaman ako sa bahay ng mag-isa. Magpakatatag ka self. Huwag kang magpapakamatay. Hay naku, magiging maayos din ang lahat. Inhale-Exhale!"

"Napansin ko talaga, kaya pala sobrang takot ng aking mga kapitbahay sa akin dahil sa aking anak at ng aking asawa. Hays."

Part 3:

M

atapos ngang makulong ni Don Lance ay nakuha na nga ni Don Paulo ang hustisya para sa kanyang pamilya at hustisya para na rin sa kanyang mga kaibigan.

Maraming araw ang lumipas hanggang sa panahon na ng taglagas.

May 5, 2020.

7:30 A.M.

Sa oras na ito ay natunaw na nang tuluyan ang mga yelo at niyebe sa mga daan, sa bubong ng bahay o sa anumang parte ng lugar sa Kulukulok Province dahil sa pagdating ng unang araw ng Mayo ay agad na sumikat ang araw kaya naman ito ay unti-unting natunaw hanggang naging tubig at ang tubig ay naglaho dahil sa medyo mainit nang panahon.

Sa oras na ito na ring ito ay nag-uusap sina Don Harris at Donya Avellana.

"Mahal, tapos nanaman ang taglamig. Ibig sabihin, 20 years nanaman ang hihintayin natin?"

"Oo naman, mahal. Di bale, dahil kakaiba ang panahon nating ngayong taon, mas maaga ang ating panahon ng taglagas."

"Oo nga no, tinatawag nga nila itong reverse season."

"Yup mahal. Hindi kagaya sa ibang bansa. Mas una sa kanila ang taglagas kaysa taglamig. Pero ang autumn season sa atin ay nandito na talaga. Pero sa normal na season natin ay mas nauna ang tag-init kaysa sa autumn. Ngayong taon nga ay nauna ang winter kaysa autumn o taglagas."

Samantala masayang-masaya nga si Donya Shina sa labas ng kanilang bahay habang kalaro si Don Sebastian ng Badminton.

"Mabuti naman, tapos na ang panahon ng taglamig. Nakakaumay na din kasi iyon."

"Oh heto, saluhin mo ang shuttlecock!"

"Hmm, ang bagal naman po at saka napaka-rainbow. Smashin ko iyan eh. Eto na. Wah!"

Hindi nga napansin ni Don Sebastian ang shuttlecock dahil sa lakas ng paghampas ni Don Shina dito.

"Wow, ang galing mo na Donya Shina sa paghampas! Magaling ka na nga sa martial arts, gumaling ka pa sa paglalaro nito."

Dahil dito ay napansin ni Don Paulo ang kanilang paglalaro.

"Don Sebastian, may isa ka pa pong pangtira po ng shuttlecock o racket?"

"Wala na Don Paulo, ito lang iyong ginagamit namin Donya Shina kapag naglalaro kami nito."

"Kuya! Mayroon pala tayong ganon. Tanungin mo nalang kay nanay kung nasaan. Baka hindi pa sila pumunta sa Karinderya."

"Bunso, ikaw dapat sana iyong utusan ko eh para kunin iyon. Sabi mo na ngang kuya."

"Ay, oo nga pala kuya. Pasensiya na po. Alam ko na sa susunod kuya."

Mabilis ngang nakuha ni Donya Shina ang isang racket.

"Eto na po kuya."

"Salamat, bunso."

Dahil dito ay may sinabi sa kanila si Donya Shina.

"Hmm, eto. 2 vs. 1 ang laban. Kayong dalawa ang magkampi at ako lang mag-isa."

"Seryoso ka, Donya Shina?"

"Yup."

Nang mag-umpisa na ang kanilang laban ay biglang nawala ang self-confidence ni Donya Shina dahil sa teamwork nila Don Paulo at Don Sebastian.

"Huwag mo kasi kaming ia-undersestimate bunso. Two is better than 1."

"Oo nga Donya Shina, lalo na at maganda ang aming teamwork."

"Eh, kayo na po ang magaling."

Matapos ang kanilang paglalaro ay agad nga silang pumunta sa dagat para maligo.

9:00 A.M.

"Hays, nakakamis ang paliligo dito sa dagat."

"Oo nga bunso, dati-rati'y, dumadayo pa ako dito. Ngayon, lalakarin nalang."

"Hmm, kuya, bagay ba sa akin itong swimsuit ko?"

Tinignan ni Don Paulo si Donya Shina.

"Ah? Ba't mo natanong Donya Shina?"

"Wala lang kuya. Tinatanong ko lang kung bagay sa akin."

"Para sa akin, bagay sa iyo at tamang-tama lang ang suot mo dahil siguro lumaki ka na."

"Talaga kuya. Salamat."

Bigla nga nitong yinakap si Don Paulo.

"Uy, Donya Shina, huwag mo akong yayakapin kapag nakasuot ka ng ganyan. Medyo nakakahiya lang sa ibang mga naliligo diyan."

"Ay, pasensiya na kuya. Masaya lang ako dahil bumagay sa akin ang suot ko. Nahihiya kasi ako sa ibang tao kapag napapansin nilang hindi bagay ang aking suot."

"Hays, nagdadalaga ka na talaga bunso. Normal lang iyan. Dahil, nakukuha mo nang pumili ng babagay sa iyon damit."

Matapos ang kanilang usapan ay inenjoy nila ang pagligo sa dagat.

Part 4:

Dahil nga sa paglilibang ng mga tao sa Kulukulok Province ay nakalimutan na nila ang tungkol sa nangyari noong laban sa pagitan nila Pandemo at Bisaster.

Isa pa ay, kung babalik ulit si Pandemo ay mayroon namang silang militar na siyang magliligtas sa kanila sa pag-atake sa kanila ni Pandemo.

Lumipas nga ang araw pagsasaya ng magkapatid sa pamamagitan ng paliligo sa tabing-dagat ay panibagong araw nanaman nga ang dumating.

Sa araw nga ng taglagas ay naglagas ang mga dahong tuyo na dati ay nakakapit sa puno ngunit ngayon ay tinatangay na ng hangin pataas o pababa hanggang makababa ito kung saan-saan.

May 6, 2020.

7:45 A.M.

"Bunso, maglinis na tayo sa labas ng bahay."

"Tama na muna ang pagbabasa ng Wattpad."

"Teka lang kuya. Isang chapter nalang talaga ang babasahin ko promise na talaga."

Matapos na basahin ni Donya Shina ang kanyang binabasa ay agad itong lumabas at tinulungan ang kanyang kuya sa pagwawalis ng mga dahon.

"Kuya! Ang dami-dami palang dahon! Wooh!"

"Oo nga eh bunso. Pero dapat, maging masipag tayo sa paglilinis para kapag matapos na tayo ay magiging kaaya-ayang tignan na malinis ang paligid ng ating bahay."

"Oo nga kuya! Tama ka diyan kaya maglinis na tayo kuya!"

"Oo nga bunso!"

Inumpisahan nga nilang inipon ang mga dahon.

"Kuya! Kabundok-bundok ng dahon na ngayon ang ating hahakutin at itatapon sa basurahan."

"Oo nga bunso. 'Di bale bunso, malapit na tayong matapos."

Pinagtulungan nilang hakutin ang lahat ng naipon nilang mga dahon sa paligid ng kanilang bahay.

Dahil sa kanilang pagtutulungang magkapatid ay mabilis nga nila itong natapos.

"Kuya, ang bilis natin!"

"Tama ka bunso. Dahil sa pagtutulungan natin ay agad nating nalinis ang paligid ng ating bahay."

Pagkatapos non ay agad silang pumunta sa karinderya para doon na sila kumain ng kanilang almusal.

Sa kabilang banda, sa Sarngid ay natapos na nga agad nila ang paggawa ng kanilang underground warehouse kaya ang ginagawa nila ngayon ay inaayos ang kanilang mga gamit sa loob.

Natapos nila agad dahil sa tulong pa noon ni Pandemo noong siya ay dumating.

Sa muli nilang pagkikita ay nagulat si Don Procorpio sa inyo nitong tao.

Pero hindi nagtagal ay nasanay din siya.

Dahil nga sa pagtulong ni Pandemo ay tinutupad lang niya ang plano nilang dalawa.

"Oh, Pandemo. Mukhang tinutupad mo ang ating mga plano!"

"HAHA! Sabi ko nga sa iyo. Ang plano ay plano hindi eroplano. HAHA!!!"

"I like that, Pandemo, mukhang malapit nang magkatotoo ang ating hangaring dalawa."

"Yes, well. Of course. As you always said..."

"Maghahari pa tayong dalawa sa buong mundo."

"That's Right! HAHA!"

"Gaya ng usapan natin noon, eto na ang mga kwintas. Ikaw na mismo ang kumuha sa aking leeg."

"Meron ba, ah? Oo nga. Hmm. Talagang tumutupad ka sa usapan. Pandemo! Gusto ko iyan. HAHA!"

"That's right. Again. HAHA!"

"Sige mga kasama, bilisan niyo ang pag-aayos ng inyong gamit at pati na rin ang pag-aayos ng mga gamit sa atinng napakalaking laboratoryo. Dahil dito na mag-uumpisa ang ating pagbangon!"

Matapos na ibinigay ni Pandemo ang kanyang kwintas kay Don Procorpio ay agad nitong ibinenta sa pinakamayamang tao sa mundo nila Don Paulo na si Don Frederick sa halagang isang billiong royal money o katumnas sa pera ni Don Frederick sa kanilang lugar ay isang libong majestic money.

Mabilis ang naging transaction dahil sa online selling.

8:45 AM.

"Tignan mo, Pandemo, nandito na ang 5 libong majestic money! Ito ay sapat na para bumili ng maraming mga laboratoryo para lumikha ng mga bagay na magpapayaman sa atin na higit pa sa yaman ni Don Frederick!"

"Nagulat ako sa iyo Don Procorpio dahil ang bilis mong naibenta kahit nandito ka lang?"

"Hmm, dahil sa online selling ay naibenta ko na ang iyong mga kwintas kaya mayaman na mayaman na tayo dito sa Kulukulok Province. Pero ang goal natin ay ang tayo ang pinakamayaman at maghahari tayo sa buong mundo diba?"

"HAHA. Tama ka Don Procorpio. Pero, nasaan na ngayon ang ibinenta mong kwintas?"

"Iyon, nandoon na. Nakikita mo iyong mga taong iyon? Kinuha na nila."

"Wait! Ano kaya kung ang mga taong iyon ay kukunin mong miyembro at sasabihin mo sa kanilang dodoblehin mo ang kanilang sweldo para sumang-ayon sila?"

"Hmm, pwede!"

Dahil dito ay kinausap ni Don Procorpio ang mga taong kumuha sa box na may lamang mga kwintas.

Hinikayat niya itong magtrabaho sa kanila at dodoblehin nga niya ang kanilang sweldo kapag pupunta sila at magtatrabaho sa kanila.

Sa una ay nagdadalawang-isip sila pero agad din namang nilang tinanggap ang pagkakataon dahil doble ang kanilang sweldo kaysa sa una nilang trabaho.

"Pandemo, sumang-ayon sila."

"Mabuti naman."

"Sige, sa mga bagong miyembro, magmeryenda muna kayo at pagkatapos ay idedeliver muna ninyo ang mga kwintas. Matapos nga iyon ay magretire na kayo doon at balik ulit kayo dito!"

"Opo..."

Dahil sa kanilang pagmemeryenda ay binalak ni Pandemo na palitan ng pekeng kwintas na tulad din sa kaniyan kwintas ang nasa box.

Agad niyang binulungan ang isang kasamahan ni Don Procorpio at pagkatapos iniutos niyang ilagay ito sa kanyang leeg.

Matapos iyon ay nagkunwaring anyong usok palagi si Pandemo at para hindi makita ni Don Procorpio na nasa sa kanya ang mga kwintas.

Ang binulungan naman ni Pandemo na kasamahan ni Don Procorpio ay nagtataka kung bakit siya nandoon sa oras na iyon.

Part 5:

Makalipas ulit ang araw na iyon.

May 7, 2020

7:30 A.M.

Dito nga sa araw na ito ay naisip na ni Don Paulo na pumunta sa bahay nila Don Ian, Donya Cassiopeia at Don Andrew para ibigay sa kanila ang natitirang tatlong kwintas.

Dahil nga sa ganda ng panahon ng taglagas ay biglang napatawag sa kanya si Donya Serina.

Hinikayat ni Donya Serina na mamasyal sa kanila dahil maganda ang view ng kanilang ipinagmamalaki ngayong pasyalan.

Kaya dito ay naisip ni Don Paulo na kung hihikayatin din ni Donya Serina sina Don Ian, Don Andrew at Donya Cassiopeia na pumunta kina Donya Serina eh di doon na niya ibibigay ang mga kwintas.

Nahikayat nga ni Donya Serina ang mga ito at sinabi niyang may isosorpresa pa raw sa kanila ni Don Paulo pagdating nila doon.

Agad ngang nagpaalam si Don Paulo sa kanyang mga magulang. Hindi naman sumama si Donya Shina dahil makikipaglaro ito kay Don Sebastian.

Kaya naman, mag-isa siyang sumakay ng jeep at pumunta doon.

Nang nakapunta na si Don Paulo sa bahay nila Donya Serina ay siya palang ang nandoon.

9:00 A.M.

Agad na lumabas si Donya Serina at agad na nga silang pumunta doon sa simasabi sa kanya ni Donya Serina.

"Don Paulo halika na."

"Teka, hintayin pa natin iyong mga kasama natin..."

"Alam na raw nila ang pupuntahan natin kaya kahit mauna na tayong dalawa love ay makararating pa rin sila doon at magkikita-kita tayo doon. Kaya halika na."

Dahil sa sobrang excited na ipakita ni Donya Serina kung gaano kaganda ang kanilang pupuntahan ay agad nga silang nakarating doon.

Nang imulat ni Don Paulo ang kanyang mga mata ay talagang napanganga siya dito sa sobrang ganda ng view ng paligid at saka ang gandang tignan ang mga naglalaglagang mga pulang dahon.

"Don Paulo, napakaganda hindi ba?"

"Oo nga Donya Serina. Habang nakikita ko ang view kasama ka ay mas lalong gumaganda ang view nito. Diyan ka lang, kuhanan kita ng picture."

Kinuhanan nga ni Don Paulo ng picture si Donya Serina.

"Wow, ang ganda."

"Ako rin Don Paulo, kuhanan kita. Tsaka pati tayo na ring dalawa mamayang magkasamang kukuha ng ating picture."

"Sige, go ako diyan, Donya Serina. Alam mo, ang saya ko ulit Donya Serina dahil nakasama ulit kita. Lalo na't ang ganda pa ng view."

Napablush si Donya Serina.

"Ano ba ang sinasabi mo Don Paulo?"

"Ang ganda mo rin kapag nagba-blush ka."

"Ano? Halika nga dito Don Paulo. Ipapakita ko pa ang mas magandang view."

"Nakikilig na yarn."

"Oo na nga," sabay ngiti nito.

Ngumiti nga silang dalawa at saka mabilis na hinila ni Donya Serina ang kamay ni Don Paulo.

Dahil dito ay naalala ni Don Paulo ang paghila nito sa kanyang kamay noong una silang nagkakilala sa elementarya.

"Ngayon, mas lalong gumanda si Donya Serina. Ang swerte ko dahil siya ang naging kasintahan ko at saka alam kong swerte din siya dahil ako ang naging kasintahan niya."

"Diba mas maganda pa ang view dito? Uy, Don Paulo, ano naman iyang iniisip mo?"

"Wala ito, Donya Serina. May naaalala lang ako noon na nangyaring ganito noong bata pa tayo."

"Oh, ganon ba. Don Paulo."

"Dahil dito ay nagsimula talaga akong nainlove sa iyo Donya Serina."

"Alam mo rin Don Paulo, sa totoo lang, naaalala ko rin ang nangyaring iyon sa atin noong hinila kita. Alam mo bang iba ang pakiramdam ko noong hinawakan ko ang kamay mo. Parang doon rin ako unang nadevelop ang feelings ko sa iyo."

"Ako din, Donya Serina."

"Don Paulo."

"Donya Serina."

Magsisimula na sanang magdikit ang kanilang mga matatamis na labi pero nadelay dahil nandoon na ang mga kaibigan nito.

"Don Paulo at Donya Serina, nandito na kami!"

Dahil dito ay napatingin ang dalawa kay Donya Cassiopeia.

"Bakit? Naistorbo ko ba kayo?"

"OO!!!" sigaw nila.

"Oh, pasensiya na. Namiss ko kasi kayo eh."

"Ang aga-aga, napakaromantiko na agad ninyo," biro ni Don Andrew.

"Oo nga," sabi rin ni Don Ian..

"Sige love, ienjoy muna natin ang pamamasyal kasama ang ating mga kaibigan."

Habang namamasyal sila ay biglang nadulas si Donya Serina dahil dumulas ito sa mga dahon.

Mabuti, nasalo agad nito ni Don Paulo.

"Love, mag-ingat ka kasi. Ayan tuloy, nafall ka na sa akin."

"Love, maraming salamat. Alam mo love, bagay ang panahon sa nangyari sa akin. Taglagas ngayon kaya nafall ako sa iyo. Which is totoo, dahil nahulog na talaga ako sa iyo."

Dahil dito ay nagpatuloy ang lovey-dovey nilang pamamasyal hanggang mapansin ni Don Paulo ang lalaking kinakasama ni Donya Cassiopeia.

~~~~~~~~~~

Sino kaya ang lalaking kinakasama ni Donya Cassiopeia?

~~~~~~~~~~

Abangan ang susunod na kabanata ng "You are my Sunshine."

If you like my story don't forget to vote.

Thanks for reading mga Lodi..

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
26.9K 777 58
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...