Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicro...

بواسطة PsychopathxXx

1.9M 60.8K 18.3K

Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. Th... المزيد

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
1. Secrets Revealed
2. Cinderella Version 2.0
3. The Breakup Chronicles: Damsel in Distress
4. Uncertainty
5. Glimpses
6. Kidnapped
7. Escaping from Hell
8. Devil Incarnate
9. Kisses and Plans
10. Enigmatic Knight
11. Backfired Enchantment
12. Husband and Wife
13. What Freedom Means
14. Softer Side of His Icy Demeanor
15. Ice and Fire
16. Italya
17. Distressing Aftermath
18. Ambush of Death and Love
19. Lesser Evil
20. What the Heart Says
21. Bloody Who?
22. Choices and Rising Doubts
23. Mysterious Abyss of the Sea
24. Agreement
25. The Last Resort
27. Savior and Alphas
28. Enemies
29. Root of All Evils
30. Joy Amidst the War
31. On Bended Knee
Epilogue: For a Lifetime
SPECIAL CHAPTER

26. A Whole New World

42.4K 1.4K 1K
بواسطة PsychopathxXx

CHAPTER TWENTY-SIX

"Badiday, halika!" tawag ko sa batang babae.

Napakamot ito sa ulo pero dali-dali naman nitong iniwan ang ginagawang island castle sa buhanginan sa labas ng bahay at tumakbo papalapit sa bintana kung saan ako nakasilip.

"Bakit po ate Ara?" inosente nitong tanong.

Hindi ko alam pero natatawa ako sa ayos niya. Panlalaki kasi ang buhok niya. It's cute. Ang aliw tingnan.

"Samahan mo ako kala Maryjean, bili tayong manggang may alamang at saka banana cue. Nanunubig ako," sabi ko sa bata.

"Maaano ka baya non," nakangusong sabi niya.

"Maaano?"

"Masakit ang tiyan mo ngani. Bawal baya pagsabayin ang maasim at matamis parang pag-ibig," pangangatwiran niya.

Ngumisi lang ako. Ang bata pa nito, pag-ibig agad ang bukambibig. "Bibilhan kita ng halo halo." Pangba-bribe ko sa bata. "Tapos kakausapin ko kay Mang Kanor na isama tayo sa bayan bukas.

Agad naman itong napaisip pero sa huli ay ngumisi rin at tumango. Sa kanila ako nakikitira simula noong mapadpad ako sa pier ng San Andres. They let me stay in their house for free. Maliit lang iyon at style kubo. May dalawang kwarto ang bahay at malinis.

Kahit anong pilit ko magbayad mula sa perang nasa wallet pero tumanggi ang matanda. Sa kanila raw muna ako manirahan hanggang andito pa ako sa San Andres. Tinanong lang ako ng lolo nina Titing kung saan ako galing, wala naman akong maisagot na maayos maliban sa lulan ako ng barkong dumaong. Kinuwento ko na lang na taga-Manila ako at sinabi ang tunay kong pangalan.

They are good people and very welcoming but they trust easily. Sabi ni Mang Kanor, hindi raw masamang tumulong sa kapwa kahit hindi lubos na kilala, wala raw pinipili ang pagtulong. Kung mayroon daw akong gagawing masama sa kabila ng pinakita nilang kabutihan, konsensya ko na raw iyon.

I felt glad that these people still exist in this society. They are just pure.

Isinama nila ako sa Alibijaban. I left the island but I found myself set foot on another beautiful paradise again. It's an island called Alibijaban but Pulo for the locals.

indi pa gaanong kilala ang isla pero may pailan-ilan na ring dumadayo rito. It still has no restaurants, hotels and such fancy things other beaches have. May maliit iyong komunidad. Ang mayroon lang ay mga kubong pinaparenta para sa mga turista o kaya ay tents, at kinukuha pa mula sa mga poso ang tubig sa paliligo at kahit paglalaba which I had to experience myself. And I want it to stay that way.

Wala rin silang washing machine. Minsan ipinaglalaba ako nina Badiday at ng dalawa niyang kalaro. Binibigyan ko na lang sila ng pera o kung minsan nililibre ng gusto nilang pagkain. Kahit pisong junk food, masaya na sila. Negosyo raw nila iyong magbabarkada.

Tumutulong na lang sa gawaing bahay. Ako na ang naghuhugas ng plato at naglilinis ng bahay. Iyon na lang ang kaya kong magawa para sa kanila.

Ipinakilala ako nila bilang kaibigan ng amo ni Badette—ang nanay ng dalawang bata na anak ni Mang Kanor para makaiwas sa mga tsismis at para na rin sa kaligtasan. Nangangamuhan daw iyon sa Manila at minsan lang umuwi.

Bangkero si Mang Kanor, naghahatid-sunod siya sa mga pasahero mula sa pier papuntang Alibijaban. Iyon ang kanilang hanap-buhay, katulong niya ang kanyang mga apo minsan. Kagaya noong matagpuan nila ako. Grade four na pagpasok si Titing samantalang maggra-grade two na si Badiday.

Palaisipan pa rin sa akin ang wallet na ibinigay ng batang lalaki. Alam kong si Trigger iyon. Siya lang naman ang kumuha ng larawang iyon. Does that mean he know where I am? They know? Alam niya rin ba kung nasaan ako ngayon?

Hindi ko alam, ang mahalaga hindi naman siya nagpapakita sa akin and I don't feel I'm being stalked. Maliban na lang noong isang araw na umuwi si Badiday na may dalang iba't ibang prutas, gulay, chocolates at groceries.

I asked her where the supplies came from. Sabi ng bata may nagbigay daw sa kanya. Pinag-aralan ko ito na 'wag na lang basta basta tatanggap sa kung sino sino. Iba ang pakiramdam ko roon.

Inirapan lang ako nito, tatanggapin niya raw iyon at sayang ang grasya at imported na chocolates, kusa naman daw binigay. Napanguso na lang ako.

Sinabi ko iyon kay Mang Kanor, may mga turista raw na nagbibigay ng ganoon kung minsan. Ang ipinagtataka ko lang, mas marami ang napunta kay Badiday kaysa kana Bebang at Vikray na kalaro nito.

Ang galante naman ng taong iyon kung ganoon. Paborito raw siya noong nagbigay ayon kay Badiday kaya sa kanya napunta ang 'grasya'.

I asked her about the appearance. Pina-describe ko iyon sa kanya. Sinagot naman niya ako ng may ilong, may mata, may bibig, may ngipin, may kilay, may buhok, gwapo daw iyon tapos macho.

Minsan ang hirap niyang kausapin.

"Isang halo-halo, tatlong banana cue, tatlong turon at limang mangga 'yong maliliit lang," sabi ko sa tindera.

"Thirty-five lahat. A-plastic ko pa?"

"'Wag na. May dala kaming plato." Inabot sa kanya ni Badiday ang dala naming plato. Pinasadya ko na iyon para paglagyan ng meryenda namin.

Binigay ko kay Badiday ang kanyang halo-halo, ako na ang nagdala ng meryenda pauwi sa kanilang bahay. Agad akong nagbalat ng mangga nang makarating kami sa bahay. Natatakam ako sa alamang.

Pinagsaluhan namin ni Badiday ang meryendang binili ko. Nagtira lang kami para kana Titing at Mang Kanor na magkasama sa paghahatid sa mga pasahero papuntang Alibijaban. Rented yata ang bangka nila ngayon para sa isang balsa.

Marami rin namang nagagawa sa isla kahit hindi ito gaanong moderno. And I prefer this kind of place than any other beach—maganda, not polluted, preserved ang resources. At may maio-offer na kagandahan ng nature.

I was folding my clothes when Badiday entered the room. Magkasama kami sa kwarto habang sa kabila naman si Mang Kanor at si Titing.

"Anong inagawa mo?" Sabi niya at sumampa sa kama. "Ah, naga-tipig."

"Ha?"

"Ha? Hakdog. Bakit blue ang mata mo? Anak ka ba ng Amerikano?" tanong nitong nakamaang sa akin.

"I don't know kung pure. Kung oo, edi half ako." sagot ko.

Napakamot siya sa ulo. "Ano ba 'yan. Oo at hindi man lang ang sagot. Dami mo pang inasabi. Inapahirapan mo lamang ako ay."

Natawa naman ako. Napatingin ako sa paa niya. May dumi pa iyon. "Hep—"

"Hurey! Mamaya na ako magalinis, magalaro pa man ako." Itinaas niya na lang ito at hindi inilapat sa ano mang gamit.

"Ikaw bakit Badiday ang name mo?" I asked her.

"Sa kanila mo itanong, hindi ko naman ginusto. But it is beri yunik." Mas lalo akong natawa sa sagot niya.

Pareho kaming napatigil ng may sumigaw sa labas. Kinabahan ako. Halos lahat ng kapitbahay ay sumilip kung anong nangyayari. Patakbo namang lumabas si Badiday. Hindi ko na ito napigilan. Humabol naman ako sa kanya. Baka kung anong nangyayari, mapahamak pa ang bata.

Narinig ko ang pag-uusap ng dalawang matandang babae at lalaki at isang ale na sa tingin ko ay ang kaninang sumigaw. Nakapalibot ang mga taga-roon kahit ang mga kabataan.

"Dalawang lalaki ang inanod dito sa may bakawan. Inakilabutan baya ako ay." Sabi noong ale.

Mabilis ang tibok ng puso ko. Alam kong hindi naman lahat ng pagpatay ay konektado sa akin, but witnessing it and knowing my relatives were dead. May parte sa akin ang may namumuong kaba sa tuwing makakarinig ako ng mayroong namamatay.

"Taga-atin ba?" tanong noong lalaki.

"Para man daw hindi. Ay awan laang. Wala mang parang nakakilala. Itinawag na raw kay mayor." sagot ng isa.

"Hindi naman pala atin. Baka inanod lang o itinapon malapit dito. May patrol naman sa gabi, doble ingat na lang. Pero hindi naman 'yon atin kaya 'wag masyado nerbiyosin. Iwasan ang pagkape kahit tanghaling tapat. 'Wag baya kayo at baka lalong magsialisan ang mga turista. Hindi naman iyon nangyayari, safe naman itong bayan natin kaysa sa iba,"

Natigil ang diskusyon. Matapos iyon ay bumalik ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa. Kumalma na rin ang kaba ng tao. Hindi ako mapalagay. Tatanda ako ng maaga sa sobrang pag-iisip

Bakit naman kokonekta sa akin ang mga patayang nagaganap. Malayo na ako sa kanila. Tatlong linggo na rin silang hindi nagpapakita sa akin. Maybe, Trigger honored the deal.

I sighed. Hinanap ng mata ko si Badiday. May nakita akong kinakawayan nito sa hindi kalayuan.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung namamalik-mata ako at pinaglalaruan ako ng imaginasyon ko, pero mukhang si Trigger iyon.

Tumakbo ako papalapit kay Badiday para mas maaninag ang papalayong lalaki. Hinabol ko ito para komprontahin. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para gawin ang bagay na iyon. Mukha namang wala itong kamalay-malay sa paligid. Pasakay na ito ng bangka.

Hinablot ko ang kanyang kamay pero nadismaya ako ng humarap ito. Ibang tao. Hindi si Trigger. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko bang hindi siya ang inaasahan ko.

Ibig sabihin noon ay wala siya rito. Wala siya sa isla. Hindi niya ako sinundan. Bakit parang may pait ang tono?

Nag-sorry ako sa lalaki at nahihiyang bumalik kay Badiday na may ekspresyong hindi ko mawari.

"Bakit mo inahabol 'yong lalaki?" she asked.

"Wala lang. I thought it was someone I knew." mapaklang sagot ko. "Bakit mo kinakawayan? Close kayo?"

"Trip ko lang. Baka magustuhan ako."

Napanguso ako. "Ang bata mo pa," sabi ko.

"Luh, walang bata bata sa pag-ibig." Sinamaan ko ito ng tingin. "Juk lang," tumakbo ito pabalik ng bahay.

Naiwan naman akong nakatanaw sa papalayong bangka. Ano nga bang gagawin ko kung nagkatotoong si Trigger iyon? Why would I confront him?

Dapat umalis na ako kung natunton niya ako rito. Dapat muling magpakalayo-layo na ako. Pero saan ako pupunta kung ganoon? I can't stay in the city. Mas magulo sa Metro. Mas mapanganib.

I miss him. I know. No need to deny, I miss him.

Hindi ko na alam. Gulong - gulo na ako sa sariling nararamdaman.

***

Maaga akong napabangon at nagtungo sa banyo para sumuka. Parang hinahalukay ang tiyan ko that I have to vomit in this early morning.

Wala naman akong naisuka, parang mga laway lang. Hindi ko alam kung anong problema sa akin. Masama ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. I feel dizzy all of a sudden.

Nakatunghay sa akin si Badiday ng pabalik na ako sa loob. She's looking at me, wide-eyed.

"May sakit ka?" tanong niya sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko. Sabay naman kaming pumasok sa loob.

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko," sagot ko sa bata.

Bumungad sa amin ang nagkakapeng mag-lolo. "Magandang umaga po," bati ko sa matanda.

"Ate Ara, nagasuka ka raw? May sakit ka ba?" singit ni Titing na kumakain ng tinapay at inilalagay sa kape.

"Maupo ka muna at kumain ng tinapay, baka ika'y nalipasan ng gutom. Badiday, ipagtimpla mo ng gatas ang ate Ara mo,"

"Ako na lang po ang matitimpla."

Pero dali-dali nang sumampa si Badiday sa mesa at nagtimpla ng gatas ko. Nahihiya man, naupo na lang ako sa tabi ni Titing. Inabot sa akin ng bata ang pandesal. Kumuha naman ako at marahang kinain habang pinapanood ko si Badiday sa kanyang ginagawa.

Natutuwa ako sa dalawang bata, marunong na kasi sila sa mga gawain at their age. Pitong taon lang si Badiday, samantalang sampu si Titing.

"'Tay, noong isang araw pa 'yan siya nasuka," kuwento ng bata.

Totoo naman, hindi ko rin maipaliwanag kung bakit sumama ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Ngayon lang iyon nangyari sa halos magdadalawang buwan ko ng pamamalagi rito sa kanila.

"Sumama kayong dalawa mamaya sa bayan, magpa-check up ka. Ilang araw na pala iyang nangyayari hindi mo pa sinasabi sa amin."

"Tuwing umaga lang naman po nangyayari," paliwanag ko.

Minsan sa gabi rin. Tapos minsan may pagkakataong nahihilo ako.

"Doon sa napanood ko sa tibi nina Vikray, kapag may nasusuka ibig sabihin buntis. Ganon sa mga teleserye tapos sinasampal sila ng magulang nila, tapos ayaw noong lalaki sa beybi," inosenteng pahayag ng bata.

Pareho naman kaming napipilan ni Mang Kanor. Pareho kaming nagpatihulog sa malalim na pag-iisip.

The kid has a point. It could be true. I could be pregnant. I had sex with Trigger without protection. Maraming beses. Hindi naman niya ako tinigilan simula ng inalok ko siya ng deal. He fucked me senselessly. Kinakabahan ako. Am I ready to be a mother?

Namula ako ng dumaan sa utak ko ang imahe niyang nakahubad. Pasimple kong tinapik ang sarili ko. Ang halay ng utak ko!

"Regular ba ang buwanang dalaw mo, anak?" Mang Kanor asked. "Pasensya na kung nanghihimasok ako."

Mas lalo akong kinabahan at namutla ng na-realize kong halos magdadalawang buwan na rin akong hindi nireregla. Why did I miss that? Pinagpapawisan ang kamay ko ng malamig. Am I pregnant? Oh my God! I need to make sure.

"Hindi pa po ako dinadatnan," nahihiyang sagot ko. Tumungo na lang ako.

"Hindi ka namin huhusgahan, 'di namin alam ang pinagdaanan mo. Sana kung totoong may buhay nga d'yan sa tiyan mo, alagaan mo." Tumango naman ako. "Kumain ka na. At dapat ngayon ay masustansya ang kainin mo para sa bata. Alagaan mo ang sarili mo, may isa pang buhay na nakasalalay sa'yo,"

"Salamat po,"

Lintek na Trigger 'yan, mukhang nag-iwan pa ng panghabang-buhay na souvenir. Kung sakali man, sana kamukha niya. He or she will be the reminder of his father.

Nang matapos kaming kumain, nagpatabo ako ng panligo kay Titing sa poso. Inabisuhan na rin ako ni Mang Kanor na huwag magbubuhat ng mabibigat. Agad akong naligo at naghanda sa pagsama papuntang bayan.

I still have my money. Malaki pa iyon. Wala pa sa tatlong libo ang nagagastos ko. There's a fifty thousand cash in there. Mayroon din doong card, akin talaga ang card na iyon. Iyon ang credit card ko na ginagamit sa naka-freeze kong account. Dito pa lang, I know Trigger knows where I am.

Kahit anong deny ang gawin ko, alam niya. But it's a good thing, hindi siya nagpapakita.

Labing-limang minuto ang itinagal namin sa bangka bago kami nakarating ng pier. Agad namang inayos ni Mang Kanor ang bangka at tinali iyon sa nakalaang talian ng bangka.

"Mag-side car na kayo papunta ng center. Hindi ko na kayo masasamahan. Si Badiday na lang ang sasama sa iyo papunta roon. Maalam naman 'yan sa pasikut-sikot sa bayan."

Si Badiday ang kinausap ni Mang Kanor sa gagawin namin. Tumango-tango lang ang bata, hindi ko alam kung may naintindihan siya. Badiday is a smart kid, marunong siya at madiskarte.

Hindi kami masasamahan ni Mang Kanor dahil may sitado ang bangka niya at kailangan nila iyon para sa hanapbuhay. Kahit anong pilit ko, hindi nila ako pinagbabayad. Si Badiday at Titing lang ang nabibigyan ko ng pera.

"Sidecar!" sigaw ni Badiday sa nagpipidal ng bike na may sakayan at beach umbrella bilang panangga sa init ng araw.

Sumakay kami roon, pang-apat na beses ko pa lang nakakasakay sa ganoon. And it feels so good. Tumatama ang hangin sa balat ko pero fresh pa rin naman iyon hindi gaya ng nasa lungsod.

Tumigil kami sa isang clinic. May ilang pasyente na ang naandon. Bumaba kami ng sidecar.

"Magkano po?" tanong ko.

"Sixty po, mam."

"Hoy, kuya! Ano manang mahal niyang. Sampu lang ang isa. Taga-rito ako," litanya ni Badiday.

Akala siguro nito maiisahan niya ang batang kasama ko. Inabutan ko na lang ito ng forty pesos. Mukha nga siguro akong turista. I got the blue eyes from my dad. Hindi naman talaga ako taga-rito.

Agad kaming pumasok sa clinic. Nakahawak sa braso ko si Badiday. Kinakabahang hawak ko naman ang wallet na dala ko.

"Ano pong kailangan? What do you need? Do you understand Tagalog?" Someone approached me. It's a midwife. Tumango naman ako sa kanya.

"Pregnancy Test Kit po?" nag-aalangang sagot ko.

"Sandali, maupo ka muna doon," Itinuro nito ang upuan sa may gilid. That's the waiting area, I guess. Naupo kami roon ni Badiday. Ilang sandali pa ay pinalapit kami sa isang desk.

"Anong pangalan? Ilang taon? Taga-saan?" sunod-sunod na tanong nito.

"Aramis Eduardo, twenty-four..." tumingin ako kay Badiday.

"Sa amin 'yan siya nakatira sa Pulo," sagot ng bata.

"Okay, barangay Alibijaban. Ilang linggo o buwan ka ng hindi nireregla? Kailan huling nakipagtalik? Gumamit na ba ng pregnancy test kit? Pangalan ng asawa?"

Hindi ko maiwasang hindi pamulahan sa mga tanong kasama ko pa naman si Badiday. Walang preno ang tanong ng midwife. "I think, it's gonna be two months. One month and a half na 'yong last s-sex. Hindi pa ako nakakagamit ng PT." Humugot ako ng paghinga. "Wala akong asawa."

Binigyan niya ako ng isang pregnancy test kit at isang cup na malinis. "May CR sa kanang bahagi, you can take the test there. Isang guhit ibig sabihin wala, dalawang guhit, congrats you're gonna be a mother."

Pinaupo ko muna si Badiday sa waiting area. Pinahawakan ko rin sa kanya ang dala kong purse. Dali-dali kong sinunod ang instruction nang midwife. I peed on the plastic cup. Tapos nilagay ko iyon sa PT.

I waited for it to have a line or lines. Kinakabahan ako. Nanginginig ang tuhod ko. I closed my eyes and opened it until I am ready. Binuksan ko ang mata ko.

Two lines.

Natutop ko ang bibig ko. I am pregnant. Oh my God!

Two lines.

There's a life inside me. May nabuong bata sa tiyan ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Kinakabahan ako para sa amin pareho ng magiging anak ko. Sinabi ko iyon sa midwife. She congratulated me. Ngumiti lang ako. Maraming naglalaro sa utak ko ng mga panahong iyon.

Kinuha niya ang weight and height ko, pati ang blood pressure na normal naman. At ini-schedule para mismong makausap ang doctor sa araw ding iyon.

"Good morning,"

A young woman in white uniform greeted me. Maganda ito.

"Hi, what's your name? I'm doc Gabby. Please, sit down and don't be afraid. We're just gonna talk. Do you understand Tagalog?" Tuloy-tuloy nitong pagsasalita.

Umupo ako sa upuang nasa harap niya. "Good morning. Nakakaintindi po ako ng Tagalog. I'm a Filipino citizen. Sa Pilipinas ako lumaki." Mahinahon kong sagot kahit andito pa rin ang kaba.

"Kinakabahan ka ba? Don't be. But it's normal for a first-time mother to be nervous about it. Iyong iba pa nga nagkakaroon ng anxiety because of that. Iniisip nila kung paano palalakihin ang bata, kung handa na ba silang magpalaki. But the real deal here, kung paano mo aalagaan ang magiging baby mo in nine months kasi wala kang palalakihin kung hindi naging maaayos ang baby mo sa siyam na buwan." Mahaba niyang sabi.

Tumango naman ako. She has a point on that.

Their facilities lack a bit. Inabisuhan ako nito na pumunta ng Catanuan o Lucena o Manila para doon magpa-check up. I need to have a full blood test, urine test, cervical screening, screening for Down syndrome and test for vitamin D deficiency that if not tested can affect the baby and my life will be at risk for this pregnancy.

She asked me if I'm taking medications, smoking or drinking. Umiling lang ako. Hindi ko naman talaga ginagawa iyon. Mayroon din siyang ni-recommend na vitamin and mineral supplements and discussed about my prenatal appointments.

"Eat foods that are rich in Vitamin C and D and very nutritious para sa inyo ni baby. You need to be healthy, para walang health risks for the both of you. Mahirap na. Kahit ang paglilihi, dapat masustansya pa rin ang pagkain. And be reminded, at this point, nabubuo na ang taste ni baby, according to studies, pregnancy will determine if a child will be a picky eater. It's just a reminder."

Nagpasalamat ako sa magandang doktora bago lumabas ng kanyang office. Talking to her makes me realize things. This is real. I'm gonna be a mother. It wasn't planned pero malugod kong tinatanggap. At may parte sa akin ang sobrang nae-excite sa isiping may baby na sa tiyan ko.

May maganda ring dulot si Trigger. Thanks to his sperm.

I will schedule my check up immediately. Kailangan ko ng pumunta bago matapos ang linggong ito. Kakausapin ko si Mang Kanor. Kung hindi makakasama ang matanda sa akin ay mapipilitan akong si Badiday ang isama ko.

Nakangiti akong nagtungo sa waiting area kung saan ko iniwan si Badiday. Humahagikhik ang bata. Agad ko itong nilapitan.

"Why are you laughing?" I asked her curiously.

Napatingin naman ito sa akin at pinilit na magseryoso pero hindi naman nagtagumpay. Tumawa ito.

Pinisil ko ang pisngi niya. "Wala. Ang tsismosa mo pala. Masama bang maging masaya?" Kiniliti ko si Badiday at tawa naman ng tawa, pinipilit akong tumigil. Nang humupa siya ng pagtawa, ibigay niya sa akin ang pinahawakan kong wallet.

"May baby ka na?" Nanlalaki ang matang tanong niya. She was eyeing me. Tumango ako at ngumiti.

"Mabili na ba tayo ng gamit ng baby? Mabili tayo ng gatas para kay baby. At sabi nong... ko, we need to eat healthy puds. Mag-side car na lang uli tayo papuntang palengke." I just nodded.

"Ate Ara, paano ba nabubuo ang baby?" tanong niya habang papalabas kami ng public clinic. Inubo ako sa tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Baka kapag sinabi ko kung paano nabuo ang baby ko, mawala ang kainosentehan niya.

"Sabi ni Vikray manood daw ng porn para malaman. 'Yon daw nagaturo kung paano,"

Halos maubo ako sa sinabi niya. "Bawal 'yon sa bata! Papaluin ka kapag nanood ka ng ganon."

"Edi hindi ko sasabihin."

"Badiday!"

She laughed.

***

"Ano 'yan?" tanong ko sa kanya ng umuwi ito ng maraming dala. Mukhang hirap na hirap ito sa pagdadala. Kasunod nito si Vikray pagpasok sa loob na may dala ring supot. Hindi nila kasama ngayon si Bebang.

"Grasya. Ba't ka ba nagwawalis? Buntis ka. Baka mapaano si baby. Malilintikan ako tamo," hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil nakapasok na ito ng bahay.

Sinundan ko naman sila at pumasok na rin ako. Inalagay ko lang ang walis at dustpan sa isang gilid.

"San mo 'yan nakuha?" I asked being skeptical.

It's another bunch of groceries. Madaling araw pa wala si Badiday at hindi ko alam kung saan nagpunta. Akala ko ay bumalik din ito agad at may naramdaman akong nakayakap sa akin. Naalimpungatan ako ng bumangon siya pero agad din akong ginupo ng antok.

Maybe, because of my hormones. Tanghali na rin ng magising ako.

May itinabing pagkain sa mesa tuwing magigising ako. Kakainin ko na lang iyon. They really treat me as a visitor. Agad akong naglinis ng bahay, samantalang nagwalis ako sa harap. That's the only thing I can do for them. Kahit sa ganoon man lang maging maayos.

"Saan nga galing 'yan?" muling tanong ko.

"Nangalakal kami ni Vikray kanina tapos binenta namin, nakisuyo ako kay Kuya Tasyo na ibili kami ng ganito. Ayos ba?" tinaas niya pa ang kanyang dalawang kilay.

"Ya, hindi ngani! Binigay ngani 'yan sa atin nong gwapo," pagtutol ni Vikray kay Badiday. Nakita ko namang sumimangot si Badiday. Sinamaan niya ng tingin ang kalaro.

"Tanga ka! Isusumbong kita! Hindi ka na bibigyan noon!" Badtrip nitong wika.

Kinuha nito ang dalawang supot at binigay kay Vikray. Inirapan lang din ito ng bata at umalis ng bahay dala ang supot na sa tingin ko ay hatian nila. Pero hindi naman patas iyon. Mas marami ang supot ng alaga ko.

Inilabas niya ang nasa sa supot habang may sinasabi. Hindi ko iyon marinig dahil mahina iyon. Dalawang gatas na in can ang nilabas niya indicating for pregnant woman, kaya naman pala hirap na hirap siya, ang dami noon.

There are also dairy products, yogurts from an international brand, potatoes, broccoli and other leafy green vegetables, fruits such as avocados, oranges, mangoes, apples, grapes and a lot more. Tapos may chocolates din doon na nilantakan na ni Badiday.

Mas lalong nakakapaghinala.

"Saan mo nga nakuha 'yan?" nakapameywang kong tanong.

"Badtrip ako! Buti nga binibigyan kita ng grasya!" Inirapan ako nito at kumain lang ng chocolates.

Hindi niya ako pinansin. Lumabi naman ako.

Gago talaga 'yang si Trigger. Ginagamit pa ang bata, ayaw namang magpakita.

I miss him terribly, I just want to see him and taste his lips again. Pero hindi ibig sabihin noon bati na kami. Ugh, my hormones want to see him, not me. He knows everything.

Ibig sabihin ay nasa paligid lang siya. But he chose not to show himself to me. Kaya ginagamit niya ang bata sa pakulo niya.

Alam ba niyang nasa sinapupunan ko ang sperm niya?

Kinuha ko ang avocado at mangga. Inalis ko pareho ang buto nila nang magayat ko. I cut the flesh into chunks, sprinkled them with pepper and put the yogurt in it. Iyon ang kinain ko. It looks delicious and smells so good.

"Ano 'yang kinakain mo?" usisa ni Badiday.

Gulong-gulo itong tumingin sa akin. She stared at me like I'm so weird. Well, pregnant woman has a weird taste. Others are weirder than me. Hindi pa nga ito weird e, edible pa rin kahit sa normal.

Pinatikim ko iyon sa kanya.

"Yak, iw!" Hindi maipinta ang kanyang mukha. "Lasang tae!"

I stuck my tongue out at her. Sarap na sarap ako roon. It's really weird how I crave for foods that I won't eat in a normal basis during pregnancy. I wasn't a fan of avocado. I will eat it if I don't have a choice for food.

"What do you want for lunch Badiday?"

"Kahit ano, basta 'wag lason." Seryoso niyang wika. "At 'wag 'yang inakain mo."

I cooked using the supplies she got from Trigger. I made a crab salad sandwich, parmesan chicken tinders and rice.

Nauna na kaming kumain ni Badiday dahil maya-maya pa darating si Mang Kanor at Titing. Sarap na sarap ang bata sa luto ko kaya naman ng matapos kaming kumain ay nakatulog ito. Iniwan ko muna si Badiday sa kwarto dahil mukhang hindi naman iyon magigising ngayon.

Naglalakad-lakad muna ako sa may dalampasigan para bumaba ang kinain ko. Maraming turista ngayong naliligo sa dagat. Marami rin ang nasa balsa. Pinagmasdan ko lang ang mga tao habang masaya silang naliligo. Iyong mga batang taga-rito, sanay na sanay maglangoy.

Pumupunta na lang sila sa dagat kahit hindi nababantayan ng magulang. Wala namang insidenteng may nalulunod. They are just so veteran.

Napatili ako ng biglang nabangga ako ng isang bata sa side. Nagpapanic ako. Na-out balance ako. Bago pa man ako bumagsak sa buhanginan. A pair of strong arms held me tightly. Nagmulat ako, but the sunlight is blinding me. Hindi ko maaninag ang lalaki.

I know the smell. I know the built. He didn't say a thing. It's Trigger. Hindi ko lang mapagmasdan ang kanyang mukha sa liwanag.

"Tri—"

Agad niya akong itinayo nang marinig ko ang palahaw ni Badiday. Mabilis ang ginawa kong hakbang palalapit doon. Umiiyak ito ng puntahan ko. Mukhang kagigising pa lang niya at disoriented pa. Nang makita ako nito ay agad niya akong niyakap. Humihikbi pa rin ito.

"Saan ka galing? Bakit ka umalis? Wala akong kasama!" Pinatahan ko siya habang nakayakap sa akin.

"Oh, anong nangyari? Bakit 'yan umiiyak?" bungad ni Mang Kanor nang makita ang ayos ni Badiday. Si Titing naman ay umakyat sa mesa para tingnan kung anong pagkain.

"Hindi po ako nadatnan sa paggising," paliwanag ko. Inalo ko pa rin si Badiday.

"Oh, siya, mamaya na iyan. May naghahanap sa iyo sa labas."

Kinabahan ako sa narinig pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanila. Inihiga ko naman si Badiday na tahan na. Lumabas ako ng bahay kahit sobra ang dagundong ng puso ko at nagulat ng makita kung sino ang tinutukoy ni Mang Kanor.

"Dylan?!" I thought it was Trigger. I was a little bit disappointed.

"Aramis!" Mabilis nitong hinakbang ang mga paa papalapit sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Are you alright? Matapos ang nangyari sa pamilya mo, agad kitang pinahanap. Good God, you're okay." Nakangiti niyang wika.

He kissed my forehead. Hindi naman agad ako nakapag-react sa nangyari. Mukhang maayos na ito mula nang huli kong makita. Binangga siya ni Trigger.

"Are you listening?" doon lang ako bumalik sa katinuan.

"Ha? Sorry, I spaced out."

"Sabi ko, sumama ka sa akin. I'll keep you safe, Ara. No one can harm you."

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.2M 41.9K 28
(COMPLETED) Alexandra Sarmiento always wanted to end up with a woman, and even though she could feel attraction towards men, she couldn't imagine hav...
33.3K 1K 35
The darkness of the present that continues to eat the hope remains in herself, the pain she used to ignore, the love she never had. All those disappe...
4.6M 120K 58
ROMANCE|MATURECONTENT|LIGHTDRAMA Khrystal comes from a wealthy family in Vista Querencia. She has everything in life; looks, power, money. But despit...
37.3K 813 18
He's invisble, she's trying to be invisible. Now there's something in their hearts that starting to form. Will they choose to not see it and let it b...