'Son-in Law who surpasses the...

By NonockMejino

4.1K 975 68

Biyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang... More

TINITINGALA NG LHAT
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER XXX
CHAPTER XXXI
CHAPTER XXXII
CHAPTER XXXIII
CHAPTER XXXIV
CHAPTER XXXV
CHAPTER XXXVI
CHAPTER XXXVII
CHAPTER XXXVIII
CHAPTER XXXIX
CHAPTER XL
CHAPTER XLI
CHAPTER XLII
CHAPTER XLIII
CHAPTER XLIV
CHAPTER XLV
CHAPTER XLVI
CHAPTER XLVII
CHAPTER XLVIII
CHAPTER XLIX
CHAPTER L
CHAPTER LI
CHAPTER LII
CHAPTER LIII
CHAPTER LIV
CHAPTER LV
CHAPTER LVI
CHAPTER LVII
CHAPTER LVIII
CHAPTER LIX
CHAPTER LX
CHAPTER LXI
CHAPTER LXII
CHAPTER LXIII
CHAPTER LXIV
CHAPTER LXV
CHAPTER LXVI
CHAPTER LXVII

CHAPTER 6

67 13 0
By NonockMejino

KABANATA 6

Napatingin si Nonack kay Pearl. Kung hindi siya nagkakamali, siya na nga ang secretary na nabanggit nito noong nakaraan.

"Pasensya na Mr. President, hindi ko po sinadyang ma-late. Natraffic po kasi kami papunta rito..." mahinahong nagpaliwanag ni Pearl habang iniiwasan ang pagtingin nang direkta sa mata ni Nonack at bahagyang yumuko.

"Anong kalokohan ang pinagsasabi mo, Pearl!" Humakbang paabante si Penelope. Dito na nabahiran ng kaunting galit ang napakaganda niyang itsura.  "Siya ang bagong security guard ng kumpanya natin, kaya bakit mo siya tinatawag na Mr. President?"

"Bagong security guard?" hinanap ni Pearl sa dala dala niyang handbag ang isang picture. Kinumpara niyang maigi ang itsura ng lalaki sa picture at ang mukha ni Nonack at nagmamadaling sumagot kay Penelope. "Hindi po ako nagkakamali, Ms. Peach. Siya po ang bagong presidente ng ating kumpanya na si Mr. Wayne."

"Ano?" Napanganga ang mga taong nakikiusyoso sa kanilang paligid habang hindi mapakaniwalang nakatitig kay Nonack!

"Uhm Miss, si... sigurado akong namamalik mata ka lang hindi ba?" Napakagat na lang nang husto sa kaniyang bibig si Janelle habang nakatingin kay Pearl. "Kilala ko lang lalaking iyan, siya si Nonack na naging kaklase ko noong high school. Tingnan mo kung gaano siya kadungis para maging president ng kumpanya hindi ba?"

Paano itong nangyari! Bakit magsusuot ng mumurahing damit at gagamit ng isang electric bike ang isang presidente ng kumpanya? Wala ring nagawang bumati kay Nonack noong dumalo ito sa kanilang high school reunion nitong nakaraan.

"Nagkamali ako?" Nilabas ni Pearl ang kaniyang cellphone at ipinakita ito kay Janelle. "Basahin mong maigi, mismong kinikilalang ama na ng mga Wayne ang nagsabi sa akin na ang pangalan ng bagong president ng kumpanya ito ay Nonack Wayne! Mayroon ding picture ng bagong president ang kaniyang sinend sa conversation thread naming, tingnan mo!"

Woosh!

Dito na tuluyang nablangko ang isip ni Janelle sa loob ng isang iglap! Nanghina ang kaniyang mga tuhod at hindi na nagawa pang tingnan nang direkta sa mata si Nonack.

Habang napapakagat naman nang husto sa kaniyang labi si Penelope. Bilang deputy manager ng Platinum Corporation, mayroon siyang mas mataaa na posisyon kaysa sa karamihan ng mga empleyado nito. Pero pagmamayari pa rin ng mga Wayne ang Platinum Corporation. Kaya hindi siya makapaniwala na pinagbantaan niyang tanggalin ang mismong presidente ng kumpanya....

"Mister Nonack..." Namutla nang husto ng mukha ni Penelope, naglakad siya papalapit kay Nonack at dahan dahang bumulong dito.

"Sa pagkakaalam ko, hindi iyan ang dapat mong itawag sa akin," tawa ni Nonack. "Tita ka ng kaklase kong si Janelle. Kaya hindi nababagay para sa iyo na tawagin akong mister."

"Mister Nonack, nagkamali ako... Nagkamali po ako, inaamin ko po na nagkamali ako sa inasal ko kanina..." Mahinang sinabi ni Penelope habang nakayuko sa harapan ni Nonack.

Ikinaway ni Nonack ang kaniyang kamay na pumigil sa pagsasalita ni Penelope, tumalikod siya at tumingin sa head of security. Kasalukuyang nakatulala sa mga sandaling ito ang head ng security habang dahan dahang lumiliyad patalikod ang buo niyang katawan na para bang babagsak na sa lupa.

"Tanggal ka na sa trabaho." Walang kahirap hirap na sinabi ni Nonack ang mga salitang ito sa head ng security bago pumasok sa building.

Buong lakas na sumunod ang isang grupo ng mga tao kay Nonack na nagsimula ng mga usap usapan sa mga empleyado na kasalukuyang nasa ground level ng building. Sumunod din sa kaniya sina Janelle at Penelope pero napuno ng pagpapakumbaba ang mga ito. Pinilit pa rin nilang maglakad at makasabay sa bilis ng paglakad ni Nonack kahit na hirap silang maglakad gamit ang kaniyang mga heels.

Masasabi nating engrande ang building ng Platinum Corporation. Sinadya ang paglalagay sa interior nito ng ilang mga mamahaling dekorasyon para mukhang isang palasyo. Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagdating ng bagong president ng kumpanya, kaya mabilis na nagsiyuko ang mga empleyado madadaanan ni Nonack.

Sa 11th floor matatagpuan ang opisina ng presidente. Agad na umupo nang makarating siya sa bago niyang opisina.

"Napakaganda rito" namamanghang isip ni Nonack.
Mula noong itakwil siya ng kaniyang angkan tatlong taon na ang nakalilipas, hindi pa siya ulit nagkakaroon ng oportunidad na makabisita sa mga ganitong klase ng lugar.

"Mr. President..."

Sinundan siya nina Janelle at Penelope papasok sa kaniyang opisina at masunuring tumayo sa harapan ng kaniyang lamesa.

Sa totoo lang, kahit na tita lang ni Janelle si Penelope, nagawa pa rin nitong ingatan ang kaniyang itsura. Kaya magmumukha silang magkapatid sa sandaling pagtabihin silang dalawa.

"Mr. Nonack... Taos puso po akong humihingi ng paumanhin..." Kinagat ni Penelope ang kaniyang labi at nagdalawang isip sa loob ng isang sandali bago muling magpatuloy sa kaniyang pagsasalita "Mr. Nonack, bibigyan pa po ninyo ng tiyansa si Janelle na pirmahan ang kaniyang kontrata sa inyong kumpanya? Gagawin ko ang lahat ng sabihin ninyo sa sandaling payagan niyo siyang pumirma ng kontrata."

"Lahat ng sasabihin ko?" Dito na tumawa nang malakas si Nonack. Pero bago pa man siya makasagot sa sinabi ni Penelope, kumatok si Pearl sa pinto ang naglakad papasok.

"Mr. Wayne, nasa labas po si James mula sa angkan ng mga Perez, nandito raw po siya para makipagnegosasyon."

James Perez? Sapat na ang pagbanggit sa pangalan nito para mapakulo ang dugo ni Nonack.

Tumawa si Nonack at sinabing "sabihin mong umalis na siya."

"Opo, sir."

*****

Sa villa ng mga Perez. Nagpatawag ang kanilang Grandma Perez ng isang emergency meeting na dinaluhan ng daan daang miyembro ng Perez Family.

"Masyadong wala sa lugar ang Platinum Corporation na ito, Grandma!" Namula sa sobrang galit ang mukha ni James. "Nagpunta ako roon para pag-usapan ang partnership ng ating angkan sa kanilang kumpanya nang sabihan akong umalis na lang, umalis na lang! Malinaw na minamaliit tayong mga Perez ng Platinum Corporation."

Napailing na lang sa isa't isa ang mga Perez. Malinaw na wala na silang magagawa pa rito, dahil pumapantay lang naman sa kaniyang kapangyarihan ang kanilang inaasal. Kaya wala  na silang magagawa kung magreklamo sa kanilang mga sarili."

"Tama na." Kumakaway na sinabi ni Grandma Perez. "Narinig kong nasa 20 years old pa lang daw ang bagong presidente ng Platinum Corporation. Masyado pa siyang bata pero may malaki na siyang potential kaya nagagawa niyang magpadalos dalos sa kaniyang mga desisyon. Kahit na naging ganoon ang asal niya sa atin, dapat lang tayong magpatuloy hanggang sa pumayag silang makipagpartner sa atin, ngayon, sino sa inyo ang may gustong pumunta roon?"

Ano?

Gulat na gulat silang tumingin sa isa't isa. Gusto pa rin ng mga Perez na makipag-usap at makipagnegosasyon sa Platinum Corporation para sa isang partnership? Sinabihan na ng Platinum Corporation si James na umalis na lang, pero nagawa pa rin ng mga Perez na magpatuloy sa pangungumbinsi rito? Sino nga ba ang gagawa pa nito para sa kanilang angkan?

Dito na napabuntong hininga si Grandma Perez. Alam niya na walang kahit na sino sa kanila ang naubusan na ng hiya para bumalik muli roon at makipag-usap. Pero kung magagawa naman nilang kumbinsihin ito makipagpartner sa kanila, magiging isa na itong napakalaking biyaya para sa mga Perez! Kaya hindi dapat sila sumuko!

Isinara nang husto ni James ang kaniyang mga kamao at biglang tumayo bago sabihang "Grandma, paano kaya kung si Chen naman ang papuntahin natin doon?"

"James!" Napakagat nang malakas si Chen sa kaniyang labi, alam niyang mahilig talaga maghanap ng gulo si James pero hindi niya inaasahang magiging ganito ito kasama sa kaniya.

"Anong problema? " Tanong ni James. "Kabilang ka rin naman sa mga Perez hindi ba? At saka nangangailangan din pala ang kumpanya niyo ng 5 million dollars tama? Hayaan na natin yung tungkol sa masamang performance ng inyong kumpanya. Ayaw mo bang gawin ito para tulungan ang angkan?"

Pagtapos nito agad na pumunta si James sa tabi ni Grandma Perez at sinabing. "Gusto ko pong si Chen naman ang makipagnegosasyon sa Platinum Corporation Grandma!"

Tumango ang ulo rito ni Grandma Perez. Si James ang kaniyang favorite sa kanilang angkan kaya matapos niyang pakunggan ang hiling nito, dahan dahan siyang tumingin kay Chen at sinabing  "Nasa mga kamay mo na ang tungkol dito, Chen. Magpunta ka sa Platinum Corporation bukas at makipagnegosasyon para sa isang partnership."

"Pero Grandma, hi..."

Gusto sanang magsalita ni Chen, pero ikinaway na ni Grandma Perez ang kaniyang kamay at sinabng "Tama na iyan, tatapusin ko na ang ating meeting."

Sunod sunod na nagsialis ang mga daan daang miyembro na umattend ng meeting pagkatapos magsalita ni Grandma Perez. Natuwa ang bawat isa sa mga ito dahil hindi sila ang napili para bumalik sa Platinum Corporation.

Hindi mapakali si Chen habang pauwi sa kanilang tahanan.
Napakaimposible ng ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang angkan. Paano niya magagawang makipagnegosasyon para sa isang partnership bukas?

Dito na nainis nang husto si Chen at agad na naghanap ng gagawin dahil ayaw na niyang mag-isip pa tungkol sa bagay na ito. Agad niyang tinawagan ang mga niyang sina Kate at Paula para makapaglabas ng hinanakit.

Nang makarating ang matatalik na kaibigan ni Chen, agad na gumaan ang kaniyang loob.

"Nasaan na ang basurang iyon, Chen?" tanong ni Kate habang umuupo sa sofa, dahan dahan siyang uminom ng wine sa hawak niyang wineglass.

Agad na nalaman ni Chen kung sino ang tinutukoy ni Kate at tumatawang sumagot ng umalis siya pagkatapos niyang mag-almusal, hindi pa siya nakakabalik hanggang ngayon."

"Masyadong mahaba ang pasensya mo sa kaniya Chen." Baba ni Kate sa kaniyang wineglass "Kahit ako ay hindi na makatiis sa walang kafuture future niyang itsura. Nangangailangan ng pera ang kumpanya ninyo ngayon, kung mayroon ka lang na kahit may kayang asawa, kahit na hindi niya magawang maglabas ng 5 million, magagawa niya naman sigurong mabigyan ka ng dalawa hanggang tatlong milyon hindi ba? Habang ang basura mong asawa na si Nonack ay hindi man lang makalabas ng Kahit 30,000 dollars."

Habang nagsasalita si Kate, narinig nila ng tunog mula sa pagbubukas ng pinto sa harapan ng kanilang bahay. Dito na nila nakita si Nonack na mayroong bitbit na isang itim na sako habang punong puno naman ng dumi at grasa ang buo niyang katawan.

Buwiset, nagsimula umulan noong makalabas si Nonack sa building ng kaniyang kumpanya para umuwi. Nasira rin ni Janelle ang scooter na ginamit niya papasok kaya kinailangan niyang maglakad at maligo sa ulan para makauwi.

"Oh, speaking of the devil." Sabi ni Kate habang nakatingin kay Nonack.

Hindi na siya nagawa pang batiin ni Nonack, nilagay na lang nito ang itim na sako sa sofa.

"Nagagawa mo pa ring ipakita ang pagmumukha mo sa pamamahay na ito, Nonack?" sabi ng galit na si Samantha habang palabas sa kaniyang kuwarto.

Hindi sana isusuggest ni James na si Chen naman ang pumunta sa Platinum Corporation kung hindi lang nakipag-away si Nonack dito.

Tumitig si Samantha kay Nonack at sinabing. "Mas papangit na nang papangit ang ipinapakita mong pag-aasal, Nonack. Kahit na makalimutan ko pa ang tungkol sa naging away ninyo ni James kagabi, paano mo pa rin nagagawang ipakita sa akin ang pagmumukha mo? Hindi mo ba naisip na nagkakalat iyang sapatos mo ng putik sa loob ng bahay? Masyado ring madumi ang dala dala mong sako pero nagawa mo pa rin itong ipatong sa sofa? Walang pumipigil sa iyo na umalis Nonack!"

Dito na napabuntong hininga si Nonack. Siya nga ang nagkalat ng putik at dumi sa bahay, pero hindi ba't siya rin ang maglilinis nito mula noong tumira siya rito?

Hindi nagalit dito si Nonack, dahil kanina pa sana siya nagalit kung nagpaapekto siya sa mga sinabi sa kaniya ni Samantha.

Walang pakialam na lumapit si Nonack kay Chen at buong ngiting sinabi na "Honey, kailangan ng kumpanya ninyo ng 5 million dollars hindi ba? Dala ko na ito ngayon..."

"Woah." Natawa nang malakas si Kate na nakaupo di kalayuan nang malakas matapos marinig ang mga sinabi ni Nonack at tumitig bago sabihing "Wala na talagang kapantay ang kakapalan ng mukha ng lalaking ito. Hindi ka lang walang silbi, nagawa mo pang ipaalala sa iba ang kanilang mga problema. Oo, nangangailangan si Chen ng five million dollars na hindi magagawang ibigay ng isang basurang kagaya mo, pero nagawa mo pa rin itong isingit sa usapan."

Continue Reading

You'll Also Like

50.9K 2.9K 67
When shrivi goes home after a long time. Who doesn't have her parents' love and family's love for some reason. She had support from her grandmother...
84.9K 2.2K 32
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
178K 4K 64
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad