The Hero Is My Villain

By Monami_Pantasya

621K 30.7K 5.8K

Can you turn the righteous hero into a villain? If someone asked me that question, I would probably give my... More

THE HERO IS MY VILLAIN
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
EPILOGUE

KABANATA 16

13.1K 647 170
By Monami_Pantasya

Kabanata 16.  

"Lady Thana, basahin niyo po itong newspaper" saad sa akin ni Charry at inabot niya sa akin ang dyaryong hawak. Kinuha ko naman ito.

"Kapag nagkaroon na naman ng war ay siguradong tataas na naman ang mga presyo ng bilihin at bukod pa don, mas magiging mahigpit na kaya naman baka hindi na talaga tayo makapunta ulit sa city" pahayag pa sa akin nito.

Naalala ko naman na kailangan ko nga palang magpaalam kay Zyr dahil makikipagkita ako kay Nov para bisitahin ang puntod ni dad. Wala naman akong pake kung mahuli ni Zyr si Nov dahil kahit ganon, dito rin sa DeadLand ang babagsakan ni Nov.

Binuklat ko naman ang newspaper na aking hawak. May mga balita pa rin tungkol sa aming pamilya at sa execution ni dad. Pero iba ang headline ngayon. Tungkol na ito sa nalalapit na war. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang tungkol sa peace treaty.

Sa palagay ko ay ang Radjian Kingdom ang naglabas ng balita na iyon kaya naman nakaabot rin sa Azovian Kingdom. Siguradong gusto talaga nilang magkaroon ng war. They are so confident about it.

Wala pa namang balita tungkol sa desisyon ng hari. Napangisi naman ako dahil ang kaisa-isang tao lang na inaasahan ng hari ay si Zyr at ang malaking battalion nito. Kahit ang Royal Knights Battalion ay hindi maikukumpara sa battion ni Zyr.

Wala naman dapat ikabahala ang hari dahil alam kong porprotektahan ni Zyr ang Azovian Kingdom sa abot ng makakakaya nito. Malakas ang pakiramdam kong magwawagi si Zyr laban sa kahit anong kingdom.

"Lady Thana, kapag nagsimula ang war. Hindi mo na makikita si Duke Yvragne dahil siguradong ilang taon itong mananatili sa battlefield kapag nagtagal ulit ng ilang taon ang war" nakasimangot sa aking pahayag ni Charry.

"Actually, I plan to follow him in the battlefield. I am professionally trained as a swordsman. I don't care even If I die on the battlefield. Aside from that, I am a criminal and criminals are the sacrificial lamb for a war. Minsan ay nilalagay pa ang mga nagvolunteer na kriminal sa frontline" pahayag ko naman.

Hindi naman alam ni Charry kung malulungkot ba siya o magiging masaya sa narinig. Sa huli ay sumimangot lang ito.

"That's a tradegy. A battlefield is not for anyone" pag-apila naman ni Charry.

Napangisi naman ako.

"I am not just anyone"

"Pero baka naman hindi rin matuloy ang war. Baka may maisip na deal ang hari para magkaroon ulit ng peace treaty"  positibong saad naman nito sa akin habang nakangiti.

"Maybe"

"You need to confess first before you die on the battlefield" pahayag naman ni Charry sa akin.

"I'll keep that in mind" saad ko.

"Pero sana talaga hindi matuloy ang war. I hate wars" pahayag nito sa akin.

"Charry, I think it's time for you to do your job" saad ko sa nakaupong si Charry. Mukha itong comfortable sa pagkakaupo at walang balak na kumilos.

"Oo  nga pala, maglalunch na" gulat nitong saad at mabilis na tumayo.

Napailing na lamang ako at nagbasa nalang ng balita sa newspaper.

***

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Commander, bakit mukhang noong isang araw pa kayong wala sa mood?" Tanong ni Garvie sa kanilang commander.

Noong bumalik ito sa dukedom ay mukhang wala na ito sa mood na para bang may nangyaring hindi maganda. Hindi lang si Garvie ang curious dahil maging ang iba pang myembro ng battalion ay nagtataka din.

Kahit kailan ay hindi pa nila nakitang namroblema ang kanilang commander. Kahit sa battlefield ay lagi itong kalmado na para bang nakalkula niya na lahat ng mga posibilidad at ang mga maaaring mangyari.

Nakatayo si Garvie ngayon sa harapan ng desk ni Zyr. Nagbigay siya ng report dito kaya naman naglakas loob na rin siyang itanong iyon.

Hindi naman nagsalita si Zyr na para bang lumampas lang sa tenga niya ang sinabi ni Garvie. Hindi naman natinag si Garvie.

"Commander, kung may problema kayo, pwede kang magkwento sa akin o hindi kaya ay pwede ka rin humingi ng advice. Kahit tungkol saan pa man yan" nakangiting saad ni Garvie.

Curious talaga si Garvie sa laman ng isip ng kanilang commander at gusto niyang malaman kung ano bang bagay ang nakakapagpawala sa mood nito ng buong tatlong araw.

Sigurado naman si Garvie na hindi iyon tungkol sa war dahil para sa kanilang commander ay madali lang ang lahat ng bagay pagdating sa war.

Hindi naman nagsalita si Zyr.

"Commander, minsan mas magandang magkwento sa iba para naman mawala ito sa isip niyo" pahayag pa ni Garvie na walang balak tumigil sa pangungulit dito.

Alam naman ni Garvie na hindi rin palakwento ang kanilang commander pero kailangan niyang makakuha ng sagot mula dito dahil concern sila sa kanilang commander. Kapag nalaman niya ay paniguradong ikukwento iyon ni Garvie sa iba pa.

"I think I made a mistake" bigla namang saad ni Zyr ng hindi inaangat ang tingin kay Garvie.

Nanlaki naman ang mata ni Garvie na para bang may narinig siyang hindi kapanipaniwala. Ilang beses siyang napakurap dahil sa gulat.

Nakagawa ng mistake ang kanilang perpektong commander? Mukhang hindi ata iyon kayang paniwalaan ni Garvie at lalo na kapag nalaman ito ng iba pa.

"Commander, don't joke around. You are so perfect that you can't even make a single mistake" natatawa namang pahayag ni Garvie na para bang nakarinig talaga siya ng isang malaking joke.

Nag-angat naman ng tingin si Zyr kay Garvie. Nawala naman ang tawa ni Garvie ng makita niya ang seryosong mukha ng kanilang commander.

"I am serious. I made a big mistake" malamig na saad ni Zyr na para bang namomroblema talaga siya.

Hindi naman makapaniwala si Garvie.

"What kind of mistake, Commander?" Tanong naman ni Garvie dito.

"You won't understand. Leave now" pahayag ni Zyr.

Hindi naman ito sinunod ni Garvie.

"Tungkol ba saan, Commander? Malakas ang kutob ko na makakatulong ako sa inyo" saad ng makulit na si Garvie.

Nagsalubong naman ang makapal na kilay ni Zyr bago nagsalita.

"It's about someone I want" pahayag ni Zyr.

Nanlaki naman ang mata ni Garvie at alam na niya agad na tungkol ito sa babae. Para bang gusto niyang higitin si Hugo at Lerondo patungo sa kung nasaan siya ngayon lara marinig din ang sasabihin ng kanilang commander.

"Commander, do you like her so much?" Tanong naman ni Garvie dito.

Umiling naman si Zyr.

"It's more than that. More deeper and unknown" sagot naman ni Zyr.

Napatakip naman sa bibig si Garvie na parang isang babae. Napakurap siya ng ilang beses.

"Commander, if it's not like then, you are in love!" Malakas na saad ni Garvie.

Hindi naman pinansin ni Zyr ang napakalakas nitong boses.

Napatitig naman si Zyr sa mga papel na nasa harapan niya.

"Am I?" Hindi niya siguradong tanong.

Mabilis naman na tumango si Garvie.

"No doubt, Commander. If you want to see her everyday, you like her but if you started to want everything about her then it means you are in love"

Masayang nakangiti si Garvie matapos niyang magsalita. Para bang proud na proud siya sa kaniyang sarili na nakapagbigay siya ng advice sa kanilang commander.

"She's really strange. She's cold and indifferent about everything. She looks at me like I am nothing but still, her stare makes my heart beats faster than normal. I thought, I would never experience something like that. It's really weird" pahayag ni Zyr.

Nang marinig ni Garvie ang sinabi ng kanilang commander ay alam na niya agad kung sino ang tinutukoy nito. Walang duda. It's Lady Thana.

"What's weird about being in love? It's normal" pahayag pa ni Garvie.

Hindi naman nagsalita si Zyr. Tumingin lang ito sa lalaking kausap. Wala siyang balak na sabihin dito kung ano talaga siya. His kind is not the type to fall in love. Love is just an empty word for them. A word they usually used just to get everything they desired.

But maybe he's different from the rest of his kind because he's also a half-human.

"Pero Commander, ano ang malaking kasalanan na nagawa mo kay Lady Thana?" Tanong muli ni Garvie.

Nagsalubong naman ang kilay ni Zyr.

"How did you know that I'm talking about Thana?" Tanong  nito.

Hindi naman alam ni Garvie kung matatawa ba siya dahil minsan ay may pagkainosente ang kanilang commander. Hindi na siya magtataka kung bago lang din ang salitang love sa commander nila dahil sa pagkakatanda ni Garvie ay ngayon lang ata nagkainterest ang kanilang commander.

"It's very obvious, Commander. But, what mistake did you do?" Muling tanong ni Garvie.

"Nothing" saad naman ni Zyr.

Napasimangot naman si Garvie dahil akala niya ay malalaman niya na ang kauna-unahang pagkakamali na nagawa ng kanilang commander.

"You can leave now" pahayag pa ni Zyr.

"Yes, Commander" saad naman ni Garvie at wala ng nagawa.

Masaya naman lumabas si Garvie sa office ng kanilang commander. Mabilis siyang naglakad palabas ng mansion at nagturo sa may trainibg grounds.

"Ehem, makinig ang lahat!" Malakas na sigaw naman ni Garvie ng makarating ito.

Magsasalita na ulit sana siya ng may malakas na bumatok sa kaniya. Inis niya itong binalingan ng tingin ngunit nanlaki ang mata niya ng makita ang kanilang vice commander.

"Vice Commander Aleves" gulat na saad ni Garvie.

"If you're done with your report, start training now and don't bother others" pahayag pa ng kanilang vice commander.

Napakamot naman sa batok si Garvie. Lumapit naman si Hugo at Lerondo kay Garvie ng makita nila ito.

"Vice Commander, hindi mo naiintidihan. Isang big news ang dala ko. Si Commander Yvragne, namomroblema sa babae" pahayag naman ni Garvie.

Nanlaki naman ang mata ni Hugo at Lerondo. Maging ang vice commander ay natigilan din na para bang nakarinig sila ng malaking biro.

"Seryoso ako, satin-satin lang 'to—"

Malakas naman na sinapok ni Lerondo si Garvie.

"Satin-satin lang pero handa ka ng isigaw kanina" saad ni Lerondo dito.

Natawa naman si Hugo.

"Commander Yvragne is inlove with Lady Thana!" Malakas naman na pahayag ni Garvie.

Natigilan naman ang lahat ng tao sa training ground na para bang nakarinig sila ng isang hindi kapani-paniwalang balita.

"Garvie, kapag narinig ka ni commamder, suguradong malalagot ka" saad naman ni Deon.

"Huwag nalang kayong maingay at huwag niyong ipahalata na alam niyo na dahil baka mayari talaga ako" pahayag naman ni Garvie.

"Pero kung ganon, buong buhay hindi magkakaroon ng asawa si commander" nag-aalala naman na saad nu Harpey. Lumapit pa ito sa kanila at ganon din ang iba.

Napatango naman ang mga kalalakihan na para bang namomroblema sila para sa kanilang commander.

"Iyon din siguro ang dahilan kung bakit wala sa mood si commander nitong makalipas na araw" pahayag ni Hugo.

"Hindi ko akalain na magkakagusto ang ating commander kay Lady Thana" pahayag pa ng isa.

"Opposites do attract" saad naman ni Lerondo.

"Alright, alright! Get back to your training. You're all gossiping like girls" malakas naman na sigaw ng vice commander nila.

Napasimangot naman si Garvie dahil hindi pa niya naikukwento ang lahat ng mga nalalaman niya.

Lumapit naman si Hugo at inakbayan si Garvie ng magsialisan ang mga kasamahan nila.

"Alam kong may kwento ka pa" nakangising saad ni Hugo.

"Paano mo nagawang mapakwento si commander?" Tanong naman ni Lerondo na sumabay sa paglalakad ng dalawa.

"Syempre, ako pa. I am built different" proud na saad ni Garvie.

"Pero nakakalungkot talaga. Kahit siguro malapit si commander sa hari ay hindi niya ito papayagan si commander na pakasalan si Lady Thana" saad naman ni Hugo.

"Maliban pa don, mukhang plano ni Princess Luquina na pakasalan si commander. Sa oras na sabihin niya iyon sa kaniyang ama ay walang magagawa si commander kundi ang pumayag lalo na kapag naglabas ng royal decree ang hari" saad naman ni Lerondo.

"Pero kung iisiping mabuti, kahit maldita si Princess Luquina ay hindi ito kasing sama ni Lady Thana" saad naman ni Garvie.

"Garvie, nakalimutan mo na bang parehas lang silang mahilig mangtorture ng kanilang katulong? Ang pinagkaiba lang nila ay mas matapang si Lady Thana at marunong humawak ng espada. Kung pagkukumparahin ang dalawa ay sa tingin ko mas lamang si Lady Thana dahil kaya niyang protektahan ang sarili niya at hindi ito madaling umiyak" saad naman ni Hugo.

Napatango naman si Garvie.

"Tama ka, kahit kailan ay hindi pa natin ito nakitang umiyak. Kahit noong nahuli sila ay mukhang wala lang iyon sa kaniya na para bang inaasahan na niya na mangyayari iyon" pahayag ni Garvie.

"Sa tingin ko ay gusto ni commander si Lady Thana dahil hindi ito katulad ng ibang babae na iyakin"

Natawa naman si Hugo at Garvie sa sinabi ni Lerondo. Baka nga iyon ang dahilan. Naalala nilang tatlo na kapag nakikita ng mga babae ang kanilang commander ay gumagawa ang mga ito ng eksena kung saan kailangan nila ng tulong at maglalabas pa sila ng luha para magmukhang nakakaawa.

Napatigil naman sa pagtawa si Hugo at Garvie ng may malakas na pumalo sa likod nila.

"Hindi pa rin kayo tapos? Mga babae ba kayo sa dati niyong buhay kaya hindi kayo matigil sa pagchichismisan?" Saad naman ng kanilang vice-commander kaya naman mabilis na nagsimulang magtraining ang dalawa.

Napailing naman si Vice Commander Aleves dahil sa mga ito.

Continue Reading

You'll Also Like

10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
6.6K 500 39
CTTO Photo: m.vk.com Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: March 1, 2021 Ended: April 30, 2021 Tapestry are weaved perfectly, like the gift...
137K 7.8K 34
Once upon an unfortunate night, Dawn Deavynn Dela Paz died when she slide her foot on the tiles while she was bathing. It was all thanks to the cockr...