'Son-in Law who surpasses the...

By NonockMejino

4.1K 975 68

Biyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang... More

CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER XXX
CHAPTER XXXI
CHAPTER XXXII
CHAPTER XXXIII
CHAPTER XXXIV
CHAPTER XXXV
CHAPTER XXXVI
CHAPTER XXXVII
CHAPTER XXXVIII
CHAPTER XXXIX
CHAPTER XL
CHAPTER XLI
CHAPTER XLII
CHAPTER XLIII
CHAPTER XLIV
CHAPTER XLV
CHAPTER XLVI
CHAPTER XLVII
CHAPTER XLVIII
CHAPTER XLIX
CHAPTER L
CHAPTER LI
CHAPTER LII
CHAPTER LIII
CHAPTER LIV
CHAPTER LV
CHAPTER LVI
CHAPTER LVII
CHAPTER LVIII
CHAPTER LIX
CHAPTER LX
CHAPTER LXI
CHAPTER LXII
CHAPTER LXIII
CHAPTER LXIV
CHAPTER LXV
CHAPTER LXVI
CHAPTER LXVII

TINITINGALA NG LHAT

186 16 0
By NonockMejino


Ito ay isang gawa ng piksyun. Ang mga pangalan, karakter, lugar at kaganapan ay alinman sa produkto ng imahinasyon ng may-akda o ginagamit sa isang gawa-gawa lamang. Anumang pagkakahawig sa aktwal ng mga tao, buhay man o patay o aktwal na mga kaganapan ay purong hindi sinasadya.

DISCLAIMER: ALL MULTIMEDIA/
S HERE IS/ ARE NOT MINE. IT'S FROM MY PARENG GOOGLE.
cttro

*****
SON-IN-LAW WHO SURPASSES THEM ALL

ALL RIGHT RESERVED
COPYRIGHT ©️ 2021 by NONACK

AN: Hindi.po ako professional writer kaya naman asahan niyo na may mga grammatical error at mga typo. Hindi rin ito purong filipino.

KABANATA 1

"Nonack, itapon mo nga itong mga pinaghugasan namin ng paa."

Tatlong mga babae ang makikitang nakaupo sa isang sofa, katatapos lang nilang ibabad at hugasan ang kanilang mga paa. Nagpapakita ng kaakit akit na ganda at class ang mga ito sinumang titingin sa kanila mula sa malayo, mayroon din silang kanya kanyang mga asset. Isa sa mga ito ang asawa ni Nonack habang ang dalawang pinakamatatalik niyang mga kaibigan.

Matapos marinig ang utos ng kaniyang asawa, masunuring itinapon ni Nonack ang maruming tubig mula sa tatlong mga pinagbabarang batsa. Hindi na siya nakagawa ng kahit na anong imik dahil isa siyang manugang na nakikitira sa pamilya ng kaniyang asawa. Kahit tatlong taon na ang lumipas mula noong ikasal sila ng kaniyang asawa, hindi na siya nagkaroon ng lugar sa pamilya ng kaniyang napangasawa. Madalas siyang sinesermonan ng kaniyang asawa at ng kaniyang biyenan sa tuwing nakakagawa siya ng kahit kaunting mali na makita ng mga ito sa kaniyang mga ginagawa. Mas nagawa pang irespeto ng mga ito ang kanilang aso kaysa sa kaniya.

Tatlong taon nang kasal sina Nonack ay Chen Perez, pero mukhang sa pangalan lang ito makikita dahil hindi pa kailanman nila nasusulit ang kanilang pagsasama. Ni hindiang lang niya mahawakan ang kamay ng kaniyang asawa! Sa sahig lang din natutulog si Nonack dahil sa tindi ng inis sa kaniya asawa niyang si Chen.

Paglalaba, pagluluto, paglilinis ng mga kuwarto, ang lahat ng gawaing bahay ay nakatoka kay Nonack araw-araw. Isang araw , kalahating oras siyang sinermonan ng asawa niyang si Chen matapos aksidenteng makabasag ng isang platito habang nagluluto.

Nagkaroon rin ng isang pangyayari kung saan hindi sinasadyang magising ni Nonack ang kaniyang asawa habang papunta sa banyo. Agad siya nitong sinampal nang malakas nang walang pag aalinlangan.

Ito ang unang beses na sinaktan si Nonack ng kaniyang asawa. Hindi siya nagawang pagbuhatan ng kamay maging ng kaniyang mga magulang noong siya ay bata pa! Kaya natural lang na magalit siya rito pero kinakailangan niya itong pigilan at sarilinin. Ang tanging magagawa niya lang ay ang magmakaawa at himingi ng tawad kay Chen. Pero sa huli, nagawa.pa rin siya nitong paluhurin magdamag.

Tatlong taon na ang nakalilipas kaya sanay na si Nonack aa ganitong buhay. Wala na siyang masisi kundi ang kaniyang sarili sa pagiging manugang sa pamilyang ito hindi ba? Ang masaklap pa rito ay ang matinding pagmamahal na nararamdaman pa rin ni Nonack sa kaniyang asawang si Chen kahit na araw araw siya nitong kinamumuhian at itinuturing na basura!

Pangalawang anak si Nonack sa angkan ng Wayne, kilala sila bilang pinakamalaking angkan sa buong Jiangnan Region. Tatlong taon na rin ang nakalilipas mula noong gumastos siya ng sampung milyon para bilhinang 10% ng kumpanyang Southeast Petroleum.

Daan daang miyembro ng kanilang angkan ang nagalit sa ginawa ni Nonack noong mga panahong iyon. Tinawag naman siyang hibang ng iba niyang mga kaibigan, habang, inisip naman ng iba na sinusubukan nang solohin ni Nonack ang kayamanan ng kaniyang angkan sa ginawa sa niyang ito. Kaya nagkasundo at nagpasya ang buong angkan ni Nonack, kasama ang kaniyang mga sariling magulang, na itakwil siya at burahin sa kasaysayan ng kanilang angkan!

Naramdaman ni Nonack ang mabilis na pagiging negatibo ng mga relasyon sa loob ng tatlong taon niyang karanasan kasama ang kaniyang asawa. Mabilis ring humahanap ng dahila ang kaniyang mga dating matatalik kaibigan upang layuan siya. Kaya wala na siyang nagawa kundi tumira sa pamilya ng kaniyang asawa para mabuhay. Hindi niya nasabi ang pangyayaring ito sa kahit kanino maging sa asawa niyang Chen.

"Ohh Chen, mukhang naturuan mo nga nang husto ang asawa mong iyan." Sabi ni Kate na isa sa mga best friend ni Chen.

Nanlalamig namang tumawa si Chen at sinabing "si Nonack ba ang tinutukoy mo? Nag-iinit na ang ulo ko sa tuwing nakikita ko ang basurang iyan. Habang ang ibang babae ay nagpapakasal sa mga kilalang nagmula sa mga kilalang pamilya. Natali naman ako sa basurang iyan. Tingnan mo, ang dungis dungis niya. Mukha na siyang mahirap na trabahador sa probinsya. Siguradong kahihiyan lang ang dadalhin niya sa annual reunion ng aming angkan bukas."

Hindi maiwasang mapatingin ni Kate kay Nonack. Walang duda na mumurahin nga ang brand na suotna damit ni Nonack at nagmukha na rin itong madungis. Tumatawang sinabi nito na "sige na Chen, tama na ang tungkol sa kaniya. Pero seryoso, totoo ba ang narinig kong may problema raw ang kumpanya niyo nitong nakaraan?

Dahan dahan namang tumango si Chen at sinabing "Milyon milyon ang nawala sa amin noong simula naming pasukin ang fashion industry last month. Kaya kinakapos na ngayon ang aming kumpanya, kailangan na naming makahanap ng investor ngayong linggo para makakuha ng five million dollars para maibangon ang kumpanya."

"Ohh chen, sino naman investor ang magbibigay ng five milyon sa loob lang ng isang linggo para pondohan kayo?" buntong hininga ni Kate.

Hindi na sumagot pa rito si Chen, agad niyang napansin na nakikinig si Nonack sa kaniyang usapan dahil tapos na nito ang kaniyang ipinapagawa. Nagbigay siya ng matalim na tingin dito at walang awang sinabi na "sinong nagsabi sa iyo na puwede kang magstay dito, Nonack? Umalis ka na at maglaba ng mga damit ko."

"Labhan mo na rin ang mga jeans ko sa maleta." Dagdag ni kate.

Hindi na nagawa pang magreklamo ni Nonack at agad na inilagay ang damit ng mga ito sa washing machine kasama ng sarili niyang mga damit. Bukas na ang kanilang high school reunion kaya kailangan niyang magmukhang presentable kahit papaano. Naputol ang kaniyang pag-iisip nang biglang nagvibrate ang kaniyang cellphone. Chineck niya ito at nakita ang isang text message mula sa isang number na mayroong anim na digits sa dulo. Agad na napakunot ang kaniyang mga kikay nang makita ang numerong ito "hindi ba't ito ang numero ng aking angkan?" isip niya.

Nagtatakang binuksan ni Nonack ang text message at nagulat nang mabasa ito.

"O aming ikalawang young master, tulungan mo ang ating angkan. Nangangailangam ang ating angkan ng malaking pondo kaya kakailanganin namin ang suportang nagmumula sa iyo!"

"Sinong niloko nito!" Kumunot muli ang mga kilay ni Nonack habang nag-iisip nang mag-isa. "Tatlong taon na ang makalipas mula noong itakwil ako ng buong angkan kaya wala nang kahit na anong kapangyarihan ang aking pangalan. Bente na lang din ang natitira sa aking bulsa, tulong pinansyal sa akin? Ano pa bang mahihita nila sa akin ngayon?"

Muling napatingin si Nonack nang magvibrate sa ikalawang beses ang kaniyang cellphone. Nakatanggap muli ito ng isa pang mensahe.

"Pakiusap young master nagmamakaawa ako na tulungan mo ang pinagmulan mong angkan. Lumaki na namg husto ang kita ng shares na iyong binili tatlong taon na ang makalilipas. Kaya pakiusap... Siguradong babagkas ang ating angkan kung hindi mo kami matutulungan..."

"Ano?"

"Napaatras si Nonack matapos basahin ang ikalawang text message. Agad niya kinuha ang kaniyang Black Card mula sa Amethyst Bank sa loob ng isang iglap. Tatlong taon na rin niyang hindi nagagamit ang card na ito. Isa itong ststus symbol sa sumisimbolo sa mga mamamayan dahil ang bawat isang card ay mayroong isang costumer service representative na nakahandang tumulong sa may-ari nito sa anumang oras. Agad niyang idinial ang customer service hotline ng bangko.

"Maligayang pagbalik Mr. Wayne. Ano po ang ipaglilingkod namin sa iyo? sagot ng isang sweet na boses ng babae.

"Ipakita mo sa akin ang balance ng aking account. Dali!"

"Wala pong problema sir, sandali lang po." sagot ng babae. Matapos ang ilang segundo, muling nagsalita ang babae. "Mr. Wayne, lumampas na po sa checking limit ng bangko ang kabuohang account balance ng iyong account. Kaya maaari po kayong pumunta sa VIP section ng aming bangko dala ang mga kinakailangan naming valid ID at iba pang dokumento para matulungan kayo sa inyong request."

Hindi pa natatapos ang babae sa kaniyang pagsasalita nang agad na ibaba ni Nonack ang tawag.

"Sobrang laki na ng pera sa bank account ko!" tawa ni Nonack habang tuwang tuwa nag-iisip sa kaniyang sarili. Sino ba namang makapagsasabi na ang napakalaking investment na kaniyang ginawa tatlong taon na ang nakalilipas, na siya ring nagiging dahilan ng pagtakwil sa kaniya ng kaniyang pamilya ay lalago nang ganito!

"Chen, tingnan mo si Nonack, tuwang tuwa niyang tinitingnan ang balance ng kaniyang account sa kaniyang cellphone." Hindi mapigilang matawa rito si kate.

Natawa rin dito si Chen "binibigyan ko siya ng 200 na allowance kada araw. Mukhang nakaipon na siya nitong nakaraang tatlong taon."

"Ohh Chen, isipin mo na para ka lang nag-aalaga ng isang aso." sabi ni Kate na nakapagpatawa sa kanilang tatlo.

Excited na tumakbo si Nonack papunta sa kaniyang asawa at sinabng "kailangan ng kumpanya niyo ng 5 million dollars hindi ba? Paano kung sabihin ko sa iyong nakahanap na ako ng paraan para mtulungan ka sa inyong problema?"

Malakas at tila walang hanggang naman ang naging pagtawa rito ni Kate. Sandali niyang
tiningnan ni Nonack at sinabing
"Nonack, naiintindihan mo ba kung gaano kalaki ang five million? 200 lang ang ibinibigay sa iyo no Chen araw araw. Pero kung magagawa mo talagang maglabas ng limang milyon, mukhang kailangan na kitang tawagin na daddy."

"Talaga lang ha?" ngiti ni Nonack na parang isang tuso. "Kung ganoon, tandaan mo ang mga sinabi mong iyan."

Hindi na siya magawa pang pagpasensyahan ni Chen. Mukhang nawala na sa tamang katinuan si Nonack matapos tumayo sa kanilang harapan na parang isang katulong at guluhin si Chen. Kaya naiinis niyang itinaas ang kaniyang kamay at sinabing "umalis ka na, sumasakit na ang mga mata namin sa iyo."

"Oh, sige." Sabi ni Nonack at tahimik na umalis sa harapan ng mga ito.

Hindi na nagawa pang makatulog ni Nonack kinagabihan sa sobrang pagkasabit. Hindi siya makapaniwala sa hindi inaasahan balita na kaniyang natanggap kanina. Gustong gusto na niya magpunta sa bangko upang tingnan nang personal ang perang nilalaman ng kaniyang bank account.

Napaikot ikot sa kaniyang higaan si Nonack bago makatulog nang bahagya. Pero nang papalilim na ang kaniyang tulog, agad na maririnig sa buong sala ang boses ng kaniyang biyenan.

"Gumising ka na Nonack at ihatid ang anak ko sa trabaho."

Narinig ni Nonack ang boses ng biyenan niyang si Samantha sa kaniyang pagtulog. Kaya inakala na isa lang itong panaginip at tumalikod para ipagpatuloy ang malalim niyang pagtulog. Pero sa mga sandaling ito, malakas na bumukas ang pintuan ng kaniyang kuwarto at agad siyang tinadyakan ng naiiritang si Samantha.

"Bingi ka ba o tanga? Hindi mo ba naririnig na tinatawag kita para ihatid si Chen sa trabaho?" walang awang sinabi ni Samantha.

Aminado rin si Nonack na maganda pa rin si Samantha kahit nasa thirties na ang edad nito. Siguradong pinangangalaga noto nang husto ang kaniyang itsura.

Inaantok pang tumayo si Nonack mula sa sahig na kaniyang hinihigaan at napatigil na tiningnan ang kaniyang biyenan. "Tatlong taon matapos naming ikasal, hindi man lang kami nakalabas ni Chen kahit isang beses dahil kahihiyan lang ang turing niya sa akin, pero ngayon gusto na nitong ihatid ko siya sa trabaho!" isipni Nonack.

Nasa punto na siyang iyonng kaniyang iniisip nang mismong si Chen na ang pumasok sa kanilang kuwarto, nakabihis ito sa kaniyang business attire. Agad nitong ipinadyak ang kaniyang paa sa sahig at sinabing "bingi ka ba? Dahilan mo o di kaya ayaw mo talaga akong ihatid?"

"Gusto ko! Gusto ko!" sabi ng walang tigil sa pagtangong si Nonack. Nagmadali siyang ng walang tigil sa pagtungong si Nonack. Nagmamadali siyang nagbihis.at sumakay sa kaniyang electric bike para ihatid si Chen sa opisina nito.

Naglalagablab ang galit ni Chen sa mga sandaling ito dahil sa kakulangan sa pondo ng kanilang kumpanya at sa pangangailangan nito ng 5 milyon para muling makabangon. Pero hindi pa siya nakakahanap ng investor na magbibigay ng ganitong kalaking halaga sa kanila kaya nahaharap na sa pagkalugi ang kanilang kumpanya! Agad na nagpatawag ng emergency meeting ng mga shareholders ang kumpanya, at bilang General Manager, kinakailangan niyang dumalo sa meeting na ito. Noong paglabas niya lang para pumasok naalala na ipinahiram niya ang kaniyang sasakyan kay Kate. Kaya wala na siyang nagawa kundi magpahatid kay Nonack sa trabaho.

Continue Reading

You'll Also Like

289K 8.2K 137
"๐‘ป๐’‰๐’†๐’“๐’†'๐’” ๐’“๐’†๐’‚๐’๐’๐’š ๐’๐’ ๐’˜๐’‚๐’š ๐’๐’‡ ๐’˜๐’Š๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’‡ ๐’Š๐’ ๐’•๐’‰๐’†๐’Š๐’“ ๐’†๐’š๐’†๐’” ๐’š๐’๐’–'๐’๐’ ๐’‚๐’๐’˜๐’‚๐’š๐’” ๐’ƒ๐’† ๐’‚ ๐’…๐’–๐’Ž๐’ƒ ๐’ƒ๐’๐’๐’๐’…๐’†."
196K 4.5K 67
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
49.5K 665 39
หš ยท . "Welcome to FPE Oneshots!, feel free to make requests." โ•ฐโ”ˆโžค โœŽ ๐™๐™š๐™ฆ๐™ช๐™š๐™จ๐™ฉ๐™จ ๐™–๐™ง๐™š ๐™˜๐™ก๐™ค๐™จ...
618K 17.4K 44
Teenage years are supposed to be the best time of your life. Have fun, break the rules, fall in love, just living your life to the fullest. Your last...