Spread Your Wings, Dorothea

By lumierezi

3.4K 206 302

For years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth... More

Spread Your Wings, Dorothea
Ch. I
Ch. II
Ch. III
Ch. IV
Ch. V
Ch. VI
Ch. VII
Ch. VIII
Ch. IX
Ch. X
Ch. XI
Ch. XII
Ch. XIII
Ch. XIV
Ch. XV
Ch. XVI
Ch. XVII
Ch. XVII
Ch. XVIX
Ch. XX
Ch. XXI
Ch. XXIII
Ch. XXIV // fin
for those who read until the end

Ch. XXII

59 5 4
By lumierezi

Ch. XXII

▬▬▬▬▬

"Ikaw. I like you, Saulas."

Napatitig siya. Walang kurap.

Speechless? Sa sobrang tahimik niya, baka isipin ko fake 'tong kausap ko.

"He-"

Then he swallowed. "I like you, too, Dorothea."

'Di ko napigilang ngumiti. Akala ko inatake na siya.

"'Kala ko 'di ka na sasagot e."

He scrunched his nose and looked down. "Sorry."

"So, you like me, too, as a friend?" For clarification lang naman. Mahirap na.

Inangat niya ang ulo 'tsaka umiling. This time, mas mabilis na ang sagot. "Nope. I like you as you... um, as Dorothea. For, um, for also believing in me. For respecting my choices and supporting me... kapag kasama kita, I feel free to do whatever I want."

Confessing is usually heart stopping. 'Yong tipo bang 'di ka na makahinga sa kaba. 'Di mapakali at naaatat sa reaction na matatanggap.

As time passed by, confessing become an easy task for me. Siguro nasanay na 'ko. Pero alam na alam ko pa 'yong heart stopping moment no'ng first time na nag-confess ako sa crush ko no'ng college. Akala ko maiihi pa ko.

But this time, this confession, it feels heartwarming rather than heart stopping. 'Di man ako nautal. Ang natural lang ng labas. Walang script pero alam na alam ko na 'yong mga salitang sasabihin.

At ang soothing lang sa pakiramdam no'ng sagot niya. Feeling ko tuloy abot tengga na 'yong ngiti ko. Peste. Ang weird tingnan!

"So, the feeling's mutual?" sabi ko.

He nodded. He's still twiddling his fingers. Compared to my relaxed posture, I could see the tense in his eyes, and its intensity at the same time.

"Uh, bakit... gan'yan ka makangiti?"

"Let's go out tomorrow?"

"Where do you wanna go?" There's already an answer.

Tumunghay ako sa langit 'tsaka nag-isip. "Diner? Parang ang tagal ko ng 'di nakakapag-relax. Tapos, 'di ko na alam, kahit saan? The other itinerary's up to you," sabi ko. "Sa'n ba magandang pang-first date," bulong ko sa sarili.

"First date..." mahina niyang ulit. Nagpipigil ng ngiti.

Humarap ako sa kaniya 'tsaka tumango. "First date. Why?"

He shrugged. "First date," he repeated, still playing with the words.

"Kinikilig ka 'no?" I teased and scrunched my nose.

"Ye-No, I mean- what?" Napayuko siya.

Tinawanan ko siya 'tsaka nginitian. Pulang pula 'yong tengga niya! Pero sige, kunyari 'di ko nakita kasi baka mamatay na siya sa hiya.

"Pasok na tayo? Baka hinahanap na tayo sa loob," sabi ko na lang at baka sa'n pa kami mapunta rito.

"Buti pa nga."

'Di pa man kami nakakaabot sa loob nang magsalita siya. "Uh, sasabihin na ba natin?"

Agad? Parang masyado pang maaga. "Let's see where this will lead first. Okay lang ba?"

He nodded. "Okay lang. That's what I want to do. Let's take it slow."

▬▬▬▬▬

Siguro dahil two years na akong single- not that I'm complaining- kakaiba na 'yong feeling ng giddiness para sa date namin. I've enjoyed my time being free for the past years.

Ngayong after nang two years na wala akong dinedate, feeling ko tuloy ito 'yong very first date ko. I'm feeling nervous and excited at the same time.

At sure ako, 'di lang ako 'yong nakaka-feel no'n.

Kabaliktaran nang maingay na traffic sa labas 'yong nakakabinging katahimikan nang kotse ni Saulas.

Sinundo niya ako sa apartment saktong sakto sa alas kwatrong usapan namin. Prepared na 'ko bago pa 'yon pero nakaka-concious pa rin kung mukha bang 'di ko naplantsa 'tong damit ko. Denim jumpsuit stretched above my knees with matching black Converse wedge.

Si Saulas naka-three fourth checkered- beige and black- at black trouser. His Balenciaga shoes matched with the casualty of my Converse.

Sumilip ako sa kaniya. Seryosong nagdadrive at kulang na lang umubo siya mula sa kanina pang pagtikhim. His hair's parted on the right side and neatly combed. No'ng nakita ko siya kanina, pinipigilan kong ngumiti.

Natural dapat medyo pakipot muna, alangan namang sabihin ko ka'gad 'ang gwapo mo yata ngayon?' nasa doorstep ko pa lang siya?

Maaga kaming nakarating sa diner. Sakto! Maabutan namin 'yong sunset habang kumakain.

The place is a deck view. Overlooking ang buong siyudad ng Manila mula rito. At dahil 'di pa gabi, kapalit ng city lights ang sunset. On the cream-colored sky scattered the almost orange looking clouds surrounding the sun. Nagkukulay ginto ang mga balat namin sa sinag ng araw. The yellowish-ambience was enough to relax me.

Golden hour.

Malamig ang yakap ng hangin. Bukod sa acoustic songs na mahinang tumutugtog, tahimik pa rin kami. Kaunti lang din ang mga tao. Naglalaro sa ilong ko 'yong amoy ng grilled pork at coffee.

"Ang ganda 'di ba?" sabi ko no'ng makitang nakatingin din si Saulas sa langit. Hinihintay namin ang mga order.

Tumango siya.

"'Yong ganda ng view na 'yan, 'yan 'yong reason kung ba't gustong gusto ko sa mga matataas na lugar."

Humarap siya sa 'kin. "Pansin ko nga. Kahit no'ng may mga field trips tayo mas nag-enjoy ka pa yata sa Arayat kesa sa mall."

"Ang sarap kaya sa feeling. Feeling ko gan'to ako kalaki, kataas, tapos 'yong mga galit sa 'kin, 'yong mga may ayaw sa 'kin 'tsaka 'yong mga problema, ayan gan'yan lang sila sa kaliit." Tinuro ko 'yong mga nagliliiting bahay at iba pang building na nakapalibot. "I'm bigger than them. Always bigger than them."

"You've always been." He glanced at me. "Thea, thank you for giving us a chance."

Something's poking in my chest.

Lumingon ako sa kaniya. His skin looked tan with the light. There's a reflection of his tall nose and eyelashes on his cheeks.

"Hindi ko alam kung pa'no ako aamin sa 'yo kasi... magkaibigan tayo. And, um, also the issues. Kaya palaging hindi ko natutuloy kasi baka wala ring chance." He pursed his lips, his hands under the table. "Kaya... thank you, for not hesitating unlike what I did."

"You don't have to thank me. May issue man o wala, I won't hesitate to tell you that I like you."

May nagtatagong ngiti sa labi niya. "And, um, I also want you to know that I believed you and that... that I never ever believed in those rumors about you. Because I know you."

Napatunghay ako sa kulay gintong mata niya sa mga sinabi.

Peste. Naubusan ako nang salita.

Sa dinami nang mga lalaking dinate ko, iisang lalaki lang 'yong nakapagsabi nang pinakahihintay ko. At sa layo-layo nang hinanap ko, nasa malapit lang pala ang hinihitay ko.

I had imagined this scene years ago, my date saying those words. Iniimagine ko no'n hahalikan ko siya kaagad kasi siya na 'yong pinakahihintay ko. Pero ngayong nangyayari na talaga, gusto kong abutin ang kamay niya 'tsaka hawakan nang mahigpit.

I watched as his face bathed in gold, serene and sincere, while my heart ached and melted at the same time.

Ang dream love ko no'n 'yong sobrang init na nakakapaso. Bad boys and messy fights that ends up to sexy makeouts. Until I grew tired of them.

Until I realized that burning red isn't the only color for love.

Golden hour.

"I like you," I blurted out. And I'm glad I did. I'm glad that I met you again and saw you in a different light.

Ngumiti siya 'tsaka pinatong ang mga kamay sa lamesa. "I like you, too." At bago ko pa magawa, inabot niya ang kamay ko.

▬▬▬▬▬

Madilim na no'ng huminto 'yong sasakyan ni Saulas sa isang building, malayo-layo rin sa pinanggalingan namin. Tinatanong ko kanina kung anong pinunta namin pero 'it's a surprise' ang sinasagot niya. Kung 'di lang namin first date, itatanong ko kung lugar ba 'yong it's a surprise niya e.

"Let's go?" he said, opening the door and offering his hand to me.

After entering a vintage-styled building, we arrived in a dark room. May stage sa harap na nakatakip nang pulang telon. Are we going to watch a play? Bigla akong na-excite. Dapat sinabi niya kaagad na ito pala 'yong pupuntahan namin!

"Theater? Anong play ang panonoorin natin?"

He pulled out a chair for me. "Yep." Hindi ko na masyadong maaninag ang mukha niya sa dilim no'ng umupo siya sa tabi ko. "Alaala ang title. Aactually, it's directed by my distant cousin."

Tumango-tango ako. Ngayon ko lang na-realize kung ga'no na katagal no'ng huli akong umupo kasama ang mga audience. Palaging ako ang nasa stage, umaarte at nag-eentertain.

Maliit lang ang hall kumpara sa mga pinag-peperforman ko noon pero mukhang occupied lahat ng upuan. Ang unfamiliar lang sa feeling no'ng katahimikan at kadiliman habang hinihintay ang pag-ii-start ng play. But at the same time, it feels new and thrilling.

"Ang tagal ko ng 'di nakakapanood ng play, ng live," bulong ko kay Saulas.

Bukod sa one-year hiatus ko, madalas recorded 'yong mga pinapanood ko noon. Now I suddenly miss the feeling of watching it on action.

"Really? Madalang lang din akong manood."

"But I'm excited."

"Excited din ako. Our team shot the promotional photos for them. Sobrang hands-on nang director nila, so I'm sure it will turn out well. He's great."

Minutes later, the stage dimmed. Dahan-dahan, nagbukas ang telon. Naalala ko tuloy 'yong sarili kong nakatayo sa likod no'n habang dahan-dahang bumubukas.

Madungis ang batang nasa gitna. 'Sing dumi ng mukha niya ang barong barong nilang bahay. Magulo ang bahay, tumutulo ang tubig sa mga basang gamit. Parang dinaanan ng bagyo. The spotlight illuminated his movements.

'Sing lungkot ng madilim na gabi ang ekspresyon niya habang may bitbit na plastic bag. Grabe lang, tindig niya pa lang, napapaniwala na 'ko.

Gan'to rin kaya 'yong nafe-feel nang mga audience kapag pinapanood nila ako?

"Nanay," maliit na boses niya lang ang maririnig sa buong lugar. Lumapit siya sa kusinang puno ng putik at nakahulog na mga gulay. May nilabas siyang suka mula sa bag 'tsaka binitawan. "Ito na po 'yong pinapabili niyo lagi. Sarapan niya po 'yong luto niyo." Nakayuko siyang bumalik sa gitna, nanginginig ang kamay. "Titikman ko pa po 'yan."

"Tatay, eto na po 'yong bagong battery ng remote." Lumapit siya sa basang sofa. Putikan ang mga nakahulog na unan. Nilapag niya sa sirang coffee table ang dalawang baterya. "Kaso 'di ko na po makita 'yong remote. Sira na rin po 'yong TV."

Suminghot siya, at kahit nakatalikod, alam na alam kong umiiyak siya. Walang background music, pero 'yong nababasag niyang boses sapat na para hawaan kami ng lungkot.

"Ate, ito na 'yong suklay mo na lagi mong pinapahanap sa 'kin. Binalhan na kita ng bago." May binuksan siyang pinto at do'n binitawan ang suklay. "Tago mo ng mabuti 'yan ah. Nakakapagod kayang maghanap."

He wiped his eyes with his forearm. At nang bumalik sa gitna, nanghihina siyang napaupo at nagsimulang humikbi.

"Magpakita na kayo oh, Ate, Nanay, Tatay." Sa bawat salita rinig ang pagsinghot at paghikbi niya.

"Ang galing niya," bulong ko. 'Yong boses niya, 'sing lungkot ng mga mata niya kanina, parang nawawala, naguguluhan, nangungulila.

"He is..." muntik ko nang hindi marinig si Saulas. 'Di maalis 'yong mata niya sa batang nasa stage.

"Napapagod na 'kong maghanap... sabi nila, hanggang alaala ko na lang daw kayo?"

The play was about a boy, Jose. Siya lang 'yong naka-survive sa pamilya nila nang tumama ang Bagyong Yolanda. Pilit siyang bumangon kahit pa wala ng natira sa kaniya kun'di 'yong sarili niya, at 'yong alaala ng mga pamilya niya.

Grabe lang 'yong galing ng mga cast. They're not the stellar ones, but they're hidden gems. Bata at mukhang mga baguhan pa lang pero ramdam na ramdam ko 'yong passion at 'yong puso sa ginagawa nila.

"Ate! Ate! Sigaw ka lang, hahanapin kita! Ate!"

Peste. Buti na lang talaga may dala akong panyo pangpunas ng luha. This play gave me nothing but angst since the moment it starts. Not funny.

Siguro kung 'di lang inspiring 'yong message niya sa dulo, mapapahaba pa 'yong iyak ko. But really, it was achingly good.

Ito pala dapat 'yong pinanood ko bago ako nagtrabaho ulit. It rekindled all my passion to acting. Na-realize ko na, tuwing nag-aact ako, ito 'yong gusto kong mangyari sa mga audience. I want them to be moved, to be touched by the person I'm portraying; I want them to feel affected.

Gusto kong iparamdam sa kanila 'yong sakit, 'yong tuwa 'tsaka 'yong pag-asa, sa bawat storya ng mga karakter na ginagampanan ko.

"Ang sakit no'ng nangyari kay Jose 'no? Masyado pa siyang bata para iwanan ng lahat." Pagkatapos nang performance, naglakad-lakad kami sandali sa labas ng venue, papunta sa fountain malapit sa parking lot. Mangilan-ngilan lang 'yong kasabay naming naglalakad kaya tahimik. Walang ibang ingay kun'di mga kuliglig 'tsaka mga sasakyan sa labas.

"Yep. 'Yong natira na lang sa kaniya, 'yong alaala nila. Memories and faces that he'll... eventually forget."

"Forget? Tingin mo makakalimutan niya 'yong pamilya niya?" Sumipsip ako sa hawak na McFloat. Pampalubag loob talaga 'to e.

"Um, actually, I can relate to Jose. No'ng namatay si Papa, walang natira sa 'kin kun'di..." he trailed, his voice low. Sumipsip siya sa McFloat. "... memories. Na nakakalimutan ko na," binulong niya ang huli.

Oo nga pala.

Kaya pala sobrang invested niya kanina sa panonood.

"Ano na lang 'yong naalala mo?"

Bumagal ang lakad namin. "Tahimik lang siya, katulad ko raw sabi ni Mama. He's a professor, sobrang talino." Habang sinasabi niya 'yon, may nakatagong ngiti sa labi niya. Nasa fountain ang mata niya. "And, um, si Papa 'yong nagturo sa 'kin kung pa'no mag-Sudoku."

I guess he was taught by the best. Kaya ang galing niya.

"Kamukha mo ba s'ya?" Tumigil ako 'tsaka tumitig sa mukha niya.

Mhmm, 'di sila masyadong magkamukha ni Tita Betty kahit pa 'pag magkatabi. Siguro 'yong pareho lang sa kanila, 'yong fair complexion 'tsaka 'yong tangos ng ilong. Sa mata, mas seryoso at malamig ang mata ni Saulas, friendly 'tsaka warmer ang kay Tita Betty. Tita Betty looks more like his half-brother, Mattias.

"Sabi ni Mama," he paused. "Pero hindi ko na rin masyadong maalala."

"Eh 'yong photography? Sa kaniya mo ba namana 'yong galing mo?"

Umiling siya kaga'd. "Nope. Wala akong in-uh..."

"Inherited?"

Napayuko siya bago tumango. "Yeah, that."

"You don't have to be ashamed of that. Ako na tagasabi ng nakakalimutan mong word."

He scrunched his nose, head still hanging low, ashamed. "It's just... sorry."

Kakasabi ko pa lang e.

"So, ano nga? Anong katuloy ng kwento?" I tried to change the topic. Tumuloy na kami sa paglalakad.

"Um, that. Actually, hindi rin naman ako marunong noon. I just practiced and practiced on my own hanggang matuto ako."

"Tapos 'yong passion ginawa mong career? You must've loved it very much."

"Yep. Ilang beses ko rin no'ng pinag-isipin kung ito ba talaga 'yong ipu-pursue ko. But I can't really see myself doing other things than this. I want to earn and do what I want at the same time."

Naalala ko 'yong usapan din namin sa Paris, 'yong reason kung bakit niya pinili ang photography.

"Immortalizing a moment that you'll treasure forever, faces of people that you'll soon forget... I want to do that."

Nakarating na kami sa harap ng fountain. Iba't ibang kulay sa bawat pag-angat ng tubig. May mahina rin pop music na tumutugtog sa malapit na stereo.

"We're almost the same on that."

Nagkatinginan kami. 'Tsaka napangiti. Do'n ko lang na-realize 'yong lapit namin sa isa't isa. 'Yong kamay naming nagkakadikit na.

"Ikaw, Thea? When did you choose acting as your job?"

'Sing lamig ng hampas ng hangin 'yong mga daliri niyang malapit sa 'kin dahil sa hawak ng McFloat kanina. Peste. Bakit ba parang kating kati 'tong kamay na 'to na humawak?

I gulped and answered his question.

Pero 'di ko pa ring maiwasang maalala 'yong paghawak ng kamay niya sa 'kin kanina. "Tapos, ayun nga, ah, ano..."

"Ano?" Kumunot 'yong noo niya.

Bullshit. Kahit ako naguguluhan sa sinasabi ko! Bakit ba kasi...

"Namana ko nga, ah, kay Papa 'yong boses ko. Choir member siya, dahil do'n kaya na-inlove si Mama sa kaniya, well, sabi niya." I shrugged. "Mahilig kasi si Mama sa music."

"Bakit parang hindi ka naniniwala?" natatawa niyang tanong.

I softly chuckled. Iba't ibang kulay 'yong nag-rereflect sa mukha namin dahil sa fountain. Magandang tingnan sa malayo kanina. Pero ngayong nasa harap na kami, 'di ko na maalis 'yong tingin ko sa kausap.

This feels new, and flattering, and slow. 'Yong hesitation, 'yong anticipation, 'yong tinginan. Wala kaming ginagawang super romantic, pero ramdam ko 'yong pagsayaw ng paru-paro. 'Yong pagtambol sa mga tingin 'tsaka ngiti. 'Yong desire na hawakan ko ang kamay niya.

But I contained myself. I want to take it slow this time and savor every moment.

▬▬▬▬▬

Si Conrad 'yong una naming sinabihan tungkol sa 'min. Saktong sakto, dinala niya 'yong girlfriend niyang si Janina no'n. The shocked on his face was priceless.

"Gag- seryoso ba kayo?" Nanglalaki pa rin 'yong mata niya no'ng finally, nakapagsalita na siya. Konti na lang liparin na ng langaw 'yong nakabuka niyang bibig kanina e.

"Oo nga! Ulit-ulit, Conrad?"

"Nagde-date ba kayo ng hindi ko alam?"

Nagkatinginan kami ni Saulas.

"Ga'no kayo katagal? Bakit ngayon niyo lang sinabi? Papakasal na ba kayo kaya sinabi niyo sa 'kin? Matagal na kayong nagde-date-"

"Hon, rapper ka ba?" putol sa kaniya ni Janina.

Tawang tawa ako no'ng tumigil siya 'tsaka pilit na ngumiti kay Janina. Tiklop siya kaga'd e.

"Ang dami mo kasing tanong! Okay, wala pa kaming one month. At mas lalong wala pa kaming balak magpakasal. Okay na ba?"

"Okay, madam. Ba't naman nanggugulat kayo!" Pinandilatan niya si Saulas. "Ikaw, 'kala ko sinasabi mo lahat sa 'kin tapos..." And there goes his pitiful puppy eyes again.

Nginitian siya ni Saulas. "Kaya nga sinasabi na namin sa 'yo ngayon. 'Wag ka ng magalit."

Pumalatak siya. "At dahil diyan." Sa ngisi pa lang ni Conrad, alam ko na. "Ilibre niyo kami!"

Sabi ko na! Ano pa bang bago, Conrad?

"Hon, nakakahiya ka!" Kinurot siya ni Janina sa tagiliran.

Umiling lang si Conrad sa kaniya 'tsaka kumindat.

"It's on me today," sabi kaga'd ni Saulas 'tsaka nagtaas ng kamay para mag-order.

"Happy ka na?" sabi ko kay Con.

Kaga'd na tumango ang gunggong, abot tenga ang ngiti. Kahit mahirap aminin, nakaka-miss din 'tong gunggong na 'to. 'Yong last kaming nagkita no'n pang last play ko.

"Oh, ano? Kwento naman kayo! No'ng ako ang dami niyong pinakwento sa 'min ni Janina. Saan kayo nag-first date? Sinong unang nagkagusto? Sinong unang umamin? Si Thea 'no!"

▬▬▬▬▬

After three months, sinabi na rin namin kina Mama tapos kay Tita Betty. Kalagitnaan 'yon ng pagpe-prepare ko para sa susunod na audition.

"I'm so so glad na ikaw ang nakatuluyan ni Saulas, Thea!" sabi ni Tita Betty.

"Kaya pala palaging busy si Kuya- ikaw ah!" si Mattias.

"Magkaklase kayo 'di ba?" tanong ni Tito Jonel.

"Schoolmates po. Matanda po ako ng two years."

"'Ba, ang galing mo naman pala, Saulas! Ganda pa nitong anak ni Emily."

Saulas only smiled.

"Ga'no na ba kayo katagal, Thea?"

"Three months na po, Tita."

"Bago pa lang pala," si Tito Jonel. "Sesen meng masalese, Saulas."

"O Jo, dapat mu! Palagi kang pinagmamayabang ng mama mo sa 'ming mga kumare niya. Anong sabi niya na kayo na ni Saulas?"

I smiled with that question. Naalala ko 'yong reaction ni Mama no'ng sinabi ko 'yon.

"Ay dios ko, talaga, Thea? Ikayu talaga? Salamat king Dios!"

Halos mapatalon siya sa tuwa. Buti naman daw at matino 'yong napili ko.

"Magaling daw po akong pumili." I smiled.

Kaagad na tumawa at tumango si Tita. I took one last scoop of rice from my plate before Saulas poured me a glass of water. I glanced and thanked him.

"Sana 'wag mong pagsawaan si Kuya, The-" 'Di pa man natatapos ni Mattias 'yong sinasabi niya, nakatitig na lahat sa kaniya. He raised his hands in defeat. "Joke lang. Okay? Nag-jo-joke lang po ako."

▬▬▬▬▬

Pagkatapos ng dinner, nilibot ako ni Tita Betty sa bahay nila. Ilang beses na 'kong pumunta dati pero bagong renovate na ngayon. Antique ang style, most furniture were wooden. Mahilig sa vintage si Tita sa kwento ni Saulas.

Marami ring mga pictures frames- family, trips, awards- na naka-display. Pero wala akong nakitang pictures ni Saulas no'ng bata pa siya. Balak ko pa naman siyang inisin kapag nakakita ako ng baby picture.

"Wala pong baby pics si Saulas?"

"Wala na." Tumigil kami sa salas, sa harap ng malaking family picture nilang apat. "Nasunog 'yong dati naming bahay, two years old pa lang si Saulas."

Oh.

"Pati po mga pictures ng Papa niya?"

'Di nakatingin sa 'kin si Tita no'ng tumango siya. "Lahat."

That's when I realized something.

Gabi na no'ng pauwiin kami. Gusto pa nga ni Tita, do'n kami matulog. Kaso lang one-week na lang may audition na 'ko.

"Thank you po!"

"Ingat kayo!"

Pagsakay ko ng kotse, nakatingin si Saulas sa phone niya, nakakunot ang noo. Nagmamadali niyang tinago 'yong phone no'ng makita akong papasok, nanlaki pa ang mata.

"Okay ka lang?"

"Mhm? Um, yep."

I put on my seatbelt. "Sure? Bakit parang gulat na gulat ka?"

Tumikhim siya 'tsaka umiling.

Tumingin ulit ako sa kaniya. 'Di siya makatingin sa 'kin. "Anong meron, Saulas?"

He anxiously stared at me. "You look tired, let-"

"Tell me."

Defeated, he sighed. Nilabas niya ang cellphone at binigay sa 'kin.

Natahimik ako sa nabasa.

Heto na naman tayo.

▬▬▬▬▬

translations

"Sesen meng masalese, Saulas." = Alagaan mo nang mabuti, Saulas.

"O Jo, dapat mu!" = O Jo, dapat lang! (sidenote: i don't really know the literal translation of Jo haha but it's like an endearment between lovers or friends use by Kapampangans)

"Ay dios ko, talaga, Thea? Ikayu talaga? Salamat king Dios!" = Ay dios ko, talaga, Thea? Kayo na talaga? Salamat sa Dios!"

Continue Reading

You'll Also Like

28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
373K 10.8K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
3.1K 196 13
This is a story of a girl who loves keeping her thoughts on her beloved diary.She has no friends,but no one hates her.She wants to live alone and hav...
9.1K 338 49
Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?