LOVE ME KILL ME (ONGOING)

By 14th_archer

16 0 0

◇◇◇ Emeryn, a typical good-girl, is gonna enter EL REAL UNIVERSITY and it looks like the long-sleeping demon... More

Prolouge
Chapter 1
Chapter 3

Chapter 2

2 0 0
By 14th_archer

Chapter 2: Confusion

◇◇◇

"Emeryn?Iha?"

Tatlong mag kaka-sunod na katok ang aking narinig na galing sa matandang kasambahay, na siyang Yaya ko rin.

"Pasok po"- walang gana kong sagot, ang utak ko ay iniisip pa rin ang mga senaryo na aking napaginipan, senarong ayaw ko ng balikan.

"Ayos ka lang ba iha? Pawis na pawis ka oh! Teka Lang at ipag kukuha kita ng pamunas. " tarantang saad ng aking Yaya

Sya si Yaya Emma, sya ang pinaka matanda sa lahat ng kasam-bahay dito, sya na rin ang nag sisilbing mayordoma dito sa loob ng mansyon. Wala na akong maalala sa nakaraan ko basta ang sabi ni Mama simula bata ay si Yaya Emma na ang nag aalaga saakin.

"May napa-ginipan kana naman ba? " tanong agad ni Yaya Emma pagka-tapos kumuha ng bimpo.

"Dating... senaryo, napa-ginipan ko naman po ulit ang senaryong iyon."

Maraming beses at para-rehong senaryo lamang ang napapa-ginipan ko, Hindi kaya bahagi ito ng nakaraan ko?

"Sa tingin mo po bahagi iyon ng naka-raan ko?"

"Iha... Hindi ko alam, sigurado ako hindi iyon bahagi ng-"

"Yung bata? Yung inosenteng batang babae sa panaginip ko, na...pumatay sa lalake, a-ako po ba iyon?"

"Hindi!hindi ikaw iyon!kahit kailan hindi magiging ikaw iyon!"

Nabigla ako sa sigaw ni Yaya Emma, Hindi ko akalain na sisigaw sya ng ganon. Bakit ganon ang reaksyon ni Yaya? Nag tatanong lang naman ako, dahil kahit ako e 'litong lito na, gulong gulo na yung utak ko dahil sa mga sernaryo na iyon, senaryong pamilyar ngunit hindi ko matandaan.

"Iha, Hindi ikaw iyon, hindi ikaw ang batang babae sa panaginip mo, maniwala ka saakin." Umupo si Yaya Emma sa tabi ng kama ko at yinakap ako.

"P-pero pano po kung... parte iyon ng mga alala ko? Tama! kumalas ako sa pag kakayakap ni Yaya Emma "Hindi po ako iyong batang babae sa panaginip ko, dahil baka parte po ito ng alaala ko, kailangan kopong maalala lahat Yaya!"

Baka konektado ito sa nakaraan ko, baka ito ang maging susi upang maibalik ko lahat ng alaala ko-

"Leave us Yaya Emma, I'll talk to her"

Hindi ko napansin na pumasok si Mama sa sa kwarto ko, napaka seryoso ng awra ngayon ni Mama. Hindi ako nag kaka-mali ganito sya kapag napag uusapan namin ni Yaya ang panaginip na iyon, ang mga senaryo sa panaginip ko.

Umalis na muna si Yaya, dahil alam nya kung gaano ka seryoso si Mama ngayon. Naguguluhan ako bakit sa tuwing nababanggit o napag uusapan ang panaginip ko o ang mga sernaryo sa panaginip ko, ibang iba ang awra ni Mama kumpara sa mga araw na nakikita ko.

Sinarado muna ni Mama ang pinto, at dumeretso na sa kama ko at naupo sa pwesto kung saan si yaya ang naka-upo kanina.

"Mama-"

"Hindi ikaw ang batang babae na iyon sa panginip mo, naiintindihan mo?" Seryosong saad ni Mama

"Pero Mama-"

"Hindi nga ikaw iyon,Emeryn!Biglang tumayo si Mama galing sa pagkaka upo "Kalimutan muna iyong panaginip na iyon! Dahil wala lang iyon-"

"Pero Mama mukhang konektado ito sa mga nawalang alaala ko, kailangan kong maka alala-"

"Hindi mo kailangang maka alala! Isang walang kwenta lang iyong panahinip na iyon! Kalimutan muna iyon!"

"Mama! Bakit ba sobrang yang galit mo kapag napag uusapan natin to? Bakit ganyan ka nalang kung makapag salita tungkol sa panaginip na iyon, bakit parang pakiramdam ko ayaw mo akong maka-alala, A-ayaw mo ba akong maka-alala, Mama?"

"Kalimutan muna ang panaginip na iyon wala iyong halaga."

"Ma, sagutin mo yung tanong ko. Ayaw mo ba akong maka alala? "

Hindi nya sinagot yung tanong ko, biglang syang natigilan dahil na tanong kong iyon. Bakit ganyan ka Mama? Bakit parang may iba sayo ngayon ngayon, iba ka na sa Mama nakaka sama ko dito sa loob ng mansyon.

"Gusto kong maka alala ka, Emeryn."

"Pero bakit parang sa mga sinabi mo kanina Ma, bakit parang pakiramdam ko ayaw mo saking ipa-alala yung nakaraan ko. Ano ba ako ha Ma? Ano ba ako sa nakaraan ko? "

"Wala, tigilan mo yang mga pinag sasabi mo, Emeryn. Gusto kitang maka-alala, yun yung totoo. At yang panaginip na iyan hindi yan totoo, kaya kalimutan mo nayan."

"Ma,anong wala? Wala ka man lang ba ikukwento saakin tungkol sa nakaraan ko? Maliban sa simula nung bata ako e si Yaya Emma na yung nag alaga saakin, iyon lang ang mabanggit mo Ma, wala ng iba. Himinga muna ako ng malalim dahil baka sa paraang to mabawasan yung galit na nararamdan ko "Wala kana bang sasabihing iba Ma? Dahil Baka sa paraang iyon maka alala na ako, Ma."

"Pwede ba, Emeryn. Huwag mong pilitin yang sarili mo na maka alala, kusang babalik din ang mga alaala mo, ang kailangan mo lang gawin ay mag hintay-"

"Maghintay!? Ma, yung alaala ko yung pinag uusapan natin dito! Bakit ganyan ka kung makapag salita ha, Ma? Tuluyan ng bumuhas yung luhang kanina ko pang pinipigilan "Kung yung ibang magulang nga jan halos araw araw kinukwento sa anak nila yung bawat parte ng nakaraan, maliit man o malaki. Dahil kahit sa maliit na bagay lang na iyon makaka tulong na iyon sa isang anak na katulad ko na may amnesia na maka alala! Ganon yon Ma, bakit hindi mo magawa iyon?"

Hindi ko 'na maintindihan si Mama, bakit ganyan nalang sya kung makapag salita? Hindi nya ba nakikita na gusto kong maalala yung bawat parte ng buhay ko na nawala saakin? Yung mga alala ng pagka bata ko, masasaya man o malungkot. Pakiramdam ko may kulang sa pagka tao ko. Kailangan kong mabalik ang mga alala ko, dahil baka sa ganoong paraan mabuo ko ulit yung sarili ko.

"Emeryn, stop it."

"Mama bakit ba-"

"If you want to remember then fine! Do everything you want and get back that memories of yours! I'm tired of this nonsense so please, Emeryn."

Mukhang pagod nga si Mama, Umaga na ba siya umuwi galing trabaho?

"I'm sorry,Mama."

Tuluyan ng lumabas ng aking kwarto si Mama, naiwan akong tulala habang naka titig sa pintong nilabasan ni Mama. Hindi ko na alam ang gagawin ko, marami pa ring tanong sa isip ko na pilit kong hinahanapan ng kasagutan. Mga kasagutang alam kong alam ni mama, ngunit may parte ng utak ko na nag sasabi na paniwalaan ko si Mama, pero yung puso ko hindi ko maintindihan, sobrang bilis ng tibok nito.

Sana mali itong kutob ko, sana mali itong iniisip ko. Sana wala kang tinatago sa akin Mama, sana totoo yung mga sinabi mo kanina. Pero Ma, kailangan ko pa ng maraming dahilan para paniwalaan kita. Sana mali yung kutob ko Ma, sana mali yung iniisip ko na ayaw mong maalala ko yung mga nakaraan ko, sana mali yung kutob ko na may tinatago ka saakin na konektado sa mga alaala ko. Sana mali ako, Ma.

Silence filled my room, and my mind was filled with confusion.









#LOVEMEKILLME

Continue Reading

You'll Also Like

243K 37.4K 97
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
189K 392 21
just some of my horny thoughts;) men dni
224K 11.3K 90
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
206K 1K 192
Mature content