Favorite Obsession

Oleh CeCeLib

21.2M 544K 67.9K

"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay... Lebih Banyak

SYNOPSIS
CHAPTER 1 - Needs
CHAPTER 2 - Visit
CHAPTER 3 - DISAPPEARANCE
CHAPTER 4 - Siblings
CHAPTER 5 - Rogue
CHAPTER 6 - Lie
CHAPTER 7 - Reason
CHAPTER 8 - Bite
CHAPTER 9 - Hunter
CHAPTER 10 - Return
CHAPTER 11 - Memory
CHAPTER 12 - Dream
CHAPTER 13 - Sicily
CHAPTER 14 - Deal With Simonides
CHAPTER 15 - It Couldn't Be Her
CHAPTER 16 - Acceptance and Friendship
CHAPTER 17 - A Rogue's Kiss
CHAPTER 18 - Familiar Scent
CHAPTER 19 - Lucien's Heartache
CHAPTER 20 - Heart in the Dumpster
CHAPTER 21 - Heart in the Box
CHAPTER 22 - Unexpected Visitor
CHAPTER 23 - Vampire Tears
CHAPTER 24 - Searching
CHAPTER 25 - Markings
CHAPTER 26 - Old Script
CHAPTER 27 - My Beloved Rogue
CHAPTER 28 - Red String Bond
CHAPTER 29 - I'm Sorry
CHAPTER 30 - Waterfalls
CHAPTER 31 - Alive and Pissed Off
CHAPTER 32 - Award Winning Illusionist
CHAPTER 33 - Unborn Child
CHAPTER 34 - Little Girl
AUTHOR'S NOTE

PROLOGUE - Virgo

1.2M 23.1K 5.1K
Oleh CeCeLib

PROLOGUE - VIRGO

"VIRGO! You listen to me!" Malakas ang boses na sabi ng kaniyang ama habang naglalakad siya patungong pintuan ng bahay. "Hindi ka aalis ng bahay! Hindi kita papayagan na pumunta sa party na 'yon! Hindi ka ba natatakot na baka umaaligid lang ang stalker na iyon at saktan ka?"

Huminga siya ng malalim. "Daddy, I'm already twenty one. Magiging okay lang po ako. At saka, hindi naman po totoo na may stalker ako. Nasisiguro kong kung sino man ang nagpadala ng mga stolen pictures ko dito sa bahay ay hindi siya isang stalker. Maybe it’s just a prank. You are after all one of the most famous Congressmen in the country. Baka gusto lang kayong sindakin sa pamamagitan ng mga larawan ko."

"Larawan mo na natutulog, Virgo!" Bakas ang galit sa mukha ng ama. "Ibig sabihin nakapasok siya sa silid mo."

Kinilabutan siya sa sinabi ng ama pero hindi iyon sapat para hindi siya um-attend sa birthday ng kaniyang pinsan.

"Baka naman—"

Umiling-iling ito. "Hindi. Sabi ng mga Pulis na mag-ingat ka. Virgo, we already talk about this—"

"I’m still going to that party, dad." Wika niya. "It’s Lea's birthday." Si Lea ay ang pinsan niya sa ina. "Ayokong isipin niya na hindi ko siya suportado sa kaarawan niya."

Her father sighed. "Anak naman e, listen to me. Puwede mo naman puntahan bukas ang pinsan mo. Ipaliwanag mo sa kanya kung bakit hindi ka nakapunta, maiintindihan naman niya iyon."

Umiling siya. "No. I’m going." Binuksan niya ang pinto at mabilis na lumabas ng bahay.

Mabilis siyang pumara ng taxi at nagpahatid patungo sa bahay nila Lea kung saan gaganapin ang Birthday party nito.

Wala sa sariling napatingin siya sa review mirror ng taxi at napasinghap siya sa gulat ng magtama ang mga mata nila roon ng driver. Ang mas ikinakabog ng dibdib niya ay nang makita niyang itim ang nuong mata nito. Wala siyang puti na makita.

Napakapit siya sa gilid ng upuan sa backseat at marahas na ipinilig ang ulo. Baka imahinasyon lang niya 'yon. Sino naman ang taong walang puti ang mga mata. Madilim sa taxi kaya siguro hindi niya nakita.

Para makasiguro, tumingin siya ulit sa review mirror at nakahinga siya ng maluwang ng makitang normal naman ang mga mata nito.

God! Ano ba ang nangyayari sa'kin? She's hallucinating.

Nang makarating sa bahay nila Lea, mabilis siyang nagbayad. Taxi driver's usually hold out their palm for payment, pero ang driver ngayon ay hinawakan talaga ang kamay niya na may hawak na perang pambayad dito.

"M-Manong, b-bitawan niyo po ako." Kinakabahang wika niya.

Tumingin ang lalaki sa leeg niya na para bang may masarap na pagkain na naroon. "Ang bango mo naman, Miss Virgo."

Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang pangalan niya na binanggit nito. "P-Paano mo nalaman ang p-pangalan ko?" Mas nadagdagan ang kaba na nararamdaman niya. "B-Bitiwan mo ako!"

Ngumisi ang lalaki. "Okay, Miss Virgo."

Nang bitawan nito ang kamay niya, mabilis siyang lumabas ng taxi at patakbong tinungo ang gate ng bahay nila Lea. Abo't-abo't pa rin ang kaba na nararamdaman niya. Halos hindi na siya makahinga ng maayos.

Kung nakita lang niya ang mukha ng lalaki, magsusumbong siya sa mga Pulis. Pero madilim sa loob ng taxi. At tanging ang mga mata lang nito at naaninag niya.

Nang makapasok siya sa loob ng bahay nila Lea, doon lang siya kumalma.

"You okay, cousin?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Lea ng makita siya nitong pumasok sa loob ng bahay

Virgo composed herself. "Yeah. I'm fine." Huminga siya ng malalim. "Nakakatakot lang 'yong taxi driver."

Inilingkis ni Lea ang braso nito sa braso niya at sabay silang naglakad. "Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag kang sasakay sa taxi? Hindi ka kasi nakikinig e. May kotse naman kayo. Why not use it?"

"Ayaw akong payagan ni daddy." Sagot niya. "It’s the stalker thing again. Naniniwala siyang may stalker talaga ako, which is totally absurd!"

"Ang ganda mo naman kasi e. Worth it kang i-stalk." Nakangiting sabi nito.

"Hindi ako maganda." Mariin niyang sabi.

Lea rolled her eyes. "Yeah and pigs can fly. Anyway, kalimutan mo muna ang stalker na iyan at ang daddy mo. Kaarawan ko ngayon and we are going to get wasted!" Sigaw nito habang may malapad na ngiti sa mga labi. "Woohoo! Let’s party!"

Natatawang nagpahila siya kay Lea patungo sa malaking solar kung saan naroon ang party. Halos lahat ng imbetado ay mula sa mayayamang pamilya. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil anak si Lea ng CEO ng Kallean Financial Firm. Isa iyong pinaka-sikat at kilalang Financial Firm sa buong Asya.

Lea smiled at her. "Pick a table. I'll be with you in a minute." Anito at iniwan siya ng hindi man lang nagpapaliwanag kung bakit.

Then she saw Lea walking towards a hansome man. Napailing-iling nalang siya. Oh, well, it’s Lea's birthday. She ought to have some fun.

Tulad ng sinabi ni Lea, humanap siya ng table. Virgo picked the table in the corner. Medyo malayo 'yon sa dance floor.

Nang makaupo siya, tinawag niya ang waiter at umorder ng Mojito.

A minute later, her Mojito arrived.

Habang sinisimsim ang Mojito, kumunot ang nuo niya ng maramdamang parang may nakatingin sa kanya mula sa malayo. Ipinalibot niya ang paningin at tumingin ang mga mata niya sa teresa ng bahay nila Lea.

May taong nakatayo roon, sa madilim na bahagi ng teresa at kung hindi siya nagkakamali, nakatingin ang taong iyon sa kanya. Mabilis siyang nagbaba ng tingin kapagkuwan ay tumingin ulit sa teresa.

Nagpakawala siyang ng isang malalim na hininga ng makitang wala nang tao roon.

Virgo turns her attention on her Mojito and sips it. This night is weird.

Inubos niya ang Mojito at nagtungo sa dance floor para sumayaw. Many men approached her while she's dancing. Wala siyang pakialam. Umi-epekto na yata ang Mojito na nainom niya dahil nawawala na ang inhibisyon sa katawan niya.

Habang nagsasayaw, may Mojito siyang hawak at iniinom 'yon ng paunti-unti.

Napatigil siya sa pagsasayaw ng maramdamang may nakatingin na naman sa kanya. Her eyes settled on the terrace again. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makitang may tao na naman roon at nasisiguro niyang sa kanya ito nakatingin dahil nararamdaman niya ang mga mata nito sa kanya.

Nang umalis ang taong iyon sa teresa, saka lang siya nagbawi ng tingin.

This is very weird. Aniya sa sarili.

HOUR later, naka-ilang shot na siya ng Mojito at umiikot na ang paningin niya. Nagulat nalang siya ng biglang may yumakap sa kanya. Itutulak niya sana ang pangahas ng makitang si Lea iyon.

Unlike her, Lea appears to be sober.

"Hey, cousin." Anito at kumunot ang nuo ng makitang medyo lasing na siya. "Anong nangyari sayo? Nilaklak mo ba ang lahat ng alak sa bar?"

Bumungiangis siya ng walang dahilan. "No, i didn’t." Bumungisngis siya ulit. "I think I’m drunk."

Pinaikot ni Lea ang mga mata. "Isang oras lang kitang pinabayaan. Lasing kana kaagad?"

She giggled. "I’m not drunk..." tinakpan niya ang bibig ng maramdamang nasusuka siya. "Just... tipsy."

"Kung ganoon, bakit ka nasusuka?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lea.

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam—" napatigil siya sa pagsasalita at bigla siyang nagduwal. "Oh shit! Excuse me!"

Tumakbo siya papasok sa bahay at naghanap ng available na banyo. Kailangan pa niyang umakyat sa second floor kasi may gumagamit ng banyo sa first floor.

Virgo hurriedly enters the bathroom near the mini-bar in the second floor. Bukas ang pinto niyon kaya naman dere-deretso siyang pumasok. Hindi na siya nag-abala na buksan ang ilaw dahil kaagad naman niyang nakita ang lababo.

Virgo vomited in the sink. Nakahawak siya sa gilid ng lababo habang sumusuka. Doon siya kumukuha ng lakas para hindi mabuwal sa pagkakatayo.

Matapos sumuka, nagmumog siya at napaatras dahilan para tumama ang likod niya sa likod ng pintuan at sumara iyon. Napasinghap siya ng mapalibutan siya ng kadiliman.

She hates darkness. Kaya naman nagmamadali niyang kinapa kung nasaan ang door knob ng pinto at pinihit niya pabukas.

Malutong siyang nagmura ng hindi iyon bumukas kahit anong pilit siya. Ang ginawa niya, kinapa niya ang dingding at hinanap kung nasaan ang light switch. Kaagad naman niyang nahanap iyon dahil nasa gilid lang iyon ng pinto.

But when she switch on the light, it’s not working.

“Shit!”

Sira iyon, dahil kahit anong ‘on’ niya sa light switch, madilim pa rin ang banyo. Therefore, she did the most logical thing to do ... sumigaw siya at pinagbabayo ang pinto para may makarinig sa kanya.

"I'm stuck! Open up! Please! May tao rito! Buksan niyo ang pinto!" Sigaw niya habang panay pa rin ang bayo sa pintuan. "Please! May nakakarinig ba sa'kin? Buksan niyo ang pinto! Please, buksan—"

"Kaya nga hindi ko sinara ang pinto. The owner of this house told me that the door usually got stuck from time to time." Ani ng baritonong boses.

Napasinghap siya at pinag-krus ang braso sa harap ng dibdib niya na para bang kayang protektahan ng mga braso niya ang kaniyang katawan. Biglang naglaho ang kalasingang nararamdaman kani-kanina lang.

"S-Sino ka?" Kinakabahang tanong niya.

"You know," the baritone voice drawled, "it’s really rude to barge into the bathroom while someone is peeing."

Napamulagat siya. "G-Ganoon ba? S-Sorry." Nauutal na wika niya habang panay ang pihit sa door knob para bumukas iyon pero hindi talaga.

"Okay lang."

Nakarinig siya ng yabag papalapit sa kinatatayuan niya.

"B-Bakit ka naglalakad? Baka mabunggo ka o tumama ka sa kung saan." Sabi niya na kinakabahan. "Madilim pa naman."

"It’s okay. I can manage in the dark." There's a hint of smile in his voice. "How about you? You're quivering. Is that fear of the dark or fear of stranger speaking to you who are also stuck in this bathroom?"

Paano nito nalaman na nanginginig siya? Madilim naman para makita nito ang panginginig niya.

She gulped audibly. "B-Both."

Mahinang tumawa ang lalaki na para bang nakakatawa ang sinabi niya. That irritates her.

The man chuckled. "Sorry, i irritate you."

Natigilan siya. What the... paano nito nalaman na naiirita siya?

"Hindi ako naiirita." Pagsisinungaling niya. Baka kapag sinabi niyang naiirita ito, bigla siya nitong saktan. Lalaki pa rin ito at mas malakas sa kanya. At isa pa, they are stuck! Baka anong gawin nito sa kanya.

"And now you're afraid." Anito na ikinagulat at ikina-nerbiyos niya. "Wala naman akong ginagawang masama sa'yo para matakot ka." Dagdag nito.

Mas idiniin niya ang katawan sa pintuan. "H-Hindi ako natatakot."

"I can smell your fear." Anito na mas ikinatakot niya.

Hindi siya umimik at walang ingay na dumaosdos ng upo sa sahig. Yakap niya ang mga paa habang pinapakiramdaman ang galaw ng lalaki.

Hindi na rin nagsalitang muli ang lalaki. Sa tunog ng boses nito, pakiramdam niya ay ka-edad lang niya ito o kaya naman mga ilang taon lang ang agawat ng edad nila.

Then she heard it. Faint sound of foot steps coming to her way.

"Anong ginagawa mo?" Biglang tanong niya na kinakabahan.

"Walking."

"Hindi ka ba natatakot na baka mabunggo ka o matumba?" Tanong na naman niya.

"Hindi." Anito habang palapit ng palapit ang yabag sa kanya. "I can see just fine."

"Pero madilim at—" tinangay ng hangin ang sasabihin niya ng maramdaman niyang may tumigil na bulto sa harapan niya pagkatapos ay lumuhod ito. "A-Anong... nasaan ka na?"

"I’m in front of you." Tumatama ang hininga nito sa mukha niya at sa halip na matakot dahil malapit ito, kumalma siya.

Biglang nawala ang iritasyon at takot na nararamdaman niya kani-kanina lang. And when the man touched her wrist, she felt at ease. She felt like she'll be safe with him.

"There..." said the man with baritone voice. "Huwag kang matakot, hinding-hindi kita sasaktan." Habang sinasabi iyon, iginigiya siya nito patayo.

Nang nakatayo na siya ng tuwid, naramdaman niyang pumalibot ang braso ng lalaki sa beywang niya at hinapit siya palapit dito. Something inside her is shouting no. However, she couldnt control her body and emotion, hinayaan niyang yakapin siya ng lalaki at hagurin ang likod niya.

"Natatakot ka pa ba?"

Yes! "No." Aniya sabay iling.

"That’s good." The man then groaned. "God, you smell delicious."

Naramdaman niyang bumaba ang mukha nito sa leeg niya, and then he nuzzle his nose against her bare neck.

"Hmm. God. Ang bango-bango mo. Ikaw na yata ay may pinakamabangong dugo na naamoy ko."

Para siyang robot na nakatayo lang habang pinaglalandas nito ang dila mula sa balikat niya patungo sa gitnang bahagi ng leeg niya.

"A-Anong, g-ginagawa mo?"

"Just a taste, sweetheart." Bulong nito sa tainga niya kapagkuwan ay naramdaman niya ang dalawang matalas na bagay na bumaon sa leeg niya.

Virgo expected pain to assault her, but nothing. She didnt feel anything. Actually, iba ang nararamdam niya. She felt turned on. Pakiramdam niya ay hinahalikan at sinisipsip ng lalaki ang leeg niya at mahina siyang napaungol sa sensasyong dulot niyon.

"Hey! May tao ba riyan?" Anang boses mula sa labas sabay bukas ng pinto, pero hindi iyom nabuksan kasi nakaharang ang likod niya.

The man instantly pulled away from sucking her neck, licked her neck and then he let go of her wrist. Nang bitawan nito ang pulsohan niya, bumalik ang takot at pangamba sa dibdib niya kanina. At bigla na namang nawala ang nararamdamang iyon ng takpan nito ang mga mata niya gamit ang palad nito at bumulong sa tainga niya.

"You'll see me again, sweetheart, but not today." Wika nito at mabilis ang kilos na lumabas ng banyo.

Virgo moved instinctively. Lumabas siya ng banyo at hinanap ang mga mata niya ang lalaking pangahas na humalik sa leeg niya.

"Ayos ka lang ba, Miss?" Anang boses ng lalaki mula sa likuran niya.

Mabilis siyang humarap sa nagsalita. "I-Ikaw ba 'yong—"

"Good god!" The man exclaimed stopping her question. Tinuro nito ang leeg niya. "Anong nangyari sa leeg mo? Dugo ba yan?" Puno ng pagtataka ang mga mata nito.

Mabilis na dumapo ang kamay niya sa kanyang leeg na hinalikan ng lalaki. She grimaced when she felt a sticky liquid on her neck. Mabilis siyang humanap ng pinakamalapit na salamin at napanganga siya ng makitang may dugo nga sa leeg niya! Pero wala naman siyang sugat!

Wait... dumudugo ba ang bibig ng lalaking 'yon? Kinilabutan siya sa naisip.

Mabilis niyang tinanggal ang dugo sa leeg gamit ang kurtina na malapit sa kanya. Naroon pa rin ang malansang amoy ng dugo pero wala siyang pakialam. Mabilis siyang bumaba sa hagdan patungo sa first floor habang hawak ang leeg niya.

Hindi mawala sa isip niya ang lalaking pangahas.

"Virgo!" Boses iyon ng ama na ikinaputol sa pagiisip niya.

Tumingin siya sa direksiyon kung saan nanggaling ang boses. "Daddy." Nakatayo ang ama niya sa pintuan at madilim ang mukha.

"Halika. Umuwi na tayo." Anito.

Hindi na siya nagreklamo ng hawakan siya nito sa braso at hinila palabas ng bahay, patungo sa naka-park nitong sasakyan. Nang papasukin siya nito sa back seat, napag-alaman niyang naroon ang kaniyang ina, nakaupo sa passenger seat.

"Mommy..." paanas na aniya.

Bumaling sa kanya ang kaniyang ina. "Pasensiya ka na, anak. Nag-alala kami sayo e. Alam mo naman na sinabihan na tayo ng mga Pulis na mag-ingat ka habang hindi pa nila nahuhuli ang nagpadala ng mga larawan mo."

Tumingin siya sa labas ng bintana at gulat na napasinghap siya ng may makitang lalaki na nakatayo sa gilid ng kalsada at nakatingin sa sasakyan nila ... no, nakatingin ito sa kanya mismo. She can feel that person’s eyes…

Nagbawi siya ng tingin at ibinaling ang atensiyon sa ama na naka-upo na sa harap ng monabela at binubuhay ang makina ng sasakyan.

"Im sorry, Daddy." Aniya. "Sorry dahil pinag-alala ko kayo." Nakatungong sabi niya.

"Ayos lang 'yon, anak. Uuwi na tayo." Ani ng ama niya at pinausad ang sasakyan.

Ihinilig niya ang likod sa likuran ng back seat at ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakapikit ng biglang nagmura ang ama niya.

Mabilis siyang nagmulat ng mata at nakita niyang may taong nakatayo sa gitna ng kalsada. Dahil sa gustong iwasan ng ama niya ang taong 'yon, kinabig nito patungong kanan ang monabela dahilan para malakas na sumalpok ang sasakyan nila sa isang malaking puno na natumba. Huli na para sumigaw siya sa takot. Parang naumid ang dila niya habang nakikita ang sasakyan na sasalpok sa malaking puno.

Tumama ang ulo niya sa salamin dahilan para mawalan siya ng malay.

***

WHEN Virgo woke up, nasa labas na siya ng kanilang sasakyan at nakahiga siya sa gilid ng kalsada. Kahit masakit ang katawan, pilit siyang tumayo para hanapin ang mga magulang niya.

Pero bago pa siya makagalaw sa kinatatayuan, nakita niya ang kanyang mga magulang sa gitna ng kalsada at nakahandusay ang mga ito at naliligo sa dugo.

Nag-umpisang malaglag ang luha niya habang naglalakad palapit sa mga magulang.

A loud horrific scream came out from her mouth when she saw the mutilated body of her parents. Nakilala lang niya ang mga ito dahil sa damit na suot. Nababalot sa dugo ang mga magulang niya at hindi siya makahinga habang nakatingin sa mga ito.

"No!" Sigaw niya habang nanginginig sa takot ang buong katawan. "H-Hindi— hindi puwede... mommy?! Daddy?!"

Akmang lalapitan niya ang mga magulang ng may humawak sa braso niya at pinihit siya paharap.

Nabalot ng takot ang buong pagkatao niya ng makita ang lalaki na nasa harap niya.ay nagkalat na dugo sa bibig nito, pati ang kamay at damit. Nanginginig ang tuhod na napahakbang siya palayo pero hindi siya hinayaan ng lalaki.

"B-Bitiwan—"

"Shhh... tumingin ka sa akin, Virgo."

Dahil sa takot na nararamdan sinunod niya ang sinabi nito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mga mata nito. It’s all black and no white!

"H-Halimaw... halimaw!" Pilit niyang inaagaw ang kamay na hawak nito at naghe-hysterical na umiyak. Puno ng takot ang buong pagkatao niya at ang tanging gusto niyang gawin ay ang tumakbo palayo sa halimaw.

"Shhhh!" Hinaplos nito ang pisngi niya. Virgo shrinked away from the man’s touched.

"A-Anong ginawa mo sa mga magulang ko?" Nanginginig ang boses na tanong niya habang walang patid pa rin sa paghagulhol.

Patuloy nitong hinaplos ang pisngi niya. "Pinatay ko sila... inilalayo ka nila sa akin. Hindi ko sila hahayaan." Sinapo nito ang mukha niya at nakita na naman niya ang mga mata nitong puro itim at ang mukha nitong nababalot sa dugo. "Ang ganda-ganda mo talaga, Virgo. Nakakabaliw ang kagandahan mo. Nababaliw ako sayo. Ang ganda mong iyan ang nakakuha sa interes ko. At ang bango-bango mo pa. Pinatay ko lang naman ang mga magulang mo dahil sagabal sila sa mga plano ko sayo."

Ngumiti ang lalaki at halos mabuwal siya sa kinatatayuan ng makita ang dalawa nitong matatalas na ngipin na sumisilip sa bibig nito.

"A-Anong... b-bakit mo ginawa—"

"Para magkasama tayo, Virgo." Inilapit nito ang bibig sa bibig niya at pilit siyang hinahalikan. Mariin niyang itinikom ang bibig. Kahit anong pilit nito, hindi niya binuksan ang bibig niya.

Napasingahap siya sa sobrang gulat ng bigla nalang may humatak palayo sa lalaki. Nang-ipalibot niya ang tingin, wala na roon ang lalaki na nababalot ng dugo ang bibig, kamay at damit.

Baka isang panaginip lang ang lahat. Pero ang walang buhay na katawan ng mga magulang niya sa kalsada ay ang pruweba na hinsi ito isang masamang panaginip lamang.

Then she heard a woozing sound of air. Bago pa siya makagalaw sa kinatatayuan, may yumakap sa kanya mula sa likuran. At bago pa siya makapag-pumiglas, may bumulong na boses sa tainga niya.

"Sleep," a baritone voice whispered.

At kahit nilalabanan niya ang mga mata na hindi pumikit, namimigat ang talukap ng mga mata niya at wala siyang nagawa kundi magpadarang sa antok na nararamdaman.

The next morning, Virgo woke up in the Hospital. Alone and scared.

AN: Ahm, yeah. Here's the epilogue. And i hope you like it. Nasa plano ko talaga na i-post ito ngayon kasi gusto kong manamnam nito ang simula bago ko umpisahan. Hehe. Comment? 

PPS: Wala pa si Lander. Hahaha. Pero PRAMIS, maybe sa saturday, tapos ko na siya isulat. Hoping...

LOVE LOTS, C.C.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

87.7K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
3.6K 1.3K 200
Compilation of all my one shots. Based on my own playful imagination. LANGUAGES: English Tagalog Taglish PLAGIARISM IS A CRIME.
86.6K 4.6K 32
BULLETPROOF BOYSCOUTS SERIES [V]. [TAGALOG] Once upon a time, an alien with the name of Kim Taehyung landed into my life. He invaded my whole world a...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...