ALICE { o n g o i n g ...}

By purpleangel23

841K 12.2K 2K

A girl who stranded in the world of unknown; she will discover that this world was different from where she c... More

PROLOGUE
Chapter 1: It is still a Once upon a time
Chapter 2 : The Truth
Chapter 3 : Pagtakas
Chapter 4 : NO TRESPASSING
Chapter 5 : Where am I
Chapter 6 : Helping hand
Chapter 7 : What?
Chapter 8 : Dark Spell
Chapter 9 : Sha magic...
Chapter 10 : Metru Nui
Chapter 11 : Waiting for you
Chapter 12 : Omegas
Chapter 13 : Leprechaun
Chapter 14 : Blood
Chapter 15 : Fairies
Chapter 16 : Sphinx
Chapter 17 : Nokama
Chapter 18 : Counting Dance
Chapter 19 : Hurts
Chapter 20 : Dark Cave
Chapter 21 : Morbuzakh
Chapter 22 : Water Sprite
Chapter 23 : Invisible Cloth
Chapter 24 : Nightmare Jar
Chapter 26 : Telepathy
Chapter 27 : Goblin and Dark Raven
Chapter 28 : Crystal Eye
Chapter 29 : Cyclops
Chapter 30 : Sylph
Chapter 31 : Jealous
Chapter 32 : Totema Famfight
Chapter 33 : Revenge of the Wolf Part 1
Chapter 34 : Revenge of the Wolf part 2
Chapter 35 : Revenge of the Wolf Part 3
Chapter 36 : Black Witch and the Labyrinth Mansion
Chapter 37 : Elitist (Grand Witch)
Chapter 38: Shadow Reaper
Chapter 39 : Cerberus
Chapter 40 : Red Mist
Chapter 41: Maiden Warriors and the Damah Desert
Chapter 42 : Cronos Game 1
Chapter 43 : Cronos Game 2
Chapter 44 : Cronos Game 3
Chapter 45 : Pegasus Necklace
Chapter 46 : Sanctuary Grave
Chapter 47 : Dim Ghost Ship
Chapter 48 : Nation of Spirits
Chapter 49 : Princess Morbuzakh
Chapter 50 : Gargoyles
Chapter 51 : Trust and Acceptance
Chapter 52 : No Mana Zone
Chapter 53 : Kitty Punch
Chapter 54 : I'm not yet ready
Chapter 55 : Mortal World
Chapter 56 : Steps to Hope
Chapter 57: Steps to Hope I
Chapter 58 : Steps to Hope II
CHAPTER 59 : STEP TO HOPE III

Chapter 25 : Little Punishment

14K 175 23
By purpleangel23

ALICE P.O.V.

Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at Metru Nui ang sinabi kong pupuntahan namin ni Montblanc? Dapat pala sa gubat ng Orkahm ang sinabi ko. Masyado kasi ako napadala sa inis kaya hindi ko naiisip ang mga sinasabi ko.


“Kuya Sha, dito ka muna may pupuntahan lang kami ni Alice.” paalam ni Montblanc. Nagpasya kami ni Montblanc na pumunta agad sa Metru Nui para makahanap na impormasyon tungkol sa Prinsesa. Maganda na din yun para makalayo muna sa walang hiyang yon. Sabi niya pabigat ako, so, para hindi ako pabigat hindi ako sasama sa kanya.    


“Saan kayo pupunta Momont? Gusto kong sumama! Please! Please!” with matching puppy eyes pa si Sha.


“Huwag na… sandali lang naman kami. Dadalhan nalang kita ng pasalubong.” Lambing ni Monthblanc kay Sha.

Habang naglalakad kami palabas ng kaharian nakasalubong namin si Clyde. Lumapit siya sa amin “Saan kayo pupunta, Alice?” hindi ko siya pinapansin. “Alice tinatanong kita.”

Dahil hindi ako sumasagot, si Montblanc ang sumagot sa tanong ni Clyde “Sa Metru N---”


“Hindi ikaw ang tinatanong ko. Alice ba pangalan mo?”  tumahimik si Montblanc at hindi niya itinuloy ang kanyang sasabihin. Iniiwasan kong tumingin sa mukha ni Clyde dahil sa sama ng loob ko sa kanya pero alam kong nakatingin siya sa akin.


“Alice…” sabay kalabit sa akin ni Montblanc “tinatanong ka.” Mahinang sinabi niya sa akin.

Tumingin ako kay Montblanc “Sabihin mo sa AMO natin, sa Metru Nui tayo pupunta. Bakit pa niya tinatanung yon, alam naman niya na dun tayo pupunta.”

Tumingin si Montblanc kay Clyde “A-ah Clyde ang---”


“Ang sabihin mo sa kanya. Bakit pupunta kayo agad sa Metru Nui? puwede naman ipabukas yon.” Hindi naituloy ang sasabihin ni Montblanc dahil sa agad na tanong ni Clyde.

Tumingin naman sa akin si Montblanc “A-ah, sabi---”


“Sabihin mo ulit sa AMO natin, gagawin natin yun para ipakita na meron tayo naiitulong at hindi tayo masabihan na PABIGAT.” Agad na sinabi ko kay Montblanc.


“Pabigat? Ano ba gagawin niyo sa Metru Nui? Sino nagsabi ng pabigat tayo?” tanong ni Sha sa amin.


“Wala Sha, tara na Montblanc kailangan na nating umalis.” Hinila ko si Monblanc at iniwan si Clyde sa kanyang kinatatayuan.

Malapit na kami lumabas sa gate ng kaharian pero huminto si Montblanc sa kanyang paglalakad at saka siya tumingin sa akin. “Alice, nagaway ba kayo ni Clyde?”  


“Ou nga! Ou nga! Ano ba nangyari? at saka ano ba yung Pabigat na sinasabi mo? ha! Alice! ha! Alice! At saka ano ba talaga gagawin niyo sa Metru Nui?”


“Kuya Sha, isa isa lang ang tanong.” Saway ni Monblanc kay Sha.


“Hindi… Nagkasagutan lang kami. Masama lang loob ko sa kanya dahil sinabihan niya akong pabigat sa mission natin at hindi makakatulong.”


“May mission kayo?!!! Ano mission niyo?!!” tanong ni Sha.


“Ssshh… Ang ingay mo Sha. Ou meron kaming mission. Kaya lang hindi namin puwedeng sabihin Kuya Sha. Sinabihan kami ng Haring Nokama na huwag ipaalam kahit kanino. Isa ka pa naman madaldal.”


“Ang daya! Daya! Niyo Naman!... Aah!! Yan yung mahalagang sasabihin ng Haring Nokama na gustong niyong malaman! Ang daya niyo hindi niyo ako isinama!” nagpout at nagcross armed siya.


“Kuya Sha, malalaman mo din yon.” Tumingin sa akin si Montblanc “Alice, sa tingin ko nagaalala lang saiyo si Clyde dahil masyadong delikado ang mission natin, kaya niya nasabi ang mga bagay na yon. Siguro… dahil na rin kay Third Prince.”


“Ano naman kinalaman ni Prince Azera”


“Hindi mo ba napapansin Alice?” 


“Ang alin?”


“Nagseselos siya kay Third Prince.” Nagseselos? Bakit naman siya magseselos kay Third Prince? “Ngayong kasama ka na sa mission iniisip niya siguro na mas mapapalapit ka kay Third Prince na ayaw mangyari ni Clyde. Sa pagkakaalam ko naman sa pagkatao ni Third Prince, hindi siya susuko hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya at ikaw yun Alice.” tinapik ni Montblanc ang aking balikat “Nagaalala lang sayo yun, ito oh! pampatanggal ng sama ng loob sa kanya” may binibigay siyang isang bagay.


“Lollipop?” panu naman mawawala ang sama ng loob ko sa isang lollipop?

Ngumiti siya sa akin “Hindi basta lollipop yan. Pasasalamat ko na rin yan, kung hindi dahil sayo… mga baliw na siguro tayo ngayon kung natuloy ang pagkakulong natin sa Nightmare Jar.”


“Waaaah!! Muntikan na kayo makulong sa Nightmare Jar!!!?”


“Ou Kuya Sha, nahihiya nga ako sa kanya dahil nagsinungaling pa siya para mailigtas ang mahiwagang kong utak.” Sabay hawak niya sa kanyang ulo.


“Mahiwagang utak ka diyan!! Yan kasi!! Buti nalang… kung hindi… makakalimutin ka na nga, baliw ka pa. Kawawang Momont. Saka matagal ka ng baliw kahit hindi ka na ikulong dun.” Ngumisi si Sha.


“Ikaw kaya ikulong ko sa Nightmare jar!!” Hay! nagaaway na naman sila.


“Wala yun Montblanc, hindi rin naman ako sigurado nun na maliligtas tayo.”


“Basta… salamat at sorry na din” Tinanggal niya ang ballot ng lollipop saka niya pinahawak ito sa akin “Isubo mo na.”

Sa pagsubo ko ng lollipop nasarapan ako sa lasa, malamig ito sa bibig at kakaiba sa rainbow candy na natikman ko kanina. Tinignan ko yung balat ko. “Wala naman nangyari.” nanlaki mata ko nung may lumabas na usok sa bibig ko. “Waah! Bakit may usok?”


“Smoke candy tawag diyan” Kaya pala. Kakaiba talaga ang mga candy dito sa kabilang mundo.

Kada tanggal ko ng lollipop, nilalabas ko ang usok sa bibig ko para akong naninigarilyo. Kahit papaano naaliw ako sa ginagawa ko.

Sa pagkalabas namin sa gate nakita ko si Grego nahihintay sa amin.


“Grego!” niyakap ko ang mabalahibo niyang leeg.


“Alice, masaya ako nagkita ulit tayo.”


“Ako din. Ikaw ba ang magdadala sa amin sa Metru Nui?” tumungo si Grego.


“Hala!” sigaw ni Montblanc kaya hindi ko naiwasang lumingon sa kanya.


“Ano problema?”


“May nakalimutan ako sa loob!” kahit kelan talaga si Montblanc makakalimutin.


“Nakalimutan!? Eh dala---” tinakpan ni Montblanc ang mukha ni Sha sa pamamagitan ng isang daliri niya.


“Sumakay ka na kay Grego” Nagmadaling maglakad si Montblanc “Babalik din ako agad.” Ano kaya nakalimutan nun?


“Sige na Alice sumakay ka na sa likod ko” iniluhod ni Grego ang kanyang apat na paa para makasampa ako sa likod niya.


“Ang lambot parin ng balahibo mo Grego, komportable parin ako umupo”


“Salamat Alice, inaalagaan ko kasi yan ng mabuti. Kumapit ka at tatayo na ako.” Kumapit ako sa kanyang balahibo. Sumagi tuloy sa isip ko nung muntikan na ako mahulog sa biglang pagtayo ni Grego, buti inalalayan ako ni Clyde nun. Tsh! Bakit ko ba iniisip yung walang hiyang yon.

Hindi naman ako naiinip sa pagaantay kay Montblanc dahil nageenjoy ako sa bigay niyang lollipop. Ang ginagawa ko sipsip at buga, mukha nga akong tanga sa ginagawa ko.

Hanggang sa may naramdaman akong umupo sa pwesto ng likuran ko, si Montblanc na siguro yon, lilingunan ko sana siya pero biglang ipinagaspas ni Grego ang kanyang pakpak. Napakapit ako agad sa kanyang balahibo, hindi naman ako makapagsalita dahil may lollipop ang bibig ko.

Nalulula pa rin ako pero hindi na ganun kalala nung dati. Nang nasa himpapawid na kami tinanggal ko ang lollipop ko sa bibig para makapagsalita ng maayos. “Ano ba nakalimutan mo Montblanc?” Napansin kong hindi siya sumasagot sa aking tanong kaya lumingon ako.

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko kung sino ang nakasakay.


 “C-Clyde!”


 “Ako nga bakit.” nakataas pa ang isa niyang kilay.


“Grego!! Hindi si Montblanc ang nakasakay. Bumalik tayo!! Si Montblanc ang sasama sa akin papuntang Metru Nui!” 


“Tumigil ka nga. Ako na ang sasama sayo sa Metru Nui.” Tinitigan ko siya ng masama “Aba! Nakakatitig ka na sa akin ng ganyan.” Tinaasan ko siya ng kilay “Aba! Sumosobra ka na talaga! Alice!!!”

Tinapik ko ang likod ni Grego “Grego!!! Bumalik tayo o kaya ibaba mo nalang ako!!”


“Pasensya na Alice, hindi kita pwedeng ibaba.” Naman! Sigurado akong plinano ni Montblanc ito.


“Nilalayuan mo ba ako Alice?”

Tinignan ko ulit siya ng masama at nakataas ang isang kilay “Hindi ba obvious! Nilalayuan kita at ayoko makasama ka!!”

Nakita ko nagiba ang emotion ng mukha niya. Naging mas seryoso pa siya lalo. “GREGO!!” sumigaw siya kay grego na para bang inuutusan niya ito.

Ipinagaspas ni Grego ang kanyang pakpak at lumipad ng mataas. “Teka!!! Grego!!!” napakapit ako ng mahigpit sa kanyang balahibo “Itigil mo ang ginagawa mo Grego!! Huwag ka nang lumipad ng mataas!!!” hindi ako pinapansin ni Grego. Lumilipad parin siya ng mataas, paliit na ng paliit ang mga nakikita kong bagay sa ibaba na lalong nagpalula sa akin. “Stop!!! Natatakot na ako!! Bakit mo ginagawa sa akin ito CLYDE!!!” nanginginig na ako sa takot.


“Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan.” Lumingon ako sa kanya. He looked straight to my eyes. “Bakit lagi mo nalang ako ginagalit.”

Biglang tumagilid si Grego sa kanyang paglipad at hindi ko naiwasang mapabitaw sa kanyang balahibo.


“Aaaahhh!!” agad naman ako nahawakan sa kamay ni Clyde. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at halos maiyak na ako sa sobrang kaba. Ayoko pang mamatay!! “Clyde!! Itaas mo ako agad, Clyde!!” his face was so cold, wala akong nakikitang emotion sa kanyang mukha. Naramdaman kong unti unti niyang niluluwangan ang pagkakahawak niya sa kamay ko.


“NO!! NO!! Clyde!! Huwag mo ako bibitawan!!” Maluha luha kong sinabi sa kanya.


“Nasasaiyo yon Alice.” Ano!! sa akin? “Kung natatakot ka, humawak ka sa akin.” Bakit niya ginagawa sa akin ito. “Humawak ka sa akin, hanggat makakaya mo” Hindi ko na kaya!! Unti unti na dumudulas ang kamay ko sa kanya.


“NO!!! Clyde!! Don’t let me go!!!”

Pilit ko talagang makakapit sa kanya pero talagang hindi na kaya ng lakas ko para makahawak sa kanya ng matagal kaya nakabitaw ako “Aaaaaaaaahhhhh!!!!!!” Nakikita ko na palapit na palapit na akong bumaksak sa dagat.

Hanggang sa may sumalo sa akin. Nakita ko si Clyde… siya ang sumalo sa akin. Nanginginig ako sa sobrang takot, na paiyak ako bigla at na payakap sa kanya.


“Hindi naman talaga kita hahayaang bitawan Alice. Gusto ko lang maparusahan ka kahit konti. I want you to feel… and learn… that you can’t live in this world… without me.”

Para akong bata na walang tigil sa pagiyak. Konting parusa ba ang tawag niya dun? Muntikan na nga akong mamatay sa parusang ginawa niya. Dapat nga siya yung parusahan ko dahil sa masasakit na sinabi niya kanina.


“I’m sorry… alam kong nasaktan ka sa mga sinabi ko, nagawa ko lang naman yun dahil Mahal kita. Patawarin mo ako Alice.” bulong niya sa akin.

Yan lang naman ang gusto kong marinig sa kanya ang humingi ng tawad at sabihin ang totoong nararamdaman niya para sa akin. Dahil sa mga sinabi niya nawala ang pagkabigat ng nararamdaman ko.  Hay! kailangan ba talagang humantong sa ganito para lang malaman ko ang tunay na nararamadaman ni Clyde para sa akin at mapatawad siya.

Kumalas ako sa kanya, pinunasan ko ang luha ko at saka ko siya pinitik sa kanyang noo.


“ARAY!!! Bakit mo ginawa yon.” Sabay himas sa kanyang noo.


“Parusa ko sayo yan.” Nasakatan siya sa ginawa kong yon? Nagpout ako. “Dahil sayo nawala ang lollipop ko.”   


“Dahil lang sa lollipop kaya mo ako pinitik sa noo?”


“Mukhang nagkabati na ang dalawang Priatel. Pwede na tayo tumuloy sa Metru Nui.” Sabi ni Grego.


“A-ano ba ang---” hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Clyde.


“Itatanong mo kung ano ang Priatel” tumungo ako sa kanya “Engot ka talaga kahit kelan. Hanggang ngayon hindi mo pa alam kung ano ang Priatel.” Naku naman!! Nagsisimula nanaman siya gusto ba niya ulit magalit ako sa kanya. “Ang ibig sabihin non magkasintahan…”

Dahil sa narinig ko bigla ako nakaramdam ng pagkainit sa aking mukha. 

+++++++

Maraming Salamat po.. sa pagbabasa niyo..^__^V

Sana magustuhan niyo ang UD ku ..hehehe

COMMENT/VOTE po kayo..

Have a nice day..every one!!! labs labs labs!! 

Godbless!!

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...