IHS #2 : HIS TOXIC RED LIPS

By princess_kups

405K 8.6K 2K

Raveah ValeJandre Alarcon, the only child. Madaling makuha ang lahat ng bagay na gugustihin niya dahil sa yam... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
EPILOGUE

CHAPTER 11

10.8K 253 75
By princess_kups

CHAPTER ELEVEN


"Please, accept this." hinabol ako nang isang lalaki at pilit binibigay sa akin ang flower na hawak.


Hindi ako makapagsalita. Gusto kong tanggapin 'yun pero ayaw kong bigyan niya ng malisya ang gagawin ko. I really appreciate him..but ayaw kong isipin din ni Chance na tumatanggap ako ng regalo. I know na hindi pa kami at ayaw ko din mag karoon ng madaming manliligaw.


"Thank you, Charles," I smiled. "But I can't—"


"May nanliligaw sayong iba?"


Inangat ko ang tingin ko at marahang tumango.


Napatango din siya at tinago ang bulaklak sa likuran. He was smiling but I know that it was a fake smile, hindi ko tuloy alam kung tatalikod ba ako. Classmate ko na siya since Grade 11 at sinubukan niya din akong ligawan noon but I rejected him and until now hindi parin siya tumitigil.


"I'm really sorry, I need to go."


Nakahinga ako ng maluwag. Paglabas ko sa gate ng School ay naka-abang agad ang sasakyan ni Chance, mukhang kakatapos lang ng work niya. Nakasandal siya at naghihintay.


"Are you okay?" agad na naninigurado ko, sobrang sama kasi ng tingin niya.


Hindi siya nakatingin sa akin, nakasandal siya sa pinto ng kotse at iniikot sa daliri ang susi.


"Sino 'yun? nanliligaw din ba sayo?"


Bumaling ako kay Charles na naglalakad papalayo, nakayuko habang hawak ang bulaklak.


"No..he's just my friend."


"Ang friendly mo naman." malamig ang tono ng boses niya.


"What do you want me to do?" I asked. "Do you want me to ignore them? alam mong hindi ko gusto na may kaaway sa school."


"Piliin mo ang mga kakausapin mo, hindi 'yung nagtitiwala ka agad, lalo na sa mga lalaki."


Nagsalubong ang kilay ko, gusto ko siyang sagutin pero pinigilan ko ang sarili ko. Inisip ko nalang na baka kaya mainit ang ulo niya ay kakagaling niya lang sa work.


"Alam ko naman 'yun."


"I'm just warning you so don't get mad."


Ngumuso ako at pumasok na sa sasakyan. Nakasimangot pa rin ang mukha niya habang abala sa pagmamaneho. Mukhang wala siya sa mood, hindi naman siguro dahil sa kanina na nakita niya.


"Are you mad at me?"


"You know that I can't get mad at you, baby."


Mas lalong humaba ang nguso ko. Kung hindi siya galit bakit hindi niya ako nililingon o kinakausap man lang, para bang may masama akong nagawa sa kanya.


"Are you upset?"


Tumango siya. "Pwede kang makipag-kaibigan sa kahit sinong gusto ko, maliban sa mga lalaki, you understand?"


Napunta sa akin ang inis. Nakakainit ng ulo kapag ganito siya, ang dami niyang sinasabi. Pinipilit ko nalang intindihin dahil pagod siya sa trabaho.


"You have to trust me, Chance."


"I trust you but I don't trust them. Sinasabi ko 'to para sayo, makinig ka na lang."


Seryoso ang usapan sa loob ng sasakyan. Dumaan kami sa fast food para kumain, siya ang umorder habang naghihintay ako sa table, nakatingin ako sa matipunong likod niya, umiirap pa ako nang makita ang ibang girls sa kabilang side na namumula dahil sa kanya.


"Thank you."


Ngumiti siya ng tipid bago ayusin ang pagkain sa table, hinayaan ko siyang asikasuhin ako para makita ng ibang girls na ako ang kasama niya. Lahat ng babae sa kabilang table ay palihim na umirap sa side namin.


"Kanina pa sila nakatingin sayo, nakakainis."


Umupo na siya, inaayos niya ngayon ang order niya. Hindi siya tumingin sa likod kung saan nandoon ang ibang babae.


"Sayo naman ako nakatingin mas lamang ka parin." he smiled at me.


Dahil dun ay nawala ang inis ko. Hindi pa ba ako sanay sa ganong pangyayari? Palagi naman siyang pinagtitingin ng mga tao, hindi ko nalang pinansin.


"Sa susunod pwedeng hindi mo muna ako sunduin, after ng work mo hindi ba dapat nag papahinga ka. Si Kuya Ches naman ang maghahatid-sundo sa akin." sabi ko.


"I'm okay, gusto ko rin namang sinusundo ka."


"Pero dapat nagpapahinga ka."


"Hindi pa ba mukhang pahinga 'to?" tanong niya. "Nakakapagod sa trabaho at nakakapagod din sa bahay, nakakapagpahinga lang ako kapag nandiyan ka, hayaan mo nalang ako."


Hindi ako nakapagsalita dahil sa biglang mamumula. Masyado siyang seryoso ngayon kaya hindi ako sanay. Nararamdaman kong pagod siya pero kung ito ang gusto niya wala akong magagawa. I also want to see him everyday, mas gusto ko din na siya ang sumusundo sa akin.


After naming kumain ay dumiretso kami sa bahay. Nauna siyang lumabas at binuksan ang pinto saka ako tumayo.


"Thank you again." sabi ko.


Pagod na pagod ang mga ngiti siya, kanina ko pa siya tinatanong pero iniiba niya ang usapan.


"Wait." I stopped when he grabbed my hand, nagulat ako. Agad na pumulupot ang kamay niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit, pumikit ang mata niya at pinatong ang noo sa balikat ko.


"Pakalmahin mo ako sandali," narinig ko ang mahinang bulong niya.


My heart was beating so fast, nakayuko lang siya at nakadikit sa balikat ko, pinapahinga ang sarili habang yakap-yakap ako.


"Are you tired?" I smiled as I gently caressed his hair.


"May nangyari lang sa trabaho kanina kaya hindi ako makapag-isip ng maayos. Pasensya na sa ugali ko kanina." paos ang boses niya, pagod nga.


Alam ko naman nakakakapagod ang trabaho niya. Araw-araw kailangan niyang pumunta sa ibang lugar para bisitahin ang ibang projects niya. At alam ko ding takot siyang makagawa ng pagkakamali. He's the first born, malaki ang tiwala ng parents niya sa kanya.


"What happened, baby?" I asked.


He hugged me more, I looked away, mas malungkot ako nang naramdaman ang mabibigat na paghinga niya. Kahit hindi niya sabihin alam kong napapagod siya.


"I can't disappoint them."


Huminga ako ng malalim at hinawakan ang dalawang pisngi niya habang nakabaling lang siya sa ibaba, ayaw niya ako tignan.


"It's okay to make mistakes, Chance. You're not perfect."


"Baby," narinig ko ang malalim at mababang tono ng boses niya.


"I'm very proud of you, Engineer." I said.


Umangat ang tingin niya, ngumiti ako at nahawa naman siya kaya hindi napigilang ngumiti. Yumakap ulit siya sa akin nang gumaan na ang pakiramdam niya.


"Okay, that's enough." natatawa akong tinanggal ang kamay niya. "There's a lot of CCTV here, baka may makakita pa satin." 


Umikot ang mata niya, nagulat siya nang makita ang CCTV sa labas ng mansion. He dramatically covered his mouth, umatras siya.


"Fuck, I want to kiss you." mahinang bulong niya bago inalis ang mata sa itaas.


"Palaging tinitignan ni Daddy ang mga CCTV makikita niya tayo-" 


"You're right." mabilis na sabi niya. "Tama ka diyan, baka makulong pa ako nang wala sa oras."


Tinawanan ko lang siya, mas ayos na siya ngayon hindi tulad kanina na pilit ang mga ngiti. Umikot siya at huminto sa pinto ng driver seat. Hinihintay niya akong pumasok sa loob bago siya umalis.


"Hi, Tito," kumakaway siya sa mga cameras. "Binabalik ko lang po ang anak niyo, maayos at buo pa rin 'yan!" 


Kinagat ko ang ibabang labi at pinigilang tumawa. Pumasok na ako at narinig kong pinaandar niya na rin ang sasakyan niya. Tinapos ko ang homeworks ko bago bumaba para mag-dinner. Nandoon na agad sila mommy sa dining, humalik ako sa pisngi nila bago umupo.


"How's your school, sweetheart." Dad asked. 


 "I hate college, Dad." 


Natawa siya, minsan naiisip kong huwag na mag-aral pero nag-babago din naman agad ang isip ko. Palagi nilang binibigay ang mga bagay na gusto ko at I think makakabawi lang ako sa kaniya kapag nakapag-tapos ako. Never silang nag-demand, never silang nag-reklamo. I have support system, I have my parents!


"Do you have a boyfriend?" 


Pareho kaming naubo ni mommy.


"Wala po," inabot ko ang water. "Wala pa naman, Dad."


Tumingin ako kay Mommy, lumaki ang mata ko at nag-hihintay ng tulong mula sa kanya.


"Honey, let her enjoy. Kasama naman sa pagdadalaga ang magkaroon ng boyfriend." sabi ni mommy. "Saka, never namang bumaba ang grades niya, I think hindi naman magiging bad influence ni Chan..I mean, kung magkaka-boyfriend siya." 


Nagsalubong ang kilay ni Daddy hindi makapaniwala sa sinabi ng asawa. Hinayaan ko lang silang mag-tuos habang kumakain ako.



"She's still a baby,  Ayza." nilakihanniya ng mata si Mommy. 


"Stop treating her like a baby. She's now 18, may sariling utak, desisyon at gusto." 


"Yes, I agree with you, mom." nag-thumbs up ako kay mommy.


It's Sunday, sinundo lang ako ni Chance para pumunta sa bahay nila. Tita Khiara messaged me, gusto niya akong turuan ng bagong recipe niya kaya agad naman akong pumayag sa gusto nito. Maaga akong sinundo ni Chance, pag-dating namin ay ang Daddy niya agad ang yumakap sa akin.


"Ganda nang kasama mo, anak!" lumapit si Tito Max. "Future girlfriend mo?" 


Nagulat ako sa kaniya, ngumiti lang ang Daddy niya sa akin. Yumakap ako dito at binubulungan ako nang kung anu-ano pero agad akong kinuha ni Chance kaya mas lalong natawa ang Daddy niya.


"Future ko, Dad." nanlaki ang mata ko nang umakbay siya. 


Tumaas ang kilay ng Daddy niya. Kanina ay nagloloko ito pero ngayon ay hindi magawang ngumiti dahil seryoso ang mukha ng anak.


"Nililigawan ka ng anak ko, Raveah?" Tito Max asked me.


Tumingin ako sa kamay ni Chance na nasa balikat ko. "Ahm..yes, tito." 


Gulat na gulat at napatakip ng bibig. "Tangina, anong nagustuhan mo sa anak ko? wala namang magandang ugali ang meron 'yan." 


"Daddy!" 


Umiling ito. "Raveah, I'm giving you a chance to change your mind. Bata ka pa, madami pang matinong lalaki diyan, not my asshole son." 


Natawa lang ako dahil alam kong nabibiro lang ito.


"Tatay ba talaga kita?"


"Oh, narinig mo 'yun sinasagot ako, 'yan ba ang lalaking gusto mo? kung ako sayo tatakbo na ako." 


"Really, dad? do you want me to tell mom that you broke her vase-" 


Lumapit si Tito at niyakap ako. "Ang galing mong pumili ng lalaki, tama ang desisyon mo. Alam mo bang hindi na babaero 'tong anak ko, madalas nang umuwi ng maaga saka ngumingiti 'yan kahit habang pinapagalitan ng mommy niya siguro ikaw ang nasa isip. Sagutin mo na, maganda lahi namin, ayaw mo?" 


Napayuko ako at panay ang tawa ng mahihina. Namumula na din ako dahil sa sinasabi ng Daddy niya.


"That's right, Dad!" 


"Gagong batang 'to," bulong ni Tito.


 Naiwan sila sa living room habang magkasama kaming dalawa ni Tita sa kitchen. Nag-uusap kami at tinuturo niya sa akin ang ibang recipe niya. We were just laughing, I'm very comfortable when I'm with Tita Khiara, sobrang gaan niya lang kasama.


"Huwag ka ng mahiya, anak. Sinabi na sa akin ni Chance na nanliligaw siya sayo. Hindi naman ako nagulat, hinanda ko na ang sarili ko." she laughed.


Nahihiya ako dahil hindi ko 'yun sinabi sa kaniya.


After naming kumain ay sinamahan ako ni Chance papunta sa silid niya. I ran when I saw Veah, naka-higa ito sa kama niya. Binuhat ko 'yun at sumabit agad sa leeg ko, sinarado ni Chance ang pinto at tumayo sa harapan habang nakangiti akong kinakausap si Veah.


"Gosh, you're so chubby!" gigil na sabi ko.


"Ang galing kong mag-alaga no?" 


Ngumiti ako, madalas kong makasama noon ang pusa niya pero nawalan ako ng oras kaya hindi ko na 'to nadalaw. Nagseselos din ako minsan kay Veah kaya madalas niya akong kalmutin.


Bumaba si Veah sa kama, nasa balcony si Chance at nakatalikod. Binuksan ko ang malaking glass door sa room niya, nasa second floor ang kwarto niya kaya medyo mataas ang view. 


"Come here, don't just look at me." he opened his arms, naglakad ako papunta sa kaniya at yumakap. 


Mas matangkad siya sa akin kaya naka-dikit lang ang ulo ko sa dibdib niya. Naka-yakap ang kamay ko sa beywang niya, inaamoy niya ang buhok ko.


"I like your perfume." sabi ko, naamoy ko ang damit niya. 


"And me?" 


I looked up and smiled. "I like you too."


Natawa siya, binaon ko ang mukha sa dibdib niya. Napapakinggan ko ang malalakas na tibok na nanggagaling sa kaniya. Mag-sisinungaling kaming dalawa kung sasabihin naming hindi tumitibok ng sabay ang puso namin ngayon.


"Ito ang unang beses kong manligaw ng isang babae," bulong niya. "Natatakot ako dahil baka ma-disappoint ka."


"Just be you, that's all I want." kuminang ang mata ko nang sandaling tignan ko siya. 


Huminga siya ng malalim, kinuha ang isang kamay ko. Pinag-dikit niya ang kamay naming dalawa, tinaas niya 'yun at hinawakan ng mahigpit. Pumikit siya nang sandaling mahalikan ang likod ng palad ko.


"Now, I want to be honest with you.."


Tumaas ang kilay ko. "Then be honest, Chance." 


"Hindi ako naniniwala sa matagal na panliligaw," nanginginig ang boses niya. "Just be mine, be with me, pinapangako kong ipapanalo kita, ipaglalaban kita, pipiliin kita."


PRINCESSKUPS [gemidee.]

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 128 11
Ella Luthea Urcinal went to their province and then he meet Zackarry Ian Villarreal, at napamahal siya sa binata sa maikling panahon but she can't be...
215K 5K 43
Zia Georgina Elejorde was orphaned when she was only four years old after her father was arrested and imprisoned by law enforcement under the orders...
1.6M 34K 45
Montejo Siblings #1 Love at first sight, that's what they call it. And I think it victimized the eldest of the Montejo Siblings, Darius. With Samanth...
16.2K 396 27
If you remember me, then I don't care if everyone else forgets. For as long as you remember me, I am never lost. Allejo Series 3