Isla Fontana Series #4: Ruthl...

By RosasVhiie

766K 26.9K 3.3K

Title: Ruthless Slave (Isla Fontana Series 4th Installment) Genre: Romance, Erotica, Drama, Violence, Mature... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1 (Slave)
Chapter 3 (Touch Me)
Chapter 4 (Scar)
Chapter 5 (Calm)
Chapter 6 (Blood)
Chapter 7 (Dangerous)
Chapter 8 (Enchanted)
Chapter 9 (Scared)
Chapter 10 (Knives)
Chapter 11 (Flesh and Blood)
Chapter 12 (Belt)
Chapter 13 (Fall In Love)
Chapter 14 (Creepy)
Chapter 15 (Don't Look Back)
Chapter 16 (Break Up)
Chapter 17 (Tears)
Chapter 18 (Jealousy)
Chapter 19 (Regret)
Chapter 20 (Surrender)
Chapter 21 (One and Only Dream)
Chapter 22 (Fight With Her)
Chapter 23 (Basement)
Chapter 24 (The World is Too Cruel)
Chapter 25 (Savior and Salvation)
Chapter 26 (Promise)
Chapter 27 (Heavy Rain)
Chapter 28 (Tame the Beast)
Chapter 29 (Invade)
Chapter 30 (Healed)
Chapter 31 (Don't Go Home)
Chapter 32 (Give Up)
Chapter 33 (Stay By Your Side)
Chapter 34 (Save Me)
Chapter 35 (You're Not The Devil)
Chapter 36 (Buried)
Chapter 37 (Broken Pieces)
Chapter 38 (His Own Flesh and Blood)
Chapter 39 (Warmth, Care, Protection, and Love)
Chapter 40 (You Deserve So Much Better)
Chapter 41 (Destiny)
Chapter 42 (Warm Heart)
Chapter 43 (Love Wins. Love Is Powerful)
Chapter 44 (Passed Out)
Epilogue

Chapter 2 (Borrow)

29.2K 975 163
By RosasVhiie

CHAPTER 2

NAPATIGIL siya sa paglalakad nang makita ang pamilyar na bangka. Tahimik siyang sumandal sa puno ng niyog habang pinagmamasdan ang lalaking mahimbing na natutulog sa sarili nitong bangka.

Aminado siyang napakasungit ng lalaki. Ni halos hindi ito nagsasalita at hindi pa niya nakitang ngumiti.

Ilang buwan na nga ba ang nakakalipas mula noong hiniling niya sa lalaking ito ang nakakahiyang bagay na iyon? Kung tama ang pagkakatanda niya, halos sampung buwan na ang nakakalipas.

Ininsulto lang siya ng lalaking ito pagkatapos niyang itanong noon kung papayag ba itong ipahiram ang katawan nito sa kaniya. Pagkatapos niyon ay suplado lang siya nitong inignora at sa tuwing magkikita sila dito sa ay salubong naman ang mga kilay kapag siya ang kaharap. Parang walang emosyon.

Alam niyang kabaliwan ang hiniling niya noon sa lalaki. Naiintindihan niya kung baliw ang tingin nito sa kaniya. Hindi niya iyon mababago.

Napatingala siya sa kalangitan. Mataas ang sikat ng araw pero nakakatulog pa rin ang lalaki kahit mainit.

Halos araw-araw niya itong nakikita dahil isa ito sa naghahatid ng isda sa puwesto ng lola Helen niya. Araw-araw niyang natatagpuan ang sariling inoobserbahan ang lalaking ito sa loob ng ilang buwan. Napaka-suplado talaga nito.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa puwesto ng lalaki at wala sa sariling hinubad niya ang suot na lumang jacket.

Maingat niyang pinatong sa katawan ng binata ang hinubad na jacket para kahit papaano ay hindi ito mainitan.

Akmang tatalikod siya nang may malakas na kamay na humawak sa pulsuhan niya. Gulat siyang lumingon at halos hindi makahinga nang makitang gising na pala ang lalaki.

Awtomatiko itong bumangon at prenteng umupo sa bangka. Napatitig siya sa magulong buhok nito. Ilang beses siyang napakurap dahil nagmukha itong musmos na bata dahil sa magulong buhok.

Nahimasmasan lang siya nang maramdaman sa bandang dibdib niya ang jacket na nilagay sa katawan ng binata kanina. Hinagis iyon ng lalaki sa kaniya, dumausdos at nahulog sa buhangin ang jacket.

"Ayaw na ayaw kong iniistorbo ang tulog ko," iritadong sabi nito.

"P-Pasensya na. Masyado kasing mainit kaya naisip kong—"

"Nandito ka na naman ba para alukin ako?" putol nito sa sasabihin niya.

Mabilis siyang umiling.

"Hindi. Napadaan lang ako dito," kaagad na depensa niya.

Isang beses lang niya itong inalok noon at hindi na niya inulit pa dahil sa bukod sa nakakahiya ang ginawa niya ay mas lalo lang itong naging malamig sa kaniya.

"Umalis ka sa harapan ko," malamig na utos nito.

"Masyadong mainit dito. Doon ka matulog sa bandang lilim para—"

"Huwag mo akong pakialaman. Alis na," pagtataboy nito.

Naikagat niya ang ibabang labi. Walang kapantay ang kasungitan ng lalaking ito.

Pinulot niya ang jacket sa buhangin at inabot iyon sa binata.

"Gamitin mo na lang ito para—"

"Bingi ka ba? Sinabi kong umalis ka na. Hindi ka ba nakakaintindi?" iritadong tanong nito.

Muli ay nakagat niya ang ibabang labi. Awtomatiko naman itong tumingin sa ibabang labi niya pero mabilis din itong nag-iwas ng tingin.

"Matutulog ako kaya umalis ka na kung ayaw mong kaladkarin kita," masungit na sabi nito at muling humiga sa bangka.

Walang nagawang tumalikod siya. Bakit ba ang sungit-sungit ng lalaking 'yon?

"Sei! Nandito ka pala. Kanina pa kita hinahanap," nakangiting sinalubong siya ni Leo nang makarating sa daungan ng mga bangka.

"Bakit, Leo? May kailangan ka ba?" kaagad na tanong nito.

Napakamot ito sa ulo.

"Ano kasi...gusto sana kitang makausap," nahihiya at namumulang sabi nito.

"Ano 'yon?" tanong niya.

Isa ring mangingisda si Leo sa islang ito. Mabait ito at palagi siyang kinakausap.

"Gusto ko sanang manligaw," napapakamot sa ulong sabi nito.

Kaagad silang tinukso ng ibang mangingisda na nakasaksi sa kanila.

Nahihiyang tumingin siya sa mga ito.

"Leo...ano kasi..." hindi niya alam ang sasabihin.

"Ayos lang kahit hindi mo ako masagot sa ngayon. Kaya ko namang maghin—" natigil ito sa pagsasalita nang mapatingin sa likuran niya.

Kaagad siyang lumingon at napakurap nang makita ang lalaking sinusungitan siya kanina.

"Ah, mamaya na lang, Sei. Ingat ka," kaagad na sabi ni Leo at mabilis na tumalikod.

Hinarap niya ang walang emosyong mukha ni Hunter. Palagi itong ganito kaya halos ilag ang mga tao dito sa binata.

"Bakit?" tanong niya.

Kunot-noong tumingin ito sa kaniya.

"Anong bakit?" masungit na balik-tanong nito.

"Akala ko ba matutulog ka ulit? Bakit ka nandito?" muling tanong niya.

"Inistorbo mo ang tulog ko kaya paano akong makakatulog ulit?" masungit na tugon nito.

Parang gusto niyang mapailing sa sobrang kasungitan nito. Walang imik na naglakad ito. Kaagad naman siyang humakbang, kusang sumunod ang mga paa niya sa binata.

Napatigil lang siya sa paglalakad nang lumingon ito sa kaniya habang salubong na naman ang mga kilay.

"Bakit mo ako sinusundan?"

"Hindi kita sinusundan. Magkapareho lang tayo ng daan pauwi sa bahay," inis na sagot niya at nauna nang naglakad.

Naiinis siya sa kasungitan nito samantalang wala naman siyang ginawang masama. Nakarating siya sa bahay nila na masama ang timpla.

"Apo, ayos ka lang? Hindi maipinta mukha mo," puna ng lola niya.

"Ayos lang po, lola. Sa kuwarto lang ako," paalam niya at diretso nang pumasok sa kuwarto.

Sinara niya ang kawayan na pinto at humiga sa papag. Malakas siyang napabuntong-hininga at tumagilid ng higa.

Mula sa ilalim ng unan niya ay kinuha niya ang isang boteng gamot mula doon. Tiningnan niya ang laman niyon at napangiwi nang makitang isang piraso na lamang pala iyon.

"Wala ka nang gamot?"

Nagulat siya at mabilis na tinago ang gamot niya. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang si Ate Kathy ang pumasok sa kuwarto.

Silang dalawa lang ang nakakaalam na umiinom siya ng ganitong klaseng gamot. Walang alam ang lola at ang bunso nilang kapatid sa sitwasyon niya. Sa sitwasyon nilang magkapatid.

"Luluwas ako sa kabilang isla bukas. Ibibili kita ng gamot para—"

"Ate, ako na. Kaya ko naman," nakangiting agaw niya sa sasabihin nito.

Nilapitan siya ng ate niya at masuyo siyang hinaplos sa pisngi.

"Ayos ka lang ba?" masuyong tanong nito.

Kagat ang ibabang labing tumango siya.

"Ayos lang, ate," mahinang tugon niya.

"Kaya mo pa?" muling tanong nito.

Dahan-dahan siyang tumango kahit alam niya sa sariling hindi. Ayaw niyang mag-alala ito. Masyado na itong maraming sinakripisyo para sa kaniya.

"Ayaw mong...dalhin kita sa Maynila? May ipon naman ako. Para mas matutukan ang—"

"Ate, huwag na. Ayos lang ako," putol niya sa sasabihin nito.

Napabuntong-hininga ito at ginulo ang buhok niya.

"Magluluto akong hapunan. Inom kang gamot pagkatapos kumain, ha? Huwag mong kakalimutan," masuyong bilin nito.

"Oo, ate. Salamat," tipid siyang ngumiti.

Lumabas ito sa kuwarto nila. Kaagad niyang niyakap ang sarili. Ayos lang naman siya. Nakakaya naman ng gamot pero minsan ay hindi niya pa rin maiwasan. Iyon ang mga panahong nakita siya ng lalaking iyon. Nakita siya nitong...pinapaligaya ang sarili.

Napatalungko siya sa mga tuhod niya at tahimik na umiyak. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya ito kakayanin.

Nang sumapit ang gabi ay sabay-sabay silang kumain at natulog. Katulad ng nakasanayan niya ay tahimik siyang lumabas ng bahay sa kalaliman ng gabi at naglakad patungo sa batuhan kung saan ay naging saksi sa lahat ng sakit at hapdi ng puso niya.

Tahimik siyang sumandal sa bato kung saan siya palaging pumupuwesto. Doon siya umiyak nang umiyak habang inaalala ang nakaraang nagbago sa buo niyang pagkatao...

"Boss, mas mala-anghel ang babaeng ito. Ibalato mo na lang sa aming apat, boss. Doon ka na lang sa isa. Mukhang leon ang isang 'yon. Ito...sobrang ganda."

Sa nanlalabong paningin ay nakita niya ang limang kalalakihan. Ilang araw na ba silang naririto? Ayaw na niyang bilangin pa.

Malakas na tumatawa ang lima habang nakangitin sa kaniya.

"Ibabalato ko 'yan sa inyo pagkatapos ko," sagot ng pinaka-lider habang may nakakatakot na ngisi.

Lumapit ito sa kaniya at mahigpit na sinapo ang baba niya.

"Parehong magaganda ang magkapatid na ito. Tiba-tiba tayo," nakangising sabi nito habang may tinuturok sa kaniya.

Unti-unting tumulo ang mga luha niya. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya mahanap ang sariling boses.

Ilang segundo lang ay ramdam niya ang pag-init ng buo niyang katawan habang ang lalaking nasa harapan niya ay dahan-dahang naghubad at walang ingat na pumatong sa ibabaw niya.

Ang mga kamay at paa niya ay nakatali sa ibabaw ng kama. Mula sa leeg hanggang sa dibdib niya ay hinimas siya nito hanggang sa tiyan at bumaba sa maselang parte ng katawan niya.

Wala siyang lakas umayaw. Wala siyang lakas na manlaban. Natagpuan niya ang sariling umuungol sa bawat haplos nito. Nakakadiri. Sobrang nakakadiri dahil kahit ayaw ng utak at puso niya, hindi nakikiayon ang sarili niyang katawan. Naging sunod-sunuran ang sarili niyang katawan sa nakakadiring mga kamay nito na mapangahas siyang binibigyan ng ligayang hindi niya kailanman ginusto.

Bumalik siya sa kasalukuyan nang maramdamang umangat ang katawan niya. Hindi niya namalayang nakatulugan na pala niya ang pag-iyak. Nakatulog siya sa batuhan at ngayon ay hindi niya inaasahan na buhat-buhat siya ng lalaking araw-araw siyang sinusungitan.

"A-Anong ginagawa mo?" mahinang tanong niya.

Hindi ito sumagot.

"I-Ibaba mo ako," aniya sa binata.

Muli ay hindi ito nagsalita. Tuloy-tuloy itong naglakad habang buhat-buhat siya.

Nakarating sila sa mismong bahay nito. Pinasok siya ng lalaki doon at pinaupo sa papag. Walang imik na iniwan siya nito doon at nang makabalik ay may dala na itong isang basong tubig.

"Inumin mo," utos nito.

Ni wala man lang halong pagka-ginoo sa boses at mukha ng lalaking ito. Inabot niya iyon at ininom. Napagtanto niyang hindi lang pala iyon basta-bastang tubig. Medyo mapait ang lasa niyon.

"Para makatulog ka," kibit-balikat na sabi nito nang nag-angat siya ng tingin.

"Bakit mo ako dinala dito?" tanong niya.

"Nakakasawa kang pakinggan," diretsong sagot nito.

Nilapag niya ang baso at napabuntong-hininga.

"Alam mong gabi-gabi akong umiiyak sa lugar na iyon pero bakit gabi-gabi ay naroroon ka rin? Kung nakakasawa akong pakinggan, maghanap ka ng lugar kung saan ay tahimik kang makakapag-tambay. At bakit mo ba ako pinapakailaman? Akala ko ba walang pakialamanan?" aniya at tumayo.

"Nakatulog ka doon at malamig kaya paanong hindi kita papakialaman?" salubong ang kilay na tugon nito.

"Natulog ka rin naman na mainit at pinakialaman kita tapos nagalit ka pa. Anong pinagkaiba doon?" iritadong tanong niya.

"Umuwi ka na lang at doon ka matulog sa bahay niyo," anito at tumalikod.

Napabuntong-hininga siya. Bakit ba siya nakikipagtalo sa lalaking ito?

Akmang hahakbang siya nang bumalik ang binata. Salubong pa rin ang kilay nito.

"Liligawan ka ng lalaking iyon?"

Napakurap siya sa tanong nito.

"Ha?" naguguluhang tanong niya.

Marahas itong napabuntong-hininga.

"Si Leo, liligawan ka niya?" ulit nito.

Muli ay napakurap siya. Nawala na iyon sa isip niya.

"Oo pero hindi ko pa naman sinabing ayaw kong magpali—"

"Tatanggapin ko ang alok mo, huwag ka lang magpaligaw," putol nito sa sasabihin niya.

Gulat siyang napatitig sa mga mata nito.

"Anong—" natigil siya sa pagsasalita at bahagyang napaatras nang inisang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa.

"Ipapahiram ko sa'yo ang katawan ko. Magiging alipin mo ako basta huwag kang magpapaligaw kay Leo o sa kahit na kanino, naiintindihan mo ba?" mariing sabi nito, tila galit pa, sabay hapit sa beywang niya.

Halos matulala siya sa pagkabigla. Tama ba ang...narinig niya?

To be continued...

A/N: Accckkk! Bakit ang hot ni Hunter?🥺🥺😍😍

Disclaimer: This story is 90% hot and wild scenes. Hehehe.

Continue Reading

You'll Also Like

30.4K 1.8K 53
marriage happened without knowing that who are they now let see what happened after marriage of arsu will balram accept him? will hastinapur expect...
2.3M 198K 94
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
8M 184K 167
《你丫上瘾了》 by Chai Ji Dan Addicted: Book One - The Inquietude of Youth "有一些人就像毒品,沾了一口,此生难戒。" Some people are like drugs, with just one taste, you will b...
900K 13.2K 36
Ivy Williams had always aspired to complete her university journey without any interruptions or complications. However, not even two months into her...