Broken Days (SUAREZ SERIES #3)

By MyMischievous_M

3.8K 95 13

Maria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focu... More

Broken Days
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 35

60 1 0
By MyMischievous_M

Goodbye


Buong gabi kong pinag-isipan ang text ni ate Rosa. Hindi ko alam kung bakit ganito. Buo ang desisyon ko na tumakas sa kamay ni daddy at hanapin si mommy pero bakit ngayon ay nagdadalawang isip ko? Dahil ba kay Edward? Napabuntong hininga ako at mas lalong niyakap ang sarili. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Selfish ba ako kung sasabihin kong...ayaw kong umalis at manatili na lang sa tabi ni Edward?

Pero mali ito. Hindi dapat ganito. Hindi habang buhay ay makakapagtago ako sa likod ni Edward at mas lalong ayaw kong madamay ang pamilya niya sa gulo ko! Pnigurado akong mas hinahanap ako ngayon ni daddy. At natatakot akong pagnalaman niyang nandito ako sa puder ng isang Suarez ay lalong magkagulo. Ayaw kong magkagulo.

Ako to Rosa Mendoza:

Ate Rosa...pupunta po ako.

Pagkatapos no'n ay nahiga na ako at pilit pinikit ang mga mata. Kailangan ko nang umalis. Magpapaalam ako kay Edward bukas...tapos syaka ako aalis. Pero paano kung...pigilan niya ako? Kinabahan ako sa isiping 'yon. Napabangon ako at dahan dahang binuksan ang pinto ng aking kwarto. Ngunit natigilan ako nang makitang nakabukas ang pinto ni Edward, babalik na sana ako sa aking kwarto nang marinig ko ang boses niyang may kausap sa cellphone.

"Mom...hindi ako mapapahamak dito. Ayaw na ni Jez sa daddy niya at alam ko ang dahilan. At ayaw ko rin namang ibalik siya sa daddy niya. She'll be miserable," Edward said. Umawang ang labi ko nang mapagtanto na ako ang pinag-uusapan nila. 

"Pero Edu...alam mong hindi basta basta ang daddy niya! Her father is a senator and a businessman! Alam mo kung gaano kagulo ang mundo ng tatay niya! Pwede namang sabihin na lang natin na nandyan siya tapos-"

"Mom...I can handle it okay?" putol ni Edward sa sasabihin ng mommy niya. Nakaloud speaker pala ang tawag kaya mas lalo kong naintindihan ang tawag. Mabilis akong pumasok sa aking kwarto at sa nanlalamig na mga kamay nagbuhay ako ng phone at sinearch ang mga nangyayari sa social media at doon trending pa rin ang paghahanap sa akin.

May kung anong takot ang lumukob sa akin. Hindi na dapat ako sumama kay Edward. Hindi na dapat ako tumira o tumapak dito ng ganito katagal! Mapapahamak si Edward! How stupid of me not to think of that?!

Mabilis akong nag-impake ng mga gamit ko at habang ginagawa ang mga 'yon ay patuloy na rumaragasa ang luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay mas lalong nawawasak ang puso ko. Maling mali ang pag-iisip ko na makakasama ko pa ng matagal si Edward. Ang lahat ng naramdaman ko habang kasama siya ay isa lamang panandaliang kasiyahan. 

At natatakot ako na dumaan man ang maraming taon, hindi ko malilimutan ang mga pinagsamahan namin. I wiped off my tears and turned off the phone I borrowed from him. Tama nga ako, hindi ako hahayaan ni Edward na umalis sa kanyang poder at masakit man sa akin ito pero kailangan ko siyang iwanan ng walang pahintulot niya.

Kumuha ako ng isang papel at ballpen at mabilis na nag-isip ng isusulat doon pero hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng gusto kong isulat sa gusot na papel na 'yon...isa lang ang nalagay ko.

Edward...thank you...and goodbye.

I feel like my heart is breaking into tiny pieces. Sobrang pait at sakit. Pinaghalo halong sakit ang nararamdaman ko ngayon. Gustuhin ko mang sundin ang puso ko at mahalin siya katulad ng pagmamahal niya sa akin pero hindi pwede. Sa lahat ng pinagdadaanan kong ito...nagpapasalamat pa rin akong nakilala ko ang isang Edward Gab Suarez. Hinding hindi ako magsisisi na nakilala ko siya.

Inintay kong lumalim ang gabi bago unti-unting lumabas ng aking kwarto. Sinigurado kong wala akong magagawang ingay hanggang sa makarating ako sa labas ng rest house. Malungkot kong pinagmasdan ang rest house at isang luha ang tumakas sa kaliwa kong mata. 

"I'm...sorry...Edward," and I love you.

Tumalikod ako roon at habang naglalakad palayo unti-unti ring nagbabagsakan ang mga luha ko. Kung sana lang ay nagkita tayo sa tamang panahon siguro ay hinding hindi ako lalayo. Ngayon lang ako nakakilala ng isang lalaking tulad mo. Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking mamahalin ko ng ganito. 

Sobrang bigat ng dibdib ko habang sumasakay ng bus pabalik sa Lucena. Kada pipikit ang aking mata ay mukha niya ang nakikita ko. Hindi ko alam na ganito pala kasakit. Sobrang sakit isipin na ganito kami hahantong. Naisip ko tuloy si mommy. Ganito rin ba ang nararamdaman niya ng lumayo siya sa taong tunay niyang minamahal? Ganito ba rin ang sakit na naramdaman niya?

Bumuntong hininga ako ng sumigaw ang kondoktor na nasa Lucena na kami. Umupo ako sa sulok ng terminal at naghintay kay ate Rosa. Buong magdamag akong gising at palingon lingon sa paligid para mahanap si ate Rosa. Ngunit halos magtatanghali na ay wala pa rin siya. Halos kumalam na rin ang tiyan ko dahil sa gutom. Kaya naman bumili ako ng instant noodles at habang nag-iintay ako ng mainit na tubig ay napatitig ako sa tv na nagpeplay sa tindahan.

"Nagkaroon na ng tuldok ang paghahanap ni Senator Juando Nicio sa kanyang nawawalang anak na si Jezebel Nicio. Napag-alaman ng senador na nasa puder ng mga Suarez ang kanyang anak kaya naman naghahain ng kaso ang senador sa nasabing pamilya dahil sa pagtatago..." halos mabingi ako sa narinig. Mas lalong nanlamig ang kamay ko. Para akong napako sa aking kinatatayuan.

What? Paanong...Paanong nalaman 'yon ni daddy?!

Pakiramdam ko ay mas lalo pang bumigat ang nararamdaman ko. Hindi ko na naintay ang mainit na tubig at mabilis na kumaripas ng takbo patungo sa paradahan ng jeep para magtungo sa bahay. Hindi ko alam kung nasa Lucena pa rin ba si daddy pero kailangan ko siyang makausap.

"No...please...'wag ang mga Suarez..." nanghihina kong bulong habang dumadaloy ang luha sa aking pisngi. Hindi ko maintindihan kung paano nalaman ni daddy. Kaya nga ako umalis ng walang pasabi kay Edward para hindi mangyari ang ganito but it  still happened!

Umigting ang panga ko at nagpara sa tapat ng gate ng subdivision. Pinakita ko sa guard ang aking residency at tinakbo ko ang daan patungo sa bahay. Hindi pwedeng madamay ang mga Suarez. Hindi pwede. 

Hindi pwedeng madamay si Edward. No.

Natigilan ako nang makita ko ang maraming media sa labas ng bahay at hinaharangan lang sila ng mga tauhan ni daddy! Umigting ang panga ko at walang pag-aalinlangang sumugod doon.

"Si Miss Jezebel! Ang anak ni Senator Juando!" narinig ko ang gulat sa kanila ng makita nila ako. Nagulat  din ang mga tauhan ni daddy kaya nawalan sila ng pagkakataon na harangan ang mga media na sugurin ako. Halos maipit ako sa kumosyon at maraming flash ng camera ang tumutok sa aking mukha. Pero bilang isang anak ng sikat na politician at businessman hindi na bago sa akin ang ganito.

"Totoo po bang tinago ka ni Mr. Edward Suarez, ang anak ng Congressman Suarez mula sa 'yong ama?"

"Naglayas po ba kayo? Ano pong dahilan ng paglalayas niyo?"

"Ano pong relasyon niyo kay Mr. Edward Suarez? May namamagitan po ba sa inyong dalawa?"

Bumuntong hininga ako sa mga sunod sunod nilang tanong. Pilit silang tinutulak ng mga tauhan ni daddy pero mapilit sila at tinututok ang iba't ibang recorder malapit sa aking mukha.

"Hindi ako tinago ng mga Suarez at walang namamagitan sa amin ni Mr. Edward Suarez," seryoso kong sinabi at aalis na sana doon ng may magtanong ulit at pigilan ako.

"Ngunit mismong si Edward Suarez na po ang nagsabi na nando'n ka sa kanila at biglang nawala ng hindi nagsasabi sa kanya! Lumapit siya sa'yong ama para hanapin ka. Ano po ba do'n ang totoo?" natigilan ako roon. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. What? Edward...went to dad and asked about me? 

'Yon ba ay dahil bigla akong nawala? Napapikit ako ng mariin. That's why! 'Yon ang dahilan kung bakit nalaman ni daddy! Why would he do that? Nag-aalala ba siya baka kinuha ako ni daddy ng hindi niya nalalaman? Damn! I left a note there! Hindi pa ba 'yon sapat para malaman niyang umalis na ako?!

Hindi na ako nagsalita nang mahila na ako ng mga guards papasok sa mansion. Malalim akong huminga at mabilis na pumasok at hinanap si daddy. Nakita ko si Paula, ang kabit ni daddy na nanay ni Patricia. May mga tao talagang sadyang makakapal ang mukha. Umigting ang panga ko at nilampasan siya para pumasok sa office ni daddy.

"Itigil mo ang kaso dad," mariin kong sinabi nang makita ko si daddy na prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair. Nang makita niya ako ay nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Lalapit sana siya sa akin ngunit umatras ako na agad niyang nakita.

"Pinag-alala mo ako Jez-"

"Ang sabi ko iatras mo ang kaso! Walang kinalaman si Edward dito!" singhal ko. Ramdam na ramdam ko ang napupuno kong galit para sa aking ama.

"Sobra akong nag-alala sa'yo pero 'yan ang una mong sasabihin sa akin?" nakita ko ang galit na namuo sa mata ni daddy.

"Tandaan mong ako pa rin ang ama mo! Ako pa rin ang  magulang mo! Ako pa rin ang nagbabayad sa lahat ng kapritso mo na hinding hindi maibibigay ng ina mo!" galit na galit niyang sinabi.

"Hindi ko hiningi lahat ng binigay mo dad!" natigilan siya nang makita ang luhang lumandas sa aking pisngi. Marahil ay ngayon niya lang ako nakita na ganitong kahina.

"Isa lang ang gusto ko...'yon ay ang magkaroon ng masayang pamilya," humikbi ako roon habang ramdam na ramdam ko ang pagkawasak ng puso ko. Wala na. Wala na ang pamilya na kinalakihan ko. Minsan kong pinangarap na magiging masaya kami ngunit hindi 'yon nagkatotoo.

"Paano tayo sasaya kung may mahal na iba ang mommy mo? Hindi mo ba 'yon naiintindhan Jez? Iniwan tayo ng mommy mo dahil sa lalaki niya!" 

"Because you didn't let her to love you dad! All you did was to hurt her because you are under of your insecurities! Ang akala mo...ay bulag si mommy sa'yo pero hindi!" halos mapaos na ako sa pagsigaw. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha na humaharang doon.

"Hindi...dad...sinubukan ni mommy na mahalin ka...pero hindi mo siya hinayaan," nawasak ang boses katulad ng pagkawasak ng puso ko. Suminghot ako at umiling. "Imbes na maging mabuti mas lalo mo lang siyang sinaktan...and without you knowing...pati ako nasasaktan," 

"Jez..." nabasag ang boses ni daddy. Alam kong mahal na mahal ako ni daddy. I am his only daughter after all...pero hindi ko pa kaya. Hindi ko talaga kaya na manatili pa sa kanya. Parehas lang kaming masasaktan kapag pinilit namin ang mga bagay na wala na sa aming kontrol.

"Can you please...stop it with the Suarez?" nanghihina kong tanong. Natigilan siya sa pakiusap ko. Marahil ay may napansin.

"May relasyon ka ba sa binatang 'yon-"

"Wala," putol ko sa kanyang sinasabi. Bumuntong hininga siya at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

"Fine. Ititigil ko ang demanda pero...sa isang kondisyon...please...be my heiress. Ikaw lang ang gusto kong maging tagapagmana, Jez." halos makiusap ang kanyang boses.

Ayaw ko. Sobrang ayaw ko pero kung ito ang paraan para tigilan niya ang mga Suarez...gagawin ko.

"I will. I'm gonna be your heiress," sabi ko. Tumango si daddy at nilapitan ang kanyang telepono at may tinawagan. Nang sinabi niyang itigil na ang demanda sa lawyer ay napahinga ako ng maluwag. Ngayon ako naman.

"Gusto kong mapag-isa sa America..." sambit ko. Natigilan si daddy sa sinabi ko.

"Jez-"

"I won't be your heiress if you didn't let me." matapang kong sinabi. Wala nang nagawa si daddy at tumango na lang.

I want to leave this place. Gusto kong maghanap muna ng lugar...kung saan malaya akong makakahinga. Wala ang gulo ng mga media, ang kayamanan ni daddy, ang kabit ni daddy, ang nawawalang si mommy...o kahit ang pagmamahal ko kay Edward.

Sana ay may lugar na gano'n. At kung sakaling hindi ko ito matagpuan...babalik ako. At sa pagbabalik ko...gusto kong magsimula muli para hanapin ang lugar na makapagpapasaya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

38.4K 2K 55
Noah. Lorenzo. Elaine. Three people caught in a whirlwind of love, friendship, and betrayal. Lorenzo likes Elaine and he's going to do everything to...
48.6K 1.4K 52
Play the Set Series #3 Iska Sumilang is an aspiring writer and screenwriter who chase after her dream. She wants to be big someday. Klaro kung anong...
933K 32.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.9K 503 53
Aria knows exactly what it's like to fall in love, thus, she knew that being trapped in this unrequited love wouldn't be easy for a true-blue heart...