Dark Dominant: Conquer You

By ririmuruchan

1.5M 12.7K 2.2K

Dark Romance, Strong Sexual Content Not for kids This story is a sexual fantasy, if its not your type of stor... More

01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
38
38

30

22.9K 284 120
By ririmuruchan

TUMIGIL ang sasakyan sa harap ng tila isang Mansyon! Sumilip ako sa labas ng bintana at nagulat sa dami ng taong puro nakabihis ng magagara at makikintab na damit mayroon pang mga tila reporter na kumukuha ng litrato sa bawat taong papasok ng malaking gate

Lumabas na si Lauro ng sasakyan at inabot ang kanyang kamay upang alalayan akong bumaba. Tumingala ako upang tingnan siya at ang walang emosyon niyang mukha ngunit hindi iyon naging dahilan upang hindi mapansin ang kanyang kakisigan. Nakasuot siya ng itim na suit at nakaayos ang kanyang buhok palikod na sobrang bumagay sa kanyang matapang na anyo.

"Hanggang kailan mo 'ko paghihintayin dito Mayumi" nawawalan ng pasensyang sabi niya. Nakakunot ang kanyang noo at halos salubong na ang kilay.

"P-pasensya n-" di ko na natuloy ang aking sasabihin nang hilahin niya ang aking kamay upang lumabas ng sasakyan.

Nawalan ako ng balanse at muntikan nang mabuwal sa pagkakatayo nang maagap niya akong sinalo sa aking baywang.

"Don't make me lose my temper tonight or else God knows what I will do to you" 

Kinabahan ako sa sinabi niya kaya walang alinlangan akong tumango 

"Wag kang aalis sa tabi ko at wala kang kakausaping lalaki, naiintindihan mo?"

tumango nalang ako sa kanya ulit ngunit hindi siya nakuntento at pinisil niya ang aking bewang

"Sagot"

"O-oo sa tabi mo lang ako, hindi ako makikipag-usap sa kahit sinong lalaki"

"siguraduhin mo lang" sabi niya at tuluyan na akong hinila papasok ng Mansyon

Nakapalibot nanaman ang kanyang isang braso sa aking bewang habang naglalakad kami. Pagkapasok ng gate ay agad akong kinabahan. Dumiretso kami ni Lauro sa isang mahabang lamesa.

"Engineer!" 

sigawan ng ilang kalalakihan habang papalapit kami ni Lauro. Nilingon ko siya ngunit walang pinagbago ang kanyang mukha na salungat sa mga taong bumabati sa kanya. Gamit ang isang kamay ay nakipag kamay siya sa mga taong bumati sa kanya na tinutugunan niya ng tango

"Congratulations for your new project Engineer Valerio! I'm sure na magiging successful yon dahil ikaw ang maghahandle"

ngumiti si Lauro at nagpasalamat sa kanila at muli akong hinila paalis

"They're our investors so i need to greet them first" sabi niya sa akin na ikinagulat ko pero sa huli ay tumango nalang ako sa kanya.

"Lauro!" Kumakaway na tawag ng isang lalaki

"Engineer Raios" bati pabalik ni Lauro nang makalapit kaming dalawa. Pinaghila niya ako ng upuan bago umupo sa aking tabi. Iginala ko ang aking paningin at bigla akong nakaramdam ng hiya dahil nasa akin ang atensyon ng mga ito

"seems like you have a lovely date for tonight?" 

napatingin ako sa tinawag niyang engineer Raios at nakatingin din ito pabalik sa akin. Naramdaman ko ang paglagay ni Lauro ng kanyang braso sa sandalan ng aking upuan na ikinaderetso ko ng upo.

"Yeah, this is my girl Mayumi" walang pasakalyeng pakilala niya sa akin. Napalingon ako sa kanya at gusto kong malaman kung bakit niya sinabi iyon sa harap ng mga katrabaho niya.

"What about Serena? I thought she's  your long time girl?" sagot ng lalaking nasa harap ko. Mariin siyang nakatitig kay Lauro at parang gusto niya itong sugurin ano mang oras. 

"Aren't you happy that she's not my girl anymore?" seryosong sabi ni Lauro na ikinabilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam ngunit mayroong matinding pangamba akong nararamdaman.

Serena? Kasintahan ba ito ni Lauro?

"Asshole" akmang tatayo na ito upang sugurin si Lauro ngunit maagap na pinigilan ito ni Engineer Raios

Tumingin ako kay Lauro at nakangisi lang ito habang pinapanood ang lalaki na nanggagalaiti sa galit.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari at kung sino ang Serena na pinagtatalunan nila. Walang alinlangang umalis ang lalaki at iniwan ang lamesa

"Man, hindi talaga pwedeng magkasama kayo sa iisang lugar ano?" umiiling na sabi ni Engineer Raios. Tahimik lang naman na nakamasid ang tatlo pang lalaki na kasama namin sa mesa. Hindi ako komportable sa mga tingin na ibinabato sa akin ng mga ito at parang gusto ko na lamang umuwi.

Maya maya lang ay nagsalita na ang host sa stage at pansamantalang napunta doon ang atensyon. Gumapang ang kamay ni Lauro papunta sa aking kandungan at pinisil ang aking kamay.

"What are you thinking?" 

"w-wala"

"Just look at me. I forbid you to look on other men, got it?" huminga ako ng malalim at tumango sa kanya.

Nagtagal pa ang titig niya sa akin at pareho kaming natigilan nang marinig namin ang pagtawag sa kanya papunta sa stage upang magbigay ng speech. 

Nahihiyang napakagat labi nalang ako nang mapunta sa amin ni Lauro ang atensyon ng lahat. Hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko kaya ako na ang kusang nagalis ng kanyang kamay sa akin

"T-tawag ka sa stage" 

"I'm watching you, don't go anywhere"

Tumayo na siya at naglakad papunta sa stage. Biglang napunta sa kanya ang atensyon, nang makatuntong siya sa stage at nagsimulang magsalita tungkol sa proyekto nila ay hindi ko mapigilang mamangha. Siya ba talaga ang Lauro na sapilitan akong kinulong sa mga bisig niya? Madalas niya akong angkinin at sabihan ng mga salitang pilit kong isinasantabi dahil alam kong kapag nagsawa siya ay walang alinlangan niya akong iiwan.

Dapat bang matuwa ako kapag nangyari ang bagay na iyon?

Inalis ko ang tingin kay Lauro at gusto ko sanang umalis sa upuan ko upang mapag isa at makalanghap ng hangin ngunit alam kong hindi pwede.

"Mayumi right?" 

Nagangat ako ng tingin at naabutan ko ang alanganing ngiti ni Engineer Raios sa akin.

"So, saang club ka nakita ni Lauro? Don't get me wrong you really look stunning kung hindi ko kilala si Lauro malamang iisipin kong seryoso siya sayo" kaswal na sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung paanong tila namanhid ang mga kamay ko at namanhid ang aking dibdib

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Oh damn, he didn't tell you? " umiiling na sagot niya sa akin

"Just don't get too attached with him, he always use girls to make her girlfriend jealous"

"girlfriend?" diko sinasadyang ulit sa sinabi niya dahil sa gulat

"Yeah, Serena she's his long time girlfriend"

Nakatitig siya sa akin na parang tinatantya ang aking reaksyon. Nag iinit ang aking mga mata kaya't kinuyom ko ang aking mga palad sa ilalim ng mesa. Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga bisita tanda na tapos na si Lauro sa kanyang speech

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili dahil alam kong palapit na si Lauro sa aming mesa

Gaya ng palagi niyang ginagawa ay naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang isang braso sa aking bewang. Nakatingin lamang ako sa baso na tila ba andon ang sagot sa lahat ng gumugulo sa aking isipan

"Baby"

Gumapang ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking hita kaya sapilitan akong tumingin sa kanya. Seryoso ang kanyang mga mata at hindi alintana ang aming mga kasama sa mesa.

"I told you to never talk to anyone"

Muli kong pinakalma ang aking sarili at tinanggal ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking hita. Pakiramdam ko ay punong puno ang aking dibdib ng sari saring emosyon at gusto kong lumayo sa kanya. Tumayo ako at kita ko ang gulat sa kanyang mukha

"Pupunta muna akong rest room" tumalikod na ako sa kanya ngunit hinawakan niya ang kanang kamay ko

"Fucking sit down Mayumi"

"bitiwan mo 'ko" sagot ko sa kanya at pilit na hinihila ang aking kamay palayo sa kanya. Alam kong nasa aming dalawa ang atensyon ng mga kasama namin at wala na akong pakialam para isipin pa sila

"alright, sasama ako" di ako makapaniwalang tumingin sa kanya at parang gusto kong umiyak sa sama ng loob

"Kaya kong pumunta-"


"Craig!!!!!!!" Pareho kaming natigilan sa malakas na boses na iyon. Binitiwan ni Lauro ang aking kamay at walang anumang tumalikod sa akin upang hanapin ang pinanggalingan ng boses.

Malaki ang ngiti ng isang babae habang papalapit kay Lauro. Natigilan ako at parang natulos sa kinatatayuan ko. Dumuduyan ang kanyang mahaba at kulot na buhok, napakaamo ng kanyang mukha at para siyang isang prinsesa na kinagigiliwan ng lahat. Bigla akong nakaramdam ng pangliliit sa aking sarili.


"Architect Serena" rinig kong sabi ni Lauro

"Alam mong ngayon ako babalik pero hindi mo 'ko sinundo" mabining sabi nito

Nagulat ang lahat nang iangkla nito ang dalawang braso sa leeg ni Lauro at madiin itong hinalikan. Nakita ko ang paghawak ng mga kamay ni Lauro sa bewang nito, sobrang sakit na ng aking dibdib at mas lalong nag init ang aking mga mata. Mabilis akong tumalikod at naglakad nang may humarang sa aking dadaanan.

Si Karen. Tinitigan niya ang aking mukha at ngumisi.


"I told you. You look cheap"

Nilagpasan niya ako at hindi ko na napigilan ang pag agos ng aking luha. Hindi ko alam kung para saan, dahil ba walang alinlangan akong binitiwan at tinalikuran ni Lauro o dahil sa kahit anong gawin kong ayos muka pa din akong cheap.

Binilisan ko ang lakad papalabas ng Mansyon. Gusto kong umalis. Kahit saan, kahit wala akong dalang kahit ano gusto ko lang lumayo sa lugar na ito.

Pinupunasan ko ang aking luha habang naglalakad sa hindi ko alam na direksyon. Bahala na kung saan ako ngayong gabi. Gusto ko nang umuwi at makita sila Nanay. Mas lalo akong napahikbi dahil ang layo layo ko kila Nanay at ako lang mag isa ngayon



"Yumi!"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa pamilyar na boses. Gamit ang nanlalabong mga mata ay inikot ko ang paningin ko. Guni-guni ko lamang ba iyon?

Bigla kong naramdaman ang sobrang higpit na yakap mula sa aking likod. Sobrang higpit at bigla akong napahagulgol

"Hinahanap kita! Ang tagal kitang hinahanap saan ka nagpunta?" bulong neto sa akin habang nakabaon ang kanyang mukha sa aking batok. Humawak ako sa kanyang mga bisig at sunod sunod na nagtuluan ang aking luha



"Jude" nanghihinang sabi ko at naramdaman kong dumilim ang buong paligid.





-












./ hehe sorry na ang tagal ng ud huhu daming distractions everytime na nagttype na'ko ng ud wehe. Enjoy

Promise ud ako agad typing nako sa next chap, 'di to scam xddddd 

./ comment kayo sa mga typo and wrong grammar, di ko na proof read. Ty!







Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...